Ayesha's POV
Saturday na! Yeah!
Nandito ako magisa sa bahay, syempre si Dad nasa School doing some paperworks, si Mom naman, may Business Trip. Kaya solo ko ang bahay. Tahimik akong nagla laptop sa kwarto ko nang tumunog yung phone ko.
Si Louise, tumatawag. Baka magyayaya na naman to sa mall.
"Yeah? Louise, pass muna ako ng--"
"I didn't call you for that." Ang seryoso masyado ng boses nya. Parang..
"May nangyari ba?"
"Pumunta ka na lang daw dito kanila Vincent. Urgent lang"
"Bakit daw?"
"Ewan ko. Kayo na lang ni Ethan ang inaantay."
"Sige. Give me 20 minutes"
Agad na akong nag ayos ng sarili ko. Mukhang masyadong seryoso ang pag uusapan namin ah? Simple lang ang sinuot ko. Blouse, Jeans At Rubber shoes lang.
Nasa kotse ako ( na may driver -__- ) nang matanaw ko si Perez na may kasamang babae. Nakaakbay pa sya. Wow! Girlfriend nya? Himala at may pumatol pa sa kanya. Okay, ano naman palang pake ko diba?
"Ang tagal mo!"-- bungad sa akin ni Mike
"Eh kase bakit biglaan? Pahinga ko ngayon nuh!"
"Read this" sabi naman ni Ethan na naunahan ako sa pagpunta dito.
May inabot syang papel sa akin. Binuklat ko yun at may sulat sa loob.
Ayesha,
Hindi kami masaya sa ginawa mo sa mga ka members namin. At dahil dyan, magbabayad ka at ang grupo mo.
Watch out for your latest friend. He might be our next target.
--- Black Ace Gang
May inabot pa ulit sa aking picture si Ethan. Picture namin ni Steve nung una kaming nagkita at nagtititigan kami ng masama.
The hell! Nagkamali sila ng hinala!!
"So..." Vincent
"Mali sila! We're not even friends!"
"Sa palagay mo ba, maniniwala sila sa iyo?"
No. Hindi sila maniniwala dahil iisa lang ang pinaniniwalaan nya. Yung mga sarili nila. And that's a crap!
"So what's your plan?" Nang iinis pang sabi ni Mike
"We better keep an eye on that stupid jerk! Responsibilidad nating protektahan ang mga estudyante ng Academy"
Kahit na ayaw ko, wala naman akong magagawa. Kailangan ko 'tong gawin dahil masyadong mapanaganib ang Black Ace.
Kahit gusto kong lumayo sa lalaking yun, mukhang pinaglalapit talaga kami ng pagkakataon.
= Sunday Morning =
Nagising ako dahil sa tunog ng lintek na Cellphone ko.
"SINO BA 'TO?!" bulyaw ko.
"Tsk! Urgent! Mukhang sinusundan ng Black Ace si Steve."
"For whatevers sake! Its just 6;30 in the morning! Hindi nyo ba kayang i handle yan?"
"Hindi, kasi mahahalata nya kami."
Umayos na ako ng upo. Leche! Gusto ko ngang bumawi ng tulog eh!!
"Where?"
"Eastville Village"
Agad na akong nagbihis at umalis ng bahay kahit na hindi pa ako kumakain. Bwisit na Perez yun!!
~ Eastville Village ~
Inihinto ko yung motor ko nang matanaw ko si Perez. Wala syang kasama at mukhang nagpapahangin lamang sya.
Napansin ko namang sa isang tabi sa may tagong lugar ay parang may mga taong nakatingin sa kanya. Siguro hindi pa nila ako nakikita.
Pinaandar ko ang motor ko nang mabilis kaya nausukan sya sa mukha nya.
"Hoy!! Marunong ka bang magmaneho ng maayos?"
"Anong akala mo sa akin, tanga?!" bulyaw ko din sa kanya.
"Tsss"
Inirapan nya lang ako at muling naglakad. Tsk! Kung hindi ko lang kailangang gawin to, baka sinagasaan ko pa sya!
Bakit ba kase.. Arghh!!
"Hoy anong balak mo?" sigaw ko sa kanya
"Saan na naman?" sigaw nya din
"Sa buhay mo?!"
"Tantanan mo ako ngayon Ayesha! Give me a break!"
Pa- Give me a break, give me a break pa syang nalalaman dyan! Akala mo naman ilang taon ko na syang hinahabol! Hah!! In his face, never ko yung gagawin!! Atsaka kung may choice lang ako, pinabayaan ko na syang mabulok dyan sa tabi tabi.
"Perez!!!" sigaw ko ulit nang maglakad na naman sya.
"Ano ba?"
"About the pl--"
"Ano?"
"Pwede bang patapusin mo muna ako?"
"*nods*"
"Yung play, sa November na gagawin. Sa Foundation Day daw itatapat yun. Baka daw next week tayo mag start ng practice"
"Oh? Anong gagawin ko?"
"Wala!! Lumayas ka na nga!!"
Umalis na ako.. Pero syempre joke lang yun! Tss..
Sumusunod lang ako sa kanya ng kaunti at sinundan sya ng dahan dahan. Kaso hindi ko inexpect yung sumunod na nangyari.
"Ms. stalker ka ba?"
"Ay palaka!"
"Ako palaka? Grabe ka naman!"
Naningkit ang mga mata ko. Nasa harapan ko mismo ang isang lalaking maputi, gwapo pero antipatiko. Feeling close! Leche!
"Tss.. Hindi!"
"Eh ano ka?"
"Dyosa. Pwede ba, lumayas ka dito!"
"Ayoko nga!"
Gusto ko na syang sagasaan pero kumalma ako. Tinignan ko sya at aba, ngumisi pa. Umisip ako ng isang paraan where I can hit two birds with just one stone.
"PEREZZZZZZ!!!!! TULONG!!"
"Sht! Hoy miss, wala naman akong g--"
"TULLLOOOONNNGGGG!!!!"
Maya maya eh nasa tabi ko na sya. Oh diba? Tinignan ko yung lalaki at nakatingin sya sa akin na parang sinasabi na "Nababaliw ka na ba miss?". Ngumisi ako.
Its nice that I'm good at acting.
"Ano ba yun?" tanong nya. Mas pinagbuti ko pa yung acting ko.
"He.. he wants.. *sob* to drag me into.. *sob* nowhere"
"WH--"stranger
"Hey Mr! Its not nice to did that on a girl!"
"Per--"
"Leave. Or I'll kick you off this place"
Tumingin yung boy sa akin ng masama at bumulong pero nai lp read ko yun.
"You'll pay for this"
Tuluyan na syang umalis. Humarap naman ako kay Perez.
"Wow! Para namang hindi mo yun kayang sapakin!"
"Tss.. I don't hurt people without a reason,jerk!"
"Hindi pa ba reason yun?"
"Hindi pa sapat"
"Whatever.. Tara, stroll na lang tayo?"
"Bakit naman ako papayag?"
"Kahit hanggang bahay lang! Payback na lang sa ginawa ko"
"Tsss"
Sumakay ako sa motor. Pasalamat sya, may dala akong extra na helmet palagi. Smakay na din sya at humawak doon sa likuran ng motor. Naisip kong ihulog sya, pero dahil mabait ako, hindi ko na yun ginawa. Kaya binilisan ko na lang bigla yung takbo. Kaso.. humawak sya bigla sa bewang ko ng mahigpit kaya bigla akong napa preno.
"ARE YOU TRYING TO KILL ME?!" sigaw nya
"GET YOUR HANDS OFF ME!"
"BIGLA MO KASING BINILISAN!"
"THEN DAPAT DOON KA SA LIKOD HUMAWAK!"
Buti walang tao sa street na 'to kundi baka mai report pa kami sa baranggay dahil sa kaingayan namin.
"Bilisan mo na. Doon na sa dulo bahay namin, yung may black na gate."
"Mukha ba akong driver?"
"BILIS NA!!"
Bossy! Ihulog ko 'to eh! Ako, si Ayesha Anne Madrigal, sinisigaw sigawan nya lang at iuutusan?! Aba aba!!!
Nang makadating sa bahay nila..
"Baba na! Ihulog kita eh!"
Agad naman syang bumaba. May lumabas ding babae.. Wait! Sya yung nakita ko kahapong kaakbay nya ha?
"KUYAAA!!!!" kuya?
"Vanessa, kanina ka pa?"
"Yep. Pinapapunta ako nila Tita eh * Tingin sa akin* Hi po! Sino po kayo?"
"Friend ko Ness" sabi ni Steve. Yuck! Friends??!! EWW..
"Talaga? Wow! Pasok ka po mua?"
"Uhh, wag na hehehe" sabi ko naman
"Vanessa po pala. And you are?"
"Ayesha."
Nag shake hands kami at ngumiti lang sya. Nagpaalam na din ako na malamang eh hindi matino.
"Hoy! Lumayas ka na!" sigaw ni Perez
"Tss talaga!"
Umalis na din ako at nag decide munang pumunta ng Jollibee. Nagugutom na ako dahil remember, hindi ako nag almusal dahil sa lalaking yun!
Nasa tapat na ako ng parking area at Pauwi na ako galing sa Jollibee. 12 pa lang at wala akong magawa. Sasakay na sana ako sa motor ko nang may kumalabit sa akin.
"WHAT?"
"Makasigaw? San ka galing?"
"Pake mo?"
"Tsss.."
"Obvious ba? Sa palengke. Malamang sa jolibee! Ano, nag park lang ako dito?"
"Ang haba ng sinagot mo grabe! Umayos ka nga ng sagot!"
"Umayos ka din kasi ng tanong!"
Obvious na kase itatanong pa! Bakit ba to nandito? Hinatid ko na to ah?
"May binili ako, wag ka mag isip ng kung ano!"
"Bakit, nagtanong ba ako?"
"Yung tingin mo kasi.."
Sumakay na lang ako sa motor ko at umalis. Mas mabu bwisit lang ako sa kanya! Pupunta na lang ako kanila Vincent.
"How's the boy?' tanong agad nya
"Nakakainis sobra! Ang sarap basagin ng mukha nya!"
"Chill ka lang! Baka ikaw pa makasakit doon kaysa sa Black Ace. Okay lang yan"
"Anong okay dun ha? Grabe! Halos matuyo ang dugo ko sa kanya!"
Tinawanan nya lang ako. Sabagay, Ang OA ko nga naman. Pero hindi nyo naman ako masisisi diba? Ang hirap kaya! Para akong nag aalaga ng batang 1 year old.
Tsk.. sana tantanan na agad sya nung Black Ace na yun!!
( So how's it po? Please commen, vote, follow and share po. Hehehe.. Lovelots ~ )