ODESSA'S REDEMPTION: THE FALL...

By angelodc035

79.6K 3K 578

FILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 WINNER (Highest Rank #10 in Horror and #2 in heroes) (79 in Magic)(HORROR... More

PROLOGUE
Chapter 1: SIN CITY
Chapter 2: THIRST
Chapter 3: HUNGER
Chapter 4: LIFE AND DEATH
Chapter 5: RANDY
Chapter 6: LAUREA
Chapter 7: CITY OF THE DAMNED
Chapter 8: CALISHA
Chapter 9: BLOOD MOON'S CURSE
Chapter 10: CHILDREN OF THE MOON
Chapter 11: CARNAGE
Chapter 12: CLAUDIUS
Chapter 13: BLOOD LEGACY
Chapter 14: MARO (MARIA ODESSA)
Chapter 15: ODESSA
Chapter 17: SAVING ODESSA
Chapter 18: THE JOKE
Chapter 19: THE REUNION
Chapter 20: VENGEANCE
Chapter 21: THE REVENGE
Mythological Beings and Creatures of the Philippines (Part 1).
Mythological Beings and Creatures of the Philippines (Part 2)
Mythological Beings and Creatures Of The Philippines (Part 3)
Chapter 22: THE ATTACK
Chapter 23: IT'S A BLOODY WORLD
Chapter 24: LAUREA'S FORTRESS
Chapter 25: THE CHILDREN
MYTHOLOGICAL CREATURES OF THE PHILIPPINES (Part 4)
Chapter 26: DEBT OF BLOOD
Chapter 27: LEAVING THE CHILDREN
Chapter 28: OUT OF FORTRESS
Chapter 29: BLOOD CHILDREN
Chapter 30: BLOOD EATERS
Chapter 31: DEMETRIA
Chapter 32: FAIRY'S BLOOD
Chapter 33: MYRHO
Chapter 34: TANDANG URSULA
Chapter 35: THE FOREST
Chapter 36: PREMONITION
Chapter 37: DEMETRIA'S MEMORY
Chapter 38: SANCTUARY
Chapter 39: SARANGAY
Chapter 40: THE FORBIDEN FOREST
Chapter 41: THE CENTER
Chapter 42: BANAUAL
Chapter 43: BLOODY NIGHT
Chapter 44: ODESSA'S MEMORY (Part 1)
Chapter 45: ODESSA'S MEMORY (Part 2)
Chater 46: LAUREA'S ABDUCTION
Chapter 47: BLOOD, GUNS AND VAMPIRES
Chapter 48: LOVE AND KISSES
Chapter 49: MINOKAWA
Chapter 50: MINOKAWA'S FURY
Chapter 51: THE BATTLE
Chapter 52: THE MORNING AFTER THE ATTACK
Chapter 53: THE MIRROR TELLS THE SECRET
Chapter 54: THE TRIUMPH
Chapter 55: THE SACRIFICE
Chapter 56: AT THE WEREWOLVES DEN
Chapter 57: THE BEGINNING OF THE END
Chapter 58: WARRIORS OF THE BLACK CROSS
Chapter 59: THE ROAD TO REDEMPTION
Chapter 60: THE LOST DAUGHTER
Chapter 61: A REALITY TO FACE
Chapter 62: VILLA HERMANUEVO
Chapter 63: THE REDEMPTION (Part 1)
Chapter 64: THE REDEMPTION (Part 2)
Chapter 65: ANILAOKAN
EPILOGUE
Acknowledgement!
About The Author
CAST OF CHARACTERS (first part)

Chapter 16: ESKRIHALA

946 42 6
By angelodc035

Patuloy sa pagbagsak ang naglalabang sina Odessa at Impong Amasale sa bunganga ng nangangalit na bulkang Taal. Nakamasid sa kanila mula sa kalangitan ang pulang buwan na tila nais makita ang kahihinatnan ng kanilang labanan. Unti-unting bumabaon na sa kamay ni Impong Amasale ang mahaba at payat na espadang bahagi ng Eskrihala. Ngunit malakas pa rin ang matanda sa kabila ng unti-unting pagbaon ng latigong Eskrihala sa kanyang leeg. Patuloy namang sumusunog sa leeg ng matandang aswang ang latigong Eskrihala na humihigop din sa kanyang lakas.

"Hinding-hindi mo ako matatalo babae! Wala pang sino man ang nakakatalo kahit na sino man kay Amasale." pasigaw na wika nito kay Odessa na nagngingitngit pa rin sa galit. "Walang sino man ang makakatalo sa akin, ikaw pa na isang baguhan pa lamang sa pakikipaglaban!" dagdag nito na pilit pa ring pinipigilan ang espada sa kanyang kamay na lumilikha na rin ng sugat sa kanyang dibdib.

Todo-lakas ang pagpagaspas ng matandang aswang sa kanyang malalapad na pakpak para mapigilan nito ang mabilis na pagbulusok sa bunganga ng bulkang Taal.

"Tama ka nga tanda! Napakalakas mo nga at hindi kita kayang talunin sa pamamagitan ng lakas!" pasigaw na tugon ni Odessa kay Impong Amasale.

Sa narinig na iyon ni Impong Amasale mula kay Odessa ay tila hudyat na iyon upang masabi niyang kanya na ang tagumpay. Pakiramdam niya na sumusuko na sa labanan ang babaeng bampira. Inilapit niya ang kanyang mukha kay Odessa at ikiniskis nito ang mahaba at maitim na dila sa mukha ng dalaga. Pilit na iniwasan iyon ni Odessa habang tumutulo ang laway ng matandang aswang sa sangang dila nito na tulad sa isang ahas.

"Mabuti naman at tinatanggap mo na ang iyong pagkatalo babae. Ngayon mapapasaakin na rin ang Eskrihala!" saad nito sa harapan ng mukha ni Odessa.

Amoy na amoy ni Odessa ang nabubulok na laman na nagmumula sa hininga ng matandang aswang na pilit niyang iniiwasan.

"Sayang ka babae! Malayo sana ang iyong mararating kung hindi ka nagtaksil sa mga kalahi! Kaya nararapat lamang sa'yo ay kamatayan!"

Itinaas ng matandang aswang ang kanyang kanang kamay para dukutin ang puso ni Odessa sa kanyang dibdib. Ngunit mabilis kumilos si Odessa na hindi inaasahan ng matandang aswang. Buong-lakas niyang binunot ang espada sa pagkakatusok nito sa kamay ng aswang at itinabak iyon sa umaatakeng kamay ni Impong Amasale. Naputol kaagad ang kamay ng matandang aswang at binalutan ng apoy ang naputol na kamay paglaglag nito. Sumigaw sa sobrang sakit si Impong Amasale at hindi nito matanggap na naisahan siya ni Odessa.

"Tulad ng sinabi ko hindi kita lalabanan sa lakas dahil hindi kita matatalo, pero sa pamamagitan ng utak doon puwede kitang talunin!" ang malakas na wika ni Odessa at buong lakas niyang hinila ang latigong Eskrihala na nakapulupot sa leeg ni Impong Amasale papunta sa kanya. Paglapit ng ulo ng matandang aswang kay Odessa ay saka nito iniangat ang espada at mabilis na itinaga iyon sa leeg ni Impong Amasale. Nanlaki naman ang mga mata ng matandang aswang pagkakita sa papalapit na talim ng espada.

"Hi-hindeh!" tanging naisigaw ng matandang aswang bago tumama ang talim ng eskrihala sa kanyang leeg.

Agad na humiwalay ang ulo ng aswang sa kanyang katawan. Biglang nanginig ang katawan ng nito at nagsimulang umatake sa pagkalmot ang mga paa na may matatalim na kuko. Patuloy naman sa pagkampay ang mga malalapad na pakpak ni Impong Amasale habang unti-unti ng bumibilis ang pagkakahuhulog nila sa bunganga ng bulkan. Tuloy-tuloy rin sa pagkalmot ang dalawang paa ng aswang kay Odessa at hindi niya mai-alis ang Eskrihala sa pagkapulupot sa natitirang bahagi ng leeg ng matandang aswang. Buhay pa ang katawan ni Impong Amasale kaya itinusok ni Odessa ang talim ng espada sa dibdib ng aswang. Pagkatusok nito gamit ang Eskrihala ay nagsimulang manigas ang katawan ng aswang at itiniklop ang mga pakpak sa katawan nito. Tuluyan ng bumulusok ang dalawa sa bunganga ng bulkang Taal. Kusang bumitaw sa katawan ng matandang aswang ang Eskrihala nang magsimula na itong magliyab.

Sa pamamagitan ng mga paa ay itinulak ni Odessa ang kanyang sarili papalayo sa nasusunog na katawan ni Impong Amasale. Padapa niyang ipinusisyon ang katawan para mabawasan ang mabilis na pagkakahulog niya sa bulkan. Mabilis na pinagsama ni Odessa ang Eskrihala at inilagay ito sa kanyang likuran. Kusang kumagat sa kanyang gulugod ang sandata na tila natural na bahagi ito ng kanyang katawan. Muli ay ipinusisyon ni Odessa ang katawan upang paghandaan ang pagbagsak sa bunganga ng bulkan. Sumasalubong na sa kanyang mukha ang napakainit na hanging nagmumula sa kumukulong putik. Kitang-kita niya ang unti-unting paglamon ng nagbabagang putik sa katawan ng matandang aswang.

Alam ni Odessa na mahihirapan siyang iligtas ang sarili sa sitwasyong kinasasangkutan niya ngayon. Kailangan niya ang malakas na hangin na magagamit niya para mailihis ang katawan sa direksiyon na kanyang babagsakan. Ngunit tila huli na ang lahat para mangyari pa iyon. Nararamdaman na niya ang napakatinding init na unti-unti ng sumusunog na sa kanyang mukha at ibang parte ng kanyang katawan. Marahil iyon na ang kanyang katapusan at doon na rin magwawakas ang kanyang paghihiganti at hindi na niya malalaman pa ang katotohanan sa kanyang pagkatao.

+ + + + +0000000000 + + + + +

Nakadungaw sa harapan ng bintana ng kanyang bahay si Laurea. Hindi siya mapakali dahil alam niyang nasa panganib ang kapatid na si Odessa. Madaling araw na at ilang oras na lang ay sisikat na ang araw mula sa silangang bahagi ng kabundukan.

Matagal na rin syang hindi nakikisalamuha sa mga tao. Isinumpa niya noon na kailan man ay hindi na siya muling makikisalamuha sa mga tao. Wala siyang ginawa kundi puro mga kabutihan lamang sa mga ito, ngunit nakuha pa siyang suklihan ng kasamaan. Naging gahaman ang mga tao. Sinamantala nila ang kabutihan ni Laurea bilang si Mariang Sinukuan noon. Tinutulungan niya ang mga mahihirap na taong nakatira sa paanan ng bundok Alaya. Bago pa man gumising ang mga mamamayan sa paanan ng bundok ay makikita nila kaagad sa labas ng pintuan ng kanilang bahay ang iba't ibang mga gulay at prutas. Ito ay araw-araw na ginagawa ni Laurea lalo na nang sumapit ang tag-gutom na nagpahirap lalo sa pamumuhay ng mga mamamayan. Ngunit hindi nakuntento ang mga ito. Pinag-interesan nilang pasukin ang kagubatan na kanyang pinangangalagaan. Pinasok nila ang kagubatan nang walang paalam sa diwatang nangangalaga sa lugar. Pero mabait pa rin si Laurea sa kanila. Hinayaan niya ang mga tao na kumuha ng mga gulay at prutas sa kanyang kagubatan basta huwag lamang silang magdadala ng labis sa kanilang pagbaba sa bundok. Doon niya nakilala si Arturo. Ang binatang mortal na nagpatibok sa kanyang puso.

Naging napakasaya ng naging buhay noon ni Laurea sa piling ng kanyang minamahal na si Arturo. Walang araw na hindi sila magkasama. Libreng nakakapasok ang mga tao sa kanyang kagubatan at kumuha ng mga prutas at mga gulay. Ang habilin lamang niya ay huwag na huwag silang manghuhuli ng ano mang bagay na may buhay sa loob ng kagubatan niya. Ngunit may mga tao pa rin ang umaabuso sa kabaitan ng diwata. May mga nagdadala ng prutas na isinisilid sa mga sako at ibinababa sa kabundukan para ibenta, mayroon naman na nanghuhuli ng mga baboy damo at mga manok para katayin at ibenta ang karne sa mga pamilihan sa bayan. Lahat ng iyon ay pinapalipas niya sa ngalan ng kanyang pag-ibig kay Arturo.

Isang araw ay kinausap siya ng kanyang kapatid na si Haring Sinukuan tungkol sa kahihinatnan ng pag-iibigan nila ng isang mortal. Tutol ang kapatid niya dito kaya madalas ay nag-aaway sila. Mahal niya si Arturo kaya ipinaglaban niya ito sa kanya. Hanggang sa nagdesisyon ang kanyang kapatid na iiwanan muna nito ang kanyang kaharian at ipagkatiwala sa kanya ang pangangalaga sa kabundukan ng Alaya. Kailangang makipagkita ni haring Sinukuan Kay Amang Bathala sa kalangitan. Kaya naiwan ang pangangalaga sa kagubatan ng Alaya kay Laurea.

Naging katulong niya sa pangangalaga nito si Arturo at pinatunayan naman ng binata ang malinis na hangarin sa kasintahang diwata. Hindi siya nasilaw sa ano mang kayamanan na nakikita niya sa kaharian ni Mariang Sinukuan o Laurea. Pinatunayan nito sa pamamagitan ng mga lihim na pagsubok na ginagawa sa kanya ni Laurea, kaya lalo siyang minahal ng diwata. Dahil sa kanyang labis na pagmamahal kay Arturo, pati ang sikreto niya sa kayaman ng kanyang kaharian ay nabanggit niya sa minamahal na binatang mortal. Naikwento rin niya ang mga nakatagong ginto at mga mamahaling bato sa loob ng isang kuwebang malapit sa may puting bato. Ito ang lihim na tagpuan ng magkasintahan. Naging tapat naman si Arturo sa kanya at ang lahat ng iyon ay nanatili ring lihim. Ngunit isa sa mga kaibigan ni Arturo ay aksidenteng narinig ang kanilang pag-uusap tungkol sa kayamanan.

Hanggang sa isang araw ay nabigla na lamang si Laurea sa nakita. Ang kanyang pinakamamahal na si Arturo kasama ang ilan sa mga mamamayan na nakatira sa paanan ng bundok Arayat ay ginagalugad ang binabantayan niyang kagubatan. Nakatali ang dalawang kamay ni Arturo sa kanyang likuran at bugbog sarado ito. Nakikiusap siyang pilit sa mga mamamayan na huwag nilang ituloy ang kanilang masamang balak. Sa harapan mismo ni Laurea ay nakita niya kung paano pinatay ang pinakamamahal niyang si Arturo. Sa pangyayaring iyon ay binalutan ng sobrang galit si Laurea dahil sa nakitang kalunos-lunos na sinapit ng kanyang pinakamamahal na si Arturo. Hindi kayang pumatay ng tao ni Laurea kaya itinaboy niya ang mga ito sa kanyang kagubatan. Inutusan niya ang hangin at lupa para takutin ang mga tao. Pinagalaw niya ang mga halaman at pinabangis ang mga hayop upang tumulong sa pagtaboy sa mga mortal.

Nang masigurong wala na ang mga tao ay kaagad niyang nilapitan si Arturo at doon ay niyakap niyang mahigpit ang wala ng buhay na kasintahan. Ang kanyang pinakamamahal at una niyang pag-ibig sa isang iglap ay nawala. Halos isumpa niya ang kasmaan at kasakiman ng mga mortal na tao ngunit nanaig pa rin sa kanya ang pagiging mabuting diwata.

Mula noon ay pinagbawal na lamang niya ang pagpasok ng mga tao sa kanyang nasasakupan. Lahat ng lumabag sa ginawa niyang batas at nangahas na pumasok sa kagubatan ay naliligaw at di na muling nakakabalik pa. Ang ilan naman na nakakalabas sa kagubatan ay nawawala sa katinuan ang isip.

Inilibing ni Laurea ang mga labi ni Arturo sa paanan ng puting bato sa bunganga ng kuweba. Sa puntod ng kanyang kasintahan ay biglang umusbong ang isang napakalaking puno na nagsisilbing bantay sa libingan ng kanyang kasintahan. Gamit ang kanyang kapangyarihan ay kinontrol nito ang mga bato sa labas ng kweba at isinara ang bunganga nito para hindi na makapasok pa ang mga tao.

Galit sa mga tao ang namayani kay Laurea. Mula noon ay hindi na siya muling nagpakita pa sa mga mamamayan sa paanan ng bundok Alaya. Hindi na rin siya tumulong sa mga taong nakakaranas ng gutom lalo na sa panahon ng tagtuyot. Pagsisisi ang namayani sa mga puso ng mga tao dahil sa nagawa nilang kasalanan sa diwata lalo na sa kasintahan nitong si Arturo.

Hindi pa rin naging maramot si Laurea sa mga mamamayan sa paanan ng bundok Alaya. Binuksan pa rin niya ang kanyang kaharian para sa mga taong tinamaan ng tag-gutom. Hinayaan pa rin niyang makakuha ng mga bungang kahoy ang mga ito basta doon mismo nila kakainin ang mga prutas na kinuha. Sa sandaling dinala nila ang mga ito sa labas ng kagubatan, ang mga prutas ay kusang nabubulok at napupuno ng mga uod.

Matagal na panahon rin niyang ipinagluksa ang kasintahan. Matagal na panahon ding nawalan siya ng tiwala sa mga tao.

Makalipas ang ilang buwan mula ng mangyari ang insidenteng iyon ay nakaramdam ng kakaiba at pagbabago sa kanyang katawan si Laurea. Alam niya na may buhay na nagsisimulang nabubuo sa kanyang sinapupunan. Nagbunga ang pagmamahalan nila ni Arturo. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o ikababahala niya ang kanyang pagdadalang tao dahil labag iyon sa kanilang batas. Kamatayan ang katumbas sa paglabag sa batas na iyon sa kanilang mga diwata ng kalikasan. Dadalhin din ng sanggol sa kanyang sinapupunan ang sumpa dahil sa bawal na pag-iibigan mula sa isang elemental na nilalang at mortal na tao.

"Laurea?" Isang boses ng lalaki ang pumutol sa mga alaala ni Laurea sa kanyang nakaraan.

Lumingon siya sa pinanggalingan ng boses at doon nakita niya si Randy. Nakatayo ito sa gitna ng sala, hawak-hawak ang nananakit na ulo. Nakikita ni Laurea ang takot sa mga mata ng lalaki. Nararamdaman niya ang mabilis na pagtibok ng puso nito.

"Sino ka ba talaga? A-anong klaseng nilalang ka?" ang nanginginig na boses nito.

Oo nga pala, nasaksihan ni Randy ang paggamit ng kapangyarihan ni Laurea. Nasaksihan din niya ang pag-atake sa kanya ng kapreng si Sagaway. Nagsimulang inihakbang ng diwata ang kanyang mga paa papalapit sa binata

"Huwag kang lalapit!" biglang sigaw ni Randy at saka kumuha ng isang malaking sanga ng kahoy at ipinuwesto ito sa kanyang balikat para pamalo sa babaeng diwata. Seryoso ang mukha ni Laurea, ang mga isunumpa niyang mga tao noon ngayon ay nandito sila sa pamamahay niya. Iniligtas sa kapahamakan at kailangan niyang pangalagaan sa kamay ng mga anak ng buwan.

"Huwag kang lalapit sabi eh!"

Parang hindi siya narinig ni Laurea, bagkus ay lalo pa itong lumapit sa binata. Ikinumpas niya ang kanyang daliri at tumilapon ang hawak na sanga ng kahoy ni Randy.

"Kung masama akong nilalang kahapon pa sana kita pinatay dahil napakadali sa aking gawin iyon." ang malumanay na tugon ni Laurea sa takot na takot na binata.

Hindi naman makagalaw si Randy sa kinatatayuan dahil na rin sa sobrang takot na nararamdaman sa diwata sa kanyang harapan.

"Ang lahat ng gusto mong malaman ay aking sasagutin, pero kailangan muna nating hintayin si Calisha." muling wika ni Laurea.

"Si...sinong Calisha?" ang ninenerbiyos na tanong ng binata.

"Si Calisha ang kaibigan ng aking kapatid. Katulad mong mortal." Ang kaagad na tugon niya kay Randy. "Maupo ka muna at maghahanda lang ako ng iyong almusal." dugtong pa ni Laurea.

Parang bata namang sumunod kaagad si Randy dahil na rin sa takot sa babaeng kaharap niya. Kaagad na pumasok si Laurea sa kusina para maghanda ng magiging almusal ng dalawang mortal na panauhin. Naiwan naman sa sala si Randy na sa mga sandaling iyon ay binabalak niyang tumakas na. Dahan-dahan siyang tumayo patungo sa may pintuan habang nakatingin sa kinaroroonan ng diwata. Nanginginig pa ang mga kamay nito ng hilahin ang pinto para buksan. Pero laking gulat niya nang may biglang tumambad sa kanyang harapan.

"Eeeehhh!" Isang napakalakas na sigaw ang bumungad sa kanya dahilan para siya rin ay napasigaw ng malakas.

"Aaahhh!!!" tila babaeng napasigaw na si Randy sa kanyang pagkabigla. 

Continue Reading

You'll Also Like

48.7K 2.3K 70
FILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 OFFICIAL FINALIST(Consistent #1 in Heroes) (#8 in Mythology) (#18 in Magic) Pagkatapos maibalik ang alaala ni Odes...
12.5K 3.5K 34
[ THE WATTYS 2023 SHORTLIST ] "Sabi nila, naglalakbay daw ang diwa ng isang tao habang nahihimbing. Ngunit sakaling makamit mo ang kaligayahan at pag...
3.1K 161 34
Isang babaeng hindi inaasahan ang kanyang kakayahan Mga talento na hindi niya inakalang nasa kanyang katauhan Isa nga bang pagkakamali o katotohanan...
11.5K 856 28
Sampung taon na ang nakalipas ng mamatay ang kanyang mga magulang sa hindi malamang dahilan. Nasaksihan n'ya ang nangyare ngunit hindi na n'ya ito na...
Wattpad App - Unlock exclusive features