Moonlight Over Paris

By summerdaisies

6.3K 205 85

does the moonlight shine on paris, after the sun goes down? More

Moonlight Over Paris

6.3K 205 85
By summerdaisies

Author's Note: 99% based on a true story. This is my story and how my first love went. 

Moonlight Over Paris

February 23, 2013

Hawak hawak ng kaklase kong si Alex at ihahatid na sana ako sa bleachers, kung saan nakapwesto ang section namin nang biglang may humablot sa kamay ko. Dahil medyo madilim at tanging yung mga spotlight lang ang nagsisilbing ilaw, hindi ko nakita kung sino yung humawak sa kamay ko, nabitawan ako ni Alex at pagtapat samin nung spotlight, at pagtingin ko doon sa lalakeng humawak ng kamay ko, biglang bumilis ang tibok ng puso ko, at may nalaman ako, isang bagay na matagal ko nang dinedeny sa sarili ko.



"Pre, pahiram muna." Sabi niya at ngumiti.


Tumingin ako kay Alex na nakangiti at mukang gulat sa nangyare, ibinalik ko yung tingin ko kay Gabrielle, "h-ha?"


Nginitian niya ako, "pwede ba kitang, isayaw?"


At biglang tumugtog ang kantang Moonlight Over Paris.

August 23, 2012



Naalala ko pa noon, nung una ko siyang nakilala, madami akong dalang quiz paper noon, bilang president ng section namin, tungkulin kong tulungan yung adviser namin sa mga ganitong bagay. Bagong elect na president lang ako, at nagsisimula pa lamang ang aking Junior days. Habang naglalakad ako, may naririnig akong nagigitara pero hindi ko napapansin yung muka dahil busy ako sa pagbilang at pagcheck ng mga quiz ng nga kaklase ko. Tinutugtog nya yung Moonlight Over Paris, favorite song ko. Tumingin ako sakanya, pamilyar yung muka niya sakin pero hindi kami close, maaring magkakilala kami, pero hanggang dun lang dahil hindi ko pa naman siya nagiging kaklase. Hindi ko namalayang may bato pala sa harapan ko kaya naman napatid ako at nabitawan ko yung mga quiz paper at nagsiliparan sila. Napatingin siya sakin at para bang nagslow mo yung buong paligid ko kasabay nung mga pagbagsak ng mga quiz paper na hawak hawak ko. Huminto siya sa pag gigitara at tumayo. 

"Napakaclumsy mo talaga," bulong ko sa sarili ko habang pinupulot yung mga quiz paper na nagsiliparan, "kaasar." Bulong ko.

May nakita akong nakatayo sa harapan ko, tumingala ako at biglang bumilis yung tibok ng puso ko. "Oh, eto yung iba." Sabi niya sakin sabay ngiti. 

Tumayo ako at pinagpag ko yung dulo ng uniform ko at inabot ko yung inaabot nya sakin nang hindi tumitingin sakanya, "salamat." Bulong ko.

"Ikaw si Kateney diba?" 

Tumingin ako sakanya na nakangiti at um-oo ako, "baket?"

"Wala lang, ikaw pala yung nagugustuhan nung kaklase ko." Sabi niya, "sige, ingat ka nalang baka madapa ka ulit." 

Niyakap ko yung mga quiz paper na binigay mo habang pinanood kitang maglakad saakin palayo papunta sa upuan kung saan iniwan nya yung gitara nya para tulungan ako. "Thank you." Bulong ko sa sarili ko.

February 23

"Omg Kateney!" 

Tumingin ako sa taas, napatingin din si Gabrielle, "nakakahiya talaga sila." 

Pumalakpak sila at tumingin, "go girl!"

Tumingin ako kay Gabrielle na nakatingin na sakin, "tara na." Sabi niya.

I can't explain this weird feeling I'm feeling right now. Akala ko hindi niya ako isasayaw, kasi, sino nga ba naman ako para isayaw nya? But in the end, sinayaw niya ako. He lead me down until we're in the middle of the dance floor, hindi ako makatingin sakanya at sa iba lang ako nakatingin. Nilagay niya sa bewang ko yung dalawang kamay niya kaya napatingin ako sakanya.

September 02, 2012

Laban ng section namin sa basketball ngayon para sa elims for intrams, at kalaban namin yung section ni Gabrielle. Sa hindi malamang dahilan, napapatingin ako kay Gabrielle, at kay Gabrielle lang. Isa kasi siya sa mga naglalaro para sa team ng section nila. Suddenly, my eyes were all on him. And him only. And that’s when I realized, slowly, little by little; he’s stealing my heart.

 

“Makatingin naman kay Gabrielle, type mo no?”

Tumingin ako doon sa kaibigan kong kaklase ni Gabrielle last year, si Rea.“H-hindi ah. Nagugwapuhan lang ako.” Sabi ko at binalik ko yung tingin ko kay Gabrielle sabay ngiti.

“Mabait yang si Gab, may pagkagago nga lang, pero mabaet yan.”

“Muka nga.” Sabi ko.

 

Nung nagtime-out, nagsipuntahan yung mga players namin sa pwesto namin at sila Gab, sa kabila, napapatingin talaga ako sakanya. Para bang, hinahanap hanap siya ng mata ko.

 

“GAB!” Tawag ni Rea kaya medyo nagpanic ako.

 

Hindi ko alam kung bakit, pero nung tinawag siya ni Rea, biglang huminto yung mundo ko, at parang nabingi ako, at tanging yung pagtibok lang ng puso ko yung naririnig ko. Napatingin ako kay Gab na nakatingin din samin.

 

“Gab, si Kateney nga pala!” Sabi ni Rea sabay akbay at turo sakin.

“Uy ano ba Rea!”

Nginitian niya ako at tinaas nya yung kamay niya, “hi.” Sabi niya. Tinawag na sila ng adviser nila kaya naman inalis niya yung tingin niya sakin.

“Kileg si gaga.” Sabi ni Rea.

Hindi ko maiwasang hindi mangiti, “nginitian niya ko.” Sabi ko.

 

February 23, 2013

“Hindi ko alam, kung san ko ilalagay yung kamay ko.” Sabi ko, hindi parin makatingin sakanya.

Ngumiti siya, “ipatong mo lang sa balikat ko, para di ka mangawit.”

Huminga ako ng malalim at pinatong ko sa balikat niya yung mga kamay ko, atsaka tumingin sakanya, “u-hm.”

“Ang ganda mo ngayon ah?” Sabi niya sabay ngiti sakin. Yung mga singkit niyang mata, lalo pang nawawala.

“Ikaw din.” Sabi ko at medyo natawa pa ako.

“Maganda din ako?” Pabiro niyang tanong.

“Ang gwapo mo.”

November 27, 2012

Ilang buwan pa ang lumipas, at nararamdaman ko, na lalo akong nahuhulog kay Gabrielle. Hindi ko alam kung bakit at paano basta ang alam ko, nahuhulog na ako sakanya. Hindi kami nagkakatext, hindi ko hiningi yung number niya kahit na gustong ibigay sakin ni Rea. Hindi naman ako yung ganong tipong babae. Ako yung tipong, pasilip silip lang, pa-nakaw nakaw tingin lang, at kuntento na ako doon. Basta, makita ko lang siyang masaya, masaya na rin ako.

 

“Kamusta feelings natin?” Tanong ni Rea.

Tinignan ko si Gabrielle na nasa gilid habang nagigitara kasama yung mga barkada niya, “ayos lang.”

“Baka matunaw.” Sabi ni Rea.

“Hayaan mo na, dito nalang naman ako bumabawi eh.”

“Bakit kasi ayaw mo siyang kausapin?” Tanong ni Rea.

Tinignan ko siya, “wag na no, tsaka kuntento naman na ako sa patingin-tingin lang sakanya eh.”

 

Ibinalik ko yung tingin ko kay Gabrielle na nakikipagtawanan at nakikipaglokohan. First time kong, maramdaman yung ganito para sa isang tao.

 

“Mahal mo na ba?”

Nanlaki yung mga mata ko at nagulat ako sa tanong ni Rea, biglang bumilis yung tibok ng puso ko, mahal? Ano ba yun? “Hindi pa,” nagulat ako sa sinabi ko, tinignan ko si Rea, “hindi.” Sabi ko.

“Infatuated ka lang siguro sakanya.”

“Infatuated?” Tanong ko.

Ngumiti si Rea, “more than crush, less than love.” Tumingin siya kela Gabrielle, “GAB! TAWAG KA NI KATENEY!”

Bigla ko namang tinakpan yung bibig ni Rea, “uy gagi nakakahiya!”

 

Siguro nga, infatuated lang ako sakanya. Hindi naman kasi uso sakin yung ganyan, hanggang crush lang ako, yung mga panandaliang kilig, ewan ko ba. Hindi ko nga alam, kung may pinagkaiba ba yung ‘like’ sa ‘love’, sana, dumating ang araw, malaman ko at maintindihan ko ang pagkakaiba nila.

 

February 23, 2013

 

Nagusap kami, parang casual lang. Pero hindi parin talaga tumitigil yung pagtibok ng puso ko, natitignan ko na rin siya, at buong oras, nakatingin lang din siya sakin.

“May nagutos ba sayo?” Tanong ko.

May halong pagtataka sa expression niya, at mukang di niya pa nagets nung una, umiling siya, “wala.”

“Eh bakit?” Tanong ko.

“Anong bakit?”

“Bakit mo ako sinayaw?”

Nagkatinginan kami, at bigla siyang ngumiti.

December 19, 2012

 

“Uy Christmas party na bukas, hindi mo ba bibigyan si Gabrielle ng regalo?” Tanong ni Rea.

Napaisip ako bigla, oo nga pala. “Ha? Hindi, baket? At nahihiya ako.” Sabi ko.

“Hay nako, bigyan mo kaya. Take a chance girl, malay mo? Dun kayo magsimula.”

 

Bigla nanaman akong nakaramdam ng butterflies sa tiyan ko.

 

“Ewan ko… kasi, mukang imposible niya talaga akong magustuhan.”

“Alam mo, there’s no harm in trying. Take a chance, and don’t look back.”

 

                                                            --x

 

“Bibigyan?” Huminga ako ng malalim, “hindi bibigyan?” Pumikit ako at hinagis ko yung coin.

 

Sana bibigyan.

Heads yung lumabas, at bibigyan.

 

“Ah! Pano ko naman siya bibigyan ng regalo?” Nahiga ako sa kama ko at pumikit panandalian.

 

Napaparanoid ako, Christmas party na kasi bukas, at naguguluhan ako kung bibigyan ko ba siya ng regalo o hindi, kasi naman diba? Ang sagwa kung babae yung magbibigay ng regalo sa lalake, pero gusto ko talaga siyang bigyan na ayoko. Nakaisip na rin ako ng ibibigay ko sakanya. Dumilat ako at tumayo sabay kuha sa savings jar ko.

 

December 20, 2012

 

Inilabas ko yung nakalagay sa paper bag na pick at pinakita ko kay Rea, “Tanggapin niya kaya?” Tanong ko.

“Totoo?!” Pinagkaguluhan ng mga friends ko yung pick na nakalagay sa paper bag. “Hala kelan mo to binili?! OMG!”

“Dalaga ka na Kateney!”

“Omg Kateney di nga? Ang mahal?”

Napakamot nalang ako sa batok ko, “pumunta ako ng trinoma kahapon, para bilin yan. Tumakas pa nga ako. Out of stock pa nga yung gusto ko kaya medyo panget tuloy.” Sabi ko.

Pinisil ni Rea yung cheeks ko, “maappreciate niya yan.” Sabi niya sabay ngiti.

“Sana nga.” Bulong ko.

“Maniwala ka sakin.”

Tinignan ko si Rea, “pero pano ko ‘to bibigay?”

 

Nginitian ako ni Rea, at naintindihan ko yung ngiti nya.

 

February 23, 2013

 

“Secret.” Sabi niya sakin.

Medyo nacurious ako, at the same time, nagexpect. Kasi, hindi ko talaga inaasahan na isasayaw niya ko, lalo na’t hindi naman kami magkakilala talaga dati, siguro magkakilala kami sa muka at pangalan pero hanggang dun lang.

“Bakit nga?” Tanong ko.

Ngumiti ulit siya, “secret ko na yun.” Sabi niya.

“Sige na nga, di na kita kukulitin. Kamusta, love life mo?” Tanong ko.

Ngumiti siya, “eto, malapit na atang magkaroon.”

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko.

January 16, 2013

 

“Parang ang pointless na, kung magugustuhan ko lang si Gabrielle tapos wala ding mangyayare.” Sabi ko.

 

Nawawalan na din kasi ako ng gana, ewan ko ba kung bakit ako nagkakaganito. First time lang ‘to, promise. Parang kasing, malabong magkaprogress kami ni Gabrielle, lalo na’t madaming nagkakagusto sakanya, okay, hindi naman ganon karami, but still. Syempre, babae din ako, umaasa at nageexpect din.

 

“Mahal mo na ba?”

Umiling ako, “infatuated lang ako sakanya.”

“Baka naman mahal mo na, ayaw mo lang tanggapin sa sarili mo, dahil takot ka.” Sabi ni Rea.

“Mahal ko na ba?”

“Mahal mo na nga ba?”

Pumikit ako, “kung alam ko lang yung sagot, sana nasagot ko na.” Bulong ko.

“Alam mo, Kateney. Ang crush, paghanga lang, yung tipong, matapilok lang siya, di mo na crush, kasi naturn off ka sa pagkapahiya niya. Ang infatuation, hindi ka natuturnoff kahit mangulangot man siya sa harapan mo, pero, hindi mo parin kayang gawin ang lahat para sakanya, pero pag nagmamahal ka na, hindi ka na natuturnoff, tanggap mo na siya kung ano man siya, at kaya mo pang gawin ang lahat para sakanya.” Ngumiti si Rea, “crush, infatuation, love, anong level na ba yang feelings mo para kay Gabrielle?”

 

Tumatak sa isipan ko yung sinabi ni Rea. Anong level na nga ba? Infatuated nga lang ba ako kay Gabrielle? O mahal ko na? Kung sakali, edi siya ang first love ko? Ang gulo. Ang gulo gulo. Hindi naman ako dati nagkakaganito, ang gara lang sa pakiramdam. Minsan nga, tinatanong ko, kung bakit, sa dinami-dami ng tao, sakanya pa? Kay Gabrielle pa? Samantalang hindi naman kami magkakilala. It’s funny, how a stranger suddenly becomes your entire world. Sabi nga nila, unexpected love, is the sweetest love of all. Ewan ko kung bakit. Ang bilis nang mga pangyayare.

 

February 23, 2013

 

“Baket naman?”

“Malapit niya na akong sagutin.”

Biglang huminto yung Moonlight over Paris.

February 14, 2013

 

“Alam mo na ba yung sagot?”

“I’ll let you know.” Sabi ko kay Rea.

“Wag ka kasing umasa, kasi, dapat, pag gusto mo yung isang tao, hindi mo siya nagustuhan dahil nageexpect na magiging kayo o magugustuhan ka niya pabalik, nagustuhan mo siya, sa simpleng dahilang, gusto mo siya.” Sabi ko sakin ni Rea.

Ngumiti ako, “alam ko.”

“Malay mo, sa prom, isayaw ka non.”

 

Bumilis nanaman yung heartbeat ko, sana nga. Sabi ng puso ko.

 

“Sana.”

“Isasayaw ka non.”

 

February 23, 2013

 

My whole world fell apart. Of course, I saw it coming, but it still hurts.

“Pagod ka na ba?” Tanong niya.

Tumango ako, “salamat ha?” Bulong ko sakanya, and I tried to smile sweetly. But my smile was empty. Sana, mapansin nya.

“Hatid na kita.” Pagaalok nya.

Tumango ako, “sige.” Bulong ko.

“Salamat, Kateney.”

Ngumiti ako, “goodluck.”

At binitawan niya na yung kamay ko.

Pagkahatid niya sakin, at pagkabitaw niya sakin. Nalaman ko yung sagot na hinahanap ko. Hindi lang ako infatuated sakanya, mahal ko na siya. Pagkatapos nang gabing yun, umiyak ako. For the first time in my life, I cried, because of this crazy thing called love. Hindi ako nagsisisi, na nakilala ko si Gabrielle on that August 23. You know why? Madami akong naexperience for the first time in my life, thanks to him. Naexperience kong, magmahal, masaktan, umasa at maging masaya at kuntento sa kung ano mang meron kami. Hindi ko man nakuha yung perfect ending na gusto ko para sa istorya namin, hindi man siya happy ending, alam kong may epilogue pa, at hindi ito ang katapusan ng istorya ko at istorya namin. Bittersweet man ang ending, masaya parin ako, na si Gabrielle ang naging first love ko. At alam ko din namang madami pa akong makikilalang lalake jan, hindi lang siya, pero siya lang at wala nang iba, ang first love ko.

Continue Reading