WMAMTG (Unedited)

By ScarsAreBlind

13.2M 239K 38.7K

WHEN MISS ASSASSIN MEETS THE GANGSTERS PUBLISHED UNDER CLOAK POPFICTION I came from a clan of assassins who... More

When miss ASSASSIN meet the GANGSTERS
CHAPTER 1 - the arrival
CHATER 2 - Oakwood University
CHAPTER 3 - First day Impressions
CHAPTER 4 - Red Night
CHAPTER 5 - I am NOT a GANGSTER!!
CHAPTER 6 - outlaw gangsters
CHAPTER 7 - when his demon awakes
CHAPTER 8 - FRIENDS?
CHAPTER 9 - Ransu~kun
CHAPTER 10 - the Organization
CHAPTER 11 - new friends
CHAPTER 12 -MISUNDERSTOOD
CHAPTER 13 - INVITED
CHAPTER 14 - you messed with the wrong person
CHAPTER 15 - Mysterious Arrow
CHAPTER 16 - Oh no! It's Friday!
CHAPTER 17 - Anino
CHAPTER 18 - Where art thou, Kiyomiko?!
CHAPTER 19 - Mikage Sou!!!
CHAPTER 20 - Gone ...
CHAPTER 21 - Truth behind Lies
CHAPTER 22 - the real her
CHAPTER 23 - trust
CHAPTER 23 - trust PART 2
CHAPTER 24 - Chances
CHAPTER 25 - Dangerous little Secrets
CHAPTER 26 - worst day ever?!
CHAPTER 27 - The Favor
CHAPTER 28 - Here Comes Trouble
CHAPTER 29 - Midnight Madness
CHAPTER 30 -The Witch, The Jerk and The Emperor
CHAPTER 31 - Darker Side of Her Demon
CHAPTER 32 - Evil Plans
CHAPTER 33 - Red Night's 7th Phantom Member
CHAPTER 34 - Back on Tracks
CHAPTER 35 - Drifting Away
CHAPTER 36 - Brother's way
CHAPTER 37 - Saturday Date-saster!
CHATER 38 - Love is Painful
CHAPTER 39 - Saving and Loosing
CHAPTER 40 - Nani wo su beki ka?
CHAPTER 41 - I KILLED HER
CHAPTER 42 - 7th Phantom Member's Challenge
CHAPTER 44 - Unresolved
CHAPTER 45 - Knowing the Enemy
CHAPTER 46 - Let the Game Begins
CHARACTER REFERENCE (Not an Update)
CHAPTER 47 - One Last Date
CHAPTER 48 - Boy's Talk
CHAPTER 49 - He's My ... WHAT?!
CHAPTER 50 - Karupi and the Chameleon?
CHAPTER 51 - Hangyaku to Himitsu
CHAPTER 52 - Kimochi to Sobetsu kai
CHAPTER 53 - Compromised
CHAPTER 54 - Painful Farewell
CHAPTER 55 - Seal's Last Gift (Part 1)
CHAPTER 56 - Seal's Last Gift (Part 2)
CHAPTER 57 - The Package, His Letter and She's Missing ... Again?!
CHAPTER 58 - Paying Debts
CHAPTER 59 - Importance and Priorities
CHAPTER 60 - The Night the Crow Deiti Cries Blood
CHAPTER 61 - HK Underground
CHAPTER 62 - Gangster King
CHAPTER 63 - Played
CHAPTER 64 - A New Identity: ZERO
CHAPTER 65 - What the Hell?!
CHAPTER 66 - Another Attempt
CHAPTER 67 - A Birthday Special
CHAPTER 68 - A Decision To Make
CHAPTER 69 - Behind Their Mask
CHAPTER 70 - Start of Mafia War
CHAPTER 71 - This is War
CHAPTER 72 - Unexpected
CHAPTER 73 - Hajime no Owari
CHAPTER 74 - Friends and Foes
CHAPTER 75 - It's not yet Over
CHAPTER 76 - Limitation
ANNOUNCEMENT
CHAPTER 77 - Will To Fight
CHAPTER 78 - New Enemies?
CHAPTER 79 - Red Dragons Triad
CHAPTER 80 - The Trickster's Trick (part 1)
CHAPTER 80 -The Tricker's Trick (Part 2)
CHAPTER 81 - Hide, Seek and Kill
CHAPTER 82 - The Perfect Bait
CHAPTER 83 - The End of War?
EPILOGUE

CHAPTER 43 - The Bar Incident

137K 2.2K 163
By ScarsAreBlind

a/n: Here's the update guys ... sorry for the wait.

namiss niyo ba ako? hahaha..

enjoy reading guys .. =)

"I never fear death or dying, i only fear never trying. I am whatever I am, only God can judge me now."

                                                                                                 ~Wiz Khalifa

~ScarsAreBlind~

==========================================================

CHAPTER 43 – The Bar Incident

 

LANCE’s

 

It’s been days since napasali ako sa Yaban Jin Clan at si Rina ang nagtuturo sa akin ng mga bagay bagay na dapat kong malaman. Next week pa kasi ako sisimulang turuan ni Hitomi.

Kanina, nakita ko si Miko. Gustong gusto ko siyang lapitan at kamustahin pero natatakot ako nab aka may makakita sa akin na nilalapitan ko siya at isumbong ako kay Hitomi. Ayokong mapahamak si Miko. Alam kong malakas siya pero Boss ng mafia si Hitomi at alam kong may posibilidad na masaktan niya si Miko pag sumuway ako sa utos niya sa aking layuan ko ang girlfriend niya.

“Lance! Yun oh, kanina ka pa?” napatingin ako sa taong tumawag sa akin. Sila Kurt pala kasama yung apat.

“Di naman kararating ko lang din.” Sagot ko kila Kurt na paupo na sa pwesto ko. Nandito kami ngayon sa bar dahil nagkakayayaan kanina matapos naming mag usap sa private room tungkol kay Rina. Buti nga at napilit nilang sumama si Ryuu eh. sa totoo lang para sa kanya to. Alam kasi naming nalulungkot siya sa pagkawala ni Rina.

“Ano ba ang naisipan niyo at nag yaya kayo mag bar?” walang ganang tanong sa amin ni Ryuu na kauupo lang. Nginitian lang namin siya at di na sinagot.

Maya maya pa, dumating na ang mga order naming alak at pag kain. Sinimulan na naming magi nom at mag kwentuhan. Pakiramdam ko, ang tagal ko silang hindi nakasama. Masyadong marami ang nangyari sa akin at hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanina na miyembro na ako ng mafia.

“Uy chicks!” nabaling ang tingin ko doon sa direksyon ng tinignan ni Martin.

“Oo nga noh?” sang ayon naman ni Kurt. Silang dalawa lang naman ang mahilig sa babae sa grupo namin eh, kaya sila ang madalas na magkasama sa mga kalokohan at pang bababae nila.

“Asus, ayan na naman kayo.” Pabirong sita ni Kei sa kanila.

“Wag ka nga Kei. Sumama ka nalang sa amin, turuan ka namin dumiskarte.” Nang aasar na sabi ni Kurt.

“Hoy, wag niyo nga isali yan sa kalokohan niyo.” Sigaw naman ni Ryuu sa dalawa.

“Ryuu naman, matanda na yang kapatid mo noh. Tsaka para naman mag karoon na ng experience yan.” natatawang sabi ni Martin na biglang napunta ang tingin sa babaeng napadaan sa pwesto namin.

“Mga loko talaga kayo.” Natatawa ring sabi ni Raven. Natawa nalang din ako sa asaran nila. Namiss ko to.

“Anong nginingiti mo diyan Lance? Praning ka na naman.” Asar sa akin ni Kurt. Tinawanan ko nalang siya.

Nagpatuloy pa kami sa asaran at kwentuhan. Nakarami na din kami ng inom.

“Saan ka?” tanong ko kay Ryuu ng akma siyang tumayo.

“CR lang.” simpleng sagot niya at lumakad na siya palayo.

“Uy Kurt tara hanap na tayo chicks. Kei sama ka.” Aya ni Martin kila Kurt at Kei habang patayo na din sa table. Sumunod naman yung dalawa. Kami nalang ni Raven ang naiwan dito. Tahimik lang kaming dalawa at nag patuloy sa pag inom. Naiilang ako. Naalala ko na nama yung sinabi niyang hindi na siya mag papaubaya. Alam ko namang may gusto din siya kay Miko at sa sitwasyon ko ngayon, mukhang malaki ang lamang niya sa akin.

“Staring contest?!” nagulat ako at napalingon sa pinanggalingan ng boses. Si Ryuu pala. Kakaisip ko di ko napansin na nakatitig na pala ako kay Raven.

“Psh.” Narinig kong sabi ni Raven. Umupo na si Ryuu sa tabi ko at tinuloy na ang pag inom. Nakakarami na to ah.

“Tell me Lance, anong pinag kakaabalahan mo ngayon? Madalas kang wala sa sarili eh.” nagulat ako sa tanong ni Raven. Napabaling ang tingin ko sa kanya pati na din kay Ryuu na ramdam ko ang pagtitig sa akin.

“Wala naman masyado.” Simpkeng sagot ko nalang sa kanila. Gusto kong sabihin sa kanila ang sitwasyon ko pero sa tingin ko hindi pa dapat. Kailangang massiguro ko munang okay ang lahat.

“You sure?” tanong naman sa akin ni Ryuu.

“yeah.” Sagot ko sa kanya sabay lagok din ng alak na hawak ko.

“Kaw Ryuu, ayos ka lang ba?” tanong ni Raven kay Ryuu. Napatingin ako ulit kay Ryuu. Halata ang lungkot sa mukha niya.

“I don’t know. I’m still … shocked? I guess.” Hindi siguradong sagot ni Ryuu sa amin.

“How about you and Kiyo?” Tanong ulit ni Raven sa kanya. Napaka straightforward talaga ng lalaking to. Napansin ko namang mas lalong lumungkot si Ryuu.

“Not now Raven. Let’s just enjoy the night.” Malungkot na sagot ni Ryuu sabay tayo.

Nagkatinginan nalang kami ni Raven at parehong nag kibit balikat. Bumalik na kami sa pag inom ni Raven pero maya maya lang ay biglang dumating si Kurt at humahangos.

“Lance, Raven, si Ryuu may kaaway sa labas bilis.” Sabi sa amin ni Kurt kaya naman napatayo kami agad. Shit. Ang dami pa namang nainom noon ni Ryuu.

Nang makarating kami sa labas, agad kaming sumingit sa kumpol ng mga tao at nakita sa gitna si Martin na nakahandusay sa lupa habang bugbog na din at nakaupo sa tabi niya si Kei. Si Ryuu naman ay nakatayo sa harap ng limang lalaki na nakatayo sa harap ng mga bigbike nila. Mukha silang mga hindi basta basta. Mga nasa late twenties na ata sila. Agad kaming lumapit ni Kurt sa pwesto nila Kei.

“Kei, what happened?” Agad na tanong ni Raven habang inaalalayan siyang makatayo.

“Si Martin kasi may nakabanggang babae kanina. Tapos ayun diniskartehan niya pero maya maya lang pinalibutan siya niyang mga lalaki. Tapos binugbog na siya agad kaya naman nakisali na ako eh sakto namang nakita ni Ryuu kaya ayan kinaladkad kami dito palabas.” Mahabang paliwanag ni Kei na halatang iniinda yung mga pasa sa mukha at braso niya.

“Kurt,alalayan mo sila Kei papuntang kotse kami na bahala dito.” Sabi k okay Kurt na nakatayo sa likod ko. Tumango naman siya at binuhat na si Martin na wala pa ding malay. Naglakad naman kami ni Raven papalapit kay Ryuu na nakikipag titigan sa mga lalaking nasa harap niya.

“Nagtawag ka pa talaga ng resbak ah? As if naman, uubra kayo sa amin.” Nakangising sabi nung isang lalaki.

“Yeah whatever. Atleast hindi kami madaya.” Walang ganang sabi ni Ryuu sa kanila.

Ngumisi lang yung lalaki at sabay sabay na nila kaming sinugod. Tig dalawa kami ni Ryuu ng kalaban at isa naman ang sumugod kay Raven. Malalakas sila, kung tutuusin. Kaya naman naming makipag sabayan pero tama nga ang sinabi ni Ryuu, madadaya sila. May gamit na knuckles ang iba at ang iba naman may hawak na kadena. Fuck, kaya naman pala, sobrang bugbog ang inabot nila Martin at Kei.

Masyado ng maraming suntok ang tumatama sa mukha at sikmura ko, nararamdaman ko din ang pagtulo ng dugo mula sa labi at kilay ko. Pero sa kabila noon, pinipilit ko pa ding lumaban.

Napalingon ako sa gawi ni Ryuu, bugbog na din siya. Nagulat ako ng maglabas ng patalim yung kalaban niya. Shit. Tatakbo n asana ako papunta sa pwesto niya ng maramdaman ko ang malamig na kadena sa leeg ko. Bahagya pa akong napaubo dahil sa higpit na lumapat yun sa leeg ko ng tangkain kong pumalag. Bumaling ako kay Raven at nakita kong nakahiga na siya sa lupa. Shit. Anong gagawin ko?

Napasigaw ako ng ibalik ko ang tingin k okay Ryuu. Ama na siyang sasaksakin nung kalaban niya. Shit.

“Ryuu!”

 KIYOMIKO’s

 

 

“Pinsan naman, sige na samahan mo na ako.” Pakiusap sa akin ni Hideoshi na kanina pa nangungulit dito sa bahay. Nag papasama kasi siya sa bar kasi daw iniwan siya nila Yujia at kuya Kisune. Ewan ko ba sa mga iyon. Buti nga at pinayagan sila ni Kuya Kyohei na mag liwaliw eh pero sana sinama nila ang isang to para hindi ako kinukulit.

“Midnight, pag bigyan mo na.” sulsol naman nitong si Seal na nanonood ng movie habang prenteng nakahiga sa lap ko. Sarap ng buhay eh.

“Psh. Bwisit lang? haay, sabagay, kailangan ko ding magcelebrate dahil magkakapera na naman ako. Hahahah.” Sagot ko sa kanila. Well masaya lang dahil naalala ko na naman yung deal namin ni Jansen sa challenge na sinasabi niya. Thirty percent ang akin pag nanalo ako na sigurado namang mangyayari.

“Saan naman manggagaling ang pera mo aber?” nanghihinala na tanong sa akin ni Seal.

“Kay Jansen.” Mabilis na sagot ko. Aish, late na ng mapagtanto kong maling sagot yun. Napatayo naman agad si Seal sa pagkakahiga at agad na humarap sa akin. Sabi na nga ba eh.

“Sino? Si Kyuketsuki? Bakit? bakit ka niya bibigyan ng pera?” sunod sunod na tanong ni Seal sa akin.

“Psh. OA na Seal ah. Makiki share lang ako sa pusta sa laban ko sa arena. Wag na masyadong maraming tanong okay? Kahit abnormal yun si Jansen, kaibigan ko yun.” Kalmadong sagot ko kay Seal.

“kaibigan? Naririnig mo ba ang sinasabi mo huh Kiyo? Boss ng Kashushima clan yung lalaking yun. Paano ka nakakasiguro na hindi ka niya ipapahamak?” napabuntong hininga nalang ako. Alam ko namang may point siya eh, mortal na kaaway ng clan na pinagsisilbihan namin ang clan nila Jansen, pero kasi, hindi naman masama ang pakiramdam ko sa ugok na si Jansen eh. Ilang beses na din niya akong natulungan.

“Enough Seal. I can handle myself don’t worry.” Sabi ko sa kanya. Tumayo na ako at naglakad papasok sa kwarto ko pero huminto ako ng nasa tapat na ako ng pinto.

“I’ll be dressed in ten Hideoshi, pakalmahin mo nalang muna ang isang yan.” sabi ko at tuluyan na akong pumasok sa kwarto ko. Madali akong nag ayos at nag bihis pero hindi mawala sa isip ko yung sinabi ni Seal. Alam kong gusto niya lang ako protektahan at tama siya, hindi rin ako nakakasiguro na hindi ako ipapahak ni Jansen. Saka ko nalang siguro iisipin pag nandiyan na. I’ll just cross the bridge when I get there.

Matapos kong magbihis ay dumiretso ako sa weapon cabinet ko. Kumuha ako ng ilang dagger at shurikens na inilagay sa secret pocket sa boots ko. Mabuti na ang handa.

Paglabas ko ay wala na si Seal sa sala, siguro ay nagpapahinga na siya sa kwarto niya. Nilapitan ko na agad si Hideoshi at niyaya ng lumabas. Tumango naman siya at sabay na kaming lumabas ng unit.

Ng makarating kami sa bar na sinasabi niya ay agad naming hinanap sila Kuya. Ang daming tao at sobrang ingay. Dami ding mga nagkalat na haliparot sapaligid.

“Ayun sila oh. Tara.” Sabi ni Hideoshi at kinaladkad na ako papunta sa table nila Kuya Kisune. Nasa VIP room silang dalawa ni Yujia at kasalukuyan ng umiinom at mukhang nagulat pa sila dahil sa pagsulpot naming dalawa.

“Anong ginagawa niyo dito?” Gulat na tanong ni Kuya Kisune sa amin. Napanguso nalang ako. Di ako welcome eh.

“Wag ka nga mag pacute diyan baka may makakita sayo bigla kang hablutin. Maupo kana dito. Tsk. Bakit naka skirt ka na naman?” inis na tanong sa akin ni Kuya. Hehehe, epektib pala ang pagpapacute sa abnoy kong kuya hahaha.

“Si Hideoshi kasi kinidnap ako sa bahay.” Sagot k okay kuya matapos kong umupo sa tabi niya. Si Hodeoshi naman sa tabi ni Yujia umupo.

“Kawaii” sabi ni Yujia at tangkang kukurutin ako sa pisngi pero agad na naglabas ng kunai si kuya at itinusok iyon sa mesa kaya napahinto agad si Yujia at agad na binawi ang kamay at alangang tumawa.

“Hahaha, ano ka ngayon Yuji.” Pang aasar ni Hideoshi kay Yujia.

“To naman si Kisune, di mabiro eh. Bubugawin ko lang sana yung langaw dadapo sana kay Kiyo eh.” sabi naman ni Yujia habang nakangiti pa. Hahaha, kulit lang talaga nitong dalawang to eh.

“Psh. Umayos ka Yuji ah. Bibigwasan kita diyan.” Sabi pa ulit ni kuya kaya naman napatawa kami sa kanya.

Ilang oras pa ang nag daan at nag patuloy kami sa pag inom. Maya maya bumalik si Hideoshi sa amin ng humahangos. Ano na naman kaya nangyari sa isang to? Lumabas kasi siya kanina, mag hahanap daw ng chicks.

  

“Oh, problema mo?” walang ganang tanong sa kanya ni kuya.

“Kiyo, sila Ryuu nasa labas nakikipag away.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Sila Ryuu nandito? Nakikipag away? Wala ng sabi sabi at agad na akong umalis sa upuan ko at hinahanap kung nasaan sila Ryuu hanggang sa mapadpad ako sa labas. Agad akong sumingit sa crowd at laking gulat ko sa nakita ko. Bugbog na sila Ryuu, Raven at Lance.

Pupuntahan ko n asana sila sa gitna ng may biglang humawak sa balikat ko. Paglingon ko, si Kuya Kisune pala.

“Wag Kiyo, I know them. The notorious gang known as Bikers.” Sabi sa akin ni Kuya. Psh.

“Wala akong pakialam kung notorious sila. Assassin ako kuya at kaibigan ko ang mga binubugbog nila. Anong gusto mong gawin ko? Tumunganga?” Inis na sabi ko kay kuya.

“Wala akong sinabing tumunganga ka, ang akin lang atleast get yourself armed.” Sabi niya sa akin sabay ngisi. Oo nga noh?

“Thanks kuya.” Sabi ko sa kanya sabay baling ulit ng tingin ko sa harap at mas lalo akong nagalit sa nakita ko. Si Raven nakahiga sa lupa habang nakatapak ang isang paa ng hinayupak na gumulpi sa kanya. Si Lance naman bugbog na din at nakasakal sa kanya ang kadena. Halatang nag pupumiglas siya habang nakatingin sa direksiyon ni Ryuu. Si Ryuu naman hawak hawak sa isang braso ng animal na miyembro ng Bikers habang ang isa niyang kalaban ay may hawak na patalim at akma siyang sasaksakin. Shit.

“Ryuu!” Narinig kong sigaw ni Lance kaya naman mabilis na akong kumilos. Tumakbo na ako agad sa pwesto ni Ryuu.

“I wont do that if I were you.” Seryosong sabi ko sa lalaking may hawak ng patalim matapos kong hawakan at pilipitin ang kamay niya.

“Y-Yomi.” Tawag ni Ryuu sa pangalan ko. Halatang nahihirapan na siya.

“Sino ka naman?” galit na tanong sa akin nung lalaking hawak ko.

“You don’t need to know.” Sabi ko sa kanya sabay agaw ng patalim na hawak niya at inihiwa yun sa dibdib niya. Napasigaw naman siya sa sakit at napaluhod.

Agad namang sumugod sa akin yung lalaking nakahawak kay Ryuu dahilan para tuluyang bumagsak sa lupa si Ryuu. Ginagalit talaga ako ng mga sira ulong to ah.

Agad kong sinipa yung lalaki na pasugod sa akin pero hinawakan ko ang isa niyang kamay para hindi siya tumalsik. Sinuntok ko siya sa mukha sabay tinuhod ang braso niya na hawak ko dahilan para mabalian siya ng buto.

Sumunod kong nilapitan yung may hawak kay Lance. Inihagis niya sa akin yung kadenang hawak niya pero isinangga ko yung dagger na hawak ko kaya pumulupot doon yung kadena at nung hilain niya yung kadena ay tumalsik din yung dagger, napangisi naman yung gago. Akala ba niya wala na akong weapon. Tsk tsk. Napangiti naman ako at agad na binunot ang dalawang dagger sa magkabila kong boots. Tumingin ulit ako sa kalaban ko at nakitang nanlaki yung mata niya. Wahaha. Ano ka ngayon?

Tumakbo siya papalapit sa akin habang winawasiwas ang kadenang hawak niya. Ibinato niya ulit yung sa akin at ipinansalag ko ulit yung dagger ko. Ngumisi naman siya akala niya siguro I will fall on his trap again. Hahaha, isang malutong na in your dreams. Hinawakan ko ang kadena niya at tinapakan ang kadena dahilan para mas mapalit siya sa akin saka ko ibinato sakanya yung isa kong dagger sapol siya sa balikat dahilan para mag loose ag pag kakahawak nia sa kadena.

Ibinato ko ang isa ko pang dagger at inasinta siya sa vital part niya. Bigla siyang bumagsak. Susugod pa sana sa akin yung iba nilang kasamahan pero napatigil sila ng may biglang lumipad na spear sa harap nila. Napakunot naman ang noo ko. Sino naman nag hagis nito? Hindi ito kila kuya eh.

“Isang hakbang pa at mamamatay kayo?” mula sa likod ay biglang lumabas si Hitomi. Hitomi? WTH?! Anong ginagawa niya dito?

“You dare attack my girlfriend huh? you guys must have a death wish.” Mayabang na sabi ni Hitomi sa mga lalaking susugod dapat sa akin. Mukhang natakot naman sila kaya agad na nag sitakbuhan palayo at iniwan pa ang mga kasama nila. Psh. Walang sense of loyalty.

Papalapit na sana sa akin si Hitomi ng bigla siyang matigilan dahil may katana na nakaamba s leeg niya. Nung tignan ko kung sino, si kuya Kisune pala. Napansin ko ding may nakatutok din sa leeg ni kuya Kisune, kasamahan siguro ito ni Hitomi. Psh.

“Ano bang ginagawa mo dito Hitomi?” Iritang tanong ko sa kanya. Nginitian naman niya ako bago sumagot.

“My girlfriend is here, why wouldn’t I be here?” saogot niya na ikinakunot ng noon g kuya ko. Ito na nga bang sinasabi ko eh.

“Girlfriend?” takang tanong ni Kuya.

“Yeah, im your sister’s boyfriend so that makes her my girlfriend.” Nakangising sagot ni Hitomi. Shit.

“Care to explain Kiyo?” galit na tanong sa akin ni Kuya Kisune habang nakatutok pa din ang mga katana sa leeg nila. Lumapit muna ako doon sa lalaking may hawak ng katanang nakatutok sa leeg ng kuya ko.

“Ibababa mo yan o mawawala ka sa mundong to?” seryosong tanong ko sa kanya. Napatingin naman siya kay Hitomi at dahandahang ibinaba ang katana matapos siyang senyasan ng amo niya.

“I’ll explain later kuya ibaba mo muna yan.” sabi ko sa kanya kaya wala siyang choice kung hindi ibaba yun.

“Sabihin mo na agad kailangan mo Hitomi, kailangan ko pang tulungan sila Lance.” Sabi ko sa kanya na ikinalukot ng mukha niya.

“I’ll pick you up tomorrow after school.” Sabi niya sabay tumalikod na. di ko na siya pinansin dahil agad na akong lumapit kay Ryuu na nahihirapang tumayo. Inalalayan ko siyang tumayo pero napahinto ako ng mapansing kausap ni Hitomi si Lance at tumingin pa talaga si Hitomi sa pwesto ko sabay ngisi. Pero mas nagulat ako ng alalayang patayo ng mga tauhan niya si Lance at isinama sa pag alis nila. What the hell?

“Kiyo, you have a lot of explaining to do. Paano mo naging boyfriend ang anak ng lalaking pinatay mo noon?” inis na sabi sa akin ni Kuya Kisune habang tinutulungan akong buhatin si Ryuu. Di ko nalang muna siya pinansin. Nakita ko naman si Yujia at Hideoshi na inaalalayan rin si Raven na walang malay.

“Wag lang talagang mag papakita sa akin yang Bikers nay an, mapapatay ko talaga sila.” Inis na sambit ko.

Continue Reading

You'll Also Like

330K 2.2K 6
Books, Smarty Glasses, Braided Hair, and a fucking quiet Me. That's how they define a nerd. I mean, I agree most of the time, but not always. In my s...
4M 64.2K 69
Haibara Ai Hyde, a gangster and a prisoner of her past, has a deal with her Father. She needs to study at their own University in order to find her c...
85.1K 5.1K 35
[Completed] Highest Rank Achieved: #3 in Historical fiction. May 23, 2021 Isang lumang aparador ang nagdala saakin sa nakaraan, sa taon ilang dekada...
1.1M 35.6K 78
[COMPLETED] Gugustuhin mo bang tumira sa iisang dorm kasama ang limang hot guys with different personalities? Umm maybe the real question is... kaya...