The Rebels

By Wintermoonie

14.2K 1.8K 1.6K

The peace within Bangtan City was disturbed and terror started to reign. Believed to be murdered, Serafica fo... More

The Rebels Portrayers
INTRO
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14

Chapter 10

291 98 59
By Wintermoonie

Uneditted.
Updating via mobile app.

───⊹⊱✫⊰⊹───
10. The Doctor
───⊹⊱✫⊰⊹───

Sky peaked from the glassdoor frame outside Doctor West's office. He is a middle-aged man in his mid-fortys, sun-tanned skin, with grey strands of hair showing up on his side.

Hawak nito ang isang kopya ng autopsy report ni Quin ngunit hindi ito mapakali ng mga sandaling iyon. Tila may kung ano'ng nagtutulak sa kanya upang huwag katukin ang doktor.

Suminghap sya ng isang malalim na hininga at nagpasyang lumabas na muna sa garden area ng Bangtan Hospital. Walang gaanong tao roon at napakatahimik ng lugar.

Pabilog ang estruktura ng hospital at nasa gitna sila ngayon. Limang palapag ang taas nito at gawa sa tinted glass ang mga bintana. Parang isang mini-park ang kinaroroonan nya ngayon dahil may man-made pond sa pinakagitnang bahagi nito. Madalas ay dito na rin ipinapasyal ang mga pasyente ng kanilang nurse o ng kanilang pamilya kapag dumadalaw sila.

"I'm a doctor. Not a businessman and definitely not a politician," dinig nitong sambit ng isang binata sa hindi kalayuan.

Napatingin sya sa paligid ngunit wala itong malita kundi ang mga nagtataasang iba't ibang uri ng nga halaman at punong kahoy sa paligid. Paalis na sana sya dahil ayaw nitong makaistorbo sa seryosong usapan sa pagitan ng binata at ng kung sino man ang kausap nito ngunit napatigil rin pagkatapos marinig ang isang pangalang napaka-pamilyar sa kanya.

"You pulled me out as Quin Delgado's doctor because you were afraid I'd find out the truth," unti-unting humakbang si Sky patungo sa direksyon kung saan nagmumula ang boses ng nagsasalita at unti-unti nitong nakita ang likod ng isang binatang may kausap sa telepono at nakasuot ng puting uniporme, may stethoscope na nakasabit sa kanyang leeg. "Uulitin ko, I am a doctor whose oath was to save lives! Kung wala ka ng ibang sasabihin, huwag mo na akong tawagan kahit kailan!"

Matigas at mabigat ang mga salitang binitiwan ng binatang doktor. Ibinulsa nya ang kanyang cellphone at napatigil sa kanyang paglalakad sa sandaling humarap ito at nakita si Sky ilang metro ang layo mula sa kanya.

Ibinaba ni Sky ang tingin nito sa nameplate ng doktor at napangiti ng mabasa iyon. Sinalubong nya ng tingin ang binatang hindi komportable ang tinging ipinukol sa kanya, "doctor Lockhart, ikaw ang sadya ko."

───⊹⊱✫⊰⊹───

Nakaupo lamang sa kanyang kama si Storm at malalim ang iniisip habang nakatitig sa kalat na papeles sa paanan nito. Kaninang umaga pang ibinigay ni Sky ang autopsy report tungkol kay Quin at sinabi nitong iimbestigahan nya ang nangyari sa dalaga.

"Wala na akong pakialam, Sky," ang tanging naisagot nya nang yayain sya ng best friend nyang magpunta sa hospital at kitain ang mga doktor na tumingin sa bangkay ng dalaga. Napakunot ng noo ang kaibigan nito sa inastang iyon ni Storm at umalis itong mag-isa kanina.

Ang totoo'y nabuhay na naman ang galit sa puso ni Storm nang maalala nyang muli ang nangyari sa kanila ni Quin. They've already planned their lives together but he just cant accept the fact that she left him without giving him any reason.

Iba't ibang imahe ang pumasok sa isipan niya - ang pagkakita kay Quin na sumasayaw sa gitna ng pole sa isang club habang pinapalibutan ng barkada ni Severino, ang mga larawang nakuha nya habang papasok ang dalaga kasama ang iba't ibang lalaki sa mga hotel, at ang huli ay ang balitang namatay na ito.

He hired a private investigator to check on Quin since the lass doesn't want to talk to him. Pinasundan nya ito upang alamin sana ang rason kung bakit sya nito iniwan ngunit mas lalo lang itong nagalit sa dalaga nang makita nitong kung kani-kaninong lalaki sya sumasama gabi-gabi. He despise her until now.

Hindi nya maintindihan si Sky kung bakit nais nyang imbestigahan pa ang nangyari sa dalaga ngunit hindi rin naman nya ito masisi dahil hindi alam ni Sky ang mga nalaman nya. Ayaw nyang maging ito ay magalit sa tanging dalagang minahal nya kaya hinayaan nyang sarilinin na lang ang sakit.

"Malakas ang kutob kong may nangyaring hindi maganda kay Quin kaya bigla syang lumayo," sambit ni Sky sa kanya noon. "Ikaw ang mundo ni Quin at hindi ka nya basta-bastang iiwan ng walang mabigat na dahilan."

Napakuyom ang mga kamay ni Storm dahil sa galit. Marahas nitong hinablot ang susi ng kanyang sasakyan at pabalibag na isinara ang pintuan ng kanyang kwarto. Wala rin namang makakapasok doon dahil awtomatikong nagla-lock ito kapag lumalabas sya at walang duplicate ang keycard nya.

───⊹⊱✫⊰⊹───

Sumilip sa corridor si Dr. Lockhart at siniguradong walang ibang tao ang naroon bago nya inilagay ang 'Do Not Disturb' sign sa kanyang pintuan saka sinara ito, "have a seat". Malumanay nyang banggit kay Sky.

Hindi na sana nya ito kakausapin kanina ngunit nagmakaawa ang binata upang makausap sya tungkol kay Quin lalo na't nagpakilala rin itong taga-Ministry of Defense at may plano itong imbestigahan ang kaso privately.

Umupo sa isang bakanteng upuan si Sky, sinigurado naman ni Prince na nakasarado ang bawat bintana at pintuan sa kanyang opisina bago harapin ang binata. Kanina pang iniabot sa kanya ang autopsy files ng dalagang kanina lamang ay binanggit nya sa kausap nya sa telepono.

He smirked upon seeing the result made by Dr. West and closed his eyes firmly. He massaged the temple of his head as if it gave him a new headache.

"Suicide," panimula ni Sky na syang nagpabalik sa ulirat ng binatang doktor. Sinalubong nito ang mga mata nya, "she's not the type to give up on life easily. Tell me, doc. Based on your primary observation, did she really die because of suicide?"

Humugot ng mahabang hininga ang doktor bago sagutin ang tanong ni Sky. Tumago ito saka sinabing, "strangulation was indeed the cause of death." Pagkumpirma nito. "But just like you, hindi rin ako naniniwalang nagpakamatay sya."

Tila nabuhayan ng dugo sa sandaling iyon si Sky at sumandal sa mesang naglalayo sa dalawa, "ibig sabihin, pinatay talaga sya?"

Nag-iwas ng tingin si Prince at napahimas sa kanyang baba, "it's a possibility," sagot nya na nagdulot ng pagtataka kay Sky. "The reported time of death doesn't coincide with my initial findings. Ayon sa kulay ng pasa nya, she was dead four hours earlier. Yung lubid na natagpuang nakapulupot sa leeg nya ay manipis kumpara sa pasang natamo nya."

Nangilabot si Sky ng marinig ang paliwanag ng doktor. Napakuyom ito ng kamao dahil sa galit at para syang mawawalan ng hininga sa mga sandaling iyon.

Napalunok si Prince bago magpatuloy sa kanyang sasabihin, "there were... lacerations," halos mahina ang pagkakasabi nito dahil napapansin nitong parang sasabog sa galit ang binata, "...on her private parts of the body."

Muli syang sinalubong ng mga titig ni Sky, galit na galit ito at para syang isang bombang sasabog. "A-ano?"

Tumayo si Prince at pinuntahan ang isang file cabinet na gawa sa metal. Inilabas nito ang susi mula sa kanyang bulsa upang buksan iyon at kuhanin ang isang brown envelope. Ibinigay nya iyon kay Sky na syang nag-aalangan sa pagtanggap rito.

Sky opened the envelope and saw autopsy photos of Quin. Sunod-sunod ang pagtulo ng kanyang mga luha sa sandaling iyon. Hindi nya matanggap ang sinapit ng kaibigang itinuring na nyang kapatid.

Maraming pasa sa kanyang katawan, ang ilang parte ng paa at kamay nya ay may paso ng sigarilyo, at pasa sa iba't iba pang parte ng kanyang katawan.

"My suspicion is, she was drugged before she was killed," klaro sa pandinig ni Sky ang mga kayagang binitiwan ng doktor kaya napatingala ito at naghihintay ng ilan pang paliwanag mula rito. "Walang kahit na sinong tao ang hindi manlalaban kapag sinasakal na."

Magtatanong pa sana si Sky ngunit biglang tumunog ang emergency hotline sa opisina ng doktor. Agad nya itong sinagot, "doctor Lockhart, the patient on room 111 is having a seizure."

Nanlaki ang mga mata nito sa narinig, "prepare antiepileptic drugs right away." Iyon lamang ang sinabi nito bago nagmadaling lumabas ng kanyang opisina at sinundan sya ng binata. "If you still have questions, you can schedule a meeting with me." Sambit nito kay Sky habang inaabot nya ang kanyang business card.

───⊹⊱✫⊰⊹───

See you next update.

Continue Reading

You'll Also Like

10.2M 140K 24
Daughters and sons of conglomerate families gathered at Fukitsu Academy. They believe they are untouchable, yet there is one clan they fear the most...
14.7M 325K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...
23.4M 779K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.
1.4M 46.1K 63
Astreille knew her capability as a hacker and how her strength in that field can ruin someone else's life. For years, aside from writing stories, she...