RACE 1: Left Behind

Av missgrainne

6.8M 160K 10.6K

All that Charlton Forbes daydreamed about was to be noticed by her childhood sweetheart--Ryxer Wilson--as a g... Mer

TEASER
Prologue
1 ~ Love Bites
2 ~ Chastity
3 ~ Smack & Torrid
4 ~ Right Guy
5 ~ Emotions
6 ~ Being In-love
7 ~ Fallen
9 ~ Heartache
10 ~ Charee
11 ~ Race
12 ~ Erythros Skorpios
13 ~ Memories
14 ~ Welcome Back
15 ~ Dream Battle
16 ~ Race I - First 5
17 ~ Race II - Kiss
18 ~ Race III - Betting
19 ~ Race IV - The Prize
20 ~ The Only Reason
21 ~ Stay
22 ~ SPG
23 ~ Sorry
24 ~ Cravings
25 ~ Threats
26 ~ Face-off
Epilogue
Race #2: Aeon Stewart

8 ~ Farewell

187K 4.7K 129
Av missgrainne

CHAPTER EIGHT

MUNTIK nya ng mabangga ang nasa unahan na sasakyan nya habang kausap ang mommy ni Charlton ng sabihin sa kanya ang sinapit ng kasintahan, mabuti na lang talaga malakas ang kagat ng preno ng sasakyan nya kung hindi ay baka nasa hospital na din sya sa mga oras na 'yon.

"Nasaan Hospital po kayo tita Amber?" Nagmamaneho kasi sya papunta sa bahay ng mga ito para sana doon na lang ang kanilang dinner date. Hindi naman nila inaasahan na may mangyayaring ganito.

"SDL Hospital, Ryxer." Tita Amber's voice almost cracked while saying where they are.

"Okey tita papunta na po ako dyan." Kailangan nya pang maghanap ng U-Turn dahil ibang way ang Hospital na pinagdalahan kay Charlton. Ang Hospital ay pag-aari ng kanyag Tito Steven.

Sobrang busy talaga nya nitong mga nakalipas na araw kaya wala sya masyadong oras para makipagkita sa kasintahan. Mag-iisang buwan na din sila at alam nya na sa maiksing panahon na 'yon ay madaming ala-ala nila ni Charlton ang aalalahanin nya kapag dumating na ang araw na hinihintay nya.

Ilang minuto lang na binaybay nya ang Hospital kung nasaan ang kasintahan. Nakita nya ang magulang ni Charlton sa magkatabing upuan, umiiyak ang mommy nito.

"Tita, Tito." Tawag pansin nya sa mga ito. "Ano po ang nangyari kay Charlton?"

"Nahulog sya sa hagdan Ryxer, tumama ang ulo nya sa sahig kaya madami ang nawalang dugo sa kanya dahil hindi maampat ang pagdurugo ng ulo nya habang papunta kami dito. Kailangan nyang masalinan ng dugo. Ang anak ko... Sigurado akong sobra syang nasasaktan ngayon." Umiyak na naman ito habang nakayakap kay Tito Clarkson.

Iniisip nya kung paano nangyari iyon at kung ano ang itsura nya ng dalaga. Parang hindi nya matanggap sa sarili nya 'yung pisikal na sakit na nararamdaman ng kasintahan dahil sa insidenteng iyon.

"Hindi sanay si Charlton sa sakit, alam mo naman kung gaano namin sya inalagaan, kung gaano kami ka-protective sa kanya. Kawawa naman ang unica hija ko." Patuloy lang sa pag-agos ang luha ng ginang.

"Malakas si Charlton kaya siguradong lalaban sya, hindi ba sinabi natin na maging matatag sya? Gagawin nya iyon. Huwag ka ng umiyak babe para pag-gising ni Charlton maayos natin syang makakausap." Pang-aalo naman ni Tito Clarkson habang pinapakalma ang asawa nito.

Ganoon talaga siguro ang mga magulang. Maswerte sila dahil may mga mapagmahal silang ama at ina.

"Sino po ang magulang ng pasyente?" Napapitlag sya at biglang napatayo ng lumabas sa operating room ang isang doctor.

"Kami." Tito Clarkson ang sumagot at tumayo din ito. "Ano ang lagay ng anak ko?"

"Kumusta na ang anak ko? Okey na ba? Pwede na ba namin syang makita?" Kaunti na lang ay maghi histerical na ang mommy ni Charlton.

"The patient is still unconscious. Kailangan pa namin syang obserbahan hangga't hindi pa sya nagigising. And, we need a O+ blood type."

Nagkatinginan ang mag-asawa bago nagsalita ang isa. "O positive ako." Tito Clarkson's said.

Dinala nya muna ang mommy ni Charlton sa isang coffee shop doon habang hinihintay nila matapos kuhanan ng dugo ang asawa nito.

"Tita, alam ko po na wala akong karapatan na sabihin sa inyo na huwag kayong umiyak dahil kahit hindi pa ako nagiging ganap na magulang ay naiintindihan ko po ang nararamdaman nyo," Pinainom nya muna ito ng tubig. "Pero kung palagi po kayong iiyak hindi makakabuti sa inyo 'yan at hindi rin sasaya si Charlton kapag nakita kayong umiiyak."

"Tama ka Ryxer hindi dapat ako maging mahina dapat nga ako pa ang nagbibigay ng lakas sa kanya pero here I am nagpapatalo sa kahinaan ko."

"Pwede naman na daw po natin makita si Charlton mamaya. Everything will be alright tita."

Nagpunas ito ng luha sa pisngi at mata. Alam nya na kung saan nagmana ang kasintahan nya, nakuha man ng dalaga ang mukha ng ama nito pero ang iba pang katangian nito ay namana sa babaeng kaharap nya ngayon. Para mga mamahaling dyamante ang mga ito na hindi mo gugustuhin saktan.

"Nasabi mo na ba kay Charlton ang plano mo?" Maya-maya ay tanong ni tita Amber na nakapagpatahimik sa kanya pansamantala. "Naiintindihan ko Ryxer ang gagawin mo pero sana maintindihan din iyon ni Charlton."

"Sana nga tita, sana nga maintindihan nya kung bakit gagawin ko ang bagay na 'yon." Humugot sya ng malalim na buntong hininga at pinilit na ngumiti.

May mga pagkakataon pala talaga na kahit anong gawin mo ay hindi aayon sa'yo ang tadhana.

"Nagtext ang Tito Clarkson mo pwede na daw natin puntahan si Charlton." Dali-dali nilang nilisan ang coffee shop at nagtungo ulit kung nasaan ang dalaga.

Pagpasok nila sa room kung nasaan ang kasintahan ay agad na niyakap ito ng mommy nito. May benda ito sa ulo, nakaangat din ang isang paa nito na malamang ay na-damage din, may mga gasgas ito sa braso at mga pasa. Sensitive masyado ang balat ni Charlton, feeling nya nga kapag hawak nya ang mga kamay nito ay parang kamay ng sanggol ang hinahawakan nya dahil sa sobrang lambot.

Ipinikit nya muna ang kanyang mata dahil hindi sya sanay na makita ang dalaga sa ganoong ayos.

"Anak, naririnig mo ba si mommy? Gumising ka na please, sobra-sobra na ang pag-aalala namin sayo. Alam kong masakit ang mga sugat mo, lumaban ka baby nandito lang kami, we'll help you."

"Your mom is right, wake up na baby para hindi na iiyak ang mommy mo." Ani Tito Clarkson. "Babe, huwag mo masyadong yakapin ang anak natin baka masaktan sya." Agad naman lumayo ang ginang pero nanatiling nakatitig sa babaeng nakahiga.

"Ryxer," Tawag sa pangalan nya ng ama ng kasintahan nya. "Nakapag-paalam ka na ba kay Charlton?" Here we go again, ayaw nya mang pag-usapan pero wala syang choice.

"Not yet Tito, ngayon po sana kaya lang..." Tumingin sya sa walang malay na kasintahan. "Kaya lang hindi nya maririnig ang mga sasabihin ko."

"Nangyayari talaga ang mga bagay na hindi natin inaasahan."

"Gusto ko po sana hihintayin ko syang magising bago po ako u—."

"Paano kung hindi sya magising agad?" Tanong sa kanya na nakapagpa-isip sa kanya. "Hindi mo pwedeng hintayin si Charlton dahil alam natin na ang opportunity na ibinigay sayo ay hindi pwedeng paghintayin."

"Pero Tito gusto kong makapagpaalam sa kanya ng maayos."

"Willing ka ba maghintay na magising sya?" Oo ang sagot nya doon pero ang isang bahagi ng utak nya ay hindi. "Mahalaga ang kinabukasan mo Ryxer at kung iniisip mo na kapag umalis ka ay mawawala sayo si Charlton, hmn, hindi ko din masasabi sayo na makukuha mo pa din sya pagbalik mo."

"That's the point Tito, paano kung sa pagbalik ko hindi na ako ang mahal nya? Paano kung sa pagbalik ko may iba na sya?" Iyon ang gumugulo sa isip nya.

"Hindi natin hawak ang tadhana hijo, walang makapagsasabi ng mangyayari sa hinaharap pero isa lang ang sisiguraduhin ko sa'yo."

"Ano po iyon?"

"Kung kayo ang nakatadhana ni Charlton, kayo pa din ang magsasama hanggang sa huli." Pwede nya bang panghawakan ang sinabi nito? "Mga bata pa kayo kung tutuusin, marami pang bagay sa mundo ang pagdaraanan nyo Ryxer, huwag mong madaliin ang mga bagay-bagay kung ayaw mong mawala din ito sayo ng gano'n lang din kadali." Makahulugang wika nito.

"Isang linggo Tito, give me one week to stay. Gusto ko pa syang makasama, gumising man sya o hindi." Tumango lang ito sa sinabi nya.

"Huwag mo sanang isipin na pinanghihimasukan ko ang relasyon nyo ng anak ko. Nasayo ang suporta ko Ryxer sana huwag mo akong biguin in the end, sana huwag mo din biguin ang magulang mo." Anito at lumabas ng silid kasama ang asawa.

Muli nyang ibinalik ang tingin sa mala anghel na babae sa harap nya. Hinawakan nya ang kamay nito.

"Naririnig mo ba ako sweetie? Sana magising ka na para mas marami pa tayong memories na bubuuin. Kapag kaya mo na gumising imulat mo agad ang mga mata mo ha. Kapag hindi ka makagalaw tutulungan kita kumilos, I will feed you din, I will carry you and I will take care of you basta magising ka lang. Gusto ko kasing makasama ka pa ng matagal." Hinalikan nya ang palad nito. Yumukod sya at pinugpog ng halik ang buong mukha nito.

One week later...

"RYXER, pwede ka naman magpahinga huwag mo ng pagurin ang sarili mo." Untag sa kanya ng mommy ni Charlton.

Isang linggo na pero hindi pa din nagigising ang dalaga. Ang sabi sa kanila ng doctor sobrang nabugbog lang ang katawan nito kaya siguro wala pa itong lakas gumising pero hindi ito na-coma. Hindi.

"I'm fine Tita, hayaan nyo na po akong gawin ang bagay na 'to." Naramdaman nya ang marahan na pagpisil nito sa balikat nya na para bang sinasabing okey lang 'yan magigising din sya.

"Your dad will fetch you here after their meeting with Clarkson."

"Okey tita, thank you." Hinintay nya munang makalabas ng silid ang tita Amber bago nya muling kinausap ang kasintahan. Ito na 'yung araw na hinihintay nya.

"Akala ko pa naman ako lang ang madaya dito, ikaw din pala perk don't worry sweetie hindi ako galit sayo dahil hindi ka pa nagigising. Kung hawak ko lang sana ang oras sa mundo I am willing to give it all to you, uubusin ko ang oras ko para bantayan at kausapin ka pero..." Humugot sya ng malalim na buntong hininga na tila ba nakikinig sa kanya ang kausap nya. "Pero hindi ko hawak ang oras sweetie, kailangan talaga kitang iwan ng ganyan kahit ayaw ko. Sana maintindihan mo ako, Charlton." Mabigat ang loob nya.

"Babalik ako, babalikan kita." Matagal na inilapat nya ang labi sa labi nito kahit alam nyang wala syang makukuhang sagot mula sa kasintahan.

Ilan minuto nya din tinitigan ang mukha nito bago napalingon sa pinto ng bumukas iyon. His dad.

"Anak,"

"Dad," Lumapit ito sa kanya at tumingin kay Charlton. "Ang aga nyo po yata."

"Actually kanina pa tapos 'yung meeting, binigyan lang kita ng mas mahaba pang oras para makasama si Charlton." Biro nito.

"Dad naman."

"Just kidding son, gusto ko lang pagaanin ang loob mo. Alam ko naman na mahirap para sayo ang gagawin mo pero gano'n talaga anak, may mga ginagawa tayong bagay na dapat gawin para sa ikabubuti natin."

"Alam ko naman po 'yon dad, mahirap pala talagang pumili."

"Depende anak sa pagpipilian. Minsan kasi pinipili natin 'yung bagay na alam nating tama pero hindi tama sa paningin ng iba. Minsan naman pinipili natin kung saan tayo sasaya pero may masasaktan naman tayong iba. Hindi kasi nawawala sa buhay ng tao ang pagpili anak, all you have to do is to be wise by choosing what you want and what you need. Isang beses lang tayong pwedeng pumili kaya dapat siguraduhin mo na ang pinili mo ay tama kahit alam mong may masasaktan."

Ang sabi sa kanya ng mommy nya ang daddy Axer nya ang pinaka malokong lalaki na nakilala nito, pero kaharap nya ngayon ang ama na walang bahid na kalokohan sa mukha pati ang sinasabi nito ay makahulugan at may laman.

"Do you think tama ang pinili ko, dad?"

"Ikaw lang ang makakasagot nyan Ryxer at minsan ang kasagutan ay hindi mo makukuha agad, you have to wait. Maghintay ka anak, maghintay ka ng tamang oras."

"Dad, nasubukan mo na bang maghintay?"

"Maraming beses na kaya sanay na sanay na ako mag-hintay lalo kung ang mommy mo ang hinihintay ko." He chortle. "Kidding aside, yes nasubukan ko ng maghintay."

"Then what happened?" Okey, mukhang nahawaan na sya ni Charlton dahil palatanong na din sya.

"I wait for the right time to finally have your mom, naghintay ako ng lagpas isang taon para makuha lang sya ulit. Nalagpasan ko lahat ng pagsubok na dumating samin at sigurado akong malalagpasan mo din LAHAT ng pagsubok na darating sayo at sa babaeng minamahal mo."

Sabay nilang tinignan si Charlton at napangiti. In the right time, sweetie.

"Ilan beses na ba ni mommy binasag ang puso mo dad?" Natawa ulit ito at tinignan sya na para bang hindi ito makapaniwala sa tanong nya but he knew better, lagi itong broken hearted sa mommy Hillary nya noon.

"Heartbreaker ako anak nung kabataan ko baka hindi mo naitatanong kaya madaming baba—." Alam nya din iyon dahil ang mom nya ang nagkukwento sa kanya ng mga kalokohan ng daddy nya noon.

"But mom broke your heart many times." He emphasize the last two words.

"Okey I admit, ang mommy mo ang heartbreaker that's why I love her. She loves breaking my heart pero hindi na ngayon." Tumingin ito sa wrist watch nito. "We have to go, Ryxer."

"Five minutes dad, I will talk to her."

"Okey, I'll wait for you outside." He said and walk away.

Umupo sya sa tabi ng dalaga. "Charlton, sweetie, mahal kita. 'Yan lang ang panghawakan mo. If I say I love you, I mean it, I really do. Kung masaktan ka man dahil wala ako pag hinanap mo ako, huwag kang mag-alala magpapaliwanag ako sayo. Sana lang mapatawad mo ako. I love you, Charlton." Binigyan nya ito ng huling yakap at halik.

Mabibigat ang mga paa ng iwanan nya ang kasintahan sa silid nito. Wala eh, wala syang choice kundi ang iwan ito sa ganoong kondisyon. Tama nga ang daddy nya, pinipili natin ang isang bagay kahit alam natin na may masasaktan. At sya mas pinili nyang iwan si Charlton para sa ikabubuti nya at ng mga taong nagmamahal sa kanya.

Fortsett å les

You'll Also Like

3.9M 100K 24
Lukas Andres Cruise - Consunji is the SOLE heir of the CONSUNJI EMPIRES and being the Sole Heir, Lukas had no interest in keeping the family money...
101K 2.5K 52
What will you do if you end up in someone else body?
10.6M 315K 39
A rebellious son from one of the most influential family in the Country, Kielton Grande seeks for his freedom in his own freaking way. He left his lu...
495K 29.6K 18
The future of Grande Cruises and the first-born son of the billionaire shipping magnate--Clinton Grande has learned to carry and control the weight o...