♥ A.R Love Story ♥

By awesome_sebo

4.6K 122 5

Highest Rank Achieved: #3 epiclovestory #8 collegestories #27 collegelovestory Ito ang kwento ng kapw... More

The short story of Wild girl, and Ordinary boy
Prologue
First day of Semester
The First Scenery
The Awakening
The Youthful Affair
Love and pain
The Parade
The Reunion
The Trip
The Engangement
Trouble in two lovers
The Healing
The College Night
The End
Acknowledgement
Reading Concept
Unknown Titles

The Break up

55 4 0
By awesome_sebo

Angela Dela Cruz:                                                                                                                                                                                                                                          

Maraming blessings ang natanggap ng STI schools nationwide. Hindi lang para sa mga staffs nito, kundi para rin sa aming mga estudyante.                                                                                

Makikita ang magagandang komersyal ng STI na napapanood sa telebisyon: ang enrollment-to-employment (E2E System), mga friendly at compassionate na STIers, facilities, classrooms, clubs at sports. Maganda rin ang pag arkitekto sa ibang STI building, pero ang iba ay nangungupahan lang sa rinentahang building. Nakakapag enroll na rin ang mga Senior Highschool Students sa buong STI schools.      

Ang pinaka masaya pa katulad sa mga sikat na schools, ay maraming programang pangkompetisyon, at iba pang opportunities, para sa mga estudyanteng nais maging magaling, at makilala. Kompiyansa rin kaming makapag imbento ng maaaring magamit ng society, at makapagluto rin ng masasarap na foods parang world class lang. At ang pinaka best ay sumali sa mga organisasyon ng school. Habol ko lang sa organisasyon ay magkaroon ng magandang trabaho someday.

Sa tagal ko na ring nakikisama sa school, ay nagkaroon na ako ng maraming magagaling na kaibigan: mga scholars, academicians, musical rockers, programmers, working students, club leaders, cool great teachers at iba pa. Hanga ako sa ibang kwento ng iba, na mas lalo na ang mga working students, dahil sila talaga ang great students ng school.

Hindi ring magpapahuli ang mga powerful at cool kong ka-org mates, na ang layunin lang ay pagsulong ng kaunlaran ng inang bayan;

Iniimprove namin ang mga sarili para sa kanya, kaya naman, ay marami kaming kung ano anong proyektong pinag aabalahan. Pero ang pinaka mahalaga at masaya, ay napapanatili ko ang pagiging competitive sa abot ng aking makakaya. Sama sama kaming minsan kung mag lunch, gumala, mag inuman, gumawa ng projects, at mag celebrate. Kung may personal na pinagdadaanan ay maaari rin silang makapitan, para mas lalo pa akong maging confidence na makapag tapos ng pag aaral at makita ang nakaka proud na sarili, na kasama sila.

Tumagal din ang pagsasama namin ni boyfriend Raymond; may mga magagandang couple stories katulad ng ibang mag youth couples: dates, monthsaries, at iba pang celebrations.

Ang ginagawa sa akin ni Jack dati, ay siyang ginagawa rin sa akin ni Raymond, ay ang pagpapanatili ng kaligtasan ko muna, para hindi mawala ang pagtitiwala at pagmamahal ko sa kanya.

At tanggapin niya ang mga tropa't pamilya ko nang buong puso, na makisama sa amin, kahit anumang mangyari.

At paghahatid sa akin sa bahay pagkatapos ng klase, ngunit ang pinagkaiba nga lang ay mas astig at maimpluwensiya si Jack, kaysa kay Raymond.

Hanggang napansin ko na lang..... Habang tumatagal ang relasyon namin.... Ay parang unti unti ng nagkakalamat at nawawala.

Nagkakaproblema na kase kami sa komunikasyon, na nagkakaroon, na siya ng kanyang pansariling priyoridad, kaya nagkakaroon kami ng conflict sa sarili, na hindi nagkaka unawahan. Minsan kase ay hindi na kami nagkakaintindihan.

Nagkakaroon na kase ako ng conflict, na hindi lang sa pamilya ko, org advocates para sa anti bullying, at mga taong malalapit sa akin, kundi pati na rin sa aking sarili na para bang nakakalimutan ko ng gamutin ang mga dumudugo ko pang mga sugat.

Pero tinututukan ko pa rin ang mga api katulad ko na baka someday, kung makita nila akong nagbabago sa kanilang mga mata ay gagawa sila ng paraan para ibagsak ako. Pero hindi mangyayari ito dahil desidido talaga ako sa aking pinaglalaban.

Ayos naman talaga si Raymond e: malambing, tahimik--basta ok siyang tropa, at syempre, ay masayahin.

Ang problema kase sa relationship ng mag couple ay may puppy love, tapos ay magiging broken love na lang; may struggle katulad sa nangyayari sa amin, tapos ay mag oopen forum kung kaya pa ba naming ipagpatuloy ang relasyon...

So Suck Ang Decision--Grabeh OMG!!! Mahirap ito dahil parehas kaming teenager, ni walang naggaguide sa amin. Kasama na dito ang mga pinoproblema ko pa sa sarili-siguro feeling ko kase ay unti unti na akong nakaka move on dahil sa kanila. Pero minsan ay sila pa ang nagpapadugo ng mga sugat ko kung hindi nila napapansin ang pinagdadaan ko.

Sa couple's communication relationship, ay natural na sa isang tao na gumawa ng pagkakusa para maiwasang pumalya ang isang aksyon. Pero ang mas mainam pa rin talagang gawin, ay ang kasabihang:' Greatest lover is a good listener'.

Sa kaso namin ni Raymond, ay nawawala na ang galak o pagnanais na magkita kasama ang tropa.

Ayon sa obserbasyon ko tungkol sa kanya, ay ayos naman ang relasyon namin, at kapag magkakasama sila ng tropa't pamilya ko, ay makikita ang pagkagalang effect niya. Pero kapag nandiyaan na ang mga close friend niya'y may pagkakataong humihiwalay na siya sa amin. Minsan ay hindi na ring pinapansin ng mga tropa ko kapag palagi na siyang sumasama sa mga tropa niya-kase parang mas komportable pa siya kapag kasama sila.

Tungkol naman sa mga tropa niya, ay parang lagi siyang inuutong sumama sa kanilang adventures, kaysa sa amin.

Pero parang gusto siya ng mga kasamahan niya! Lumalabas na rin ang tunay na kulay na luckiness ni Raymond sa kanila, kahit na nagmumukha siyang ewan. Dahil dito'y napapahiya na talaga ang grupo namin na may halong pagdududa, kaya lalong nagpasama sa akin muli ng mga ala ala.

May Role Appointment sila kapag magkakaroon ng adventures, tungkol sa mga gimik nila, at ibang regular na ginagawa ng mga college boys. Minsan kasama ko sila pero madalas ay lagi lang akong mag isang nag iisip ng kung anong magaganda para maging komportable lang-ewan ko kung matutulungan rin kami ng tropa.

Nagalit, at nag react na ako, dahil parang hindi na nakikeep ni Raymond ang kanyang promise na aalagaan ako, at ang relasyon namin.

Dahil sa nakikita kong masamang pagbabago ng relasyon namin, at ng tropa ko ay hindi ko na natansya ang aking sarili na humarap, para paalalahanan at pagalitan siya. Hindi ko maiwasang isipin na gusto ko na talagang maging maayos na ang lahat o itigil na lang ang aming relasyon; gusto ko nang ayusin ang nagpapagulo sa amin, na isantabi muna ang problema sa aming dalawa, at hayaan na muna namin, na magpaliwanag, kung anuman ang pagkukulang.

Ewan ko ba?! Parang hindi rin kase siya interisado na makinig ng kwento ng ibang tao.

Kinala ko kase siyang gusto niya lang maging masaya palagi kapag kasama ako at ang tropa.

FYI, ay gusto ko talagang palagi lang siyang nasa tabi ko, dahil hirap na hirap na talaga akong makisalamuha sa mga tao, kaya inamin ko na sa kanya ito. Malakas lang talaga ang loob ko dahil nasa stage na ako ng pagiging deplomasya, ngunit walang pumapansin, kahit pa ng mga pusong mamon. Kaya nangyari'y lagi ko na lang talagang kasama ang mga tropa, para hindi na ako maging malungkot at lumuha pa, na maging masaya lang. Pero parang lumalalim na ang pag iiba nito-hindi ko na alam ang dahilan nito kung sa pagpili ko ng mga tropa o na kay Raymond.

Lumuwag na ang pakiramdam at natuwa na ako sa kanya, kahit papaano dahil naintindihan na niya ang lahat. Kahit masakit ay nakinig ako ng mga advice niya, pero syempre'y nag advice rin ako. Sabi ni Raymond na kailangan rin raw kase ay may part sa mga kaibigan niya na hindi lang sa aming relationship. Dahil napansin niyang sumosobra na rin siya, ay nag sorry naman siya agad sa akin. Mahal na mahal daw niya ako. Gagawin daw niya ang best para hindi na ulit mangyari ito. Naantig ako dito dahil hindi niya ako pinagbuhatan ng pride, na sa halip ay nagpakatoo na lang siya. At lumarga na kami ni Raymond, at tinawag na niya ang tropa, kasama rin ang kanyang mga kaibigan.

Kami'y naging close kahit saglit lang.

Pero hindi pa rin ito natatapos dahil maaari pa ring mangyari ito. Kailangan ko ring ibigay ang best ko para maging maayos lang ang lahat. Sinubukan kong gawin ang payo sa Google ang tungkol sa '7 Relationship Problem ni Carol Sorgen reviewed by Brunilda Nazario, mp sa: "Not making your relationship a priority" ':

Do the things you used to do when you were first dating: show appreciation, complement each other, contact each other through the day, and show interest in each other.

Plan date. Schedule time together on the calendar just as you would any often important event in your life.

Respect one another. Say "thank you", and "appreciate", its less your partner know that they matter.

Umaakyat na rin siya ng ligaw sa aming bahay, at nag party party kami sa anumang okasyon, etc., na katulad ng ginagawa lang namin dati.

Ngunit habang tumatagal, ay nag aaway pa rin kami pero hindi gaanong nagkaka apektuhan, na may pag uunawaan pa namang nangyayari.

Hanggang sa humantong na nga sa hindi inaasahan.

Dahil sa pagpupumilit kong makipag ayos ay napa iwas siya sa akin na parang nasaktan ko yata ang kanyang pride. Nung bago mangyari ito'y nasabi ko na sa magulang ko ang nangyayari sa amin. Akala ko'y hindi pa huli ang lahat. Nung sinabi ko na sa kanila, tapos ang tugon nila'y kung bakit ngayon ko lang daw sinabi, ay huli na talaga. Sinabi ko rin ito sa mga kaibigan ko. Subalit parehas lang ang kanilang naging advice sa akin.

Dahil naapektuhan na rin ang pag aaral ko rito, at kung mangyari man na humantong pa raw sa sakitan ang pag aaway ay makipagbreak na lang daw kami.

Ganun na nga ang nangyari, na naging mahirap na sa amin ang lahat. Dahil dito'y nakipag break na ako kay Raymond pagkatapos kung sabihin ang tunay na nangyayari sa aming dalawa. Hindi niya ito matanggap dahil unfair daw sa kanya-normal lang naman daw ang nangyayaring ito sa amin. Mahal na mahal daw niya ako.

Nagmamakaawa siya nang lumuluha sa akin na huwag daw akong makipagbreak. Paulit ulit pa niyang sinasabi sa akin na mahal na mahal daw niya ako; hindi niya ito sobrang matanggap. Naaawa ako sa kanya pero huli na talaga ang lahat, dahil nagkakasakitan na kami.

Naapektuhan na rin ako, na napapabayaan na ang aking sarili, kaya anong reason kung bakit pa naming ipagpapatuloy. Lumuha rin ako dahil naaawa ako sa kanya, at sa tagal na rin ng pinagsamahan namin. Sinabi ko na lang sa kanya na hirap na hirap na rin ako sa tuwing makikita ko siya....kaya palayain niya na lang ako. Kaya pinalaya na lang niya ako nang mahinahon, at tumalikod na siya nang umiiyak pa. Alam kong magdaramdam kami pagkatapos ng nangyari pagdating namin sa bahay.

Mahirap nang magpakatotoong tao sa sarili kapag gan'to na ang nangyayari. May mas pinopriyoridad na conflict na dapat munang pagdesisyunan. Hindi ko alam kung magiging tama pa ba ang magiging sagot ko sa dulo ng dila, o hahanap na lang ako ng iba pang kasagutan sa mga katanungan ko. Hindi ko hinayaan na ipasagi na naman ang past ko baka sumemplang, at magkagulo pa sa utak ko, upang magdesisyon pa ng isa. Kailangan, ay hindi ko muna pahirapan ang aking sarili, kaya hindi na kailangan pang magsinungaling, na kunyari'y nakahanap na ng pansamantalang lunas. Kinakailangan kong huminga ng malalim, at magpokus kung ano ba ang nasa puso ko talaga.

Kailangan kong immotivate pa ang aking sarili na magtanong pa, para sa hinahanap ko talagang tunay na sagot, upang bumilis ang pagdaan ko sa matarik at magulong daan. Eto na! Dahil walang kwenta na ang pinaggagawa ko sa sarili, ay nagpasya na lang akong maging matapang kahit mahirap at masakit.

Lumipas ang ilang araw, ay balik na naman sa normal kong buhay. Hindi ko lang alam kay Raymond. Hindi ko na siya nakakasalubong ni nakikita, pero sana'y ayos lang siya. Bestfriend ko si Raymond dati pero mananatili pa rin siyang bestfriend ko sa aking puso. Sinisi ko ang sarili kung bakit ko pa siya sinagot. Sana'y makausap ko pa siya dahil parang ayaw na niyang pumasok sa school. Sabi ng magulang ko'y bata pa raw ako, na marami pa raw lalake sa paligid na may magmamahal sa akin nang totoo. Sabi naman ng mga true friends ko'y ganyan talaga ang relationship, na ang kailangan ko lang daw gawin ay maging matapang at wag ko daw pakinggan ang mga negative na sa paligid.

Madaling sabihin at nakaka inspire pero ang problema, kung papaano ko ito magagamit. Pero hindi na bale. Marami pa akong mission na kailangang tapusin.

Naglalakad na ako pauwi pagkatapos ng klase nung gabi. Nadaanan ko ang mga tropa ni Ryan...teka. Kasama rin pala si Ryan.

Bigla niya akong tinawag nang may pagka giliw, at binigyan ng magandang papuri, sa pagitan ng magandang gabi...

Tuwang tuwa si Ryan nung makita ako. Ang gwapo ni Ryan na parang nag ayos pa siya bago umalis, pero pang nerd pa rin tingnan. Tinanong niya ako kung saan ako sasakay pauwi at sabi ko naman ay malapit lang sa SM Calamba. Tamang tama raw, dahil doon daw silang magtropang nerds sasakay, kaya kung pupwede ay sama muna raw ako sa kanila. Pagkatapos kong makapag isip ay sumama na rin ako.

Gumala, nagtawanan at nagkwentuhan muna kami sa loob ng mall. Pagkatapos ay lumabas na kami ng SM para umuwi. Nagpaalam na sa amin ang mga tropa ni Ryan na sa kabilang direksyon, samantalang kami na lang ang magkasama. Nagkwentuhan muna kami ni Ryan bago umuwi. Kinakabahan siya na kanina ko pa napapansin na parang may gusto siyang sabihin sa akin. Alam ko na! Pinaglaruan ko muna siya, ng mga kwentong nakakatuwa para tumapang siyang sabihin sa akin ito.

Nung bigla niyang inamin nang malakas na gusto niya raw ako-at higit pa raw dito dahil matagal na! Naapreciate ko ito. Hindi na ako bata para prankang ibasted ko siya. Nagulat na lang akong alam na niya na break na kami ni Raymond, kaya tinanong ko siya kung paano na laman. Narinig daw niya dahil stalker daw siya e, na parang pinagmamalaki pa niya ito. Lumapit siya at nagtapat kung may pag asa pa raw siya sa akin, kaya tugon ko muna sa kanya na huwag muna, dahil kabibreak ko pa lang, at nadala na rin ako, at agad naman niyang nirespeto ito.

Inuulit ulit pa niyang gusto niya raw ako pero in specific way tungkol sa akin, nang nag iintense.

Pero parang seryoso siya, kaya nirelaks ko muna siya. Sabi niya'y siya lang daw ang makaka intindi sa akin, dahil parehas lang kami. Kung siya raw ang magiging boyfriend ko, ay alam niya raw ang gagawin, dahil sigurado na siya lang daw ang makakaintindi sa akin, at iba pang pagpapakatotoong taong pinagsasabi niya.

Matagal daw niyang pinapanalangin sa Diyos na sana'y maging kami, at kung magiging kami'y magiging maayos na ang lahat sa amin. Pinigilan ko siya ngunit pinigilan din niya ako, dahil alam na niya ang totoo na isa lang siyang hamak na taong may image problem sa mundong ito, na walang karapatang magkaroon ng magandang kaloob na galing sa mundo namin.

Mayaman ako at siya raw ay mahirap. Sinimulate pa niyang para raw siyang taeng nilalayuan, dahil mabaho, kaya dapat linisin para hindi pagdirian ng mga tao. Matagal na raw niyang tanggap ito. Hindi na raw sa kanya mahalaga ang katwirang ito, dahil sa tuwing nakikita raw ako ay nahuhumali siya sa akin. Kaya kinutuban na ako kaya nagbalak na akong umalis.

Umalis na ako upang umuwi, nung sinamahan ako ni Ryan. Pero normal na siyang kumilos muli, nagbibiro at tuwang tuwa sa kanyang sinasabi, na nakikisama na lang ako sa kanya. Nung makita ko na ang aking sasakyang dyip, ay natunugan niyang gusto ko ng umalis kaya nirespeto niya naman ito. Pero sa huling pagkakataon ay humarang siya sa aking harapan. At nagtapat siya ng kanyang nararamdaman na maghihintay daw siya, at inulit pa niya ito hanggang sa makasakay na ako. Nandoon pa rin siyang pinagmamasdan ako habang bumibiyahe na.

Pag uwi ko ng bahay, ay abot langit ang aking tuwa dahil alam ko na may gusto siya sa akin. Pinag isipan ko pa ang kanyang sinabi kanina, kung tatanggapin ko pa ba ang panliligaw niya, habang iniisip ko siya, at tinatanaw ang kanyang mga sinabi, na kung siya ang magiging boyfriend ko?,...., hanggang sa pagtulog ko, kaya hindi agad ako makatulog kasama na ang tinatanaw ko pang mga suliranin sa sarili.

Siguro, ay napagpasyahan ko na nais kong maging boyfriend si Ryan kaya pinilit ko nang makatulog.

Hanggang sa lumipas ang ilang mga araw na hindi ko na nakikita si Ryan, pero si Raymond ay pumapasok na. Medyo nakikipag usap na siya sa akin ni nagkukwento; naghinayang akong hindi na siya makita pa.

At hanggang sa nakilala namin ng mga kaibigan ko sa peryahan ang mga grupo ng bad boys nung gabi. Yung isang miyembro ay boyfriend ng isang bestfriend kong si Ellaine. Mga gangster sila. Maraming miyembro sa isang grupo. Nagpakilala ang iba sa kanila pero ang isa talaga ay nagpakilig sa amin, na si Kevin daw ang pangalan. Unang kita ko pa lang sa kanya ay na obsessed na ako. May katawan siya, maporma, gwapo na cute pa, may nangungusap na mata, at may confidence kung magsalita. Kung umaksyon siya ay magiliw at masayang nagba brod sa mga kasamahan niya na parang young, wild and free talaga sila. May nakikita rin akong mga vehicle nila sa kapaligiran at maraming mga girls. Tila'y B-2-B car show lang.

Continue Reading

You'll Also Like

28.3K 1.4K 32
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
1.9M 95.1K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
3.2M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
626K 15.9K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...