MAYBE ONE DAY (Completed)

Da ajldlkbv20

267K 9.2K 890

Never expected that it'll happen again. Never expected that I'll be surrendering almost all of my firsts. Nev... Altro

A NEW JOB
MEETING THE CEO
THE PRESENTATION
LUNCH SLASH CELEBRATION
SHATTERED GLASSES
MEETING THE PALS
ONE STEP CLOSER
HUGOT 101
MS. CLINGY
FAVOR
HONESTY
CONFESSIONS
THE REVELATION
CHANGE POSITION
UNCERTAINTY
SELFISH MOVE
TORN
A GIVEN CHANCE
NUMBER 1 FIRST
UPBRAID
NUMBER 2 & 3 FIRST
SIMPLE WORLD
THE DECISION
A FRESH START
OUTRAGE
TIME APART
LONGING (PART 1)
LONGING (PART 2)
TRUST ISSUE
REALIZATION
ONE LAST TIME
MY JOURNEY
MAYBE ONE DAY
EPILOGUE
(Author's Note)
NEW STORY (AN)

CHOICE

6.6K 237 53
Da ajldlkbv20

CHAPTER 29



SA OFFICE


Galing akong site para tignan ang development ng project naming Hotel and Casino. Doon kagad ako dumiretso kaninang umaga kaya hindi kami magkasama ni Althea. Nandito na siya sa office dahil marami pang hinahabol na trabaho. Halos abutin ako ng lunch time sa dami nang ininspect sa site.


Pagkaakyat ko sa floor namin, natigilan naman ako bigla sa pagpasok sa office room namin ni Althea dahil narinig ko ang boses ni Cathleen. I didn't really mean to eavesdrop or anything; Gusto ko lang talaga pumasok sa loob dahil marami pa akong trabahong gagawin, pero hindi ako makakuha ng tiyempo dahil parang nag-aaway ang dalawa.

"You were gone for a month, and it's like you didn't miss me at all. Before ka umalis, ilang linggo kang hindi pumunta sa condo. Ngayon nalang ulit kita pinipilit, Althea." Panunumbat ng half French.

"Cathleen naman! Nung nasa New York ako, araw-araw tayong nag-uusap. Ano pa bang gusto mo?" Medyo galit naman na sagot ni Althea.


Honestly, medyo may kirot akong naramdaman dahil sa sinabi ng CEO. I didn't know that they talked everyday; but it's okay though. I trust Althea.


"I just want to spend some time with you. Masama ba un? Ni hindi pa nga tayo nakakapag-usap nang matagal simula nung dumating ka." Sumbat ulit ni Cathleen.

"Alam mo naman kasing marami akong hahabuling trabaho. Mag-isang minomonitor ni Jade 'tong project namin for a whole month. We need to discuss a lot of things." Paliwanag ng CEO.


Althea wasn't lying. Marami talaga kaming kailangang pag-usapan tungkol sa project namin. I need to update her on the construction development.


"Buti pa kay Jade, may time ka." Pagmamaktol ng girlfriend nito.

"Cathleen, narinig mo ba ung sinabi ko?! Trabaho ang pag-uusapan namin ni Jade!" Tumaas na ang boses ni Althea.


Gusto ko nang pumasok para maawat na ang sagutan ng dalawa, but I know it'll be awkward lalo na ako ang topic nila. Ayoko lang kasi na tuluyang magalit si Althea dahil baka kung ano ang masabi niya.


"Dito nalang ako magtatrabaho para magkatime ka naman sakin."

"The heck, Cathleen! Wag mo nga akong paandaran ngayon ng pagiging immature mo. Please lang!" Konting-konti nalang talaga sasabog na 'tong si Althea.

"What is it between you and Jade? Effort kung effort nung birthday mo ah, infairness. She's such a sweet friend." Cathleen sarcastically said.

"Ano namang masama dun sa ginawa niya para sakin?" Sumbat na tanong ng kausap niya.

"Hindi ko sinasabing masama. I'm just wondering why she did it." Dahilan nito.

"Bakit, hindi ba pwedeng may ibang taong magpasaya sakin sa birthday ko? Ikaw lang ba dapat?" Naiinis na tanong ni Althea.

"I'm your girlfriend! I'm supposed to do things like that." Sagot ng half French.


Kailangan ba talagang isumbat ang pagiging girlfriend niya? Anong pinupunto niya? Na siya lang ang may karapatang maging parte ng buhay ni Althea? Possessive much? Ako mismo, nasasakal sa kanya eh.


"Edi sa susunod, mag-isip ka ng ganun kung ayaw mong ibang tao ang gumawa!" Hindi nawala ang inis sa tono ng boses ni Althea.


Should I go inside now?


"You better go, Cathleen. I don't have time for this. Marami pa akong gagawin. Next time na tayo mag-usap." Sabi nalang ng CEO para hindi na siya tuluyang magalit.


Hindi sumagot si Cathleen pero narinig kong tumayo na ito at mabilis na lumakad papuntang pinto. Nagmadali naman akong nagtago sa may gilid kung saan hindi niya ako makikita pagbukas ng pinto. Nakita ko itong dire-diretsong pumunta sa elevator lobby.

Naghintay ako ng ilang segundo at huminga nang malalim bago pumasok ng room. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Nakita ko si Althea na nakasandal sa office chair niya, na halata namang stressed na stressed ito. Tumayo siya kagad at lumapit sakin pagkapasok ko. She wrapped one of her arms around my waist.

"Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita hinihintay." Bigla namang naging malambing ang tono ng boses nito.

Imbis na sumagot kagad, I held the back of her head to pull her closer and gently kiss her forehead. Napangiti naman kagad ito.

"Sorry. Ang daming kinailangan i-check sa site eh. Kumain ka na ba?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya.

"Hindi pa. Tara, kain na tayo?" Natutuwang aya nito.

Should I tell her that I heard her conversation with Cathleen? Medyo nakakabother kasi dahil sigurado akong hanggang mamaya ako magwoworry knowing na nagdududa na ulit si Cathleen samin.

Kinuha ni Althea ang wallet niya at inilapag ko muna ang dala kong mga gamit sa lamesa. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palabas ng silid. Pinigilan ko siya kagad bago pa man kami tuluyang makalabas.

"What is it, Jade?" Tanong niya habang nakatingin sakin at napansing medyo nag-aalangan akong magsalita.

"Ano kasi..."

"What's wrong, lab?" Tanong niya ulit, now with a worried look on her face.

"Narinig ko usapan niyo ni Cathleen kanina. Sorry, I didn't mean to eavesdrop." Nakayuko kong sagot.

"Oh. Hayaan mo siya. Ganun talaga un. Tara na." Hila niya ulit sakin na parang hindi nagulat sa sinabi ko.

"Okay ka lang?" I stopped her once again, and she looked at me.

"Oo naman. Sanay na ako dun." Mabilis na sagot niya.

Tinitigan ko siya para makita kung totoo ang kanyang sinasabi. Parang mas nag-alala tuloy ako nung malaman kong seryoso siya sa sagot niya.

"Maybe I should've really considered her plans muna bago ko ginawa ung birthday party mo. I'm so—" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil biglang sumingit si Althea.

"Jade! Wag mo nang isipin un, please. Hanggang dun ba, maggigive-way ka parin? Wala kang kasalanan." Paliwanag niya.

"Ayoko lang kasi na pag-awayan niyo pa un. I just really wanted to make something special for you. Hindi ko naman alam na may gusto rin siyang gawing ganun." Medyo natatarantang dipensa ko.

Biglang binitawan ni Althea ang kamay ko para hawakan ang magkabila kong pisngi.

"Jade, wala kang kasalanan sa kanya, okay? Hindi lang sa kanya umiikot ang mundo ko, kaya wala siyang karapatang pigilan ang ibang tao na gumawa ng kahit ano para sakin." She was trying to calm me down, which actually worked a bit.

"Kung may kasalanan ka man, sakin un at hindi sa kanya." Dagdag niyang sabi at bigla na naman akong nataranta.

"Hala siya! Anong ginawa ko?"

"Hindi mo ako sinamahan nung party. Iniwan mo 'ko." Kunwaring pagdadrama niya, at natawa naman ako.

"Lab..." Panimulang reklamo ko.

Hindi naman niya ulit ako pinatapos dahil bigla niya akong hinalikan sa labi nang mabilis.

"Joke lang, mahal ko. Basta wag mo nang isipin un. Tara na. Gutom na ako eh." Aya niya ulit, and I didn't stop her this time.



//



Napuno ng tawanan at kulitan ang lunch namin ni Althea, hanggang sa makabalik kami ng opisina. Ibang-iba ang mood niya kumpara sa nung kausap niya si Cathleen kanina. Pagdating namin ng office, pinag-usapan na namin ang mga update and development ng project. Wala namang tigil ang pangungulit at panlalambing sakin ni Althea.


"Lab, pwede mo ba akong samahan mamaya sa condo? Kahit hanggang makatulog lang ako. Please?" She sweetly asked when we finished discussing work.

"Namiss mo talaga ako no?" Pang-aasar ko sa kanya na may kasamang nakakalokong ngiti. Bigla naman niya akong sinuntok nang mahina sa braso.

"Ang kapal mo talaga minsan eh. Sige na, wag na. Sanay naman akong mag-isa." Kunwaring pagtatampo niya sabay talikod sakin. Natawa nalang ako, and I hugged her from behind.

"Joke lang, mahal ko. 'To naman. Ang bilis magtampo. Hindi bagay, lab." Patuloy ko paring pang-aasar. Ang cute-cute kasing maasar nito. Sarap lang pagtripan minsan. Hahaha.

"Ewan ko sayo, Jade Tanchingco." Sinubukan niyang kumawala sa pagkakayakap ko pero mas hinigpitan ko lang ito.

"Joke lang talaga, lab. Sorry na. Hindi na po." Paglalambing ko sa kanya.

"Tigilan mo ako, Jade. Isa!" Nakakawala naman siya at biglang tumayo mula sa kinauupuan niya. Lumayo siya ng bahagya at nakatalikod ito sakin.

Hala na siya! Mukhang nagalit na nga. Tsk.

Nilapitan ko ito at tumayo sa harapan niya. Patuloy ko siyang tinitigan kahit hindi siya nakatingin sakin. Nakita ko namang hindi talaga ito galit, even though her arms were crossed.

"Uyy. Sorry na." Lambing ko habang nakahawak sa isa niyang braso. Tinignan niya ako saglit at nalaman ko namang konti nalang ay bibigay rin siya.

"Ayiiee. Bati na kami ng mahal ko." Nakangiti kong sabi na nagpatawa naman na sa kanya. Nagyakap kami saglit pero agad din itong naputol dahil biglang may kumatok sa pintuan.

"Pasok." Sabi ni Althea pagkatapos naming lumayo sa isa't isa ng bahagya.

"Ma'am Tanchingco, nasa baba daw po si Lauren Castro. Gusto kayong makita. Paakyatin ko po ba kahit walang appointment sa inyo?" Tanong ni Julia pagkapasok niya ng office.

Nagulat ako kasi wala naman kaming usapan ni Lauren na magkikita kami ngayon. Nagdadalawang-isip ako kung paaakyatin ko siya dahil ito ang unang beses na magkikita sila ni Althea if ever.

Nagkatinginan kami ni Althea at palihim akong nagpaalam sa kanya. Bahagya siyang tumango, telling me it's fine with her.

"Sige, Julia. Paakyatin mo siya. Thank you." Sagot ko sa secretary niya.

"Okay ma'am."



...



"Anong meron? May lakad kayo?" Tanong ni Althea sakin pagkasara ng pinto.

"Ha? Wala ah. Hindi ko nga alam kung bakit siya nandito eh." Mabilis na dipensa ko.

"Baka aakyat ng ligaw." Medyo seryosong sabi niya.

"Lab naman. Diba sabi ko sayo, friends nalang kami. You trust me, right?" I said with all honestly as I looked into her eyes.

"I do trust you. Pero syempre, I don't really know anything else about her, besides dun sa mga ikinwento mo. Malay ko ba kung may iba siyang intensyon." Palusot nito sabay kamot sa kanyang ulo.

"I told you before naman na wala siyang ibang intensyon diba? Kilala ko un. Tsaka bakit ka ba nagwoworry? As if naman hahayaan kong umabot pa kami sa ganun." I assured her as I wrapped my arms around her waist.

"Alam ko kasing hindi imposible." Mahina niyang sabi. I almost didn't catch it.

"Hindi imposible ang alin?" Taka ko.

"Na mainlove siya sayo." Sagot niya habang nakatitig sakin.

"Althea—"

"Jade... I just know, okay? I know it's not impossible dahil un ang nangyari sakin. Sabi ko sa sarili ko noon, imposible akong mainlove sayo. But look at where I am right now. Daig ko pa teenager na obsessed na obsessed sayo." Natatawang paliwanag niya at hindi ko naman napigilang matawa din.

"It's just that... I know how good it feels to fall in love with you, Jade. Manhid nalang ung taong hindi ka magawang mahalin." Seryoso niyang sabi.

Hindi ako sumagot dahil hindi ko rin alam ang dapat kong sabihin. Instead of saying something, I decided to just hug her which she immediately reciprocated.


Nagulat naman kami nang marinig naming bumukas ang pintuan ng office room. Inialis kagad ni Althea ang yakap niya sakin habang ang isang kamay ko naman ay nanatiling nakahawak sa kanyang bewang.

"Hi Jadeski." Nakangiting bati ng kaibigan ko pagkapasok niya ng silid.

"Ren! Anong ginagawa mo dito?" Bungad kong tanong.

Napatingin naman ako kay Althea dahil bigla niyang inalis ang kamay ko na nakahawak sa may tagiliran niya. Hindi niya ako nilingon at nanatiling nakayuko na parang nahihiya kaya napakunot ako ng noo. Imbis na magsalita ay hinawakan ko nalang ang kamay nito. Sinubukan niya itong hawiin pero mas hinigpitan ko pa ang kapit ko rito. Tsaka lang kami nagkatinginan.

"Uhmm... right. You must be Althea Guevarra." Basag ni Lauren sa saglit na katahimikan. Napatingin kami ni Althea sa kanya.

Oo nga pala. Hindi ko pa sila naiintroduce sa isa't isa.

"Sorry. Althea, si Lauren. Lauren, this is Althea." Simpleng pakilala ko sa dalawa.

"Nice to finally meet you, Althea." Lauren said as they shook each other's hand. Althea threw a genuine smile.

I don't understand why, but Lauren was being a bit intimidating. Anong meron?

"So, ano ngang ginagawa mo dito?" Ulit kong tanong sa kaibigan ko.

"Bawal bumista? Eh sa namiss kita." Biro nito. I knew it was a joke pero medyo nataranta parin ako dahil baka seryosohin ito ni Althea.

"Baliw! Ano nga?" Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay ng katabi ko.

"Namiss nga kita. Tsaka kailangan mong mag-explain." Sagot nito.

"Explain ng ano? At kanino naman?"

"Sa bestfriend mo. Nagkausap kami kahapon at wala pa pala siyang alam sa kaganapan satin." Sabi niya na medyo ikinataranta ko na naman. Baka kasi kung ano ang isipin ni Althea.

"As if may kailangan akong i-explain. Eh wala namang anything na naganap." Sagot ko nalang.

"Basta sumama ka nalang. Sabi ko sa kanya magkikita-kita tayo ngayon after mag-out sa work."

"Agad-agad? Sana man lang sinabihan niyo ako kahapon diba? Or kahit kanina." Sagot ko bago kami magkatinginan ulit ni Althea.

"Bakit, may lakad ka ba dapat?" Tanong ni Lauren.

"Actually—" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil siniko ako nang mahina ni Althea sa tagiliran.

Sinenyasan niya ako na sumama na sa plano ng dalawa kong kaibigan. Nagtaka naman ako dahil ang usapan namin ay sasamahan ko siya sa condo after work. Nagtalo kami ng titigan nito.

"But lab..." Reklamo ko sana pero pinigilan niya rin ako kagad.

"Go. Okay lang. Tawagan mo nalang ako mamaya." Sabi niya sabay tulak sakin nang mahina palapit kay Lauren.

"Tara na, Jade." Hila naman ng kaibigan ko sakin.

"Teka Ren, hin—" Sumingit ulit si Althea kaya hindi ko natuloy ang reklamo ko.

"Ingat kayo. Ikaw na muna bahala kay Jade." Nakangiti pero seryosong sabi nito kay Lauren.

"Wait, Ren!" Inialis ko ang kamay ko sa pagkakahawak ng kaibigan ko.

Humarap ako kay Althea, and I held her waist with one of my hands. I looked straight into her eyes to check if she was mad. Fortunately, she wasn't.

"Lab, okay lang ba talaga?" Nakabulong kong tanong sa kanya.

"Go lang." Simpleng sagot nito.

Tinitigan ko siya ng ilang segundo para hintayin kung may ibang sagot pa siyang ibibigay, ngunit wala akong natanggap. Before saying anything else, I gave her a quick peck on the lips. Ikinagulat niya ito dahil hindi pa nga pala niya alam na alam na ni Lauren ang tungkol samin. Napatingin siya saglit sa kaibigan ko na nakatayo sa may likod ko.

"I'll call you later. Ingat pag-uwi ha. Ingat sa pagdrive, please?" Nanatili akong nakatitig sa kanya. Tumango lang ito.

Bigla ko namang napansin na naging malungkot ang mga mata nito. Gusto ko na sanang bawiin ang desisyon kong sumama pero narinig ko ulit ang pag-aya sakin ni Lauren. Sinenyasan ako ni Althea na umalis na kami.

"I love you." Bulong ko nalang sa kanya.

"I love you too." Medyo nakangiti nitong sagot.


Hinawakan ni Lauren ang kamay ko para hilahin ako palabas ng office. Inialis ko naman kagad ito sa pagkakahawak niya dahil alam kong nakita ito ni Althea. Bago kami tuluyang makalabas ng office, humabol ako ng isa pang tingin sa taong mahal ko.



//




SA RESTO


"Earth to Jade! Huy, kasama ka ba talaga namin ngayon, best?" Kuha ng atensyon sakin ng bestfriend kong si Sally.

Kanina pa kasi parang lutang na lutang ang isip ko, mula pa nung umalis kami ni Lauren sa office. Halos wala rin ako sa sarili habang nagdadrive kanina. Parang pinagsisisihan ko kasi ang desisyon kong sumama sa dalawang kabarkada ko. Not that I didn't want to talk to them or anything; pero kahit sila kasi ang kasama ko, na kay Althea naman ang isip ko.

I've already sent a couple of text messages to her but I only received one reply, nung makarating na siya ng condo. Nag-aalala ako na baka nagalit nga ito sa pagsama ko sa dalawa. But I know Althea, hindi naman un nagagalit sa mga ganitong bagay. Ewan ko ba kung bakit sobra-sobra ung worry ko ngayon.

"Yeah. Sorry, may iniisip lang." I apologized as I saw both of them staring at me.

"Si Althea na naman." Lauren stated like it was the most obvious thing.

"Hindi ah." Pagdeny ko sabay yuko at nagkunwaring busy sa pagkain.

"Sus Jade, sinong niloko mo? Deny pa more!" Asar ni Lauren.

Napasandal ako sa upuan ko, sinyales na hindi ko na susubukang magsinungaling pa.

"Buti hindi kayo nagkakasawaan ni Althea, Jade." Sabi naman ng bestfriend ko.

Marami na akong naikwento kay Sally tungkol samin ni Althea, kaya alam niyang halos araw-araw kaming magkasama. Napagalitan na naman niya ako, as expected, but she wasn't really mad. Nagkukwento din ngayon si Lauren tungkol sa mga nangyari sa buhay niya dahil gustong malaman ni Sally kung bakit nga siya bumalik sa buhay ko.

"Grabe ka naman, best. Isang buwan din kaya kaming hindi nagkita." Dahilan ko.

"Ang OA mo. Isang buwan lang eh." Asar na naman ni Lauren, dahilan para batukan ko ito.

"Kasi naman eh. Usapan talaga namin, sasamahan ko siya sa condo niya ngayon." Nagmumukmok kong sabi.

"Ayy, ayun naman pala. Jade was about to get laid! Naudlot nang dahil satin." Birong sabi niya kay Sally.

"Gago ka!" Suntok ko sa braso niya.

Tinawanan lang ako ng dalawa kong kasama habang ako naman ay tumahimik nalang ulit. Bumalik ang isip ko sa pag-aalala kay Althea. Parang hindi kasi mapakali ang utak ko.

"Alam mo Ren, since parang tayong dalawa lang rin naman ang nag-uusap dito... bakit hindi pa natin pakawalan 'tong Jade na 'to? Hayaan mo siya dun sa Althea niya. Ganyan naman yan eh!" Sabi ng bestfriend ko na hindi ko malaman kung kinakampihan ako o ano. Biglang nagliwanag ang mukha ko sa tuwa.

"Talaga, best? Okay lang? Babawi nalang ako sa inyo." Tumayo kagad ako para maghanda nang umalis.

"Kita mo oh. Ang bilis! Daig pa si Flash. Akala mong mawawala si Althea." Pang-aasar na naman ni Lauren. Tinawanan nila ulit ako.

"Eehhh. Sige na, please. Babawi nalang ako sa inyo. Promise. Tsaka kayang-kaya na ni Ren i-kwento ung mga nangyari." Sagot ko na parang atat na atat nang umalis.

"Bahala ka. Sisiraan kita sa bestfriend mo." Lauren dared.

"Dali na kasi." Kulit ko dito.

"Oo na nga. Sige na, lumayas ka na dito. Akala mong hindi kayang mabuhay na wala si Althea eh." Sabi niya sabay tawa at iling. Natawa nalang rin si Sally.

Tuluyan na akong umalis sa resto at nagpaalam sa dalawa kong kaibigan. Nagmadali akong pumunta patungong condo ni Althea. Ilang beses ko siyang sinubukang tawagan para sabihing pupunta ako, pero hindi ito sumagot.

Hindi pa naman siguro siya tulog. Ang aga-aga pa. Halos isang oras at kalahati palang kaming nagkakahiwalay. Baka naman wala siya sa unit niya? Pero kung may pinuntahan naman un, she would've told me. Hindi naman sa obligasyon namin na ipaalam sa isa't isa kung nasaan kami, but that's what we usually do. Hayy. Puntahan ko na nga lang.



//




After 20 minutes...  



SA CONDO NI ALTHEA


Nakailang doorbell ako sa unit niya kaya naisip ko na baka wala nga ito dito. Pero nung tatawagan ko na sana ulit siya, bigla namang bumukas ang pinto.

Pagkakita ko sa kanya ay napangiti kagad ako. Halatang hindi niya inaasahan ang pagbisita ko.

"Jade! Anong ginagawa mo dito?" Gulat niyang tanong.

"Usapan natin, sasamahan kita ngayon hanggang makatulog ka diba?" Nakangiti ko paring sagot habang pinapasok naman niya ako sa loob.

"Oo nga. Pero kasama mo sila Lauren diba?" Nagtataka niyang tanong, yet she immediately put her hands on my waist as I wrapped my arms around her shoulders.

"Oo, kaso pinalayas na nila ako kagad para hindi mo daw ako masyadong mamiss." Loko kong sabi. Natawa naman ito.

"Baka naman tumakas ka lang ha." Sabi ni Althea.

"Hindi ah. Hayaan mo na un. Ang importante, nandito na ako ngayon. Pwede ko nang patulugin ang baby ko." Dahilan ko sabay pisil sa kanyang pisngi. Natawa nalang ulit siya.

Pumunta na kami sa loob ng kwarto niya. Hindi naman siya humiga kagad at nanatili lang na nakaupo sa may gilid ng kama at nakatitig sakin.

"Lab?" Tawag ko sa kanya.

"Hindi pa ako inaantok." Sagot nito.

"Gusto mo munang manood ng TV?" Tanong ko sa kanya habang bahagyang nakaluhod ako sa harapan niya. She shook her head.

"Kantahan mo ako." Lambing niya.

"Nawiwili ka na lab ah." Natatawang sagot ko pero pumayag naman ako sa kahilingan nito.

Umayos ito ng upo sa kama pero hindi parin siya humiga. Patuloy lang niya akong tinignan habang tumabi ako sa pwesto niya.

"Mahal ko, dito ka nalang matulog. Please." Pakiusap niya na ikinagulat ko naman.


Not that I don't want to spend the night with her, pero marami pa nga kasi kaming kailangan ayusin between us. Though we already act like a couple, iba kasi kapag magkasama at magkatabing matulog. Alam niyo naman un.


Tinitigan ko ang mga mata ni Althea at nakita kong malungkot ang mga ito. Then I knew she didn't just want me to stay with her tonight. Something was up. Naramdaman kong may dapat kaming pag-usapan.

"Lab, may problema ba?" I carefully asked. Umiling siya pero napayuko din, kaya alam kong hindi siya nagsasabi ng totoo.

"What is it, lab?" Tanong ko ulit sabay hawak sa kanyang kamay.

"Wala lang. Para lang akong ewan." Sagot niya na parang batang napagalitan.

Hindi ako nagsalita at hinayaan ko lang na ituloy niya ang kanyang sasabihin.

"Muntimang lang. Ang ewan ng feeling. Para akong sasabog." Pagtatapat niya, which actually made me worry.

"Why, lab?"

"Masakit pala ung feeling na hindi ikaw ung pinili." She said as she kept her head down.

Hindi ako nagsalita dahil hindi ko talaga magets ang sinasabi niya. Napakunot nalang ako ng noo.

"I'm not saying na ako ung pinili mong iwan. Un lang ung feeling. Pero naiintindihan na kita, Jade." She continued as she looked straight into my eyes.


Then it finally hit me.


"Althea, tungkol ba 'to sa kanina? Tinanong kita kung okay lang na sumama ako. You could've just said no." Medyo malungkot kong sabi.

"Alam ko namang kailangan mo ring makabonding ung mga kaibigan mo. Pero ewan ko ba. Para akong tanga." Sagot ni Althea.

"Pero alam mo ring ikaw ang gusto kong masama. It's just that—"

"Un na nga Jade eh. Ako ang gusto mong makasama, pero sila parin ung pinili mo." Mariin niyang sagot.

Natahimik naman ako dahil may punto siya. Kaya rin ako hindi mapakali kanina pa, dahil nga parang nagsisisi ako sa naging desisyon ko.

"Galit ka ba, lab?" Nag-aalangan kong tanong sa kanya.

"No, lab. I'm not mad. Nasaktan lang siguro, pero hindi ako galit. And I really understand you now." She assured.

"What do you mean?" Taka ko.

"Ung feeling mo everytime na parang hindi kita magawang piliin. Ung alam mong ikaw ang mahal ko at gusto kong makasama, pero ibang tao parin ung nagawa kong ipaglaban. Nakakadurog pala ng puso ung pakiramdam." Pagtatapat niya. Her voice sounded like she was about to cry.

Hindi ulit ako sumagot at napayuko nalang dahil totoo ang sinabi niya. Masakit ung ganung pakiramdam.

"Ayoko nang maramdaman mo ulit un, lab." Sabi niya, dahilan para ibalik ko ang tingin ko sa kanya.

"I promise you, I'll end things with Cathleen. I'll talk to her tomorrow. Ayoko nang masaktan ka, Jade. Tama na. Feeling ko durog na durog ka na. I'm sorry." She added as she caressed my cheeks.

"Don't worry about me." I genuinely said.

Niyakap ko siya nang makita ko ang mga luhang bumagsak galing sa kanyang mga mata. I needed to let her know that everything's good between us.

Para akong nabunutan ng tinik sa narinig ko mula kay Althea. I felt like I could love her even more, but I knew I needed to prepare myself for what might happen in the future.

Ilang segundo kaming nanatiling magkayakap bago ulit namin binasag ang katahimikan.

"Okay, mahal ko. I'll stay with you tonight." I told her as I gently caressed her cheek with my thumb.



...



"Pero nagselos ka nga kay Lauren?" Bigla kong biro sa kanya.

"Wag ka nga!" Natatawang tanggi ni Althea sabay hawi sa kamay ko. Bigla rin naman itong umayos ng higa sa kama at nagtalukbong na ng kumot.

"Bahala ka dyan. Matutulog na ako." Dagdag niya.

"Bahala ka rin dyan. Uuwi nalang ako." Pinilit kong maging seryoso ang tono ko para isipin ni Althea na hindi ako nagbibiro.

Patayo na sana ako pero bigla naman niya akong niyakap mula sa likod.

"Joke lang, lab. Hindi na po." Bawi niya.

Tinignan ko lang ito na may kasamang nakakalokong ngiti. Hinintay ko siyang sagutin ang tanong ko sa kanya kanina. Napapikit naman ito, sinyales na sumusuko na siya.

"Bakit mo pa kasi tinatanong yan, lab? Halata naman na." Pag-amin nito.

At tinawanan ko lang siya nang malakas.






















































UUUUUYYY!!! Sorry po, medyo nalate ang update. Light moments parin tayo guys. After po kasi nito, baka sunod-sunod na ang heavy chapters. And baka rin po tapusin ko na ang story after 5 or 6 chapters. We'll see. But don't worry, tatapusin ko lang po ito dahil may nakaabang na akong new story. So ayun. Sana suportahan niyo din un, pips.

Uhmm... and I have some big news. Gusto ko lang pong i-share sa inyo. Haha. Confirmed na guys. GAGRADUATE NA PO AKOOOOO!!! AAAAAAAAHHH!!! NATAPOS DIN PO SA WAKAS!!! Iba pala ang pakiramdam. Nakakapanlambot. Lalo na nung sinabi ko sa parents ko. Mas naiyak ako nung makita ko silang umiyak kesa nung makita ko grades ko. Hahaha. What a journey! ✌️

Anyway... next time ulit guys! Salamat sa inyo. ❤️

Continua a leggere

Ti piacerĂ  anche

125K 4.6K 25
Another JaThea's story for all rastro fans.
RASTRO FEELS Da .

Fanfiction

763K 21.7K 104
Okay. First time ko magsulat ng story dito so sorry hehe Enjoy niyo nalang ha? :) (PARDON) lol Anyways, yung iba dito output lang ng imaginations ko...
117K 2.2K 32
Paglipas ba ng panahon kasabay nun na matatabunan lahat ng sakit.. galit at pagmamahal? or mas titindi lang lahat ng yan? Pano kung ikaw naman ang ma...
2K 111 9
When Rhian and Glaiza ended thier long term relationship. Rhian continued to live her life, her career bloomed and she became one of the most highest...