MILK / seventeen

By saltypastry

219K 9.7K 5.8K

In which Park Soonbyul applied as Seventeen's personal assistant to get closer to Vernon, only to find out th... More

000
001
002
003
004
005
006
007
008
009
010
011
012
013
014
015
016
017
018
019
020
021
022
023
024
025
026
027
028
029
030
031
032
033
034
035
036
037
038
039
040
041
042
043
044
045
046
047
049
050
051
052
053
054
055
056
057
058
059
060
Epilogue
Postscript
♥♥♥
♡♡♡

048

2.2K 135 102
By saltypastry

' Magaling syang mag-gitara '

--

Milk's POV

Kanina pa ako pagulong-gulong sa kama habang iniisip kung paano ako magi-imbestiga.

Unang prospect ko kasi si Wonwoo at hindi ko alam kung paano sya lalapitan.

' Hi Wonwoo, pwede ba tayong lumabas ? '- nakangiting sabi ko sa salamin ko dito sa apartment.

Agad din namang nawala yung ngiti na yun at napasapo nalang ako sa noo ko.

' Argh, masyadong straightforward naman pag ganon '- sabi ko.

Inayos ko ulit yung sarili ko at humarap sa salamin.

' Wonwoo uhm .. gusto ko sanang yayain kang lumabas kung okay lang sayo ? '- sabi ko.

Agad din naman akong napailing at napabuntong hininga.

Ano ba tong ginagawa ko. Parang ako tuloy yung nanliligaw kahit ako yung babae.

Napakamot nalang ako ng ulo at lumapit naman ako sa cabinet ko para maghanap ng susuotin.

Ano bang dapat isuot kapag lalabas na may kasamang lalaki ?

Dress kaya ? Shorts ? Jeans ?

Hanuba tulungan nyo naman ako !

Aish, bahala na nga !

Humugot nalang ako ng kung anong damit sa closet ko at sinuot yun.

Short yung nahugot ko tapos kumuha na din ako ng pang-itaas syempre. Alangan namang naka-bra lang akong makikipag-date kay Wonwoo ?

Sweatshirt yung sinuot ko na may logo ng Seventeen sa unahan. Meron pala ako neto ?

Nagsuklay ako at nag-ayos ng sarili bago lumabas.

Muntikan na akong mapatili dahil sa gulat nang makita ko si Wonwoo sa labas ng apartment ko.

' Bat gulat na gulat ka Noona ? '- tanong nya sakin.

Putspa, kinakabahan ako.

' A-Ah .. k-kasi .. '

Umayos ka Soonbyul. Mag kunwari kang hindi kinakabahan sa presence nya !

' .. kasi wala lang. Ikaw bat ka nandito sa labas ng apartment ko ? '- pa-cool na sabi ko sa kanya.

Ngumisi sya bago sumagot.

' Napadaan kasi ako dito sa apartment mo habang pabalik ako sa dorm at parang narinig kong may nagsasalita at narinig ko pa ang pangalan ko '- sabi nya.

Juice colored Milk. Nakakahiya ka talaga kahit kailan.

' Huh ? Baka nagkamali ka lang ng rinig ? '- sabi ko.

Ngumiti sya ng nakakaloko.

' Hindi eh. Ang pagkakarinig ko nga ay parang yayayain sana akong lumabas ? Pero di ako sure ah '- nang-aasar na sabi nya.

Nag-roll eyes ako.

' Okay, talo na ako sayo. Basta wala nang urungan to. Lalabas tayo sa ayaw at sa gusto mo '- sabi ko tapos hinila ko na sya paalis.

Kinakaladkad ko sya papunta sa kung saan nang mapansin kong hindi sya umiimik kaya napatingin ako sa kanya.

Nakatitig lang sya sakin habang nakataas yung kilay.

' Problema mo ? '- tanong ko sa kanya.

' Alam mo Noona, kung crush mo ako, sabihin mo na ngayon at hindi yung kinakaladkad mo pa ako '- sabi nya.

Yung totoo, si Wonwoo ba tong kasama ko o si Mingyu ?

' Nasapian ka ba ni Mingyu ? '- tanong ko sa kanya.

Ngumiti lang sya.

' Wag mong ibahin yung topic Noona '- sabi nya.

Inirapan ko sya.

' Hindi kita crush okay ? Kaya lang kita gustong makasamang lumabas dahil may mga gusto akong itanong sayo '- mahinahong sabi ko.

Napaisip sya.

' Sige sasama ako sayo Noona. In one condition .. '

Hays. Ano na naman bang kaartehan to Jeon Wonwoo.

Tiningnan ko lang sya habang hinihintay yung sunod nyang sasabihin.

' .. libre mo kong burger '

I gaped at him.

' Yun lang ? '- tanong ko.

' Oo. Bakit ? Gusto mong dagdagan natin ? Sige, tsaka pala anoㅡ '

' Abuso to ! Burger lang ! '- sabi ko tapos hinila ko sya sa pinakamalapit na branch ng McDo.

Pinagtitinginan nga kami eh. Hah. Mainggit kayo. Isang Jeon Wonwoo lang naman ang kasama ko.

Syempre joke lang. Naka-facemask sya tsaka naka-hoodie kaya hindi sya makikilala.

Nang maka-order na kami, nakahanap naman kami agad ng pwesto kaya naupo kami dun.

' Deretsuhan na Jeon Wonwoo .. '- sabi ko sa kanya.

' Jeon Wonwoo ? '

' OMG, narinig mo din ? '

' Oo ! Nandito kaya sya ? '

' Hala, nasaan naman ? '

Napalingon ako at may nakita akong dalawang babaeng nag-uusap at base sa narinig ko kanina, mukhang fan sila ni Wonwoo.

Nabalik yung atensyon ko kay Wonwoo. Nakatingin lang sya sakin ng masama.

Malay ko bang fan pala yung mga nasa likod ko !

' Baka etong nasa likod natin si Wonwoo ! '

' Baka nga. Pero sino yung kasama nyang babae ? '

Nalintikan na.

' A-Ano James ! Sino palang nagbabantay sa mga anak natin ? Baka mamaya napano na yung mga yon '- medyo malakas na pagkakasabi ko at ramdam kong napatingin sakin yung dalawang babae sa likod ko.

Wag na kayong magtaka kung bakit James ang naisipan kong pangalan.

Mukhang naguluhan naman si Wonwoo pero nagets nya naman agad.

' Wag ka na masyadong mag-alala Nadine. Sina hyung na ang bahala sa kanila '- sabi ni Wonwoo.

Saan nya napulot yung Nadine ? Haha.

' Pahiya tayo. Hindi pala si Wonwoo yung nasa likod natin '

' Kaya nga. Tara na alis na tayo '

Napangiti nalang ako nang makita ko yung dalawang babae na lumabas na ng McDo.

Talino ko talaga.

' Ang talino mo Noona '- sabi sakin ni Wonwoo.

' Alam ko '- sabi ko sabay hairflip.

' Ang talino mong tawagin ako sa buong pangalan sa isang pampublikong lugar '- sabi nya tapos inirapan ako.

Tingnan mo to. Pagkatapos ko syang ilibre ng burger.

' Sorry na, James '- natatawang sabi ko.

Iirapan nya sana ulit ako kaso napangiti sya.

Sabi sa inyo crush ako neto eh.

' Bat mo nga pala ako dinala dito ? '- tanong nya sakin.

' Nagka-girlfriend ka na ba ? '- deretsong tanong ko sa kanya.

Tinawanan nya lang ako.

' Sabi na nga ba Noona crush mo ko eh ! '- sabi nya.

' Seryosong sagot Jeon Wonwㅡ este James pala ! '- sabi ko.

Umiling naman sya.

' Hindi pa ako nagkaka-girlfriend Noona. Loyal kasi ako kay Mingyu '

Ultimate facepalm.

Waka ka talagang makukuhang matinong sagot sa lalaking to.

' Sa buong Seventeen, si Vernon palang ang nagkaka girlfriend '- sabi nya.

Tumingin ako sa kanya.

' Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Wonwoo. Kilala mo ba kung sinong boyfriend ko ? '- tanong ko sa kanya.

Mukhang nagulat sya sa tanong ko.

' K-Kilala ko '- sagot nya.

' Sino ? '

Ngumiti lang sya.

' Sorry Noona. Sinabi kasi nya samin na wag sabihin sayo at hayaan nalang daw na ikaw mismo ang makaalala '- sabi nya.

Napakamot ako ng ulo ko.

' Pero hindi ikaw ? '- tanong ko.

' Hindi. Sinabi nang loyal nga ako kay Mingyu '

Hay nako.

' Pwede bang bigyan mo nalang ako ng clue kung sino sya ? '- tanong ko.

Nag-isip naman sya.

' Magaling syang mag-gitara '- sabi nya.

Kumunot ang noo ko.

Madalas kong nakikitang nagigitara si Joshua. Minsan si Woozi. Pero never ko pa nakita si Dino.

' Ano pang clue ? '- tanong ko.

' Isa lang pwede Noona. Mamaya masapak pa ako nung boyfriend mo '- sabi nya.

Bumuntong hininga nalang ako.

At least may dalawa na akong clue.

1. A ang blood type
2. Magaling mag-gitara

Hinila ko na si Wonwoo pabalik ng dorm. Mahirap na, baka mamaya magpabili na naman ng burger.

' Saan ka galing Noona ? '- tanong sakin ni Vernon pagkapasok ko ng dorm.

' Dyan lang sa tabi-tabi. Kasama ko si James '- sagot ko.

' James ?! '- sabay-sabay na sabi nila.

' I mean Wonwoo pala ! Hehe '- sabi ko.

Pahiya ako dun ah.

' Anong ginawa nyo ? '- tanong ni Seungcheol kay Wonwoo.

' Nilibre ako ni Nadine ng burger '- bored na sagot ni Wonwoo.

' Nadine ?! '

Ay huta.

' Noona pala. Sorry '- sabi nya.

Pinanliitan kami ng mata ng ibang members.

' Dino, pahiram ng phone '- sabi ni Seungkwan.

Agad namang inabot ni Dino sa kay Seungkwan yung phone nya. Nagpipindot sya dun at kami naman ay nakatingin lang sa kanya.

' I knew it ! '- sabi nya makalipas ang ilang segundo.

' Anong meron ? '- magkasabay na tanong namin ni Wonwoo.

' Sabi ni pareng Google, si Nadine at James daw ay isang sikat na loveteam sa Pilipinas ! Kayo ha, umamin nga kayo. Bakit may endearment pa kayo ? Kayo na ba ? '- sabi ni Seungkwan samin.

Nagkatinginan kami ni Wonwoo at parehas natawa.

Pauso ko nga lang yung James na pangalan eh ! Malay ko din ba kung saan napulot ni Wonwoo yung Nadine.

' So kayo na nga ? '- gulat na tanong ni Hoshi.

' Malamang hindi ! '- sagot ni Wonwoo.

' Eh anong meron ? '- tanong naman ni DK.

' May mga fans kasi dun kaya tinawag ko si Wonwoo na James para hindi sya makilala '- sabi ko.

Napatango naman sila.

' Uy may isa pang loveteam oh ! '- sabi ni Seungkwan kaya napatingin kami sa kanya.

' Kathryn at Daniel. Astig ! Vernon gaya tayo sa kanila ! Tatawagin kitang Daniel tapos tawagin mo akong Kathryn hehe '- sabi ni Seungkwan.

' Kadiri ka Seungkwan '- sabi ni Vernon na parang nasusuka.

Natawa ako.

' Peram nga nyan '- sabi ni Seungcheol sabay hablot nung phone ni Dino sa kamay ni Seungkwan.

' Tamang tama Jeonghan ! May isa pa oh ! Enrique at Liza ! Makigaya na din tayo '- sabi ni Seungcheol kay Jeonghan.

Inirapan lang sya ni Jeonghan.

Natawa nalang kaming lahat. Mga baliw talaga.

Continue Reading

You'll Also Like

108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
83.8K 3.2K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
Fall For You By Bae

Teen Fiction

4.8K 324 61
Mikaela Garcia is the current student council president of one of the most prestigious academy in the world, Austin Academy. She is famous because of...
1.2K 376 108
There are 7.98 billion people in the world, 108.77 people in the Philippines, and two fated soulmates. Welcome to Claveria National University! The p...