Adventures of Sara FAN-FICTION

By MansDreamGirl

254 7 30

Gusto mo bang tumawa ng tumawa? Edi tawa! Feel free to laugh dahil buhay mo naman yan eh. Text mo nalang ako... More

AOSFF: Scene 2

Adventures of Sara FAN-FICTION

169 4 25
By MansDreamGirl

[Note:] Eto pong short story na 'to ay naka-base sa isang story na dahil ito ay isang FAN-FICTION LAMANG. Para maka-relate ka, basahin mo ang original story entitled ' Adventures of Princess Sara: The Malanding Prinsesa' by @Kokonatye. To read his story, just click the external link on the side :) -MARIJO♥

***

Bago ang ko simulan ang kwento na ito, gusto kong batiin ang poging-pogi na si Kuya EJ! *kaway-kaway* Hello kuya, sana magustuhan mo 'tong kagagahan ko ^___^

Isang taon na ang nakalipas nang maibalik muli ang masiglang bayan ng Glanora. Masaya ang mga nasasakupan ni Haring Bogart at Reyna Ellena dahil sa wakas, nagbalik ang tunay na hari. Sa kabilang dako naman, ang malanding prinsesa na si Prinsesa Sara at ang kanyang kabiyak na si Prinsipe Adonis ay masaya na ring nabubuhay.

Teka nga, bakit pa may ganito kung masaya na silang lahat? Diba nga 'they lived happily ever after' na? Naguguluhan na ako dito ah!

Pikachu: Wag ka nalang magreklamo! Fan-fiction nga diba? Nag-iisip ka ba o sadyang naka-drugs ka lang?

Woah, chill ka lang naman dyan Pikachu. Baka gusto mong ibalik kita sa Poke-mo! I mean Pokemon ball mo. Sorry mali.

Pikachu: Magkukwento ka o tanggal ka sa cast? Bahala ka, mamaya di ka magustuhan ni author, baka di ka bigyan ng break. Siya pa naman ang boss dito.

Author: Hoy hoy! Ano ba't nadadamay ang pangalan ko dito?!

Pikachu: Wala po Kuya EJ, epal yung narrator eh. Oh game na, magkwento ka ulit. Quiet nalang kami dito.

Eto na nga magku-kwento na eh. So ayun. Malanding nagsusuklay si Prinsesa Sara at nakatingin sa malaki niyang salamin. Iniisip ng prinsesa kung paano niya sasabihin kay Prinsipe Adonis ang gusto niyang sabihin. Ano nga ba yung gusto niyang sabihin?

Prinsesa Sara: Ehem ehem... Mahal ko? Hihihihi (malanding tono) Kailan mo ba balak mag... (kagat labi) HONEYMOON?

Kapitan John P.: HONEYMOON!? Teka lang mahal na prinsesa, nag-talik na kayo ni Prinsipe Adonis?!

Singit ni John P. na bigla na lamang pumasok sa loob ng kwarto ng prinsesa. Si John P. ay isa sa mga tagapamahala sa kaharian. Nainis naman ang prinsesa sa biglang pagdating ni John P.

"Bakit nandito kang kabute ka? Atsaka wala kang pakialam kung nagtalik na kami ng prinsipe dahil may K kami!" sigaw ng prinsesa.

"Pasensya na mahal na prinsesa, hindi na po mauulit. Narito ako dahil hinahanap kayo ng Mahal na Haring Bogart prinsesa" wika ni John P.

"Busy ako, makakaalis ka na" mataray na sagot ng prinsesa.

Agad naman lumabas si John P. at naiwan na naman si Prinsesa Sara sa kanyang silid. Tulad ng sinabi niya kay John P. busy ang prinsesa sa pagaayos ng sarili.

 Sa kabilang dako naman...

Kawal 1: Oy nasaan na yung mga alien na umubos ng saging ko?!

Kawal 2: Aba malay ko! Mukha ba kong hanapan ng nawawala!?

Kawal 1: Di ka nga hanapan ng nawawala pero kamukha mo naman yung nawawalang alien. Dyan ka nga!

Paalis na dapat ang kawal nang bigla silang may makasalubong na Sugatang lalaki. Naghinala ang mga kawal kaya pinalibutan nila ito.

Kawal: Sino ka? At ano ang iyong pakay dito?

Lalaki: Hindi ako sinuka ng nanay ko at iniri lang. Nais kong makausap ang Mahal na Hari.

Kawal: Hindi ka maaaring pumasok kung wala kang pass.

Lalaki: Wala akong maibibigay na pass dahil wala akong Facebook, sandali lamang ako.

Kawal: Kahit Twitter wala?

Lalaki: Wala.

Kawal: Wattpad?

Lalaki: Wala.

Kawal: Yahoo?

Lalaki: Wala nga--

Kawal: MySpace?

Lalaki: Wala nga kasi! Papasukin niyo na ako!

Narrator: Di pa ba kayo tapos dyan? Nadedelay yung pagku-kwento ko dito eh. Nakakainip kayang maghintay alam niyo ba yun?

Kawal: Yung totoo, saang bundok ka galing? Ang lupit mo tsong, di ka updated sa mga social networking sites?

Lalaki: Kailangan ba talaga yang mga ganyan?

Kawal: Hay nako, pumasok ka na nga lang! Nakaka-awa ka naman.

Lalaki: Paano yung pass?

Kawal: Nasabi mo na, mga sampung beses na nga ata eh.

Lalaki: Ha?! Eh ano ba yung pass?

Kawal: 'Wala' kasi wala naman talagang pass eh. Tara na mga tropa! Hanapin nating yung mga madilaw na aliens!

Umalis na ang mga kawal. Agad namang tumuloy sa loob ng castle ng Hari. Castle para bongga naman diba? Okay nadin ang kaharian. Pero kasi mas maganda talaga kung castle pa sosyal naman kahit konti.

Naghanap ng naghanap ang sugatang lalaki hanggang sa makapasok siya sa isang malawak na hardin kung saan malanding nagtutweet si Prinsesa Sara tungkol sakanyang 'HONEYMOON' kahit wala pa. Lumapit ang sugatang lalaki sa prinsesa at kinalabit ito.

Lalaki: Ah binibini, maaari ba akong magtanong?

Prinsesa Sara: Who the hell are you? (taas kilay)

Lalaki: Ayy dayuhan? (bulong sa sarili) Ahh miss, do you know where can I find the king?

Prinsesa Sara: Sira, pilipino ako noh. Trinay ko lang kung bagay sakin ang magtaray. Bakit mo nga pala hinahanap ang aking ama?

Lalaki: Naku, prinsesa pala (bulong niya) Patawad mahal na Prinsesa??

Princesa Sara: Sara. Pwede mo akong tawaging Princess S or Gorgeous Princess (with matching kindat)

Lalaki: Patawad Prinsesa Sara, may nais lamang akong hilingin sa iyong amang hari. Maaari mo bang ituro kung san ko siya makikita?

Prinsesa Sara: Teka nga, ang deep mo naman magsalita. Alam ko August ngayon pero okay lang naman kahit di ka maging makata eh. Osya sumunod ka sakin uhm... Ano ba pangalan mo?

Lalaki: Ibarra. Ako si Juan Crisostomo Ibarra

Prinsesa Sara: IBARRA!? EH DIBA NAMATAY KA NA? DALAWANG BESES PA NGA EH.

Tinakpan ni Ibarra ang bibig ng prinsesa. Na ikagulat ni Prinsipe Adonis mula sa malayo. Agad tumakbo ang prinsipe at tinutukan si Ibarra ng baril. Nakalimutan kong idol ni Prinsipe Adonis si John P. kaya bigla nalang siyang sumusulpot.

Prinsipe Adonis: Mahal ko andito na ko! Ikaw! Balak mo bang kunin at rapein ang asawa ko?!

Ibarra: Chill dude. Tinakpan ko lang ang bibig niya dahil baka may makarinig sakanya.

Prinsesa Sara: Totoo yun mahal ko hihihi. Namiss kita mahal ko :">

Prinsipe Adonis: Ako din mahal ko, namiss kita. Di tayo makapag-Skype kasi naiwan ko charger ng laptop ko eh.

Prinsesa Sara: Okay lang mahal ko. Siya nga pala, siya si Juan Crisostomo Ibarra. Ibarra siya ang prinsipe ko, si Adonis.

Prinsipe Adonis: IKAW SI---

Ibarra: Dude wag ka maingay! Di nila alam na nandito ako, Kulit ah?!

Kung ako ang prinsipe, pinugutan ko na siya ng ulo. Kaso narrator lang ako eh. Sana next time kasama na talaga ako sa cast. Bumalik tayo sa kwento...

Prinsesa: Bakit ka nga ba nandito? Patay ka na e! Ibig sabihin mali turo ng Pilipino teacher ko?

Ibarra: Hindi, totoong namatay ako. Kaya nga may salitang reigncarnation diba?

Prinsesa: Sorry ah? Malay ko bang favorite ni Jose Rizal ang The Myth at talagang muli ka niyang binuhay katulad ni Jackie Chan dun sa movie (sacastic niyang sabi)

Ibarra: Nandito ako para maghiganti at hanapin ang Maria Clara ng kasalukuyang panahon.

Prinsesa: AKO! AKO! AKO ANG HINAHANAP MO IBARRA! AKO ANG MODERNONG MARIA CLARA HIHIHI ^____^

Napatingin ng masama si Prinsipe Adonis kay Prinsesa Sara dahilan pala matauhan ang prinsesa sa pagiging malandi. Ang landi niya diba? Ano kokotongan ko na ba?

Prinsesa: A-Ah hehehe. Joke lang yun Ibarra.

'Patay, naka-on ba ang malandi mode ko ngayon?'

Bulong ng prinsesa sa sarili. Nagpasya naman si Prinsipe Adonis na samahan si Ibarra sa Haring Bogart. Pero habang naglalakad sila, hindi pinapansin ng prinsipe ang kanyang prinsesa.

***

Kawal 1: Hoy! Mga madilaw na aliens magpakita kayo!!

Minions: Shhhh....

Kawal 2: Alam mo pare wala na yun!

Kawal 1: Nandito sila pare nakakaamoy ako ng saging!

Minions: Banana~~~'

At nagsimula na namang sumayaw ang mga madilaw na aliens na tinatawag na Minions. At dahil may tugtog, biglang nag-poof si Kapitan John P. at gumiling ng gumiling... Tila hindi padin naalis ang sumpa kay John P. na sumayaw.

~~~'

SO ANO? PWEDE NA BANG MAGING EPISODE? :)) CHARING LANG! COMMENT NAMAN DYAN.

Continue Reading

You'll Also Like

8K 144 51
Isang simpleng fix marriage. Yun lang.Pero pano pag mahulog ka sa iba?Ipagpipilitan mo ba ang gusto mo?Ipagpipilitan mo ba ang pagiging malaya kahit...
3.6K 115 6
Kung sino po ang nakakabasa nito, malaya kayo'ng maglagay ng Comments. Yan pa, eh gustung-gusto ko iyan. PERO, mas makakabuti po kung huwag niyo na l...
858K 42.1K 97
Kung gusto mong tumawa, humalakhak, mabwisit, maimbyerna, mang-gigil, umiyak, kiligin at ma-inlove, ano pang inaantay mo. Basahin mo na to. HAHAHA
2.4K 17 43
hello :)) ito .. isusure kong hindi ako tatamaring tapusin , kahit tamad naman talaga ako :))) kahit nagpupumilit lang akong gumawa ng story at hindi...
Wattpad App - Unlock exclusive features