The Act

By EiArEs

824 200 300

[ C O M P L E T E D ] - [ S H O R T S T O R Y ] Date Started: March 8, 2016 Date Ended: M... More

The Act
Entitled
Untitled
Unknown

Known

103 39 53
By EiArEs

The Act......

Known:
ROYGBIV

"Couz, dali na. Turuan mo na ako maggitara. Bilis na. Waaahhh!"

"Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na AYOKO."

"UWAAAHH!"

"Tigilan mo nga yan! Parang kang bata na nawalan ng laruan."

"Eehh! Ayaw mo kasi akong turuan maggitara eh!" I said it with my famous pout.

"Tigilan mo nga yan. Kahit anong gawin mo, hindi kita tuturuan maggitara."

"UWAAAAHH! Sige ka, kapag hindi mo ako tuturuan, hindi ako titigil sa pag-iyak. UWAAAAHH!" Bigla naman nya ako binato ng unan. Napatigil naman ako sa kadramahan ko at nakatingin naman sya sa akin ng masama.

Ayaw ka kasi akong nakikitang umiiyak. Mahal na mahal ako nyan kaya ayaw nya akong nasasaktan. Kaya mahal na mahal ko din yan. Hahaha. Ang lakas maka-bromance.

"Bakit ba kasi ayaw mong turuan maggitara?" Sabi ko sabay inihiga ang ulo ko sa hita nya.

"Ayoko lang." Sabi nya at pinaglaruan ang buhok ko habang nakapikit ako. Wag kayo, ganyan talaga kami kasweet magpinsan.

"Anong dahilan yan?" Tanong ko at nanatiling nakapikit.

"Dahilan ng tamad magturo." Casual na sabi nito.

"Tinatamad ka lang ba o dahil ba sa tinutulungan mo ako para mapasagot ko si Mag? Dahil ba nasasaktan ka ngayon dahil hindi mapupunta sayo ang bestfriend mo?" Tanong ko at napatigil naman sya sa paglalaro ng buhok ko.

Napadilat ako at nakita ko syang nakatingin lang sa akin. Blanko ang ekspresyon sa mukha. Wala akong nakikitang kahit anong emosyon.

"I'm sorry, couz'." Nasobrahan yata ako. Alam ko kasing may gusto sya kay Mag. Halata naman, eh. Ewan ko ba kay Mag kung bakit hindi nya nahahalata yun. Tapos, kahit alam ko may gusto sya kay Mag, pinilit ko paring tulungan nya ako.

Pinitik naman nya ako sa noo ata agad nyang itinungkod ang dalawang kamay nya sa kama, tumingala at pumikit. Ako naman, ayun nakahawak sa noo ko. Ang sakit kaya.

"Okay lang yun, couz'. Walang kaso yun sa akin. Wala rin naman akong laban, eh. Mahal na mahal nyo ang isa't isa. Atsaka ayaw ko namang masira ang kakaibigan namin ni Mag dahil lang dun." Seryosong sabi nya at nanatili lang sya sa kanyang posisyon.

Nakatingin lang ako sa kanya. Kitang kitang ko ang kanyang adam's apple na gumagalaw. Napabuntong hininga nalang ako at hinawakan yun. Inilapat ko ang aking bibig sa tenga nya.

"Ang drama mo." Bulong ko dito sabay halik sa kanyang pisngi at pindot ng kanyang adam's apple.

Tawa naman ako ng tawa na habang lumayo ako sa kanya. Tiyak na masasapak ako nyan. Tapos, sya namang ubo ng ubo. Hahaha. Ang sweet ko talagang pinsan sa kanya. Hahaha.

"Ang lakas talaga ng trip mo." Sabi nito sabay bato sa akin ng unan. Dahil lagi akong handa, nailagan ko yun.

Tumayo naman sya at agad na umalis ng kwarto ko. Hindi yan pikon, mag-iisip lang yan ng pangganti sa akin. Kaya dapat maging handa ako.

'Mahal na mahal nyo ang isa't isa.'

'Mahal na mahal nyo ang isa't isa.'

'Mahal na mahal nyo ang isa't isa.'

Naalala ko naman yung sinabi ni Lester. Ibigsabibin, talagang may pag-asa ako kay Mag. Destiny ba talaga kami? Parehas kami ng nararamdaman namin. Mahal nya ako, mahal ko rin sya.

Napapangiti naman ako ng hindi oras. Hindi ko maiwasan na kiligin. Hehehe. Naiisip ko tuloy yung future naming dalawa na magkasama. Magkakaroon ng maraming anak tapos maraming apo.

Napabuntong hininga nalang ako at napahiga sa kama ko. Hindi pa nga kami tapos sa pag-aaral. Mga anak at mga apo agad ang nasa isip ko. Ganun ba talaga ang in love, advance ang pag-iisip?

Napailing naman ako at agad na tumayo sa higaan ko. Saka lumabas ng kwarto ko. Masaya at kinikilig akong naglalakad papuntang sala namin. Hindi talaga matanggal sa isip ko yung sinabi ni Lester, eh.

Nang makapunta ako sa sala. Napatigil ako at nawala ang ngiti sa labi ko. Bakit sya nandito?

Nang makita nya ako, napangiti agad sya sa akin, agad na tumayo at lumapit sa akin. Hahawakan na nya sana ako nang lumayo ako ng unti sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" Cold kong sabi. Nawala naman ang ngiti sa labi nya at naging malungkot ito. Hindi parin nagbabago ang mukha ko, walang emosyon.

"Moymoy--"

"Wag na wag mo na ulit akong tatawagin sa pangalan yan. O kaya, mas maganda nang wag ka nalang magpakita pa sa akin ulit. Umalis ka na." Nakakaramdam ako ngayon ng galit.

Galit na galit ako sa kanya. Sino bang hindi magagalit sa taong lubos mong minahal noon tapos ang igaganti sayo ay saktan ka. Minahal ko sya tapos sasaktan nya lang ako. Pinagpustahan lang nila ako. Pinaglaruan lang nila ang puso ko.

"Pero, Moy--"

"Umalis ka na." Nagpipigil ako ng galit. Gusto ko syang saktan. Pero hindi ako ganun kasama. Babae parin sya at may respeto parin ako sa kanya.

"Moy, please? Pakinggan mo muna ako. Moy--"

"Umalis ka na habang napipigilan ko pang sapakin ka." Napatingin naman sya sa kamay kong nakatikom. Napaatras naman sya at nakita kong tumulo ang luha nya.

"ALIS!" Sigaw ko at nagulat naman sya. Lumapit naman ako sa kanya ng unti. Pero bago pa man ako makalapit sa kanya ng tuluyan ay agad syang tumakbo papalabas ng bahay.

"AAHH!" Sigaw ko ng malakas. Bakit ba sya kasi bumalik at nagpakita sa akin? Hindi ba nya alam na hanggang ngayon ay hindi ko parin nakakalimutan ang pananakit nya sa akin? Bwisit sya!

"Couz'." Narinig ko naman ako pinsan ko. Nakatayo lang sya sa pintuan ng kitchen at nakatingin sa akin.

Hindi na ako nagdalawang isip na lapitan sya. Yakapin ng mahigpit at umiyak sa kanyang balikat.

~~~

Nandito ako ngayon sa hallway ng University papunta ng threater arts building. Hindi na bago sa akin ang tingin ng kapwa ko estyudante habang naglalakad ako. Almost 4 yrs. ka bang sikat sa University-ng ito, eh. Lalo kapag nasa building na namin ako mismo. Tilian sila ng tilian.

Masasabi kong masaya talaga kapag sikat ka. Nasa iyo lahat ng attention. May title yung pangalan mo. May tagahanga ka, syempre may haters ka din, hinsi naman yun mawawala, eh. Masaya ako sa pagiging sikat ko dito sa Univesity, pero ang mahirap ay kahit ang pribado ng pagkatao mo ay hahalungkatin nila.

Kailangan lahat alam nila ang tungkol sayo. Pati pag-ihi mo, alam nila kung anong oras, alam nila kung gaano ka katagal umihi. Ang iba kasing fans mo ay nagiging obsessed sayo at ayun ang ikinaayawan ko.

"Moy!" Napatigil ako at nakaramdam nanaman ako mg galit ng marinig ko ang boses nya.

"Moy, pwede ba tayong mag-usap?" Malumanay nitong sabi nang makalapit ito sa akin. Nasa likod ko sya. Napapikit ako para magpigil ng galit. Wala kasi akong ibang nararamdaman sa kanya kundi galit.

Nagsimula nanaman ang mga bulong-bulungan sa paligid. Ito ang kinaiinisan ko sa lahat ng fans ko. Kung anong nakikita nila ikikichismis nila sa iba. Bwisit!

Dahil sa bwisit ko at sa ayaw kong marinig ang bulong-bulungan nila ay nag-umpisa na ako maglakad ulit. Ibubulong nalang kasi kailangan rinig ko pa. Argh!

"Diba, siya si Michelle ng Nursing Department? Sya yung ex ni Roy."

"Moy? Si Michelle lang ang nakakatawag sa kanya ng ganyan."

"Sila na kaya?"

Nakakunot na ang noo ko habang naglalakad lalakad papuntang room namin. Nakakainis talaga yung mga pinagsasabi nila. Dagdag mo pa yung babaeng yun, panay tawag sa akin ng Moymoy habang naglalakad ako papalayo sa kanilang lahat.

Nang makarating ako sa tapat ng room namin. Wala fans na nakaaligid sa paligid. Hindi sila pinapunta dito, mga 5 meters mula rito ay hindi sila makakapasok. Except sa mga estudyanteng may classroom na malapit sa room namin.

Eto naman ang gusto kapag sikat ka, may special treatment. Atleast, kahit papaano nawawala yung pagkabwisit ko.

Binuksan ko naman ang room namin para makapasok na. Pagkapasok ko, nakita ko si Lester, si Kayla, si Ken at si Mag. Nawala naman ang badvibes ko nang makita ko si Mag my loves. Hahaha. Nagiging corny nanaman ako. Hahaha.

Abala ang bawat isa sa kani-kanilang ginagawa. Si Lester, busy sa pag-aaral ng isang kanta. Si Ken, busy si kababasa ng libro, hindi ba sya nagsasawa sa kababasa ng libro?. Si Kayla, may katawagan. At si Mag, nakaprenteng nakasandal sa kanyang upuan, nakatingalang nakapikit at may earphone sa kanyang tenga.

Agad naman akong kumuha ng upuan at tumabi sa kanya. Hindi nya ako napansin na tumabi sa kanya. Dahan dahan ko namang tinatanggal ang earphone sa tenga nya para hindi sya maistorbo. Nang matanggal ko ito ay agad kong inilapit sa tenga nya ang labi ko sabay hinipan ko ng tenga nya ng malakas.

Nagulat naman sya at tinignan ako ng masama. And with that, nagsimula na kami magkulitan ng magkulitan, hanggang sa dumating na ang lahat at si prof para magturo.

~~~

Nakangiti akong naglalakad sa hallway ng building namin. Ang dami nanamang taong nasa paligid ko at nakatingin sa akin. Syempre, hindi mawawala ang tilian at bulungan. Ang saya talaga kapag sikat ka, ang dami mong suporters at ang nagmamahal sayo. Pero iisa lang ang minamahal ko, si Mag.

Grabe! Iba talaga ang tama ko dun sa babaeng yun. Ginayuma yata ako nun, eh. Pero, ginayuma man nya ako o hindi, mamahalin at mamahalin ko parin sya. Dahil nuong una ko syang makita, alam kong sya na ang babaeng para sa akin.

At dahil sa sobrang pag-iisip ko kay Mag. Hindi ko tuloy mapigilang ngumiti pa lalo. Tilian naman ang mga kababaihan. Kung pwede lang sanang sabihin sa kanila na hindi para sa kanila ang ngiting yun at para lang yun kay Mag. Kaso hindi, eh. Baka kapag sinabi ko kasi yun ay malaman ni Mag ang nararamdaman ko para sa kanya.

Oo na, torpe akong lalaki. Natotorpe ako sa kanya. Kaya idinadaan ko ka lang sa pang-aasar sa kanya. Binibwisit ko sya para mapansin nya ako at para mapansin nya yung nararamdaman ko sa kanya. Kaso, manhid siya, eh.

Paano nalang kaya ang love story namin, kung sya ay manhid at ako ay torpe? Wala pa ngang umpisa, ending na agad.

I sighed. Mahal ko sya, pero natatakot akong aminin at sabihin sa kanya na mahal ko sya. Kaya nga nagpapatulong ako kay Lester. Kasi alam kong bestfriend nya si Mag at mas matutulungan nya akong maging official na kami.

"Couz'!" Nagulat naman ako ng bigla nang humawak si Lester sa balikat ko. Agad naman ang humarap sa kanya.

"Kanina pa kita tinatawag, hindi ka man lang lumilingon. Lutang ka nanaman kaya ka ganyan. Si Mag nanaman kasi ang iniisip. Alam mo masama na yan!" Kailan pa to naging masungit?

"Selos?" Pang-aasar ko dito.

"Psh!" Nagseselos nga. Kahit naman alam kong may gusto tong si pinsan kay Mag. Alam kong hindi sya gagawa ng paraan para masira ang pagkakaibigan nila at ang pagkakaibigan namin.

"Anong merun at tinagawag mo ako?" Hindi naman sya sumagot at bumuntong hininga lang to. Tinignan ko lang sya at naisip ko na baka kakausapin nya ako about kay Mag. Hindi ko tuloy maiwasan na maexcite sa gagawin namin.

"Tara, pag-usapan nalang natin yan sa room. Wala pa naman siguro si Mag dun. Lagi namang late yun eh." Excited kong sabi sabay hawak sa kamay nya at hila ko dito. Bromance overload. Hehehe.

"Hindi tungkol sa kanya ang pag-uusapan natin at hindi tayo ang mag-uusap." Sabi nito sabay bawi ng kanyang malambot na kamay. Nagtatakang tinitigan ko sya.

"May gustong kumausap sayo." Sabi nito sa akin at napatingin naman ako sa likod nya. Hindi ko man lang napansin na natin sya.

"Bakit sya nandito?"

"Couz', gusto ka lang nyang makausap."

"Sabihin mo, wala kaming dapat pag-usapan pa. Tapos na ang lahat ng tungkol sa amin." Sabi ko sabay talikod nang may humawak sa kamay ko.

"Moy, please? Mag-usap naman tayo. Mag-u--"

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala na tayong dapat pag-usapan pa?" Kalmado kong sabi. Hangga't maaari ayoko ng eskandalo.

"Moy, please? Mag-usap naman tayo. I'll explain everything kung bakit ko nagawa sayo yun. Moy?" Hindi ko sya pinansin at dahan dahan kong tinanggal ang pagkakahawak nya sa akin. Pero mas hinigpitan nya ito.

"Mas mabuti pa bang umalis ka na." Seryosong sabi ko pero hindi nya natinag at nakatingin lang sya sa akin.

"UMALIS KA NA!" Mas lalong humigpit pagkakahawak nya sa akin at umiling uling ito. Nauubos na talaga ang pasensya ko.

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka pumapayag na kausapin mo ako." Naiiyak nyang sabi. Hindi na talaga ako nakapagpigil

Marahas kong tinanggal ang kamay nya sa akin at maharas ko namang syang hinawakan sa kanyang braso hinila.

"Moy, masakit." Umiiyak na sabi nito. Pero hindi ko sya pinansin at dinala sa gitna ng madla. Marahas ko syang inihagis sa gitna nila.

"Gawin nyo ang lahat ng gusto nyong gawin sa kanya. Make her life miserable sa tuwing tatapak sya sa building natin." Tahasang sabi ko at naglakad papalayo.

Tinawag pa ako ni Lester pero hindi ko sya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Habang naglalakad ay napahawak ako sa aking dibdib. Kumikirot ito, parang tinutusok ng karayom. Sobrang sakit. Ngayon ko lang ito naramdaman ulit mula nung niloko nya ako. Napaupo ako sa gitna ng hallway at nag-iiyak.

Iniisip na sana ay hindi maulit ang nangyari sa akin sa piling ni Mag. Dahil kung ano mang nararamdaman ko nang minamahal ko sya ay nararamdaman ko din kay Mag.

~~~

"Hahahaha." Tawa lang sya nang tawa. Sana maubo ka katatawa. Pero wag kayo mahal na mahal ko yan. Actually, wala syang tigil kakatawa matapos kong ikwento sa kanya ang lahat.

"Ang kulit ng palayaw mo. Moymoy! Hahaha." Napabuntong hininga nalang ako at hinintay syang tumigil katatawa. Ano bang nakakatawa sa Moymoy? Ang cute kaya kahit medyo nasasaktan pa din ako sa tuwing naririnig ko yang palayaw na yan.

"Masakit dito no?" Nagulat ako ng biglang tinuro nya yung dibdib ko sa may puso ko.

"Masakit? Hindi kaya! At paano mo naman nalaman na nasasaktan ako?"

"Sabi ng mga mata mo." Natigilan naman ako.

"Move on, move on din pag-may-time. Hindi yung panghabang buhay ka nalang galit sa kanya. Matuto ka ring magpatawad at humingi nang tawad. Mas magandang mabuhay nang walang nararamdaman na sakit sa puso."

"P-pero, hindi pa ako handang patawarin sya. Masakit parin kasi, eh."

"Kailan ka magiging handa para patawarin sya? Kung kailan bang sumuko na sya kakasuyo sayo at nagpakalayo-layo? Maigsi lang ang buhay, Roy. Kung puro galit lang ang pinapairal ng puso mo."

"Baka naman natatakot kang patawarin sya. Kasi kapag pinatawad mo sya ay magbabalik sya para sayo para sirain tayo." Sabi nya at napatingin ako sa kanya.

"Pero sa tingin ko, Roy. Gusto nya lang talagang makausap ka para humingi nang tawad. Hindi naman sya araw araw pupunta dito sa building natin para humingi ng tawad sayo at magpabully sa kapwa natin estudyante. Kung may balak syang masama sa atin." Sabi nito sabay tingin sa akin at ngumiti.

"Actually, nagkausap ko sya nuong isang araw." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi nya.

"Nakausap mo sya!" Hindi naman sya ako pinansin.

"Sa tingin ko nga, masaya na sya ngayon at isa lang talaga ang hinihiling nya, na mapatawad mo sya. Gustong gusto ka nyang makausap." Sabi nito sabay tayo.

"Anong sabi mo sa kanya?" Hindi nanaman nya pinansin ang sinabi. Basta basta nya nalang akong hinawakan at pinatayo.

"Wag ka nang maraming tanong kakausapin mo na sya ngayon din." Sabi nito sabay hila sa akin.

Nagpahila lang ako sa kanya hanggang sa mapunta kami kung nasaan si Michelle. Nasa gitna sya ng madla. Ang dungis nya dahil sa kamatis, itlog at harinang nasa buong katawan. Umiiyak syang nakatayo at wala paring tigil sa pagbato ng kung ano-ano madla sa kanya.

Imbis na magalit sa kanya, nakaramdam ako ng awa. Hindi na ito makatarungan. Kailangan ko silang pigilan. Pero bigla kong naalala, ako pala ang may kagagawan nito. Ako ang may kasalanan kung bakit nasa ganyan syang kalagayan.

Napatingin ako kay Mag. Tumango lang ito na nagsasabi na puntahan ko na si Michelle. Hindi na ako nagdalawang isip na puntahan sya sa gitna. Napatigil naman ang lahat nang nakita nila ako sa gitna.

Napatungo si Michelle nang tumigil ang madla sa pagbato sa kanya. Hindi nya ako nakita dahil nasa likod nya ako.

Huminga ako ng malalim saka ko sya tinawag. Humarap naman sya sa akin at nayakap na ako bigla. Nabigla naman ako. Ramdam na ramdam kong basang basa na ang dibdib ko sa kaiiyak nya. Iyak lang sya ng iyak at mas lalong humihigpit ang yakap nya sa akin. At dahil duon ay napayakap na din ako sa kanya.

Nasa ganun kaming posisyon ng maisip ang salitang alam kong magpapagaan ng loob nya. Hindi na ako nagdalawang isip pa at sinabi ko na sa kanya yun.

"I'm sorry, Michelle."

~~~

Napangiti nalang ako nang makita kong ang dalawang nag-uusap. Hindi naman yung pag-uusap na masinsinan. Nagkakatuwaan silang dalawa.

Masaya ako dahil nagkapatawaran na kami ni Michelle. Ang sarap sa pakiramdam. Yung feeling na ang gaan gaan ng loob mo. Tapos, yung feeling na nabunutan ka ng tinik sa puso.

Nandito kami ngayon sa condo unit ni Lester. Matapos kasi nang eksenang ginawa namin sa building namin, pumunta agad kami dito. Dito kami nagkausap ni Michelle, kasama si Mag at Lester. Sa pag-uusap namin ay nalinawagan na ako at tuluyan ko na syang pinatawag.

Sinermunan pa nga sya ni Mag sa kwento ni Michelle. Bakit sya sinermunan? Eto ang kwento mya sa amin.

Matagal na daw nya akong gusto nun. Admirer pa nga nya ako nun, eh. Then, may mga nakilala syang sikat at gusto nyang masali dun para maging sikat din sya. And para narin mas mapadali yung paglapit nya sa akin. Pero bago sya mapasali sa mga nakilala nyang sikat ay may pinautos sa kanya. Iyon ay paibigin ako at iwanan ako para saktan. At kapag nagawa nya yun ay mapapasali na sya sa mga sikat.

Nagdalawang isip daw sya nun, pero ginawa nya parin. Naisip nya kasi na change na nya yun para makasama ako plus magiging sikat pa sya, kaya nagawa nya. Nangyari na nga ang lahat. Nakasama nya ako, naging sikat sya, pero nawala din ang lahat dahil niloko nya lang ako.

At ang sermon naman Mag. 'Alam mo, Michelle, ang tanga-tanga mo. Hindi mo naman kailangang maging sikat para mapansin ka ng gusto mong sikat. Pwede ka namang gumawa ng ibang paraan para makilala nyo ang isa't isa. Hindi katulad ng ginawa mo na parehas lang kayong nasaktan. Alam mo mas mahirap pa nga ang maging sikat kasi sa pagiging ordinaryong estudyante. Kasi kapag sikat, limitado lang ang pwede mong gawin. Pero kapag ordinaryong estudyante ka, lahat magagawa mo, lahat pwede mong gawin na walang matang nakatingin sayo.' Yan ang ginawa nyang pagsesermon kay Michelle.

Tama naman si Mag, eh. Nakakapagod na din naman kasing maging sikat. Ilang years pa namang naging sikat eh. Pero susulitin ko na din ang huling taon ko sa University. Magpapakahari ako ngayong taon. Hahaha. Pero wag ko munang isipin yan dahil ang mas mahalaga ngayon ay nagkapatawaran na kami ni Michelle.

"Couz', mapunit yang mukha mo kangingiti mo dyan." Biglang sulpot ni Lester sa gilid ko. Napailing nalang ako.

"Couz', alis na ako. Pupunta na ako sa part time ko. Sunod nalang kayo dun." Sabi nito at hindi na ako hinintay na magsalita at umalis na.

Ako naman ay pumasok na sa loob ng kwarto ni Lester na nasa loob naman yung dalawa. Nakipagsabayan na din ako sa pag-uusap nila at pagkukulitan.

So, paano ba yan? Hanggang dito nalang ang pagkwekwento ko.

Muli, ako si Roygin Bivere a.k.a ROYGBIV

At eto ang aking kwento.

-End-

Signed By:
Ei Ar Es

Published:
April 20, 2016

Continue Reading

You'll Also Like

137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
22.4K 58 6
This is a work of fiction. Not suitable for young readers below 18. Read at your own risk and please do not report🔞
26.9M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
46.1K 100 49
Enjoy