Dispareo (PUBLISHED UNDER PSI...

By Serialsleeper

9.3M 392K 274K

"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa... More

Prologue
I : The Missing Ones
II: What's going on?
III : The biggest skunk
IV: Left Behind
V: Remnants
VI : No way out
VII: Three Days Ago
VIII: Dead Ringer
IX: Beneath the seams
X: Lucid
XI: A promise to keep
XII: Camouflage
XIII: What we had
XIV: What destroyed her
XV: The Last Supper
XVI: Home Invasion
XVII: To love and protect
XVIII: Dazed and Torn
XIX: Whatever happens, whatever it takes
XX: The worst kind of skunks
XXI: Nothing but a broken heart
XXII: Promises we can't and can keep
XXIII: Amelia
XXIV: Hitting all the birds with a deadly stone of revenge
XXV: Sacrificial Lamb
XXVI: Make a wish
XVII: For the greater good
XVIII: 778
Epilogue
Note
DISPAREO 2 : Prologue
I : Aftermath
II : Weakling
III : Paranoia
IV : Stakeout
V : Something's wrong
VI : Consumed
VII : What's real and what's not
VIII : Dead Girl Walking
IX : Discrepancy
X : Cielo's Labyrinth
XI : If I were you, I'd run like hell
XII : Someone to fear
XIII : Unlawful
XV : Waldo
XVI : Houston, we have a problem
XVII : Not so lucky
XVIII : Hell and help
XIX : Believe me, he's evil
XX : Dazed and torn
XXI : Upper hand
XXII : Protagonist Problems
XXIII : Speechless
XXIV : To love and protect
XXV : Villainous
XXVI : Fear came true
XXVII : The Plot Twist
XXVIII : 778
Epilogue
Note
DISPAREO 3 : Prologue
I : No place for 778
II : In memories of her
III : Rise of the body snatchers
IV : The death of another
V : Pay Attention
VI : Snooze
VII : Never thought i'd ever
VIII : For the greater good
IX : A promise to keep
X : The things we do
XI : Prove me
XII : The thing about protection
XIII : Transparent and Apparent
XIV : In for a surprise
XV : The Return
XVI : The Closure
XVII : Here comes Dondy
XVIII : 778
EPILOGUE (Part 1 of 2)
EPILOGUE (PART 2 OF 2)
Commentary
Special Announcement:
Dispareo Trilogy

XIV: Yet another bloodshed

93.6K 3.9K 1.9K
By Serialsleeper



Note: I don't have the luxury of time to proofread stuff so to the Grammar and Spelling Nazzis out there, it's either carry on or scoot for good lol.


CHAPTER XIV:

Yet Another Bloodshed

DANA


"Guys?! Guys asan kayo?!"


Hindi ako mapakali. Labis ang pagkabog ng puso ko at walang tigil ang panginginig ng mga kamay ko, hindi ko alam kung dahil ba ito sa takot o dahil sa sobrang lamig.


Paulit-ulit kong nililibot ang paningin ko ngunit wala akong ibang nakikita kundi kadiliman, walang hanggang kadiliman. Habang tumatagal, lalong lumalamig ang paligid kaya napapayakap na ako sa sarili ko kasabay ng pagngatog ng labi ko.


"778... Everything's going to be okay..." Bigla kong narinig ang boses ni Cielo na animo'y nanggagaling sa kawalan. Sa pagkakataong 'to, ang boses niya lang gusto kong marinig, ang boses niya lang ang nagpapabuti ng nararamdaman ko kaya naman kahit nasa kadiliman, nagsimula akong maglakad upang masundan ang pinanggagalingan ng boses niya.


"Cielo? Cielo asan ka?" Pinipilit kong maglakad ng mabilis, naririnig ko ang boses ni Cielo ngunit pahina ito ng pahina na animo'y lumalayo na siya. Ayokong lumayo siya, ayokong mawala ulit siya.


Bigla akong may naramdamang bumagsak mula sa madilim na kalangitan at dumampi sa balat ko. Mainit ito at napakasarap sa pakiramdam, unti-unting nawawala ang lamig na napakatagal ko nang iniinda. Napatingala ako, gusto kong pagmasdan ang bumabagsak mula sa kalangitan ngunit laking gulat ko nang makita kung ano ang mga ito—maliliit na bola ng apoy.


Hindi ako nasasaktan sa apoy na dumadampi sa balat ko, para pa ngang gumagaan lalo ang nararamdaman ko. Nakakatuwang pagmasdan ang maliliit na bola ng apoy na nalalalaglag mula sa kadilimang nakapalibot sa akin.


Makaraan ang ilang sandali ay bigla na akong nakaramdam ng matinding init, para na akong napapaso, nasasaktan na ako. Habang tumatagal lalong tumitindi ang sakit kaya naman nagsimula akong tumakbo upang makailag, takbo ako ng takbo ngunit parang wala akong patutunguhan. Sa isang iglap ay bigla akong nawalan ng balanse sa sarili ko, gumuho ang kinatatayuan ko at nakita kong babagsak na ako sa isang maliwanag na lugar. Wala akong magawa kundi tumili.


Napasinghap ako at agad napabangon mula sa malamig na sahig na siyang hinihigaan ko. Tagaktak ang pawis ko at panay ang panginginig ng mga kamay ko. Naupo na lamang ako at napasandal sa pader habang yakap ang sarili ko. Panaginip na naman pala.


"Miss okay ka lang?" Kunot-noong tanong ng babaeng pulis na nakaupo sa isang mesang nasa dulo ng silid.... Sa labas ng maliit na selda kung saan nila ako ikinulong.


"We got into an accident but instead of being rushed in the hospital, Your cop buddies just arrested us for a crime we didn't commit. Do you think I'm okay?" Tanong ko na lamang sabay punas ng pawis ko gamit ang manggas ng jacket ko.


"May parating na mga paramedics dito, sila ang bahala sa inyo at isa pa, ginagawa lang namin ang trabaho namin." Tipid na sambit ng babae at muling naupo sa desk niyang puno ng mga papeles.


Hindi ko na mapigilan pa ang sarili kong tumayo. Dahil nasa loob ako ng isang maliit na selda, humakbang ako hanggang sa makahawak sa napakalamig na rehas na bakal, "So your job is to wrongfully arrest innocent people who are being chased by an idiotic demon?!"


Napabuntong-hininga ang babaeng pulis at napatingin sa akin, "Makakalabas lang kayo oras na makumpirma namin ang totoo."


"We didn't kidnap Pip and that's the truth! I was asked to babysit—"


"Miss, hindi ako ang dapat bigyan mo ng paliwanag. Pagkatapos ng kaibigan mo, ikaw naman ang kukunan ng pahayag mamaya kaya maghintay ka nalang." Sabi pa ng pulis kaya napasigaw na lamang ako dahil sa sobrang inis.


Hindi ko na alam anong gagawin kaya naupo na lamang ulit ako sa sahig at nasapo ang noo ko. Alam kong hindi kami makukulong, alam kong mapapatunayan ring wala kaming kasalanan ano mang oras mula ngayon pero maling-mali kasi ang timing nitong pag-detain sa amin dito sa police outpost. We are being chased by Wacky—what looks like Wacky, and we can't afford the time to be stuck here because every minute counts. If we're going to be stuck somewhere, it should be in the cathedral kasi atleast dun, may panangga kami mula kay Demonic Wacky.


Muli, nakaramdam na naman ako dahil sa labis na lamig kaya muli akong napayakap sa sarili ko at napabuntong-hininga na lamang pero laking gulat ko nang biglang may lumabas na manipis na usok mula sa bibig ko, usok dahil sa sobrang lamig na nararamdaman ko.


"What the—" Muli, nakita ko na naman ang usok na lumabas mula sa bibig ko. Shit ano bang nangyayari sakin? Bakit ako sobrang nilalamig?!


"My parents will sue all of you!" Bigla kong narinig ang boses ni Churchill at ilang sandali pa ay pumasok ang isang pulis sa kinaroroonan naming silid habang kinakaladkad siya.


"Don't hurt him!" Sigaw ko agad pero binuksan lamang ng pulis ang selda ko at sapilitang itinulak papasok ang duguang si Churchill. Wala kaming magawa ni Churchill kundi mapayakap na lamang sa isa't-isa dahil sa masaklap na sitwasyong kinahantungan namin. Never in my life have I thought I'd get detained in jail.


"Okay ka lang?" Tanong ni Churchill nang kapwa kami mapaupo na lamang sa sahig.


"Asan si Shem?" Tanong ko na lamang sabay punas ng luha ko.


"Ini-interrogate pa nila." Sambit ni Churchill sabay punas naman sa dugong lumalabas na naman mula sa sugatan niyang noo.


"Dana sinadya niya to." Bulalas ni Churchill, "Sabi ng pulis na nag-interrogate sakin, nakatanggap daw sila ng tip na kinidnap natin ang anak ng mayor. Gusto niyang ma-corner tayo at ito ang paraan niya."


"Oh my God, we have to get out of here..." Napatakip na lamang ako sa bibig ko.


"Pero maari rin natin 'tong magamit laban sa kanya." Sambit ni Churchill at walang ano-ano'y bigla na lamang tumayo at humarap sa dalawang pulis na ngayo'y nasa labas ng selda namin.


"Waldo Kimberly Hartman ang pangalan niya, Kano ang hitsura at mukhang ilang araw nang walang pahinga ang mukha. Ano mang oras ay darating siya dito at sasaktan kami kaya kailngan niyo kaming protektahan sa abot ng inyong makakaya. Hindi niyo siya sasaktan pero pipigilan niyo siyang makalapit sa amin. Kung wala sa aming masasaktan, sisiguraduhin naming makakatanggap kayo ng pabuya." Taas-noong sambit ni Churchill. He's dead serious on every word he utters.


"Ano? Drug Dealer niyo na gusto kayong patayin? Nakakatakot naman." Natatawang sambit ng lalaking pulis na siyang kumakaladkay kay Churchill kanina. Imbes na maniwala, parang pinagkakatuwaan niya lang kami.


"Siya ba yung sinasabi mong humahabol sa inyo?" Tanong ng babaeng pulis sa akin, di gaya ng kasama niya, seryoso siya at mukhang naniniwala sa amin ni Church.


Bago pa man makapagsalita ang isa sa amin ni Church ay bigla na lamang kumurap-kurap ang ilaw. Pare-pareho kaming napatingala at pinagmasdan ang bumbilya, mula sa mabagal na pagkurap, naging mabilis ang pagpatay-sindi nito na animo'y puputok na. Panay ang pag-aagaw ng liwanag at dilim sa silid na kinaroroonan namin, sa sobrang takot at kaba ko ay napahawak na lamang ako sa braso ni Churchill.


"A-andito na siya." Mahinang sambit ni Churchill na alam kong gaya ko ay takot na takot na rin.


"Tulong..." Wala mang boses na lumabas sa bibig ko, napatingin ako sa direksyon ng babaeng pulis. Hindi ko alam kung naniniwala ba siya sa amin pero nakikita ko sa mga mata niya ang malasakit sa amin.


"Bwisit na bumbilya oh, mukhang mapupunde pa ata." Iritadong sambit ng lalakeng pulis at kumuha ng flashlight mula sa aparador.


"S-salt! We need salt!" Napabulalas ako nang bigla ko itong maalala.


"Asin? Ewan ko nalang talaga sa inyong mga adik kayo." Natatawang sambit ng pulis at biglang itinutok sa amin ang matinding liwanag ng flashlight dahilan para magsingiwi kami ni Church. Bwisit, ang hapdi sa mata ng flashlight at parang natutuwa pa siyang itinututok ito sa amin.


"Tigilan mo na nga yan!" Sita ng babaeng pulis sa kasamahan sabay hampas ng kamay nito.


"Pikon." Natatawang tugon pa ng pulis.



Sa isang iglap ay bigla na lamang umalingawngaw ang isang napakalakas na putok ng baril na sinasabayan pa ng malakas na sigawan. Nagulantang kaming lahat lalo na ang dalawang pulis na nagbabantay sa amin. Tensyon, ito agad ang bumalot sa aming lahat.


"Shit he's here, shit." Dahil sa sobrang takot at kaba, hindi ko na ulit napigilan pang maluha at mataranta, ganun rin si Church.


"Manahimik nga kayo!" Bulyaw sa amin ng lalaking pulis na ngayo'y seryoso na at nakalabas na ang baril.


"Mukhang sina Santos iyon!" Bulalas naman ng babaeng pulis habang kinakasa ang kanyang baril.


"A-anong gagawin niyo?! Teka 'wag kayong lalabas doon!" Napabulalas agad ako sa takot na baka mapahamak pa sila.


"Shit pakawalan niyo muna kami dito!" Bulalas naman ni Churchill.


Panay ang pagmamakaawa namin ni Churchill ngunit hindi nila kami pinakinggan. Dali-dali silang nagsilabasan mula sa silid at sumaklolo sa mga kasamahan.


"Oh my God, sina Shem at Pip! Churchill sina Shem at Pip nasa baba sila!" Wala na akong magawa kundi maiyak.


****


THIRD PERSON'S POV


"Shem Jose De Dios? Banal ng pangalan mo ah?" Pabirong sambit ng pulis at inilapag sa harapan ni Shem ang isang baso ng mainit na kape. Silang dalawa lamang ang nasa maliit sa salid, mukha mang nakikipag-biruan, maingat na kinikilatis ng pulis ang bawat kilos ni Shem kahit pa nakaposas ang mga kamay nitong nakapatong sa mesa.


"Santos..." Basa ni Shem sa nakaburda sa uniporme ng pulis at saka ngumisi, "Nahiya ang kabanalan ko sa'yo." Nagbibiro man, bakas ang galit sa pagmumukha ni Shem.


"Shem? Anong pangalan ng kapatid mo? Si Ham?" Muli, pagbibiro ng pulis pero hindi tumawa si Shem dahilan para unti-unting mapawi ang ngiti sa mukha ng pulis, "Teka Ham talaga ang pangalan ng kapatid mo? 'Wag mong sabihing Noah ang pangalan ng tatay mo?" Hindi na napigilan pa ng pulis na muling matawa.


"Ham ang pangalan ng Kapatid ko, Noah ang pangalan ng Tatay ko at Japheth ang gusto nilang ipangalan sa magiging kapatid ko. May problema ba?" Walang emosyong sambit ni Shem na napakasama na ng tingin sa pulis kaya napatikhim na lamang ito't natahimik na animo'y napahiya sa inasal.


Napabuntong-hininga na lamang ang pulis na si Santos at nag-seryoso na, "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, anong ginagawa niyo kasama ang bata?"


"Dana is babysitting the kid! Paulit-ulit na namin yang sinasabi kaya maniwala naman kayo! Kung may dapat kayong arestuhin, si Wacky 'yon! Pero imbes na siya ang hahabulin niyo? tiyak kayo ang hahabulin niya." Walang emosyong sambit ni Shem na seryoso sa bawat salitang binibitawan.


"Pinagbabantaan mo ba ako?" Kunot-noong sambit ni Santos ngunit nalilito siya dahil wala siyang ibang makita sa mga mata ni Shem kundi takot, matinding takot.


"Pare-pareho lang tayong magiging biktima." Sagot pa ni Shem dahilan para mapabuntong-hininga na lamang ang pulis saka lumabas mula sa interrogation room.


Sa paglabas pa lamang niya mula sa silid ay agad na niyang nakita ang batang si Pip na nagpupumiglas mula sa pulis na siyang kasalukuyang nagbabantay sa kanya.


"Hindi po nila ako kinidnap! Maniwala po kayo sa'kin!" Muli, walang humpay na pagmamakaawa ni Pip.


"Bata, hihintayin muna nating sumagot ang magulang o guardian mo ha?" Naiinis man, pilit na nagpapasensya ang pulis habang hawak ang cellphone, "Bwisit? Ba't walang signal?"


"Kakausapin ko muna ang bata." Sambit ni Santos at pinaupo ang bata sa isang tabi.


Maliit lamang ang police outpost na kinaroroonan nila. May dalawa itong palapag, sa unang palapag ay ay naroon ang front desk at ilang opisina kabilang na ang interrogation room samantalang nasa pangalawa naman ang mga selda kung saan pansamantalang nakakulong sina Churchill at Dana kasama ang dalawang pulis na nagbabantay sa kanila.


"Pip ang pangalan mo diba? Ako nga pala si SPO2 Santos, kailangan mong magsabi ng totoo sa bawat tanong ko ha?" Malambing nitong sambit kaya kahit umiiyak man ang bata, wala itong magawa kundi tumango.


"May humahabol ba talaga sa inyo?" Tanong nito kaya agad na tumango-tango si Pip.


"Pa-Papatayin niya kami... Pumasok siya kay Kuya, sasaktan niya kami." Sambit ng bata sa pagitan ng kanyang bawat paghikbi.


"Anong pumasok ang sinasabi—" Natigil sa pagsasalita si SPO2 Santos nang bigla na lamang nagsimulang magpatay-sindi ang mga ilaw at pati narin ang pagloloko ng telebisyong nasa malapit. Dahan-dahan siyang napatingala sa ilaw dahil sa pagtataka.


"Sir anong maitutulong namin?" Nang marinig ito ay agad silang napatingin sa pintuan ng estasyon. Nagtaka siya nang makita ang isang binatang duguan, nakatayo lamang ito sa gitna ng nakabukas na pinto, may ngisi sa mukha habang animo'y nakatingin sa kawalan.


"Siya 'yon!" Biglang sigaw ni Pip bagay na ikinagulat nito.


"Ang humahabol sa inyo?" Naguguluhang tugon ni SPO2 Santos.


Natatarantang tumango-tango si Pip kaya muling ibinalik ni SPO2 Santos ang tingin sa direksyon ni Wacky at laking gulat nila sa nasaksihan.


"Mukhang masaya 'to." Nakangising sambit ni Wacky at bigla na lamang inilabas ang isang duguang itak na kanina pa pala niya itinatago sa kanyang likuran.


"Magtago ka muna sa loob, takbo." Kalmado man ang pananalita, dali-daling inilabas ng pulis ang kanyang baril at gaya ng ibang mga kasamahan ay agad itong itinutok sa direksyon ng wala sa sariling si Wacky. Hindi naman nag-atubili pa si Pip at dali-dali siyang napatakbo papasok sa interrogation room kung saan naroroon si Shem.


"Ibaba mo ang itak na hawak mo at itaas mo ang mga kamay mo!" Maotoridad na sambit ng isa sa mga pulis na siyang pinakamalapit kay Wacky.


Imbes na matinag ay isa-isang pinagmasdan ni Wacky ang mga pulis na nakapaligid sa kanya't animoy binibilang ang mga ito, "Anim? Ang dali naman nito."


"Ibaba mo sabi ang—" Natigil sa pagsasalita ang pulis nang mapansing lalo pang tumindi ang pag-patay sindi ng mga ilaw at lahat ng kanilang elektronikong kagamitan. Napatingala ito at pinagmasdan ang mga bumbilya na sa sobrang bilis ng pagpatay-sindi ay mistulang sasabog na.


"Boom." Mahinang sambit ni Wacky habang may ngisi sa kanyang labi. Walang ano-ano'y biglang sumabog ng sabay-sabay ang mga bumbilya dahilan para magmukhang umuulan ng maliliit na bola ng apoy at kislap sa paligid.


"Isa!" Sigaw ng isa sa mga pulis bilang pagbabanta sa kabila ng labis na gulat dahil sa mga nangyari.


"Eh kung Dalawa kaya?!" Sigaw pabalik ni Wacky at sa isang kumpas lang ng kanyang mga kamay ay bigla na lamang pinalutang ang dalawang pulis na siyang pinakamalapit sa kanya. Sa sobrang gulat ay hindi nakagalaw ang mga ito at walang magawa kundi manood gamit ang nanlalaking mga mata.


"Anong..." Mahinang sambit ni SPO2 Santos na hindi makapaniwala sa kanyang nakikita.


Tuluyang bumalot ang kadiliman sa buong paligid ngunit makaraan ang ilang sandali ay biglang nagsi-andar ang mga emergency light na nasa kisame, dahil sa liwanag ay kitang-kita ng kapulisan ang sinapit ng dalawa sa kanilang kasamahan.


Binitawan ni Wacky ang hawak na itak at bigla na lamang humalakhak, gamit ang duguang mga kamay ay walang kahirap-hirap niyang hinawakan ang magkabilang paa ng mga pulis at ubod ng rahas itong hinila at hinampas sa sahig na para bang mga laruan.


"Fire!" Sa sobrang gimbal ay agad nilang pinaulanan ng bala ang binata ngunit tumawa lamang ulit ito at walang ano-ano'y itinaas muli ang duguang mga katawan ng dalawang pulis sa pagmamagitan lamang ng pag-angat ng kanyang palad. Umalingawngaw ang napakalakas at sunod-sunod na putok ng mga baril ngunit imbes na si Wacky, ang dalawang pulis na walang kalaban-laban ang mga tinamaan.


"Ceasefire! Ceasefire!" Buong panlulumong sigaw ni SPO2 Santos nang mapagtantong ang mga kasamahan na ang tinatamaan ngunit bago pa man sila matigil sa pagbaril ay bigla na lamang hinagis ni Wacky ang mga bangkay patungo sa mga direksyon nila dahilan para madaganan sila ng mga ito.


Naguguluhan man at nagpupumilit tumayo, muling sinubukan ng mga pulis na paputukan ang binata ngunit bigla na lamang nanigas ang mga gatilyo at hindi na nila ito makalabit.


Isa sa mga pulis ang napatingin sa itak na nasa sahig at walang pag-aatubili siyang gumapang patungo sa direksyon nito ngunit nang akmang pupulutin na niya ang itak ay bigla na lamang itong lumutang at lumipad patungo palad ni Wacky.


"Hi." Narinig ng pulis ang boses ni Wacky sa kanyang tabi at nakita ang sapatos nitong malapit na sa palad niya. Dahan-dahang nag-angat ng tingin ang takot na takot na pulis ngunit bago pa man niya tuluyang masilayan si Wacky ay bigla na lamang tumama sa mismong mukha niya ang dulo ng napakatalim na itak at tumagos ito sa likod ng kanyang ulo.


Dumanak ang napakaraming dugo sa sahig habang nangingisay ang katawan ng pulis na ngayo'y unti-unti nang nalalagutan ng hininga dahilan upang lalong tumindi ang ngisi sa mukha ni Wacky.


"Hindi!" Dala ng labis na pagkagimbal ay agad na sinugod ng isa sa mga pulis si Wacky ngunit bago pa man siya nakalapit sa binata ay agad siyang tumilapon patungo sa kisame at bumagsak ng paulit-ulit sa sahig na animo'y binabalibag ni Wacky sa pamamagitan lamang ng mumunting kumpas ng mga kamay. Sa sobrang lakas ng pagtama nito sa sahig ay agad na tumilapon ang napakaraming dugo't nagpira-piraso nang katawan patungo sa mga natitirang pulis na walang kalaban-laban.


"Tigil!" Narinig ni Wacky ang sigaw dalawang pulis na bumababa mula sa hagdan. Sila ang mga pulis na kaninang nagbabantay kay Churchill at Dana. Hindi na sila nagpaligoy-ligoy pa't agad nang pinaulanan ng bala si Wacky, ngunit bago pa man nila ito matamaan ay bigla na lamang naglaho si Wacky na parang bula.


"Anong?" Hindi makapaniwala ang babaeng pulis sa nasaksihan, pati narin ng kanyang mga kasamahan.


"Andito lang siya!" Sigaw ni SPO2 Santos na punong-puno na ng dugo ang pagmumukha at damit mula sa mga kasamahang sinawing palad.


"Okay lang ba kayo?!" Sigaw ng nag-iisang babaeng pulis at agad na napatakbo sa direksyon ng natitirang mga kasamahan. Ngunit bago pa man niya tuluyang malapitan ang mga ito ay bigla na lamang sumulpot si Wacky sa kanyang harapan dala ang isang itak. Sa sobrang gulat ay hindi siya nakagalaw at napako lamang sa kinatatayuan lalo na nang muling kumurba sa mukha ni Wacky ang isang ngisi. Sa sobra namang takot sa nasaksihan, agad na nagtatakbo pabalik sa pangalawang palapag ang lalakeng pulis na inatasang umaresto at magbantay kina Church.


"Goodnight." Natatawang sambit ni Wacky at tinulak ang babae hanggang sa mabatbat ito sa pader at mawalan ng malay.


"Tapusin na nga natin 'to..." Natatawang sambit ni Wacky at muling napatingin sa mga natitirang pulis, "Ikaw, takbo lang." Sambit naman ni Wacky sa lalakeng pulis na kumakaripas ng takbo patungo sa silid kung saan naroroon ang mga selda nina Dana at Church.


****


Nasa loob man sila ng isang interrogation room, rinig na rinig nila ang bawat putok ng baril at palahaw ng mga walang kalaban-labang pulis.


"Shhhh." Bulong na lamang ng luhaang si Shem sa batang si Pip na halos humagulgol na dahil sa mga naririnig nilang sigaw at palahaw ng mga pulis na pinapatay ni Wacky sa labas. Dahil walang bintana ang silid at wala na silang ibang mapupuntahan, nagtago na lamang ang dalawa sa ilalim ng mesa. Napakahigpit ng yakap ni Pip kay Shem, gustuhin man ni Shem na aluin ang bata ay hindi niya magawa dahil nakaposas ang kanyang mga kamay kaya naman ipinulupot na lamang niyang braso sa bata upang mayakap ito pabalik.


"Shhh.." Muling bulong ni Shem at mariing pumikit sa pag-asang malulunod niya sa sariling pag-iisip ang nakapanlulumong naririnig.


****


"S-sino ka?" Nauutal na sambit ni SPO2 Santos gamit ang kanyang natitirang hininga habang nakahandusay sa sahig. Panay ang pag-ubo niya ng napakaraming dugo lalo pa't nakasaksak parin sa kanyang dibdib ang itak na gamit ni Wacky.


Pasipol-sipol si Wacky na lumapit sa pulis at inapakan ang mukha nito sabay hugot ng itak, "Bangungot niyo."


Nang tuluyang mahugot ang itak at maialis ang pagkakaapak sa mukha ng pulis ay napabuntong-hininga si Wacky nang makitang hindi na gumagalaw pa ang pulis at tuluyan na itong nalagutan ng hininga. Aakyat na sana siya sa hagdan patungo sa kinaroroonan nila Dana nang bigla niyang mapansing may gumalaw sa gilid ng paningin.


Muli, unti-unting kumurba ang ngisi sa kanyang mukha nang lumingon siya at makitang gising na ang hinang-hinang babaeng pulis. Hilong-hilo man at halos wala nang lakas, gumagalaw ito na animo'y gustong gumapang patungo sa direksyon ng kanyang baril na nakatiwangwang sa sahig.


"Bilib talaga ako sa kahunghangan ninyong mga mortal." Natatawang sambit ni Wacky at dala ang itak ay muling nilapitan ang ngayo'y bangkay nang si SPO2 Santos.


Huminga ng malalim si Wacky at walang ano-ano'y pinagtataga ang hita ng bangkay. Hindi niya iniinda ang dugong tumatalsik sa mukha niya, tila pa nga natutuwa siya sa ginagawa dahil napapapakit pa siya at napapangiti na animo'y ninanamnam ang dugong dumadampi sa kanyang balat.


"Dahil hindi ka sumusuko, gusto kong—" Napaungol si Wacky sabay hila sa hita hanggang sa tuluyan itong matanggal mula sa katawan ng pulis, "Espesyal sa'yo." Pagtatapos ni Wacky sa kanyang sinasabi sabay lapit sa babaeng pulis habang dala ang ngayo'y hitang pinutol mula sa pulis.


"'W-wag.." Umiiyak na nagmakaawa ang babaeng pulis sa sobrang takot kay Wacky. Paulit-ulit siyang umiiling-iling sabay gapang palayo pero lalo lamang humahakbang papalapit si Wacky.


"Pribelehiyo 'to." Natatawang sambit ni Wacky sabay katok sa tuhod na karugtong ng hitang kanyang dala. Huminga ng malalim si Wacky at hinawakan ng mahigpit ang binti ni SPO2 Santos, itinutok niya ang hita na siyang nasa dulo nito patungo sa direksyon ng takot na takot nang pulis.


"Parang-awa mo na," Lalong napahagulgol ang babae ngunit wala na siyang nagawa pa nang walang ano-ano'y bigla na lamang siyang hinampas ni Wacky sa mukha gamit ang hita ni SPO2 Santos. Paulit-ulit itong ginawa ni Wacky, hinampas niya nang hinampas ang pulis, hindi alintana ang dugo't-lamang nagtatalsikan sa kanyang mukha at sa buong paligid.


Kahit nakitang yupi na ang mukha ng babaeng pulis ay hindi tumigil si Wacky sa paghampas, paulit-ulit at buong lakas niya parin itong hinahampas hanggang sa tuluyang lumabas ang buto mula sa kanyang hawak na hita.


Nang makitang wala nang buhay at halos mawasak na ang ulo ng babae ay napabuntong-hininga na lamang si Wacky at hinamplos ang kanyang mukha upang punasan ng bahagya ang napakaraming dugo sa kanyang mukha.


Binitawan ni Wacky ang hawak na hita at muling pinulot ang kanyang itak.


Nagsimulang sumipol si Wacky at naglakad, tumigil siya sa pinto ng interrogation room kung saan naroroon at nagtatago ang takot na takot na sina Shem at Pip. Lumapit siya sa pinto at patawa-tawa itong kinatok.


"Hay, 'wag na nga lang." Muli, napabuntong-hininga si Wacky nang makita ang hagdan papunta sa ikalawang palapag.



"Andiyan na si Wacky....." Pakantang anunsyo ni Wacky at nagsimulang humakbang sa baitang.



END OF CHAPTER 14!

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 99.4K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...
21.6M 751K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...
4.2K 121 27
Because of the series of killings that continue to shake a barangay. They likened the case to a similar crime where the perpetrator is a stranger who...
20.2M 451K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...