Killers

By jolyeng_

1.4K 117 35

Isang magkakaibigang makakaranas ng mga pangyayaring hindi nila kailanman na pinangarap. Paghihiganti. Pagpa... More

AUTHOR'S NOTE
Panimula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
AUTHOR'S NOTE
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
A/N

Chapter 13

45 7 0
By jolyeng_

Third Person's POV

Habang nagpapahinga si Mitchie kasama sina Gabriel at Erica ay sabay sabay na tumunog ang kanilang mga cellphone.

Nakaramdam sila ng takot, Muli. Dahil nangyari din ito kanina. Nanginginig nilang binasa ang mensaheng natanggap nila.

Unknown Number:

Magkita tayo sa school kung ayaw niyong mapahamak ang isa sainyo. Mas marami, Mas masaya. Goodluck.

Nanginginig sila sa takot. Si Mitchie na hindi pa nakakarecover ay tinanggal kaagad ang dextrose na nakakabit sakanya.

"M-Mitchie! Anong ginagawa m-mo?" Paga-alala ni Erica sa kaibigan.

"Magbibihis lang ako. Kailangan nating pumunta. Baka mapahamak ang iba."

"Mitchie, Hindi ka pa okay-"

"Okay na ako, Gabriel! Kaya please lang, Magayos na kayo! Lalabas na ako!" Sigaw nito at nagmartsa na papunta sa CR para magpalit.

Nagkatinginan na lamang si Gabriel at Erica. Naga-alala sila para kay Mitchie, Pero tama si Mitchie dahil kung hindi sila pumunta doon ay baka may mapahamak pang iba.

Wala na silang magagaawa kaya inayos nalang nila ang mga gamit nila at ni Mitchie.

--

Nang matapos na silang tatlo ay lumabas na sila sa loob ng kwarto at nagmamadaling umalis sa ospital. Pinigilan sila ng ibang nurse pero walang silbi dahil hindi sila pinapansin ng tatlo.

Pumara sila ng taxi. Nang may huminto ay dali dali silang pumasok.

"Manong, sa Juarez University po.
Pakibilisan po, Manong." Sabi ni Gabriel.

Sinunod naman ng driver ang sinabi ni Gabriel. Wala pang bente minutos ay nakarating na sila kaagad sa school nila.

Nakita nilang bukas ang gate ng school kaya dali dali silang pumasok. Sa entrance ng school ay nakita nila ang iba pa nilang kaibigan na binubuksan ang pinto ng school.

"Czandra! Andito na kami!" Sigaw ni Mitchie kaya napalingon ang iba pa nilang kaibigan kay Mitchie.

Tumakbo ang tatlo papunta sakanila.

Nanlaki ang mata ni Erica nang makita si Venice, Clarisse, Kyllene at Gilian. Kumunot ang noo niya rito.

"Don't tell me.." bulong ni Erica.

"Yep, Nakatanggap kaming lahat ng message."

Mas lalong kumunot ang noo ni Erica sa narinig niya.

"Ahhhh! Salamat!" Bigla silang napalingon kay Vincent nang sumigaw ito. Ayun pala ay nabuksan niya na ang pintuan ng school.

Papasok na sana sila nang biglang may bumagsak sa itaas na mga katawan. Katawan ng mga kaklase nilang nakalambitin at duguan.

Sabay sabay na nagsigawan ang magkakaibigan. Napahinto pa sila dahil natatakot silang pumasok.

"Ano?! Hahayaan nalang natin na may mapahamak na naman?! Pumasok na tayo!" Parangal ni Venice sakanila.

Kinikilabutan man, Matapang silang pumasok sa loob. Nanginginig sila sa takot kaya magkakahawak kamay sila.

Habang naglalakad sila ay bigla na lamang silang nakarinig ng malakas na kalabog. Nagsigawan sila at napatakbo kung saan saan.

Naghihilahan sila at nagsisigawan. Hindi mawari kung saan mapupunta. Takbo ng takbo, Di bali na ang madapa maisalba lang ang kanilang buhay.

Tuluyan nang nagkahiwa hiwalay ang magkakaibigan.

Kung sila ay natatakot at nalulungkot sa mga nangyayari. Ang mga pumapatay naman ay tuwang tuwa sa mga nangyayari.

--

"Grabe, Cisc! Gumana nga yung sa cellphone mo!" Tuwang tuwa si Aria at Evie sa kunyaring kalabog kanina. Ang hindi alam ng iba, Ay galing lamang iyon sa cellphone ni Cisc.

"Kilala ko ang pangalawang grupo. Apat lang sila. Yung isa hindi ko kilala eh pero yung tatlo kilala ko."
Sabi ni Evie. Mas lalong sumaya si Aria sa sinabi ni Evie.

"Hay! Ang swerte talaga natin! Halina nga kayo! Simulan na natin." Giit ni Aria at kinuha na ang kutsilyo at isang payat at matigas na kahoy.

Nagtanguan sila at nakiramdam nalang ng mga tunog sa paligid.

--

"Oh ano na?! Nauunahan na tayo nung isa pang pumapatay!" Galit na galit ang lider ng kabilang grupo na pumapatay.

"Pasensya na po, Master."

"Aalis na ako. Gawin niyo ang dap-" hindi na nagawang lumaban o magsalita ng isang salarin dahil may pumalo sa ulo nito.

Nagulat ang kasamahan niya kaya napatakbo sila sa lider nila. Pero huli na ang lahat dahil kay pumalo rin sa mga ulo nila.

"Ayos, Evie."

--

Dahil nga sa paghihiwa hiwalay ng magkakaibigan, Mas mahirap ang naging kalagayan nila. Alam nilang sa mga oras na ito ay may namatay na ulit sakanila.

"Dahan dahan lang. Gilian at Mitchie, Wag kayong magsasalita baka marinig tayo." Bulong ni Dave sakanila.

"Natatakot ako, Dave." Bulong din ni Gilian.

Hindi na siya pinansin nito. Nagpatuloy nalang sila sa paglalakad. Hindi naman gaanong madilim sa eskwelahan dahil nakabukas pa ang iilang mga ilaw.

Pumunta sila Dave sa floor ng mga pre-school.

"Dito tayo." Sabay pihit ni Dave sa pintuan ng playroom.

Nagtago sila sa may mga laruan para makasiguradong walang makakaalam kung nasaan sila.

Saka nalang nila napansin na may dalang bag si Dave. Nang makita ito ni Mitchie ay agad siyang naghinala.

"Anong laman ng bag mo na yan, Ha?" Tanong nito na nagdududa.

"Ano, Pinagdududahan mo ako no? Sige pagdudahan mo ako." Panghahamon nito.

In-unzip ni Dave ang bag niya at ipinakita kay Mitchie ang laman.
Napakagat labi si Mitchie nang makitang puro pagkain,towel at tubig ang laman nito.

Hindi natinag sa pagdududa si Mitchie. Hinalughog niya ang bag ni Dave ngunit wala siyang makitang pang self-defense o kahit anong pang patay. Guminhawa ang pakiramdam ni Mitchie dahil mapagkakatiwalaan niya naman pala itong si Dave.

"Stupid. Walang dala na pang self-defense." Bulong nito. Ngunit dahil tahimik ang lugar ay narinig parin ito ni Dave.

"Ano ka! Meron no." Sabay hagis niya ng swiss knife kay Mitchie at Gilian.

"Pinagkakatiwalaan ko kayong dalawa ha? O ayan meron din ako. Nabigyan ko na silang lahat kanina."

Tumango silang dalawa kay Dave at napangiti.

Matagal tagal narin sila sa loob ng playroom. Dahil naiinip na sila, Lumabas nalang sila upang hanapin ang iba.

--

"Gab, Sigurado ka ba na safe tayo dito?" Tanong ni Jelcy kay Gabriel.

Napatigil sila nang makarinig ng mga yapak.

Sinundan ni Gabriel ang tunog. Napansin niya na papunta sa direksyon nila ang mga yapak.

Nagtago sila ni Jelcy sa isang locker. Nakasilip si Gabriel. Nang makita niya ang naglalakad ay napangiti siya.

"Vincent!" Napatalon si Vincent nang biglang sumulpot si Gabriel.

"Hanapin na natin sila. Baka kung ano na ang nangyari sa iba."

Tumango sila at naglakad na.

--

Mag-isang naglalakad si Erica. Natatakot siya at yinayakap ang sarili habang naglalakad sa mga corridor.

Habang naglalakad ay nakarinig siya ng hikbi. Natigil si Erica sa paglakad pero kalaunan ay sinundan ang hikbi.

Nakarating siya sa isang silid. Binuksan niya ito at nakita sina Venice, Czandra, Vincent, Jelcy at Gabriel.

Nanlaki ang mata ni Erica at napaluha sa saya. Pumasok siya sa silid at maingat na nilock ang pintuan. Naglagay din siya ng iilang upuan at gamit upang hindi sila makita o makuha ng mga mamamatay tao.

Napatakbo siya papunta sa kinaroroonan ng lima na naluluha.

Sinalubong siya ni Venice at agad na niyakap.

"Mag-isa lang ako kanina pa. Buti nakita ko kayo." Sabi ni Erica at napahagulgol nalang sa saya.

"Tahan na, Erica. Andito na kami oh."

Ngumiti nalang siya at pinunasan ang luha.

Tumayo si Vincent at binuksan ang bintana. Gabi na. Madilim.

Nagkwentuhan ang anim at gumaan naman ang mga loob nila. Ngunit sa gitna ng pagsasaya nila ay biglang nawala ang ilaw.

Napasigaw si Erica at Jelcy, Agad nilang tinakpan ang bibig ng dalawa.

Kasabay nun ay ang pagkalampag ng pintuan kaya nagsigawan ang tatlo.

Mas dumilim ngayon. Halos hindi na nila makita ang isa't isa sa sobrang dilim.

Bumukas ang pinto.

Pinatahimik ni Vincent ang mga kasama niya kaya tumahimik sila.
Saglit na katahamikan ang nangyari. Lahat sila ay pinapakiramdaman ang paligid. Kung may tao ba o wala.

Nawala lang ang katahimikan ng narinig nila ang impit na sigaw ni Jelcy.

Nanlaki ang mga mata nila nang marinig ito. Bago pa man nila mapigilan ang kumuha kay Jelcy, ay nakaalis na ito.

Naiwan sila sa loob. Linock ng salarin ang pinto para hindi sila makalabas.

Ang lima ay napaiyak nalang sa nangyayari at nagdadasal nalang.

Jelcy's POV

May humila sa buhok ko sa loob ng room na iyon. Napasigaw ako pero tinakpan kaagad ng kung sinuman ang bibig ko.

Nang naramdaman kong nakalabas na kami ay agad akong nagpumiglas.

"Bitawan mo ako! Ano ba! Ano ba!"
Paulit ulit ko yang sinasabi pero hindi siya nakikinig.

Nainis yata siya. Nabigla ako nang bigla na lamang niya ako hinampas ng kahoy sa likod.

Nanghina ako kaya kinaladkad niya ako.

Napansin ko nalang bigla na dinala niya ako sa... basement?

Nakahiga ako doon. Nakatali ang kamay at paa. May busal din ang bibig ko.

May naaninag akong anino malapit sa pintuan. Binuksan niya ang ilaw.
Pagkatapos nun ay humarap siya saakin.

Nanlaki ang mata ko at napaiyak sa kataksilan na ginawa niya.

"Hi, I'm Cisc." Sabi niya at tinanggal ang busal sa bibig ko.

"Paano mo to nagawa?!"

Ngumiti nalang siya at may kinuhang kahoy na makapal at kutsilyo sa may lamesa doon.

Bigla na lamang niya akong hinataw ng kahoy. Napasigaw ako sa sakit dahil sa may paanan niya ako hinataw. Napaiyak ako sa sakit.

Hindi niya ako tinigilan. Patuloy siya sa paghampas sa may paanan ko. Bigla ko na lamang naramdaman na basag na ng buto ko doon. Sobrang sakit padin.

Nang makita niyang naghihirap ako ay napangiti siya.

"Walang hiya ka."

Bigla na lamang niya ako sinaksak sa may tiyan ko kaya napasigaw ako ng sobrang lakas. Ang sakit sobra. Naramdaman kong may kung ano sa tiyan ko na umaangat. Naramdaman ko nalang na may lumalabas na dugo sa bibig ko.
Bigla niya akong hinampas ng kahoy sa tiyan kong may saksak.

Naramdaman kong mas bumaon ang kutsilyo sa may tiyan ko.

"Oops, Sorry!" Sabi niya sabay peace sign.

Tinanggal niya ang kutsilyo sa tiyan ko. Nang makuha niya iyon ay bigla na lamang niyang itinutok sa leeg ko ang kutsilyo. Napaiyak nalang ako. Madamimg dugo na ang nawala saakin. Maaring katapusan ko na maya maya. Nanghihina na ako.

"Byebye, Jelcy."

Pagkatapos nun ay bigla niya akong ginilitan at sumirit kaagad ang dugo ko sakanya. Nakita ko siyang nakangiti bago ako malagutan ng hininga.

_______________________

Yehey! Double update!!

Continue Reading

You'll Also Like

422 0 11
Maikling kwento tungkol sa matalik na mag-kaibigan. Best friends forever nga daw kumbaga. Can "forever" make things right? or One mistake can change...
Psycho By yatsudon.

Mystery / Thriller

10.4K 469 21
Apat na magkakaibigan. Mga sunod-sunod na misteryo sa kanilang lugar. Mga kaso ng pagpatay. Lahat sila may kaugnayan sa salitang "kamatayan". Isa ba...
20.4K 136 32
Minsan ba naisip mo na tayo na lang kasi? tayo na lang please? ang hirap kasing umasa ng ganito eh.. pero hindi mo masabi kasi una hindi mo masabi an...
84.6K 1.6K 52
Istorya ng isang babaeng nais mag-higanti para sa kanyang bestfriend. Ano kaya ang magagawa niya para lang sa pagkawala ng nag-iisang taong nakaka...
Wattpad App - Unlock exclusive features