"NABASA KO NA YAN"

De mgahangal

70.5K 1.1K 584

(Isang nakakaaliw at kakaibang story description na magiging dahilan upang mahikayat ka at hindi mapigilan na... Mais

"NABASA KO NA YAN"
Chapter 1: The Development of Accounting Profession
Chapter 2: MANOK
Chapter 3: Arrozcaldo ni Karen
Chapter 4: Nobody
Chapter 5: AUTOLOADMAX
Chapter 6: Unlimited
Chapter 7: Cinderella
Chapter 8: Remembering Sunday
Chapter 9: ILONG
Chapter 10: Love Story
Chapter 11: Sudoku
Chapter 13: Hatred
Chapter 14: Karne
Chapter 15: The Sims
Chapter 16 part 1: The Party
Chapter 16 part 2: The Overnight
Chapter 17: Not Bad
NABASA KO NA YAN: CHRISTMAS EDITION
Chapter 18: Langgam
Chapter 19: Some Things are better left unsaid.
Chapter 20: Hey, Mr. Cool Cool
Chapter 21: Invisible Ties
Chapter 22: Good Luck
Chapter 23: Love Pollution
Chapter 24: Please Don't Go
Chapter Undefined: Gidaba eskerembojo

Chapter 12: Pinky Promise

1.6K 24 40
De mgahangal

???: Dahil busy si Travis makipaglaro kay Levi, nakakatamad naman kung puro laro yung atupagin natin. Kaya naman...

SPECIAL EDITION!!!

Alice's point of view. :))

So meaning kahit wala si Travis dito, ang chapter na ay may DOG MODE pa din. :P

**********

Naglakad lakad kami ni Lucy para maggive way kila Travis at sa kapatid ni Lucy, mukhang close silang dalawa ah, nagpprogress na nga ang bestfriend ko!!

Masaya ako para sa kanya, pero something doesn't feel right ya know? Parang.....

"So ikaw ang bestfrind ni Travis?" tanong sa akin ni Lucy.

"Yep, at ikaw... ay classmate ni bachu?"

"Bachu?"

"Ahhh sorry, yun kasi yung tawag ko sa kanya, hahaha."

"Ah okay. Classmate niya ako, sorry kung nakaabala kami ah, may lakad ata kayo."

Uhm. Ano bang sasabihin ko? Hindi ko pwedeng sabihin na nandito kami para maghanap ng ireregalo para sa kanya. 

"Wala naman namamasyal lang kami."

"Pero andami mong dala-dala, ang galante mo naman!"

"Ah.. eh.. hahaha. Wala to. Nagpasama lang ako kay Travis kasi tapos na din naman yung paghihirap niya."

"Haha. Pareho kayo ni Travis, bagay kayong magbestfriend!"

"Haha. Thanks!"

Yeah right. Bagay nga kami, magbestfriend. Tama naman siya eh. Diba?

Pumunta kami sa ground floor. Doon kasi maganda tumambay at doon kami magkikita nila Travis after an hour.

Umupo na kami. Medyo awkward pa din yung atmosphere. Hayyy.. pero kailangan kong makakuha ng information! I won't let you down Bachu!

(Earlier)

"Travis maglalakad lakad lang kami ah. Diyan muna kayo ni Levi." sabi ko.

"Sandali lang Alice! May sasabihin ako sa'yo." then lumapit ako sa kanya.

"Alam mo na gagawin mo ah."

"Ha? Oo naman, iiwan namin kayo ni Levi diba?"

"Hindi timang!" aray! binatukan niya ako. "Kasama mo si Lucy, ikaw na bahala, i'm counting on you." sabi niya sa akin.

"Yeah right. Haha. Magaling ako diyan bachu!"

"Haha. Sige na magkita-kita tayo sa may fountain mamaya, mapapagod din si Levi nito."

"Sige, have fun!"

Back to the present!

"Kamusta si Travis?" ako na nagsimula ng usapan, para makakuha ako agad.

"Ha? Ayos naman siya, masaya palagi at kulang ang section namin kung mawawala siya. Bakit mo natanong?" sabi ni Lucy.

"Wala naman, hindi na kami kasi nagkakasama ng madalas ni Travis, busy din ako sa studies ko."

"Ano bang course mo?"

"Uhm, same lang sa inyo, but different university."

"Ah I see. He's doing fine naman so you shouldn't worry. Answerte naman ni Travis, having a bestfriend like you." sabi ni Lucy.

"Hindi ah, ako ang swerte kay Travis, kasi palagi siyang nandyan para sa akin, hindi niya ako iniiwan kahit na pareho kaming may pinagdadaanan." uhhh.. nasabi ko yun?hala.

"Haha. Grabe, alam mo you are so pretty, siguro may planong manligaw si Travis sa iyo noh?"

"Ha? Thanks for the compliment pero hindi yun mangyayari, may iba siyang mahal eh." hindi talaga pwede hindi ba?

"Oh? hindi nga? Madami palang sikreto si Travis." kung alam mo lang Lucy, kung alam mo lang...

"Ano bang tingin mo kay Travis?' tanong ko.

"Uhh.. kay Travis? Mabait siya."

"Huweh, yung lang? Come on, sa gwapo ng bestfriend ko, kahit konti, wala kang gusto sa kanya? Hahaha!"

"Ha? Hindi sa ganon, pero ---"

"Okay lang yan, sabihin mo lang kung anong tinatago mo dyan, hindi ko sasabihin kay Travis."

"Haha. Kaibigan ko lang siya, nothing more nothing less.." sabi ni Lucy, aw konti pa bestfriend!

"Hmm, alam mo ba, kakaiba yang si Travis."

"Bakti naman?"

"Kasi gusto niya masaya lahat ng nasa paligid niya. Kaya kahit nasasaktan na siya, mas gugustuhin pa din niya sumaya ka kahit na masaktan pa siya."

"Unselfish love?"

"Siguro pero minsan kasi mali na yung sobrang pagbibigay, nakakalimutan mo na ang maging masaya. Kailangan din nating maglaan para sa sarili natin diba?"

"May point ka, pero bakit mo sinasabi sa akin ang mga bagay na'to? Haha. Curious lang."

"Kasi si Travis, kailangan niya ng taong maglolook after sa kanya kapag sumusobra na siya."

"Okay, kaya nandito ka para sa kanya diba?"

"Yes, dati. Pero ngayon, he needs someone na maaari niyang makausap kaagad. Alam mo naman na minsan lang kami nagkikita diba?" sabi ko.

"And...?"

"Pwedeng humingi ng favor? Would you look after him for me?"

.

.

"I would be glad to. Hahaha." sabi ni Lucy, nakangiti pa siya.

"Really?"

"Yep. Kahit ngayon lang tayo nagkakilala, palagay na loob ko sa'yo. Feeling ko matagal na tayo magkakilala."

"Haha. Same here."

"Hey, Alice."

"Yes?"

"Hanggang bestfriend lang ba ang tingin mo kay Travis?"

.

.

.

.

"Oo naman." sabi ko.

"Gusto mo bang pumunta sa debut ko?"

"Magdedebut ka na?" oh my gosh parang hindi ko alam e no. hahaha!

"Yes, two weeks from now, magdedebut na ako. wanna come?"

"I'm not sure. Baka kasi I have other plans on that date."

"Pero if you can come, punta ka lang, samahan mo na si Travis."

"Hehe. Pag-iisipan ko muna ah."

"Sige lang."

*************

DOG MODE signing off...

"Ubos na tokens ko." sabi ko kay Levi.

"It's okay I still have a lot. Here take this." watda dumugo nanaman ilong ko sa kanya. bakit ba kasi english ng english toh?

"Grabe Levi, so you are practicing your english skills."

"Yes I am, my teacher says I would get high grades if I continue to do this, likewise, my mother promised me to buy a new toy if I managed to keep this up!"

"Okay?"

Naglaro lang kami ng naglaro. Minsan nagpapatalo na ako, masayang makita na tawa siya ng tawa eh. Hahaha.

Inabot din kami ng isang oras dun. Napagod si english boy. Kaya ayun nakaangkas nanaman siya sa likod ko. Pumunta na ako sa fountain para makipagkita kila Lucy at Alice.

Nako sana may nakuha si Alice. Hehe. Excited na ako!

Nung nakapunta na ko sa fountain....

"Nasaan si Alice?" tanong ko habang binababa si Levi.

"Umalis na siya, ang sabi niya, yung mga pinamili niyo ihahatid na lang daw niya sa bahay niyo."

"Oh, anung problema niya?"

"Hindi niya sinabi sa akin, mukhang nagmamadali siya."

"Ah ganun ba." hmmmm anong nangyari sa kanya?

Tinignan ko yung cellphone ko, sabi na eh, may dahilan siya.

1 new message

from: Alice

Have Fun. :))

Ha? Anong ibig niyang sabihin? Tae naman. Di ko nanaman siya magets.

"Uhm, Travis aalis na kami ah. Hinahanap na kasi kami ni mommy." sabi ni Lucy.

"Kakaalis lang ba niya?" tanung ko kay Lucy.

"Oo. Mga 5 minutes pa lang naman." sabi niya.

"Sige, aalis na din ako, ingat kayo ah." tapos tumakbo ako ng mabilis.

Medyo nakakabastos siguro na umalis ako agad sa harapan ni Lucy pero parang may mali eh. Kailangan kong makausap si Alice.

Tsaka hindi pa ako nakakabili ng regalo ko! >_<

Patay na daw si Steve Jobs.

R.I.P Steve Jobs :(

teka, teka.. sino ba yun? tsaka bakit naging aso nanaman ako? :P

FYI. Steve Jobs, siya ay ang founder ng Apple. (Yung gumagawa ng Ipod, Iphone, Ipad, end of thinking capacity)

Grabe noh? Namatay siya because of cancer. Namatay siya kahit marami siyang pera. Kahit na maraming nagpapakamatay para mabili yung products niya.

Kapag oras mo na, oras mo na talaga. Walang magagawa ang pera, kahit gaano pa ito karami pagdating sa kamatayan.

Pero fulfilled naman siya kasi he is the one who changed the world. Biruin mo, ngayon yung computer, pwede na natin dalhin kahit saan. Pwede tayong magdala ng thousands of songs just right in our pocket.

Di naman uso dati yung mga touch screen na yan eh. Tapos pinauso niya.

I have nothing against Steve Jobs, pero I really don't care kahit hindi niya ginawa yung mga Apple products. HIndi ko naman makakain yan eh. Anung gagawin ko dyan? Ipagyayabang ko sa buong mundo na meron ako? parang...

"Hey guys, may Ipod ako oh. Wala lang nag-iingit lang."

"Bakit hindi touch screen yung sa'yo? Ewww."

Parang ang panget. Para sa akin ah. Kung may gusto kang sabihin, magcomment ka. Para mareplyan kita diba? HAHAHA.

It's definitely NOT our basic need. And in our country, where most of our population is experiencing poverty, I think no one will care who the hell is Steve Jobs. He may be a genius, but he is also a human just like us. Tumatae din siya. At hangga't tumatae ang isang tao, kaya ko pang higitan kahit na ano pang ginawa niya para sa mundong ito.

Matagal ko na ding iniisip kung paano nalaman ng tao kung paano maghugas ng pwet. Wala naman kasi akong nabasa na tumae si Adan at Eba eh.

Parang ganito lang,

sino kayang nakaisip na kainin yung bilog na lumalabas sa pwet ng manok? --im talking about the itlog, baka di mo alam--

MALAY. :P

 

So all around the world, may mga nagluluksa para kay Steve Jobs.

Eh sa Africa? Every minute, may namamatay. PERO NO ONE CARES. Hindi ko alam kung ano bang mas mahalaga sa mga tao ngayon. Yung basic needs, o yung luxuries of life? Mas mahalaga pa yung material na bagay sa mga buhay ng tao.

So pwede naman na iniskip niyo itong part na to, hahaha. I don't care about it. And it's dependent in time, may mga makakabasa neto kapag nakalipas na ang matagal na panahon, naisip ko lang kasi ito nung tumatae ako. So have fun reading guys! :D

Alice's point of view

***************************

Nako, umulan pa oh. Wala pa naman akong dalang payong.. I guess I'm stuck in here for  while.

Kamusta na kaya sila Travis?

Siguro ansaya saya nila ngayon, tama lang yun para makapagpapogi siya kay Lucy. Torpe pa naman yung minsan! Hmmm.. sana okay lang siya ngayon. Hindi niya makikita yung pag-ulan kasi nasa mall pa siya.

So overall, boto ako kay Lucy. I think bagay sila eh. And my bestfriend is crazy with her. Pero natatakot ako...

Natatakot ako..

"Sabi na eh. Wala kang dalang payong." huh? bakit?----

"Bakit ka nandito?" tanong ko kay Travis.

"Obvious ba? Pinuntahan kita. Umuwi na sila Lucy kaya hinabol kita." sabi niya.

"Akala ko may gagawin pa kayo eh."

"Akala ko ba nagmamadali ka at tinawag ka daw ng mama mo?" patay!

"Eh umuulan kaya! Ayoko naman mabasa yung pinamili naten diba?" whew....

"Alam mo naman na palagi akong may dalang payong diba?" sabi ni Travis.

"Yeah. I know. Paborito mo ang ulan kaya kahit saan iniisip mo na may possibility na umulan kahit summer. Haha!"

"Hahaha, well said. Tara na, baka hinahanap ka na ni tita." sabi niya.

Binitbit na niya yung iba kong dala. Tapos sumabay na ako sa paglalakad. Hindi masyado malakas yung ulan, pero enough na yun para mabasa ako ng bonggang bongga.

Naglalakad kami, parang antagal ng bawat hakbang naming dalawa... pati yung pagpatak ng ulan, nakikita kong bumagsak sa lupa... pati pagtibok ng puso ko, nabibilang ko bawat tibok ng puso ko...

Siguro hindi mo ito alam Travis, pero ganito palagi, ganito palagi ang nararamdaman ko kapag malapit ako sa'yo.

Pero close naman tayo diba? Super close. Parang magkapatid na nga tayo eh. Sabi ng mama mo.

Pero ayoko ng ganun.

Magkapatid? Hehe. Ngumingiti na lang ako kapag naririnig ko yun.

"Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na." sabi ni Travis.

"Ha? A-anong sibasabi mo diyan? Kausap mo ba sarili mo?"

"Hindi, pero alam kong may tinatago ka sa akin."

"Wala."

"Bestfriend, kakaiba ka ngayon, alam kong may hindi ka sinasabi sa akin."

"Hehe."

"Ano yun? Bakit ka tumatawa?"

"Wala naman. Kilalang kilala mo na ako, nahuli mo ako dun ah. Good Job bachu!"

"Huwag mong ibahin yung usapan." Tsk. Bakit ganito yung tono ng boses niya?

"Ano ka ba, wala 'to." sabi ko.

"Ilang beses mo na sinasabing wala, pero ganun pa din tanung ko."

"Wala. Wala talaga."

Tumigil siya maglakad. Siyempre tumigil din ako, siya kaya may hawak ng payong!

"Sakay na." sabi niya.

"Huh?"

Hindi ko namalayan, nandito na ako sa sakayan ng bus. Tumingin ako sa kanya, nakangiti siya sa akin.

"Okay lang kung hindi mo pa masabi ngayon. Everybody needs space right? Kahit na bestfriend pa kita, ayoko naman pilitin ka kung ayaw mo."

"Travis..." yung ngiti niya halatang nag-aalala siya, pero hindi pa tamang oras para sabihin ko 'to.

"If you feel like sharing it to me sometime, huwag ka mahiya. We made a promise right?"

Promise?! Ah yeah. Our pinky promise. We promised that... 

We must never fall in love with each other...

JOKE! HAHAHAHA. Napansin ko kasi na puro kadramahan na yung mga nababasa niyo kaya naman nagjoke ako. Nakakatawa naman diba? LOL.

Siguro nga mas magaling magjoke si Travis kaysa sa akin. Pero mas may sense naman ako kausap! >_< 

I mean.... hindi ako aso katulad niya diba? Yung bigla na lang mawawala sa sarili tapos kung anu-ano yung pinagsasabi kasi may nakakuha ng atensyon niya. GRABE NOH?!

Eh alam naman natin na ang mga aso...

UMIIHI KAHIT SAAN. HAHAHAHA. XDDDD

Oha oha. Alam niyo siguro ako na din dapat magtuloy ng storyang to eh. Kasi mas magegets niyo yung mga bagay bagay. At makikilala niyo pa ako diba? :D

Akala niyo ba hindi ko kilala si Caloy at Bruno? HAHAHA.

Hindi ko sila friend eh. Mukhang restricted yung account nila. Pero nakkwento ni Travis sa akin yung kawierduhan niya. Hayy nako guys, hindi niyo ba napapansin yun? :P

Kaya nga,

kaya nga...

napakaspecial niya sa akin eh... :))

dahil sa mga katangian niyang yun, he became very dear to me. he's very close to my heart. sa sobrang close, baka masaktan na niya yung puso ko. at dahil doon, i need to keep some distance, kasi, mas masakit kapag mas malapit siya.

masakit kasi kahit gaano ka pa kalapit sa kanya, hindi niya planong pumasok sa puso mo.

Kahit na umiihi kahit saan ang mga aso, pwede naman silang itrain diba?

They are considered as man's bestfriend.

Napakaloyal niya at hindi siya magdadalawang isip pagdating sa akin. Laging siyang nandyan kapag kailangan ko siya.

Kaya nga proud ako eh. Kasi hindi siya si Harry Potter, Edward, Enchong dee (bakla daw, IMO BAKLA TALAGA) o si prince charming.

Kasi siya si Travis. And nothing can replace my bestfriend. :))

"Hoy, walang iwanan ah. Even if we are separated by doubts and secrecy, we will still hold on. Kapag iniwan mo ko. Babatukan kita hanggang sa matauhan ka!"

Oh ayan na yung totoong pinky promise. Ampanget ng pagkakasabi niya pero okay na yan. Hahaha!

"Oh parating na yung bus, kailangan mo pa ng payong?" sabi ni Travis.

"...."

"Oy, pinayungan naman kita ah? Huwag mo sabihing may payong ka pala?"

"Hehe."

Niyakap ko siya.

"Aray!" sabi ko. binatukan niya ako!

"Bakit mo kasi ako niyakap bigla? Alam mo naman yung gagawin ko eh." sabi niya.

"Hmpft. Minsan na nga lang tayo magkita eh!"

"Che. Andyan na yung bus! Sakay na!"

"Haha. Chill lang bachu, sasakay na ako."

"Hay, sige ingat ka ah."

"Opo, lolo."

tapos bigla akong lumapit sa kanya,

:DD

"ALICE?! Lumapit ka nga dito!" sabi niya. hahaha! hinalikan ko siya sa pisngi. :P

"Huwag..." tapos lumayo ako sa kanya.

"H-ha? Anong huwag?"

"Huwag mo kong iiwan ah?"

.

.

.

then pumasok na ako sa bus.

"T-teka lang!"

Umandar na yung bus. Siyempre hindi naman magbubuwis ng buhay si Travis para habulin yung bus. Kaya naman wala na siyang nagawa at tumayo habang pinagmamasdan yung bus paalis..

***********************

Tsk.. Hahaha. Ingat ka Alice.

Natatakot ka siguro na baka iwan kita kapag naging kami na ni Lucy.

Bruno: GRABE NAMAN CONFIDENCE YA OH. YAN ANG PANGET SA'YO ASSUMING HAHAHA! Sarap mangarap noh?

Travis: Panira ka ng moment eh! Oh ano nanaman kailngan mo?

Bruno: Hindi ko alam. Yabang mo kase eh. Nagaassume ka na agad. Don't expect too much.

Travis: Alam ko yun. teka bakit ganito na yung format ng conversation naten?

Bruno: Hindi naman kita kachat. Nakaunlicall kasi ako kaya tinawagan na lang kita.

Travis: At kailan ka pa nagkaroon ng load? Kuripot mo eh!

Bruno: Blah blah blah. Hoy, hindi mo ba nararamdaman?

Travis: Na ano?

Bruno: Malelate ka na. Hahaha!

HA? ANO? WHAT DA FUDGE?

Dinilat ko mata ko. Hinanap cellphone ko at, boom!

Tae, napasarap ata yung tulog ko ah. Uggghhh...

(sa mga hindi nakakasunod, iniskip ko na ulet yung pag-uwi ko at pagkain ko ng dinner at pagfacebook. kasi normal lang yun na ginagawa ng tao. nothing special. tska hindi naman ako natae kagabi.)

May oras pa naman para kumain at maligo. Kaya naman binilisan ko na lahat. Hindi na ako naglagay ng clay sa buhok ko kasi 10 - 20 min ako kung magayos tapos magugulo lang kapag nasa tricycle na ako. Sayang effort noh!

tapos may tumawag,

sa cellphone syempre.

"Hello?" I said.

"Wala daw pasok ngayon?" sabi ni Bruce.

"Malay."

"Hindi ka ba nakakaramdam? Lakas ng ulan oh?!"

"Hmm.. Oo nga no. Ano naman?"

"Tingin tingin din sa website at sa tv, kapag ganitong pagkakataon dapat alam mo gagawin mo!"

"Oo na boss, kaya nga ako nagising ng late kasi alam kong wala naman pasok." 

"Nakngteteng?! Nakapagyabang ka pa? Osige na."

"Sige sige. Salamat sa info."

OOOOHHHHH YYYYYYYYYYEEEEAAAAHHHHHHHHHHH!!!

Alam mo yun, 

nalate ka na ng gising,

tapos saktong walang pasok?

HAHA. PLANADO ANG LAHAT. :DDDDDD

Okay.... animeing to the max!!!!!

(animeing.. wala lang yan. gawa gawa ko lang. korni no? pero wala na ako maisip this moment kaya kung may maissuggest kayo comment lang!)

Siyempre, adik ako sa mga anime. Siguro kahit hindi kayo nanunuod nun or wala  kayong interes, alam niyo naman kahit isa dito:

Naruto
Bleach
Death Note
Hitman Reborn
One Piece
Maid-sama
Code Geass
High School of the Dead (R-13 LOL) 
Fairy Tail
Eyeshield 21
Tora Dora
Melancholy of haruhi suzumiya
Full Metal Alchemist brotherhood

and many many more!!! :DD

yung iba dyan natapos ko na, yung iba kasi ongoing pa. yung iba naman hinahabol ko pa kasi kakasimula ko pa lang. hahaha.

nakakatuwa yung salita nila eh --NANDATO?. oh and one more thing..

hindi ako nanunuod ng english dubbed. kase wala lang, haha. mas maganda pakinggan yung totoo nilang boses tska kung paano sila magsalita. hapon eh. LOL.

so, eto lang yung gagawin ko for this day, dire-diretsong panunuod ng anime. tatae pa din naman ako kapag kailangan na.

WOOOOHOOOOOO!!

"Kuuuyyyaaaa! Buksan mo yung pinto!" sh*t. I know that voice.

binuksan ko na yung pinto and....

"Wala ka din pasok kuya? Pinauwi kami wala daw pasok." sabi ng kapatid ko.

MY PLANS..... NOOOOOOOOOO!!!

>,<

Continue lendo

Você também vai gostar

16.9K 937 27
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
WHAT LOVE IS De YamYamKim

Ficção Adolescente

24.7M 558K 156
This is not a love story. This is a story about LOVE.
2.8M 53.5K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
15.1K 319 6
My first story Nerd Mahirap Bobo Tanga Yun yung akala nila saakin pero nag kakamali sila dahil di pa nila ako kilala.... Msm Malalaman mo ang sagot...