The Conjuring (LABIstori)

By kissmyredlips

76K 2.8K 1.5K

Istorya kung saan 4 out of 10 people ang paniguradong hindi makakagets ng ending. One shot. LABIstori. More

The Conjuring (LABIstori)

76K 2.8K 1.5K
By kissmyredlips

The Conjuring, a LABIstori
Istorya kung saan 4 out of 10 people ang paniguradong hindi makakagets ng ending. 

Popcorn. Check.

Unan. Check.

Kumot. Check.

Boses. Check.

The Conjuring movie copy with 720p DVDrip High Definition na hiningi ‘ko mula sa certified pirata ‘kong blockmate. Check!

Bakit nga ulit ako manonood ng nakakatakot na palabas na ‘to eh ako nga ‘tong ayaw na ayaw manood ng kahit anong horror films? Ahhh. Oo nga pala. Nakipagpustahan ako sa siraulo kong bestfriend. Yung gago kasing yun, kantyawan daw ba akong iiyak kung mapapanood ko yung The Conjuring? Syempre, papayag ba ako ng minamaliit nalang ako ng ganon? Hindi naman pwede yata yon. Ayaw ko sa lahat, nasisira ang pinagkakaingatan ‘kong dangal at dignidad.

Papatunayan ko sakanya na hindi ako iiyak pagkatapos nung The Conjuring na yon. If I know, hindi naman talaga siya nakakatakot. Sadyang O.A lang talaga yung mga tao ngayon. Nakikiuso lang, masabing natatakot lang sila para in sila. Sarap bangasan ng mga mukha.

Ano bang nakakatakot dun? Pati yung manika, inirereklamo nila eh hindi naman mukhang nakakatakot! Ang cute nga nung itsura niya sa trailer eh!

Biglang may kumatok sa pintuan ng apartment ko. “Ay kalabaw!” napahawak ako sa dibdib ko at parang biglang lumabas ang init sa katawan ko dahil sa sobrang gulat.

Pero hindi talaga ako takot! Nagulat lang ako!

“Hoy. Dap-ne! Buksan mo yung pinto!” sigaw nung nasa labas with matching kalampag ng pinto. Ayan na ang spawn of the devil.

Tumayo ako sa sofa at lumakad papalapit sa nagigibang pinto. Binuksan ko ito ng padabog at sinalubong ng suntok sa dibdib yung Gago.

“Ayos ka ah! Makakalampag parang kanya yung pinto!”

“Ang tagal mo mag bukas! Wag mo sabihing nagno-nobena ka kanina?”

“Tigilan mo ko Juding.” imbis na mapikon sa pag tawag ko sa tunay na pangalan niya, tinawanan lang ako nito sabay pisil sa ilong ko. 

“Bilis mapikon ng best pren ko ah. Kabado?” tinapik ko yung kamay niya, napalakas ata yung tapik kasi napaaray ang loko.

“Eh kung sapakin ko kaya yung mukha mo Jude? Nang makita natin kung sino kabado sa ating dalawa?” ginulo naman niya ngayon ang buhok ko. 

“Ano ba!” inaalis ko yung kamay niya pero patuloy parin siya sa pag gulo dito.

“Eto naman si Dap, masyado kang hot. Chill ka lang. O eto ice cream, buhos mo sa ulo mo para lumamig.” idinukdok naman ni loko yung gallon ng rocky road ice cream sa mukha ko. Imbis na mainis, napangiti pa ako. Syempre! Ice cream yan o! Ni-request ko kasi sakanya na mag dala siya, sabi niya hindi siya magdadala pero ayan. Hindi naman kasi ako natitiis ni Jude. 

“Lawak ng ngiti. Tara na, umpisahan na natin. Gusto na kitang makitang manginig at maihi sa takot.”

“Huh. As if.” inirapan ko si Jude. Nilapag ko yung ice cream sa glass table na nasa harapan  lang naming dalawa. Bago umupo, kumuha muna ako ng isang kutsara mula sa kusina. Hindi naman na kasi kailangan ng tasa, okay na yung gallon. At useless rin ang isa pang kutsara, hindi rin naman kasi ginagamit ni Jude. Kung ano kasi yung sinusubo kong kutsara, sinusubo din niya. Parang gago ‘no? Malakas lang talaga mang-asar yung loko.

Nakaupo na si Jude nang makabalik ako sa sala. Nakataas na ang paa sa glass table at nakabalot narin ang kumot sakanya. Grabe, napapailing nalang ako sa isang ‘to. Makapal talaga mukha. Kinakain pa yung popcorn na ako ang nag handa, partida hindi pa ako nakakain ‘nun ha! Nakakahiya naman sakanya.

Tumingin sakin si Jude at tinaasan ako ng kilay. Binato ako nito ng ilang piraso ng popcorn at napaangil naman ako sakanya. “Bakit ka nambabato?!”

“Tatayo ka lang ba jan? Tara na dito sa tabi ko! Bili!” sabi nito at hindi ko maiwasan ang mag make face. Ibang klase talaga ‘tong isang ‘to. Sarap itapon sa ilog. Bakit ko nga ba pinagtitiisan itong best friend ‘ko na ‘to? Ah, oo nga pala. Kasi mahal ko siya. Di lang yun! In love pa ako sakanya. Grabe ‘no? Isa nanamang best friend cliché.  Kaumay.

Lumapit naman ako tulad ng utos nito, pero hindi ako agad umupo. Kahit na best friend ko yan since elementary, hindi ko parin maiwasan ang mailang ‘no. Syempre, pag mahal mo yung tao kahit na sabihin mong sobrang lalim ng pinagsamahan mo, hindi mo maiiwasan na mahiya sakanya. Minsan nga nagpapanggap nalang ako na okay lang sakin na maging best friend niya kahit ang totoo, gusto ko maging boyfriend siya.

“O? Anong tinatayo mo jan Dap? Upo na sabi!” hinatak ako ni Jude sa tabi niya. As in super gitgit sa tabi niya! At matapos ay inilagay ang kumot sa legs ko, share kaming dalawa. Kinuha ko yung unan sa tabi ko at matapos ay inilagay iyon sa kandungan ko para may mayakap ako mamaya.

“Ay, patayin mo muna pala yung ilaw.” inagaw bigla ni Jude yung unan ko at napauwang namana ng labi ko.

“Eh bakit hindi nalang ikaw?”

“Wala ka bang moral codes? Bisita mo ako at kumakain ako. Wag kang pampam.” inagaw ko sakanya yung unan na kandong-kandong ko kanina at matapos ay malakas na inihampas sa mukha niya ito. “Aray ha!”

“Makautos ka, butasin ko mukha mo e.” 

“Susundin mo rin naman, ang rami mo pang satsat.” sagot nito sakin at nag make face ako. Katulad ng sinabi niya, sinunod ko rin naman siya. Mabilis ‘kong piñata ang ilaw at bumalik sa sofa para pumwesto sa tabi niya.

Pinlay na ni Jude ang movie. Niyakap ko yung unan ko at kumportableng sumandal sa sofa while leaning against Jude’s arm. 

“Paabot ng ice cream, juds.” hindi umimik si Jude nung inabot niya sa akin yung isang gallon ng ice cream. Binuksan ko ito at matapos ay nag-umpisang kumain.

Kanina pa ako napapasigaw dito at napapasubsob sa braso ni Jude. Nakakainis! Bakit ba ako pumayag na manuod nitong movie na ‘to? Gusto ko ng maiyak sa takot! Kasi naman! Bakit ganon? Tapos si Jude, NR naman. Walang reaction kahit simpleng gulat, wala! Nada! Zero! Waley! 

Nag-aayos ng damit yung Nanay nung mga bata when she heard a clap. Well fck. Ayan nanaman yung hide and clap na yan. Ayaw ko na pumalakpak. Ever. Pinatay niya yung radio niya at obvious na obvious na titingnan niya kung galing sa mga anak niya yung nag lalaro.

“Putaena, wag mo na tingnan! Bwisit! Alam ng nakakatakot, titingnan pa!” nanggagalaiti kong sabi. 

Sumiksik ako lalo sa braso ni Jude at matapos ang ilang minute, napatili ako sa napakalakas na sound effects mula sa speaker na nakakabit sa flat screen na TV ko. Nagsibagsakan kasi yung mga picture frames nila.

“Shet! Shet! Wag mo na tingnan!” nagsimula nanaman yung sound effects na may pa-mysterious effect. Napakagat ako kay Jude, at sa wakas, nagkaroon narin siya ng reaction.

“Ahh! Pota, ang sakit nun Daphney!”

“Patayin mo na yung TV! Natatakot na ako! Ayaw ko na!”

“Sira ka ba? Wala pa nga sa climax!”

“Ayaw ko na! Ayaw ko na! Patayin mo na!” Naluluha kong sabi dito at bumuntong hininga si Jude. Hinawakan niya ang mukha ko at pinahiran ang luha na hindi ko akalain na tumutulo na pala mula sa mata ko.

“Wag ka nga umiyak.”

“Ayaw ko na. Ikaw kasi! Pinilit mo ako panuorin yan eh ayaw ko nga!” pag ngawa ko dito. Patuloy parin ako sa pag iyak at patuloy rin siya sa pag punas ng luha mula sa pisngi ko gamit ang hinlalaki niya.

“Eh bakit kasi nagtatapang-tapangan ka?”

“Eh kasi inaasar mo ako! Ang bad-bad mo! Di na kita best friend! Galit na tayo kala mo! Galit na tayo!” tapos biglang may nakakagulat na sound effects nanaman kaya napatili nanaman ako. Bebwelo pa sana ako sa pag iyak pero biglang may naramdaman ako na malambot na bagay na nakalapat sa labi ko.

Napaaurong ang luha ko at nandilat ang mga mata ko. 

Hi-

Hina-

Hin-

Hi-

Hinal-

Hinalik-

Hinalikan a-

Hinalikan ako?

Biglang tumahimik ang buong paligid. Nawala yung nakakatakot na sound effects, tumigil ang pag tulo ng luha ko at tanging pag tibok ng puso ko lang ang naririnig ko.

Totoo ba ‘to?

Nagsimulang gumalaw ang labi ni Jude at matapos ng ilang Segundo ay ibinalik ko na ang bawat halik niya. Bigla kong nalimutan ang dahilan kung bakit ako umiyak. Nakalimutan ko narin na umiyak pala ako.

Biglang itinigil ni Jude ang paghalik sakin at tinitigan ako ng maigi sa mukha.

“Natatakot ka pa?” dinilaan ko ang labi ko, tasting the sweetness and a little bit of cheese flavor of his mouth on mine.

“H-hindi na.” I cleared my throat and nervously tugged my hair behind my ears.

Ngumiti si Jude at matapos ay inilayo na ang mukha niya sa mukha ko. Ibinalik na niya ang atensyon sa pinapanuod niya at ganoon rin naman ako. Ang kaso, hindi ako makapag concentrate.

Iniisip ko parin yung kiss. Shet, hinalikan ako ni Jude.

Bakit niya ako hinalikan?

Bakit gusto ko ng isa pa?

Shet talaga. Mababaliw na ako dito. Para ako pinagpapawisan.

Nagsisimula nanaman ang nakakatakot na sound effects. Yung suspense na sound. Hindi ko na alam ang nangyayari dahil distracted parin ako hanggang ngayon. Effective siya, infairness. Hindi ka nga lang makakapag-focus pagkatapos nun.

“Dap,” tinawag bigla ni Jude ang pangalan ko kaya napatingin naman ako agad.

“Ano?” ngumiti siya sa akin.

“Natatakot ako.”

Continue Reading

You'll Also Like

64.9K 3.3K 25
Porcia Era Hart x Chrisen
126K 5.9K 39
A series of short stories about 'soulmates'
201K 7.2K 35
Sometimes, endings happen first. You have been warned.
2.5M 87.4K 39
(U Series #1) Para kay Chino Alejandro, the best thing about life is its simplicity. Panatag ang loob niyang nakakakain ang pamilya nila tatlong be...