My Naughty Bratinella (Comple...

By twinklingberyl

151K 2.5K 151

KONTRABIDA? Okay Fine at least may bida pa rin. GORGEOUS? Oh well, hindi naman maikakaila, right? MAYAMAN? i... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
For Special Chapter
Special Chapter
Author's Note

Chapter 26

2.8K 53 0
By twinklingberyl

Amethyst's POV

"Aren't you tired of this?" she asked and I heard her sigh habang nakatakip sa mukha niya yung menu board at mata lang ang nakalabas. Nandito kasi kami sa isang exclusive restaurant ngayon kung saan nasa di kalayuang table lang sila Jace at Aileen. Pareho silang naka-cap at naka-hoodie pa kaya talagang medyo tago yung mukha nila pero masyadong risky pa rin yung ginagawa nila, tss.

"Wala pa nga tayong ginagawa, pagod ka na?" tanong ko sa kanya. Napaka-reklamador talaga nitong babaeng 'to.

"Gosh, Cloud! Oo nga, wala pa tayong ginagawa pero isang oras na tayong nakatunganga dito!"

"Hinaan mo nga yang boses mo, atsaka wag kang excited!"

"Hindi ako excited or what, ang tagal mo kasing kumilos. Look at them, patapos na silang kumain wala ka pa ring ginagawa." then she rolled her eyes.

Talagang dineny niya pang excited siya, "Tss. Fine, basta alam mo na ang gagawin mo kung gusto mong magka-moment ulit kayo ni Jace." I said.

"Kanina pa po ako ready!" parang kinikilig pa na sabi niya. See? Excited lang yan e. Tss.

Napailing na lang ako sa kanya atsaka bumaling sa isang waitress, "Ah, Miss!" I raised my hand as I call her.

Nakangiti namang lumapit sa amin ang waitress, "Yes, sir? May order pa po ba kayo?" she asked.

"Ah, wala naman pero may itatanong sana ako."

"Ano po yun sir?"

"Idol mo ba si Jace Clarkson?" nakatitig kong tanong sa kanya habang ipinagdadasal kong sana um-oo siya.

Napangiti naman ako ng mapansin kong nag-blush siya, "Actually sir... hindi ko lang siya idol, mahal ko po siya. OMG!" kilig na kilig na sabi pa niya. Tss. Ganito ba talaga kabaliw kay Jace 'tong mga 'to?

"Pigilan mo 'ko, sasabunutan ko yan." Amethyst whispered.

Hinawakan ko ang kamay niya sa ilalim ng mesa, "Kalma." I mouthed at nagtaka naman ako ng bigla siyang nag-iwas ng tingin at mabilis na binawi ang kamay niya.

"Bakit niyo nga pala natanong sir?" the waitress asked kaya ibinalik ko ang atensiyon ko sa kanya.

"What will you do if he's here? I mean, dito mismo sa loob ng restaurant na 'to."

"Ay naku sir, papa-picture po ako siyempre tapos iha-hug ko po siya! Bahala ng mapagalitan ako ng manager ko, ang mahalaga po may picture kami, yay!" parang kumislap pa ang mga mata niya habang yakap yakap ang tray ng sabihin niya iyon.

Napapailing na lang ako. Ganito ba talaga kabaliw ang mga fangirl? Eh tao lang din naman yung mga iniidolo ah, anong iba dun? Tss.

"Well... I think he's here." naka-evil smile pa na sabi ko sa waitress at literal na nanlaki ang mga mata niya.

"P-po? S-saan?" bigla siyang nagpanic at nagpalinga-linga na sa paligid.

"There. Yung naka-hood sa banda roon. Feeling ko si Jace Clarkson yun at si Aileen Samonte." painosenteng sabi ko sa kanya habang tinuturo yung table nila Jace.

"OMG Jaceleen! Kelangan ko talaga makapagpa-picture." she said in panic at halos patakbo na pumunta sa table nila Jace.

Nagngitian kami ni Amethyst—yung mga ngiting pangkontra bida at hinihintay namin kung ano ang mga susunod na mangyayari.

"J-JACE CLARKSON?! OMG, IKAW NGA JACE! PA-PICTURE!" rinig naming sigaw ng waitress na kinausap ko nung matapat siya sa table nila Jace at talagang tinitigan ng maigi si Jace, "AILEEN SAMONTE! GOSH, FAN MO RIN AKO! SOLID JACELEEN AKO!" sigaw pa niya ng mailipat kay Aileen ang atensiyon niya.

Mabilis na nagsilapitan yung mga tao sa table nila Jace at akmang tatayo na sila ni Aileen para umalis at takas an yung mga fans pero sa isang iglap—heto at halos mapuno na rin yung restaurant dahil ang dami ring nagsipasok para makita sila.

"Mauna na 'ko, ire-ready ko pa yung sasakyan." Amethyst whispered kaya naman tinanguan ko siya atsaka siya tumakbo palabas ng restaurant.

"I'll be your knight in shining armor today,Aileen." napa-smirk ako as I whispered it to myself.

May mga nagsidatingan ng mga guwardiya para ma-control yung mga tao pero nahirapan pa rin sila. Sumiksik ako sa mga nagkakagulong mga fans at kung sinu-sino na yung pinagtutulak ko makalapit lang ako sa kinaroroonan ni Aileen. Mabilis kong hinawakan ang kamay niya ng makalapit ako sa kanya kaya napatingin siya sa akin at halatang nagulat pa siya.

"C-Cloud..." she uttered.

"Let's go." I said na medyo hinihingal pa at hinatak ko na siya palayo doon sa mga nagkakagulong fans. Itinakip ko ulit sa kanya yung hoodie ai isinubsob ko yung ulo niya sa dibdib ko atsaka ko siya maingat na inalis doon sa lugar nay un ng mabilis.

May ilang nakapansin sa ginawa kong patakas kay Aileen kaya may mga ilang fans ang humabol sa amin pero sabay kaming tumatakbo ngayon ng magkahawak ang mga kamay.

*******

Amethyst's POV

Buti na lang at pagkalabas ko ng restaurant ay malapit na lang ang exit ng mall na diretso sa car park kaya pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ay hinanap ko na yung kotse ni Cloud at mabilis na sumakay doon. Oo, kotse ni Cloud ang gamit ko ngayon since binawi sa akin ni Dad yun car ko, remember? At ang gamit ni Cloud ngayon ay yung hiniram niyang kotse naman ni Carl. Sorry na, mga rich kid e. Ngayon lang naman 'to for the sake of our plan.

Mabilis kong pinaandar yung kotse at itinapat iyon sa exit na nilabasan ko kanina. Ito yung pinakamalapit na exit ng mall na katabi lang ng restaurant kanina kaya sigurado akong dito lalabas si Jace.

After a few minutes of waiting, di nga ko nagkamali dahil nakikita ko na si Jace na tumatakbo papuntang exit na hinahabol pa rin ng mga fans. Inabot ko agad yung pinto sa may shotgun seat para buksan at sakto ang pagbukas nun dahil natapat agad kay Jace pagka-exit niya.

"Jace! Get in the car!" I shouted.

"Amethyst?" hinihingal pa na tanong niya at bakas pa sa mukha niya ang pagkagulat ng makita ako.

"Make it fast, malapit na sila!" I said referring to his fans. Lumingon siya sandal sa likod niya atsaka siya sumakay sa kotse at sakto pagsara niya ng pinto ay nakalapit na yung mga fans na panay ang katok dun sa may glass window kaya pinaandar ko na yung sasakyan at umalis na doon.

We both took a deep sighed ng tuluyan na kaming makalayo sa mga nagwawalang fans.

"Muntik na 'ko dun ah." he whispered at ramdam kong nakatingin siya sa akin, "By the way, how did you get there?" tanong niya kaya saglit ko siyang sinulyapan at mabilis ko rin ibinalik ang tingin ko sa dina-drive ko.

"Coincidence?" I answered.

"Cool. Talagang sakto yung dating mo. You saved me and I owe you... a lot."

"Buti na nga lang at napansin kita. Nung una aalis na dapat ako but then I saw you, kinukuyog ka ng mga fans mo." I lied then nag-fake laugh pa 'ko para mas makatotohanan. Ugh, I'm not good in lying, sana lang di ako halata.

"Uh, yeah. Unfortunately may nakapansin sa disguise namin ni Aileen—ah, shit! Si Aileen!" he said in panic na agad nilabas ang cellphone niya and dialed Aileen's number , "Hey, where are –what? Pa'no kayo naging magkasama? Eh, kanina lang nasa tabi kita?...Oww, good thing you're okay. Sorry kung di ko napansin na nawala ka sa tabi 'ko...Okay,bye." he said before he ended the call. Napaismid na lang ako while driving, he's really worried huh?

"Uhm, h-hatid na ba kita sa inyo?" tanong ko sa kanya. Hanep diba? Ako na nagtatanong niyan, tss.

"Since niligtas mo 'ko sa mga fans ko, may naisip akong pambawi kaya hindi muna ako—I mean, tayo uuwi."

"Sus, mag-aabala ka pa. Okay lang no, kahit naman sino siguro ang makakita sayong kinukuyog ka ng mga wild mong fans, gagawin din nila kung ano ang ginawa ko." I answered but it's all a lie. Deep inside of me is praying n asana pilitin niya 'ko. Ofcourse, pakipot muna kunwari para naman hindi mukhang easy to get—'yan ang Cloud's advice 101. Tss.

"Just for today, Amethyst...please? Gusto lang naman kitang m-makasama...makausap, ganun."parang nahihiya pa na sabi niya kya napangiti ako. Feeling ko pulang pula na yung mukha ko dahil sa sinabi niya. Lakas magpakilig ni Jace, kainis! Kaya di na 'ko magtataka kung bakit ang daming nababaliw sa kanya kahit sa isang simpleng ngiti pa lang niya. At siyempre, sino ba naman ako para tumanggi? Isang sikat at tinitiliang Jace Clarkson sasabihan kang gusto ka niyang makasama?

"Sige na nga." kunwari, napilitan hihi. I bit my lower lip to prevent myself from smiling saka para di rin niya mahalatang kinikilig ako.

After a while, I'm a little bit disappointed when we stopped in a convenient store. Don't tell me dito kami magde-date? Hays. Okay na 'to as long as magkasama kami, yun naman yung importante dun.

"Just stay here, may bibilihin lang ako sa loob. Atsaka, ako na ang magda-drive later okay?" he said smiling habang isinusuot ang pang-disguise niya.

Okay. Hindi pala kami dito magmo-moment. OMG, saan kaya kami pupunta?

Kakalipat ko lang sa may shotgun seat ng bumukas ang pinto sa may back seat at inilagay ni Jace lahat ng pinamili niya dun. Shocks, picnic date ba ang gagawin namin? Para kasing inubos niya yung paninda sa loob.

"Sorry, medyo natagalan." he mumbled when he got inside the car at mabilis na pinaandar ito.

"Ba't parang ang dami mo atang pinamili?" medyo natatawang tanong ko sa kanya.

"We'll be having a picnic date under the stars. Sorry kung ganung klaseng date muna yung maibibigay ko sayo sa ngayon since—"

"No, Jace. I understand your situation. Actually... it's a great idea." I smiled at him and he smiled back when he took a single glance on me.

Hininto niya ang sasakyan sa may gilid ng highway. Nagtaka pa 'ko nung una kung bakit sa gilid pa ng highway pero na-realize kong delikado nga pala para sa kanya kung sa park kami. Sabay kaming bumaba ng kotse after niyang maisuot yung color gray niyang hoody jacket at kinuha namin yung mga pinamili niya sa backseat saka kami umupo sa may hood ng kotse sa may unahan. It's just simple but a romantic date with him.

"Here." he uttered sabay abot sa akin nung binuksan na niyang in can na soft drink.

"Thanks." I said then I looked at my phone. Bakit kaya di nagtetext yung unggoy na ulap? Maybe he's currently enjoying Aileen's company. Should I text him or not? Baka kasi magalit siya pag kumilos ako without telling him. Buwiset yun ah, ni tuldok di man lang nagtetext.

"Are you okay?" biglang tanong ni Jace that's why I came back to my senses and keep my phone back at my purse.

"Uh, yeah."

"By the way... this car is kinda familiar. Parang—"

"This is Cloud's car." mabilis na sagot ko sa kanya. "He let me borrow this since binawi ni Dad yung akin. Baka naawa, hehe." I added sabay inom ko nung soft drink.

"Talagang napaka-importante mo siguro kay Cloud at...talagang close siguro kayo. Sa aming apat kasi na magkakaibigan si Cloud ang pinakamaarte at pinakamaingat sa sasakyan. He doesn't let anyone get inside his car without his permission. Kulang na nga lang pakasalan na niya yung mga sasakyan niya, pfft."

"Tss. May toyo lang talaga sa utak yung unggoy na yun. Ano kaya kung gasgasan ko 'tong kotse niya? O kaya ibangga ko sa puno? Siguro uusok ilong nun sag alit, pfft." I said laughing. Natigil naman ako ng bigla siyang sumeryoso.

"Masaya ka ba kapag kasama mo siya?" out of nowhere na tanong niya kaya natigilan ako at napatitig sa kanya.

What does he mean by that? Kapag kasama ko si Cloud? Ayun, sigawan kami ng sigawan, lagi kaming galit sa isa't isa, lagi niya ko sinasabihang maarte, baliw, mongoloid, maldita, tapos siya pa lagi yung nasusunod. Tss. Yung unggoy na ulap na yun—

"I guess it's a yes." aniya na nakapagpabalik sa akin sa katinuan.

"Huh?"

"You're happy everytime you're with him...based on the way you smile after I asked you." pilit siyang ngumiti habang nakatitig pa rin sa akin, "Eh ako ba? Masaya k aba kapag ako ang kasama mo?" he asked again.

"O-of course, Jace! You're my ultimate crush and my super duper idol kaya—Oh my gosh!" napatakip ako sa bibig ko pagkatapos kong sabihin yun ng walang preno. Damn, lumalabas na naman ang pagka-fangirl ko.

Napansin ko namang umaliwalas ang gwapong mukha niya at bahagya pa siyang natawa, "So... I am your ultimate crush? Is there any possibility na mauwi yun sa like...or love?"

"H-huh?"

"Nung araw na in-annnounce sa public yung relationship namin ni Aileen, I called you that time and you were crying. I don't really know what to do that time, mababaliw na 'ko nun dahil sa mga sinabi mo."

Bigla naman akong napaisip at pilit kong inalala yung araw na yun, "Ah! Oo, nung time na yun pinapanood ko kasi yung favorite movie ko, di ko naman alam na ikaw pala yung tumawag. Sakto kasi yung pagtawag mo dun sa favorite part ko dun sa movie." I explained.

"Ah, yun pala yun." biglang lumungkot yung aura niya, "I thought—"

"What?"

He just gave me a weak smile and patted my head, "Wala, just never mind." saka siya muling tumingin sa langit, "Ang gaganda ng stars."

"Oo nga." nakangiting sagot ko na nakatingala din sa langit pero muli kong ibinalik ang atensiyon ko sa kanya ng makita ko sa side vision kong nakatitig siya sa akin.

"Amethyst... pano pag nalaman mong hindi totoo ang relasyon namin ni Aileen at ginawa lang namin yun for the sake of our career? A-anong gagawin mo? I mean, anong mararamdaman mo?" biglang tanong niya and he's now looking at me straight in the eyes.

"Uhm...s-siguro masaya? Kasi single yung idol ko? Diba ganun naman talaga kapag fangirl?"

"Pa'ano pag hindi feeling ng isang fangirl? What if we really know each other at close talaga tayo? Will you still feel the same?"

"J-Jace..."

"And what if I tell you, I like you?"

Literal na nanlaki ang mata ko at napalunok ako sa tanong niyang iyon. Feeling ko, the world has stopped and I can't utter even a single word.

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming magkatitigan. Hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niyang yun.

"Can I tell you a secret?" basag niya sa katahimikan with his eyes still on me. And since I'm still speechless, I just nodded my head. "Hindi totoo ang relasyon namin ni Aileen."

"W-what?! Seriously?" di makapaniwalang tanong ko sa kanya and he just nodded. Akala ko nung una, trip lang niyang itanong yung mga bagay na yun but then, totoo pala. So, they're just doing it for their publicity? "Bakit? I mean, bakit kailangan niyo pang mag-pretend, eh kayo naman yung pinakasikat ngayon ah? No need na for publicity."

"It's because..." para pa siyang nag-alinlangan kung sasabihin ba niya sa akin ang dahilan o hindi. So, hindi lang din pala for publicity ang dahilan?

"It's because, what?"

He took a deep sighed at stared at me, "Nalaman nilang balak kitang ligawan. It's because...I like you Amethyst. Mahal na nga ata kita e." serysong sabi niya kaya for the nth time ay muli na naman akong natigilan at napatitig sa kanya.

Wait, di pa nagsi-sink in e.

I slapped my face. Not once but twice.

I came back to my senses ng pitikin niya ko sa noo, "You're in reality, Amethyst. Nabigla ba kita?" he muttered smiling.

Ang saya ko! Oo, ang saya ko. Pero bakit ganun? Bakit parang may mali sa pakiramdam ko? Bakit di ko alam ang sasabihin ko? Gusto ako ni Jace Clarkson, gusto ako ng idol ko! I should be the happiest in the entire world pero kasi—

"C-Cloud..." I whispered ng makita ko ang pangalang iyon na rumehistro ng mag-ring ang cellphone ko.

"Answer it." Jace said.

"Excuse me." sabi ko sa kanya bago ako tumalikod at sinagot yung tawag. Oh gosh, thank you for saving me in this awkward situation, "Hello Clo—"

{Nasan ka na ba? Hoy babae, gabi na. Anong oras mo balak umuwi? Mamaya mapano ka pa 'yang sasakyan ko sayo. Kasama mo pa rin ba si Jace? Magpaalam ka na sa kanya, NGAYON NA. You should be at home by 8pm exactly.}

Kita mo 'to, daig pa si Mommy kung tumalak! At talagang mas nag-aalala pa siya sa kotse niya kesa sa akin? Tss.

"Pero Cloud—"

{Hihintayin kita sa labas ng unit mo. Bye.} then he ended the call.

"Aish, kainis." I whispered irritated, grabe talaga yung ulap na yun. 

"You need to go home?" tanong ni Jace. Ang galing, balik natural lang na para bang wala siyang inamin sa akin kanina. Sabi ko na e, shino-showbiz lang siguro ako nito. Sinasakyan lang siguro niya yung pagka-fangirl ko."Anyway, I trust you Amethyst so please don't tell to anyone our secret. Kahit kay Cloud." seryoso pang sabi niya.

"P-Promise."

"At yung huli kong sinabi sayo... I really mean it. Walang halong showbiz."

"J-Jace."

Ngumiti lang siya sa akin at sabay kaming napatingin sa isang van na huminto sa kotseng inuupuan namin. Tumayo na si Jace then patted my head again, "Andiyan na yung sundo ko. Careful sa pagda-drive, okay? Liligawan pa kita." he whispered at bahagya pa siyang natawa dahil sa naging reaction ko.

"B-bye, Jace." I said awkwardly and waved my hand as he entered his van.

I heaved a deep sighed pagkaalis ng sasakyan niya. Jusko, ano yun ?Aish, feeling ko pinagpawisan ako sa eksenang yun. Hindi naman siguro ako nananaginip diba?

I looked at my phone. It's already 7:30pm. Dali dali akong sumakay ng kotse at umuwi. Pag na-late ako, for sure uusok na naman ilong ng unggoy na ulap na yun.

*******

"Hoy, ulap!" agad na tawag ko sa kanya ng maabutan ko siyang nakaupo sa may tapat ng pinto ng unit ko.

"Ba't ngayon ka lang? Diba sabi ko sa'yo, you should be here by 8pm? Look what time is it already—"

I cut him off, "Pwede ba wag kang O.A? 8:02 pa lang no. Tss." I said then I rolled my eyes.

"Ay, 8:02 pa lang ba? Sige, pasok na tayo sa loob." nakangiti ng sabi niya, wow mood swing na naman ang loko.

"Anong pasok na tayo sa loob?Anong ginagawa mo dito? Di ka naman at naliligaw ng unit diba?"

"Amethyst naman... we will celebrate the success of our plan today. We will celebrate the happiness!" aniya sabay pakita sa akin ng wine na binili niya. He looks ver happy. I think something good has happened between him and Aileen. Well, sa akin din naman and Jace.

"Tss." I just rolled my eyes at him again instead of saying anything. Kahit naman ayokong nandito siya, magpupumilit pa rin 'yan tapos bawal akong mag-reklamo. Baliw diba? Pinindot ko na lang yung passcode ng unit ko at pumasok na lang since wala rin naman akong magagawa. "Ba't parang sobrang saya mo ngayon?" I asked after kong sumalampak sa sofa. Sa kitchen siya dumiretso para kumuha ng glass and plates para sa celebration daw namin.

"Bawal bang maging masaya? It's just that...after my moment with Aileen, she gave me a hint that we still have the chance to be together again." he stated with a wide smile habang nagsasalin siya ng wine.

"What do you mean chance? Eh diba, sila nga ni Jace? Ano yun, ita-timer niya kayo?" mataray na tanong ko sa kanya. Di ko alam ba't biglang uminit yung dugo ko kay Aileen. Alam ko ng nagpapanggap lang sila ni Jace pero grabe naman kasi itong si Cloud kung umasa. Pero sabagay, hindi ko rin naman alam kung ano yung plano ni Aileen. Alam kong kailangan lang din nilang gawin yun para sa career nila. Bigla ko tuloy naisip lahat ng sinabi ni Jace. Dahil pala sa akin kaya napilitan silang magpanggap sa tao. I never thought na magiging ganito ang impact ko sa isang Jace Clarkson na super idol slash crush ko.

"Basta ang sabi lang niya, may aayusin lang daw siya after their movie. She even told me to say sorry for Jace dahil wala daw kasalanan si Jace. Tss, medyo naguluhan nga ko sa sinabi niya. Feeling ko meron siyang di sinasabi sa akin pero... I didn' bother to asked her. What's more important is...I have the chance—bigtime." tuwang tuwa pang kwento niya sabay inom nung wine na sinalin niya, "Ikaw? Anong nangyari sa moment niyo ni Jace?" he asked.

"Ayun...okay naman. Ofcourse, kinilig ako." I answered. Siyempre, di ko pwedeng ikwento sa kanya yung napag-usapan namin ni Jace.

"Kinilig ka na sa lagay na yan? Ba't parang di naman?"

"Anong gusto mo, tumalon talon pa 'ko? Duh. I'm tired, ang hirap kayang takasan ng mga fans niya." I reasoned out. Di ko rin kasi alam sa sarili ko kung bakit parang neutral lang yung feeling ko ngayon. Aish, kelangan kong maging masaya!

Afterwards.

Naka-two movies na kami ni Cloud na pinanood at tawa lang kami ng tawa the whole time. Magkatabi kami sa sofa habang kumakain ng snacks na binili din niya at siya naman ang umuubos ng wine. Siguro mga dalawang shot lang ako. Nadala na kasi ako e, takot ko lang na malasing ulit. At buti na lang din talaga na hindi ako naglasing because this guy beside me is totally drunk! Ugh, wag niya lang talaga akong susukahan dahil palalayasin ko talaga siya dito. It's eew kaya, kadiri! Disgusting, you know?

"Tama na nga yan. Tss." I said then inagaw ko sa kanya yung baso.

"Tss. Last shot na yan oh, ang kj mo talaga!" para pa siyang timang na ngumiti at pilit na inaagaw sa akin yung baso.

"Anong last shot? Eh, medyo marami rami pa yang natira oh. Stop na, please. Lasing ka na."

"KJ, psh." and now he's acting like a kid. Agad namang nagsalubong ang perfect eyebrows ko ng titigan ako ng mapupungay niyang mata.

"Aish, I know I'm gorgeous so stop staring at me like that." I mumbled saka ako tumayo, "Diyan ka nga, I'm gonna sleep."

Kapal ng face ng taong 'to e. Makikitulog pa dito e may sarili naman siyang unit. Sabagay, ako rin naman ilang beses na natulog sa unit niya. Ah basta, magtiis siya diyan sa sofa, ako sa kwarto. Hindi siya VIP no saka, he's a guy kaya.

"Wait." I heard him whispered at nagulat ako ng bigla niya 'kong hatakin pabalik kaya na-out of balance ako at napakandon ako sa kanya ng wala sa oras. Literal na nanlaki ang mata ko when he cupped my face and still staring at me. The hell, bakit di ako makagalaw?

DUG-DUG.DUG-DUG.DUG-DUG.

But my world has stopped and the only sound I heard is just the loud beats of my heart.

Yes, he kissed me.

Cloud kissed me. And why the hell I can't react?

"I love you...Aileen." he uttered before he fell asleep.


*********

A/N: Medyo mahaba na ito, pambawi hahaha. Di ko kasi alam kung kailan ulit ako makakapag update since nire-revise ko din yung I Heart You, Mr. Sungit~ sana mabasa niyo rin yun guys, hihi. Anyway, belated happy birthday sa nag iisang Queen ng mga KathNiels, Queen Kathryn Bernardo! Yehey! Less teen, more Queen. ♥ Grabe ang sweetness nila ni Protector sa Balesin, selos ako. Kems. Hihihi hart hart! ♥ #KathNielKeepingItReal Excited na rin ako sa bagong book ni Queen, yung #EverydayKath~she's the first young local artist na nagrelease ng book. Ugh, continue on inspiring us KathNiel, more achievements to come! Dami ko sinabi no? Sorry na. :) 


Love ko lahat ng bumabasa ng stories ko! Love you.


~Ate Jeng ♥

Continue Reading

You'll Also Like

86K 3.9K 2
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
1.2M 53.7K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...