EIJI’S POV
Binuksan ko ang pinto papasok sa kwarto
Hihiga sana ako kaso nakita ko yung gitara ko
Kaya kinuha ko yun, saka ako pumunta sa terrace ng kwarto
Umupo ako at tumingin sa langit
Maraming bituin ngayon… Ano na kayang ginagawa niya?
Hays…
Yumuko ako…
Saka ko Inistrum yung gitara at kumanta…
<Hiling by Silent Sanctuary>
Minsan di ko maiwasang isipin ka...
Annie…
Lalo na sa t'wing nag iisa...
Alam mo bang nahihirapan ako ngayon?
Ano na kayang balita sayo...
Asan ka na ba?
Naiisip mo rin kaya ako...
Ano kayang ginagawa mo ngayon?
Simula nang ikaw ay mawala...
Bakit hindi ka nagpaalam nung umalis ka?
Wala nang dahilan para lumuha...
Kung akala mo makakalimutan kita, nagkakamali ka…
Damdamin pilit ko nang tinatago...
Dahil hanggang ngayon hinihintay pa din kita…
Hinahanap ka parin ng aking puso...
Miss na kita…
Parang kulang nga kapag ika'y wala...
Sana nandito ka ngayon…
(Chorus)
At hihiling sa mga bituin...
Bumalik ka na sana…
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin...
Andito lang ako, naghihintay sayo…
Hihiling kahit dumilim...
Handa akong iwan ang lahat…
Ang aking daan na tatahakin...
Patungo sa iyo, patungo sa iyo...
Makasama lang kita…
(Bridge)
Ipipikit ko ang aking mata da-----
“Oo nga… pero ang cute natin dito… para tayong nagdate ^_^”
Napahinto ako…
“Wala namang mali na aminin mong may gusto ka sa kanya e… Ang mali ay yung pilit mong tinatanggi kahit sobrang obvious na”
Bakit bigla kong naiisip ang mga bagay na yun?
Si Azalee? At ako?
Hindi pwede… May kontrata kami…
At isa pa may Annie ako, at may Spencer siya…
Hays…
Tumayo ako para iligpit na yung gitara at makababa na…
Kaso pagharap ko papasok sa kwarto nandoon si Azalee…
Dug dug… Dug dug…
“Ahhhmmm… Kanina ka pa dyan?”
“Medyo… Tatawagin na sana kita para kumain…”
Pumasok na ako sa kwarto at iniligpit yung gitara…
“Tara na kain na tayo…”, aya ko…
***
Habang kumakain… Walang nagsasalita sa amin…
Hindi ako komportable… Ano ba yan!
“Ahhhm…”, bigla siyang nagsalita
“A-ano yun?”
“Magaling ka palang kumanta…”
Sabi na yun ang sasabihin niya e -__-
“Hindi ako magaling… marunong lang…”
“Ahhh… okay…”
Bumalik kami sa pagkain… at tahimik ulit…
Tunog lang ng kutsara’t tinidor ang naririnig ko…
“Ahhhhm…”, nagsalita siya ulit
“Ano yun?”
“Ikaw ba nagcompose nun?”
“Oo, last year…”
“Para kay Annie?”
Nagulat ako sa tanong niya…
Pero… Teka…
Bakit niya kaya tinatanong?
Hindi kaya?...
hindi imposibleng mangyare yun…
“A-ahh o-oo…”, tsk… bat ako nagstutter?
Bakit parang nag-aalangan akong sagutin yung tanong niya?
She smiled faintly…
“Sabi na e, ang lungkot kasi… Mahal mo talaga siya no?”
Napahinto ako sa sinabi niya…
Mahal ko si Annie?
“Oo”, tapos nginitian ko siya
Bakit hindi ako masaya sa sagot ko?
***
Lunes… Nakahanda na ko para pumasok…
Pagbaba ko ng kwarto…
“Azalee anong pagkain?”
Ayan ang nakagawian kong tanong tuwing umaga…
Umupo ako sa dating pwesto…
Lumabas siya sa kusina, dala yung mga pagkain…
“bacon, bread, at salad…”, tapos umupo siya sa tapat ko…
Habang kumakain…
“Malapit na yung laban namin, manonod ka ba?”, tanong ko
“Oo naman ^_^”
“Okay”
Manunuod siya? Dapat kong galingan…
Mali mali… Pupunta siya dahil kay Spencer at hindi para sakin…
tama yun nga ang dahilan…
Tsk… bakit ba pinoproblema ko pa yon?
***
*hinga* *hinga*
Katatapos lang namin magpraktis…
Pumunta ako agad sa bench at uminom…
*blok blok blok* (A/N: umiinom ng tubig yan)
“Eiji…”
Napahinto ako sa pag-inom… nilingon ko yung tumawag sa akin…
“bakit?”
“Anong nangyayare sayo?” , tanong ni Terence, kapartner ko sa doubles…
“Ha? Ah wala naman bakit?”
“para kasing wala ka sa sarili kanina…”
Hindi ko kasi matamaan ng ayos yung bola kanina…
Natalo tuloy kami sa praktis game… tsk…
“Pasensya na pre…”
“Ayos lang… Alam kong maayos mo yang pinoproblema mo ngayon… ge una na ko”, at umalis na siya
Hays…
Napalingon ako kina Spencer at Azalee…
Hindi pwede to naapektuhan ang paglalaro ko…
Naglakad ako palapit sa kanila…
“Coach, una na ako…”, sabi ko
“Ah ganun ba? Sige, ah nga pala yung kani---”, Spencer
“Pasensya na coach, ayusin ko sa sunod…”
“Sige, ingat ka… Sa susunod wag niyong dadalhin sa laro ang problema… Naiintindihan mo?”
“Yes coach”
Ganyan kami sa school…
Istrikto siya sa harap ng ibang tao…
Maglalakad na sana ako paalis… kaso bigla akong tinawag ni Azalee
“Ah teka lang Eiji, hintayin mo na ako…”
Humarap ako sa kanya
“Wag ka na sakin sumabay, makikipagkita pa ako sa isang kaibigan… Mauna ka ng umuwi…”
“Ah ganun ba? Sa bahay ka ba magdidinner?”
“hindi…”, tumalikod na ako at umalis…
***
“Sir?”
Inaalok pa ako ng bartender ng alak…
Andito ako ngayon sa isang bar…
Umiinom ng alak…
Hindi naman talaga ako makikipagkita sa kaibigan…
Gusto ko lang mapag-isa… at makapagisip
Arggghhh… Napahawak ako sa ulo ko
Napadami na ata ako…
Nahihilo na ako…
“Problemado?”, tanong nung babaeng katabi ko
“Oo *inom*”, sabi ko
“haha… sabi na… hays”
“ikaw?”, tanong ko
“ganun din…”
Uminom lang ulit ako…
Maya maya nagsalita siya ulit…
“Alam mo may kaibigan akong lalaki… no, actually bestfriend ko siya… *inom* I was with him when he so down, when he miss that girl so much, and when he was happy…”, sabi niya
Parang tulad pala namin ni Aze…
Magkasama kami lagi kaya makikita namin kung masaya o malungkot ba ang bawat isa…
*inom*
hinintay ko lang siya magkwento
“Pero naguguluhan ako… You know what? May nangyari samin… *inom*”
Napalingon ako sa kanya…
At malungkot siya…
Maya maya nagsalita ulit siya
“ha! What a fool of me… He was so down that time, so down that I took advantage of the situation…”
Inalis ko na yung tingin ko sa kanya… at uminom ulit…
Tahimik lang ako…
“Gustong gusto ko siya… Sobra… Close kami, napagkakamalan na nga kaming mgbf dati e…Pero simula nung nakita niya ulit yung babae niya… Napunta lahat ng atensyon niya dun…”
Umiiyak na siya pero hindi ko alam ang dapat kong gawin…
Nandito ako para uminom dahil problemado ako
Tapos tong babae naman na ito nagdadrama naman…tsk…
“Paulit ulit kong tinatanong ang sarili ko, ano ba tayo? Bakit nasasaktan ako? *inom*”, sabi niya
Napaisip ako sa sinabi niya
Ano ba tayo? Azalee?
“Dati pinaramdam niya na mahal niya ako… Pero ngayon? Wala na…”, tapos tumawa siya ng mahina at umiyak ulit
Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nagsalita…
“Minahal ka din naman siguro ng taong akala mo ay hindi ka minahal, kaya lang sa paraang alam niya at hindi sa paraang gusto at inaasahan mo”, sabi ko
Bakit ko ba sinabi yun?
“hahaha, ganun ba? Salamat sa pakikinig…”, naglapag siya ng pera sa counter at tumayo…
Palayo na siya ng bigla akong nagtanong…
“Ang pagseselos ba dapat may karapatan? Sa pag iyak ba dapat may dahilan? Pano kung talagang nasasaktan ka na? Itatago mo nalang ba para hindi ka masumbatan?”
Tama… Kung ano man kami ngayon alam ko nagseselos ako…
Sa pagmamahal? Sa atensyon? Kung ano man yun may karapatan ba ako?
Pano kung sumbatan niya ako dahil wala lang naman talaga kami?
“Natural lang naman magselos kahit wala kang karapatan… basta meron kang nararamdaman, hindi yun maiiwasan…”, tapos tuluyan na siyang umalis…
Tiningnan ko na lang yung baso… saka uminom…
Inalok ulit ako nung bartender ng alak…
Naisipan ko siyang kausapin
“Naguguluhan ako, may gusto ako na nandito ngayon pero may mahal ako kaso malayo…”
Ininom ko agad yung nilagay niya…
At Di ko inasahan na magsasalita din yung bartender…
“Minsan mas tamang bumitaw kapag alam mo na hindi ka pinahahalagahan… Malay mo sa pagbitaw mo, mahulog ka sa tamang puwesto at masalo ng tamang tao.. Kung hindi ka pa kikilos baka tuluyan na siyang mawala sayo…”
Napahawak na lang ako sa ulo ko…
Nahihilo ako…
Naglapag na lang din ako ng pera sa counter saka umalis…
Naghihintay lang ba ako sa wala?
At si Azalee? Ano nga ba siya sa akin?
Hays….
==========================================
A/N: So ayun nga... Sino bet niyo? Si Azalee o Annie? The Past or the Present?
Remeber yung tinanong ni Eiji na papalapit na yung laban nila?
Next chapter: The Game
PLEASE FOLLOW ME || VOTE || AND LEAVE A COMMENT!