When I See You Smile (publish...

By BabyLouParksPhr

136K 2.4K 79

Si Race ay isang TV ad model na sobrang hinahangaan ni Chazel. Pero nang ipalabas ang latest TV ad appearance... More

Chapter One
Chapter Two
Chapter three
Chapter Four
Untitled Part 5
Untitled Part 6
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Ten

Chapter Nine

10.7K 211 1
By BabyLouParksPhr


HINDI na nga nagpakita pa si Race sa kaniya. Ni tawag nito ay hindi ginambala ang pananahimik niya. Aaminin niyang nasasaktan siya. Kahit man lang sana bilang kaibigan ay dumalaw ito sa kaniya sa ospital at ipinakita ang pagdamay sa kaniya. Pero ni anino nito ay hindi niya nakita. Wala na ba siyang halaga rito tulad ng ipinaramdam nito sa kaniya dati? Bakit sa kabila ng lahat ay si Starr pa rin ang mas matimbang rito?

Hell! Sana ay namatay na lang siya sa aksidenteng iyon para hindi na niya nararamdaman pa ang pinong sakit na lumalatay sa puso niya. Minahal niya ito pero hindi siya nito minahal gaya ng pagmamahal ng isang lalaki sa isang babae. At kung minahal man siya nito ay hindi iyon kasinlalim ng pagmamahal niya rito.

Lagi na lang ba siyang ganoon? Iniiwan ng mga mahal niya sa buhay? Si Lola Juliana, ang mommy niya, ang daddy niya at ngayon ay si Race. Bakit pinagkakaitan siya ng pagmamahal? Maybe, she deserved all of this. Gusto niyang paghigantihan si Race at si Starr kaya 'yon ang napala niya. Pero paano naman siya, sa pananakit ng mga ito sa damdamin niya?

Life was so unfair!

But this is life, Chazel.May mga bagay na nangyayari na malayo sa inaasasahan natin. At hindi mo iyon maitatanggi. Kailangan mo iyong tanggapin. Magingmatibay ka at magkaroon ng pag-asa na maibabalik mo sa normal ay buhay mo.

Mula sa pagkakaupo sa wheelchair ay tumayo siya. Hinagilap niya ang silver-plated na saklay niya. Lahat ng tao sa bahay ay sinusungitan niya maliban kay Nanay Lauring kaya walang nangangahas na lapitan siya. Hindi siya imbalido. Kaya niyang tumayo at maglakad na mag-isa. Hindi siya patatali habambuhay sa silyang de-gulong!

Iyon ang unang pagkakataon na gagamitin niya ang saklay niya. Noong una ay ayaw niya iyong gamitin dahil hindi siya sanay at hindi niya matanggap na isa na siyang walang silbi. Pero ngayon ay pipilitin niyang ilakad ang isa niyang paa. Nang itapak niya iyon sa sahig ay natumba siya. Walang lakas ang paa niya, parang lantang gulay iyon.

"Susmaryosep na bata ka!" Nataranta si Nanay Lauring nang makita siya. "Bakit hindi mo ako tinawag? Bebang! Chayong! Halikayo dito, madali!" tawag nito sa mga kasambahay nila.

Inalalayan siya ng mga ito sa pagtayo dahil malaking babae siya. Pinaupo siya ng mga ito sa sofa. "Sa uli-uli, tawagin mo ako kung kailangan mo ng tulong." Pinagalitan siya ni Nanay Lauring. "Paano kung magkamali ka ng bagsak at tumama ang ulo mo sa kung saan?"

"Sorry, 'Nay." yuko ang ulong sagot niya.

"Bukas ay pupunta rito ang physical therapist mo. Sana naman, anak ay pumayag ka nang magpa-therapy." Nang maiuwi siya sa bahay, ang gusto niya ay magkulong lang siya sa silid niya. Iniiyakan niya ang naging kabiguan niya sa buhay dulot ng pagkakaaksidente niya at ng pag-iwas ni Race. May sandali pa ngang natukso siyang mag-suicide.

"Oho, 'Nay. Magpapa-therapy na ako." She had to live her life and move-on, dahil may isa pang taong nagmamahal sa kaniya.

Natutuwang niyapos siya nito. "Naku! Salamat naman, anak. Gagaling ka rin. Huwag ka lang mawalan ng pag-asa."

Napaluha siya. Ngayon lang niya napagtanto na kailangan niyang ipagpatuloy ang buhay alang-alang dito. Tuloy pa rin ang ikot ng mundo. Kung mawawala siya, magiging malungkot ang nanay-nanayan niya. At ayaw niyang mangyari iyon.

"Tao po!"

Sabay nilang nilingon ang taong tumatawag. It was Mr. Belmonte or Tito Rey. Iyon ang gusto nitong itawag niya rito. Pangatlong balik na nito sa bahay nila. Kapag binibisita siya nito ay kung anu-ano ang dinadala nito para sa kaniya, mga vitamins supplements at mga piling-piling prutas na sa Baguio at Davao lang matatagpuan tulad ng strawberry at cherry. Dito nanggaling ang wheelchair at crutch niya kahit afford niyang bumili niyon. Alam niyang kaya nito ginagawa iyon ay dahil anak na kung ituring siya nito.

Pero sa tuwing dumarating ito ay napupuna niyang umaasim ang mukha ni Nanay Lauring. Obvious na hindi nito gusto ang ugali ni Tito Rey. As usual, nang lumapit ito sa kanila ay agad na tumalikod si Nanay Lauring.

"Iha, kumusta na ang mga paa mo?" Humalik ito sa noo niya.

"I think I have to undergo a physical theraphy, Tito Rey." balita niya rito.

"Oh, that's nice to hear, iha. It's good for you to recover fast." Maging ito ay iniingganyo siya noon na sumailalim sa isang therapy.

Matagal silang nagkuwentuhan nito. Nang bandang hapon ay si Cherry naman ang bisita niya. Itinanong niya rito kung ano na ang status ng negosyo nila. Nang malaman niyang mataas pa rin ang rate ng sales nila at hindi iyon bumababa ay nakahinga siya ng maluwag.

NASA LOOB si Chazel ng maliit na kiosk sa gitna ng malawak na garden nila at nagbabasa ng mga paperbacks. Iyon ang naging libangan niya nang pumirmi siya ng bahay. Narinig niya ang tunog ng pagbukas ng kanilang gate. Ngunit hindi na niya iyon pinansin sa pag-aakalang lumabas si Chayong para magtapon ng basura. Absorb na absorb siya sa pagbabasa nang maramdamang may tao sa paligid. Una niyang nakita ang isang pares ng itim na sapatos sa harapan niya. Sunod ay ang mahahabang biyas nito sa suot nitong slacks at ang polo-shirt nito na kulay marron. She, then, raised up her eyes to the face of the man she couldn't just forget in her whole life.

It was Race! Bagama't may stubbles ang mukha nito, dahil mukhang hindi nag-ahit ito ng dalawang araw ay hindi iyon nakabawas sa kaguwapuhan nito.

Nagtagis ang mga bagang niya.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" Kinuha niya ang saklay niya at tumayo.

Sa dalawang linggong pagpi-PT niya ay may maganda na iyong resulta. Naitutukod na niya nang bahagya ang paa niyang may diperensiya. Unti-unti na iyong nagkakaroon ng lakas. Sinanay niyang gamitin ng tama ang crutch kaya nakakalakad siya sa pamamagitan niyon dahil hindi naman naapektuhan ang kanang paa niya.

Gusto sana niyang takasan si Race pero naagapan nito ang braso niya.

"Mag-usap tayo, Chazel."

"No! Wala na tayong dapat pag-usapan. Malinaw sa akin ang nakita ko. Hindi mo kayang malayo sa Starr na iyon." Ipinagpatuloy niya ang paglakad kahit hirap siya dahil kailangan niyang magmadali.

Muli nitong nahagip ang braso niya. "Hindi mo 'ko naiintindihan."

"Ayoko nang marinig ang mga paliwanag mo, puwede ba?" sigaw niya.

Sa pagmamadaling makalayo rito ay hindi niya napansin ang nakausling bato sa daraanan niya. Mahirap para sa kaniya ang makabalanse kaya hindi niya naawat ang pagbagsak niya. Ngunit malalakas na mga bisig ang sumalo sa katawan niya. Karga siya ay dinala siya ni Race sa loob ng bahay nila.

"Put me down! Put me down!" Tili siya ng tili hanggang sa ibaba siya nito sa couch.

"Hanggang ngayon ay matigas pa rin ang ulo mo. Kaya ka napapahamak."

Napapahamak? Hindi ba nito alam na kaya siya nadisgrasya ay dahil dito? He had taken her for granted in behalf of that wicked girl. Pinagmukha siya nitong kawawa sa harapan ni Starr at siya pa ang lumabas na masama sa layunin niyang palubagin ang kalooban ng babae nang humagulhol ng iyak ito. He must be inconsiderate!

"Ano'ng nangyari?" ani ni Nanay Lauring na napasugod sa kanila.

"Paalisin n'yo ang lalaking 'yan, 'Nay. Ayoko siyang makita."

"Iho, hindi naman sa ipinagtatabuyan—"

"Nauunawaan ko kayo, Nanay Lauring. Pero babalik ako sa ibang araw. I know she needs time and space. And I'll give it to her."

PAGKALIPAS ng apat na araw ay bumalik si Race. Pinapasok ito ni Nanay Lauring kahit anong pilit niyang huwag itong papasukin. Nang araw na iyon ay may therapy session siya. Nasa pool sila ni Mrs. Agaton at pinasusubok nito sa kaniya na ikampay ang kaliwa niyang paa sa tubig.

Nasa poolside si Race, nakaupo sa lounge chair at nanonood sa kanila. Nakapuruntong short ito na Hawaiian printed at yellow na sport-shirt. Mukhang preskong-presko ito dahil malinis na malinis na ang mukha nito. Wala na ang mga balbas nito. Sa tabi nito ay nakapatong doon ang isang bunch ng bulaklak.

"Miss Sandoval?" pukaw ng therapist sa kaniya.

"Y-yes?" Ibinaling niya rito ang attention.

"You're not listening. Ang sabi ko ay kung kaya mong baluktutin ang paa mo. Just like this." Iwinagayway nito ang isang paa nito sa tubig.

Sinunod niya ang pinagagawa nito. Pero mabagal lang iyon dahil kaunting lakas lang ang ibinibigay ng paa niya. Limang minuto niyang pinaulit-ulit iyon dahil nangawit agad siya.

"Good. You're improving. Konting determinasyon pa at ilang session ay mapapanauli natin sa normal ang paa mo." Natuwa siya sa ipinahayag nito. She couldn't wait to see herself walking and running.

"Thank you, Miss Agaton."

Pinaaahon na siya nito sa pool. Nang bumaba siya sa tubig kanina ay madali lang siyang nakababa roon. Pero ngayon ay kailangan niyang gamitin ang lakas ng dalawang kamay at paa niya para maiahon niya ang sarili. Hindi siya kakayanin ni Mrs. Agaton kahit medyo mataba ang thirty-five-year-old therapist niya. Isang tao ang kailangan nila na mag-a-asist dito para tulungan siya.

Isang malaki at nakabukang palad ang nakita niya malapit sa mukha niya. Kamay iyon ni Race. "Maybe, I can help a lot."

"You really can help us a lot, Mr. Handsome guy." natutuwang-biro ni Mrs. Agaton dito. "Okey, I'll push her through. And you pull her up."

Tiningnan lang niya ng masama si Race. Hindi niya inabot ang kamay rito.

"Miss. Sandoval, what's the matter?" Takang-taka ang therapist sa kaniya.

"I can rise up myself from this water. Huwag n'yo akong tutulungan." Hinayaan nga siya ng mga ito.

Humawak siya sa handrail ng pool at iniangat niya ang sarili sa pamamagitan niyon. Pero mabigat siya at mahirap gawin iyon ng isang paa lang ang tumutulong sa kaniya. Mayamaya ay nakarinig siya ng splash ng tubig. Bigla siyang umangat sa ere.

"You act like a stubborn schoolgirl again, Chazel." wika ni Race habang karga-karga siya at inaahon sa mga baitang sa kabilang side ng pool.

Napakapit siya sa leeg nito. Hanggang sikmura lang nito ang tubig dahil mataas itong lalaki. Ibinaba siya nito sa lounge chair na inupuan nito kanina. Pinagmasdan siya nito. Nakabakas sa manipis na t-shirt niya ang puno ng malulusog na mga dibdib niya kahit may suot siyang brassiere dahil basa iyon. Naka-short-short lang siya kaya nalantad sa mga mata nito ang maputi at mahahabang legs niya. Sa paraan ng pagtitig nito sa kaniya na waring sinasamba ang katawan niya ay nahinuha niyang attracted pa rin ito sa kaniya hanggang sa mga sandaling iyon.

Bumaba ang tingin nito sa paa niyang may pilat dulot ng pagkakaaksidente niya. Hinaplos nito iyon. Pagkuwa'y tinuyo nito ng tuwalyang nakuha nito sa isa pang lounge chair ang buhok niya at ang katawan niya, while his eyes never wavering from her.

Walang salitang inilagay nito sa kandungan niya ang mga bulaklak at saka ito tumalikod.

NANG GABING iyon ay inaapoy siya ng lagnat. Dala marahil ng matagal na pagkakababad niya sa tubig. Sa taas ng lagnat niya ay nagdidiliryo siya. Hindi niya alam ang kaniyang mga sinasabi. Pinainom siya ng gamot ni Nanay Lauring. Nang mga madaling araw ay humupa ang lagnat niya.

Paggising niya kinabukasan ay si Race ang namulatan niyang natutulog sa tabi niya. Yakap-yakap siya nito. Kinurot niya ng pino ang kamay nitong nakapatong sa tiyan niya. Nagising ito.

"Aray! Bakit ka nangungurot?"

"Tresspassing ka po rito. Kuwarto ko po 'to at pamamahay ko 'to." Tinanggal niya ang mabigat na paa nito sa pagkakadagan sa mga hita niya.

Pilyong ngumiti ito sa kaniya. "Pangalan ko ang tinatawag mo kagabi habang nilalagnat ka. Itinawag 'yonsa akin ni Nanay Lauring. Saksi ang mga tenga ko. Tapos, palalayasin mo ako ngayon?"

"Ano'ng pinagsasabi mo?" Hindi niya iyon maalala. At bakit naman niya ito hahanapin?

Nanunudyo na ang mga mata nito. "Miss mo na rin ako, di ba? Di, ba?"

"Tumigil ka nga." Umalis siya sa kama at humakbang.

Nakalimutan niyang may kapansanan pala ang isang paa niya. Kaya nang itapak niya iyon ay nabigla siya at nawalan ng panimbang. Lumagapak siya sa sahig. Mabuti na lang at carpeted iyon. Namalayan na lang niyang ibinababa na siya ni Race sa kama.

"Ang kulit mo talaga." naiinis na saway nito. Pinahiga siya nito at kinumutan. "Mainit-init ka pa, e, ang lakas ng loob mong magkikilos."

May kinuha itong gamot na nakalapag sa bedside table. Binuksan nito iyon. "Anong gamot 'yan?" tanong niya. Malay niya baka lasunin siya nito.

"Paracetamol." Pinainom nito sa kaniya iyon gamit ang tubig na nanggaling sa sarili niyang mini-refrigerator.

Nagsalita si Bebang sa labas ng silid niya. "Ma'm, breakfast n'yo. Sabi ni Nanay Lauring, kainin n'yo raw habang mainit."

Pinagbuksan ito ni Race. Matapos magpasalamat sa katulong ay isinara na nito ang pinto.

"Humigop ka ng sabaw ng sopas. Makakabuti ito sa tiyan mo dahil kagabi ka pa raw hindi naghahapunan."

Parang batang naging sunud-sunuran siya kay Race. Sinusubuan siya nito. Hindi siya nito tinigilan hangga't hindi niya nauubos ang sopas. Wala itong ibang intensiyon kundi ang mapabuti ang kalagayan niya. Hinayaan niyang pagsilbihan siya nito. Na-miss niya ang dating gesture na iyon ni Race, ang pagiging malambing nito sa kaniya at ang mga atensiyong ibinibigay nito na nakasanayan na niya. Unting-unting lumalambot ang puso niya para sa binata lalo't ipinararamdam nito sa kaniya kung gaano siya ka-special dito.

Nang matapon ang sabaw sa bibig niya ay pinahid nito iyon ng tissue. Titig na titig ito sa mga labi niya nang matapos. Napalunok pa ito ng dalawang beses.

Bumakas ang pag-aalinlangan sa guwapong mukha nito nang magtama ang mga mata nila. Alam niyang gusto siya nitong halikan pero nangangamba itong baka magalit siya. "Can I kiss you, Chazel?"

Siya na ang kusang humalik dito. Nang siilin siya nito ng mainit na halik ay ipinikit niya ang mga mata. It felt like home in his embrace. Sa mga bisig nito, ang pakiramdam niya ay secured na secured siya gaya noon.

DAHILKAY Race at sa pagmamahal niya na hanggang ngayon ay ito pa rin ang dinidikta ng puso niya ay lalong lumakas ang determinasyon niyang makalakad. Ito ang laging nasa tabi niya tuwing nagsasanay siya. Nakakaramdam na ang isang paa niya at magandang senyales daw iyon sabi ng private doctor nila. Naitutukod na niya at naihahakbang ang paa niya. Pero mabagal pa siyang maglakad. Hindi na niya ginagamit ang saklay niya.

Isang linggo pa ang matuling lumipas at naging normal na ang paa niya. Nakakalakad na siya ng maayos at nagagawa na niyang tumakbo. Kay Race niya unang ibinalita ang lubusang paggaling niya. Nagtatalon ito sa sobrang tuwa at tumatawang binuhat siya sa ere. Maligayang-maligaya rin si Tito Rey na hindi nakakalimot na bisitahin siya.

Isang gabing sabay silang naghahapunan ni Race nang mag-ring ang cellphone ng binata. Saglit itong nagpaalam sa kaniya na sasagutin lang nito ang tawag. Kinutuban siya nang oras na iyon. Palihim niyang sinundan si Race sa Lanai. Kahit hindi niya ugaling makinig sa usapan ng may usapan ay nakinig pa rin siya.

"Yes, Mr. Chavez. Ngayon din ay lilipad ako ng London. Please take good care of Starr. Pakisabing parating na ako diyan." Para siyang kandilang naupos sa narinig. All along ay nasa pagitan pa rin nila si Starr.

Ibinaba na ni Race ang cellphone. Kahit aandap-andap ang kalooban ay nagawa naman niyang tumalilis sa pinagkukublihan at bumalik sa komedor. Nang magpakita ang binata sa kaniya ay waring litung-lito ito at natataranta. Hindi ito magkandatuto sa pagpapaalam sa kaniya.

"Something came up unexpected. At kailangan kong umuwi."

"Sa condo mo?"

Natigilan ito. "Y-yes." Hindi ito makatingin ng diretso sa kaniya.

Laglag ang mga balikat na napayuko siya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nito maamin sa kaniya ang tungkol sa relasyon nito kay Starr.

"Goodbye, Race." Tumulo ang mga luha niya.

Sa ikatlong pagkakataon ay iiwan na naman siya ni Race. Pagod na pagod na siyang umasa at maghintay na darating ang araw na mananatili si Race sa tabi niya. At walang Starr na gagambala sa kanila. Pinalalaya na niya ito kung ang babaeng iyon ang makapagpapaligaya rito. Suko na siya. Hindi niya kayang pataubin ang isang Starr Chavez dahil ito naman talaga ang nagmamay-ari sa puso ni Race.

Ang akala niya ay okey na sila nito, na may relasyon silang matatawag kahit hindi ito nagtatapat ng pag-ibig sa kaniya. Ang akala niya ay nagkakaunawaan na ang mga puso nila dahil sa pagmamahal na lagi nitong ipinararamdam sa kaniya. Pero ang lahat ng iyon ay isang akala lang. Dahil may iba itong mahal.

"Promise, babalik ako. Babalikan kita. At hihintayin mo ako." Kinintalan siya nito ng halik sa noo, sa pisngi at sa mga labi. 

Continue Reading

You'll Also Like

5.8M 142K 39
League of Billionaire Series #4 He is a playboy billionaire. She's an assistant's daughter. He loves her. She loves another man. She wanted the love...
44.4M 670K 73
Seven years ago... I was his stalker. Three years ago... I was his wife. Two years ago... I was his ex-wife. Simula nang hiniwalayan niya ako ay nagk...
32.4M 823K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...