Onesided Love

By srcstcpotato

41 2 0

If it's not meant for you, you will never have it. You can pursue more, strive tirelessly, do all of your bes... More

Onesided Love

41 2 0
By srcstcpotato

"Sorry the feeling is not mutual."

Iyan ang sagot mo sa akin, matapos kong magconfess sayo. Paksheyt! Ang sakit sa dibdib. Through text pa lang yan, huh. E pano pa kaya kung sa personal? Paksheyt times two. Parang nadurog ang puso ko sa text message mong 'yan. Pero kahit ganun, di pa rin ako susuko. Ipapakita ko at papatunayan ko sayo na hindi ito isang trip lang. Na totoong mahal kita.

Kinabukasan, pagpasok ko ng room natin, ikaw agad ang nakita ko. Napatingin ka nga rin sa akin e, ay hindi sulyap lang pala, kasi umiwas ka din agad. Miski ba pagtingin lang sa akin, ayaw mo din?

Ayon, ganun pa din pakikitungo mo sa akin. Na parang hindi ako nagconfess sayo kagabi, at parang hindi mo ako nireplay-an ng "Sorry, the feeling is not mutual." We're like invisible with each other. Two years na tayong magkaklase, since nagtransfer ka dito sa school. Kaclose mo na nga lahat ng classmate natin, pero bakit ako hindi pa din? Sana before tayo grumaduate ng highschool, close na tayo.

Kahit yun na lang graduation gift mo sa akin. Masayang masaya na ako kung mangyayari yun. Kaya sana talaga.

"Hoy tulala ka na naman!" sigaw ni Amae sa may tainga ko. Kilala mo ba sya? Sya lang kasi ang hindi mo ka-close among girls. Bakit? Dahil ba bestfriend ko sya? Kaya ayaw mo din sa kanya.

Hindi ko pinansin si Amae, nakatulala pa din ako sa picture mo. Stolen shot ito nung JS prom natin nung junior pa tayo. Ang ganda ganda mo nga dito e. Yung mga ngiti mo totoong totoo.

"Sya na naman," bulong ni Amae na may kasama pang buntong hininga. Dismayado ata sya. "Bakit ba magpapakatanga ka sa kanya?" tanong nya sa akin.

"Hindi ako nagpapakatanga, nagmamahal lang." sagot ko sa kanya.

"tss. Lint*k na pagmamahal yan. Why did you still continue loving her? Ni hindi nya nga maappreciate yung mga effort mo. She doesn't deserve a man like you." hysterical na litanya ni Amae.

"Hayaan mo na nga ako, dito ako masaya." kalmado 'kong sagot sa kanya.

"Ano ba kasing nagustuhan mo sa kanya? Hindi na nga maganda, hindi rin maganda ang ugali. Ang bobo mo talaga. Magmamahal ka na nga lang sa tulad pa nya." ang sakit nya magsalita 'no?

"Sobra ka naman, Amae. Okay lang na ako yung laitin mo, wag lang ang mahal ko." O' 'di ba ang bait ko? Ipinagtanggol pa kita. Kasi nga mahal kita.

"Ewan ko sayo! Sana mauntog ka nang matauhan ka naman." Sagot nya sa akin at iniwan na ako.

Nasa cafeteria ako ngayon, recess kasi natin. Ikaw naman nandun sa isang table malapit sa may bintana, kasama ang tropa mo. Nagtatawanan kayo, sobrang saya nyo. E ako? Nagiisa na nga, malungkot pa.

Nagulat ako nang mapatingin ka sa may table ko. At ang mas nakakagulat pa ay nang ngitian mo ako at kinawayan pa. Totoo ba 'to? Hindi ko napigilan ang ngumiti ng malawak. Kakawayan na din sana kita pero...

"Rupert!" tawag mo sa isang lalaki. Sheyt! Sya pala yung nginitian at kinawayan mo. Tae! Bakit kasi ako umasang gagawin mo yun sa akin? Napabuntong hininga na lang ako.
Nakakadismaya, sobra. Akala ko ako na e, pero hindi pala. End of the world na ata mangyayaring ngitian at kawayan mo ako.

"Assumero kasi," sabay lapag ni Amae ng tray nya sa table ko.

"Salamat huh! Ang laki ng naitulong mo para pagaanin ang loob ko," sarkasiko kong sabi.

"Your welcome, Mr. Pascual," nakangiti pang sagot nya sa akin.

Hindi ko na sya sinagot, kinain ko na lamang ang sandwitch na binili ko. Maya maya muli na naman akong mapatinging sa table nyo, pero wala na kayo dun.

"Shun, tayo na. Tapos na ang break time." aya sa akin ni Amae.

Mabilis na lumipas ang mga araw. December na ngayon, busy na tayong magprepare for Christmas Ball. Gustong gusto kitang ayaing maging date pero wala akong lakas ng loob. Natatakot din ako na baka deadmahin mo lamang ako kung sakaling imbitahan kita. Ano nga kayang isasagot mo sa akin? Ire-reject mo kaya ulit ako? Pero paano ko malalaman kung hindi ko susubukan. Para malaman ang sagot sa mga katanungan ko, gagawin ko ang dapat kong gawin.

Gaya nga ng sinabi ko, gagawin ko ang dapat kong gawin. Para malaman ang sagot sa mga tanong ko. Inabangan kita sa may gate nung uwian na. Nang makita na kitang papalapit, bigla akong nakaramdam ng kaba. Tamang tama na kausapin kita dahil nagiisa ka lang ngayon. Madalas ka kasing kasama ng barkada mo kaya ang hirap humanap ng tyempo para makausap ka.

Huminga ako ng malalim bago magsimulang lumakad papalapit sayo. Hindi mo ata ako napansin ng tawagin kita, kaya naman kinalabit na lang kita. Lumingon ka sa akin at may tinanggal ka sa tenga mo. Kaya naman pala di mo ako narinig, dahil may earphone ka sa tenga.

"Bakit?" mahinang tanong mo.

Hindi agad ako nakasagot dahil di ko alam kung papano ko sisimulan. Aish, bakit kasi pumunta ako dito nang hindi man lang handa.

"May sasabihin ka ba?" muli mong tanong.

"Ano... uhm... kasi"

Kitang kita ko na nangunot ang noo mo. Naiinis ka ba sa akin?

"May gagawin pa kasi ako, kaya kung pwede lang pakibilisan kung ano man ang sasabihin mo."

Halatang pinipigil mo lang ang inis mo. Alam mo bang parang nabubuhol yung dila ko, tuwing kakausapin ka?

"Uhm, gusto ko sanang ayain ka kung pwede kang maging d-da..."

Hindi pa ako tapos magsalita pero sinagot mo agad ako. Sana di mo na lang sinagot. Ang sakit e, sobra. Second time you've rejected me. After you said that one word, you left me.

Dumating ang Christmas ball, sino ang date ko? Syempre, ang bestfriend kong si Amae. Hindi nga sana ako aattend pero pinilit ako ni Amae. Mula dito sa pwesto ko, kita kita ko ikaw at ang date mo. Mukhang masaya ka, panay kasi ang tawa mo pati na rin ng date mo. Sana ako na lang sya, sana ako na lang yung lalaking kaharap mo na nagpapatawa sayo.

Ilang minuto na kitang tinititigan sa malayo, kelan ka kaya mapapasulyap sa akin. Ang gwapo ko pa naman daw ngayon sa porma ko, sabi ni Amae. Gusto ko sana makita mo, malay mo magkaroon ng magic. Baka malove at first sight ka sa akin, kahit hindi naman first sight. Sana mahal mo rin ako.

Malapit na magmidnight, malapit na ding magend ang christmas ball. Gusto ko lumapit para ayain kang sumayaw. Pero nagdadalwang isip ako, baka kasi ireject mo ako ulit. Pero baka hindi naman, kasi malapit nang magpasko at maging mabait ka sa akin. Christmas gift mo na lang 'to sa akin.

Huminga ako ng malalim bago tumayo. Naglakad ako papalapit sayo. Every steps I take parang ang bigat ng paa ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"J-janine, s-shall we d-dance." mahina kong sabi habang nakaextend ang kamay ko sayo.

Nagulat ako kasi ngumiti ka. Ito ang unang beses na ngitian mo ako ng hindi pilit. Napangiti rin ako ng abutin mo ang kamay ko. Ang lambot ng mga kamay mo. Halatang rich kid ka talaga.

(NP: I can wait forever by simple plan)

Pumunta tayo sa dance area. Ipinatong mo ang mga kamay mo sa balikat ko, habang ang mga kamay ko naman ay nasa bewang mo. Nags-sway tayo kasabay ng tugtog at walang nagsasalita sa atin.

You look so beutiful today~

First time ko makalapit sayo ng ganito kalapit. Thank you to God. He granted my prayer. Sana ganito na lang lagi. Ang saya saya ko. This night would be my happiest night in my whole existence in earth.

I can wait~
I can wait forever~

Parang ayaw ko na matapos ang kantang 'to. Ayaw na kitang bitawan. Pwede ko bang gawin yun? Sana kasi mahal mo rin ako e. Sana ako na lang ang minahal mo. Kaya ko naman magantay hanggang mahalin mo ako. Basta sabihin mo lang, gagawin ko.

Natapos na ang kanta pero di pa rin kita binibitawan. Nakatingin lang ako sayo, sa magaganda mong mga mata. Ramdam ko na naiilang ka na. Pero pwede bang humirit? Pwede bang magstay muna tayo ng ganito sandali?

"Shun, tapos na ang kanta." tinanggal mo na ang pagkakahawak mo s balikat ko.

"You're so beautiful, Janine." Sabi ko bago ako bumitaw sa pagkakahawak sa bewang mo.

Bahagya kang ngumiti at pagkatapos ay tumalikod ka na, at naglakad pabalik sa table nyo.

"Thank you for the chance, Janine." Naibulong ko na lang.

END

Continue Reading

You'll Also Like

11.2K 305 21
Someone said that smiling makes everything perfect. It works like magic. But… In the worst situation of your life, would it still work?
24.9K 322 13
what if someone came into your life that you never expected. Everything change,everyone has time. Somebody stay and other will leave So just accept...
965 36 15
Having this bitterness in your heart won't make you feel any better. Hurting others won't do too. What if destiny leads you to the thing you've been...
154 12 2
You keep a lot to yourself, because it's difficult to find people who'd understand. But you made me feel secure and safe. You keep offering me your h...
Wattpad App - Unlock exclusive features