The Top Teen Models

By ohniika

357K 6K 508

Description inside. More

The Top Teen Models
TTM
1: KELLY, MAYKA, AND THE NEW GIRL
2: SI JAZZELLA
3: HINDI NAMAN PALA
4: HULI KA TABA
5: AKALA KO
6: HEARTS ARE BROKEN
7: NAGBAGO NA ANG LAHAT
8: THE GIRLS ARE BACK
9: MAGMOVE ON
11: NANGINGIBABAW
12: THE PHOTOGRAPHY CLUB PRESIDENT
13: BE A QUEEN
14: THE RULES
15: BOY HUNT
16: FIRST AND PROBABILITY
17: THE DINNER
18: SHE'S NOT DENSE
19: KISS ME SLOWLY
20: SECOND PHOTOSHOOT
21: ACQUAINTANCE PARTY
22: HUMAN AUCTION
23: SHE'S SO MEAN
24: OVER YOU
25: WORDS CAN KILL
26: PROVEN AND TESTED
27: ONE WORD FROM YOU
28: SAY SORRY
29: WHAT HAPPENED
30: ASK A FAVOR
31: FAMILIAR SCHOOL
32: FINALS
33: TEXTMATE
34: ATTRACTION
35: VACATION
36: NICE VIEW
37: BOHEMIAN PARTY
38: BIKINI BODY
39: LOVER'S QUARREL
40: NASASAKTAN AKO
41: PATINTERO
42: MY BOYFRIEND
43: HIS GIRLFRIEND
44: FRIENDSHIP
45: PETER PAN, TINKERBELL, AND WENDY
46: SUZY
47: HAPPY ENDING

10: WALA AKONG CHOICE

12.4K 231 10
By ohniika


^Mico

Siya talaga ang mylabs ko. Hihihi.

****

Chapter 10 — Wala Akong Choice


Mayka Kate's Point Of View

Pumasok kaming tatlo sa loob. High-end ang bar na to at sosyal ang mga taong tumatambay dito. It's a fancy bar, hindi katulad nung tambayan naming tatlo sa Canada. Magulo at parating may nag-aaway. Magulo rin dito pero wala namang nag-aaway. Siguro meron minsan, pero controllable naman ng management, according to my brother.

Umupo kami sa counter at nagkanya kanya na kaming umorder ng inumin.

"So, ito yung sinasabi mong business ni Mico?" tanong ni Jazz.

Just like Jazzella, si kuya Mico ang nagma-manage ng bar na to. Honestly, pipitsugin ang bar na to noon nung ibinigay ito ni daddy sa kanya. But because of his hardwork, nag-level up ito. Siya ang nagma-manage nito hanggang ngayon at hindi siya pinapakialaman nila dad. Kaya nila binigyan ng trabaho si kuya ay para may background daw siya tungkol sa management kapag magkakaroon na siya ng sariling kompanya in the future... kung magkakaroon talaga siya nun.

Gusto ni kuya mag-engineer kahit na halatang successful siya sa business industry kahit na bata pa siya. Tinatanggap niya ang mga advices at tulong na binibigay kaya wala siyang problema sa pagma-manage ng business. Balita ko nga kapag grade 9 na ang nakakabata ko pang kapatid, siya na rin ang magma-manage ng isang restaurant na pag-aari rin nila mommy. Mabuti naman at malayo pa.

"Yeah, last year." Sagot ko. Tumutulong pa nga ako sa kanya noon eh. Gusto kong magkaroon ng sariling negosyo nung mga sandaling yun pero hindi pumayag si dad because I was too young. Well, now that I'm a year older, maybe he'll let me.

"Hoy Jazzella," tawag ni Kelly. "Okay ka lang? Kamusta ang anit mo?"

Pabirong umirap ang kaibigan ko sa kawalan tsaka uminom sa martini niya. "Gaga, wala ngang lakas ang babaeng yun eh. Kung alam ko lang yun noon pa, baka matagal ko nang ginawang maid sa condo ko."

"Talaga? Mukhang masakit yung pagkakasabunot niya sayo eh." Komento ko.

"Halos kaladkarin ka na niya kanina." Dagdag ni Kelly at umorder ulit ng bagong inumin. "Akala ko matatanggal yung ulo mo."

Jazz didn't budge. She was just playing with her glass, looking uninterested. "She may appear brave, but she's actually weak. I was actually nervous, but after talking to her, all the uneasiness left. Galit lang ang nararamdaman ko sa kanya at hindi alam kung bakit."

Tinawag ko ang bartender tsaka humingi ng panibagong inumin. Ngumiwi si Kelly pagkatapos niyang tumungga mula sa kanyang baso. "Alam ko kung bakit pero hindi ko sasabihin sayo."

"By the way, I saw Rhea earlier." Sabi ko at tinanggap ang basong binigay ng bartender. Naalala ko noon yung sinabi ni Jazz na nag-sorry si Rhea sa kanya. "She was with Markhel."

"Markhel?" ulit ni Kelly. "Member rin siya ng Underdogs diba?"

Tumango ako at inalala ang mukha niya. I remembered that moment our eyes locked. I thought I saw a hint of guilt, but I deliberated against the idea. At first because it was absurd, pero nung bumulong siya sa akin para sabihin na hindi siya ang nagtapon nung lata ng piknik, indirectly saying he's sorry, it made me think otherwise.

"Speaking of Underdogs," excited kong simula nang maalala ko ang sinabi ni kuya kanina pero nag-irapan ang dalawa nang marinig ako.

"Ugh," nasapo ni Jazz ang noo niya. "Here she goes again."

"This is going to take long." Komento rin ni Kelly. Kumunot ang noo ko. Ang bastos talaga ng dalawang to.

"Alam niyo, ang OA niyo." Ngumiwi ako at nag-iwas ng tingin. "Sasabihin ko lang naman sana na magkasama pa rin sila ni Neil sa tea—"

"Wag mo akong subukan, Mayka Kate." Natigil ako nang mapansin ko ang matalim na tingin ni Jazz sa akin. Grabe siya, akala ko ba naka-move on na siya? Bakit affected siya nang marinig ang pangalan ng ex niya?

"Why—"

"Pst," sitsit ni Kelly at pinandilatan ako ng mata. Tinikom ko na lang ang bibig ko, baka mas lalong iinit ang ulo ni Jazz. Humarap nalang ako sa kanya.

"Kamusta raw si Hanz, Kell?" tanong ko at tinungga ang baso ko. Nang maubos yun ay binigyan kaagad ako ng bartender ng bagong baso na may martini.

Nagkibit ng balikat ang kaibigan ko habang yung isa ay tahimik lang na nakikinig. "Malay ko."

"Kayo yung nag-usap kanina ah." Jazz said. Tumango si Kelly.

"Point stated." Sagot niya. "He's still a virgin."

Lumabas sa labi ko ang hindi makapaniwalang pagtawa kaya pareho silang tumingin sa akin. "Bakit palagi niyang dinidiin na virgin pa siya? As if hindi pa siya naka-try ng momol."

"My words exactly." She said. "It doesn't bother me anyway."

Humigop ako sa inorder kong martini at sumulyap kay Jazz nang may lumapit na matangkad na lalaki sa kanya at inayang sumayaw. Tumango si Jazz at nagtungo sila sa dance floor.

Uhm, okay? Kakausapin ko sana siya eh.

Since si Kelly nalang ang nandito, siya nalang ang kakausapin ko.

Humarap ako sa katabi kong si Kelly pero nakita kong may kausap na din siyang lalaki. Flirt si Kelly pero hindi naman yan nagse-seryoso sa kanila. Mas seryoso pa siya sa inaalagaan niyang cactus.

Edi ako na loner. Sinong may piso jan? Pambili ko lang ng kausap.

Nagmamasid na lang ako sa paligid since wala naman akong pwedeng gawin. Si Jazz, wild na wild dun sa pagsasayaw. Halatang masaya. May nangyari kaya sa kanya nung hinila siya ng isang lalaki kanina sa school? Napansin ko kasing tahimik siya habang papunta kami dito. Ngayon lang ulit siya nagsalita.

Tumalikod si Jazz sa kasayaw niya habang kumekembot at nakataas pa ang dalawang kamay. Ilang baso na ang kanyang nainom kaya sa palagay ko ay tinatamaan na siya.

Nakita kong hinawakan nung kasayaw niyang lalaki ang bewang niya kaya nanlaki ang mata ko, pero si Jazz, parang wala lang sa kanya yun.

Bahagya akong napatili nang may sumuntok sa lalaking humawak kay Jazz kaya natumba ito. Walang masyadong nakakita kasi madilim, pero ako na nanood lang mula sa malayo... kitang-kita ko kung sino.

Si Neil.

Nandito siya? Sinundan niya pala kami. Woah, stalker pala ang lalaking to. Deds na deds kay Jazz.

Hindi talaga ako boto sa kanya. He probably won the worst boyfriend of the era. Simula nung kinuwento sa amin ni Jazzella kung paano siya nito sinaktan, nag-iba na ang pananaw ko sa kanya. He's a good guy no more.

At first, hindi ako makapaniwalang ginawa yun ni Neil, malayo naman kasi sa itsura niya ang mag-cheat at mag-two time. Pero bakit naman magsisinungaling si Jazz sa amin? Bakit niya sisiraan si Neil?

Kaya hindi na ako magtataka kung matagal pa bago siya patawarin ni Jazz. Minahal kaya niya ito ng lubusan, paniguradong wasak na wasak ang puso niya. Yung bestfriend niya inahas ang boyfriend niya, and to make things worse, pinatulan pa ng boyfriend. Sinong hindi masasaktan diba? Double dead na ang puso niya. He only made the situation poorer when he dated Suzy, his sister's mortal bully.

Sandali kong sinulyapan si Jazz, sumasayaw parin siya na parang walang nangyari. Binalik ko ang tingin ko kay Neil pero wala na siya doon sa kinatatayuan niya. Ang bilis naman.

Muli kong inilibot ang paningin ko dito sa loob ng bar. Ang wild ng mga tao. Masaya silang lahat. Namiss ko din ang lugar na to. Don't get me wrong, hindi talaga ako nagna-night life noon. Pumapasok lang ako dito tuwing umaga kapag walang tao. Minsan kasi, may pinapaayos si kuya sa akin.

Sa Canada ako natutong mag-bar, inaya kami ng kaklase namin doon. Nagbabar lang ako tuwing stress ako, kung masaya ako, kung inaya nila ako, o kung wala akong magawa. Doon ako nagsimulang uminom, sumayaw, at kung anu-ano pa. Pero hindi ako kalianman nagka-boyfriend. I do flirting and I play around, so I had flings. It's not a serious problem dahil hindi naman ako obsess sa mga lalaki. And I don't do one-night-stands, heck I'm still a virgin.

Kahit kailan, hindi pumasok sa isip ko ang makipag-commit ulit kahit kanino. Tama nang masaktan ng isang beses, kaysa paulit-ulit akong magpapaka-tanga. But on the contrary, I believe in second chances. I still have hopes for us.

Nabigla ako nang may humipo sa legs ko. Actually, hindi niya naman ako hinipo, nagkaroon lang ng contact ang daliri niya sa leg ko nung umupo sa tabi ko, ang ikli pa naman ng suot.

He's also shocked, pero nakatingin siya sa mukha ko.

And I feel like drooling when I saw his face. His tousled hair is perfectly messy. His dark orbs eyeing me. Sharp jawline, broad shoulders. Tapos yung adam's apple niyang tumaas nung lumunok siya habang nakatitig din sa akin.

I shook my head mentally, baka naglalaway na ako ngayon. Pasekreto kong hinawakan ang baba ko at nang masigurong walang tumulo, umupo ako ng maayos para malayo ang katawan ko sa kanya.

Tinaasan ko siya ng kilay nang mapansin kong nakatitig pa rin siya sa akin. Ngumisi siya dahil sa ginawa ko.

"Yes? Can I help you?" tanong ko nung hindi niya pa rin tinanggal ang tingin sa akin pero imbes na sumagot, mas lalo lang lumaki ang ngisi niya, revealing his perfect white teeth. Okay, definitely my target for tonight.

"My name is Jayzee, sweetie." aniya at naglahad ng kamay.

"Kate." I corrected, feeling giddy with his sudden endearment.

Mayka, you're a mess.

"Oh, I know you." He said. Tatanungin ko sana siya kung paano niya ako nakilala nang magsalita ulit siya. "You're by yourself?"

"My friends left me, nakikipaglandian siguro." I rolled my eyes nang hindi ko nakita si Kelly sa tabi ko. Ang bilis nun ah.

"Where are they?"

They left nga diba?

"I don't know."

"Ahh." Tumahimik siya at ilang segundo ang lumipas ay hindi siya kumibo. "Since your friends left you, why not come with me? I'm with my friends. I'm sure they'll like you." Ngumisi siya at tumayo. Umalis si Kelly, at hindi ko na rin makita si Jazz kaya tumango ako. Alangan naman at magiging loner ako all trough out the night?

Wala naman akong magawa, edi sumama nalang ako sa kanya.

Lumapit kami sa isang grupo ng mga ka-edad kong tao na nakaupo sa isang circular seat. Marami sila dito. Mga 8 siguro? May anim na lalaki at dalawang babae.

"Hey!" tawag ni Jayzee sa kanila. Lumingon sila at ngumiti sa kanya.

"Hey Jayze, new playmate?" tanong nung kasama niyang lalaki kaya kumunot ang noo ko. Mukha ba akong naghahanap ng kalaro?

"How rude." I mumbled. Narinig ni Jayzee yun at pinagsabihan ang kaibigan niya,

"Ang gago mo, Kurt. This is my friend, don't be a jerk." aniya. Tinuro niya ang isang space na nasa dulo ng sofa at inalalayan ako. "Kate, umupo ka muna dito."

Hindi ako umangal. Umupo din siya sa vacant seat na nasa harapan ko, katabi ang isang babaeng may straight na buhok at mukhang mataray.

"Hey." tawag sa akin nung katabi ko kaya tinignan ko siya. Tinitigan ko siya kahit madilim. Jet black at nakaside part ang buhok niya, makapal ang kilay kaya nadepina ang malalim niyang mata. Wait, cute guy alert. Forget the first target, abort mission. Found new objective.

"Hey." bati ko sa kanya. Kunwari ay hindi ako excited sa presensya niya. It'll be a turn off if I'll approach him eagerly.

"You must be bored." He stated.

Kumunot ang noo ko at tinignan siya. "Ano?"

"Dinala ka niya dito pero hindi ka man lang niya ine-entertain." Sabi niya at tinuro si Jayzee na busy sa pakikipag-usap sa katabi niyang babae. "Siya siguro ang gago."

"Ah." I shrugged. I don't mind.

"By the way, Ka—uhm... uh... what... should I call you?" tanong niya at umayos ng upo para humarap sa akin. Pinatong naman niya ang siko niya sa sandalan ng couch at nakapatong ang baba niya sa kamay niya. Anong ibig niyang sabihin? Pinakilala ako ni Jayzee na 'Kate' diba?

"Kate." ulit ko at inabot ang kamay ko sa kanya. Pero imbes na makipagkamayan, ngumisi siya.

"No," he scoffed. "There's no need to be formal, we're in a dirty place."

O...kay? That was awkward but on point. Ngumiti na lang ako at tumingin ulit sa mga mata niya. He's also looking at me, it's dark, but I can feel the intensity of his stare. Tuwing natatamaan ng ilaw ang mukha niya, mas nakikita ko ang titig niya. I gulped and kind of felt uncomfortable..

"I'm Ryce." He introduced and smiled. Kahit ang pagngiti niya, tipid. Pero ano daw?

Rice? Rice as in kanin?

"Nice to meet you." ngumiti na lang ako at binawi ang kamay kong hindi niya parin tinanggap.

Anong problema niya? Bakit siya ganyan makatitig? Okay, bakit ba ako kinakabahan? Maganda ako kaya hindi na dapat ako ma-insecure. I should be confident, why am I conscious?

"So..." he trailed. "What's with the agenda?"

My brows furrowed at his question. Agenda? What agenda? May gagawin ba ako ngayon? "What do you mean?"

He half smiled at umayos ng upo. Nag-inat siya ng konti at nilagay ang kamay sa likod ng ulo. "The hatred you have in you, I know it can't be removed." Tumingin siya sa akin. "But you can always forgive."

Anong ibig niyang sabihin? Forgive? I can, but it takes time to heal. A year is not enough. Apat na taon kaming nagtitiis sa mga masasakit nilang panglalait, gusto nilang papatawarin namin sila kaagad? Okay lang naman sa akin para mabawasan ang mga sakit na dala-dala ko, pero hindi madali ang lahat. Insulto yun sa sarili ko.

Tsaka, hindi naman ako maghihiganti sa kanila para sa sarili kong katuwaan. I want to prevent them from hurting another person again. Not all victims are as strong as me. Some commit suicide, some died from their harassments, and some have weak hearts. So I will move.

We will tame them.

Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat ng yun pero tumikom ako nang magtagpo na naman ang mga mata namin. Nanuyo na ang lalamunan ko dahil sa titig niya. Iinom ulit sana ako sa hawak kong martini nang napansin kong ubos na pala ito.

"Teka Ryce, kukuha lang ako ng drink." paalam ko. Tumayo ako at tumingin sa kanya.

"Sure, I'll wait." Aniya.

Aalis na sana ako nang tinawag ako ni Jayzee. Lumingon ako at nakitang nasa harap ko na pala siya.

"Kate! Saan ka pupunta?" tanong niya na may ngisi pa rin.

"Kukuha lang ng maiinom."

"Samahan na kita." Nginitian ko na lang siya.

Naglakad na kami papunta sa counter. Maraming nakabangga sa akin kasi medyo masikip ang daan tapos ang dilim pa. Buti at may neon lights kaya medyo maliwanag.

Malapit na ako sa counter nang may humila sa akin at kinaladkad ako papunta sa madilim na parte ng bar na to.

Sht.

Nang wala nang masyadong tao ay tinulak niya ako sa pader. Malakas ang pagkatulak niya kaya kumalabog ako sa pader.

Aray! Ang sakit nun ah!

Hindi ko makita ang mukha niya dahil pilit akong lumayo. Nasaan ba si Jayzee? Akala ko nakasunod siya sa akin. Susuntukin ko sana ang sinumang hayop ang humila sa akin nang hinawakan niya ang mga kamay ko at inipit ito sa pader. What the heck? Mare-rape ba ako?

Sisigaw sana ako nang may kung anu-ano'y malambot ang dumapo sa labi ko. Madilim pero nakita kong isang lalaki ang humahalik sa akin. Ang weird naman kung babae, straight ako! And why do I even care if babae ba ang humalik sa akin o lalaki?

Hindi naman big deal sa akin ang kiss. Pero heck, sino ba tong nangtsansing sa akin?

Hindi niya pa rin ako binibitawan kaya hindi ako makawala kasi pilit niyang sinusundan ang labi ko hanggang sa matapos ang ilang segundo, humiwalay siya.

"Be my girlfriend..."

Eh? What the fck? Be his girlfriend?

Nakashabu ba siya? Kanina pa nga lang kaming nagkakilala eh. At pangalan niya lang ang alam ko. Baka nga may STD siya.

Bwisit siya. Anong akala niya sa akin, cheap? Adik rin ang isang to.

Yeah. Play girl ako, mahilig magparty at makipagflirt. Pero hindi pa ako nagkaboyfriend. Maraming nanligaw sa akin, maraming flings, pero ni-isa di ko binibigyan ng pag-asa. I belong to someone. Someone who doesn't even like me.

Tinulak ko siya palayo. "What the—Are you out of your mind?" bulyaw ko sa kanya.

"Be my girlfriend, Kate." ulit niya pa. Aakma pa siyang lumapit kaya hinarang ko ang kamay ko sa dibdib niya.

"Tanga ka ba?" tanong ko sa kanya at tinaasan ng kilay.

"Oo," walang-alinlangan niyang sagot. "Tanga na tanga sayo." Ugh, that made me cringe from head to toe. Tanga na nga, corny pa. Magsama sila ni Neil. Mga babaero. Isali niyo na rin si Hanz.

"Ewan ko sayo." umiling ako at umirap sa ka-corny-han niya. I am perfectly aware that he's just making me one of his quests. Baka akala niya easy to get ako. Maraming namamatay sa maling akala.

No. I am now confidently beautiful with a mind. Hindi na ako tanga. Hindi na ako maghahabol ng lalaki. Sila dapat ang humabol at pagsikapan ako. Like what I'm planning to do with Jeff. I will make him drool and yearn for me.

Kahit kailan talaga, ang kakapal ng mukha ng mga lalaki, lalo na kapag gwapong-gwapo sa sarili. Oo, gwapo siya at hot pero akala niya ba madali akong makuha? Pumapayag naman ako sa flings pero commitments? No, thanks. Hassle ang mga yan, except for Jeff.

Aalis na sana ako nang bigla niyang hinigit ang braso ko at hinarap ulit sa kanya kaya napahawak ako sa matigas niyang dibdib. Oh sht.

"Kate. Be. My. Girl. Friend." aniya habang dinidiin ang bawat salitang lumalabas sa labi niya. Para siyang nanggigigil.

Ayos din ang trip niya noh? Wala pa ngang isang oras simula nung nagkakilala kami, gusto na niya akong maging jowa. Baka gusto niyang pagkatapos ng araw na to, engage na namin? Psh.

If I know, he wants me to be his playmate, not girlfriend. Sorry pero dadaan muna siya kay kuya Mico bago niya ako ligawan.

"A.YO.KO." sagot ko na parang nangangalaiti sa inis.

Aalis ulit sana ako nang tinulak niya ako at isinandal ulit sa pader at hinawakan ang magkabila kong balikat.

Ano ba talaga ang problema niya? Kanina niya pa ako tinutulak sa pader, masakit na ang likod ko. Naiinis na ako. Sumusobra na siya. Kapag ito di ko natiis, kukurutin ko to sa singit.

"Damn, ano ba?! Bakit ang tigas ng ulo mo?" sumigaw ako sa nakakairita niyang mukha dahil sa inis.

"Hindi kita titigilan hangga't hindi ka mapasakin." Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin. Lumalayo ako sa kanya. He kissed me earlier without my permission, and he's doing to do it again?

"What's the big deal, dude? We've known each other for like, what? 20 minutes tapos syo-syotain mo na ako? Rush hour kuya? Astig ka rin noh?" Hindi siya sumagot at nakangisi lang habang halos isang dangkal na lang ang layo ng mga mukha namin. "Talagang di mo ako titigilan?" Sinamaan ko siya ng tingin. Seryoso, nakaka-stress siya!

"Desperado na kung desperado, pero oo." Mas lumapad ang ngisi niya.

"Eh kung sipain kaya kita kung saan masakit, tignan lang natin ku—"

Di ko natapos ang sasabihin ko kasi mas lalo niyang diniin ang sarili niya sa akin at inipit ang dalawa kong paa sa hita niya.

Di ko na tuloy siya masipa.

"Sige, subukan mo. Hindi lang halik ang makukuha mo sa akin." pagbabanta niya kaya natahimik ako. Tama na ang halik, kasi base sa mukha niya ngayong, parang pati virginity ko mawawala rin. Baka ma-rape pa ako ng wala sa oras. "Oh edi natahimik ka?" Sinamaan ko siya ng tingin at hindi nagsalita. "Ano na? Payag ka?"

Tumigil na ako sa pagpupumiglas kasi wala namang silbi. Lalaki siya, natural na mas malakas siya kaysa sa akin.

"Do I even have a choice?" tanong ko. Hopefully meron. Para atleast naman, may pagpipilian ako. He keeps on pestering me kaya ano pa ba ang magagawa ko para tigilan ako ng mokong na to? Hindi ko naman siya seseryosohin, parang fling lang naman to pero this time, may title. As if magseseryoso din siya sa akin. Tsaka, hindi naman kami magkikita ulit.

At hinihintay ko pa si Jeff. Hindi ko siya nakita kanina sa party. Gusto ko ulit siyang makausap.

"Uhm, actually, you have." Nabuhayan naman ako ang loob. Aba, wag naman sana niya akong gawing slave. Ganda ko ba naman para maging alalay.

"Meron? Ano?"

"Say yes and I'll be your boyfriend, say no and you'll be my girlfriend." He said as he wiggled his brows.

"Pwedeng none of the above?"

"Say 'none of the above' and I'll rape you." Agad kong sinara ang bibig ko. Kung anu-ano talaga ang lumalabas dito.

Wala na ba talaga akong ibang choice? Hindi ko kasi inaasahan to eh. Ibang iba sa gusto kong proposal ng magiging first boyfriend ko sana. Yung ideal type ko na proposal? Romantic. Unforgettable. Unexplainable. The one that can make me smile whenever I think about it.

Tapos ang ideal boyfriend ko ay yung manly ang dating pero sweet on the inside. Makulit. Matalino. Yung kaya akong maipagmamalaki ako kahit kanino.

Parang si Jepherson... except the last one.

Si Jayzee? Badboy at playboy. Makulit din siya. Kanina pa nga niya ako kinukulit diba? Matalino? I can't say for sure. Pero yung maipagmamalaki ako? Kanina pa kami tinitigan ng mga tao dito, kinikilig nga sila. Eto namang mokong na to, mukhang tuwang tuwa pa. Hindi nalang nahiya.

Umiling lang ako at nagbuntong hininga.

"Oo na. Tss." And as if on cue, binitawan na niya ang kamay ko hinawakan ang magkabila kong pisngi. Ngumisi na naman siya tsaka diniin ang labi niya sa akin. Sht. Sabi ko na nga ba at hahalikan niya ulit ako.

Sinabi ko nga ba?

Urgh whatever.

Nagulat ako when he deepened the kiss, hinawakan niya ang likod ko pababa ng pababa. Malapit na niyang hawakan ang pwet ko kaya nagsimula na akong pumiglas kaso hinawakan niya ang batok ko kaya hindi ako maka-alis.

Bigla nalang...

*BOGSH*

****

TWITTER— ohniika

INSTAGRAM— ohniika

PLEASE VOTE FOR APPRECIATION AND COMMENT FOR THOUGHTS :) THANK YOU <3

Continue Reading

You'll Also Like

7.4K 105 19
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
1.8M 93.3K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
2.7M 53K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
1.6M 71.3K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...