Dispareo (PUBLISHED UNDER PSI...

Par Serialsleeper

9.3M 392K 274K

"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa... Plus

Prologue
I : The Missing Ones
II: What's going on?
III : The biggest skunk
IV: Left Behind
V: Remnants
VI : No way out
VII: Three Days Ago
VIII: Dead Ringer
IX: Beneath the seams
X: Lucid
XI: A promise to keep
XII: Camouflage
XIII: What we had
XIV: What destroyed her
XV: The Last Supper
XVI: Home Invasion
XVII: To love and protect
XVIII: Dazed and Torn
XIX: Whatever happens, whatever it takes
XX: The worst kind of skunks
XXI: Nothing but a broken heart
XXII: Promises we can't and can keep
XXIII: Amelia
XXIV: Hitting all the birds with a deadly stone of revenge
XXV: Sacrificial Lamb
XXVI: Make a wish
XVII: For the greater good
XVIII: 778
Epilogue
Note
DISPAREO 2 : Prologue
I : Aftermath
II : Weakling
III : Paranoia
IV : Stakeout
V : Something's wrong
VI : Consumed
VII : What's real and what's not
VIII : Dead Girl Walking
IX : Discrepancy
X : Cielo's Labyrinth
XI : If I were you, I'd run like hell
XII : Someone to fear
XIV: Yet another bloodshed
XV : Waldo
XVI : Houston, we have a problem
XVII : Not so lucky
XVIII : Hell and help
XIX : Believe me, he's evil
XX : Dazed and torn
XXI : Upper hand
XXII : Protagonist Problems
XXIII : Speechless
XXIV : To love and protect
XXV : Villainous
XXVI : Fear came true
XXVII : The Plot Twist
XXVIII : 778
Epilogue
Note
DISPAREO 3 : Prologue
I : No place for 778
II : In memories of her
III : Rise of the body snatchers
IV : The death of another
V : Pay Attention
VI : Snooze
VII : Never thought i'd ever
VIII : For the greater good
IX : A promise to keep
X : The things we do
XI : Prove me
XII : The thing about protection
XIII : Transparent and Apparent
XIV : In for a surprise
XV : The Return
XVI : The Closure
XVII : Here comes Dondy
XVIII : 778
EPILOGUE (Part 1 of 2)
EPILOGUE (PART 2 OF 2)
Commentary
Special Announcement:
Dispareo Trilogy

XIII : Unlawful

92.8K 3.8K 3.2K
Par Serialsleeper


CHAPTER 13 : 

Unlawful

THIRD PERSON'S POV



"Sa Cathedral tayo!"

"No! You guys are bleeding, we have to go to the hospital!"

"Ate gusto ko nang umuwi!"

"Hindi naman siguro tayo susundan ni Wacky!"

"You idiots! May chapel naman sa hospital at mas safe kasi maraming tao doon!"

"Marami pero may sakit at nanghihina ang karamihan!

"Quit being such an idiot and think about yourselves first!"



"ANO BA!!!" Sa gitna ng pagtatalo ng apat ay biglang umalingawngaw ang napakalakas at malalim na boses ni boris kasabay ng biglang pag-hinto ng sasakyan. Sa sobrang gulat at takot ng apat ay agad silang natahimik at nagsipikit kahit pa halos tumilapon na sila mula sa kinauupuan.


"Tatahimik naman pala kayo eh!" Iritadong sumbat ni Boris saka napalingon sa apat na nasa kanyang likuran. Naiinis man, napabuntong-hininga na lamang siya pero laking pagtataka niya nang mapansing labis parin ang takot ng apat sa kanya. Ni walang tumabi sa kanya sa simula pa lang dahil lahat takot sa kanya kaya naman ipinagkasya na lamang ng apat ang mga sarili nila sa upuan.


Naguguluhan man sa kinikilos ng apat, napakamot na lamang si Boris sa kanyang ulo at humarap ulit sa manibela at sa madilim na daang hinintuan. Mula sa rearview mirror ay pinagmasdan niya ang apat.


"Ako ang driver, ako ang masusunod. Tatahimik kayo at ihahatid ko kayong lahat sa ospital. Hindi ko alam kung ano yang mga nahithit at pinaggagawa niyo pero pakiusap lang, wag kayong magulo." Sambit ni Boris dahilan para agad magsitanguan ang apat na halos magyakapan at nakapikit parin dahil sa takot.


Muli, napabuntong-hininga si Boris at muli na lamang pinaandar ang sasakyan sa kabila ng nakakailang at labis na katahimikang ipinapamalas ng apat.


*****


DANA'S POV


"Ano ba talaga ang nangyari sa inyo?" Lumapit sa akin si Mang Boris dala ang isang baso ng mainit na kape mula sa vending machine at iniabot ito sa akin.


"Hindi ko na rin po alam." Iniyuko ko na lamang ang ulo ko't pinagmasdan ang mukha ng natutulog na si Pip. Takot na takot siya nang makarating kami sa ospital kaya pinahiga ko na lamang siya sa hito ko nang sa gayon ay makatulog siya't pansamantalang mawala ang takot niya.


Napakaraming naglalaro sa isipan ko pero mas higit ang nararamdaman ko. Takot ako sa maaring mangyari sa amin. Takot ako sa maaring gawin ni Wacky. At takot ako sa maaring mangyari kay Wacky habang namamanipula siya ni Astaroth.


"Dana! Dana!" Bigla kong narinig ang boses ni Churchill mula sa kwarto kung saan sila kasalukuyang ginagamot ng mga nars kaya pansamantala ko munang iniwan si Pip kay Mang Boris.


Pumasok ako sa silid at nadatnan kong nakikipag-agawan pa si Shem sa nurse dahil ayaw pumayag ng nurse na isuot muli ni Shem ang helmet niya. Sa kabila kasi ng benda sa kanyang noo at mga sugat, gusto paring isuot ni Shem ang helmet niya.


Napatingin ako sa direksyon ni Church. Nanghihina man, nakaupo na siya sa dulo ng kama niya habang hawak ang bag niya.


"Bakit?" Tanong ko na lamang kay Church.


"H-Holy Water... Sa sobrang taranta, naubos ko lahat kay Wacky." Aniya.


****


I'm a woman of Science. Hindi sa pagmamayabang pero sisiw lang sa akin ang kahit na anong interdisciplinary field ng Science but I'd have to admit, I can't stand hospitals. I just can't. I mean if you think about it, this place is filled with suffering, death and undying despair.


Napatingala ako upang maghanap ng direksyon pero wala. Kanina pa ako nagpapaikot-ikot at napunta na ako sa third floor pero hindi ko parin nahahanap ang chapel nila. Nagbabakasakali ako na baka may holy water sila, lahat kasi kami takot nab aka sundan ni Wacky. Oo nga't hindi namin alam ang nangyayari but Shem


"Kuya asan po ang chapel?" Tanong ko sa isang nurse na nakasalubong ko.


"Naku miss, under construction pa ang chapel dahil sa renovation." Aniya kaya nasapo ko na lamang ang noo ko dahil sa dismaya.


"Miss malapit na palang mag-11 pm, patapos na ang visiting hours." Aniya pa kaya tumango na lamang ako at naglakad pabalik sa direksyon ng elevator. Kaya pala iilan nalang ang mga nakakasalubong ko dito, gabing-gabi na pala.


Pinindot ko ang button papunta sa groundfloor. Dahil mag-isa lang naman, napasandal na lamang ako sa malamig na dingding at dahan-dahang ipinikit ang mga mata ko. Hinayaan ko ang sarili kong makapagpahinga hanggang sa bigla akong may marinig na kakaiba... Parang may mali... Parang may naririnig akong pumipitik na animo'y nanggagaling sa kuryente.


Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at muli akong tinamaan ng kaba nang makita ko ang pagkislap-kislap ng mga ilaw. Sa simula ay mabagal lamang ang pagpatay-sindi nito pero kalaunay bigla itong bumilis.... Bumilis ng bumilis na animo'y sasabog na at sa bawat pag-aagaw ng liwanag at kadiliman, may naaaninag akong isang anino sa harapan ko, papalapit ito ng papalapit at animo'y gusto kong hawakan dahilan para mas lalo akong mapasandal sa dingding at mapapikit.


Sa isang iglap ay narinig kong bumukas ang pinto ng elevator kaya dali-dali akong kumaripas ng takbo palabas.


Natagpuan ko ang sarili kong tumatakbo sa ubod nang tahimik na pasilyo ng ospital. Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong pero sa sobrang kaba ko ay ni-katiting na boses ay walang lumalabas mula sa bibig ko. Hindi ko maintindihan, nasaan ang mga tao? Bakit bigla na lamang silang nawala lahat?


Narinig ko ang isang kalabog dahilan para mapahinto at mapalingon.


Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang biglang pagsara ng ilaw sa kaninang dinaanan ko. Sunod-sunod ang kalabog at sunod-sunod rin ang pag-lamon ng kadiliman rito, para akong sinusundan ng kadiliman kaya napatili ako at muling nagtatakbo.


Habang tumatakbo ay rinig na rinig ko ang mga kalabog, sa puntong to'y tila ba hinahabol na ako ng kadiliman. Nilalamon nito ang bawat dinadaanan ko at natatakot akong tuluyan ako nitong maabutan. Natatakot ako sa maaring mangyari sa akin sa kadiliman.


Bigla kong nakita ang isang pinto sa dulo ng pasilyo. Mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo hanggang sa tuluyan kong maabot ang doorknob at makapasok rito.


Dali-dali kong nilibot ang paningin ko at napasigaw na lamang ako dahil sa labis na dismaya nang makita kong wala na akong ibang madadaanan. Hindi ko na alam anong gagawin kaya nagtatakbo na lamang ako sa dulo ng silid at napaupo sa sahig dahil sa labis na takot.


Hindi magkamayaw ang pag-agos ng luha mula sa mga mata ko, labis ang panginginig ko at pakiramdam ko'y sasabog na ang puso ko. Takot, wala akong ibang nararamdaman kundi matinding takot.


"From now on, it's going to be 778."


Biglang bumalik sa isipan ko ang huling katagang binitawan ni Cielo; ang ngiti sa mukha niya at ang paniniguro ng kanyang boses.


"778..." Napatango ako habang umiiyak , "778... 778..." Paulit-ulit kong sambit sa pagitan ng bawat mabibigat kong hininga. Patuloy ang pag-agos ng luha ko't sa sobrang takot ay napayakap na lamang ako sa suhod kong labis narin ang panginginig. Takot na takot ako pero pinipilit kong panghawakan ang huling sinabi ni Cielo.


"778" Nagulat ako nang may marinig akong boses na tila ba sumasabay sa akin—Mga boses.


Nag-angat ako ng tingin at lalo pa akong nagimbal nang makita ko ang maraming mga mesa sa silid na kinaroroonan ko. May mga patong ritong mga katawan na natatakpan ng kulay puting tela, nakikita ko itong gumagalaw. Hindi lang sila basta-bastang gumagalaw, unti-unti silang napapabangon mula sa pagkakahiga!


Napahiyaw ako at lalong napahagulgol dahil sa labis na takot nang mapagtanto ko kung anong klaseng silid ang napasukan ko—isang morgue.


"Tama na... Tama na..." Napailing-iling ako habang pilit na tinatakpan ang mukha ko gamit ang nanginginig kong mga kamay. Hindi na magkamayaw ang pag-agos ng luha ko lalo pa't nakikita ko mula sa gilid ng mga mata ko na nakaharap na sa direksyon ko ang mga nakaupong bangkay na natatakpan parin ng kulay puting tela.


Nakita kong lalo pa silang gumalaw na animo'y tatayo na at lalapitan ako kaya mas lalo pa akong napahagulgol at pilit na nagtago sa pinakadulo ng silid.


"Don't believe in everything that you see." Bigla kong naalala ang huling sinabi ni Raze sa akin.


"Hindi kayo totoo.. Hindi kayo totoo..." Paulit-ulit ko na lamang na sambit habang pilit na tinatakpan ang tenga ko.


"Hindi kayo totoo!" Sumigaw ako ng pagkalakas-lakas, sa abot ng makakaya. Makaraan ng ilang sandali ay unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at nagtaka ako nang makita ko ang dalawang doktor na nakatayo sa harapan ko, kapwa sila naguguluhan at napakasama na ng tingin sa akin. Inilibot ko ang paningin ko at para akong nabunutan ng tinik nang makita kong nasa kani-kanila paring kinahihigaan ang mga bangkay.


"I look like a crazy teenager right?" Bulalas ko na lamang sabay punas ng mukha ko.


"Bigla ka nalang pumasok dito at nagwala. Hindi ka lang mukhang baliw hija..." Mahinang sambit ng doktor habang dismayadong tumatango.


"Hula ko drugs o peer pressure." Sabi naman ng isa pa dahilan para dahan-dahan akong tumayo, taas-noo habang pinapagpagan ang pantaloon ko.


"Let's just pretend this never happened." Sabi ko na lamang at taas noo paring lumabas mula sa morgue. Pero nang tuluyan kong masara ang pinto ay muli akong nagtatakbo patungo sa direksyon kung saan naroroon sina Church.


***


"He's here! Wacky's here! Nasundan niya tayo!" Hingal na hingal kong bulalas nang makabalik sa kinaroroonan nila. Gaya ko, agad rin silang nataranta at dali-daling nagsikilos.


"Shit! Ano bang kailangan niya?!" Bulalas naman ni Shem na halatang namimilipit pa sa sakit na sinapit. Dali-dali niyang isinuot ang sapatos niya at inayos ang helmet niya.


"Teka sir, hindi pa kayo pwedeng ma-discharge, hindi pa ho kayo—"


"Yan!" Bulalas ni Churchill at walang ano-ano'y hinagis sa nurse ang credit card niya sa sobrang pagmamadali.


Sa kabila ng pagpigil ng nurse na naroroon, binalikan namin si Boris na ngayo'y karga na ang natutulog na si Pip.


"Hija bakit hindi niyo sinabi na anak ng mayor 'tong batang to?!" Biglang bulalas ni Boris na animo'y galit na galit.


"Mamaya na kami magpapaliwanag! Tara na sa chapel!" Giit ni Churchill.


"Wala silang Chapel!" Bulalas ko dahilan para lalo silang mataranta.


"Mang Boris pinatay mo ako noon kaya utang na loob tulungan mo kaming makapunta sa Cathedral!" Biglang bulalas ni Shem dahilan para agad na manlaki ang mga mata ni Boris.


"Anong?! Wala akong ginagawa sayo!" Pangangatwiran naman agad ni Boris.


"T-teka, paano mo pala nalaman na anak siya ng mayor? Sinong nagsabi sayo?" Biglang tanong ng naguguluhang si Churchill dahilan para matahimik rin kami ni Shem.


"Yung bagong estudyanteng tisoy. Pinaghahanap na rin daw kayo ng pulis dahil kinidnap niyo raw ang bata. Alam niyo, ayoko sanang maniwala kasi nakikita ko na kayo mula bata pa pero sa inaasal niyong 'to—"


"Akala niyo ba talaga matatakasan niyo ako?"


Kapwa kami natahimik lahat nang marinig namin ang boses ni Wacky habang humahalakhak. Hindi lang kami ang nakakarinig kay Wacky kundi ang buong ospital at lahat ng mga taong abot ng intercom system ng ospital.


"Bibigyan ko kayo ng sampung segundo. Takbo na mga peste!"


Bigla itong sumigaw ng pagkalakas-lakas na animo'y gusto kaming sindakin, at hindi nga siya nabigo dahil nang sumigaw siya'y agad na kaming nagpulasan at nagsigawan. Nagtakbuhan agad kami samantalang si Shem naman ay dali-daling inagaw ang tulog na si Pip mula kay Boris.


"Ate..." Dahil sa kaguluhan namin ay unti-unting nagising si Pip na ngayo'y karga na ni Shem.


"Shit! Paano na?!" Bulalas ng duguang si Church nang makarating kami sa madilim na parking lot at mapagtantong wala kaming ibang masasakyan.


"Iwanan niyo ang bata sakin at 'wag niyo siyang idadamay sa kalokohan niyo!" Biglang sigaw ni Boris na sinundan pala kami.


"Mang Boris nagmamakaawa ako sa'yo!" Humarap ako sa kanya't napahawak sa damit niya. Hindi ko na magawa pang mapigilan ang luha ko, "Ihatid niyo lang kami sa cathedral at ipapaliwanag namin ang lahat. Pagalitan niyo kami ng todo o ano man yan pero utang na loob, ayoko nang may mangyaring masama sa mga kaibigan ko. S-sila nalang ang natitira sakin, Mang Boris parang-awa mo na!"


****


Katahimikan. Labis ang pangingibabaw ng nakakailang na katahimikan sa loob ng sasakyan habang patungo kami sa katedral at alam kong dahil ito sa matinding takot. Nakita namin kung ano ang kayang gawin ni Wacky at ayaw naming makita ang kasukdulan ng maari pa niyang magawa.


"Magiging okay tayong lahat..." Mahinang sambit ni Shems sabay akbay sa umiiyak na si Pip. Alam kong takot na takot narin si Shem pero pinipilit niya lang na maging matatag.


"Church where's your phone?" Tanong ko kay Churchill na kanina pa tahimik at labis ring naapektohan lalo pa't si Wacky na 'tong humahabol sa amin—Si Wacky na halos ituring narin niyang kapatid.


"Naiwan ko sa bahay niyo kanina." Nanlulumong sambit ni Churchill.


"Naiwan ko naman sa kotse ko ang sakin. Sinong tatawagan mo?" Tanong ni Shem na balisa rin.


"My parents... They could still be at the airport right now.. I mean, I just want to hear their voice or tell them how much I love them." Muli, hindi ko na napigilan pa ang luha ko.


"Heto." Tipid na sambit ni Mang Boris at kahit hindi lumilingon, inabot niya sa direksyon ko ang cellphone niya dahilan para ngumiti ako habang pinupunasan ang luha ko.


"For the record, we didn't kidnap Pip. Iniwan sa bahay si Pip para i-babysit ko." Sabi ko na lamang para naman malaman ni Mang Boris na hindi kami kasing sama ng iniisip niya.


"Totoo po yun! Promise to Papa God." Sabi naman ni Pip sabay marka ng krus sa leeg niya bilang pangangako.


"Kung ganun bakit sinabi ng binatang 'yon na kinidnap niyo ang anak ng mayor?" Tanong naman ng naguguluhang si Boris na bahagyang napatingin sa direksyon namin sa pamamagitan ng rear view mirror.


"Si Wacky." Mahinang sambit ni Churchill.


"Oo, si Wacky, alam namin." Sarkastikong sambit ni Shem.



"Hindi! Si Wacky!" Biglang sigaw ni Churchill sabay turo sa direksyon ng daan.


Nakita naming lahat si Wacky sa gitna ng daan, dahil sa headlight ng sasakyan ay kitang-kita namin ang ngisi sa pagmumukha ni Wacky at animo'y wala man lang nararamdamang takot kahit pa sasalpok na kami sa kanya.


Sobrang bilis ng mga pangyayari. Napapikit ako, wala akong ibang narinig kundi napakalakas na mga kalabog at wala akong ibang naramdaman kundi matinding sakit.



****


"Dana... Dana..."


Naramdaman ko ang mainit na kamay na tumatapik sa pisngi ko kaya naman unti-unti akong dumilat. Napakasakit ng ulo ko at nasusuka ako dahil sa labis na pagkahilo. Wala akong ibang makita kundi matinding usok at wala akong ibang marinig maliban lamang sa businang sira dahil walang pakundangan at isang mahinang boses na tumatawag sa pangalan ko.


"G-guys? Okay lang kayo?"


Narinig ko ang boses ni Church mula sa hindi kalayuan at pati narin ang iyak ni Pip.


Naramdaman kong may humawak sa mga balikat ko at kumaladkad sa akin. Sobrang sakit ng likod ko lalo pa't nararamdaman ko ang mga matitigas na bagay na natatamaan ko. Paulit-ulit kong kinurapkurap ang mga mata ko hanggang sa maaninag ko ang isang kulay dilaw na bagay—ang helmet ni Shem.


"Oh my God..." Napaiyak na lamang ako lalo nang mapagtanto ang nangyayari—Kasalukuyan akong kinakaladkad ni Shem paalis sa nakataob na sasakyan ni Mang Boris.


"Dana, kailangan na nating umalis." Natatarantang sambit sambit ni Shem habang inaalalayan akong maupo.


"A-are you guys okay?" Tanong ko agad habang tinitiis ang matinding sakit sa balikat ko at pati narin sa noo ko.


"We're okay let's go!" Sabi pa ni Churchill habang hawak ang cellphone ni Mang Boris. Teka si Mang Boris!


"Mang Boris!" Napasigaw ako nang makita kong nasa loob parin siya ng nakataob na sasakyan at walang malay. Sobrang sakit man ng katawan ko sinubukan kong gumapang patungo sa direksyon niya pero bigla akong hinila ni Shem.


"Okay lang siya, okay lang siya!" Giit ni Shem, "Mas ligtas siya kung iiwan natin siya dito! Hindi siya hinahabol ni Wacky kaya mas mabuting andito muna siya!" Dagdag pa niya dahilan para wakliin ko ang kamay niya.


"He's not chasing you too, kami lang nila Churchill, Shem stay with Boris and wait for the ambulance." Sambit ko habang pilit na pinupunasan ang dugo sa nook o sa pamamagitan ng sleeve ng demin jacket ko.


"Manahimik ka na nga lang." Sarkastikong sambit ni Shem at bigla na lamang akong inakbayan bilang pag-alalay.


"Your kindness makes me wanna kill you." Napangiwi na lamang ako dahil sa labis na inis. Here's Shem again, about to risk his life for us. Damn these people with hero complex!


Lahat kami, duguan at sugatan. Pilit kaming naglalakad ng mabilis palayo sa sasakyan. Pilit kong nililibot ang paningin upang makahingi ng tulong pero nasa gitna kami ng kawalan at tanging kami lamang ang nasa kalsada, walang ibang nakapaligid sa amin kundi nagtataasang mga kahoy.


"Mira ako 'to! Trace mo 'tong coordinates ng phone gamit ang tracker app! Tumawag ka ng ambulansya bilis, naaksidente kami at walang malay si Boris! Mamaya na ako magpapaliwanag basta!" Natatarantang sambit ni Churchill at matapos nito ay iniwan niya sa gilid ng daan ang cellphone ni Mang Boris.


Sobrang sakit na ng buong katawan ko. Pinipilit kong sumabay sa bilis nila sa paglalakad, pinipilit kong 'wag maging pabigat pero habang tumatagal lalong sumasama ang pakiramdam ko't para na akong bibigay. Pakiramdam ko tuloy nauulit ang nangyari sa amin noon, this time walang skunks pero kasing-tindi parin ng sakit. At this time, Walang Cielo, Wacky, Axel at Raze.


"I-is Wacky okay? Did we hit him?" Hindi ko mapigilang mag-alala.


"Siya ang dahilan ba't tayo naaksidente!" Giit ni Shem.


"But he's still Wacky deep inside! That demon's just using his body!" Giit ko naman.


"Shhh..." Biglang giit ni Churchill kaya natahimik kami.


"M-may police." Nauutal na sambit ni Pip na mahigpit ang kapit sa damit ni Churchill.


Pinakiramdaman ko ang paligid at tama nga sila, may nauulinigan akong sirena ng mga pulis. Nagpatuloy kami sa paglalakad, pinilit naming magmadali hanggang sa tuluyan naming maaninag ang dalawang patrol car.


"Magpahatid tayo sa Cathedral!" Sabi ni Shem kaya dali-dali namin itong sinalubong habang winawagayway ang mga kamay namin.


"Hinto! Tulong!" Panay ang sigawan namin hanggang sa mapagtanto naming hindi lang isa ang patrol car, may isa rin mula sa likuran namin.


Sa isang iglap ay bigla naming natagpuan ang mga sarili namin ng tatlong pulis car. Labis kaming nasilaw dahil sa liwanag mula sa mga sasakyan nila kaya kanya-kanya kami ng takip sa aming mga mata. Magrereklamo sana ako kasi sobrang lakas ng mga sirena nila pero ni hindi ko marinig ang sarili kong boses dahil sa ingay nito.


Napakabilis ng pangyayari kasi bigla na lamang nagsilabasan ang mga pulis at itinutok ang mga baril nila sa amin.


"Wait no! No!" Sigaw ni Churchill at dali-daling itinaas ang kamay niya. Kahit kami nila Shem ay napataas rin ng mga kamay.


"Palapitin niyo ang bata sa amin!" Sigaw ng isa sa mga pulis pero natakot si Pip at yumakap lamang kay Churchill.


"Tulungan niyo kami!" Napababa ako sa mga kamay ko at nilapitan ang isa sa mga pulis pero nagsigawan ang mga pulis na animo'y sinisindak ako, babarilin daw nila ako kung lalapit ako o gagalaw pa. Kahit sina Shem ay nagsigawan rin, dali-dali nila akong pinigilang gumalaw at pinatago sa likuran nila.


"Lalapit ako sa inyo at kukunin ko ang bata. Isang maling galaw at papasabugin ko ang ulo niyo." Pagbabanta ng isa sa mga pulis dahilan para lalo kaming magimbal at mapahagulgol lalo ang takot na takot na si Pip.


"Hindi nila ako kinidnap! Hindi nila ako kinidnap!" Paulit-ulit namang giit ng luhaang si Pip pero hindi siya pinapakinggan ng pulis na humihila sa kanya.


"D-don't hurt him.. Don't hurt him.. " Panay ang pakiusap ko lalo na nang sapilitan na nitong hinihila si Pip palayo kay Church.


"Ang kakapal rin ng mga mukha niyo, kayo pa ang nangidnap, kayo pa 'tong umaarteng nag-aalala!" Sigaw ng isa sa mga pulis at naramdaman ko ang bigla niyang paghila sa akin papalayo kay Shem at Churchill. Hinila mismo ng pulis ang balikat kong napakasakit dahilan para mapahiyaw ako sa labis na sakit.


"Dana! Bitawan niyo siya! Bitawan niyo siya!" Tinangka ni Shem na saklolohan ako pero maging siya'y bigla na lamang hinila ng mga pulis at marahas na pinilipit ang mga kamay hanggang sa tuluyang mapadapa sa sahig.


"Shem!!! Tama na! Tamana na!" Pinipilit kong magpumiglas pero lalo lamang humihigpit ang hawak sakin ng pulis.


"Teka hindi tama 'to! Police brutality! Police brutality!" Paulit-ulit namang protesta ni Churchill habang nakatutok sa kanya ang baril ng isa pa sa mga pulis. Walang magawa si Churchill kundi mapaluhod sabay lagay ng mga kamay sa likuran niya.


"We have rights! You can't do this to us!" Hindi ko naman mapigilang mapasigaw lalo na nang maramdaman ko ang malamig na posas na dumikit sa balat ko.


"This is a violation in the bill of rights! Kakasuhan ko kayo! Kilala namin ang Chief of Police! Mananagot kayo sa inaasal niyo! Magkita tayo sa korte! Magkita kayo ng abogado—" Gamit ang baril, biglang himpas ng pulis ang mukha ni Churchill dahilan para lalo kaming magsigawan nina Shem.



END OF CHAPTER 13!

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

KAHIMANAWARI Par talesofdemi

Mystère / Thriller

1.7M 67.5K 44
When Saru finds out about her twin sister's mysterious suicide, she assumes her sister's identity to uncover the truth. ***** Saru Sumiyaya...
6.1M 204K 110
AlphaBakaTa Trilogy [Book2]: The Return of ABaKaDa (Reviving the Dead) Sulitin ang mga oras na nalalabi sa 'yo. Malay mo, ngayon na pala ang oras mo...
866K 58.5K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...
658K 47K 71
During the spread of the deadliest virus in 2054 Philippines, Santhy Gozon struggles to survive to reach the last quarantine. *** A sixteen-year-old...