Papayong! (One Shot Story)

By Lyfavie

26.8K 551 197

Nasubukan mo na bang makipayong? More

Papayong! (One Shot Story)

26.8K 551 197
By Lyfavie

 "Salamat sa suspended na klase at sa sirang payong ko. Bow."

“Jo…Jo…Jo!”

“Ano??!” inaantok na nayayamot na sagot ko kay Lala. Pikit pa rin ang mga mata ko habang nakasandal ang likod sa malamig na pader. Nakaupo ako sa kama ko. Balot na balot ang buong katawan ko ng comforter. Panlaban sa lamig ng klima ng panahon. Masama ang panahon dahil may bagyo.

“Di ba eight thirty pasok mo?”

“Hah? Anong sabi mo?”nanaginip pa rin talaga ulirat ko. Inaantok pa ako eh. Sarap kaya matulog kapag ang lamig ng panahon. Lalo na rito sa Baguio.

“Sabi ko, di ba eight thirty pasok mo?” mas malakas na nitong ulit.

Hirap na binuksan ko ang mga mata. Malabo pa iyon nung una pero unti-unting naging maliwanag rin kinalaunan. Tumambad sa akin si Lala na may hawak na kape sa kanang kamay at pandesal sa kaliwa. Kumalam sikmura ko ng makita at maamoy ang mga iyon.

“Oy Jo! Natulala ka diyan?” sita ni Lala. Kumagat ito sa pandesal. Nagutom ako lalo.

“Pahinge,” ungot ko rito sabay turo ng pandesal na kinakain nito.

“Yoko nga…” sagot nito sabay kagat ng pandesal na tila nang-iinggit. “Hmmmm…Ang sarap!” exaggerated pa nitong bulalas.

“Damot!” nakaingos na wika ko rito.

Tumawa ito. “Bangon ka na kasi diyan.”

Narinig ko pagtunog ng sikmura ko. Kahit inaantok pa ay umalis na ako sa pagkakaupo sa kama. Dumiretso ako sa table kung saan andun yung pandesal at palaman.

Nasa isang dorm sila ni Lala. Bright Future Dorm to be exact name ng dorm nila. Sa pandalawahan silang room. May sariling kitchen iyon at banyo. Kaya okay na rin. Yun nga lang, hindi iyon purely girls dorm lang. Bale ang first floor ng dorm na iyon ay for business. Second floor naman ay for boys. And third and fourth floors ay para na sa mga girls. Pero bawal ang mga boys umakyat sa teritoryo ng girls. Iisa lang kasi hagdan roon paakyat at laging may nakabantay roon. Kaya gusto mang lumandi ng mga girls, hanggang first and second floor lang landian.

“Jo, ‘kala ko ba may quiz ka?” tanong sa akin ni Lala. Magkatabi kaming magkaupo sa harap ng aming maliit na table.

Tumingin ako rito sabay tango lang. Hindi kasi ako makasagot dahil punong-puno ng pandesal bibig ko. Nginuya ko iyon ng mabilis.

“Kape mo mahal na prinsesa,” ani Lala. Tinimplahan pala nito ako.  Naks naman!

Ang lawak ng ngiti ko habang kinukuha ko iyon.

“Thanks La. Kaya di kita pinagpapalit na bestfriend eh,” bola ko rito. Humigop ako ng kapeng tinimpla nito. Kahit yung three-in-one coffee lang iyon, naappreciate ko effort ni Lala na paghalo nito nun. At least di ba. “Pero anong bad spirit ang sumanib sa iyo at tinimplahan mo ako ngayon ha Lala?” kunot-noong tanong ko rito. First time nito akong timplahan ha.

“Eh kasi naman po, malalate ka na! Eight fifteen na kaya!” sermon ni Lala.

Napamulagat ako sa narinig. Agad ko ring binaba sa table ang hawak na tasa. Mahirap na at baka mabitawan ko iyon. Malapnos pa flawless kong katawan. Chos.

“WHAT!?! EIGHT FIFTEEN NA!?! BAKIT NGAYON MO LANG SINABI?!” halos sumigaw na ako sa pagkataranta. Eight fifteen?! So may fifteen minutes na lang ako para mag-ayos?! What the EF!

Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Lala at mabilis pa sa kidlat na pumunta ako sa lababo at nagtoothbrush. Habang nagtotoohbrush ako ay naririnig ko monologue ni Lala. At ease lang ang bruha dahil sinuspend na ng school nito ang classes nila. Magkaibang school sila ni Lala ng pinag-aaralan.

“Hay naku Jo, kanina ko pa nireremind sa iyo di ba. Yan kasi, nagpuyat-puyat ka sa ka-iistalk ng FB ni labidabs mo,” kantiyaw nito.

Umingos ako sa narinig. “Eyndi khow tya hinistok ahnow!” sagot ko sa pagitan ng mga bula-bula ng toothpaste sa aking bibig.

“Anong hinde! Eh kitang-kita ko kaya. Di mo nga siya friend tapos andun ka sa page niya? Paano ka napunta sa page niya aber?” taas kilay nitong tanong.

Mabilis kong tinapos ang pagtotoohbrush saka pairap na sinagot si Lala.

“Dumaan lang ako dun sa page niya dahil may nakita akong nagcomment na classmate ko na friend niya sa post niya. Nacurious lang ako,” defensive kong tugon.

“Hmmmppp…talaga?”

"Oo nga." True talaga iyon

Maiigi akong pinagmasdan ni Lala. Particularly my eyes. “Jo, umiyak ka ba kagabi?”

“H-ha?” Hindi ko sinalubong tingin ni Lala na pilit hinuhuli ang mga mata ko. “Imagination mo lang iyon! Ikaw talaga Lala, intrigera. Hay naku, magkalove life ka na nga para hindi ako lagi pinapansin mo!” wika ko sabay kuha ng tuwalya at roba ko sabay pasok na sa CR.

“Para namang may love life ka noh!” narinig kong sigaw ni Lala bago ko tuluyang maisara pintuan ng CR.

Pero tama nga si Lala. Medyo umiyak nga ako kagabi. Slight lang. Ang dahilan? Dahil sa takteng crush ko na iyon!

Imagine niyo, nabasa ko sa wall niya na tinamaan na raw ni kupido puso niya.

Nakita ko na SIYA. At last. Cupid hit my heart big time. Bullseye!

Yan status niya kagabi.

Na iniyakan ko. Slight.

OA na kung OA. But masakit iyon mabasa sa wall ng crush mo ha.

Sino ba yung SIYA na yun? Sana malasin araw nito! Nakakainis. Inagaw nito si crush. Argghhh! Bitter lang ako. Pagpasensiyahan niyo na.

Pero dahil sa post na iyon, hindi tuloy ako nakaconcentrate sa pagrereview kagabi. Kaya kasalanan ni crush kapag bumagsak ako sa quiz mamaya.

Speaking of quiz… Shete! Malalate na nga pala ako!

Dali-daling naligo ako. Singlamig ng ice pa iyong tubig dahil wala na akong time gumamit ng heater. Gising na gising tuloy lahat ng dugo ko sa katawan.

Paglabas ay agad akong nagpalit. Parang pang record holder na ako sa Guiness sa bilis kong naligo at nagpalit.

“Babu bruha!” paalam ko kay Lala.

“Yung payong mo!” paalala ni Lala sa akin. Inabot nito yung payong kong pinatong ko kanina sa may kama ko.

“Ay oo nga. Thanks girl,” sabi ko rito ng makuha ko na yung payong ko. “Babu na talaga!”

“Babayu! At Jo, good luck sa quiz! Sana makita mo crush mo,” ganti nitong tugon.

Lumabas na ako ng room. Pag labas ko pa lang ay halos liparin na ako sa lakas ng hangin. Sa may bandang veranda area kasi yung kinaroroonan ng room namin ni Lala. Open iyong veranda at may harang lang. Kitang-kita roon ang kabuuan ng Baguio. Wala ngang halos makita ngayon dahil foggy.

Naglakad ako saglit at lumiko then bumaba ng hagdan. Nagmamadali mga hakbang ko. Pagdating ko ng first floor, napahinto ako bigla ng nasa may gate na ako ng labasan.

Napacheck ako sa cellphone ko. Wala namang message. So may pasok talaga kami!?

“Wow! Grabe lang. Kaliligo ko lang pero parang maliligo ulit ako ha,” usal ko habang minamasdan yung hangin at ulan sa labas. Susuungin ko iyon dahil five minutes walking distance lang yung school namin from dorm. Alangan naman magtaxi pa ako papunta roon? Over.

For the second time, chineck ko ulit yung cellphone ko. Hoping for a miracle. Miracle na kahit this time lang ay nagsuspend din sa wakas ang school namin.

Pero wala. Nega pa rin. Walang nagtext na, uy suspended na classes! Waley.

Napabuntong-hininga ako.

Nakakainis talaga school namin. Badtrip! Nagdeclare na lahat ng other schools, pero kami, may pasok pa rin! Wow talaga! Ano kaming mga estudyante roon, waterproof? Hindi nababasa?

Pinag-iisipan ko tuloy kung papasok pa ba ako o hindi na. Kaya lang, may quiz kami. Major quiz iyon at hindi pwedeng absentan. Hindi kasi nagbibigay ng special quiz yung Prof namin sa subject na iyon eh.

No choice.

Tuluyan na akong lumabas ng gate hawak  ang sandatang payong at kipkip ang bag na binalot ko ng plastic. Yung maganda-gandang plastic pinambalot ko run. Para di naman dyahe.

Hindi pa ako nakakalayo ng dorm ay nililipad na yung payong ko. Pagdating ko sa gate ng school, para akong basing-sisiw . Basa lahat. Mula ulo hanggang sapatos. Nagpayong pa ako sa lagay na iyon. Finold ko ang kaawa-awang payong ko at kumaripas ng takbo paakyat ng building namin.

Mygod! Bakit ba ang daming hagdan sa school na ito? Reklamo ko habang tinatakbo ang pagkadami-daming mga hagdan.

Nang makarating ako sa labas ng classroom namin ay hingal kabayo na ako. Naligo na ako, nag-exercise pa. Galing ano? Iyan ang tunay na estudyante. Chorva.

Bubuksan ko na sana doorknob ng biglang bumukas iyon. Palabas mga classmates ko.

Huh? Ba’t lumalabas na sila? Tapos na yung quiz?!

“Tapos na quiz?” naguguluhang tanong ko sa isa kong classmate.

“Ikaw pala Joanna. Nagtext ako sa iyong wala ng pasok ah. Suspended na,” informed nito.

“A-ano? Eh-“

Nalilitong nilabas ko nga ang cellphone at nakita nga text nito.

Sheeeeeeeet! Ba’t ang late nito magtext?! Bakeeeeeeet?!

Dalawang beses kong chineck kanina kaya before ako umalis kung may text. Asar naman.

“Uhm…salamat. Late ko ng nabasa eh,” pilit ang ngiting reply ko.

“Ganun ba… Sige mauna na kami Jo ha. Sa Wednesday na lang pala yung quiz sabi sa text ni Ma’am.”

Parang pinagsakluban ng langit na naglakad na rin ako paalis. Di na ako pumasok man lang sa loob ng classroom. Nakakagigil lang talaga na sinuong ko ang hangin at ulan sa labas and in the end ay wala rin lang akong napala.

Nasa harap na ulit ako ng main gate ng school. Maraming mga tulad kong estudyante na andoroon upang magsiuwian na. Kaasar talaga yung late suspension ng classes. Ang daming perhuwisyo nito sa amin ha.

Halos siksikan sa gate dahil yung iba walang masakyan. Punuan ang mga jeep at mga taxi. Laking pasalamat ko nga at walking distance lang pabalik ng dorm.

Kahit malakas pa rin ang ulan at hangin, muli kong binuksan ang aking kaawa-awang payong. At least buhay pa rin ito. Sinuong ko ulit ang bagyo.

Siguro ay nakakasampung hakbang pa lang ako from maingate ng bumaliktad yung payong ko. Sinikap ko iyong ayusin pero ayaw talaga.

Literally na naliligo ako sa ulan sa kasalukuyan.

Waaaaaaaah! Leche flan talaga!

Nahagip ng mata ko ang isang malaking payong. Kasya yata roon kahit tatlong tao.

Tinakbo ko yung kinaroroonan nun.  Di naman siguro madamot gaya ni Lala ang may-ari ng payong na iyon ano. Iisa lang naman siguro ang daan na patutunguhan namin. Sana lang ay mas malayo yung pupuntahan nito kaysa yung dorm namin.

“Papayong!” kapal muks na sabi ko sa may hawak ng payong.

Makapal na ang mukha kung makapal. Pero at times of emergency situation like this, wala ng hiya hiyang dapat pairalin. Minsan, maganda rin na hasain ang mukha.

Finold ko yung kaawa-awa kong payong. Ang mahal pa ng bili ko ng payong na ito pero nasira rin lang.

“Sorry nakipayong ako ng walang pasabi ha,” sabi ko sa katabi kong nagmamay-ari ng payong na trinesspass ko. Ang atensyon ko pa rin ay nasa aking payong na nadeds na.

“Okay lang. Isa pa, pareho lang naman pupuntahan natin.”

Parang nabrain freeze ako at tanging ang puso ko lang ang nagfufunction the moment na marinig ko ang boses ni umbrella guy.

Boses ni crush ko!

Ohmeyged!

Tila ba magic na hindi ko na maramdaman ang lamig. Hindi ko na alintana ang ulan. Pati rin ang napakalas na hangin, wala na iyong epekto sa akin.

Ang tanging paulit-ulit na nagsusumigaw lang sa sistema ko at nagreregister sa utak ko ay ang current situation ko, na: kasama ko sa iisang payong si crush!

Katabi ko si crush!

Kapayong ko!

Sa iisang payong!

Kiligness overload talaga ang drama ko.

Ang bango-bango kasi niya. Hay. Hindi ko akalain na makakatabi ko si crush. Dati hanggang tingin lang ako sa kanya. Never ko pa nga siyang nakausap eh. Di kaya kami nagpapansinan dati. Tapos, parang kagabi lang iniiyakan ko siya. Ngayon eh katabi ko na siya, kapayong pa. Wow! Ito na ba ang pakunsuwelo ni God dahil sa mga kamalasang nangyari ngayong araw na ito sa akin? Kung ito nga iyon eh, wow talaga! Aprub na aprub ako!

“Basang-basa ka na ah. Baka magkasakit ka,” puna nito ng dumako tingin nito sa kabuuan ko. Nahimigan ko ang concern sa boses nito.

“O-oo nga eh. Kasi naman, late nilang sinuspend yung klase,” ingos ko.

“Yan ang problema sa school natin. Sobrang late magsuspend ng classes,” pumapalatak nitong wika.

Right. But this time, naappreciate kong late na nagsuspend ng klase ang school. Naappreciate ko ang pag-ulan ng malakas. Naappreciate ko ang malakas na hangin. Naappreciate ko ang pagkasira ng payong ko. It may sound silly, pero parang naliwanagan ako bigla at naappreciate ko lahat ng negative things na nangyari sa akin today. Hindi na nga sila nega sa pananaw ko eh.

Kilig!

“Ay, puchaaaaaaaaaaaaa-------“

“Ingat ka!”

Narinig ko na lang yung malakas na sigaw ni crush sa akin. Then naramdaman ko yung mga kamay nito sa bewang ko. Tapos niyakap nito ako papalapit dito. After that ay naramdaman ko rin ang malakas na buhos ng ulan sa aking katawan.

Nakita ko yung payong sa ni crush na nakahandusay sa tabi. Dun ko narealized, binitawan ni crush yung payong para lang isave ako.

Ilang sandali rin kaming magkayakap. Basa sa ulan. At ang lapit namin sa isa’t isa.

Nagririgodon na naman ang puso ko. Lalo ko kasing nalanghap yung pabango nito. Kahit nabasa na rin ito ng ulan ay hindi pa rin iyon nawawala.

Ako na unang kumalas sa pagkakayakap namin.

“Sorry… pati tuloy ikaw nabasa,” paumanhin ko. Naguilty ako kasi nabasa na itong katulad kong from top to bottom na nagshower sa rain.

Ang clumsy ko kasi eh. No. Hindi pala clumsy. Busy kasi yung utak ko kay crush. Kaya hayun, muntik na akong madulas. Buti na lang at maagap si crush. May bonus pang yakap.

“Okay ka lang?” tanong nito instead habang pinupulot ang payong na sinantabi nito para lang iligtas ako. Pinayungan niya ulit ako. Though di ko lam kung may silbi pa iyon dahil pareho na kaming basa. 

“Okay lang. Salamat nga pala.”

“Wala iyon. Basta ikaw,” nakangiti nitong sagot na lalong nagpaguwapo sa guwapo na nitong mukha.

Napangiti na rin ako dahil nakakahawa yung ngiti nito.

“Andito na tayo…” maya-maya ay announced nito.

Nagulat ako. Parang ang bilis naman. Nasa dorm na kami? Agad agad?

Pagtingin ko nga ay nasa gate na kami ng building ng dorm. Ngayon ko lang napagtanto na ilang hakbang na lang pala mula sa dorm yung spot kung saan muntik na akong madulas.

Proven na hindi lang pala busy utak at puso ko kay crush. Busy rin pala paningin ko sa kanya.

Pumasok na kami sa loob.

“Thanks ulit ha,” wika ko rito habang sabay kaming umaakyat. Yup. Magkadorm kami ni crush.

“Next time, pag nasira payong mo, papayungan ulit kita,” alok na biro nito.

Kinilig naman ako ng bonggang-bongga sa narinig.

“Sige ba!” payag ko naman. Alangan namang hindi sabihin ko?           

Nakarating na kami ng second floor. Floor ng mga boys.

“Bye Joanna!”

“Bye!”

Then nagturn na ito at pumunta sa hallway nito. Ako namay ay parang nasa alapaap pa rin na umakyat sa floor namin. Sa third floor naman floor namin ni Lala.

Pagbukas ko ng pintuan ng room namin ni Lala ay napansin kaagad ako ni Lala.

“Jo, basang-basa ka!” hindik nitong wika.

“Oo nga eh,” nakangiting sagot ko.

Inalis ko ang sapin sa paa at pinalitan ng pambahay na tsinelas.

“Hmmm…Parang may nagbago sa iyo,” wika ni Lala habang iniinspect ako.

Di ko naman ito pinansin at masayang naghumhum pa ako habang kumukuha ng bagong pamalit at yung tuwalya ko.

“Meron talaga eh…” naririnig ko paring komento ni Lala.

“Imagination mo lang iyon,” ani ko rito sabay pasok na sa CR.

Paglabas ko ay boses kaagad ni Lala sumalubong sa akin. Inabangan yata ako sa paglabas ng bruha.

“Share mo na Jooooooooo! Alam kong may nangyaring maganda sa iyo. Nag-gloglow ka eh. Nakakasilaw nga,” wika nito sabay akto na parang nasisilaw.

Sinampay ko muna yung tuwalya sa hanger saka excited na pumaibabaw sa kama ko at nag-squat. Niyakap ko ang unan ko. Nasa kama naman nito si Lala. Oppposite ng kama ko.

Nilabas ko na ang kilig na kanina pa sinusurpressed at pinangigilan ang unang yakap.

 “Lalaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! Nakasama ko si crushhhhhhhhhh!”         

“Si crush? As in yung crush mo diyan sa baba? Yung inistalk mo sa Fb?” sunod-sunod na tanong ni Lala.

“Yup! Yup! No!” sagot ko. “Hindi ko nga siya iniistalk. Nagkataon lang yung kagabi,” depensa ko.

“Yeah right,” labas sa ilong na wika ni Lala. “Pero teka, paano mo siya nakasama?” puno ng kuryosdida nitong tanong.

Kinuwento ko kay Lala ang mga nangyari. Lahat-lahat.

“Sinadya mo magpadulas eh,” tukso nito sa akin. “Amininnnnnnnn!”

“Grabe ka ha. Hindi kaya. Nagkataon lang talaga yung nangyari,” sagot ko.

Tumawa si Lala. “Pero bru, ang suwerte mo ha. Kagabi lang iiyak iyak ka. Don’t deny it. Rinig kaya kita kagabi.”

Di na lang ako umimik.

“Hindi ka magsalita diyan. Hay, makabili lang ako kina Tita diyan sa baba ng merienda natin. Nagutom ako sa mga kinuwento mo,” sabi ni Lala. "Pabili ka?"

“Oo. Coke at burger sa akin ha,” bilin ko rito "Thanks!"

“Noted.”

Umalis na si Lala, naiwan akong mag-isa.

Naalala ko sinabi ni Lala tungkol sa pag-iyak ko. Naalala ko rin bigla yung dahilan nun.

Yung post ni crush.

Binalot ng lungkot yung kanina ay sayang nararamdaman ko.

Kinuha ko ang laptop at ini-on iyon. Diretso ako kaagad sa facebook. Log-in. Then sa post ni crush kagabi. Andun pa rin iyon. Yun pa rin ang post nitong nasa top ng page nito kaya kitang-kita.

Nakita ko na SIYA. At last. Cupid hit my heart big time. Bullseye!

Binasa ko pa ulit for the nth time. Masokista lang. As if kapag binasa ko ng paulit-ulit may magbabago pa roon.

Sa kakabasa ko tuloy ay nanumbalik yung sakit na naramdaman ko kagabi.

Medyo nanunubig na mga mata ko kaya umalis ako sa page ni crush. Clinick ko yung Home.

Nagplay sa utak ko yung mga pangyayari kanina. Siguro nga ay pakunswelo de bobo ni Lord yung limited naming pagkakasama ni crush. Baka naawa si Lord sa akin kaya pinagbigyan akong makasama si crush kahit panandalian lang.

Nagrefresh sa utak ko mga usapan namin. Kahit sandali lang at maiikli mga iyon, tumatak talaga sa akin. Memorized pa nga ng puso ko ang mga sandaling encounter at conversations namin ni crush. Alalang-alala ko. 

“Okay lang. Isa pa, pareho lang naman pupuntahan natin.”

“Basang-basa ka na ah. Baka magkasakit ka.”

“Yan ang problema sa school natin. Sobrang late magsuspend ng classes.”

“Ingat ka!”

“Okay ka lang?”

“Wala iyon. Basta ikaw.”

“Andito na tayo…”

“Next time, pag nasira payong mo, papayungan ulit kita.”

“Bye Joanna!”

Bye Joanna?

Napakunot-noo ako sa huling naalala. Tama ba pagkaalala ko? Sinabi niyang Joanna?

Kung sakaling tama, paano niya nalaman pangalan ko?

Naguguluhang napaisip ako. Baka nga mali lang pagkakaalala ko.

Ayokong mag-assume ng kahit ano kaya pinalis ko ang anumang ideyang pilit nagsusumiksik sa isipan ko.

Instead, muli kong sinearch sa search bar ng FB ang name niya. Di rin lang ako nakatiis.

MARK ALEXANDER CERVANTEZ

Lumabas name niya at clinick ko iyon.

Agad kong napansin na may nagbago sa wall nito.

May bago siyang post?

Nacurious tuloy ako. Shet! Nagiging stalker na nga yata ako gaya ng sabi ni Lala.

Kiber!

Binasa ko yung bagong post ni crush.

And halos mapamulagat ako sa nabasa ko. Ang speed rate ng puso ko, lampas na sa standard na speed rate.

MARK ALEXANDER CERVANTEZ

2 minutes ago via Samsung mobile

Guess what? Nakipayong SIYA sa akin. That made my day. :)

Tumili ako ng pagkalakas-lakas dahil sa nabasa!

"Nakipayong SIYA sa akin."

...SIYA

...SIYA

Paulit -ulit iyong pumapainlanglang sa isip ko. Repeat mode ba.

OMG! Ohmeyged!!!

Imagine nyo ang kiti-kiting kinikilig... ganun ako! Kulang na lang ibato ko lahat ng mga nakapalibot sa akin na tulad ng isang confetti. Buti na lang at nasa right mind pa rin pala ako at di ko pinagtatapon mga bagay na nakapaligid sa akin. Kundi, lagot ako kay Lala. Clean freak yun eh.

Naudlot ligaya ko ng may magpop sa isip.

Pero teka... AKO ba si SIYA?! 

Napakunot-noo ako.

Alangan namang may iba pa siyang pinayungan before ako?

Dahil nega akong tao, tumimo ang rasong naisip sa utak ko. 

Jusko! Baka hindi nga ako?! Baka assuming lang ako? Huhuhu

Pinakatitigan ko ang monitor ng laptop.

"Nakipayong SIYA sa akin."

...SIYA

...SIYA

AKO ba si SIYA?! 

All of a sudden, may nag-appear na notification sa upper left ng facebook ko.

May friend request ako.

Clinick ko iyon tapos nag-appear yung mga pending friend requests sa akin at yung nasa pinakatop ay yung latest na nagrerequest ng acceptance. Nagulat ako ng mabasa na si crush ang nagrerequest.

MARK ALEXANDER CERVANTEZ                      CONFRIM       NOT NOW

Alam talaga niya name ko?!  gulat na tanong ko.

Syempre, CONFIRM.

Halo-halo ang nararamdamang ki-nonfirm ko ang request nito. Kaba. Gulat. Katanungan. At higit sa lahat... Kilig.

Pagkaconfirm ko ay may nagmessage agad sa akin.

Si crush Mark.

-----------------------------------------------

MARK ALEXANDER CERVANTEZ

Hi :) Thanks for the add.

 -----------------------------------------------

Nagreply ako. Lakas loob kong tinanong isa sa mga katanungang gumugulo sa isip ko.

 -----------------------------------------------

JOANNA MAE SANCHEZ

Hello! ^^ No prob. Di ko lam na alam mo pala name ko.

 -----------------------------------------------

-----------------------------------------------

MARK ALEXANDER CERVANTEZ

I know you. Remember nung acquiantance party ng dorm? Isa-isang nagpakilala lahat.

 -----------------------------------------------

Waaaaaaa! So, tumatak din pala ako sa isip niya noon pa lang?!

Nagtype ako ng reply ko.

  -----------------------------------------------

JOANNA MAE SANCHEZ

Ganun ba. Hehe.. 

Uhmmm... salamat ulit sa pagpayong sa akin ha. :)

 -----------------------------------------------

-----------------------------------------------

MARK ALEXANDER CERVANTEZ

As your service, always. Your umbrella man. 

 -----------------------------------------------

Wala na ako masabi! Ano ba dapat kong sabihin? Tanungin? 

Ah, yung post nito!

  -----------------------------------------------

JOANNA MAE SANCHEZ

Ako ba yung tinutukoy mong SIYA na nakipayong sa post mo?

 -----------------------------------------------

Then sinend ko.

Huli na ng maisip kong, parang ang kapal ng mukha ko sa tanong ko.!

Paano kapag hindi pala ako si SIYA?!

GAWD!?! Wala na akong mukhang maihaharap dito. 

Ang lamig ng mga kamay kong naghintay ng reply nito. Wala na akong ibang pwedeng gawin kundi maghintay.

Ilang sandali bago ito nagstart magreply. Kasi di ba sa private message conversations sa Facebook, makikita mo kung nagtatype na yung kausap mo.

Pero nakikita ko lang eh typing... then wala ulit... typing.... then wala na naman.

Hanggang sa...

-----------------------------------------------

MARK ALEXANDER CERVANTEZ

Oo... Ikaw...

 -----------------------------------------------

>>>>>END<<<<<

 =============================================

A/N:  Bitin ba? Hahaha... I leave in your creative minds susunod na mangyayari. :)

Nabuo ang story na ito dahil kay bagyong Maring at sa habagat. Whew!

Anong comment niyo? hihi... exercise your right to vote! chos.

Anyways, salamat sa pagbabasa. ^^

P.S. I edited some portions. Dinagdagan ko rin... Wahaha.. kasi sabi niyo bitin.. hahaha

Continue Reading

You'll Also Like

134M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
84.5K 2.4K 62
This story was all about the obsession of Miss Amora Ellie Jimenez to the girl she have taken.
110K 5.2K 93
When boredom struck, Aila found herself messaging the popular Facebook page. Meanwhile, an admin decided to open it and to send replies to her series...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...