If we fall in-luv

Por SirIncredible

26K 61 1

"The most important subject that you need to learn in life is to learn how to love" - Pope Francis Más

Introduction
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59

CHAPTER 50

513 0 0
Por SirIncredible

Kabanata ng Mabigat na Loob (Chapter of Depression).

Higit pa sa nabagsakan ng hollow blocks sa bunbunan... higit pa sa nasunog na mukha dahil sa paggamit ng halu-halong astringent... higit pa sa pagkatusok sa karayom habang nagtatahi ng sirang karsonsilyo... higit pa sa pagkabunot ng ngipin na mali naman kaya kailangan muling itanim at lagyan ng anesthesia upang tanggalin ang tunay na bulok na bagang...higit pa sa pagkakaroon ng matitinding gasgas pagkatapos mabangga ng tricycle ang sinasakyang motorsiklo... maging ang sobra-sobrang pagpisil habang nanunuod ng porn...  A... Ano daw?!?

Wala nang iba pang sasakit pa sa pagkabunyag ng katotohanang... NILOKO KA! NILOKO KA LANG NIYA! Ito ang mga paulit-ulit na sumasagi sa isipan ni Janice ngayon. Masakit... sobrang sakit... walang kasing sakit.

Matagal na nagkulong sa kanyang kuwarto si Janice pagkatapos ng interview nila ni Rubie sa taga-squatter. Lahat ng luha ay ibinuhos niya. Kulang na lang ay pumunta siya sa tapat ng La Mesa Dam para punuin ng tubig ang natutuyot na reservoir. Sinara niya ang bintana upang walang makakita sa kanyang pag-iyak. Maging ang lola at pinsan ay alalang-alala sa nangyayari sa kanilang kapuso. Paulit-ulit na sinusuntok ni Janice ang kanyang unan... umiiyak. Ang ilang mga awards at medals na nakuha sa kanyang pagiging journalist ay kanya ring pinaghahagis... umiiyak. Ang mga librong kanyang binabasa noong nag-aaral pa ay pinagtatadyakan at nilapirot pa... umiiyak. Pati ang mga sulat at sobreng natanggap na personal na ibinigay ni Lawrence sa kanya ay pinagpupunit isa-isa... umiiyak. Ang mga inipong bulaklak na rosas na ibinigay rin sa kanya ay kanyang sinira at ang vase na babasagin ay hinagis sa kanyang ilawan sa kisame... umiiyak.

"Anak... Tama na!!!", umiiyak na banggit ng lola sa labas ng pintuang nakasara

"Ate Jans! Buksan mo ito... kausapin mo kami ni Lola!", malungkot na sambit ni Leo na inaalalayan ang kinakabahang matanda

Walang ibang naririnig ang dalawa mula sa labas ng kuwarto kundi mga ungol at hagulgol mula sa babae. Mahirap ipaliwanag. Mahirap na malaman na ang inasahan mong pag-ibig ay wala pala... at hindi na posibleng mangyari.

 Madilim ang buong kuwarto ni Janice kung saan mas maiging wala siyang makita at hindi niya makikita ang mga bagay na nagpapaalala sa kanya sa larong inihandog sa kanya ni Lawrence. Sa patuloy na pagluha ng journalist ay nagbabalik tanaw sa kanya ang mga pangyayari sa kanyang buhay-pag-ibig:

Grade3... Grade 6... High School... College... First Boyfriend na sumama sa kapwa lalaki... si Rhino... si Julius... at ngayon ang panloloko ng LVC Delivery Boy...

Iniisip tuloy ngayon ni Janice na malas siya sa pag-ibig. Malas ang isang kagaya niyang ulila sa ama at ina. Malas ang kagaya niyang broadcast journalist. Wala nang ibang pwedeng maging titulo ng kanyang buhay kung isusulat niya para kay Ma'am Charo kundi... 'Malas'. Gusto na niya tuloy ngayon ang tapusin ang kanyang buhay para hindi na siya makaranas pa ng mas marami pang kamalasan.

"Huwag Anak!!!Huwag mo namang gawin ito parang awa mo naaaah...", umiiyak nabanggit ng lola sa labas ng pintuang nakasara, "Nandito kami ni Leo na mas minamahal ka! na hindi ka sasaktan... na hindi ka kayang mawalaaaaaah..."

"Lola... ang puso po ninyo...", sambit ni Leo habang karga ang lola at pinapaypayan

Mamaya ay hihinto ang ingay sa loob ng kuwarto at makakarinig ng tinig ng babae, "Lola...Leo... Maaari niyo bang iwan muna ako rito... Nakikiusap ako... Gusto ko lang mapag-isa... Yung walang nanggugulo sa moment ko...please..."

Biglang magiging kalmado ang dalawa sa labas at mag-uusap. "Ayun naman pala eh! Ang dami pa nating drama rito Leo tara na nga sa baba at gusto ko na ring matulog", ani lola

"Sige! Ate! Text text na lang ah! Ingat ka diyan... Love you!", masayang banggit ni Leo na sasamahang bumaba ng hagdan ang matanda

"Anak!!! Good Night and Sweet Dreams! JAPAN!", sambit ng matanda at kakausapin ang binata, "Haay naku! Ang ate mo talaga kahit kailan OA!"



SANA'Y PAG-IBIG NA LANG ANG ISIPIN

NG BAWAT ISA SA MUNDO

SANA'Y PAG-IBIG NA LANG ANG ISIPIN

SANA'Y MAGKATOTOO

SANA'Y LAGING MAGBIGAYAN

SANA'Y LAGING MAGMAHALAN

Sa loob ng Broadsheet Area ay pinapatugtog ang OPM classic na 'Sana'. Ang kantang lalo pang nagbibigay ng magaang pakiramdam sa pagtatrabaho ng mga staff...kantang paboritong kantahin ni Emil sa kanyang nililigawang newscaster... kantang nagpapakilig sa ibang writers habang binabasa ang Valentines' day article tungkol sa lovelife and wedding ng kanilang Manager... kantang inaawit ni Vince sa mga videoke para kay Rhyna na laging 99 ang score... kantang dapat na huling sulat ni Lawrence para kay Janice.

"Sis... grabe ang headline sa International Media oh! Patayan sa Magazine Editorial Board na laging nagpa-publish ng comic strip sa pagbibiro lamang sa mga Muslim. Ayun! Inatake tuloy ng mga hindi pa kilalang terorista sa Paris... shocks!", banggit ni Rubie habang hawak ang isang diyaryo na nakaakbay sa nakatalikod at nakayuko sa silyang kaibigan," On a lighter note... Ang saya ng mga pictures sa bonggang wedding ni Manager at wife oh!"

Mapapansin ni Rubie na hindi kumikibo ang kinakausap hanggang sa yugyugin pa ito at iikot. Haharap sa kanya ang nangangalumatang si Janice, "Yes... Sis..."

"Huwaaah!",gulat na banggit ni Rubie, "Anong meron Sis? Masakit pa rin ba?!"

Unti-unting luluha ang kausap at magsasalita, "Oo... sobrang sak....keeeet...hu hu!"

"Ayan tayo eh! Babalik na naman tayo sa dati na sobra kang depressed na halos araw-araw... oras-oras... minu-minuto... malungkot ka! Sis... nandito naman kaming mga nagmamahal sa'yo eh! Si Manager... special friend natin yun!", dagdag ni Rubie

"Sana pag-ibig nalang ang isipin...", nakatulalang sambit ni Janice na may parating na isa pang staff sa cubicle, "Ang hirap matanggap na tuluyan na akong kinalimutan ni Julius!"

"Kaya nga eh...Julius is just a name... a clue! Kaming lahat dito... we are all true!"

"Hu hu!",iyak ni Janice ng may pagsinga, "Gusto kong isipin na parang panaginip lang ang lahat... ang pagbibigay-bigay sa akin ng sulat ng delivery man na yun! gusto kong kalimutan lahat ng miserableng nangyari sa buhay ko Sis pero... masakit! Masakit..."

"That Delivery man... Wala naman siya sigurong intensiyong gawin kang tanga, well siguro eh gusto ka lang niyang maging okay ulit di ba? He's cute din naman eh..."

"Eeeeh! Kasalanan niya pa rin! Bakit hindi na lang siya mismo ang gumawa ng paraan para mas maging maligaya ako??? Yung nagpakatotoo na lang sana siya!",sambit ni Janice at may staff na iistorbo upang magbigay ng FlashDrive na kulay gray sa kanya, "Okay!"

"Para saan daw?",tanong ni Rubie pagkatapos makita ang pagpasa

"Yung mga articles and stories sa mga media killings... sa akin ipinapa-edit ni Managing Editor... Hu hu hu! Sis... Ayoko na ngang ma-in love para di ako masaktan!"

"Hindi ganun Sis... ang maganda diyan, hayaan mong si Lawrence ang magkusa na ipaliwanag kung bakit niya ginawa yun sa iyo okay? Tama na yung puro iyak!", banggit ni Rubie na ilalatag ang diyaryo sa mesa niJanice at aalis, "Okay na Sis! I'll go na rin..."

 "Sige...",malungkot na sagot ni Janice.

 Dahil parehong pareho ang itsura,aakalain ni Janice na kanyang USB ang nasa desk kaya't lalagyan niya ito ng stick note tag at hahayaan sa gilid ng monitor.











Gabi nang yayain ni Trumpet ang kaibigan na makipagbonding muli sa kanilang mga kinakatagpong babae sa isang maingay at madilim na bar sa Malate.Mabigat man ang nararamdaman ay pinilit ni Lawrence na makipagkita sa kanila. Hindi pa rin niya lubos maisip na sa lahat ng taong sasaktan niya ng ganun ay ang taong mahal na mahal pa niya.

CHEEEEEERS!

"Hooh! Matagal-tagal na rin natin itong hindi nagagawa Tol! Ibang klase talaga!", magiliw na sambit ni Trumpet habang may kolehiyalang kaakbay sa upuan

"Let's enjoy the night babe!", sabi ng kolehiyala at sisipsipin ang labi ni Trumpet na binasa ng Compañero Brandy

Iinom din ng alak si Lawrence sa upuan habang nanunuod sa mga nagsasayawang katauhan. Biglang may darating na naka-sando at maikling shorts na babae,"Lawrence!!!"

"Oh...Kumusta?",malungkot na bungad ni Lawrence sa babae at patuloy sa pagkatulala

"Eto Bae...Na-miss ka!", may landing sabi ni Sydney na nakaharap na sa sakay sa nakaupo at papapakin ng halik ang buong pagmumukha ni Lawrence. Didilaan din ni Sydney ang leeg ng lalaki hanggang makapunta sa labi at mapapansing walang reaksiyon ang matamlay na boyfriend. Hihinto ang babae.

"Bae... may problema ba tayo?!"

"A... ako? Baka ikaw...", maangas na banggit ni Lawrence

"Ha??? Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ka naman ganyan dati ah..."

Iaalis ni Lawrence ang babaeng nakapatong at sisigawan, "Syd! Tama na... Huwag mo na akong pagtiyagaan! Tarantado ako! Gago! Manloloko! Sira ulo! Walang kuwenta! Putang Ina ko! Masama akong tao Syd... Sasaktan lang kita kagaya ng ginawa ko kay Ja...nice!!!"

"Ja? Janice??? May iba ka na ba?", pagtatakang sabi ng babae at mapapaiyak sa humahagulgol na lalaki, "I hate you!!! Let's call it off Lawrence!!!"

"Umalis ka!!!Umalis kayong lahat dito!!! Hu hu hu!", galit na banggit ni Lawrence na pipigilan sana ni Trumpet mula sa gilid ngunit ihahagis ni Lawrence ang mga baso ng beer sa mesa at babasagin pati ang mga lamesa. Makikita ito ng lahat at palalayasin siya ng mga nakadestinong bouncer.

AHHHHHHHHHHHHH!

Ang pasa sa mukha dulot ng suntukan nila ni Tado ay nadagdagan pa ng mga sugat sa kamao dulot ng mga nabasag na kasangkapan sa bar. Umiiyak na dumiretso mag-isa si Lawrence sa malapit na simbahang kinalakihan niya upang mangumpisal ngunit bago pa man makalapit ay mapapansin siya ng tatlong binatilyong snatcher sa gilid. Dahil tulala at hinang hina, hindi na nagpumigil si Lawrence sa pagdukot ng kaniyang wallet sa bulsa...bubuksan ng isang binatilyo at kukunin lahat ng lamang pera. Itatapon nito sa mukha ng may-ari ang wallet at tatakbo kasunod ng dalawa pang kumuha naman ng cellphone at suot na relos. Ilang saglit pa'y bubuhos ang malakas na ulan at mapapaluhod sa daanan ang naghihinagpis. Sinuntok-suntok nito ang sarili hanggang hugasan ng ulan ang mga luha sa kanyang mukha.

AHHHHHHHHHHHHH!

Seguir leyendo

También te gustarán

40.8M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...