If we fall in-luv

By SirIncredible

26K 61 1

"The most important subject that you need to learn in life is to learn how to love" - Pope Francis More

Introduction
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59

CHAPTER 49

365 0 0
By SirIncredible



Maagang lumabas si Lawrence sa trabaho pagkatapos payagan ni Madam NJ upang makapagpahinga para sa gaganaping photo shoot ng flyers ng LVC sa gabi. Dahil dito, napag-isipan ni Lawrence na dumiretso sa Dangwa upang bumili ng isang pulang rosas at pagkauwi sa kanilang bahay sa squatter ay nagpalit ng damit at dumiretso sa kanyang kuwartong tulugan. 





Naroroon ang lamesang kahoy na may mga papel at pansulat na Lettering Guides. Mula sa ilalim ng kanyang higaan ay kukunin niya ang alkansiyang puro papel na salapi ang laman at babasagin. Aayusin niya 'by colors' ang mga papel habang nakatalikod sa pinto at bibilangin hanggang sa abutan siya ng isang lalaking nasa kuwarenta anyos. Pagkatapos ubusin ang isang stick ng Marlboro ay dahan-dahang pupuntahan ng lalaki si Lawrence at dudukutin mula sa likuran ang nasa kamay niya.

"Wow! Ang dami naman nito... Salamat bayaw ah!", banggit ng lalaki na amoy usok ang hininga at hawak-hawak ang mga pera

"Kuya Tado... akin na 'yan!", sabi ni Lawrence at susubukang agawin ang mga ninakaw

"Aba... aba...aba! Bakit? Lalaban ka? Ha!", pandidilat ng matang banggit ni Tado, "Parang hihingi lang eh..."

Kukunin ng istorbong lalaki ang dalawang limandaan at sampung isandaang piso at ibubulsa. Iiwan niya ang isang singkwentang papel at itatapon sa pagmumukha ng may-ari.

"Oh! Kawawa ka naman eh..."

"Lintek! Sumusobra ka na ah...", galit na sabi ni Lawrence at susuntukin sa mukha ang kausap. Gaganti ang lalaki sa kanya hanggang lahat ng mga gamit sa paligid at kama ay magkagulu-gulo.



NAMIMIHASA KA!PUNUNG-PUNO NA AKO SA'YO!

Maririnig sa labasan ang ingay ng sagupaan hanggang dumating ang nanay galing sa sugalan upang mag-rescue. Susundan ito ng panganay na kapatid ni Lawrence.

"Huuuy! Tama na!!!Tama na!!!!", napapaiyak na sambit ng nanay ni Lawrence at mapapatigil ang parehong duguan na lalaki, "Ano ba! Nakakahiya sa mga kapitbahay!"

"Heto kasing si Lawrence nay!", banggit ni Tado na may tatlong pasa sa mukha,"Ang damot!!!"

"Eh nay!", sabi ni Lawrence na isa lamang ang pasa sa mukha ngunit may mga sugat sa braso dahil sa pagkakatama sa mga kahoy na matutulis, "Yung tatlong buwan kong ipon sa alkansiya bigla bigla na lang nitong kukunin! Lagi na lang yan nang-aagaw ng pinaghirapan ng iba eh... sumusobra na..."

"Ah Ganun! Ako pa talaga ang sinasabi mong masama...", banggit ni Tado

"Oo!",mabilis na sagot ni Lawrence na susubukin ulit sanang makipagbalyahan ngunit pumagitna ang ina sa dalawang nanggigigil. Nanunuod sa may pintuan ang isa pang babae.

"Hep! Hep! Tama na nga!!!", sambit ng nanay na titingin sa isa pang lalaki, "Ibigay mo iyan sa akin!"

Matagal na nagkaroon ng katahimikan at pawang ayaw pang sumunod ni Tado. Magsasalita muli ang nanay, "Anak naman ng Teteng Oh!!!!"

"Oh...", banggit ni Tado na ibibigay ang lahat ng ibinulsa sa nanay

"Mabuti...",sambit ng nanay habang patuloy ang galit na tinginan ng dalawang lalaki at bibilangin ng nanay ang pera.

"Nay... akin na po!", sabi ni Lawrence na iaabot ang palad. Biglang matatawa ang nanay

"Haha...",malambing na tinig ng ina at titingin kay Lawrence, "Anak... marami ka pa namang pera hindi ba? Akin na lang ito! Pang-sugal lang... palaguin natin!"

"Pero nay!",pagsusumamo ni Lawrence at sisingit sa usapan ang isa pang babae

"Oo nga! Hati tayo nay ha...", natatawang banggit ng ate ni Lawrence

"Nanay... huwag naman...", pilit na pagmamakaawa ni Lawrence sa nanay na mahigpit na ang pagkakahawak sa mga pera

"Anak... ngayon lang please...", wika ng ina na hahalik sa noo ng pawisang anak. Yayayain nito ang iba, "Tara na mga Sugarol!!!"

Nakatawang umalis ang tatlo sa bahay habang loser na maiiwan si Lawrence sa kuwarto na sa sobrang galit ay itatapon ang mga ginupit-gupit niyang puting papel sa tabi ng unan.





Galing sa eskuwelahan nina Leo si Janice nang matapos ang saglit na interview kay DRA.ESTEFANIA MORALES-TORECILLO. Kasama si Rubie, nagsadya na rin ang dalawa na makapanayam ang ilang tao na makikita sa squatter's area na dating napuntahan na nina Leo at Virgo ukol sa bagsakan ng nakalalasong gatas. Pagbaba mula sa jeep ay kukunin ni Rubie angdalang payong upang ipansangga sa mainit na kalangitan. Lumakad silang saglit sa lugar na ito na isa't kalahating kilometro lamang ang layo sa pagdarausan ng demolisyon. Maya-maya ay makakaramdam ng gutom sila Janice dahilan ng kanilang pagbili ng meryenda sa malapit natindahan.

"Pabili...",tawag ni Rubie sa nagbabantay ng tindahan

"Ano po iyon?",tanong ng tindera

"Ah... Magkano po sa RC yung maliit po?", pagbili ni Rubie na makakakita ng mga batang naglalaro sa kalye.

"Sis... Bilisan mo na, abutan pa tayo ng gabi dito...", banggit ni Janice habang nagmamasid-masid sa paligid

"Eto na nga eh...", wika ni Rubie at kukunin ang nakaplastik na softdrinks. Ibibigay niya ang isa sa kasama at magbabayad sa tindera, "Oh!Grabe naman pala yung nalaman mo sa doktorang yun nuh!"

"Oo nga eh...",banggit ni Janice habang kinukutkot ang ibinaon na hamburger kasabay ng softdrink na binili ng kaibigan, "Hindi ko alam kung paano ito matatanggap ni Lola... kahit ako ay nabigla!"

"Naku... dapat lang na mahuli ang kriminal na iyon! Panigurado akong may kinalaman din yun sa sunud-sunod na pagkakasakit at pagkawala ng hininga ng mga bata"

"Totoo yan Sis...kailangan ko pa ng maraming research para matunton ang pinagtataguan ng walang kaluluwang iyon...", banggit ni Janice na ibibigay pa ang isang hamburger sa kasama

Didighay muna si Rubie bago muling magsalita, "Ayoko na Sis... busog na ako!" at uubusin ang biniling softdrink

"Sino kayang pwede nating interbiyuhin dito???", nag-iisip na tanong ni Janice na uubusin ang kinakain at ang iniinom.

Ilang saglit pa ay may makikita sila ng kasisimula pa lang na grupo ng mga batang nagtatagu-taguan. Sa sobrang nerbiyos ng isang batang lalaki ay madarapa ito sa harapan nina Janice at Rubie... AYYY! INGAT!!! 


Sa pagkakasalubsob sa mabatong kalye ay masusugatan ang bata sa tuhod. Agad namang naglaan ng first aid si Rubie na tiyempong may dalang alcohol at tititigan ito ni Janice.

Ilang minuto pa ang lumipas, sinamahan na nina Janice at Rubie ang bata pauwi sa kanilang tahanan.

"Salamat po pala sa paggamot sa aking sugat at dito sa hamburger!", wika ng batang lalaki na nginangata na ang binigay ni Janice papunta sa masikip na daanan

"Walang anuman...dito kayo nakatira?!", tanong ni Janice na sinusundan ang bata

"Opo! Kasama po ng tatay kong dating nagsha-shabu, tapos ang mama at lola ay sugarol...Matagal na pong patay ang lolo ko kaya ang Tito ko na lang ang naghahanapbuhay para sa amin... para sa pag-aaral ko!"

"Ahh... Minsan ba,bumibili ka ng tingi tinging gatas sa tindahan?", usisa ni Rubie

"Ay! Hindi na po ako pinaggagatas ni mama... bago pumasok sa eskuwela, minsan po ay kanin, tuyo at tubig na ang pinakakain sa akin! Pero may ilang mga kaklase at kapitbahay nga po kaming nakakabili niyan at minsan ay kinokontrata pa ang mga nagsusuplay daw po ayon sa titser ko!", wika ng batang tatawid sa kahoy na tulay ng maalinsangang kanal

"Ah Ganun ba?Siguro ay mayroon ding kakilala ang nanay mo rito na nagbebenta ng gatas nuh?", tanong ni Janice sa bata

"Malamang po...marami talaga silang kakilala! Matagal na rin po kasi silang nakatira rito...", wika ng bata na bubuksan ang isang maliit na bahay, "Pasok po!"




"Oh... Mabuti at hindi kayo napapasok dito ng masamang loob anu...", banggit ni Rubie na kasabay ni Janice na papasok sa bahay

"Masama??? Naku!!Takot lang po nila sa Tito kong pogi!", wika ng bata na tatapusin ang kinakaing hamburger. May mararamdamang kakaiba ang kasama.

"Ah... Nasaan pala ang banyo? Ang pantog ko!!!", pagpilit ni Rubie na susunod sa itinurong CR ng bata. Magtatawanan ang lahat.

"Tamang tama po!Umuwi ng maaga si Tito... matutuwa po iyon kapag nakilala kayo!",masayang wika ng bata

"Ah... Ganun ba?",sabi ni Janice na susunod sa bata. Bubuksan ng bata ang isang pinto at tatambad ang magulong kuwarto.

"Ay! Wala pa po pala si Tito Lawrence... hayaan niyo po at may binili lang siguro! Hintayin na lang po natin dito!", wika ng bata na uupo sa nagulong kama ng tiyo



Magugulat si Janice sa matutuklasan. Basag na alkansiya sa sahig, mga nagkalat na pirasong papel na kaparehas ng mga natatanggap niyang sulat, gunting, mga sobre, isang bulaklak na rosas sa mesa, lettering guide, scratch ng mga nakuha niyang sulat, songbook, techpen at note. Maya'y pupuntahan sila ni Rubie at makikita ang napapaiyak na kaibigan.

"Sis???",tanong ni Rubie sa kaibigang may binabasang note ng lyrics, "Nandito siya?"

Maya-maya ay may pasipol-sipol na lalaking pupunta sa kuwarto at magugulat.

"Gilson!!!",sigaw ni Lawrence sa pamangkin na nagpapasok sa mga journalist

"Tito Lawrence...sina Ate Rubie po pala at Janice!", wika ng bata na aakap sa tiyuhin at babalik sa labas upang ipagpatuloy ang laro

Nagngingitngit na tumitig si Janice sa binata, "I...Ik..aw????!"

"Jans, Hayaan mo akong magpaliwanag!", wika ng binata na hahawak sana kay Janice

"Bitawan mo ako! Manloloko!!!!", umiiyak na sabi ni Janice at mabilis na lilisanin sila





 Pagkatapos tumingin sa mesa ay lalapitan ni Rubie ang binata at taas-kilay na kakausapinito, "Sabihin mo sa akin ang totoo... Si Julius Yap ba talaga ang nagpapadala ng sulat para sa kaibigan ko???". 


Mananatiling tameme si Lawrence na nangangahulugang guilty beyond reasonable doubt. Marahan ang pag-iling nito, yuyuko hanggang umiyak na rin ang kausap at paalis na sinabing... 

GAME OVER!

Continue Reading

You'll Also Like

40.8M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...