If we fall in-luv

بواسطة SirIncredible

26K 61 1

"The most important subject that you need to learn in life is to learn how to love" - Pope Francis المزيد

Introduction
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59

CHAPTER 48

291 0 0
بواسطة SirIncredible


Isang malawak na pamayanan sa Rodriguez, Rizal ang paglilipatan ng mga residenteng nagsisiksikan at nagkukumpulan sa Sitio Bartolome I. 

Kaya naman, sinisikap ng lokal na pamahalaan na kumbinsihing maigi ang mga squatter kasama ng mga nagtayo ng bahay malapit sa Ilog Pasig na mag-impake na ng mga gamit at ibang kasangkapan upang sumabay sa libreng sakay ng MMDA patungo sa mga bagong bahay... maliliit man,komportable pa rin at ligtas. Ang mga may bitbit na bata ang inuna kasama ng mga buntis at uugud-ugod na matanda. Ang lahat ng pipiling lumipat ay bibigyan ng Pangkabuhayan Package na taniman ng alugbati at malunggay kasama ang Entertainment Showcase na libreng 'black and white' 18 inches TV galing sa mga pinaglumaan ng Abensons. Sa unang dating sa bahay na iyon ay may naghihintay na Medical Personnels mula sa Red Cross na mag-checheck up ng mga kalagayan ng tao at feeding program ng DSWD na sopas at tinapay para sa mga nagugutom. Hindi magiging mabilis ang paglikas dahil sa iba't ibang aberya na nagaganap partikular na sa pakikipag-usap ng barangay officials at pagtatalo ng kabilang paksiyong nagpupumilit na manatili sa naturang sitio. Nakapaligid roon ang maraming pulis kasama na ang media na nagcocover sa magaganap na demolisyon. Mula sa likuran ng malaking trak na nasira ang gulong ay may babaeng tatawag sa kanyang cellphone.

"Hello... Hello...Hello Sis!", banggit ng babaeng sumandal sa may trak

Tinawagan niya ang isa pang babaeng staff na nakaupo sa kanyang silya at nakaharap sa computer na nananaliksik sa isang pangalan.

"Yes... Sis, okay na ang phone mo?", tanong ni Janice habang hawak ang cellphone sa loob ng cubicle

"Ay! Oo Sis... eto nga at sinubukan ko, pinaayos ko kay Kuya Estong...", banggit ni Rhyna na nasa kabilang linya na makikita ang pagdaan ng kasamang lalaking staff na si Estong at nagpaalam na jijingle, "May napindot lang pala ako sa Call Settings..."

"Well, okay! Mabuti at wala pang tensiyon diyan sa demolisyon...", sambit ni Janice na kukunin ang mouse sa desk at magba-browse ng page sa Opera Explorer

"Wala... wala pa naman, Tsaka hinihintay pa nila yung libreng sakay na bus... nagpa-gas pa ata..."

"Ganun ba? Oh siya, ingat kayo ni Kuya Estong diyan ah! Usap na lang tayo pagbalik niyo rito sa opisina"

"Sige Sis at baka mahuli ka pa ni EIC na gumagamit ng cellphone during work hours...Bye!!!", banggit ni Rhyna na lalayo sa trak at maglalakad ng kaunti. Hindi niya mapapansin ang malumot na sahig at madudulas siya rito ng bahagya, "Ayyy!"

"Oh! Anong nangyari sa'yo diyan?", pangambang tanong ng kausap sa cellphone

"Wa... Wala! Muntikan lang akong matalisod... Itong trak na 'to kasi eh!"

"Oh siya sige...Ingat sa report mo!"

"Okay... Babu!",banggit ni Rhyna at mawawala ang tinig sa cellphone


Pagkatapos umihip sa bangs ay itinago ni Janice ang cellphone at nagpatuloy sa pananaliksik. Ang kanyang Summary Report ay kumpleto na sa kabila ng pagkawala ng kanyang CONFIDENTIAL DOCUMENTS AND INTERVIEWS na folder.Ang ilang natitirang soft copy file ng ebidensiya ay sadya muna niyang itinago sa USB Flash Drive sa oras na kailanganin ng otoridad.Isang espesyal at pansariling proyekto naman ang kanyang gagawin...proyekto na maaaring may kinalaman sa pagkamatay ng maraming tao...proyektong may kinalaman kay Mya Lopez...    HUWAAAARH!


Tiningnan niya ang kopyang resume at credentials na nakuha sa Human Resources. Inisa-isa ang bawat nakalagay hanggang sa makita ang email... Nagtype siya ng URL sa Explorer at binuksan ang Facebook account. Mayroong friend request si Janice mula sa nakilalang Student Journalist sa napuntahang unibersidad na kanya namang in-accept... maya-maya'y naisipan niyang i-search ang email na nakita sa papel ngunit ilang saglit pa'y walang ganitong account sa Facebook.

 Kanya namang hinanap ang pangalan sa friend search ngunit wala ring lumalabas na tamang itsura nito. Naisipan ni Janice na mag-log out sa Facebook para buksan naman ang kanyang Twitter account. May sampung nag-retweet ng kaniyang nakaraang tweet ukol sa Summary Report... maya-maya'y naisipan niyang i-search ang email na nakita sa papel ngunit ilang saglit pa'y walang ganitong account sa Twitter. Kanya namang hinanap ang pangalan sa friend search ngunit wala ring lumalabas na tamangitsura nito. 

Naisipan ni Janice na mag-log out sa Twitter para buksan naman ang kanyang Wattpad account. Natuwa siya na #3 na sa Romance ang ranking ng kanyang sinusubaybayang story sa Reading List na 'If We Fall In-Luv'! 

  Naisipan ni Janice na mag-log out sa Twitter para buksan naman ang kanyang Wattpad account. Natuwa siya na #3 na sa Romance ang ranking ng kanyang sinusubaybayang story sa Reading List na 'If We Fall In-Luv'!   


Marami na rin ang votes nitong umabot sa sampung libo... maya-maya'y naisipan niyang i-search ang email na nakita sapapel ngunit ilang saglit pa'y walang ganitong account sa Wattpad. Kanya namang hinanap ang pangalan sa friend search ngunit wala ring lumalabas na tamang itsura nito. Dahil sa pagkabagot ay i-oout niya ang lahat ng window sa Explorer upang makainom ng mineral bottled water at makaunat-unat.

AH!!

Dahil sa wala pa namang masyado ipinapagawa kay Janice ay walang kaabog-abog na binuksiyan niya ulit ang Explorer at nag-log in sa Instagram App ng naka-Windows10 niyang computer. Nang sulyapan ang sariling account ay magugulat ito sa makikita... AH!!

"Silver Medalist sa Asean Math Olympiad?! Wow!!!", banggit ni Janice nang basahin ang ipinost ni Rubie na picture kasama ang isang kamag-anak sa may Aseana Bus Terminal.

Maya-maya'y naisipan niyang i-search ang email na nakita sa papel at ilang saglit pa'y natagpuan din ang larawan... Isang maganda kahit walang make-up na Mya Lopez... 


matangkad... makinis. Nasa isang taon na ring hindi na-a-update ang profile at may dalawang picture posts at ilang comment na Chinese Typed. Ang unang larawan ay may tag na:

OUR FORMER PLACE NEAR ILOG PASIG

Selfie shot ito ni Mya sa tapat ng isang may kayang bahay na sa gilid ay may parking space na kita ang isang tulay malapit sa Ilog Pasig. Ang isang larawan naman nito ay kuha sa loob ng isang sasakyan habang hinahalikan siya sa pisngi ng isang makisig na lalaking maputi at nakaside view. Masaya ang ngiti ni Mya sa larawan na ang isang kamay ay nasa kamera at ang isa naman ay nasa pisngi ng humalik na lalaking naka-sando at malapit sa manibela. Nilagyan ito ng tag na: MY HUSBAND-TO-BE


Ang dalawang larawan ay pin-rint screen ng journalist at isinalin sa couponband. Nang tingnan ng malapitan ang larawan ng lalaking kasama ni Mya sa picture ay magtataka si Janice at mag-iisip.

"Ay... kahawig lang siguro!", bulong sa sarili habang nililigpit ang mga papel at nag-out sa mga nabuksang windows ng computer. Tinapos ni Janice ang iniinom na tubig at tinapon sa kanyang basurahan ang plastik na bote. Sunod niyang pin-rint ang ilang natitirang interview at document sa kanyang USB Flash Drive na kulay gray at itinago ang Flash Drive sa drawer pagkatapos i-Safety Remove.






Mabilis na nakapaghapunan ang tatlo sa kanilang bahay. Ang pang-apat na init sa nilutong fish escabetche ni Virgo sa mansiyon ay masarap pa rin naman. Ang ilang tirang pagkain ay idinidiretso na lamang sa labasan upang pagpiyestahan ng mga galang aso't pusa. Ang lola ay napagod sa kanilang aerobics sa Senior pagkatapos ng tanghali kaya naman dumiretso ito sa kanyang tulugan at nahimlay. Ang dalaga naman ng bahay ay pumunta sa kanyang kuwarto sa ikalawang palapag upang mag-asikaso ng mga kapapelan habang ang galing sa SportsFest na binata ang nag-asikaso sa kusina at lababo kabilang na ang ilang mga kalat sa salas. Pagkatapos isara ang mga pintuan at bintana ay didiretso ang binata sa kanyang silid ngunit makakatawag ng pansin ang katabing kuwarto na bukas pa ang ilaw at bintana at sandamakmak ang mga bond paper.

"Para saan iyan,ate?", tanong ni Leo sa pinsan at uupo sa kama

"Ah... mga secret files! Nagkakawalaan na kasi sa opisina... mahirap na, napakahalaga pa naman itong mga impormasyon ukol sa mga tao, tagpuan, at ilang hinihinalang motibo o istilo ng mga pangunahing salarin sa POISONOUS MILK sa bansa", wika ng abalang si Janice

"Nakakatakot naman yan Ate! Teka... Poisonous ba kamo? Yan ba yung gatas na pambatang galing abroad?", dagdag ni Leo na makikitang inilalagay ang papel sa may cabinet

"Oo! Bakit Leo?"

"Natatandaan ko kasi noon... May parang nadaanan kami ni Virgo na raid ata sa may squatter's area! Doon daw kasi ibinabagsak ang ilang kontrabando eh! Mga hindi rehistrado... At yung isang ale pa nga na napagtanungan namin doon... sabi niya, ginagawa raw silang tagabenta ng mga yan..."

"Ganun ba???",wika ni Janice pagkatapos maitagong maigi ang mga naiprint na files,"Actually kasama nga iyan sa mga huling gagawin ko para makumpleto ang aking Investigative Report tungkol sa POISONOUS MILK... Eto lang ang hiling ko insan..."

"Ano iyon Ate?",tanong ni Leo sa babae na tatabihan siya sa pag-upo sa kama, "Kung saka-sakaling may mangyaring hindi maganda sa akin..."

"Ate huwaag... Maganda ka na! Hindi ba, mukha nga tayong mga artista?"

Guguluhin ni Janice ang buhok ng binata, "Hindi yun! Hindi mukha ang pinag-uusapan natin dito ah, yung banta sa buhay ba! Basta ibigay mo ang mga folder sa otoridad para may ideya sila sa kasong iniimbestigahan ko..."

"Pero... bakit hindi ngayon na mismo?!"

"Huwag! Hindi pa sapat ang mga ebidensiya, may ilang tao pa akong nire-research na maaaring may kinalaman dito. Alam mo Leo...", wika ni Janice na makikitang hihiga sa malambot niyang kutson ang pinsan, "Sa isang journalist, kailangang marunong kang magtago ng impormasyon...para hindi agad ipagkalat! Para hindi magaya ng iba! Para hindi magpanic ang mga tao! May tamang panahon para sa mga bagay na ganyan"

"Wow... Ate! pang National Journalist ang quotes ah!"

"Naman... haaay, kailangan ko pa ngang bumalik sa school mo eh!", wika ni Janice na hihiga na rin sa kanyang kama

"Ay! Speaking of my school... nagtext na sa akin si Karen na ayos na raw yung appointment niyo kay Ma'am Torecillo for interview!", sambit ni Leo na babangon muli

"Talaga??? Wow! Exciting! Sige at pupuntahan ko...", may ngiti sa mukha ni Janice nang biglang nagdilim sa paligid kasama na rin ang ilang bahay at poste sa labasan








AAAHHHHH! BROWNOUT!!!!


واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

40.8M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...