Crush Kita Konti Lang

By asherinakenza

2.6M 50.8K 3K

High school life More

Prologue
1
2
3
4
5
6
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
Finale
Epilogue

7

58.1K 1.1K 80
By asherinakenza



Chapter 7





Alasais na rin ng gabi! Grabe yung Prof namin sa Algebra ang hirap magpaquiz. Nakakainis. Mahina pa naman ako sa Math. Hinanap nga pala kanina ng Prof namin si Shane dahil si Shane ang palaging highest sa mga quizzes namin. Tapos nagulat nalang kami biglang pumasok si Tita A sa classroom namin. Hinahanap niya rin si Shane. Para daw kasing nakita niyang lumabas ng university kahit oras pa ng klase. Si Stan naman epal, sinabi niyang nagcutting daw si Shane.







Ayan tuloy sabi ni Tita A paparusahan daw niya bukas si Shane. Naiinis na daw siya saaming mga 2nd year dahil karamihan daw ng pasaway nasa year daw namin. Gusto ko sanang sabihin na si Stan lang yun. :3





Hawak ko pa rin yung bag ni Shane.





"Elle pano na 'to. Baka hinahanap na ako ng Tita ko, sa tingin mo ba babalikan ni Shane 'tong bag niya?" - tanong ko kay Elle, kanina pa kasi namin hinihintay si Shane gawa ng bag niya, naiwan niya nung umalis siya ng school.





"Ganito nalang Abhie ako nalang ang maghahatid niyan sakanila." - suhestiyon ni Elle, nanlaki ang mata ko alam niya ang bahay ni Shane. Hihi, gusto ko sumama.






"Oy, yung mga ngiti mong yan alam ko na yan kahit iisang buwan palang tayong magkakilala!!" - natatawang sabi ni Elle sabay tinusok ako sa tagiliran, naalala ko tuloy si Syril sakanya. Haha.





"Haha. Gusto ko lang malaman kung saan ang bahay nila." - paliwanag ko..





"Sus, sige na nga!" - natatawang sabi niya saka pinasakay ako sa kotse niya, kanina pa rin naghihintay yung driver niya dito sa tapat ng school.





Naeexcite ako!




_______





ELLE'S P.O.V





Papunta na kami sa bahay nila Shane, palagi siyang ganyan sa tuwing may nang aaway sa Ate niya. Ayoko mang sabihin pero pumayag akong maging panakip butas kay Shane. Pero habang tumatagal kasi nasasaktan na rin ako, inlove siya sa Ate niya.






Isang taon na niyang itinatago yon, at ako ang sinabihan niya dahil ako ang bestfriend niya simula first year high school kami. Too bad, nainlove ako sakanya. Na-friendzone tuloy ako. Hindi ko alam kung paano at kailan naging kami, basta bigla nalang boom kami na! Ako naman si tanga, pumayag nalang, kahit alam kong 'kaibigan' lang talaga. Mejo nagkakausap na rin naman kami ni Shane pagkatapos ng break ups namin, yun nga lang sa text at tawag lang. Medyo naiilang pa kasi ako kausapin siya sa personal. Pero ngayon alam kong kailangan niya ako.






Tinignan ko si Abhie.. Nakwento siya saakin ni Shane.. Naguiguilty na rin ako kasi hindi ko masabi sakanyang nagiging rason na rin siya ni Shane para unti unting lumayo sa Ate niya.






"Malaki ba ang bahay nila Shane?!" - excited na tanong saakin ni Abhie! Nginitian ko siya.






"Oo, malaki. Pamilya Briones eh. Solong lalaki lang si Shane, pangalawa siya sa tatlong magkakapatid." - kwento ko kay Abhie, tumango tango siya.






"Ang dami mo ng alam sakanya noh?! Sana ako rin mas lalo ko pa siyang makilala.. Alam mo kasi sa tingin ko hindi naman talaga masungit yang si Shane eh! Masyado lang malalim palagi ang iniisip niya, kaya nasasabihan siya ng masungit!" - kwento ni Abhie, totoo naman yun eh. Hindi siya ganun kasungit, naguguluhan lang si Shane sa nararamdaman niya..






Alam kong crush nitong si Abhie si Shane. Ewan ko pero natutuwa kasi ako kay Abhie sa tuwing nakikita kong namumula siya kapag pinag uusapan si Shane..





Maya maya lang dunating na kami sa tapat ng bahay nila Shane.





"Dito nalang ako Elle! Baka kasi sungitan niya ako pag nakita niya ako." - suhestiyon niya.





"Sigurado ka?" - tanong ko, pero ang totoo niyan ayoko muna siyang isama sa loob dahil ayokong makita niya kung paano maging desperado si Shane.





Tumango tango siya. At sinabing hihintayin nalang niya ako.






Nag doorbell na ako at tamang tama nakita kaagad ako ng kasambahay nila, nginitian niya kaagad ako dahil kilala na ako dito.






"Oh iha, ang tagal mong hindi napadalaw ah. Nasa taas si Shane, puntahan mo nalang."





"Ah, sige po Manang salamat po!" - sabi ko, at pumasok na ako sa loob ng bahay nila.






Kahit pakiramdam ko ang bigat bigat ng paa ko pinilit ko pa rin ihakbang iyon at ng makarating ako sa kwarto niya kumatok ako ng isang beses. Yun kasi ang sabi niya saakin noon. Kumatok lang ako ng isang beses at alam na niyang ako yon.







Narinig kong sumigaw siya na pumasok ako. Kaya naman pinihit ko na ang door knob at pumasok.





Nakahiga siya ngayon sa kama niya at nakapikit. Magkadikit nanaman ang dalawang kilay niya at halata sa mata niyang kagagaling niya lang sa pag iyak, mejo namamaga kasi yon.






Ipinatong ko ang bag niya sa paanan ng kama niya at umupo ako sa gilid ng kama.





Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko.






"Nasasaktan ka nanaman ba?" - tanong ko sakanya.. Marahan niyang iminulat ang mga mata niya, at parang may kumirot sa dibdib ko ng makita kong may tumulong luha sa mata niya, punong puno parin ng sakit yung mata niya.






Pinunasan ko yun gamit ang thumb ko.





"I'm sorry Shane.. Hindi mo na kasi akong pwedeng gamitin para makalimutan siya.." - bulong ko..





Mas lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko.






"No, I'm sorry Elle.. Nasaktan kita. Masyado akong naging selfish.. Hindi ko naisip na nasasaktan na kita." - sabi niya, saakin lang siya nakikipag usap ng ganyan.. At hindi ko alam pero gusto kong maging ganyan siya kay Abhie..





Umiling iling ako..






"Okay na ako Shane. Ang importante magkaibigan pa rin tayo ha?" - sabi ko sakanya, naramdaman kong tumulo ang luha ko. Hinila niya ako dahilan para mapasubsob ako sa dibdib niya, hinimas niya ang buhok ko.





"I'm really sorry.." - bulong niya..






Sandali pa kaming tumigil sa ganung ayos, umupo na ulit ako.





"Kaya mo pa ba?" - tanong ko sakanya, isang mapait na ngiti ang ibinigay niya saakin.






"Mababaliw na yata ako Elle. Hindi ko alam kung bakit dumating sa ganito. Alam mo naman diba? Ayoko nito. Ayokong mahalin ang Ate ko." - desperadong sabi niya, palagi niyang sinasabi na ayaw niya ng nararamdaman niya. Sino ba naman kasing gugustuhin na mahalin ang isang kapatid na higit pa sa kapatid.






Pero kahit na may pagmamahal siyang kakaiba para sa Ate niya, sobrang protective niya pa rin dito dahil sakanya ibinilin ng Daddy niya ang dalawang kapatid niya at ang Mommy niya. Gusto niyang maging proud sakanya ang Daddy niya kahit manlang sa bagay na yon, palagi kasi silang magkaaway ng Dad niya.. Sabi niya nga kahit kailan hindi niya naramdamang naging Proud sakanya ang Daddy niya, parang lahat ng gawin niya mali. Ang ate niya, ang ate niya lang ang naniniwala sakanya.. Ang ate niya rin ang nagsasabi sakanya na h'wag sumukong ipakita sa Dad nila kung anong kaya niyang gawin. Kaya siguro nainlove siya sa Ate niya..






Kung magkakakuya nga ako gusto ko si Shane. Yung nga lang mejo sumablay siya dun sa pagmamahal niya sa Ate niya. Somobra eh, to the point na sobrang nasasaktan na rin siya.






Nakita ko nanaman kanina kung paano niya titigan si Kuya Michael at Ate Sabrina. Kilala si Kuya Michael sa school dahil model ito at sobrang gwapo. 4th year sila sa school namin, actually nagkacrush din ako dati kay Kuya Michael. Hehe.






Sabi ni Shane hindi naman daw siya galit kay Kuya Michael, natatakot lang siyang masaktan ang Ate niya dahil alam niyang maraming nagkakagusto kay Kuya Michael, at kapag nangyari daw na masaktan ni Kuya ang Ate niya, hindi niya daw iyon mapapatawad, gagawin niya daw lahat mailayo lang si Ate Sabrina kay Kuya, kaya jusko naman h'wag naman sanang saktan ni Kuya Michael ang Ate nitong si Shane.






"Mawawala din yan Shane." - sabi ko..





"Pano?" - naguguluhang tanong niya.





"Tumingin ka sa paligid mo. Nanjan si Abhie, alam ko matutulungan ka niya." - diretsong sabi ko.






Naningkit ang mga mata niya.






"Are you kidding me Elle? Sinasabi mo bang gagamitin ko si Abhie?" - may pagbabanta sa boses niya, dun palang alam ko ng may concern siya kay Abhie. Kilala ko si Shane, hindi siya basta basta kumakausap ng babae lalo na at hindi siya interesado. Sinabi naman niya saakin noon eh, kaya niya lang ako kinausap dahil may sense daw akong kausap at interesado daw siya saakin, yun nga lang bilang bestfriend lang pala.





"Hindi mo pa ba siya ginagamit sa lagay na pagtatago mo sa likod ng costume??" - tanong ko sakanya, maging yon alam ko.. Aksidenteng nakita lang ni Abhie nakasnowman si Shane pero hindi niya alam na si Shane ang nasa loob non.




Umiling siya.






"Wala akong balak gamitin si Abhie. Wala na rin akong balak na magtago sa likod ng costume na yon kahit kailan Elle dahil masasaktan si Abhie pag nalaman niya ang totoo.." - seryosong sabi niya..




Napangiti ako.





"May nakakatawa ba?" - pagsusungit niya.





"Ikaw ang nakakatawa Shane. Natatakot kang masaktan si Abhie. Aminin mo nga saakin, gusto mo ma rin siya noh?! Natutuwa ka na rin sa pangungulit niya!" - pang aasar ko! Lalong nagtagpo yung magkadikit niyang kilay!






"Nasisiraan ka na ba ng ulo Elle? Bat ko magugustuhan yon."





"Sus, nababasa ko yang mata mo!! If I know siya yung babaeng kinukwento mo saakin na nakita mo sa sinehan... Ang sabi mo non, gusto mo siyang alagaan dahil parang baliw na umiiyak tawa sa loob ng sinehan!!" - natatawa talaga ako, dati kasi kinuwento na saakin ni Shane yon, at nagulat ako ng ikwento rin saakin ni Abhie yon.






Tinignan niya ako ng masama pero hindi niya ako madadala sa ganyan!






"Umamin ka nalang kasi Shane." - pangungulit ko..





Pero natigilan ako ng pagtagpuin niya ang mata naming dalawa. He smirked. At napalunok ako sa biglang sinabi niya.





"Aminin mo muna saakin na mahal mo ako."






Natahimik nanaman kaming dalawa. Pero hinampas ko siya sa dibdib!!





"Alam mo naman na diba! Papaamin mo pa!!" - sigaw ko.





"See? Alam mo na ang sagot ko." - nanlaki ang mata ko!!





"Gusto mo si Abhie?!!" - sigaw ko.






"No."




"Yes!"




"No!"





Bigla kong naalalang kasama ko pala si Abhie! Sht!






"Nakalimutan ko!! Kasama ko pala si Abhie!!"





Medyo napamulat siya!





"Uyyy..." - pang aasar ko.





"Get out." - matigas na sabi niya saka humiga na ulit siya sa kama niya.





"Aalis na ako. Basta Shane. Itext o tawagan mo lang ako kapag kailangan mo ng kausap. Makikinig ako." - sabi ko at tumayo na ako saka naglakad sa may pinto. Pero natigilan ako ng bigla siyang magsalita.






"Hindi naman masamang magustuhan ko siya kahit kaunti diba? Kahit alam kong mahal ko pa rin ang kapatid ko. Pakiramdam ko gusto ko si Abhie."





****

Naka.mobile lang po ako. Sira po kasi ang laptop ko. Kaya pasensya na po kung may typos at magulo ang spacing. Thank you po!

Continue Reading

You'll Also Like

9.9M 122K 117
Magaling humalik. Magaling sa kama. Hindi torpe. Gwapo. Lahat ng iyan, wala kay Kendrick. Lahat ng iyan, naging dahilan para iwan...
438K 4.3K 41
Isang all-out war ang dineklara ni RYJO laban sa Superiors at sa Criminel Credo dahilan para makilala na ng lahat kung sino talaga ang pinakasikat na...
1.8K 160 42
"Sige, Mavis. Pangalawa ka na naman? Lagi na lang." ×××××××××××××××××××××× Kapag sinabi mong second best, si Mavis Colleen ang unang-una na papasok s...
858K 16.4K 41
Almost Perfect Series II Damn that playboy. He asked me to be his girlfriend. I'll never fall for that. I know him so well. I've seen him flirt and d...