Dispareo (PUBLISHED UNDER PSI...

By Serialsleeper

9.3M 392K 274K

"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa... More

Prologue
I : The Missing Ones
II: What's going on?
III : The biggest skunk
IV: Left Behind
V: Remnants
VI : No way out
VII: Three Days Ago
VIII: Dead Ringer
IX: Beneath the seams
X: Lucid
XI: A promise to keep
XII: Camouflage
XIII: What we had
XIV: What destroyed her
XV: The Last Supper
XVI: Home Invasion
XVII: To love and protect
XVIII: Dazed and Torn
XIX: Whatever happens, whatever it takes
XX: The worst kind of skunks
XXI: Nothing but a broken heart
XXII: Promises we can't and can keep
XXIII: Amelia
XXIV: Hitting all the birds with a deadly stone of revenge
XXV: Sacrificial Lamb
XXVI: Make a wish
XVII: For the greater good
XVIII: 778
Epilogue
Note
DISPAREO 2 : Prologue
I : Aftermath
II : Weakling
III : Paranoia
IV : Stakeout
V : Something's wrong
VI : Consumed
VII : What's real and what's not
VIII : Dead Girl Walking
IX : Discrepancy
X : Cielo's Labyrinth
XI : If I were you, I'd run like hell
XIII : Unlawful
XIV: Yet another bloodshed
XV : Waldo
XVI : Houston, we have a problem
XVII : Not so lucky
XVIII : Hell and help
XIX : Believe me, he's evil
XX : Dazed and torn
XXI : Upper hand
XXII : Protagonist Problems
XXIII : Speechless
XXIV : To love and protect
XXV : Villainous
XXVI : Fear came true
XXVII : The Plot Twist
XXVIII : 778
Epilogue
Note
DISPAREO 3 : Prologue
I : No place for 778
II : In memories of her
III : Rise of the body snatchers
IV : The death of another
V : Pay Attention
VI : Snooze
VII : Never thought i'd ever
VIII : For the greater good
IX : A promise to keep
X : The things we do
XI : Prove me
XII : The thing about protection
XIII : Transparent and Apparent
XIV : In for a surprise
XV : The Return
XVI : The Closure
XVII : Here comes Dondy
XVIII : 778
EPILOGUE (Part 1 of 2)
EPILOGUE (PART 2 OF 2)
Commentary
Special Announcement:
Dispareo Trilogy

XII : Someone to fear

77.8K 4K 3.4K
By Serialsleeper


CHAPTER XII:

Someone to fear

THIRD PERSON'S POV


Nang makaakyat si Dana patungo sa kanyang silid ay lalo pang tumindi ang tensyong nararamdaman ni Churchill lalo pa't naiwan siya sa sala kasama si Wacky. Sa sobrang kaba ay walang magawa si Churchill kundi mapatitig na lamang sa kawalan sabay hawak ng mahigpit sa bag na nakapatong sa kanyang hita.


"Tagaktak pawis natin ah? Natatae ka?" Basag ni Wacky sa katahimikan dahilan para pumeke si Churchill ng isang pilit na tawa.


"Oo." Patawa-tawang sagot na lamang ni Churchill habang nanatiling nakatitig sa kawalan.


"Umuwi ka nalang sa bahay niyo. 'Wag kang distorbo sa amin ni Diana." Nakangising sambit ni Wacky dahilan para unti-unting mawala ang ngiti sa mukha ni Churchill.


Ilang sandaling nanatili ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa, kung si Churchill ay hirap na hirap na sa pagpigil ng kanyang kaba at tagaktak na ang pawis, si Wacky naman ay patawa-tawa lamang habang nanonood ng tv.


Sa isang iglap ay narinig ni Churchill na sumara ang pinto ng silid ni Dana tandang kalalabas lamang nito mula sa kanyang silid. Huminga ng malalim si Churchill at mas lalo pang napahawak sa kanyang backpack.


"Pre.... K-kigwa." Mahinang sambit ni Churchill dahilan para muling mapalingon sa kanya ang kunot-noong si Wacky.


"Oo, yung kigwa talaga eh." Sabi na lamang ni Wacky sabay tango na animo'y naiintindihan ang sinasabi ng kaibigan.


"Diba paborito mo 'yon?" Walang emosyong sambit ni Churchill habang nakatitig parin sa kawalan.


"'Wag na nating pag-usapan, nami-miss ko lang lalo." Pagsasa-walang bahala ni Wacky at muling ibinaling ang atensyon sa telebisyon.


Nakita ni Churchill ang unti-unting pagbaba ni Dana sa hagdan. Lalo pang tumindi ang takot at kaba ng binata nang makitang kasalukuya nang binabasa ni Dana ang nasa kanyang cellphone. Pigil ang hininga ni Churchill at labis ang panlalaki ng kanyang mga mata na animo'y gustong kunin ang atensyon ng dalaga. Hindi mapakali si Churchill, napakaraming naglalaro sa isipan niya at lalo pang tumitindi ang pangangatog ng kanyang tuhod at mga kamay.


Sa isang iglap ay biglang tumigil si Dana sa kinatatayuan na animo'y gulat na gulat. Nalaglag niya ang kanyang cellphone dahilan para mapalingon rin sa direksyon niya si Wacky.


Tinangkang pulutin ni Dana ang kanyang cellphone at sa pagkakataong ito'y napansin niyang nakatingin na sa kanya ang dalawa. Sa sobrang takot sa napagtanto ay hindi na magawang matingnan ni Dana si Wacky kaya kay Churchill dumako ang kanyang paningin.


Nang magtama ang mga mata nila Churchill at Dana ay animo'y nagkaroon sila ng pagkakaintindihan sa pamamagitan lamang ng tinginan. Takot na takot man, hindi gumagalaw si Churchill kaya naman pinulot na lamang ni Dana ang kanyang cellphone.


"Pre... naalala mo pa ba noong binisita natin ang farm ng lolo mo last year? Nalaglag ako mula sa puno ng mangga at na-shoot sa kanal kaya pinagtawanan mo ako ng todo." Walang emosyong sambit ni Churchill na nakatuon lamang ang paningin sa direksyon ni Dana na kasalukuyang pinupulot ang kanyang cellphone.


"Ah yun!" Humagalpak ng tawa si Wacky at napapalakpak pa, "Mukha kang tanga nun! Hanggang ngayon natatawa parin ako sa tuwing naalala ko ang katangahan mo ako."


Biglang napalingon si Dana sa direksyon ni Churchill.


Huminga ng malalim si Churchill nang muling magtama ang mga tingin nila ni Dana. Walang pag-aalinlangang tumango si Churchill dahilan para agad mapatakbo si Dana patungo sa direksyon ng kusina kung saan niya iniwan ang batang si Pip.


Napansin ni Wacky ang biglang pagtakbo ni Dana. Tumayo siya at susundan sana ito pero bigla na lamang hinigit ni Churchill ang kanyang braso.


"Hindi nangyari 'yon." Walang emosyong sambit ni Churchill dahilan para unti-unting mapalingon sa direksyon niya si Wacky na ngayo'y unti-unti nang napapangisi.


"Pinagloloko mo ba ako?" Nakangisi man, bakas ang namumuong galit sa boses ni Wacky.


"Ikaw ang nanloloko! Lumabas ka sa katawan niya kung sino ka man!" Sigaw ni Churchill habang nakaupo parin at walang ano-ano'y hinagis sa pagmumukha ni Wacky ang isang bote na puno ng likido na kanina niya pa hinahawakan at itinatago lamang sa loob ng kanyang bag.


Tumama sa mismong pagmumukha ni Wacky ang bote at tumalsik lamang sa pisngi ni Wacky at ilan sa laman nito. Taliwas sa inaasahan ni Church, nanatiling nakatayo sa harapan niya si Wacky na nakapikit lamang at may ngisi parin sa pagmumukha.


Sa gulat ay agad na napatayo si Churchill at napatingin sa boteng kanyang itinapon kay Wacky. Nagimbal si Churchill nang mapagtantong hindi pala holy water ang naihagis niya kundi isang bote ng alcohol na nasa loob rin ng kanyang bag.


"Shit!" Napasigaw si Churchill sa labis na gimbal habang hawak parin ang kanyang backpack.


"Ako naman." Nakangising sambit ni Wacky at walang ano-ano'y sinakal si Churchill at animo'y isang bagay na inihagis patungo sa dingding. Sa tindi ng ipinamalas na lakas ay tuluyang naging kulay itim ang mga mata ni Wacky at nagsimulang magpatay-sindi ang lahat ng mga ilaw at elektrikal na kagamitan. Samantala, si Churchill naman ay hinang-hinang bumagsak sa sahig.


"Pinabilib mo ako doon Churchill, kaso inutil ka parin." Humalakhak si Wacky at unti-unting humakbang papalapit kay sa duguang si Churchill, namimilipit ito sa sakit at hindi halos makagalaw dahil sa sobrang hilo.


"Wacky tama na!" Sa isang iglap ay biglang umalingawngaw ang napakalakas na sigaw ni Dana dahilan para lalo pang mapangisi si Wacky habang unti-unting napapalingon sa kanya.


"Hindi pa nga ako nagsisimula eh." Mapanuyang tugon nito habang humahalakhak.


"Wacky..." Napatakip si Dana sa kanyang bibig, labis na nagulat ang dalaga lalo na nang makita ang mga mata itong ngayo'y purong kulay itim na. Takot na takot naman ang batang si Pip na pinatago ni Dana sa kanyang likuran, mahigpit ang hawak nila sa kamay ng isa't-isa.


"Masyadong pambata ang Wacky, Waldo nalang." Humahalakhak na sambit ni Wacky at nagsimulang humakbang patungo sa direksyon nina Dana.


"Kimberly!" Umalingawngaw ang mapanuyang sigaw ni Churchill. Hinang-hina man ay animo'y sinusubukan nitong asarin si Wacky habang pinipilit ang sariling maglakad papunta sa direksyon nito.


Tumigil sa paglalakad si Wacky at napalingon sa direksyon ni Churchill, "Manahimik ka—!" Hindi na natapos pa ni Wacky ang kanyang sinasabi nang bigla na lamang siyang sinabuyan ni Churchill ng Holy Water sa pagmumukha.


"Takbo!" Bulalas ni Churchill dahilan para agad silang magtakbuhan papalabas ng bahay at palayo kay Wacky.


Sa isang iglap ay umalingawngaw ang napakalakas na palahaw ni Wacky na napapaibabawan ng isang napakalalim na boses. Tila ba labis na nasaktan ang binata dahilan para agad siyang mapaluhod sa sahig habang mahigpit ang hawak sa mukhang nagsisimulang umusok. Kasabay ng pamimilipit nito dahil sa matinding sakit ang pagyanig ng lupa at pagsabog ng mga bumbilyang nakasindi sa tahanan ni Dana.


Hinang-hina si Churchill at hindi halos makatayo ng matagal kaya naman habang nagtatakbuhan sila'y pilit siyang inaalayan ni Dana sa pamamagitan ng pag-akbay samantalang si Pip naman ay napakahigpit ng hawak kay Dana.


"Tulong! Tulungan niyo kami!" Panay ang pagsigaw ni Pip sa pag-asang maririnig siya ng mga guwardya ngunit wala na ito sa kinaroroonan nila.


Nang tuluyang makalabas mula sa gate at patungo sa kalsada ay bigla silang binulaga ng isang matinding liwanag na animo'y nagmumula sa isang malaki at may kalumaang jeep. Sa sobrang takot at desperasyon ay agad silang nagsigawan at halos salubungin na ito dahilan para agad na pumreno ang sasakyan sa mismong harapan nila upang 'wag silang masagasaan.


"Magpapakamatay ba kayo?! Buti naka-preno ako!" Narinig nila ang boses ng isang may edad nang lalake mula sa loob ng sasakyan.


"Dana?! Shit! Dana anong nangyari?!" Narinig naman nila ang isa pang boses na labis na pamilyar para sa kanila. Sa sobrang liwanag ng headlight ng sasakyan ay hindi sila makaaninag ng maayos kaya kinalampag na lamang nila ang bumper nito at narinig na may dali-daling lumabas mula sa sasakyan.


"Please tulungan niyo kami! Ilayo niyo kami dito!" Agad na salubong ni Dana sa lumabas mula sa sasakyan.


"Ha?! Anong nangyayari?! Dana ako 'to!" Sagot naman nito at agad na tinulungan si Dana sa pag-alalay kay Churchill.


Unti-unti, naaninag ni Dana ang malabong pagmumukha ni Shem. Duguan ang binata at may galos sa noo, suot-suot parin nito ang kanyang kulay dilaw na helmet na ngayo'y may bahid narin ng dugo. Imbes na magpaliwanag ay walang paligoy-ligoy na sumakay sina Dana, Pip at Churchill sa sasakyan kaya naguguluhan man, sumunod na lamang si Shem sa kanila.


"Umalis na tayo rito! Parang-awa niyo na!" Hindi parin magkamayaw ang kaba ni Churchill habang nakatitig parin sa pinto ng bahay ni Dana. Takot na takot parin ito habang pinapanood ang pagpatay-sindi ng ilaw at takot na takot na baka maabutan sila ni Wacky.


"We have to go! We have to go! Hurry!" Labis ang taranta at napakabilis ng pagsasalita ni Dana habang yakap ang takot na takot na si Pip.


"Ano bang nangyayari?! Sino yang sumisigaw sa loob?!" Tanong naman sa kanila ng driver na naririnig rin ang palahaw ni Wacky mula sa loob ng bahay. Agad na napalingon sa direksyon nila ang naguguluhang driver at laking gulat ni Dana nang makita kung sino ito.


"B-boris..." Gulat na gulat man, mas nanaig kay Dana ang kagustuhang umalis kaya muli siyang nagmakaawa sa mama at kinumbinsi ito.


"Oh shit oh shit oh shit!" Takot na takot na bulalas ni Churchill dahilan para agad mapalingon sina Dana sa direksyon kung saan ito nakatingin—sa pinto ng bahay ni Dana.


"Mang boris umalis na tayo rito!" Pakiusap na lamang ni Shem kahit maging siya'y naguguluhan at aminadong hindi parin komportableng kasama ang minsang pumatay sa kanya.


Sa isang iglap ay umalingawngaw ang naglalakasang sigawan nina Dana, Pip at Churchill lalo pa't ngayo'y nakikita na nila si Wacky—nakatayo malapit sa pinto ng bahay ni Dana, nakangisi habang nakatingin sa direksyon nila.


"Drive now! Drive! Drive!"

"Mang Boris parang awa mo na!"

"Please let's go!"

"Start the car! Start the car! Start the car!"


Halos mabingi si Boris dahil sa sigawan nila, kahit si Shem ay sumisigaw narin sa kanya. Panay rin ang paghampas nina Dana sa likuran niya bilang pang-uudyok kaya wala siyang magawa kundi sundin na lamang ang kagustuhan nito.


Kinabig ni Boris ang manibela upang paikutin ang sasakyan at bumalik sa kaninang dinadaanan. Nang tuluyan niyang pinaharurot ang sasakyan papalayo sa kinaroroonan ay pare-parehong napalingon sina Dana, Shem, Pip at Churchill sa direksyon ni Wacky.


Nakita nila itong naglalakad palabas ng bahay. Mabagal man, may ngisi ito sa kanyang mukha at nakuha pang kumaway sa kanila.


"I-its Astaroth...." Mahinang sambit ni Dana na nagsimula nang maluha.


"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang sambit ni Churchill na gaya niya ay lumuluha narin dahil sa awa para sa kaibigan.


"Nakahanap siya ng sisidlan at si Wacky iyon." Mahinang sambit ni Shem na napagtagpi-tagpi na ang lahat.


Pinunasan ni Dana ang kanyang luha at pabulong na kinausap si Shem, "What are you doing with him?"


"Alam kong masamang mambintang pero sigurado akong si Wacky ang sumabotahe sa sasakyan ko." Mahinang sambit ni Shem at pinahid na lamang ang hulihang bahagi ng kanyang t-shirt sa kanyang noong duguan, "Muntik akong bumangga sa isang truck, mabuti nalang at nakabig ko ang manibela. Bumangga ako sa concrete barrier pero mabuti nalang at hindi pumalya ang airbag pati na 'tong helmet ko. Nandoon si Mang Boris sa pinangyarihan ng aksidente at siya ang unang tumulong sa akin. Gusto kitang balaan kaya nagpahatid ako agad sa kanya..."


"You're not scared of him anymore?" Pabulong pang tanong ni Dana.


"Tama ka, tapos na ang bangungot. Hindi ako komportable pero sa pagkakataong 'to, hindi na si Boris o kung sino mang skunks ang dapat nating katakutan." Mahinang sambit ni Shem na bakas ang pagkabahala sa pagmumukha.


"Si Wacky...." Mahinang sambit naman ng nanlulumong si Churchill na nakikinig pala sa kanilang usapan.


END OF CHAPTER 12!

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3


Continue Reading

You'll Also Like

865K 58.5K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...
658K 47K 71
During the spread of the deadliest virus in 2054 Philippines, Santhy Gozon struggles to survive to reach the last quarantine. *** A sixteen-year-old...
6.1M 204K 110
AlphaBakaTa Trilogy [Book2]: The Return of ABaKaDa (Reviving the Dead) Sulitin ang mga oras na nalalabi sa 'yo. Malay mo, ngayon na pala ang oras mo...
21.6M 751K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...