Hands all over (Published)

By xxakanexx

5.1M 104K 8.9K

Once upon a time is only applicable in fairy tales and princesses. Aura never believed in those but when life... More

Hands all over
Prologue: Moonshine
2. One night stand
3. Night out
4. Sold
5. The new old
6.Was and were
7. Decisions
8. Broken
9. Money well spent
10. According to him
11. Kasal-kasalan
12. Tell me something I don't know
13. Day one
14. Hindi ko sasayangin
15. Nandito na ako
16. Si Adam
17. Clarity
18. Loop hole
19. Nope, I'm a Consunji
20. Piece by piece
21. Fury
22. Confrontations
23. A loud bang
24. Milestone
Epilogue: Ikaw at ako

1. A not so "Bachelor" party

256K 4.8K 660
By xxakanexx


"Anak, hindi ka pa ba magre-resign diyan sa call center na iyan?"

Nakatingin lang ako kay Mommy habang nagsusuklay ng buhok, halos kauuwi ko lang noon sa bahay, as usal, umaga na naman ako nakauwi at ang alam ni mommy at nang lahat ng tao sa bahay ay galing ako sa call center dahil ang alam nilang trabaho ko ay agent. Hindi ko sumagot agad. I had been lying to my family for a very long time. Hindi ko naman pwedeng sabihin na ang ipinapakain ko sa kanila ay galing sa pamumuhunan ko sa katawan at laman ko. I just smiled.

"Ma-maayos naman po ang kita, diba Mom?" I said to her. Tumayo siya sa likod ko at kinuha ang suklay, siya na mismo ang nagsuklay sa akin. She was looking at me in the mirror.

"Oo, pero hindi ka pa ba napapagod? I mean, ang sabi mo kapag nakaipon ka na, mag-aaral ka ulit. Aura, you're not getting any younger, you have to finish your degree. Hija, kahit naman na-bankrupt tayo, your dad still wants you to graduate."

I sighed. Paulit-ulit na lang itong sinasabi ni Mommy. She wanted me to quit my job because I have to go to school. Hindi ko naman pwedeng gawin iyon dahil nag-aaral pa ang kapatid kong bunso. Miguel is in his third year of Architecture, dalawang taon pa ang bubunuin ko para makatapos siya, maybe after he passes the board exams, I'll stop being a stripper and find a real job – ang problema ay kung kaya ko ba. Sa totoo lang kasi, malaki ang kita ko sa paghuhubad. I earn fifteen to eighteen thousand weekly, hindi pa kasama ang tip ng mga clients ko, hindi pa rin kasama doon kapag may kasamang extra-service. Masakit man aminin pero hindi ko sigurado kung kaya kong iwan ang paghuhubad, natatakot ako na sa oras na mangyari iyon ay maghirap na naman kami.

Hindi naman kami mayaman, tama lang, hindi kami kinakapos, hindi rin nagkukulang, sapat lang ang kinikita ko para sa gastusin namin sa bahay, para sa gamot ni dad at para sa pag-aaral ni Miguel.

"Hindi ko pa alam, Mom, hindi pa tapos mag-aral si Miguel." Pagdadahilan ko. She sighed again. Niyakap niya ako. Maya-maya ay naramdaman kong umiiyak na naman siya. "Mom, stop crying." Saway ko sa kanya.

"Hindi ito ang pinangarap kong buhay ninyong magkapatid. Ikaw ang prinsesa namin ng daddy mo, you should have a life better than this, iyong hindi ikaw ang nagtatrabaho, kung hindi lang sana naipatalo ng daddy mo ang pera natin sa sugal---"

"Ma, tapos na iyon, okay na. Tanggap ko na na ganito tayo. Ang mahalaga lang naman ay iyong magkakasama tayo." Pilit akong ngumiti. Kumalas si Mommy mula sa sa yakap namin at saka pinahid ang mga luha niya.

"Magpahinga ka na, mamamalengke pa ako. Nasa ibaba ang daddy mo, tulog naman siya, matulog ka na."

Tinanguan ko si Mommy, lumabas siya ng kwarto at saka isinara ang pinto, nahiga naman ako sa kama at pilit kong iwinawaglit sa akin isipan ang mha haplos at halik sa akin ng mga estrangherong iyon. I sighed. Hanggang kailan ba ako sa ganito? Minsan gusto ko na talagang umalis, kung hindi ko lang iniisip na maghihirap na naman kaming muli ay matagal ko nang tinalikuran ang trabahong bumababoy sa buong pagkatao ko.

Ipinilig ko ang aking ulo at saka pinilit matulog. Ang hiling ko lang sana, kahit na madumi na ako, kahit na ang pangit-pangit ko na, sana dumating pa rin ang panahon na may isang lalaking tatanggap sa akin ng buong-buo.

Gustong-gusto ko nang matulog pero mailap ang antok sa akin, bumangon akong muli at saka bumaba, pinuntahan ko si Daddy sa silid nila ni Mommy, I saw him sitting by the window looking out. Nilapitan ko siya at saka hinagkan sa noo.

"Dad..." Nakangiting wika ko sa kanya. Wala akong narinig na salita mula sa kanya. Dahan-dahan kong iniharap sa akin ang wheelchair niya at saka muli siyang hinagkan.

"Uhhmmm..."

Maluha-luha akong tumingin sa kanya. Hindi na nakakapagsalita si Daddy, four years ago, intake siya sa puso, naparalisa ang buong katawan niya. Isa rin si Dad sa dahilan ko kung bakit hindi ako makaalis sa trabahong pinasok ko, paano ko mabibili ang gamot niya kung hihinto ako? Mamamatay si Dad kapag hindi siya nakapaggamot.

"Dad, I love you..." Sabi ko sa kanya.

"Hmmm..." He made that sound again. He tried holding my face. Ako na mismo ang naglapit sa kanya ng mukha ko, lagi niyang ginagawa iyon sa akin lalo na noon sa tuwing uuwi siya sa bahay galing sa opisina – he used to tell me that I am his little princess, mahal na mahal ako ni Daddy at lahat ng gusto ko noon ay ibinibigay niya sa akin. Kung hihingin ko sa kanya ang buwan, sigurado akong gagawa siya ng paraan para lang maibigay iyon sa akin, ganoon ako kamahal ni Dad.

"Hmnn.. A-aura..." Tawag niya sa pangalan ko. Nginitian ko na lang siya.

"Dad, wag kang magsalita, mapapagod ka lang." Sabi ko sa kanya. "Gusto mo bang humiga?" Tanong ko.

"A-aura... Dam." Wika niya. Tinitigan ko siya.

"Ano po, Dad?" Tanong ko. Pilit niyang itinaas ang daliri niya, itinuro niya iyon sa dvd player na nasa kabilang side ng sislid. "Manonood ka ng DVD?" Ngumiti ako. Tumayo ako at saka binuksan iyon. Naghahanap ako ng dvd na ilalagay sa loob nang bigla iyong mag-play.

Nanigas ang likod ko nang makilala ko ang kantang iyon...

Ikaw at ako, pinagtagpo
Nag-usap ang ating puso
Nagkasundong magsama habangbuhay.

Nagsumpaan sa Maykapal
Walang iwanan, tag-init o tag-ulan
Haharapin bawat unos na mag-daan.

Sana'y di magmaliw ang pagtingin
Kaydaling sabihin , kayhirap gawin
Sa mundong walang katiyakan
Sabay natin gawing kahapon ang bukas...

"Au-aura... Dam..."

Muling nagsalita si Dad. Binalingan ko siya. Hindi ko matiis na hindi maluha dahil lang sa kantang iyon. I was just standing there, looking at dad while shedding the tears of yesterday.

"Au-aura... Dam..."

Pinilit kong ngitian si Daddy. Ngayon ay alam ko na kung anong sinasabi niya, kung ano talaga ang gusto niyang iparating sa akin.

"W-wala na si Dam, daddy."

Huminga na lang ako nang malalim at saka pinatay ang dvd. Nilapitan ko si Dad, napansin kong tulad ko ay umiiyak din siya.

"Wala na si Dam..."

-----------------------------------------

Maaga akong pumasok sa club nang gabing iyon. Hangga't maaari kasi ay nais kong lunurin ang utak ko sa ibang bagay para hindi ko maisip ang nangyari kanina sa bahay, ayokong marinig ang kantang iyon dahil naaalala ko lang ang isang bagay na nawala sa akin at hindi ko pinahalagahan.

Kapapasok ko lang sa loob ng dressing room nang salubungin ako ni Mitchie. Si Mitchie ang manager namin lahat sa club na iyon. Sa kanya lumalapit ang mga clients kapag may gusto silang ilabas o kung gusto nilang masolo ang isa sa amin sa loob ng private room.

"Moonshine!" Tawag niya sa akin. Hinagkan niya ang dalawa kong pisngi. Ngumiti naman ako. Mitchie was wearing his usual pants and shirt na pinatungan ng colorful sa scarf. Trademark niya iyon, mukha daw kasi siyang sosyal.

"Yes, Ateng anong atin?" I gave him my jolliest smile.

"Home service. Wag ka nang magbihis, ipapahatid kita doon ngayon."

Nanlaki ang mga mata ko. Ayoko sa lahat ang home service. Kapag home service kasi ay hindi ako pwedeng tumanggi sa kahit na anong ipapagawa sa akin. I swallowed hard.

"Ateng alam mo naman na ayaw ko ng ganyan." Sabi ko sa kanya.

"Naku, Aura, pumayag ka na, hindi kasi pwede si Sicily, may sakit, si Antonniette naman, buntis!" Hinawakan niya ang kamay ko. "Ikaw na lang kundi, malalagot ako kay Mamu. Sige na! Bachelor's night ito!"

Huminga ako ng malalim. Nag-iisip ako ng dahilan para hindi ako maipadala sa kung saan man ako dapat mag-service pero wala, sa huli naawa din ako kay Mitchie at pumayag na rin. Ang pinaka-consolation ko na lang ay iyong fact na sa home service, ay iyong bachelor lang ang gagamit sa akin. Kung may mga kasama man siya, hawak at haplos lang iyon. Masisikumura ko iyon, kakayanin ko, kapag ganoon kasi malaki ang bigay.

Sinamahan na ako ni Mitchie sa parking lot. Isinakay niya ako sa taxi at saka sinabi ang address na pupuntahan ko. Nagpaalam ako sa kanya, I even wave him goodbye. Nang tuluyan siyang mawala sa likuran ko ay saka lang ako tumingin sa may driver. Alas siyete pa lang ng gabi, masyado yatang maaga ang party na iyon.

Hindi ko na masyadong inisip. Sigurado na hindi lang pagsasayaw at paghuhubad ang gagawin ko ngayong gabi, pero okay na rin, sana lang mabait ang client na iyon, naranasan ko na kasing maging punching bag, nang mangyari iyon ay halos isang linggo akong hindi umuwi sa amin dahil ayokong makita nila Mommy ang mga pasa sa mukha at katawan ko. I stayed with Rian also known as Tequila. Sa mundong ginagalawan ko kasi, si Rian lang ang maitutuiring kong kaibagan. Halos sabay lang naming pinasok ang mundong ito pero magkaiba kami ng dahilan. Rape victim si Rian, pero hindi tulad ng iba – hindi siya na-traumatized, she actually said to me that the incident awakened something inside her and that was why she ended up doing this job. Mabait siya, pero minsan naaawa ako sa kanya, itinakwil na kasi siya ng pamilya niya mula nang malaman ng mga ito kung anong trabaho ang meron siya.

Maya-maya ay huminto ang taxi sa tapat ng isang mataas na building. I sighed, I paid the driver and I walked out of the car. I was wearing a corporate attire; props ko ito tuwing aalis ako sa bahay.

Pumasok ako sa building. Mukhang mayaman ang client ko ngayong gabi. The building was one of the most prestigious residences in the Metro. It was owned by the Consunji's – iyong prominent family that was known or their big ships and expensive cruise ships. Killa ko sila dahil minsan ko nang nakasalamuha ang pamilya nila – noong may negosyo pa si Dad.

Naglakad ako patungo sa elevator ang sabi sa akin ni Mitchie sa pent house daw ang destination ko. I have no idea about my clients. Ni hindi ko alam ang pangalan nila basta ang alam ko lang sa pent house ko siya o sila hahanapin. Nang makarating ako doon ay hindi naman nagging mahirap ang paghahanap ko dahil pagbukas ng elevato ay ang mismong pent house na nadatnan ko.

The room was huge. Mababakas ditto ang karangyaan na natatamasa ng nakatira doon. I could see antique paintings everywhere. Maybe the owner was an art enthusiast o something. I walked slowly my heels were making sounds I looked around to see where the party was. Agad kong sinuot ang mask na ibinigay sa akin ni Tequila noong isang gabi. Ilong at labi ko lang ang nakikita nila tuwing suot ko ang mask na iyon. May naririnig akong mga boses maya-maya ay nakita ko ang isang lalaking matangkad na nakatayo malapit sa may sliding door.

"Sancho! I think she's here!" Sigaw nito. Sancho? Iyon ba iyong pangalan ng groom? A man taller than the other emerged inside the room. He was wearing a three piece black suit, the guy named Sancho looked so handsome. Siya ba ang groom? Dahil kung siya, pwede na rin. Iilan lang ang mga client kong masasabi kong may hitsura talaga at kung sakali man ay siya na ang isa doon. Matapos kong titigan ang Sancho ay tinitigan ko naman ang lalaki sa tabi niya. He's hot too, too hot – actually. He had this mischievous smile on his face at kahit hindi pa siya masyadong nagsasalita, I know that he was rough, the men in front of me were both hot that I couldn't really decide on who I wanted the groom to be.

"Is she the stripper, Luke? I mean she looked like an office girl." Komento nang lalaking tinawag na Sancho. I shrugged.

"Ever heard of props, Mr.?" I didn't know why my voice turned seductive. They just looked at me.

"Start na tayo, uuwi pa ako sa asawa at mga anak ko." Sabi ulit ni Sancho. Tumalikod siya at naupo sa couch, sumunod naman ang Luke na iyon. They were now sitting on the couch waiting for me. Kung may asawa na ang Sancho na iyon, ibig sabihin iyong Luke ang groom. I walked towards the middle of the living room. Ibinaba ko ang bag ko. I was actually expecting a bigger crown like seven to ten people pero mukhang silang dalawa lang.

"Uhm, is it just the two of you?" I asked them.

"Actually, we're still waiting for out brother. He'll be here in a minute." Sabi ni Luke. "Just start already. Mamaya-maya nandito na rin iyon." Wika niya habang nakatingin sa akin. Luke has rougher features that the guy named Sancho. Sancho had a face of an angel; he looked like he's a gentleman. Luke was holding a remote, he pressed the button and music filled the air. I took a deep breath. Kung ganito na tatlo lang sila ay hindi ako mahihirapan. Mas madali kung kaunti, hindi nakakatakot at isa pa, mukhang mabait naman sila.

I started dancing seductively, one by one I was taking off my clothes, I took my blouse off, then my pants. I walked towards the two of them, I sat on Sancho's thigh. He smiled at me.

"No, Miss." Sabi niya. "Go to Lukas." Itinuro niya ang kapatid. Lumipat ako roon and I started flirting with him.

"My god!" He said. I smiled. "I cannot believe that this doesn't feel right!" Nalaglag ako sa sahig nang bigla siyang tumayo at saka lumayo. I saw him took his phone out from his pocket and seconds later he was talking to someone.

"Hey babe, I missed you." Lumabas pa siya sa balcony. I looked at Sancho. He was busy texting too. Bigla kong naitanong sa sarili ko kung bakit ako nandito if they don't seem interested.

"Excuse me." I said. I am almost naked and yet wala pa rin sa akin ang atensyon nila. Sancho looked at me. "Why am I here? You two doesn't seem to care." I said sarcastically.

"Sorry, miss. Ako iyong groom. My brother Lukas just wanted to give me a stag party." He smiled.

"Ikaw naman pala iyong groom. Let me give you a lap dance." Lumakad ako patungo sa kanya pero bigla naman siyang tumayo.

"Miss, kasal na ako. Papakasalan ko lang ulit ang asawa ko because I wanna make things right for her. I wanted to give her a beautiful wedding. Every woman deserves that." He smiled at me. Hindi naman ako nakakibo. Bigla ay nakadama ako ng inggit sa asawa niya.

"Ang swerte niya." Sabi ko.

"Ako ang swerte kasi ako ang pinili niyang mahalin." Nakangiti siya sa akin na para bang sinusubukan niya akong bigyan ng kasiyahan na nararamdaman niya. I felt sad for myself, sana, may isa pang lalaking tulad niya na makakahanap sa akin at tatanggapin ako kahit gaano na kadumi ang buong pagkatao ko. He sat again.

"You can get dressed now. Babayaran ka pa rin namin, Miss." Sabi niya. Noon bumalik ang kapatid niya sa loob.

"Miss sorry, pwede ka naman sumayaw wag mo lang akong landiin. Magagalit iyong asawa ko." Sabi pa niya sa akin. Sancho laughed.

"You told Apollo about the stripper you hired?"

"Oo, I tell her everything, para wala nang itatago sa isa'tisa. I've learned my lesson."

"So sasayaw na lang ako? I won't touch you too?"

"You can touch our brother if he gets here on time." Sabi ni Lukas. "Teka nasaan na ba si Adam?"

Nanginig ang tuhod ko nang marinig ko ang pangalang iyon. Hanggang ngayon pala ay may epekto pa rin sa akin ang pangalang iyon. Tiningnan ko silang dalawa.

"He's on his way, na-traffic lang. Did you tell him about the stripper? Baka magulat iyon." Sabi ni Sancho. I was just standing in the middle of the living room, listening to them. I wanted to know more about the Adam they were talking about.

"Laking kumbento yata iyon. Sabi ko sa kanya, hindi siya Consunji kung hindi siya mahilig sa babae!" Natawa pa si Lukas.

Nakahinga naman ako nang maayos dahil nalaman ko na ang Adam sa isip ko ay hindi ang Adam na sinasabi nila. I smiled to myself, maraming may ganoong pangalan sa mundo. Hindi lang ang Adam na iyon ang taong maaaring maging Adam.

"Let's start again." I said. I took the remote from Lukas. Ako na mismo ang namili nang kantang sasayawan ko. I started dancing again. Kahit naman sinabi nilang sasayaw lang ako, I still want them to have a good time so I gave my heart out. I was silently wishing na tulad na lang ng mga lalaking ito ang mga client ko. They don't require touching or more than that.

I started taking off my bra, I was teasing the both of them. Lukas was looking at me, Sancho was drinking his scotch. I stood on the coffee table, I took off my heels seductively, isinunod ko ang bra ko. Now I am exposed in front of them and yet they seemed not to mind.

"Miss, pakisuot ulit." Nakita kong pinulot ni Lukas ang bra ko. He gave it back to me. "You don't have to take it off, just dance."

Gusto kong maiyak dahil sa narinig ko mula sa kanya. Isinuot kong muli ang tinanggal ko at saka nagsayaw ulit.

Sana, lahat ng lalaking makakasalamuha ko sa mundo ko ay tulad nila.

"Nagtext si Adam, paakyat na daw siya." Sabi ni Sancho. Lukas looked at me.

"Miss, kay Adam ka na lang makipag-flirt. Hindi pa taken iyong kapatid namin." I nodded at him. Naisip ko na kung kapatid nila ang Adam na iyon, baka magka-ugali sila.

I stopped dancing.

"Ikaw na ang sumalubong. Nasa elevator na iyon." Sabi ulit ni Lukas. Bumaba ako sa coffee table at saka nagtungo malapit sa elevator. Pinalakasan ko ang tugtog, narinig ko ang ting ng elevator at maya-maya ay bumukas iyon.

I still have my mask on. The elevator door opened and that was my cue, I took my bra off and threw it on the man wearing a black suit.He was looking at his phone at mukhang nagulat siya nang tumama iyon sa mukha niya.

"Welcome home, Adam." My voice was husky and seductive. Noon lang siya nag-angat ng tingin. Our eyes met and just like that my world stopped revolving. Ang lalaking nakatayo sa harap ko ay ang mismong Adam na iniisip ko kanina. Hindi siya kapangalan lang ng Adam na nasa isip ko – siya mismo ang Adam na iyon.

Hindi ako makahinga.

"Who are you?" He asked me, he's a bit disoriented.

Continue Reading

You'll Also Like

10.6K 139 6
A successful career woman with a smart child, MM have everything she wished for and more.. Para sa kanya ay komplikasyon lang ang pagdadagdag ng lala...
97K 5.5K 19
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
606K 556 2
Ano ang gagawin mo kung ang ex-boyfriend mo ay possessive at hanggang ngayon ay ginugulo pa rin ang buhay mo?
121K 737 5
Ria's bound to marry Jared Montereal. A marriage of convenience. The night when she was told about it, naglayas siya. And then she met Vincent. Alex...