MILK / seventeen

By saltypastry

219K 9.7K 5.8K

In which Park Soonbyul applied as Seventeen's personal assistant to get closer to Vernon, only to find out th... More

000
001
002
003
004
005
006
007
008
009
010
011
012
013
014
015
016
017
018
019
020
021
022
023
024
025
026
027
028
029
030
031
032
033
034
035
036
037
038
039
040
041
042
043
044
046
047
048
049
050
051
052
053
054
055
056
057
058
059
060
Epilogue
Postscript
♥♥♥
♡♡♡

045

2.5K 122 37
By saltypastry

' Kasalan ko kung bakit nangyari sayo to. Pasensya na '

--

Milk's POV

Nakauwi na yung ibang members pagkadating namin sa dorm. Pinagkaguluhan nila yung hawak kong aso sa pangunguna ni Minghao at Mingyu.

' Ingatan nyo ah. May pilay yan '- sabi ko sa kanila bago ako naupo sa tabi nila Hoshi, Seungkwan at DK.

Napatingin silang tatlo sakin.

' Bat ka nagpagupit Noona ? '- tanong ni Hoshi.

' Sign of moving on na ba yan ? '- tanong ni Seungkwan.

Moving on ?

' Moving on saan ? '- tanong ko.

' Kay Joshㅡ '

Bago pa man matapos ni Seungkwan yung sasabihin nya, siniko sya ni DK.

Ang weird nila.

Napatingin ako sa gilid ko at napansin kong nakatitig sakin si Joshua. Agad naman syang umiwas ng tingin.

' Noona anong pangalan nya ? '- tanong ni Minghao habang buhat nya yung aso.

' Cereal '- sagot ko.

' Ang cute cute nya Noona. Pati na din yung pangalan nya. Para kayong mag-ina '- sabi ni Mingyu.

' Tapos si Vernon ang tatay '- sabi ni DK.

Tumingin ako kay Vernon. Nginitian lang nya ako.

' Hindi ako papayag ! Sakin lang si Hansol babes ! '- OA na sabi ni Seungkwan sabay yakap kay Vernon.

' Mandiri ka nga Seungkwan '- sabi sa kanya ni Vernon.

' Babes inaaway nya ako ! '- sumbong ni Seungkwan kay Hoshi habang nakaturo kay Vernon.

' May problema ka ba sa jowa ko ? '- mayabang na tanong ni Hoshi kay Vernon.

Natawa nalang kami sa kabaklaan nila.

Nagpunta ako sa kusina at nakita ko si Seungcheol na nagluluto.

' Anong niluluto mo ? '- tanong ko sa kanya.

' Pagmamahal ko na iaalay sayo '

Sinamaan ko sya ng tingin.

' Seryoso kasi '- sabi ko.

' Samgyeopsal '- sagot nya.

Nakakunot yung noo ko habang pinapanood syang magluto.

' Luto na yang karne ah ? Bat ayaw mo pang patayin yung kalan ? '- takang tanong ko.

Tinaasan nya ako ng kilay.

' Anong luto na ang sinasabi mo Noona ? Kita mong mapula pa '- sabi nya.

Niloloko ba nya ako ?

' Anong mapula ? Kulay brown na kaya ! Colorblind ka ba ? '- tanong ko sa kanya.

Napabuntong hininga sya at ngumiti lang bago ginulo yung buhok ko.

Okay ?

' Noona ! May bisita ka ! '- sabi ni Dino pagkapasok nya sa kusina.

Sino namang bibisita sakin ?

Sinundan ko si Dino papunta sa sala at may nakita ako dung lalaki na pinagkakaguluhan nung ibang members.

Pagkakita nya sakin, ngumiti sya. Ewan ko ba, parang may humila sakin na yakapin sya.

Sya yung nakausap ko sa ospital via video call. Doyoon ang pangalan nya kung tama ang pagkakatanda ko.

' Noona ! Kamusta ka na ? May naaalala ka na ba kahit papaano ? '- tanong nya sakin.

Umiling naman ako.

' Inaalagaan nyo ba si Noona ? '- tanong nya sa ibang members.

' Hindi nga namin malapitan yan eh. Palagi kasing si Vernon ang kasama '- sabi ni Wonwoo.

' Grabe kayo '- sagot naman ni Vernon.

Tinawanan lang sila ni Doyoon.

Lumabas si Seungcheol ng kusina at lumapit samin. Nakipag fistbump sya kay Doyoon tapos may binulong sya.

' Di nga ? '- tanong ni Doyoon kay Seungcheol pagkatapos nyang bumulong.

Tumango lang si Seungcheol.

Ano namang pinag-uusapan nila ? Nakaka-OP tuloy.

Bumaling naman ulit sakin yung atensyon ni Doyoon.

' Anong kulay ng suot ko Noona ? '- tanong nya.

Tinaasan ko sya ng kilay. Bakit nya pa kailangang itanong eh nakikita naman nya ?

' Lavender '- sagot ko.

Gulat na tumingin si Doyoon kay Seungcheol. Si Seungcheol naman nagkibit balikat lang.

Ano bang problema ng mga tao sa paligid ko ? Tuluyan na ba silang nabaliw ?

Maya-maya, niyaya na kami ni Jeonghan na kumain ng hapunan.

Naguguluhan ako and at the same time ay nandidiri habang pinapanood ko silang kumain.

' Noona ? Bakit hindi ka kumakain ? '- tanong sakin ni Jun.

Muli kong tiningnan yung pagkain sa plato ko. Eto yung niluto ni Seungcheol kanina pero may gulay na.

Ang ipinagtataka ko eh bakit ganito yung kulay nung gulay. Hindi ba dapat green ?

' Seungcheol, bakit ganito yung kulay nung gulay ? '- tanong ko.

Kumunot yung noo nung ibang members except kay Doyoon at Seungcheol.

' Anong problema Noona ? Green naman ah ? '- tanong ni Seungkwan.

Umiling ako.

' Green ba ang tawag nyo dito ? Kulay cream nga eh ? '- sabi ko.

Mukhang mas lalo silang naguluhan.

' Dapat ko na sigurong sabihin sa inyo to .. '

Napatingin kaming lahat kay Seungcheol nang magsalita sya.

' Naalala nyo ba noong na-aksidente si Noona ? Sinama ako nung doktor sa office nya diba ? '- sabi nya at tumango naman yung ibang members except samin ni Doyoon na nakikinig lang.

' Sinabi sakin nung doktor na may nakita pa silang isang problema kay Noona. Colorblind na sya .. '

Nagulat ako pati na rin yung ibang members sa sinabi ni Seungcheol.

' C-Colorblind ? '- naguguluhang tanong ko.

Tumango sya.

' Red-Green Color Blindness to be specific which is ang pinaka common type ng color blindness. Pwede daw makuha ang sakit na ito from accidents, traumas at maari ding hereditary. Sa kaso mo Noona, nakuha mo daw ito doon sa accident sabi nung doktor '- sabi ni Seungcheol.

May amnesia na nga ako, colorblind pa ? Wala na ba akong mas imamalas pa ?

' H-Hyung .. bakit Red-Green Colorblindness yung tawag ? '- tanong ni Vernon.

Napabuntong hininga si Seungcheol bago sumagot.

' Kaya Red-Green Colorblindness ang tawag dahil yung green at red na kulay ang pinaka apektado sa paningin nya .. '

Inilabas ni Seungcheol yung phone nya at may pinakita sya sa kanila na color spectrum. Yung normal na nakikita niyong kulay at yung nakikita ko dahil sa colorblindness.

Hindi na ako nag-abala pang tingnan yun dahil alam ko namang ibang kulay padin ang makikita ko.

Sandali silang natahimik bago napatingin ulit sakin.

' Dapat pala nating sauluhin yang color spectrum para matulungan natin si Noona na alamin kung ano ba talagang kulay yung mga nakikita nya .. '- sabi ni Wonwoo.

Napatango naman yung ibang members.

Napaiwas ako ng tingin.

' Alam nyo, sobra na akong nahihiya sa inyo. PA nyo ang trabaho ko diba ? Pero bakit parang baliktad ata ? Kayo ang nag-aalaga sakin. Pakiramdam ko tuloy pabigat ako sa inyo '- nakayukong sabi ko.

Natahimik silang lahat.

' Noona, wag mong isipin na pabigat ka. Matagal-tagal mo na din kaming naaalagaan at siguro panahon na para ikaw naman ang alagaan namin '- sabi ni Woozi.

' Tsaka mahal na mahal ka namin. Kahit anong mangyari, sabay-sabay natin yang haharapin at pagtutulungan '- sabi ni Hoshi.

Napangiti nalang ako sa sinabi nila.

Nang matapos kaming kumain, nagpaalam na si Doyoon. Ayaw pa nga syang paalisin nung ibang members kaya lang may shooting pa daw sya mamayang madaling araw.

Hinatid ko sya palabas ng dorm dahil ewan ko ba. Magaan talaga ang pakiramdam ko sa kanya.

' Noona, sana wag mo nang isipin na pabigat ka sa kanila. Kahit na hindi na kami gaanong nagkikita, alam kong mahal na mahal ka nila at kahit kailan ay hindi nila iisiping pabigat ka .. '- sabi sakin ni Doyoon nang makalabas na kami.

Napatingin ako sa kanya.

' Uh .. ano ka nga pala nila ? Mukha kasing close na close kayong lahat ? '- tanong ko sa kanya.

Ngumiti sya bago sumagot.

' Dati akong member ng Seventeen '

T-Talaga ?

Mukhang madami-dami pa akong kailangang alamin para tuluyan nang bumalik ang aalala ko.

' Bat parang ang gaan ng loob ko sayo ? '- tanong ko sa kanya.

Ngumisi sya bago sumagot.

' Syempre. Bias wrecker mo lang naman ako Noona '

Di nga ?

' Mukhang may problema na talaga ako sa paningin dati palang '- natatawang sabi ko.

Ngumuso lang sya. Haha.

Pero kidding aside, gwapo talaga tong si Doyoon.

Kaya nga mahal na mahal sya ng author nyong maganda eh.

' Uh .. Doyoon may gusto pa sana akong itanong sayo '- sabi ko.

Ngumiti ulit sya.

' Sorry Noona pero taken na ako ni Author-nim '- sabi nya.

Ano daw ?

' Pinagsasabi mo ? '

' Tatanungin mo ako kung pwedeng maging tayo diba ? Kaso di na pwede kasi taken na nga ako '- sabi nya.

Binatukan ko naman sya.

' Wag kang feelingero ah ! Hindi yun yung itatanong ko ! '- sabi ko.

Natawa lang sya.

' Ano ba yung itatanong mo ? '

' May boyfriend ba ako sa Seventeen ? Kung meron, sino ? '- tanong ko.

Kumunot yung noo nya.

' Hindi ba nila sinasabi sayo ? Si Joshㅡ '

' Hyung ! '

Napalingon kami parehas kay Hoshi na palapit samin habang may hawak na phone.

' Naiwan mo sa loob hyung. Ingat sa pag-alis '- sabi ni Hoshi.

Kinuha yun ni Doyoon at ngumiti. Ginulo nya yung buhok ko bago umalis.

Napakamot nalang ako ng ulo ko dahil sa inis. Wrong timing tong Hoshi na to.

' Salamat ah '- sarcastic na sabi ko sa kanya.

' Para saan Noona ? '- takang tanong nya.

Inirapan ko nalang sya at dumeretso na ulit sa loob ng dorm.

Alam kong meron akong boyfriend na isa sa kanila. Ewan ko ba pero malakas ang pakiramdam ko.

May mga nakikita akong panlalaking damit na naligaw sa closet ko.

May ilan ding boxes at paperbags dun mukhang iniingatan ko dati kasi nakatago talaga pero walang nakalagay kung kanino galing. Heart lang yung nandun.

May nakita din ako sa lapag na picture ko ko habang may ka-holding hands na lalaki kaso punit yung parte nung lalaki mula balikat hanggang ulo.

Bakit ba parang ayaw talagang ipaalam sakin ng pagkakataoon yung kung sino bang boyfriend ko sa kanila ?

Pagkabalik ko sa dorm, nakita ko si Joshua na nakaupo sa sala. Hindi ko mabasa yung expression ng mukha nya.

Pero mukha syang malungkot.

Naupo ako sa tabi nya dahil bigla akong nakaramdam ng urge na i-comfort sya kung ano mang problema nya.

' A-Ayos ka lang ba ? '- tanong ko sa kanya.

Umiwas lang sya ng tingin at hindi sumagot.

Hindi padin ako tumatayo. May parang nagsasabi sakin na wag umalis. Na nandito lang dapat ako sa tabi nya.

Na eto yung nakasanayan ko.

Nagulat ako nang hawakan nya bigla yung kamay ko dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

' Kasalan ko kung bakit nangyari sayo to. Pasensya na '

Pagkatapos nyang sabihin yun, binitawan na nya yung kamay ko tapos umalis na sya.

Hindi ko man naintindihan kung anong ibig sabihin nung sinabi nya, may kung ano sa akin na natuwa dahil narinig ko na naman yung boses nya.

Bakit ganito ang nararamdaman ko ?

Bakit habang tumatagal, mas nai-intriga ako kay Joshua ?

Continue Reading

You'll Also Like

83.3K 3.2K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
66.1K 3.8K 63
"Pero kung magkakaanak man tayo, pangalanan mong Tina, para Tina Hong," - Joshua In which Chimera Xu slept on a wrong bed, and had impregnated by a w...
Daddy Gyu By icey

Fanfiction

66.9K 3.6K 63
"INUTUSAN LANG NAMAN PO AKO NI MAMA!" - Mingyu In which Kim Mingyu was just going to deliver some yemacake yet suspected to be the father of Destiny...
229K 4.6K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...