The Delinquent and The Silent

By Emmie_Carmelo

103K 3.3K 231

A mute girl, Century, was living a cruel life in her guardian's custody. She was a victim of physical and men... More

Copyright
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45

Chapter 9

2.3K 85 4
By Emmie_Carmelo


Luke's POV


"So anong nangyari sa pipi?"


Tumingin ako kay Danny. "Her name's Century, dope"


"Century who?" tanong naman ni Gabby. Gabby and Danny are cousins. And they're here para syempre inggitin ako sa mga pinaggagagawa nila sa Bora. Kasama din si Don.


"Si Century lang naman ang pinagbuwisan namin ng buhay para mahanap. Ilang aso ang tinakbuhan namin, ilang bahay ang dinaanan, ilang gutom ang tiniis, ilang—"


"Danny! Nagpapaka makata ka na naman diyan! Ang OA mo." Binato ko si Danny ng piso. "Ayan, kay Rizal ka makipag tulaan. Baka sakaling mabuhay siya para dagukan ka."


"Che"


"So? How is she?" asked Don. Si Don ang may pinakamatinong takbo ng utak. Tahimik lang siya pero siya ang pinaka makulit pag lasing.


"Naka-uwi na siya. She's got the bruises and scratches still pero she's okay. She's healing."


"Chicks ba dre?" tanong naman ni Gabby.


Binato sa kanya ni Danny yong binato kong piso. "Lul! Aaswangin mo pa eh!"


"Nagtatanong lang eh..." reklamo ni Gab.


"La! Nagtatanong daw, mamaya dumidiskarte ka na! Kilala kita oi!" pang-aaway ni Danny.


Gab made a face. "Style mo 'yon..." reklamo niya.


Sasagot pa sana si Danny pero pinagbabatukan sila ni dad na hindi namin alam kung saan banda nanggaling.


"Ang iingay niyo! Natutulog yong anak ko." He pointed at Galaxy na nakatulog sa bean chair.


"Malay ba naming nandyan pala yan..." bulong ko.


Don apologized for us then scooped Galaxy at inakyat sa taas. Yeah, trust Don to do that. Mas gusto pa nga niya si Galaxy kaysa sa'kin. At kapag dumadalaw sila dito, siya lang ang mahilig makipaglaro kay Galaxy.


"Thanks Don! You may take Luke's place as my son!" sigaw ni dad kay Don na nasa taas na.


I crumpled my face. "Feeling. Umayos ka nga dad. Ikaw tong sumusuway sa ingay namin pero ikaw tong sumisigaw."


"Hmp!" aniya sabay layas. "Bye rats!"


My friends waved goodbye. "Ingat tito!"


"Dude, m-may mumu sa bahay n-niyo..." tumingin kaming lahat kay Don na naglalakad pababa. Parang anemic siya na ewan sa pagka-putla. Daig pa niya ang lumamon ng batya-batyang gluta.


"Sinasabi mo? Matagal ka na pumupunta dito, ngayon ka pa mumultuhin?" tanong ni Gabby.


"I know but I was about to leave Galaxy's room then biglang may parang dumaan sa harap ko. She's got long messy hair and she's all white with bandage and all. Para siyang kamag-anak ng mga namatay nang pharaoh na mummy na" paliwanang ni Don.


I raised an eyebrow. "Hoy Don, napa bless tong bahay namin at walang naglipanang masasamang espirito dito, kung meron man..." pinagtuturo ko sila "...kayo 'yon!"


"Hala... baka 'yong kamag-anak niyo, Don. Hindi ka umuwi sa inyo nung undas di ba? Ikaw na dinadalaw nila ngayon, Don. Kung ako sa'yo, magtitirik na ako ng kandila ora mismo!" pananakot ni Danny.


Sasagot pa sana si Don pero may narinig kaming ingay galing sa kusina. Tinginan kaming lahat at dumoble ang pagka-putla ni Don. "W-what was that?"


I exhaled, stood up and went to check the kitchen. Sunuran naman silang lahat.


May basag na baso sa sahig at may dugo pa. Since cream ang kulay ng tiles namin, kitang kita ang dugo. Sinundan namin ang bakas hanggang sa... CR. Sarado ang pinto at nagtutulakan kami kung sino ang magbubukas.


"Just freaking open it!" Gab whispered.


Umiling si Don na halos kumapit kay Danny.


I reached for the knob pero may kung anong nalaglag na naman sa sala bago ko pa pihitin ang doorknob ng CR. I paused. Danny squealed.


I finally opened the CR's door pero walang tao sa loob.


"Creepy..." Danny whispered.


"Kelan huling blessing ng bahay niyo, dude? Iba na pakiramdam ko dito, Luke. Kelangan ng espiritista dito!" banat ni Gab.


I rolled my eyes. "Kayo nangangailangan nun, ipatingin nyo yang mga kaluluwa nyo"


Bumalik uli kami sa sala pero walang tao. Humarap kaming lahat sa couch dahil parang may humihinga sa likuran nun. Naririnig ang paghinga niya ng malakas. Like she/he is panting. We slowly made our way to the couch.


Malapit na kami nang may babaeng biglang tumayo. She's wearing white clothes with blood stains all over at magulo pa ang buhok niya.


We all screamed and turned around. Pero mas lumakas pa ang tili namin dahil may isa pang babaeng nakatayo at nakaharang sa dadaanan namin. She's clothed with white fabric and her hand is bleeding. Nawawala 'yong isa niyang kamay. May dugo pa sa mukha niya.


Lalong nagsigawan kami ng todo nang magsalita ang babae sa likuran namin. 'yong babaeng nasa couch.


"Hey... stop screaming."


We looked at her. Sisigaw pa sana ako pero... "mom??!"


"Yeah? Why are you screaming? Baka magising si Galaxy."


"M-may mu-multo!!" Danny shouted.


"Ha? Boy, you're dreaming..." mom started before picking something up from under the couch.


"Why are you covered in blood, mom?"


She pointed behind us. Century's staring at me like I lost my mind. Okay, probably yes. Pero ikaw ba naman ma-engkanto sa mismong bahay mo hindi ka kaya magwala?


"Century went down to get a glass of water pero since she's got one hand functioning, she's lost grip. Nalaglag 'yong baso. She picked the pieces up, it cut her."


That explains the broken glasses sa kusina and some blood.


"So what are you doing behind the couch, Aunty Jenna?" asked Don. Medyo binalikan na siya ng kulay sa mukha. I grinned, I'll make fun of him after this.


Mom raised the bandage and gauze. "Looking for this. It rolled here when I was rushing to get Century."


We all looked at each other.


"Whew. Buti na lang. Akala ko na kung ano..." Gab exhaled.


"Chickens..." mom murmured. She reached for Century's bleeding hand, cleaned it with alcohol or something then applied betadine. She then wrapped the gauze around, the bandage next.


Dagdag latay na naman si Century. Mukha na siyang bandage na tinubuan ng mukha.


Danny sat down. He's rubbing his chest, probably calming himself.


Century smirked.


Pwe! Nakakahiya. Sa lakas ng sigaw namin, syempre narinig nya.


"You could've just asked for help, you know." I told her without meeting her eyes.


Of course she didn't respond. But she did some thumbs up then mouthed "next time".


Mom left us saying she has to clean the blood stains in the kitchen. Century followed her but my mom pushed her back. "Stay. You're injured, love. I can manage." Mom looked at me. "Luke, introduce her to your friends."


Syempre hindi ko na kailangang magsalita dahil naunahan na ako ni Gab. Balik na naman siya sa abnormal niyang asta na parang hindi tumili kanina lang. Tumabi siya kay Century na nakatayo pa din.


"Hi. My name's Gabby Navarro. But you may call me Gab" he then winked. I made a face. Century slowly nodded her head. Blanked face.


I pulled him. "Oo na. Calm down, tiger. Umaariba ka na naman." Gab sat down beside me. Century, in the bean chair.


"I am Donatello Sy. I prefer Don"


"Wow Don. Ang haba ng intro mo" pang-aalaska ni Danny.


Century scratched her head before waving to Gab and Don.

Continue Reading

You'll Also Like

2.3K 1.3K 55
Shanianah is her name. She aspires to be a professional dancer or choreographer, but she has no idea how to get there. Because, her parents doesn't h...
1.7M 72.5K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
384K 25.6K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
2K 131 48
"let's dance under the snow"