Episode 33 – Pretend
< Ashra’s PoV >
“MAGSORRY KA!”
“….”
“ANO BA?! NARIRINIG MO BA AKO HA?! SABI NANG MAGSORRY KA EE!”
“….”
“GUSTO MO BANG MAMATAY HA?! SABI NANG MAGSORRY KA EE! IKAW ANG MAY KASALANAN NG LAHAT NG ‘TO!”
“….”
“KIKIBO KA O PAPATAYIN KITA HA?!”
“Tss. Ang ingay mo. Magpakamatay ka na.”
Aba! Hinahamon talaga ako ng lalaking ‘to ah!
Tumalikod siya sakin pero iniharap ko siya sakin tsaka ko siya itinulak sa pader. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya, kinuwelyuhan siya at pinanlisikan siya ng mga mata.
“Bakit mo ginawa yung kanina ha?! Bakit mo siya tinamaan sa bola ha?!” galit na tanong ko sa unggoy na ‘to.
Wala na akong pakialam sa takot ko siya noon. Parang ngayon, nawala lahat ng takot ko sa kanya tsaka napalitan ng galit.
Galit na galit ako sa ginawa niya sa field niyang pagsipa sa bola kaya natamaan si Cloud. Galit na galit.
“Ikaw ang may kasalanan alam mo ba yun ha?” iwinisik niya ang kamay ko sa kwelyo niya tsaka inayos yung uniform niya. As usual, poker face parin.
“Ako pa ang may kasalanan ha?! Ako ba ang sumipa sa bola ha?!” galit na sigaw ko sa kanya.
“Kasalanan mong masyado akong naging malakas kanina. Sino bang matinong tao ang magbibigay ng chocolates sa isang Nyle Sobremonte?” sabi niya sakin sabay sneer. “Bago ka gumawa ng mga bagay na walang katuturan, alamin mo muna kung ano ang magiging kinalalabasan niyan. Or else you’ll suffer.”
“Anong pinagsasabi mo?” naguguluhang tanong ko sa kanya.
“Ewan ko sayo.” Sabi niya sabay walkout.
Seriously, hindi ko talaga kuha yung mga pinagsasabi ng isang yun. Eh ano naman kung binigyan ko siya ng chocolates nun? Ano ang connection nun sa tinamaan si Cloud sa bolang sinipa niya?
And the worst thing is, sa ano pa ni Cloud tumama yung bola. Kung hindi lang talaga si Cloud ang natamaan, malamang tumatawa na ako ngayon.
Flashback //
“Cloud…magkakaanak ka ba kaya niyan?” bulong ko sa sarili ko tas tumakbo na ako papunta kay Cloud na nakahiga sa field.
Nauna naman si Clover sakin kaya siya yung nasa tabi ni Cloud habang siya ay namumulupot sa sakit. Namumutla si Cloud at halatang masakit na masakit ang tama nun sa ari niya.
“Cloud! Cloud! Oh please…nandito na si Clover. Halika, dadalhin kita sa clinic!” tarantang sabi ni Clover kay Cloud habang nakalagay sa batok nito ang kamay niya.
“Cloud.” – ako
Napalingon si Clover sakin at tiningnan ako ng masama. Lalapit na sana ako nang…
“DYAN KA LANG! I won’t let you take Cloud away from me this time!” sigaw niya sakin.
Nagsidatingan naman yung mga tao at yung ibang mga soccer players. Inalalayan nila si Cloud papuntang clinic.
Si Clover naman, hinarap ako. “The stunt you pulled last time won’t work anymore. Dahil ngayon, hindi ko na hayaang makuha mo pa si Cloud sakin. Cloud is mine. And mine alone.” Sabi niya sabay irap tsaka umalis na.
I was standing there. Dumbfounded and shivering with anger and confusion.
End of Flashback //
Nang subukan kong bisitahin si Cloud sa clinic, nakita naman ako ni Clover.
“WHAT ARE YOU DOING HERE HUH?! GET OUT OF HERE!” sinigawan niya ako ng ganyan.
Hindi na lang ako tumuloy. I figured baka masyadong galit na talaga si Clover sakin at wala siya sa huwisyo. Hindi ko din alam kung bakit siya galit sakin ee hindi naman ako ang nakatama kay Cloud.
Speaking of Cloud, his condition was risky. Hinimatay siya nang tamaan siya ng bola. Like all boys’ weakness, yun din yung weakness ni Cloud. Kahit naman ganun yun ay may ano naman siya tsaka lalaki parin siya. The shock tsaka yung pain ang nakapahimatay sa kanya. I also found out na delikado yung ganung situation pero inaasure naman ng school doctor na hindi mapapahamak si Cloud. He only needs rest then in a few days, mawawala na rin yung sakit niya dun sa lugar na yun.
“Psssst.”
Napalingon ako sa likod ko at nakita si Crystal. Naaalala niyo pa ba siya? Siya yung bestfriend ni Flake.
“Oh, ikaw pala Crystal.” Sabi ko sa kanya tsaka huminto sa paglalakad. Naglalakad kasi ako ngayon sa hall, papunta na ako sa susunod kong klase.
“Hi.” Sabi niya. Tumango naman ako sa kanya.
“Nakita ko yung sa field kanina.”
“Ganun ba?” – ako. Naamaze din naman ako.
“Mmm. At kilala ko sino si Nyle.”
Napatingin ako sa kanya. “Personally?”
Tumango naman siya. “You fed him chocolates right?”
“Paano mo…”
“Obvious na obvious sa paglalaro niya na nakakain siya ng chocolates.” Sabi niya in a straight voice and face.
“Anong meron sa mga chocolates?” tanong ko naman.
Tiningnan ako ni Crystal. “Nyle is a very strange person. Marami siyang alam na hindi natin alam. May mga katangian din siya na hindi natin maintindihan. Gaya na lang ng pagiging manyak niya minsan. Pagiging pilosopo, pagiging poker face, pagiging maharot at iba pa.
“Isa na sa mga bagay na hindi ko maintindihan sa kanya ay ang reaction ng katawan niya pag nakakain ng chocolates. Hindi ko alam kung anong klaseng condition meron siya pero kapag nakakain siya ng chocolates, nagiging hyperactive siya. It means, masyado siyang malikot niyan. Pinapakain lang siya ng chocolates kapag sasabak na siya sa mga soccer tournaments pero as much as possible, wag na wag siyang pakainin ng mga nun.” Mahabang paliwanag ni Crystal habang naglalakad parin kami.
Ako naman? Nganga. 'O'
Di ko akalaing na andami palang alam ni Crystal kay Nyle. Kaya pala ako yung sinisi niya kanina. Kasi binigyan ko daw siya ng chocolates. Pero hindi naman ako ang nakaisip nun ee. Si Cloud naman. Kaya indirectly, siya ang may kasalanan kaya siya natamaan. -____-
“Ba’t andami mo yatang alam kay Nyle?” tanong ko naman sa kanya.
“Huh? Ay, yun ba. Ex ko kasi siya.”
“Ahhh… ex mo pala si—HAAAAA?! EX MO SI NYLE?! AS IN YUNG EX-BOYFRIEND?!”
Tumango lang tsaka poker face din.
-____-
No wonder.
Pero ngeeek. Ex pala ni Crystal si Nyle? Waaaaa! Anebeyen! Andami naman yatang connections sa storyang ‘to! Nakakalito! @__@
“Paano nangyari yun?” tanong ko naman sa kanya.
“Arranged relationship. Deals and stuff.” Sagot niya sakin with a shrug. Wow lang ha. Parang wala lang talaga sa kanya na naging sila ni Nyle kahit minsan man lang ah.
“Anong nangyari?”
“Our parents arranged us. Engaged na nga kami ee, kaso may nagsabi kasi na may nabuntis daw si Nyle kaya inurong nina mama ang deal.” Sagot sakin ni Crystal.
“May nabuntis si Nyle?! O___O?!”
“Of course not. Isa lang yun sa mga pakulong sinetup namin ni Nyle para mapaghiwalay kaming dalawa.” Still, wala paring kaemosyon-emosyon si Crystal habang sinasabi niya ‘to. Ako naman, loading masyado. -___-
“Simula kelan kayo naging engaged at nagkasama?” tanong ko naman sa kanya. Based on her infos kasi kanina, mukhang matagal-tagal ang pinagsamahan nila.
“Since Grade 3.”
“Ha?! Grade 6?! Wow ha. Natagalan mo ugali nun?!” gulat na tanong ko.
“Parehas lang kami in some ways. And yes, natagalan ko ugali niya. Natagalan din niya yung ugali ko. It was simple. Naiintindihan namin ang isa’t-isa kasi alam namin ang aming mga ugali. We get along fine.”
“Pero ever since Grade 3 lang kayong magkasama pero hindi niyo…minahal ang isa’t-isa? Thinking na engaged na kayo in that early age?” tanong ko.
Lumingo-lingo siya. “Hindi naman nababase sa panahon ang pag-ibig. Sa kaso namin, kahit na habang-buhay kaming magkasama, hinding-hindi namin mamahalin ang isa’t-isa.”
Is that even possible? Masyadong matagal na silang magkasama tas hindi pa sila nainlove sa isa’t-isa? Wow lang ah. Talagang pareho sila. Pareho silang may pusong-bato. -____-
Pero mabuti na rin siguro yung ganun yung nangyari sa kanila no? Kesa naman, may mainlove sa kanila tas hindi naman papansinin ng isa. Oh diba? Mas mahirap kaya yun.
“If you need anything regarding on that freak, sabihin mo lang sakin. Tutulungan kita.” Sabi ni Crystal sakin habang pumapasok na kami ng room.
“Okay.” – ako
Kahit papano, naabsorb ko na yung mga nangyayari sa araw na ‘to. And so far? Ang pinakanahihiwagahan kong tao ay si Nyle. Nabobother parin ako hanggang ngayon sa sinabi ni Clover sakin. Yung part na hindi na daw niya pakakawalan si Cloud at sa kanya lang siya.
Napapaisip ko tuloy. May gusto kaya si Clover kay Cloud? Kasi kung pagbabasehan sa tono ng boses kanina ni Clover, wala yung bahid ng pagaalinlangan at paglilinlang. Totoo yung pagkasabi niya nun. It means she’s dead serious.
Baka nga may gusto talaga siya kay Cloud.
Haaaaaaaay! Ano ba yan! Ganyan na ba ka gwapo ang baklang yan at sobrang raming babae naman yata ang na-aattract sa kanya?
Pagkatapos ng klase, dumiretso ako sa clinic para bisitahin si Cloud. Wala na siguro si Clover no? Baka umuwi na yun. Pumasok ako sa loob ng clinic at nakita ang nurse na nakaupo sa chair niya.
“Good afternoon po. Maaari po ba akong pumasok sa divider ni Cloud?” tanong ko sa kanya.
“Sure. Pasok ka lang hija.” Sagot nung nurse.
Pumasok naman ako sa divider ni Cloud. Nakita ko siyang nakahiga at natutulog sa kama. Medyo maputla pa siya hanggang ngayon pero peaceful naman yugn tulog niya. Hindi halatang may pinagdaan siyang sakit kanina.
Umupo ako sa tabi niya tsaka ko inilagay ang ulo ko sa headboard ng kama. Bale, nakahiga na ako katabi ni Cloud. Hinipo-hipo ko ang ulo niya habang nakatingin sa kawalan.
“Okay ka na lang ba Cloud? Masakit pa ba? Alam mo bang nagdadasal ako na sana, kahit na natamaan ka sa ‘dun’, magkaanak ka parin ha? Yung anak na kasing gwapo mo. Tsaka para magkaanak ka, kelangan mo munang magpakalalaki ha? Kelangan muna nating magkompleto ang mga steps na binibigay sa’tin ni Himitsu. Sa mga steps na yun, magkakaanak ka. Kaya magpahinga ka ng maigi para gawin na natin ang step 6. Okay?”
“….”
“Good. Dito muna ako ah…” sabi ko sabay himas-himas sa ulo ni Cloud.
Biglang nagflashback sakin yung lahat ng mga nangyari. Yung mga oras na kasama ko si Cloud. Sa mga panahon na, nandiyan siya sa tabi ko at sa mga panahong pinagtatanggol at pinahahalagahan niya ako.
Somehow, bumilis ang tibok ng puso ko tsaka nagsimulang pagpawisan ang mga kamay ko.
Usually, pinagpapawisan lang ang mga kamay ko kapag naramdaman ko ang awakwardness, fear tsaka nervousness.
Napatingin ako kay Cloud. Mas lalong bumilis tibok ng puso ko. Tiningnan ko ang pinto. Humina yung tibok. Tumingin ulit ako kay Cloud. Bumilis ulit.
Waaaaa! Ba’t ganito?! Ba’t paiba-iba yung heartbeat ko?! Nakuuuu! May implikasyon na talaga ako sa puso!
*tingin sa pinto*
Dug…dug…dug…dug
*tingin kay Cloud*
Dugudugudugudugudugudug
Pwede nang rat race yung puso ko oh. >____<
Huminto ako sa paghimas-himas ko sa ulo ni Cloud tsaka ako tumayo at lumayo kay Cloud.
Dug…dug…dug…dug
Normal beat.
Lumapit ako kay Cloud as in yung super lapit talaga.
DUGDUGDUGDUGDUG
O______O
Sheet, malala na ‘to! Ewan ko ba pero alam ko, mamatay na ako nito! Noon, may kakilala akong may ganitong implikasyon sa puso, pinabayaan niya yun tsaka after a month nabalitaan ko na lang na naistroke siya tsaka natigok. Hala ka, malala na nga talaga ‘to! Di na ‘to pwedeng pabayaan! >.<
Lalayo na sana ako ng biglang umugong si Cloud.
Napatingin ako sa kanya at nakitang gumagalaw siya pero nakapikit parin lahi niya. He turned his head sidewards, towards my direction. Hinintay ko lang ang kahihitnan sa mga movements niya tsaka nabigla na lang ako nang bigla siyang dumilat.
Nakatingin na siya sakin ngayon.
DUGDUGDUGDUGDUG
Anebeyen! Ba’t ang lakas na naman ng tibok ng puso ko?! Ay malamang, malapit ako kay Cloud ngayon! Teka, eh ano naman kung malapit ako kay Cloud ngayon? What’s the beg del? >.<
“H-Hi?” – ako
“Nasaan si Clover?” tanong niya.
Awts naman! Si Ashra ang nandidito, si Clover ang hinahanap! >.<
Napalakas yata ni Nyle yung sipa niya ee. Pero hindi ko din alam kung ano ang connect sa ano niya sa brain niya. Magkadugtong kaya sila? O__O?
“Ewan ko. Hanapin mo. -_-“ – ako sabay taray epek.
Bumangon naman siya sa kama niya tsaka tumingin sakin. “Uwi ka na?” tanong niya.
“Yup. Pinuntahan lang kita dito para sabihin sayo na sabay na tayo. Makakatayo ka ba?” tanong ko sa kanya.
“Oo naman. Pero para naman akong bagong tinuli nito. -___-“ (sorry if this is a little bit disturbing! -__-)
Tumawa naman ako. Inalalayan ko siyang tumayo tsaka nang nakakalakad na siya kahit papano, kinuha ko naman yung mga gamit niya sa room tas bumalik ako sa clinic. Nakaupo siya sa kama nya tas tumayo na naman nang makita ako.
“Tara na?” – ako
Tumango siya tsaka nagsimulang maglakad papalabas ng divider niya.
“Nurse! Nandiyan pa po ba si Cloud ko?”
“Nandiyan pa ata hija. Tingnan mo na lang.”
“Ok po.”
Si Clover!
Ano pa ang ginagawa niya dito?!
Nabigla ako nang biglang hinila ako ni Cloud papunta sa kanya. Magkalapit yung mga mukha namin, only inches away from each other.
“C-Cloud?! A-anong ginagawa mo?!”
Hindi niya ako sinagot pero pumikit siya tsaka lumapit pa sakin.
Until we kissed.
Narinig ko naman na bumukas yung curtain sa gilid namin.
Hindi ko alam pero napapikit din ako.
Dinadama ko siguro ang halik ni Cloud.
First time kasing humalik siya sakin na walang may topak samin. Or wala ba?
Basta, yung klaseng halik na parang ginusto naming dalawa? Yun yung nangyayari ngayon.
Nang humiwalay siya sakin, tumingin siya kay Clover na noo’y galit na galit na nakatingin samin ni Cloud.
“CLOUD! ANONG IBIG SABIHIN NITO?!”
“We’re done Clover.”
“ANONG IBIG MONG SABIHIN HA?! ANONG ‘WE’RE DONE’ HUH?!”
Hinawakan ni Cloud ang kamay ko tsaka tiningnan ako sa mga mata. “I love her. Siya ang tunay na mahal ko. At girlfriend ko na siya.”
Parehas kaming nabigla ni Clover sa sinabi ni Cloud sakin. Naririnig ko na din ang bilis ng tibok ng puso ko na paulit-ulit na kumakabog.
Napatingin ako kay Clover at nabigla ako ng bigla siyang umiyak tsaka tumakbo papalayo.
“Anong…”
“Please Ashra…”
Akala ko, gugustuhin ko ang mga sasabihin niya.
Di pala…
“…as a bestfriend, please pretend to be my girlfriend. I wanna get rid of Clover.”
Tiningnan ko siya. A-anong nangyayari sayo Cloud?
Anong nangyayari sakin?
Ba’t….nasasaktan ako?
---x---x---x---
I’m very weird. -___-
Dahil sa current addiction ko sa EXO, alam niyo bang habang nagtatayp ako, iba-ibang mukha ng EXO ang napi-picture out ko sa character ni Cloud?
Nang natutulog si Cloud – Sehun
Nang nakaupo si Cloud – Kris
Nang tumingin si Cloud kay Ashra – Luhan
Waaaaaaaaaaaa! Hindi ko na po alam ang gamot sa sakit sa brain ko! Anebeyen! Puno na talaga ‘to sa EXO! >.<
But I like it. :P
Comment niyo dyan kung gusto niyong magkaroon ng POV si Cloud. :D
- Zeerah :”>