Indulgent Geoff (TTMT #3)

Od FGirlWriter

4M 110K 10.1K

Geoffrey Lucas "Geoff" Martin was forced to marry Zoey. Ngunit pursigido naman si Zoey na ma-in love sa kany... Viac

Content Warning & Disclaimer
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty

Epilogue

155K 4.3K 775
Od FGirlWriter

This story is dedicated to all who thought that they were a big mistake in this life... It's a lie.
The truth is Jesus loves you. That He gave up His life so you can live yours.
You are worthy to love and be loved.
You matter.
You are worth it.

***

EPILOGUE

"DADDY, is mommy sad again?" nagtatakang tanong ng limang taong-gulang na si Zofiya.

Hindi siya puwede pumasok sa room ng Mommy at Daddy niya because her mommy is crying.

Her daddy gently smiled and carried her. "Kind of. You know your mommy. She'll be happy later on. For now, I'll get you to Sunday School."

Lumabi si Zofiya. "Mommy can't go with us to church?"

"She will." Her daddy kissed her cheeks. "Don't be sad, sweetheart. Mommy will smile again. We will wait, alright?"

Tumango siya. She smiled too.

For little Zofiya, she can't still understand why her mommy will be smiling but cry the next. But she will smile again after.

"Daddy, when tayo balik sa Isabela? I miss Grandmama," sabi ni Zofiya. They are riding her daddy's car. They're going to church! Makikita niya mga friends niya. Madami siyang friends, eh.

"I'm just gonna finish my work here in Manila. Three more months, sweetheart."

"Okay." Tumingin siya sa labas ng bintana. Nakakita siya ng ice cream. "Daddy, bili mo si Mommy ng ice cream. Favorite niya."

Her daddy smiled. "Yes, sweetheart. After church."

Medyo sad pa rin si Zofiya. Hindi kasi nila kasama Mommy niya. Sayang.

Pagdating nila sa church, hinatid na siya ng Daddy niya sa Sunday school. Marami siyang friends doon. Pati pinsan niya, friend niya.

"Contessa! Hello!" Tumakbo siya habang bitbit ang crayons na binigay ng teacher. Magko-color daw sila today.

"Hi, Zofiya! Color tayo, o! Si Jesus may kasamang mga bata sa picture."

Umupo sila sa playmat at saka nag-umpisang mag-color. Gusto ni Zofiya ang nagko-color. Gusto niya color white and blue ang damit ni Jesus, tapos sa damit ng ibang bata, maraming colors na lang.

Una siyang natapos mag-color. Si Contessa, marami pang kukulayan.

"Sad si mommy today," nasabi niya. "Hindi ko alam why."

Busy pa rin si Contessa sa pagko-color. "Baka nag-fight sila ng Daddy mo."

"Mabait kaya si Daddy. Hindi niya ni-aaway si Mommy ko."

"Hug mo na lang mommy mo later. Ako, hina-hug ko si mommy, eh. Tapos magsa-smile na siya."

Lumabi si Zofiya. Kapag sad ang mommy niya, hindi siya pinapalapit.

"Hi, Zofiya! Finish ka na mag-color? Puwede pahiram ng crayons mo?"

Napangiti siya sa kaibigan na lumapit. Si Emerald. "Here."

"Thank you!"

Dahil wala nang ginagawa, tumingin-tingin na lang si Zofiya sa maraming classmate niya sa Sunday School. Lahat nagko-color pa. Tapos sa corner ng room, may nakita siyang batang lalaki na mag-isa lang nagko-color.

Tumayo siya at lumapit sa bata. "Hello!"

Hindi tumingin sa kanya ang bata. Busy ito mag-color ng tahimik.

"My name is Zofiya. What's your name?" she asked, smiling.

Hindi pa rin siya pinansin ng bata.

"Hello! Hello! Hello!" She waved her hands in front of his face.

The boy looked at her. He's frowning. "Why?"

"Bakit ka alone? Wala kang friends? Bago ka dito?"

Umiling lang ito at tumalikod na. Nag-color na ulit ito.

Lumipat siya sa harap nito. "I'm Zofiya. Ano name mo? Gusto mo, friends na tayo? Sabi ni teacher, mas maganda kapag maraming friends."

"Ayaw ko."

"Bakit?"

Tumalikod ulit ito. "Ayaw ko."

"What's your name?" pangungulit niya.

"Ayoko kitang friend!" Tinulak siya nito at natumba siya sa playmat.

"Ouch!" she cried. Malakas ang pagkakatulak kay Zofiya. "Daddy! Daddy!"

Tumakbo paalis ang bata.

"Teacher, teacher! Si Zofiya umiiyak po!"

"Zofiya!" patakbong lumapit sa kanya si Contessa at Emerald.

Her teacher went to her. "Zofiya, what happened?"

"Nakita ko po tinulak siya ni Asher," sumbong ni Emerald. "Bad talaga iyon."

Parang nagulat si Teacher at tinulungan siyang makatayo.

"G-gusto ko lang pong friend siya, eh," umiiyak na sabi niya. "Ayaw niya daw..."

"Huwag ka na mag-cry," sabi ni Contessa at niyakap siya. Pati si Emerald niyakap siya. "Love ka ni Jesus!"

Napangiti si Teacher. "Sorry about Asher, okay? I'll find him. Wait for me here." Pinunasan ni Teacher ang mga luha niya at pinainom siya ng tubig.

"No! No! I don't like! I don't like her! I won't say sorry!" sigaw ng batang lalaki.

"Asher, baby. Come on..." malumanay na sabi ni teacher. "You have hurt Zofiya. That's not good. You have to say sorry."

"No, Mommy! I don't want to!"

"Mommy niya si teacher?" tanong ni Zofiya. Tumigil na siya mag-cry kasi hindi na masakit ang puwet niya.

"Yes," sagot ni Contessa. "Emerald, pinsan mo si Asher, right?"

Tumango si Emerald. "Second cousin daw. Bad talaga iyan, eh. Kahit sobrang bait ni Teacher Ninang."

Biglang nag-ring ang bell. Ibig sabihin, tapos na ang Sunday School. Susunduin na sila ng mommy at daddy nila.

Nakita ni Zofiya si Asher na nasa isang sulok at nagko-color ulit mag-isa.

"Zofiya, I'm sorry for what my son did. I hope you can forgive him," teacher told her.

Tumango siya. Hindi naman siya galit kay Asher. "Gusto ko pa rin po siyang maging friend."

"Thank you," ngiti ni teacher. "Sasabihin ko sa kanya. Next week, baka okay na sa kanya."

Umalis na si Teacher at tinawag ang mga batang may sundo na.

"Emerald, your nanay's here."

"Nanay!" Tumakbo palapit si Emerald sa mommy nito.

"Thank you, Crystal Jane," Emerald's mommy said.

"No problem, Saphi. Good girl naman si Emerald."

Nakatingin pa rin si Zofiya kay Asher. Walang batang lumalapit rito.

"Contessa, your mom's here!"

Sabay silang lumapit ng pinsan kay Auntie Trisha.

"Hi, Zofiya! Hindi ka pa sinusundo?" Hinalikan siya nito sa pisngi. "Ang cute cute mo naman. Ako na lang mag-uuwi sa'yo."

She giggled. "Daddy's gonna be here."

"Where's your mommy Zoey?"

"She was left in the house, eh. She's sad."

"Oh. Your mommy's gonna be alright soon!"

"Mommy, I'm hungry," Contessa said.

"Okay, sunduin lang natin sina Ate Duchess mo, ha? Alis muna kami, Zofiya." Her aunt kissed her again before leaving.

"Bye, Zofiya!"

"Bye, bye!"

Paunti na ng paunti ang mga bata sa loob ng room. Hanggang sila na lang ni Asher ang natira.

"Nasaan na po si Daddy?" tanong niya kay teacher.

"Wait, is it okay, if I'm going to leave you here for a while? Hahanapin ko ang Daddy mo."

"Okay po."

"Asher," tawag nito sa anak. "I'll be right back. Behave, baby."

"Yes, Mommy."

Lumabas na si Teacher. Tahimik sa loob ng room. Tumingin ulit si Zofiya kay Asher. Nagulat siya nang nakatingin din ito sa kanya.

She smiled at him. "Hi, Asher!"

"Hello, Zofiya."

Napatayo siya at lumapit rito. "Friends na tayo?" she excitedly said. Gusto niya maging friend si Asher. Kukuwento niya sa Mommy niya na may bago ulit siyang friend.

"S-Sorry kanina... Ang kulit mo kasi, eh."

"Sorry, too! Friends na tayo?"

Tumingin ito sa kanya. "Okay."

"Zofiya, your mom and dad is here."

Napalingon siya. "Mommy!"

"Hi, baby!" nakangiting bati ng mommy niya. Yehey! Happy na ulit ang mommy niya!

"Mommy!" Tumakbo siya at malambing na yumakap rito. "May bago akong friend. Si Asher!"

"Ay, ang guwapong bata naman! Hi, Asher!"

Nagtago si Asher sa likod ni Teacher.

"Anak mo, teacher? Ang guwapo!"

"Yes. Thank you. Asher, say 'thank you po'."

"Thank you po..." Tumingin sa kanya ito pagkatapos.

Zofiya giggled. "Guwapo si Asher. Hehehe. Guwapo!"

"Zofiya," mahinang saway ng Daddy niya.

Natawa ang mommy niya at hinawakan siya sa kamay. "Patay tayo kay Daddy niyan! Una na kami, teacher. Thank you!"

"Take care and God bless!"

"Bye, Asher guwapo!" paalam ni Zofiya.

Suminghap ang Daddy niya. "Look what you've taught Zofiya, Zoey."

Asher smiled. "Bye, Zofiya... maganda."

"Oh, no," her daddy reacted again while her mom keeps on laughing.

"Breezy ang binata mo, Teacher," her mommy said.

Teacher laughed, too.

Zofiya, who's purely innocent on what's going on, smiled back at Asher. "God bless!"

"God bless!" he waved.

"Baby, I'll tell you something," sabi ng Mommy niya when they got home.

Zofiya sweetly hugged her. Nakakandong siya sa Mommy niya habang kumakain sila. "What is it?"

"I think, you're going to like it, sweetheart," sabi pa ng Daddy niya.

Bumulong sa kanya ang Mommy niya. Napasinghap ang batang si Zofiya. "Kapatid?!" Matinis siyang napatili.

Yehey! She's going to have a sibling! "Thank you, Mommy! Thank you, Daddy! Thank You, Jesus!" She kissed her Mommy on both cheeks and lips.

"Aww! Ang sweet naman ng diyosa kong baby. Bagay ka kay Asher guwapo!"

"Zoey." Her daddy looks annoyed.

Bumaba siya at lumipat sa Daddy niya. Kinandong siya nito at yumakap siya sa leeg nito. "Daddy, hindi ako magbo-boyfriend. Ikaw lang ang love ko."

Napakurap ito. "B-boyfriend? How did you know that word, sweetheart?"

Her mommy laughed and raised her hand. "Guilty!"

Her daddy groaned and hugged her. "You can't have a boyfriend, Zofiya. You're only five. Wait until you're thirty." Pagkatapos ay pina-ulanan siya nito ng halik.

Zofiya giggled. She loves her daddy and mommy so much!

At kahit dumaan ang mga panahon ay hindi iyon nagbago. Kahit na naging dalaga na siya.

"Ate Zofiya! Male-late na tayo!" angal ng labing-dalawang taong gulang niyang kapatid.

Kinurot niya ang magkabilang pisngi nito. "Lagi ka talagang high blood, Zion Lucius Martin."

Nakakunot ang noo nito. "Ang tagal mo kasi, ate, eh! Puro ka make-up!"

Natawa lang siya sa lagi niyang highblood na kapatid. Sungit! "Nasaan sina Mommy at Daddy pala?"

"Nag-date!" pagalit na sagot nito.

Natawa na naman siya. Buti na lang sobrang cute ng kapatid niya. She watched him grew up. Zion will forever be a baby in her eyes.

Well, true to Zion's words, nag-date nga ang parents nila. How sweet! Idol niya talaga ang mga magulang. Hindi nawawala ang "alone" time ng mga ito kahit sobrang pasaway nila ni Zion.

Pagkarating sa school ay hinatid niya sa elementary building ang kapatid. Pagkatapos ay dumiretso na siya sa Senior High building. Nakasalubong niya ang bestfriend na si Emerald.

Nakasimangot ito.

"Hey! What's with the face?" tanong niya agad rito. "Ang ganda-ganda ng araw, o! All things bright and beautiful! Bakit ka nakasimangot, bes?"

"Naaalala mo si Asher?" seryosong tanong nito.

Napakunot-noo siya. Asher... Asher... "Asher Avilla?"

Tumango ito. "My second cousin."

Napasinghap siya nang maalala nang buo kung sino ang tinutukoy nito. "Si Asher guwapo!" aniya at saka natawa. "O, bakit? Anong mayroon?"

Sa Sunday School niya kaibigan ang lalaki. Pero nang nagsimula na silang mag-grade one, hiwalay na ang girls sa boys. Hindi niya na masyado nakikita si Asher hanggang sa lumaki siya. Nakalimutan na nila siguro ang isa't isa.

"Nakakainis kasi, eh. Basta! Nilipat siya ni Teacher Ninang dito."

"Masaya iyan kung ganoon! Lahat na kayong magpipinsan, dito nag-aaral."

Napabuga ito ng hangin. "Basta, iba si Asher. Nakakainis iyon. Magiging classmate natin siya."

"Masaya iyan!" excited niyang sabi.

"Whatever." Umikot ang mga mata nito. "Halika, ipapakilala kita. Try mo kung magiging friend mo ulit iyong loner na iyon."

Hinila siya ng kaibigan at pumasok na sila sa classroom. Then, Zofiya saw a guy sitting at a corner. Seryoso itong nagbabasa ng libro kahit ang ingay ng buong classroom nila.

"Asher!" tawag dito ni Emerald.

Nag-angat ng tingin ang lalaki. Magkasalubong agad ang kilay nito. Halatang hindi nagustuhan ang paggambala rito.

Napangiti siya. Sanay siya sa masungit at suplado! Araw-araw ba naman niyang kasama ang kapatid niya?

Kusa siyang lumapit kay Asher na tila nagulat sa existence niya.

"Hello, Asher! Natatandaan mo pa 'ko? I'm Zofiya! Magkalaro tayo sa Sunday school dati." At parang siya lang ang nakalalapit noon dito. Siya lang ang kaibigan noon ni Asher.

Nawala ang pagsasalubong ng kilay nito. Yet he looked at her without emotions.

She sweetly smiled at him. "Welcome to our school! I like to be your friend, again." Inilahad niya ang kamay rito. "Friends?"

Tinignan lang nito ang kamay niya. Akala niya ay makikipagkamay ito, but to her dismay, he just turned away.

Ngunit hindi mabilis sumuko si Zofiya. Kinuha niya ang kamay nito at siya na mismo ang nag-shake sa mga kamay nila.

"From now on, we're friends, Asher guwapo!"

Akala niya ay babawiin nito ang kamay. But to her surprise, his grip tightened. At napasinghap siya nang makita ang ngiti nito.

Asdfghjkl! Ang guwapo!

"It's nice seeing you, again... Zofiya maganda," he quietly said, with a smiling lips and eyes.

Tumibok nang malakas ang puso niya.

Pagtingin niya kay Emerald ay halatang hindi ito makapaniwala sa nakita.

Nagkibit-balikat lang siya.

Zofiya sat beside Asher's chair. Siya ang inutusan ng adviser nila na maging study buddy nito kahit puwede namang si Emerald na lang. Pero ayos lang! It's the middle of the school year, Asher needs a lot of catching up to do. Tutulungan niya ito.

Nang uwian ay nagkasabay sila ng binata na lumabas ng room.

"Gawin mo ang assignments mo, ha!" nakangiting paalala niya rito.

"I will." Seryoso na naman ito at saka mabilis na naglakad palayo.

"Asher!" habol niya bago ito lumiko sa kabilang hall.

Nilingon siya nito.

"God bless!" aniya at saka kumaway rito.

She's excited for the next days to come with Asher as her study buddy. And she's excited for another reason she can't explain.

Ngunit nang lumabas muli ang mga ngiti ni Asher, alam ni Zofiya na hindi niya na matutupad ang pangako niya sa Daddy niya. Hindi na siya thirty years old magbo-boyfriend!

"God bless!" ani Asher sabay kaway pabalik.

And maybe, it's a start of another "one of a kind" love story.

W A K A S

***

"I praise You because I'm fearfully and wonderfully made;
Your works are wonderful. I know that full well."
-Psalms 139:14

***

Let's get connected!

Official FB Pages: FGirlWriter and C.D. De Guzman

Twitter & IG: fgirlwriter_cd

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

~~~

Visit our PubCamp:

Facebook: FGW Publishing Camp

Twitter: FGWPubCamp

~~~

I love to grow and improve more in writing.

If you have any story review/critique or suggestions, just send an email to:

reviews.fgw@gmail.com

I'll make sure your reviews will be kept confidential and highly appreciated. Thank you!

***

TO GOD BE ALL THE GLORY!

-2016-

Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

1K 123 17
Mahirap mahalin ang isang tao lalo na kung sa umpisa pa lang alam mo nang ibinigay na niya nang buong-buo ang puso niya sa iba. Sa bawat aspeto ng re...
248K 13.8K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
5.4M 164K 58
Kelvin Nikola Aragonza's story.
217K 14.4K 33
3rd Book of Valleroso Series. Archimedes Valleroso.