Love Is A Bitch

Por Kkabyulism

62.8K 1.9K 209

[Published under Psicom] [Love Series #1] Isa si Hyacinth sa mga taong hindi naniniwala sa pagmamahal. Para s... Más

INTRODUCTION
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19

LAST CHAPTER

4.9K 118 94
Por Kkabyulism

Hi! This story is published under Psicom Publishing Comp., you can read the Epilogue part in the book version. Thank you.

Kindly check my 'About Me' section for more information.
--

Tumawa ako sa mga kwento ni Russel tungkol sa kulitan nila ng kapatid niya.

"Guess what! Kapag nalaman ni Ria na kilala ko kung sino ang crush niya, sasabihin niya kay Mommy at Daddy na I'm gay," tumawa ulit ako sakanya.

"There's this one time na nalaman kong crush niya si Gio, sakto naman na nasa bahay palagi si Gio, sinabi niya naman kay Gio na bakla ako at may gusto ako sakanya, isang linggo akong nilayuan ni Gio dahil doon," I burst out laughing dahil sa kwento niyang 'yun.

Naiimagine ko kung anong reaksyon ni Gio sa mga panahon na 'yun. Russel kept on telling me stories about his childhood. Nalaman kong magkaibigan na pala talaga sila ni Gio dati pa lang.

"I'm sorry for hurting Gio," sabi ko sakanya. I heard Pen cried because of him, actually, wala naman akong pakielam kung nasaktan sya ni Gio, gusto ko lang tignan kung hanggang saan ang kaya ni Gio. Gio failed me. Hindi ako nahulog ng tuluyan sakanya, just an attraction kaya naging madali sa'kin na wasakin ang puso niya. I'm not a heartbreaker, nagkakataon lang na hindi nagwo-work out ang nararamdaman ko para sakanila.

"I didn't get mad nung sinaktan mo si Gio," sabi niya sa'kin. Nilingon ko sya at ngumiti lang siya sa'kin. "He hurt your friend, Penelope. I told him that you're his karma," Dugtong niya.

And you are my karma, Russel.

"Nasaktan parin si Gio," sabi ko sakanya. Tumango lang sya at kinurot ang ilong ko.

"Minahal mo ba siya?" Seryoso niyang tanong sa'kin. Pinagmasdan ko ang mga mata niyang nakatingin sa'kin. Gusto kong dukutin ang mata niya at ilagay 'yun sa'kin dahil sobrang ganda ng mga mata niya.

"Hindi," nag-iwas ako sakanya pagkasagot ko sa tanong niya. I don't want to lie to him, kaya sinabi ko ang totoo.

Tahimik lang siya sa tabi ko kaya hinayaan ko siya. Napansin kong pareho pa pala kaming naka-uniform, hindi pa siya nakakauwi sakanila at ako naman ay nandito sa tapat ng bahay pero hindi pa pumapasok.

"Why?" Tanong niya sa'kin. Tumikhim sya at tumayo na sya kaya tinignan ko siya. "You're dangerous, Hyacinth, walang nakakaalam kung ano ang nararamdaman mo," tumawa siya dahil sa sinabi niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay at umirap.

"Aalis ka na ba?" Tanong ko sakanya. Tumayo na rin ako kaya medyo umatras sya dahil maapakan ko ang paa niya.

"Maybe?" Sagot niya kaya tumango na lang ako.

"Umuwi ka na. Kundi iisipin nanaman ni Lianne na nambababae ka," sabi ko sakanya.

"Nambababae? Eh bestfriend niya kasama ko. Tss, bakit ba ang judgemental nyo?" Naiirita niyang tanong.

"Uhh, not me. I didn't judge you, your girlfriend did. At isa pa, kasalanan mo naman talaga. Iba talaga iisipin ng girlfriend mo," Sermon ko sakanya.

Nagkibit balikat na lang siya habang sinasabit ang bag niya sa braso niya. "I love her, she should stop thinking about me with another girl, damn," tinignan ko na lang ang gate dahil sa sinabi niya.

Hindi mo naman dapat sa'kin sinasabi 'yan. Letseng lalaki 'to.

"Kaya nga dapat umuwi ka na. Papasok na ko sa loob ng bahay," tumango siya kaya pumasok na ko sa bahay. Pakiramdam ko ang lagkit ko, kailangan ko ng maligo. Ni-lock ko ang pinto at umakyat na sa kwarto para maligo at magbihis ng pambahay.

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa tapat ng salamin, pansin na pansin pa rin ang pagmumugto ng mga mata ko. I need to end this feeling.

Humiga ako sa kama para makatulog na at makaramdam naman ako ng kapayapaan kahit papaano.

Nagising ako sa alarm ko, dahan-dahan akong bumangon at nakitang alas-sais pa lang ng umaga. Ugh, nakalimutan kong alisin ang alarm ko kagabi, wala nga pala akong professor ngayong araw.

Nagtoothbrush ako bago ako bumaba at maghanda ng almusal ko, hindi na rin naman ako makakatulog ulit kaya gagawin ko na lang ang mga paperworks na assignment ko.

Narinig kong tumutunog ang cellphone ko kaya kinuha ko 'yun at sinagot ang tawag habang bumababa ako ng hagdanan.

[Goodmorning,] kumunot ang noo ko dahil sa tamlay ng boses ni Lianne.

"Goodmorning," sagot ko naman sakanya, binuksan ko ang ref at kinuha 'yung palaman sa tinapay.

[Where are you?] Tanong niya sa'kin.

"Sa bahay, why? I'm having my breakfast," sagot ko naman. Huminga siya ng malalim kaya itinigil ko ang pagkain ko ng tinapay.

[C-can I come over?] nagulat ako sa tanong niya. Paano siya pupunta dito eh hindi naman niya alam ang bahay ko? Besides, ayokong nalalaman nila ang bahay ko.

"Why? Gusto mo bang magkita tayo? Meet na lang tayo sa school kung gusto mo," sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain ko.

[Ayoko sa school, n-nandun si Russel]

"So what?" tanong ko sakanya. Ano bang problema ng babaeng 'to?

[Please, Hyacinth..] Huminga na lang ako ng malalim at sinabi sakanya ang address ng bahay ko. Bakit ba ayaw kong sabihin kung saan ang bahay ko? Wala namang masama. Tsk.

Habang nagliligpit ako ay napatingin ako sa calendar. Shit! Today is their anniversary!

Dinial ko ang number ni Lianne pero hindi niya sinasagot, pakiramdam ko ay papunta na siya dito. Nagpalit ako ng damit at tinext ko siya na sa school na lang kami magkita pero hindi siya nagrereply. Palabas na sana ako sa bahay nang may humintong taxi sa harap ng bahay, napapikit ako sa inis sa sarili ko.

Lumabas ng taxi si Lianne at ngumiti sa'kin, tinaasan ko siya ng kilay kaya sumimangot lang siya. Pumasok sya sa bakuran at dumiretso papunta sa pinto ng bahay kung nasaan ako. She's wearing a skirt and a simple blouse, napaka-ganda niya sa suot niya. No, maganda lang talaga siya. Ngayon lang ako na-insecure dahil naiisip kong isa 'yun sa maraming bagay kung bakit gustung-gusto sya ni Russel. Crap, ano bang nangyayari sa'kin?!

Tumabi ako para makapasok siya sa bahay, ngumiti lang siya at tinanggal ang sandals niya.

"You can wear it inside--"

"Naah, ayoko nga. Nagligpit ka, o," kumindat siya sa'kin kaya umirap ako. Tumawa siya sa katarayan ko at masayang umupo sa sofa. "Your house is so cute and simple," masaya niyang sabi.

Pumunta ko sa kusina para kunin 'yung juice na tinimpla ko kanina at dalawang baso para ilagay sa sala. I texted Russel na wag pupunta sa bahay, hindi naman siya nagreply kaya bahala siya. I can't tell him na nasa bahay si Lianne at baka sumugod siya dito. Hindi naman pwedeng malaman ni Lianne na alam ni Russel ang bahay ko. Iniwan ko sa kusina ang cellphone ko at tumabi na kay Lianne sa sala.

"Bakit ka pumunta dito?" Tanong ko sakanya.

"I just want to get away, ayoko sa bahay dahil panay ang tanong ni Mommy kung may date kami ni Russel, ayoko naman sa school dahil pagtitinginan lang ako ng mga estudyante doon, dito na lang ako dahil alam kong walang pupunta dito," dire-diretso niyang sabi. Uminom siya ng juice pagtapos ng sinasabi niya at tinignan ang buong bahay. "Mag-isa ka dito, diba?" Tanong niya.

"Oo," sagot ko.

"Hindi ba sya.. lonely? Do you want me to live here?" Kuminang pa ang mga mata niya pagtanong nya nun. As if gusto ko. No way. Malalaman nya ang gulo ng pamilya ko...

"Cut it out, Lianne. Umuwi ka sainyo dahil alam mong anniversary nyo ni Russel ngayon," sabi ko sakanya.

"He's not texting me so why would I wait for him?" mataray niyang sabi sa'kin kaya hindi na lang ako umimik. "Baka kasama niya babae niya kagabi at napuyat," sabi niya na parang wala lang. Nilingon ko siya at nakita ko ang tinatago niyang galit.

"Lianne, akala ko ba kilala mo ang boyfriend mo?" Tanong ko sakanya.

"Paano kung sabihin ko sa'yong nagbago si Russel?" Sagot niya sa'kin. Uminom na lang ako ng juice. Paniguradong kapag nalaman niya ang paghahandang ginawa ni Russel ay matitigil na siya sa pagaakusa.

"Lahat naman tayo nagbabago, Lianne. You just need to accept it, paunahan lang sa pagbabago 'yan at pabilisan sa pagtanggap ng pagbabago," sabi ko sakanya pero tumingin lang siya sa'kin.

"I don't want him to change, Hyacinth, dahil alam kong oras na magbago siya, pati pagmamahal niya sa'kin ay damay," malungkot niyang sabi sa'kin.

"You're the one who's changing, Lianne. Nasaan ang tapang mo? Nasaan ang confidence mo?" Tanong ko sakanya. Nanlaki ang mga mata niya pero ngumiti lang ulit siya, at kagaya ng kanina, isang malungkot na ngiti lang ang iginawad niya sa'kin. Hinawakan ko ang kamay niya at hinawakan niya 'to pabalik.

"Dahil pakiramdam ko.. talo na ko sa laban na 'di ko alam kung kailan nagsimula," Kinagat niya ang labi niya pero tumakas ang isang luha sa kaliwang mata niya.

"Lianne--"

"I'm not dumb, Hyacinth," pumiyok ang boses niya, naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya bumaba ang tingin ko doon. "Pareho tayong babae," sabi niya sa'kin.

Napakurap ako dahil sa sinabi niya. Ayokong tumingin sakanya dahil pakiramdam ko alam ko kung saan pupunta ang usapang 'to.

"Hyacinth... alam ko," ibinuka ko ang bibig ko para makahinga, dahil pakiramdam ko nawawalan na ko ng kakayahang huminga pa.

Iniangat ko ang tingin ko sakanya dahil 'di tama na hindi tumingin sakanya gayong kinakausap niya ko. Nangilid ang mga luha sa mga mata ko habang pinapanood siyang umiiyak.

"Ang alin?" Tanong ko sakanya.. It's a stupid question but I want to know what she knows.

"Ikaw 'yung babae na kasama ni Russel sa comfort room, dati," sabi niya sa'kin. "Hyacinth.. ikaw ang pinupuntahan ni Russel gabi-gabi, hindi ba?"

Itinikom ko ang bibig ko dahil ayokong magsalita, ayokong malaman niya pati ang tinitibok ng puso ko. Pumikit siya ng mariin dahil sa hindi ko pag-imik. Tuloy-tuloy ang paglandas ng mga luha niya kaya hinawakan ko ang mukha niya at pinunasan 'yun.

"Pumupunta sya dito para sa'yo--" umiling siya kaagad dahil sa sinabi ko. Marahan niyang inalis ang kamay ko sa pisngi niya at nagpatuloy siya sa pag-iyak.

"Ikaw.. ang babae ni--"

"Lianne, it's a misunderstanding. Pumupunta si Russel dito dahil nagpapaturo siyang mag-bake," Sabi ko sakanya.

"It's a dumb excuse! Ria knows how to bake!" Halos pasigaw niyang sabi sa'kin.

"I know.. He knows that.. pero hindi siya sa kapatid niya nagpatulong dahil pwedeng sabihin ni Ria sa'yo 'yun, alam niyang close na close kayo ng kapatid niya at maaaring malaman mo ang binabalak niya ngayon," sabi ko sakanya pero panay ang iling niya.

"Russel loves you, Lianne. You should stop thinking about us. Walang namamagitan saming dalawa--"

"Mahal mo si Russel, hindi ba?" Pakiramdam ko nawalan ng dugo ang mukha ko dahil sa tanong niya.

Dahan-dahan niyang inangat ang mukha niya para matignan ako. Bumakas ang sakit sa mukha niya nang nakita niya ang reaksyon ko. Kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi niya sa galit pero nagpipigil siya. "Sumagot ka..."

Bumuhos ang mga luha ko dahil sa sinabi niya, gusto kong maghagilap ng mga sagot dahil hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niya.

"Nakikita ko kung paano mo sulyapan si Russel. Nakikita ko kung paano ka mag-iwas ng tingin sa tuwing napapalingon ako sa'yo. Hyacinth, nakikita ko lahat. Nararamdaman ko lahat, pero bakit?" Tumayo sya pagtapos ng tanong niya, mabilis din akong tumayo para ipaliwanag sakanya ang nararamdaman ko pero tinalikuran niya ko.

"Lianne, please.. hindi ko sinasadya," sabi ko na mas lalong nagpaiyak sakanya. "Pero maniwala ka sa'kin, wala kaming relasyon ni Russel--"

"I don't want to talk to you anymore, Hyacinth.. You're my friend. I treated you as my bestfriend , atleast give me this.. don't talk to me,"

Sinubukan ko siyang habulin pero nagulat ako nang nandun parin ang taxi na sinakyan niya kanina. Mabilis siyang sumakay doon at nagsimula ng umandar ang taxi.

Pumasok ako sa loob para kunin ang cellphone ko, nakita kong tumatawag si Russel. Nag-isip pa ko ng ilang segundo kung kakausapin ko ba siya o hindi, pero sa huli ay pinatay ko ang tawag niya.

I dialed Lianne's number pero patay na ang cellphone niya. Damn..

Pinunasan ko lahat ng luhang bumubuhos pero wala atang katapusan ang mga luha ko dahil panay lang ang tulo nito. Naglakad ako palabas ng bahay para hanapin si Lianne. Hindi ko nasabi sakanya na ako lang ang nahulog kay Russel. Walang gusto sa'kin ang boyfriend niya. Ayokong.. ayokong..

"Hyacinth.." nilingon ko si Clinton na kakarating lang at nagtataka sa reaksyon ko.

"Clinton.." tawag ko sakanya. Mabilis siyang naglakad palapit sa'kin at pinunasan ang luha ko.

"Pumunta ba ulit si Lolo dito kaya ka umiiyak? May sinabi ba siya? Kinulit ka ba niya ulit na--" umiling lang ako sakanya habang tumutulo ang luha ko. Hinawakan ko ang mga braso niya dahil pakiramdam ko nanghihina ko. Mabilis niya kong niyakap at hinagod ang likod ko. "What happened?" Tanong niya na mas lalong nagpaiyak sa'kin.

"Alam na ni Lianne," sabi ko na nalunod sa mga iyak ko. Hindi ko alam kung naintindihan ba niya 'yun o ano pero hinigpitan niya lang ang yakap niya sa'kin.

"Gutom ka na ba?" Tanong sa'kin ni Clinton. Marahan akong umiling habang paulit-ulit na tinatawagan ang nakapatay na cellphone ni Lianne. Hapon na pero hindi ko parin ma-contact ang cellphone number niya. "Hey, kumain ka kahit kaunti o kahit itong tubig lang," alok niya pero umiling ako ulit.

Mabait si Clinton, kahit nung mga bata pa lang kami. Alam namin na mag-pinsan kami kahit noon pa lang, di man namin nilalapitan ang isa't-isa, pero alam kong mabait siya. Isang beses, nilibre niya ko ng lunch sa school, ngumiti siya noon at sinabi niyang kainin ko lahat 'yun dahil galing 'yun sa pinsan ko. Noon pa man, wala ng ginawa si Clinton kundi ang alalayan ako, ngunit nagbago 'yun nung namatay ang mama ko. Hindi na siya makalapit sa'kin. Para bang nabubuhay na siya sa pag-tingin sa'kin, sakto naman na galit na ko sa pamilya niya. Ngayong taon na lang niya ko nilapitan ulit at nakakatawa pa dahil sa ngayong pagkakataon pa.

Tumayo ako kagaad nang narinig kong tumunog ang gate, iniisip na baka bumalik si Lianne pero nagulat ako nang si Russel ang pumasok sa bahay.

"Where's Lianne?" Nanginginig niyang tanong sa'kin pero umiling lang ako.

"I don't know..." sagot ko. Tumingala siya dahil sa sagot ko. Nakayukom ang mga kamao niya na parang nagpipigil.

"She... broke up with me, Hyacinth. Anong sinabi mo sakanya?" Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"A-ano?" Tanong ko dahil baka mali ako ng pagkakaintindi.

"Lianne broke up with me. Anong sinabi mo?!" Mabilis akong hinatak ni Clinton palayo kay Russel dahil nagtaas siya ng boses.

"Don't raise your voice on my cousin, Russel," madiin na sinabi ni Clinton sakanya, hindi siya pinansin ni Russel dahil nilingon niya lang ako.

"Hyacinth, please tell her how much I love her," pumikit ako nang narinig kong pumiyok ang boses niya. "Please, Hyacinth.. Nagmamakaawa ako," iminulat ko ang mga mata ko dahil sa pagmamakaawa niya. Tinulak ko si Clinton paalis at tinignan ng masama si Russel.

"Bakit ako ang magsasabi sakanya? Ikaw ang may kasalanan nito, Russel!" Sigaw ko sakanya.

"Hyacinth.."

"Ikaw.. ang may kasalanan kung bakit hindi na ko kinakausap ni Lianne!" Dinuro ko sya at tinulak-tulak siya. "Kung hindi ka nagpatulong sa'kin, edi sana.. edi sana..." hindi ako nahulog sa'yo.

Hinawakan ni Clinton ang mga braso ko para kumalma ako kahit papaano, pero hindi ako makalma dahil nakikita ko kung paano masaktan ang lalaking mahal ko dahil sa kagagawan ko! Dahil sa kasalanan ko!

"I can't find her," nangilid ang mga luha ni Russel habang sinasabi 'yun. "She broke up with me through phone, Hyacinth.." Iniwas ko ang tingin ko sakanya pagkakita kong tumulo ang luha niya. Mabilis niyang pinunasan 'yun at umalis sa loob ng bahay ko.

Sumikip ang dibdib ko habang pinapanood siyang umalis, dahil alam kong ito na ang huling pagkakataon na makikita ko siya dito.

I'm sorry.. I'm sorry.. Hindi ko sinasadya.

Hinagod ni Clinton ang likuran ko nang may tumakas na hikbi mula sa bibig ko, pumikit ako at yumuko habang iniiyak lahat ng sakit na nararamdaman ko.

I'm sorry, I fell in love with you, Russel. I'm sorry.

THE END

Seguir leyendo

También te gustarán

3.9K 1K 32
Angel Celeste Ferrer is a dreamer. She dreams that one day, she will be a famous painter, but her dream fades away when her dad died. Her dream dies...
945 61 6
Upang maalis ang sumpang ipinataw sa bayan ng Terrania ay isang dalaga ang pipiliin upang maging mahalagang alay sa angkang pilit winawala sa kasyasa...
Unmei no Akai Ito Por Azul

Ficción histórica

29.4K 1.6K 19
Naging simple at tahimik ang buhay ni Luna nang lumipat sila ng tatay at mga kuya niya sa isang malayong bayan. Bawal nga lang siya lumabas ng bahay...
46.2K 100 49
Enjoy