Dispareo (PUBLISHED UNDER PSI...

By Serialsleeper

9.3M 392K 274K

"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa... More

Prologue
I : The Missing Ones
II: What's going on?
III : The biggest skunk
IV: Left Behind
V: Remnants
VI : No way out
VII: Three Days Ago
VIII: Dead Ringer
IX: Beneath the seams
X: Lucid
XI: A promise to keep
XII: Camouflage
XIII: What we had
XIV: What destroyed her
XV: The Last Supper
XVI: Home Invasion
XVII: To love and protect
XVIII: Dazed and Torn
XIX: Whatever happens, whatever it takes
XX: The worst kind of skunks
XXI: Nothing but a broken heart
XXII: Promises we can't and can keep
XXIII: Amelia
XXIV: Hitting all the birds with a deadly stone of revenge
XXV: Sacrificial Lamb
XXVI: Make a wish
XVII: For the greater good
XVIII: 778
Epilogue
Note
DISPAREO 2 : Prologue
I : Aftermath
II : Weakling
III : Paranoia
IV : Stakeout
V : Something's wrong
VI : Consumed
VII : What's real and what's not
VIII : Dead Girl Walking
IX : Discrepancy
XI : If I were you, I'd run like hell
XII : Someone to fear
XIII : Unlawful
XIV: Yet another bloodshed
XV : Waldo
XVI : Houston, we have a problem
XVII : Not so lucky
XVIII : Hell and help
XIX : Believe me, he's evil
XX : Dazed and torn
XXI : Upper hand
XXII : Protagonist Problems
XXIII : Speechless
XXIV : To love and protect
XXV : Villainous
XXVI : Fear came true
XXVII : The Plot Twist
XXVIII : 778
Epilogue
Note
DISPAREO 3 : Prologue
I : No place for 778
II : In memories of her
III : Rise of the body snatchers
IV : The death of another
V : Pay Attention
VI : Snooze
VII : Never thought i'd ever
VIII : For the greater good
IX : A promise to keep
X : The things we do
XI : Prove me
XII : The thing about protection
XIII : Transparent and Apparent
XIV : In for a surprise
XV : The Return
XVI : The Closure
XVII : Here comes Dondy
XVIII : 778
EPILOGUE (Part 1 of 2)
EPILOGUE (PART 2 OF 2)
Commentary
Special Announcement:
Dispareo Trilogy

X : Cielo's Labyrinth

95.6K 3.7K 2.8K
By Serialsleeper


CHAPTER X:

Cielo's Labyrinth

Dana's POV


"Shit." Napamura ako nang matabig ko ang tasang puno ng kape, buti nalang at hindi nabuhos.


"Easy lang." Sambit ni Shem habang humihikab at kinukusot ang kaliwa niyang mata. As usual, he's still wearing his yellow helmet. Cute idiot.


Here we are in a coffee shop, looking sleepless and downright messed. Malapit nang dumilim pero heto kami at kape ang pinagt-tripan. I don't have to ask Shem kasi obvious naman sa hitsura at kilos niyang gaya ko ay puyat rin siya.


"When was the last time you slept?" Tanong ko na lamang matapos akong uminom ng kape.


"Yesterday?" Natawa si Shem at umiling-iling, "I don't even remember. Pero mukhang mas matagal kang puyat ah?" Aniya pa.


"Sleep's not my friend these past few days... make that weeks." Sagot ko at hindi ko na napigilan pang mapahikab, "I really really want to sleep but my head is just." I can't find the words to say so I just clenched my fest closed my lips shut.


"Napapanaginipan mo rin ba sila? Ang mga lecheng skunks?" Tanong ni Shem at napasandal sa salaming nasa kanyang gilid.


"I wish sila nalang." Natawa ako ng bahagya, "There's this weird version of Cielo haunting me; blaming me shit and trying to put the hurt on me, hindi na siya makalapit sa akin kaya sa panaginip na siya dumadaan. I know she's not real, that she's not Cielo pero wala eh, apektado parin ako. I take medicines to stay awake but I'm running out, my doctor won't prescribe me another bottle so I'm thinking of pulling a grand theft stimulant stunt." Biro ko na lamang.


"Sleep deprivation could play tricks on your head." Aniya kaya agad akong umiling-iling.


"But sleep deprivation wouldn't grab me from the blanket and throw me on the wall like a piece of doll." Giit ko saka sarkastikong ngumiwi.


"You got thrown on the wall? Welcome to the club." Biro niya at nakipag high-five pa sa'kin. Almost forgot, Shem was thrown on the wall too—not to mention, got his head smashed by Johny not-so bravo.


"So? What's the sitch?" Napabuntong-hininga na lamang ako't napasandal sa kinauupuan ko. Dahil sa sinabi ko ay biglang sumeryoso ang mukha ni Shem kaya napaupo na lamang ako ng maayos.


Shem seemed like out of words. Para bang may gusto siyang sabihin pero nagdadalawang-isip siya, parang nag-aalangan. The look on his face seems like he's being careful of his words.


"Cielo's in hell. Raze told me just before he disappeared." Bulalas ko na lamang. Baka kasi yan ang gusto niyang sabihin.


"Ano?" Nagulantang si Shem sa sinabi ko. Bigla siyang napatingin sa mesa, his eyes darted from left to right as if he realized something.


"Shem?" Tanong ko at tiningnan siya ng mariin.


"That's why Raze and Axel stopped at nothing to find her." Mahinang sambit ni Shem at unti-unting napatingin sakin, "Si Cielo ang naging kapalit ni Astaroth."


"Astaroth..." I've heard that name before but I still don't understand who he is. I don't even know if its he or she.


Napabuntong-hininga si Shem at ipinatong ang magkabila niyang siko sa mesa at sinapo ang kanyang ulo. Hinilamos niya ang mukha gamit ang palad at mas lalo pang tumagilid ang suot niyang helmet.


"Humingi sa akin ng pabor si Raze. Inutusan niya akong kunin ang kahit na anong dokumentong meron si Harper tungkol sa nakaraan. Nang gabing mawala sina Raze, dapat andun ako para ihatid ang mga nakuha ko—" Muli, napabuntong hininga si Shem .


"You don't have to blame yourself. None of this is your fault. You were lucky not to be with them that night." Giit ko dahil alam kong ito ngayon ang nasa isip niya.


"Binasa ko kahapon ang mga files na nakuha ko mula kay Harper... Nahiwagaan ako at sobrang naguluhan kaya pinasok ko ang basement ng bahay ni Cielo kagabi. Dana, gusto nila Raze at Axel na maibalik si Cielo pero bago 'yon ay hinanap muna nila nasaan si Cielo." Nagkatinginan kami ni Shem at para kong naintindihan ang gusto niyang ipahiwatig.


"Oh my God.." Nagsimulang pumatak ang luha ko, "Th-they figured out where Cielo is... That's why they disappeared." Nagulat ako sa napagtanto ko at naramdaman ko ang pagtindig ng balahibo ko.


"Si Astaroth ay isang demonyong ikinulong sa sarili niyang lungga," Natatarantang kinuha ni Shem ang cellphone mula sa kanyang bulsa at ipinakita sa akin ang litrato ng mga lumang dokumento, "Isinumpa siyang makulong doon ng panghabambuhay, makakalabas lamang siya kung may kaluluwang papayag na makipagpalit sa kanya. Kahit na nakakulong si Astaroth sa lungga niya, nagagawa niyang dumalaw sa diwa ng mga taong naniniwala sa kanya. Sa pamamagitan ng panaginip, naghahanap siya ng paraan para tumupad ng mga simpleng kahilingan. Alam niya ang kahinaan ng mga tao—ang kasakikaman at labis na paghahangad ng mga bagay na wala tayo. Ginamit niya ang kahinaan ng tao at isa si Primo sa mga napaniwala niya. Sa sobrang kasakiman ni Primo ay ipinagkasundo niya ang kaluluwa ng anak niyang si Amelia para sa kasaganahan ng kanyang lungsod. Dahil si Cielo at Amelia ay iisa, nang gumawa si Cielo ng kahilingan at tauspusong pumayag na maging kapalit, otomatiko niyang napakawalan si Astaroth. Dana nandito na si Astaroth sa mundo natin at si Cielo na ang nasa mundo niya." Paliwanag ni Shem. Naging malinaw nga sakin ang lahat pero para namang muling pinipiga ang puso ko dahil sa malagim na katotohanan.


"But we can still get her back right? She's still alive right? Everything turned out okay for us so makakabalik rin sila ng buhay diba?" Napahawak ako sa braso ni Shem at nag-asam na tumango siya pero bigla siyang umiwas ng tingin.


"Dana hindi na tayo pwedeng umasa. Nakakulong si Cielo sa lungga ng sarili niyang impyerno." Giit ni Shem kaya unti-unti akong bumitaw sa kanya at tumango-tango na lamang.


"How about Raze and Axel? Could they still get back? Could they still be alive wherever they are right now?" Tanong ko pa pero hindi nakasagot si Shem.


"Nakarinig ako ng pagyanig nang gabing nawala sina Raze. It was the same sound and tremor as when the skunks started to appear—when Mira and Harper played the old record. Maari bang ang old record parin ang ginamit nila Raze para mapunta sa lungga ni Cielo?" Tanong ko na lamang ulit habang pinupunasan ang luha ko.


"Ang naghihinagpis na kaluluwa ng mga fergullo ang nakakulong sa plaka, ikinulong sila doon upang hindi makapaghiganti. Iba 'yon kumpara sa sitwasyon ni Cielo na nasa lungga ni Astaroth. Magmula kasi nang makulong ang mga fergullo sa plaka ay naglaho narin ang mga naniniwala kay Astaroth, pero nang makabalik sila dahil kay Harper ay nagkaroon ulit ng mga naniniwala kay Astaroth. Ang galit ng mga kaluluwang sinawing-palad ang nagpalakas pa lalo sa kapangyarihan ni Astaroth kaya naman nagawa nilang sumapi sa mga bangkay. Minanipula ni Astaroth ang lahat, siguro ginamit niya rin ang paniniwala ni Harper sa kanya kaya nangyari ang lahat—nakabalik si Cielo sa araw na bumalik ang mga kababayan niya. Minanipula ni Astaroth ang lahat dahil alam niyang sa huli, gagawin ni Cielo ang lahat para mailigtas tayo." Paliwanag ni Shem kaya nasapo ko naman ang noo ko. Mahirap tanggapin ang lahat ng mga naririnig ko, nahihirapan akong intindihin at tanggapin ito.


"Cielo's trapped in her own labyrinth for the rest of eternity. She's not a bad person... why her? Why is this happening to her?" Napabuntong-hininga a lamang ako habang patuloy paring pinupunasan ang luha ko.


THIRD PERSON'S POV


Matapos makapagpaalam sa isa't-isa ay mag-isang sumakay si Shem sa kanyang sasakyan. Bago ito tuluyang pinaandar ay pinagmasdan muna niya ang kanyang side-mirror.


"Wacky?" Mahinang sambit ni Shem nang bigla itong makita sa likuran ng kanyang sasakyan. Nakatayo si lamang si Wacky habang napakatalim ng tingin sa kanya.


Napalingon si Wacky sa likurang bahagi ng kanyang sasakyan at nagtaka siya dahil hindi na niya nakita pa si Wacky o nakita man lamang itong umalis. Animo'y naglaho ang binata na parang bula.


"Kalma lang, si Wacky lang yon at hindi si Boris." Napabuntong-hininga na lamang si Shem at napakatok sa kanyang helmet.


*****


"Hayop ka talaga Dondy." Napangiwi si Churchill at inilipat sa ibang pahina ang kanyang binabasa. Mag-isa lamang ang binata habang tumatambay sa rooftop ng eskwelahan. Nagsisimula mang dumilim, napakaliwanag parin naman sa kinaroroonan niya dahil sa mga ilaw at bilugang buwan.


"What the—"Lalo pang napangiwi si Churchill nang makita ang bahid ng dugo sa isang pahina. Inilapit niya ito sa kanyang mukha at tinigan ng mabuti. Agad siyang napasinghap nang biglang tumama ang hawak na libro sa kanyang mukha at madikit siya sa bahid ng dugong pinagmamasdan.


"Happy to help you with your near-sightedness." Humagalpak si Mira sa kakatawa na siya palang humampas sa libro dahilan para tumama ito sa mukha ni Churchill.


"Gago ka talagang Miranha ka! Tumama yung dugo sa mukha ko!" Reklamo ni Churchill habang animo'y pinapagpagan ang mukha niya.


"It's Miranda okay? Jokes on you Church kasi nagmumukha kang may speech defect dahil sa Miranha mong yan. Go find another chicken to roast kasi Miranda to Piranha is just invalid." Pang-aasar pa ni Mira sabay pulot ng librong nalaglag ni Church. Agad nawala ang ngiti sa mukha niya nang bigla niyang mapansin ang litratong nakadikit sa huling parte ng libro.


"This is Cielo's book." Mahinang sambit ni Mira habang pinagmamasdan ang litrato nina Dana at Cielo na kuha noong sila'y bata pa at napakasaya.


"Nagpaalam ako kay Dana." Giit agad ni Church.


"Can't believe Cielo's in hell for saving us..." Mahinang sambit ng nanlulumong si Mira.


"Magsama nga kayo ni Wacky, mga adik." Natatawang sambit ni Church.


"Wait hindi ka naniniwala?" Napabuntong-hininga si Mira, "The skunks are enough to prove the existence supernatural. You're playing the ignorant card if you keep that up." Dagdag pa ng dalaga.


Sa isang iglap ay bigla na lamang kinuha ni Churchill sa kanyang ballpen mula sa bulsa at may sinulat sa kanyang palad. Agad namang napatingin rito si Mira.


4. Possessed


"And what the heck is that list?" Usisa ni Mira.


"Maaring rason kung bakit biglang nagbago si Wacky. Para siyang bangkay na naglalakad, masangsang na nga ang amoy, mukha pa siyang ilang daang araw nang hindi natutulog. Kita mo yung eyebags niya? Nagmukha tuloy siyang naka-eyeliner palagi. Noon, sumasabay yan sa lahat ng mga kalokohan ko pero ngayon daig pa niya ang tigyawat na pasulpot-sulpot. At yung ngisi niya? Nakakabwisit, sarap tapunan ng tae na ewan." Paghihimutok ni Churchill ngunit panay lamang ang tawa ni Mira sa kanya bagay na labis niyang ikinainis.


Sa isang iglap ay bigla na lamang umalingawngaw ang bell sa buong skwelahan, hudyat na magsisimula na ang klase ni Mira.


"Good luck with your boy problem churchy! Adios mi insekto!" Biro pa ni Mira at nagtatakbo na papunta sa hagdan upang mabilis na makarating sa kanyang classroom.


"Bwisit..." Mahinang sambit ni Churchill at napatitig na lamang sa kanyang palad kung saan nakasulat ang kanyang listahan.


1. Gutom

2. Baliw

3. Adik

4. Possessed


****


Hindi makapag-pokus si Churchill sa pagbabasa. Maya't-mayang pumapasok sa isipan niya ang mga kakaibang kinikilos ni Wacky at lalo na ang ginawa nito sa diksyunaryo. Pinipilit niyang ibaling na lamang ang atensyon sa binabasa ngunit bigla niyang nakita ang litrato nina Dana at Cielo na nagpaalala rin sa kanya sa sinabi ni Mira tungkol sa kinahinatnan ni Cielo.


Biglang tumunog ang cellphone niya at nagtaka siya nang makitang si Mira ang tumatawag sa kanya.


"Miranha! Ano na—"


"Shh.. Churchill serious mode ako." Pabulong na sambit ni Mira mula sa kabilang linya kaya agad na nakunot ang noo ni Churchill.


"Are you still at your 7pm class?" Kunot-noong sambit ni Churchill at ibinaling ang paningin sa building na kinaroroonan ng dalaga.


"This is serious okay? I thought a lot about what you said and I remembered something about the stories Dana told me.... About what happened to them after we died." Muli, bulong ni Mira na nag-iingat marinig ng gurong kasama sa klase.


"The stink, the body deterioration, the weirdness... It could all add up to how Wacky was about to be sacrificed by the skunks along with Pip. Okay, sacrifices are meant for the evil ones... and what if... Just what if okay? What if na-possess na nga si Wacky?" Napabuntong-hininga si Mira, "I don't want to scare you or accuse Wacky pero I've read a lot about demonic possessions and exorcisms after watching Emily Rose—" Hindi na pinatapos pa ni Churchill ang sinasabi ni Mira at agad na siyang nagtatakbo patungo sa direksyon ng hagdan.


****


"Seryoso ka? Bibili ka ng isang sako ng bigas? Sa tingin mo mabibitbit mo ang isang sako sa payat mong 'yan?" Tanong ng tindera bagay na agad nagpakunot at nagpangiwi kay Shem.


"Kita mo 'tong pera ko?" Walang emosyong sambit ni Shem sabay angat ng kanyang isang-libo, "Paalam mula sakin at sa pera ko." Sabi nito at kalmadong umalis bagay na labis ikinagulat ng tinder.


"Pogi sandali! Nagbibiro lang naman ako! Pogi!" Sigaw ng tinder pero hindi na lumingon ang iritadong si Shem at nagpatuloy na sa kanyang sasakyan.


Pumasok si Shem sa kanyang sasakyan at ini-lock ito. Napatingin siya sa kanyang rear-view mirror at otomatiko siyang napasigaw sa gulat nang makita si Wacky na nakaupo sa likurang bahagi ng kanyang sasakyan.


"Ganda ng helmet mo ah?" Nakangising sambit ni Wacky bagay na agad ikinakunot ng noo ni Shem.


"Paano ka nakapasok sa sasakyan? Ni-lock ko yan ah?" Naguguluhang sambit ni Shem.


"Magic!" Taas-noong pagmamalaki ni Wacky bagay na lalo pang mas nagpangiwi kay Shem.


"Papahatid ka? Bayaran mo ako para sa gas." Sabi na lamang ni Shem sabay lahad ng kanyang kamay.


"Hanggang dito nalang ako. Have a nice trip!" Humalakhak si Wacky at lumabas ng sasakyan kaya lalo pang naguluhan si Shem.


"Hindi kaya piniga rin ni Boris ang ulo niya?" Mahinang sambit ni Shem at pinaandar na lamang ang kanyang sasakyan. Pinaandar rin ni Shem ang radyo niya nunit walang kahit na anong lumalabas rito kundi puro static kaya pinabayaan na lamang niya itong nakapatay.


Nang malapit na sa mahabang tulay ng Drayton ay nakita ni Shem ang pag-iiba ng traffic light. Inapakan niya ang preno ngunit nagtaka siya nang hindi niya maramdaman ang epekto nito. Paulit-ulit niyang inapakan ang preno hanggang sa tuluyan siyang mataranta nang mapagtantong hindi na nga ito gumagana.


"Shit!" Napasigaw si Shem nang biglang tumama sa mukha niya ang matinding liwanag na nagmumula sa makakasalubong na truck.




END OF CHAPTER 10!

he he he

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3


Continue Reading

You'll Also Like

383K 1.7K 1
Ang University na ito ang namamahala upang tulungan ang napiling humanimal na protektahan ang mundo laban sa gustong sumakop nito. Humanimal, half hu...
Pagsamo By Señorita M

Historical Fiction

73.2K 523 4
In the Filipino town of Santa Crusiana, a young man named Leonor marries a woman whose head has been torn off from an old photo. Within the Seguismun...
11.6M 324K 43
Special Section book 2. Hindi mo siya mahahanap. Hindi mo siya matatakbuhan. Available in Bookstores, Convenience Stores, newsstands and online natio...
32.2K 1.9K 43
"Shit? They are going to eat us! Alive!" When Astraea woke up after a huge incident. Everything feels so weird for her. She knows something is wrong...