Dispareo (PUBLISHED UNDER PSI...

Por Serialsleeper

9.3M 392K 274K

"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa... Mais

Prologue
I : The Missing Ones
II: What's going on?
III : The biggest skunk
IV: Left Behind
V: Remnants
VI : No way out
VII: Three Days Ago
VIII: Dead Ringer
IX: Beneath the seams
X: Lucid
XI: A promise to keep
XII: Camouflage
XIII: What we had
XIV: What destroyed her
XV: The Last Supper
XVI: Home Invasion
XVII: To love and protect
XVIII: Dazed and Torn
XIX: Whatever happens, whatever it takes
XX: The worst kind of skunks
XXI: Nothing but a broken heart
XXII: Promises we can't and can keep
XXIII: Amelia
XXIV: Hitting all the birds with a deadly stone of revenge
XXV: Sacrificial Lamb
XXVI: Make a wish
XVII: For the greater good
XVIII: 778
Epilogue
Note
DISPAREO 2 : Prologue
I : Aftermath
II : Weakling
III : Paranoia
IV : Stakeout
V : Something's wrong
VI : Consumed
VII : What's real and what's not
IX : Discrepancy
X : Cielo's Labyrinth
XI : If I were you, I'd run like hell
XII : Someone to fear
XIII : Unlawful
XIV: Yet another bloodshed
XV : Waldo
XVI : Houston, we have a problem
XVII : Not so lucky
XVIII : Hell and help
XIX : Believe me, he's evil
XX : Dazed and torn
XXI : Upper hand
XXII : Protagonist Problems
XXIII : Speechless
XXIV : To love and protect
XXV : Villainous
XXVI : Fear came true
XXVII : The Plot Twist
XXVIII : 778
Epilogue
Note
DISPAREO 3 : Prologue
I : No place for 778
II : In memories of her
III : Rise of the body snatchers
IV : The death of another
V : Pay Attention
VI : Snooze
VII : Never thought i'd ever
VIII : For the greater good
IX : A promise to keep
X : The things we do
XI : Prove me
XII : The thing about protection
XIII : Transparent and Apparent
XIV : In for a surprise
XV : The Return
XVI : The Closure
XVII : Here comes Dondy
XVIII : 778
EPILOGUE (Part 1 of 2)
EPILOGUE (PART 2 OF 2)
Commentary
Special Announcement:
Dispareo Trilogy

VIII : Dead Girl Walking

95.5K 3.9K 2.9K
Por Serialsleeper


CHAPTER VIII:

DEAD GIRL WALKING

THIRD PERSON'S POV


"Dana anong ginagawa mo?!" Nagulantang si Churchill nang madatnan si Dana na ngayo'y nakatayo na mula sa kama at sapilitan nang tinatanggal ang karayom na nakakabit sa ibabaw ng kanyang kamay. Tinangka ni Churchill na pigilan ang kaibigan ngunit hindi na niya nagawa pa.


"Do you know where Raze is?!" Bulalas ni Dana na hindi alintana ang dugong nagsisimulang umagos mula sa kamay na tinanggalan niya ng karayom dahil sa labis na pag-aalala at takot para sa mga kaibigan.


"Dana bakit mo tinanggal ang IV Dextrose mo?!" Bulalas naman ni Churchill at dali-daling kinuha ang panyo mula sa kanyang bulsa. Tinangka niyang ipulupot ito sa nagdurugong kamay ng luhaang si Dana pero agad itong umiwas.


"T-they're in trouble! Church we have to go find them!" Natatarantang sambit ni Dana kaya walang magawa si Churchill kundi pulutin ang kanyang cellphone na naiwan ni Dana sa sahig.


"T-teka teka, sandali may app ako! I could locate him through geolocation!" Dahil sa inaasal ni Dana ay maging si Church ay nataranta narin at labis na natakot, "Got it! He's in—" Natigil si Church sa pagsasalita nang makitang nag-iisa na lamang siya sa silid. Nakita niya ang mga patak ng dugo na papalabs ng pinto kaya naman dali-dali niya itong sinundan.


"Dana sandali lang!" Agad na hinabol ni Churchill si Dana na napakabilis na ng paglalakad. Suot ang damit pampasyente at wala man lang sapin sa paa, mas lalo pang binilisan ng luhaan at duguang si Dana ang paglalakad.


"Shut-up, a nurse could hear us." Walang emosyong sambit ni Dana na animo'y nag-iingat sa bawat dinadaan.


"Dana hindi mo pa kaya! Hintayin nalang muna natin ang mga magulang mo!" Giit ni Churchill ngunit deretso lamang ang tingin ng determinadong si Dana. Hindi nito pinapansin ang kahit na anong pagpigil niya bagay na labis niyang ikinainis.


Sa tagal ng pagkakakilala niya kay Dana, alam na ni Churchill na wala nang patutunguhan ang mga protesta niya. Alam niyang hindi papipigil si Dana sa kahit na ano mang gustuhin niya kaya imbes na pigilan ito ay agad na lamang niyang hinubad ang suot na makapal na jacket at pinasuot ito sa kaibigan.


****


"Ano ba talagang nangyayari sayo?" Tanong ni Churchill habang nagmamaneho. Madaling-araw na kaya naman deretso ang tingin niya sa madilim na kalsadang tinatahak.


"I don't know either." Mahinang sambit ni Dana habang yakap ang garapong bigay ni Church na puno ng asin.


"Just tell me what the salt means at least! You look like a lunatic yesterday, You look like a salt-crazed lunatic today!" Giit ni Churchill at bahagyang napasulyap sa kaibigang katabi.


"Do you believe in apparitions? Ghosts or whatever?" Muli, walang kaemo-emosyong sambit ni Dana.


"Pagkatapos ng mga lecheng skunks? Kahit sa tooth fairy maniniwala na ako." Mahinang sambit ni Churchill.


"Cielo's in hell for saving us all and Raze could be in trouble for trying to get her out of there." Nang dahil sa naging tugon ni Dana ay naiwang nakaawang ang bibig ni Churchill. Kahit naguguluhan, imbes na magtanong ay mas binilisan na lamang ni Churchill ang pagmamaneho ng kanyang kotse.


*****


"Churchill stop the car now!" Bulalas ni Dana dahilan para agad na maihinto ni Churchill ang sasakyan. Walang pasubaling lumabas si Dana mula sa sasakyan kaya naman dali-daling sumunod sa kanya ang binata habang inilalabas ang cellphone mula sa kanyang bulsa.


"Says here, his phone is not that far from here. Pero hindi ko maintindihan, nasa gitna tayo ng kawalan?" Naguguluhang sambit ni Churchill na matapos pagmasdan ang kanyang cellphone ay agad inilibot ang paningin sa mga kakahuyang nakapalibot sa kanila.


Habang nakatayo sa gitna ng tahimik na kalsada ay tila ba biglang may naalala si Dana at agad itong nagtatakbo papasok ng kakahuyan bagay na labis na ikinagulat ni Church. Labis paring naguguluhan, sinundan na lamang niya ito.


"Dana sandali! Wala kang sapin sa paa!" Giit ng humahangos na si Churchill habang tinututok sa direksyon ni Dana ang liwanag na nagmumula sa kanyang flashlight na gumagabay sa kanilang dalawa. Makaraan ang ilang sandali ay tuluyang natahimik si Churchill, habang kapwa sila tumatakbo sa gitna ng madilim na kakahuyan ay unti-unting bumabalik sa kanya ang mga alaala ng malagim nilang pinagdaanan isang buwan na ang nakakaraan.


"Dejavu." Bulalas ni Churchill nang sa isang iglap ay tumambad sa kanila ni Dana ang isang malaking tahanan na may makaluma ngunit matatag na estruktura. Umaandar ang mga ilaw sa loob at naiwan namang nakabukas ang pintuan nito.


"Cielo's house..." Mahinang sambit pa ni Churchill. Natanaw niya ang motorsiklo ni Raze sa hindi kalayuan kaya muli niyang sinubukang tawagan ang telepono nito.


"Raze! Axel!" Agad na nagsisigaw si Dana at muling kumaripas ng takbo hanggang sa makarating sa loob ng tahanan. Labis ang naramdaman niyang paninibago at panlalamig nang makarating sa malawak na sala ng kanyang bahay, lalo pang bumigat ang pakiramdam niya pero mas pinili niyang ilibot ang paningin upang mahanap ang mga ito.


"Raze?!" Muling napasigaw si Dana nang maulinigan ang walang humpay na pagri-ring ng isang cellphone. Sinundan niya ang tunog na ito hanggang sa makarating siya sa likod ng malaking hagdan ng tahanan. Nangilabot si Dana nang tumambad sa kanya ang isang animo'y lagusan pababa sa sahig. Naiwan itong nakabukas kaya naman kitang-kita ni Dana isang malawak na hagdan pababa.


"What the hell?" Bulalas naman ni Churchill nang tuluyang maabutan si Dana at makita rin ang lagusan.


"I can hear his phone... they're down here." Sabi pa ni Dana na hindi man lang alintana ang paa niyang sugatan at nagdurugo na.


Habang bumababa sila ay tumambad sa kanila ang isang basag ngunit tumutunog pang cellphone sa sahig. Pinulot ito ni Churchill at nakita niya ang pangalan sa cellphone na tumatawag, indikasyong kay Raze nga ito.


Nagpatuloy ang dalawa hanggang sa tuluyan nilang maabot ang dulo ng hagdan at tumambad sa kanila ang isa pang pintong bahagyang nakabukas. Dahan-dahan itong itinulak ni Dana pabukas at kapwa sila nagulat ni Church sa nadatnan.


Nagkalat ang mga basura sa sahig, karamihan ay mga upos ng sigarilyo, walang lamang cup noodles at lalagyan ng pagkain, yupi-yuping lata ng mga softdrinks at bote ng tubig. Mayroon ring dalawang sofa at nakapatong rito ang mga unan at kumot na animo'y ilang araw nang hindi inaaayos.


"They've been staying here?" Naguguluhang sambit ni Dana.


"Raze? Axel? Hoy asan kayo!" Bulalas naman agad ni Churchill habang sinusuyod ang malawak na silid. Ngunit kahit na anong pagtawag ay walang sumasagot sa kanila, walang ibang tao sa silid kundi sina Dana at Churchill.


"May narinig akong yumanig.... Raze shouted... he sounded scared... Something went wrong here I can feel it..." Mahinang sambit ni Dana na mas lalo pang tumindi ang kaba habang pinagmamasdan ang mga kahong nagkalat sa silid at pati narin ang napakaraming mga guhit ni Cielo.


"Ano to?" Biglang bulalas ni Churchill nang makita niya ang isang makapal at kulay asul na libro sa ibabaw ng mesa, sa tabi ng laptop ni Axel.


"Is that Faceless Dondy?" Mahinang sambit ni Dana at agad na nilapitan si Churchill.


"Ba't walang cover design? Anong klaseng libro 'to?" Tanong agad ni Churchill.


"It's a comic book," Mahinang sambit ni Dana at kasabay nito ang muli niyang pagluha, ngunit kahit lumuluha ay unti-unting kumurba ang mapait na ngiti sa kanyang labi, "It's her favorite. She always borrowed it from the public library when we were kids. I saw how much she loved it so I asked my mom to buy it for her. It was scary as heck but she loved it, I can't believe she still kept it after all this time."


Binuklat ni Churchill ang hawak na libro at laking gulat niya nang mapunta siya sa isang pahinang nagpapakita ng isang malagim na eksena—Nagkalat ang mga bangkay sa sahig, wakwak ang mga dibdib at gutay-gutay ang mga mukha nila.


Napatingin naman si Dana sa napakalaking white board at para bang muling nadurog ang puso niya nang makita ang larawan ni Cielo habang nakaratay sa ospital, walang malay at tadtad ng mga sugat ang buong katawan at may benda sa leeg. Dahil sa larawang ito ay hindi na niya pinagmasdan pa ang whiteboard na puno ng mga impormasyon at kung ano-anong artikulo. Muli niyang naalala ang mga masasakit na salitang binitawan sa kaibigan nang muli silang magkita matapos ang tatlong taon.


Nakita ni Churchill ang matinding lungkot ni Dana dahil sa mga litrato kaya matapos niyang maisilid ang libro sa loob ng kanyang jacket ay hinila niya ang kaibigan at inudyukang umalis sa basement upang ipagpatuloy ang paghahanap sa mga kaibigan.


"Raze?! Axel?!" Muli, umalingawngaw sa buong bahay ang sigaw nina Churchill at Dana, kapwa labis na nag-aalala, kapwa determinadong mahanap ang dalawa.



*****


Three days later.



Narinig ni Dana ang pagsara ng pinto sa kanyang likuran kaya habang nakaupo sa silyang nasa gitna ng silid ay napapikit na lamang siyang siya't napahawak sa kanyang tuhod.


"You're going to ask me the same question again right? Again, I don't know where Raze and Axel are. I'm just as worried as everyone else." Walang emosyong sambit ni Dana habang nakatingin sa kawalan. Ni hindi nito magawang tingnan ang pulis sa kanyang mga mata.


"Hija, si Cielo? May balita ka ba sa kanya?" Pag-iiba ng katanungan ni Chief Razon dahilan para maikuyom ni Dana ang kanyang kamao. Matapos malaman ang tunay na nangyari kay Cielo, labis na siyang nahihirapan lalo na't maya't-maya siyang napapaisip sa sitwasyon ng kaibigan.


"Dana, pakiusap... kailangan kong malaman kahit ang mga napakatiting na detalye, mapa-tungkol sa anak ko, kay Axel o kay Cielo. Hija kailangan mong sabihin sa akin ang lahat dahil malakas ang kutob kong marami kang hindi sinasabi. Hija nakikiusap ako sa'yo, hindi bilang pulis kundi bilang ama, sabihin mo ang lahat ng alam mo." Pakiusap ng pulis na bakas ang matinding pag-alala sa kanyang mukha. Mula nang mawala ang anak ay wala na itong tigil sa paghahanap at pag-iimbestiga.


"You won't believe me..." Mahinang sambit ni Dana at unti-unting napatingin sa mata ng taong halos ituring na rin niyang ama, "You won't believe me if I tell you where Cielo is," Dagdag pa nito habang pumapatak ang luha mula sa kanyang mga mata.


"Asan si Cielo?" Nabuo ang pag-asa sa pagmumukha ng ginoo .


"If I tell you.... Do you promise to believe me?" Nangangatog ang labi at hindi mapakali, bakas ang matinding pagbabago hindi lang sa pisikal kundi sa kinikilos narin ng dalaga. Tumango agad ang pulis kaya muling napapikit si Dana.


"Hell..." Pabulong na sambit ni Dana.


Tila ba bulang naglaho ang pag-asa ng pulis sa narinig. Napatingin na lamang siya sa kisame dahil sa labis na dismaya. Gulat man dahil sa sinabi ng dalaga, bakas ang galit sa pagmumukha nito.


"Labas." Puno ng galit ang boses ng hepe dahilan para mapadilat ang gulat na si Dana.


"B-but I'm telling the truth..." Giit ni Dana habang nanlalaki ang luhaang mga mata.


"Labas!" Sigaw ng hepe kaya walang magawa si Dana kundi lumabas ng silid.


Sa paglabas ni Dana ay agad na tumambad sa kanya ang pila ng mga estudyanteng susunod na kakausapin at iinterbyuhin ng pulis ukol sa pagkawala ni Raze. Lahat ng mga estudyante ay nakatingin sa kanya bagay na agad niyang napansin.


"What?!" Bulyaw agad ni Dana dahilan para agad na mapatakbo ang estudyanteng nasa unahan ng pila.papasok sa silid na pinanggalingan niya. Ang natitira namang estudyante sa pila ay agad na umiwas ng tingin dahil sa takot.


"Shh... Come on... Not worth it, definitely not worth it." Awat naman agad ni Mira sabay akbay kay Dana palayo sa mga estudyante. Habang paulit-ulit niyang tinatapik ang balikat ng kaibigan, panay naman ang pagpunas ni Dana sa kanyang luha.


"Why won't they believe me? I'm telling the truth." Paghihimutok ni Dana habang kapwa sila naglalakad ni Mira sa gitna ng hallway na napapalibutan ng mga locker. Mahigpit ang yakap ni Dana sa kanyang makapal na libro habang nakatitig sa sahig.


"Dana you can't blame them," Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Mira habang inaalalayan parin ang kaibigan sa pamamagitan ng pag-akbay, "You just revealed a very out of this world reason while looking like a drug-crazed hobo. Dana ayokong ma-offend ka, sinasabi ko 'to kasi nag-aalala narin ako sa'yo... Pero Dana kasi, mas malala ka pa tingnan kesa sa mga adik sa kanto. You look like you haven't slept for days, wala kang ka-energy energy kung gumalaw and your hair, kelan ka ba huling nagsuklay o humarap man lang sa salamin?" Punong-puno ng pag-aalala si Mira.


"Thanks for the concern but I really don't care." Sarkastikong sambit ni Dana at agad na winakli ang kamay ni Mira. Dali-dali siyang naglakad pero agad naman siyang sinundan ni Mira.


"Dana stop this! Yes you're breathing but you're like a dead girl walking. You're hurting yourself." Giit naman ni Mira na halos maiyak narin dahil sa sitwasyon ng kaibigan.


"I'm trying okay?" Napahinto si Dana sa paglalakad at hindi na napigilan pang mapagtaasan ng boses si Mira sa kabila ng napakaraming estudyanteng napapadaan sa kanila.


"No you're not." Giit agad ni Mira, "The Dana I know is not like this." Dagdag pa nito.


Napakagat na lamang si Dana sa kanyang labi at umiiling-iling na napatingala. Napabuntong-hininga siya at unti-unting ibinaba ang tingin sa sahig, "I'm trying to be okay. I'm trying to think of ways for my mind and heart to be okay."


Itinutok ni Dana ang nanginginig na daliri sa kanyang sentido, "But my head... I don't know what's wrong but something isn't right. I can feel myself slipping away... I feel so heavy, having trouble moving... It's like I can't control my own fucking head."


"Dana when was the last time you prayed?" Tanong na lamang ni Mira pero hindi sumagot si Dana na nanatiling nakatitig sa sahig.


"Dana this isn't you—" Biglang natigil si Mira sa pagsasalita. Nakunot ang noo nito bagay na agad ring ipinagtaka ni Dana.


"Let's go..." Sambit ni Mira ngunit bago pa man niya mahila si Dana palayo ay nagawa na nitong lumingon.


Sa isang iglap ay agad na nawala ang matinding lungkot sa pagmumukha ni Dana. Ang pumalit ay galit, matinding galit na animo'y naipon sa napakatagal na panahon. Tila ba otomatikong naikuyom ni Dana ang kanyang kamao nang masilayan muli ang pagmumukha ni Harper.


"Look who we have here...." Mahinang sambit ni Dana at kasabay nito ang unti-unti niyang pag-ngisi. Ngising punong-puno ng poot at pait.


Napabuntong-hininga na lamang ang dalagang si Harper, walang emosyon ang mukha at tila ba pareho rin ang nararamdaman kay Dana. Bakas sa postura at pananamit niya ang trabaho bilang sekretarya ng ama ni Raze. Bitbit ang napakaraming folder ay tumalikod na lamang si Harper at nagsimulang maglakad sa ibang direksyon para makaiwas.


Walang ano-ano'y napakagat si Dana sa kanyang labi at gigil na gigil na hinubad ang kanyang sapatos.


"Dana no!" Sinubukan ni Mira na pigilan si Dana ngunit huli na, tuluyan nitong binato ang sapatos na agad tumama sa likod ng ulo ni Harper dahilan para mahinto ito sa paglalakad.


"Tara na, tama na." Giit ni Mira. Dahil takot na siya sa maaring magawa ng galit na si Dana, agad niya itong hinila palayo kahit pa mistulang ayaw nitong gumalaw mula sa hindi kalayuan.


"Since I find you pathetic, I'll let it pass." Bulalas ni Harper at unti- unting napatingin sa direksyon nila dahilan para mas lalo pang sumiklab ang galit na nararamdaman ni Dana.


"You bitch! This is all your fault! Nawala si Cielo dahil sayo tapos ngayon sina Axel naman at Raze!" Pagwawala ni Dana habang panay ang pagpupumiglas mula sa hawak ni Mira. Pinagtitinginan na sila ng lahat ng mga estudyante pero walang pakialam si Dana na animo'y isang asong mabagsik na walang ibang gusto kundi manakmal.


"Dana tama na!" Muling pakiusap ni Mira ngunit tila ba walang naririnig si Dana.


"My fault? Eh wala nga akong napala dahil kay Cielo! You got things your way so stop being an ungrateful spoiled little brat!" Nakangisi at taas-noong sambit ni Harper dahilan para mas lalo pang mangigil si Dana.


"You bitch! Go to hell!" Sigaw ng nagngi-ngitngit na si Dana.


"But Cielo's already there sweetie." Ganti ni Harper ng may ngisi sa kanyang labi bagay na lalo pang naging dahilan ng pagwawala ni Dana.


"Okay that's it! Kill the bitch!" Biglang sigaw ni Mira at binitawan si Dana. Kung kanina ay pinipigilan pa niya ito, ngayo'y halos itulak na niya si Dana patungo sa direksyon ni Harper.


Hawak ang napakakapal na libro, punong-puno ng galit na sinugod ni Dana si Harper.



END OF CHAPTER 8.


this pepe the froggy prolly sums up the chappy


THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Continuar a ler

Também vai Gostar

383K 1.7K 1
Ang University na ito ang namamahala upang tulungan ang napiling humanimal na protektahan ang mundo laban sa gustong sumakop nito. Humanimal, half hu...
657K 47K 71
During the spread of the deadliest virus in 2054 Philippines, Santhy Gozon struggles to survive to reach the last quarantine. *** A sixteen-year-old...
6.1M 204K 110
AlphaBakaTa Trilogy [Book2]: The Return of ABaKaDa (Reviving the Dead) Sulitin ang mga oras na nalalabi sa 'yo. Malay mo, ngayon na pala ang oras mo...
The Hardest Thing Por L

Ficção geral

105K 2.8K 43
© 2018 - The hardest thing I have to do was live without you. [Completed]