Love Is A Bitch

Door Kkabyulism

62.8K 1.9K 209

[Published under Psicom] [Love Series #1] Isa si Hyacinth sa mga taong hindi naniniwala sa pagmamahal. Para s... Meer

INTRODUCTION
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
LAST CHAPTER

Chapter 19

2.4K 74 3
Door Kkabyulism


Nagpatuloy ang panlalamig ni Lianne kay Russel, nagulat na lang ako ng isang beses na lumapit si Russel sa'min habang kumakain ay 'di sya pinansin ni Lianne.

Gusto kong umalis sa harapan nila habang nagtatalo sila ng mahina, but I think it's more rude kung aalis na lang ako bigla. And knowing Lianne? Susunod lang 'yan sa'kin.

Hinayaan ko silang magtalo at sumandal na lang ako sa sandalan ng upuan ko.

Gusto kong irapan ang sarili ko dahil para akong martyr dito. Pinapanood ko ang lalaking gusto ko na sinusuyo ang kaibigan ko. The woman he's inlove with.

Iniwas ko ang tingin ko sa dalawa at kumunot ang noo ko nang nakita ko si Penelope na kumakain sa isang table kasama ang bago niyang kaibigan. Sinalubong ko ang tingin nya at pilit na pinigilan ang sarili sa pagtataas ng kilay.

Sobrang sineryoso naman nya ang break up namin ni, Gio. Ang tagal na naming break pero siya di parin nakakapag-move on. 'Yung lalaki nga, nakamove on na, bakit siya hindi pa? Whatever. Ginusto niya 'yan. As if naman na babalikan sya ni Gio kapag lumayo siya sa'min.

"Let's go, Hyacinth," narinig kong tawag ni Lianne pero 'di ko siya tinignan. Ayokong sumama sakanya dahil maririnig ko lang ang rants nya about sa pambababae "kuno" ni Russel. Baka di ko mapigilan ang sarili ko at masabi ko sakanya kung ano ang dahilan kung bakit late umuuwi ang boyfriend niya.

"Hyacinth," may diin na tawag ni Lianne kaya nilingon ko na siya.

"Fix your issues, please? Ayokong naiipit sa away nyong dalawa," tumayo ako at kinuha ang bag ko. Nahagip ng tingin ko ang mukha ni Russel. Mukha na syang pagod na pagod. Iniangat nya ang tingin niya sa'kin na parang nanghihingi ng tulong. Halos 'di ako makahinga sa nakita kong mukha nya.

Tumingin ako kay Lianne na halatang iritado at naiinis sa nangyayari. Huminga na lang ako ng malalim at nilapitan si Lianne.

"Talk to him. Maniwala ka sa boyfriend mo," naglakad na ko palabas sa cafeteria at napagpasyahang gumala na lang. Activity period naman from 3 pm to 6 pm, ibig sabihin wala na kong klase.

Patuloy ako sa paglalakad at hinigpitan ang hawak ko sa bag. Di ako pwedeng masaktan sa nakita ko. Alam ko na sa simula pa lang kung sino ang mahal ni Russel, hindi naman magbabago 'yun dahil iba na ang nararamdaman ko para sakanya.

Bakit ba napaka-komplikado? Damn..

Palabas na sana ako sa gate nang nakasalubong ko si Cilnton. Iniwas ko ang tingin ko sakanya pero hinawakan nya ko sa braso at hinila palapit sakanya.

"Clinton," tawag ko sakanya pero 'di sya umimik. Hinila nya lang ako papunta sa building nila. Nang napansin kong ang daming taong nakatingin ay nagpumiglas ako.

"Just come with me," malumanay niyang sabi sa'kin. Buong lakas kong binawi ang braso ko sa pagkakahawak niya kaya nilingon niya ko. "Hyacinth,"

Pinagmasdan ko si Clinton na parang pagod na pagod na nakatingin sa'kin, tinaasan ko siya ng kilay pero hinawakan niya lang ulit ang kamay ko.

"May sasabihin lang ako, Hyacinth," Pagod niyang sinabi sa'kin. Sa tingin ba niya maniniwala ako sakanya? The last time na nilapitan niya ko ay dinala niya ko sa lolo niyang walang puso, ngayon ay lalapit nanaman siya at sinasabi niyang may sasabihin lang sya? Ano ako? Siraulo?

"Fuck off," madiin kong sinabi sakanya bago ako ako naglakad palayo sakanya. Tahimik na ang buhay ko, bakit ba hindi na lang din sila manahimik? 

"Please, Hyacinth--"

Gusto nilang lumayo kami sakanila, ngayong lumalayo ako ay lumalapit naman sila? Ano bang problema nila? 

Nakasalubong ko si Russel na papasok sa building nila pero hindi ko na siya binati. Gusto ko na lang umalis sa school at umuwi. 

"Hyacinth," napairap na lang ako nang tinawag niya ang pangalan ko. Nagkunwari akong hindi ko narinig at naglakad lang hanggang sa naramdaman ko siya na sumunod sa'kin. 

He should stop doing following me, mainit ang mata ni Lianne sakanya. 

Nagpatuloy ako sa paglalakad at sumakay na sa tricycle. Nakita ko ring sumakay si Russel at sinabi sa driver kung saan kami pupunta. Napailing na lang ako at hindi na nagsalita. Baka kapag nagsalita ako ay manginig lang ang boses ko, ang bilis kaya ng tibok ng puso ko. 

Sumandal ako at palihim na tumingin sakanya. Ang mahaba niyang pilik-mata na parang pambabae, ang matangos niyang ilong pati na rin ang mapupula niyang labi. Hindi nakakasawang tignan ang mukha niya, na kahit sa gilid mo lang tignan ay talagang malalaman mong ang gwapo niya. Damn, his side profile is pretty, too. 

Dahan-dahan kong iniwas ang tingin ko sakanya at napailing na lang. 

I need to stop thinking about his beauty. Nakakairita lang. 

"What are you doing here?" Tanong ko sakanya nang nakita ko na ang gate ng subdivision. 

"We need to talk," sabi niya sa'kin. 

Naramdaman ko nanaman ang bilis ng tibok ng puso ko. Damn. Ano bang paguusapan namin? 

Itinuro ni Russel ang direksyon sa driver kung nasaan ang bahay namin, nauna pa siyang bumaba nang huminto ang tricycle. Naglabas ako ng wallet pero huli na ang lahat dahil binayaran na niya. I should be thankful, right? Nilibre niya ko. 

"Ano bang paguusapan nat--" nahinto ang pagtatanong ko sakanya nang napansin ko ang isang itim na sasakyan sa tapat ng gate namin. 

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. What the hell?

Bumukas ang pinto ng kotse at lumabas doon ang lolo ni Clinton. Dahan-dahan ang pagbaba niya kaya lumapit si Russel sakanya para tumulong sa matanda. Ngumiti siya kay Russel at tinapik ang balikat nito habang tumatayo ng tuwid. Lumapit na ang dalawang naka-itim na lalaki at inilapag ang wheel chair upang maupuan ng matanda. 

"Hija," malumanay niyang tawag sa'kin habang umuupo. Lumingon sa'kin si Russel na nagtataka dahil hindi ko man lang sinagot ang matandang tinutulungan niya. 

Tinaasan ko ng kilay si Russel at inirapan, naglakad na ko papunta sa gate pero nagsalita ang magaling na binatang 'to.

"Tara po sa loob," magalang niyang alok sa matanda. Huminto ako sa paglalakad at nilingon silang dalawa.

"Hindi siya papasok sa loob dahil hindi ko siya inaalok, Russel." Kumunot ang noo ni Russel sa inasal ko pero hindi ko siya pinansin. Tumingin ako sa matandang nakaupo sa wheelchair. I suddenly want to punch Clinton's face. Siya siguro ang nagsabi sa lolo niya kung saan ako nakatira. Fuck.

"Hyacinth.." pinilit na tumayo ng matanda na agad namang pinigilan ni Russel. "Let's talk.."

Huminga na lang ako ng malalim. Bakit ba gusto nila kong kausapin?!

May isang kotse pang dumating kaya napailing na lang ako lalo na nang nakita kong si Clinton ang nakasakay doon.

"What is this? A fucking reunion?" Galit kong tanong sakanila na agad namang sinagot ni Clinton.

"Watch your mouth, Hyacinth. Nasa harapan mo ang lolo ko," galit na sabi ni Clinton. 

Kitang-kita ko ang pagtataka sa mukha ni Russel. "Russel, you should leave," sabi ko sakanya. 

"Huh?" nagtataka niyang tanong sa'kin.

"You should leave sabi ni Hyacinth," lumapit pa si Clinton kay Russel at itinuro ang nakaparadang tricycle malapit sa'min. 

Tumingin sa'kin si Russel, alam kong ayaw niyang umalis pero tinignan ko lang siya kaya huminga sya ng malalim. Naglakad pa siya palapit sa'kin at binulungan ako. "I'll wait for your text, Hyacinth," sabi niya sa'kin at umalis na. 

Pinanood ko ang tricycle na umaandar palayo dahil ayokong tignan si Clinton o kahit ang lolo niya na nasa magkabilang gilid ko. 

"Boyfriend mo?" malumanay na tanong ng lolo ni Clinton kaya tinignan ko siya.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko sakanila ni Clinton. Nakasandal si Clinton sa kotse habang nakatingin sa lolo niyang maligayang nakatingin sa'kin.

"I want to see my grand daughter--"

"I'm not your apo, so please leave," alam kong pambabastos na ang ginagawa ko pero wala akong pakielam. 

"Go on. Bastusin mo pa ang lolo ko at mawawalan ka ng kakainin simula ngayong gabi," madiing sabi ni Clinton.

"Just go away, Clinton! Ano bang gusto nyong mangyari!?" Sigaw ko sakanya. Tumikhim ang lolo niya pero di ko na siya tinapunan ng tingin. Tapusin na nila kung ano ang ipinunta nila dito! 

"Kamukhang-mukha mo ang papa mo," nanginig ang buong katawan ko sa sinabi ng lolo ni Clinton. Kahit ayaw ko siyang tignan ay bumaba ang tingin ko sakanya. 

"Don't talk about my papa na parang hindi mo kasalanan kung bakit siya namatay," madiin kong sabi sakanya.

"Hya-"

"Clinton, apo.." nilingon siya ng lolo niya para tumigil siya sa pagsasalita. Ibinalik niya ang tingin niya sa'kin at nakita ko doon ang lungkot. "She has all the rights to be mad at me dahil pinahirapan ko ang pamilya niya," pinilit niyang tumayo at naglakad palapit sa'kin pero umatras lang ako. 

"Your papa wants me to give our name to you," sabi niya. "and I'm here to do what he wanted,"

"No way," sabi ko sakanya. 

"You're my grand daughter, you deserve to be in our mansion. Hindi dito sa maliit na apartment na 'to," Sabi niya. "Oo, galit ako sa mama mo, hanggang ngayon ay galit ako sakanya pero.. hindi tamang pati ikaw ay makaramdam ng galit na 'yun." Lumapit sa'kin ang isa niyang body guard at may inabot na envelope. 

Hindi ko binuksan ang envelope, sa halip ay pinunit ko pa 'yun sa harapan nila. Sumilay sa mukha ni Clinton ang pagkadismaya sa ginawa ko at nag-iwas na lamang ng tingin. 

Pumatak ang luha ng lolo niya at tumingin lang sa'kin. Naramdaman ko ang pagkurot sa puso ko habang nakikita kong umiiyak ang lolo niya sa harapan ko. 

"Lolo," lumapit si Clinton at inalalayan niya ang lolo niya na umupo sa wheelchair. 

"Gusto ko lang naman na bumawi sa'yo, Hyacinth," pinunasan niya ang luha niya at ngumiti sa'kin. "Masyadong malaki ang kasalanan ko sa'yo.. sana dumating ang panahon na pagbigyan mo ko," nagpaalalay siya papasok sa sasakyan nila at sumulyap pa sa'kin bago siya tuluyang pumasok sa sasakyan. 

"Hyacinth, please.." sabi ni Clinton nang dumaan siya sa gilid ko. 

"Just go away, Clinton, napapagod na kong magalit sainyo," sagot ko sakanya. Tumalikod na ko at naglakad papunta sa apartment. 

"Then stop hating us. Napapagod din akong habulin ka. We're your family kahit na ayaw mo," sumakay na siya sa sasakyan niya at umalis na sila. 

Umupo ako sa upuan sa labas ng apartment at pinagmasdan lang ang kalsada kahit na madilim na ang paligid. 

Sabik ako sa pagmamahal ng isang magulang, sabik ako sa pakiramdam na may pamilya. Yung kapag uuwi ako sa bahay ay may magtatanong kung kumusta ang naging takbo ng buhay ko. Yung wala akong iintindihin dahil mga magulang ko ang umiintindi ng ibang bagay. 

Sawang-sawa na ko maging mag-isa na gusto ko na lang tanggapin ang alok ng lolo ni Clinton, pero.. anong gagawin ko? Galit ako sakanya, galit ako sakanilang lahat. Kailangan ko bang kalimutan ang galit ko para makamtan ko ang gusto kong pamilya? 

Bumukas ang gate pagtapos ng ilang sandali, tinignan ko kung sino ang nandoon at nakita ko si Russel na naglalakad palapit sa'kin. Naramdaman ko ang pagtibok ng puso ko ng sobrang bilis, pero nagawa ko paring tumayo at tignan siya. 

"Bakit nandito ka?" Tanong ko sakanya, pero naglakad lang siya ng dire-diretso at niyakap ako ng mahigpit. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya, pero ang sakit na pilit kong pinipigilan ay bigla na lamang nagsilabasan. 

Tumulo ang luha ko na naging dahilan kung bakit niyakap ko siya pabalik. Wala na kong pakielam kung bakit nandito siya, wala na kong pakielam kung naririnig nanaman niya kong umiiyak. Hindi ko na lang talaga maintindihan ang sarili ko. 

I just want to be happy, pero pakiramdam ko kahit ako ay pinipigilan ang sarili ko na maging masaya. 

Kung binigay man ng Diyos si Russel sa'kin para iparamdam sa'kin na hindi ako nagiisa ay laking pasasalamat ko na, pero.. bakit niya hinayaan na mahulog ako sa lalaking 'to?

Isa si Lianne sa mga taong tumutulong na maging masaya ako, ang kaibigan na palaging handa makinig kahit na wala akong sinasabi sakanya, at ang mahalin ang boyfriend niya ay isang malaking pagtataksil. Walang ginawa si Lianne kundi ang maging mabait sa'kin, pero bakit... tinatraydor ko siya ngayon? 

Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak habang yakap-yakap ako ni Russel. Nakakatawa, isa sya sa mga dahilan kung bakit ako umiiyak pero nandito ako at yakap-yakap siya. Ang babaw ng problema ko kung ikukumpara sa ibang tao, pero pakiramdam ko buhat-buhat ko na ang buong mundo. 

Bakit ko nga ba mahal si Russel? Hindi ko alam. Bakit ako nahulog sa taong alam kong kahit kailan ay hindi ako magagawang mahalin? Hindi ko alam. Ano ba kasing alam ko sa mundong 'to maliban sa mga galit ko sa Anderson? Wala. Wala ng iba pa.

Tumingala ako at tinignan si Russel kahit na nanlalabo ang mga mata ko. All this time, wala akong ibang ginawa kundi mamuhay dahil sa galit, pero si Russel ang nagturo sa'kin na mahalin ulit ang sarili. Wala siyang sinasabi sa'kin, pero pinaparamdam niya. Simula sa pagbibigay nya ng sandwich sa'kin sa umaga, sa pagtaas ng kilay niya sa'kin sa tuwing nagsusungit sa'kin. Sa pagtawa niya sa mga bagay na kinakainisan ko. 

Tama.. minahal ko siya dahil nakita ko kung gaano niya kamahal ang kaibigan ko. Hindi ko alam na mula pala doon.. palihim kong hinihiling na sana ako si Lianne

-


Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

8.1K 473 53
Kurt Alonzo, a boy who sees life in a different perspective. Wherein he thinks he can easily control life as he wants. With his wit and intelligence...
2.2K 55 10
"Hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon mahalin din ng taong minahal nila. Kaya kahit ibato mo pa sa akin ang cabinet sa tabi mo, isama mo pa ang work...
697K 22.4K 49
Even the scariest girl in the world has her own love story.
7.8K 391 108
In a world where you could be different, there's a poem. Make it your greatest Masterpiece. Highest ranking 2020 #1 in Poetries 2020 #1 in Masterpi...