If I Can: Hide This Feeling (...

By Levelion

739K 14.2K 1.8K

Emilia Azalea Elizconde born in an almost perfect life. Lumaki siya sa isang marangyang buhay. Everybody love... More

If I Can: Hide This Feeling (Book 1 of If I Can Trilogy)
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
**WAKAS**
If I Can: Hold On (Book 2)

Kabanata 5

13.8K 314 53
By Levelion

Kabanata 5
Who is she?

----------

Papalabas palang ng gate si kuya at ang mga pinsan ko, narinig ko naman ang pagtunog ng cellphone ko.

Nagmamadali kong tinignan sa screen ang tumatawag. I thought it was Forseti, but I felt a little dissapointed ng pangalan ni Lav ang makita ko sa screen ng phone ko.

"Yes, Ms. Lavender Elizconde. What can I do for you?"

"Mall tayo, nakakaboring dito sa bahay eh."

Tama. Nakakaboring nga sa bahay, wala si mommy, wala si daddy at ngayon wala narin si kuya. Si Eira at ang mga katulong lang ang kasama ko dito.

"Sunduin niyo 'ko dito, tapos sama natin si Eira."

"Okay. We'll be there in twenty minutes. Ciao!"

Tinext ko si Cheska kung sasama ba siya sa amin pero ang sabi niya ay may ginagawa raw siya. I also texted Forseti kasi gusto ko siyang makasama pero may project daw siyang gagawin ngayon.

May project pala sila pero ang mga pinsan ko at si Jethro, nakuha pang maglaro ng basketball. Akala ko ba priority nila ang pag-aaral? Buti pa ang Forseti ko, napakasipag.

Thirty minutes na ng dumating dito sa bahay si Lav, Prima at Ern.

"Sorry natagalan ng kaunti, ang tagal kasi maligo nitong si Ern, daig pa babae. Dumating kami ni Prima sa kanila, one hour na yata siyang naliligo." Paliwanag ni Lav.

"Grabe ka! Half hour palang yon." Protesta naman agad ni Ern.

"Whatever, tara na nga!" Pang-aaya naman ni Prima na nauna ng lumabas ng gate kasama si Eira.

"Yaya Belinda, pasarado po ng gate." Pasigaw ko namang utos sa isa sa tatlong katulong namin dito sa bahay.

Pagdating namin sa mall ay agad kaming pumasok sa kung saan-saang boutique.

Ilang blouse na ang nabibili ko sa akin at kay Eira ng mahagip ng paningin ko si Forseti na nakatayo sa isang tabi sa harap ng isang shoe shop at busy siya sa pagpindot ng kanyang cellphone.

What is he doing here? Akala ko ba may project siyang gagawin?

"Uy! Si For yon diba? For!" pagtawag ni Ern.

Nag-angat ng tingin si Forseti at inilibot niya yon sa kanyang paligid hanggang sa tumapat ang paningin niya sa amin.

Palapit na kami sa kanya habang siya naman ay tila napako sa kinatatayuan niya, hindi kumukurap ang mga mata habang nakatingin sa amin, nanlalaki pa nga ang mga yon at tila naubusan din siya ng dugo dahil mukha siyang namumutla, nakikita ko pa nga ang sunud-sunod niyang paglunok.

Bakit ganyan ang reaction niya? Daig pa niya ang nakakita ng multo.

"Forseti, akala ko ba may gagawin kang project?"

"Ha? Oo. Gagawa palang ako ng project, hinihintay ko pa yung ka-partner ko. Ka-tetext nga lang sa'kin at sabi niya na ako nalang daw ang bumili ng materials." Ngumiti siya sa akin, pero sa haba na ng pinagsamahan namin, alam ko ang natural sa hindi.

"Hindi naman siguro babae ang kapartner mo, huh?" Tanong ko sa kanya habang nakahalukipkip at taas ang isang kilay ko sa kanya.

Ngumiti siya at hinapit ako sa baywang. "Don't worry, lalaki yon." Malambing niyang sabi.

"Good."

"Hoy kayo! Tigil-tigilan niyo ang paglalandian dito, pwede? Eww...public place." pananaway sa amin ni Prima na tinawanan lang naman namin ni Forseti.

"Bitter mo te, alam mo yon? Gusto mo hanapan kita blind date?" Sabi naman ni Ern kay Prima.

"Shut up, Ernesto! Tara na may bibilhin pa'ko."

Nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni Ern at pati butas ng ilong niya, dahil sa pagbanggit ni Prima sa pangalan niya. "What did you say?" Tanong pa niya.

"Wala akong panahong makipagtalo sayo ngayon, Ern." Sabay irap ni Prima.

"Umandar na naman ang pagiging shopaholic ni Prima." Nakangising sabi ni Lav.

"Let's go, Eira." Hinawakan ni Prima ang kamay ng bunso kong kapatid at nauna na silang maglakad sa amin. Magkasundong-magkasundo talaga silang dalawa.

"Go ahead, buy those materials you needed for your project." Sabi ko naman kay Forseti.

Tumango naman siya. "Kita nalang tayo, you know where it is." Nakangiti niyang sabi, hinalikan niya pa ang kamay ko bago kami naghiwalay.

Malayo-layo na ang mga pinsan ko kaya patakbo ko silang hinabol.

"Hindi niyo ba napansin yung reaction ni Forseti kanina nung nakita niya tayo? Para bang kagagawa palang niya ng kasalanan." ani Lav habang nagtitingin-tingin kami ng dress.

"Ikaw talaga, Lav. Hindi ba pwedeng nagulat lang siya dahil nakakita siya ng mga demigod na tulad natin?" Hirit ni Ern.

Actually nagtaka rin ako sa reaction ni Forseti kanina, pero wala lang naman siguro yon.

"Pwede ba, Ern. Anong natin? Kami lang. Hindi ka kasama."

Ngumuso si Ern. "I hate you, Lavender!"

"I hate you too, Ernesto."

"Isa pa, Lav. Isa pa. Sinasabi ko sayo, pepektusan kita sa fallopian tube mo."

Nagtawanan lang kami ni Lav sa sinabi ni Ern. Mukha talaga siyang galit, pero hindi halata kasi with humor yung lumalabas sa bibig niya.

"Ano ba! Mahiya nga kayo, dito pa kayo nag e-eskandalo. Pero tama yung sinabi ni Lav, ibang-iba yung reaction ni Forseti kanina. Diba ang sabi niya sayo, EA. Kaya hindi siya sumama sa'tin dahil may gagawin siyang project?"

Tumango ako kay Prima.

"Eh, kung sa mall din pala ang punta niya at bibili palang siya ng materials, pwede naman na sinabi niyang magkita nalang tayo rito kasi pwede siyang sumabay nalang sa'tin, pero bakit sinabi niya lang na gagawa siya ng project? Diba parang lumalabas na...ayaw ka niyang makasama 'cause probably, may kasama siyang iba."

"That's what I'm thinking. Magaling Prima." Pumalakpak pa si Lav.

May point nga ang mga pinsan ko, 'tsaka dati rati naman hindi ako tinatanggihan ni Forseti kapag inaya ko siya sa mall ay sumasama talaga siya at sinasabay niya yung bibilhin niya.

Forseti? Are you hiding something? Nagugulo tuloy ang isip ko ngayon.

"You guys are so cynical! Akala ko ba boto tayong mga girls kay Forseti, para kay EA? Eh, bakit parang against narin kayo sa kanya?"

"Hindi naman sa against kami sa kanya Ern. Sinasabi lang namin kung ano yung napansin namin at kung ano yung nag pop up sa isip namin. We have no intention para sirain ang relationship ni EA at Forseti, we're still a shipper, okay?" Paliwanag ni Lav.

Tinapik naman ni Prima ang balikat ko. "Wag mo nalang isipin yung mga sinabi namin, cous. Baka na misinterpret lang din namin." aniya.

Tumango ako sa kanya, pero hindi na talaga nawala sa isip ko ang paghihinala kay Forseti, hanggang sa magkita kami ulit sa isang restaurant na madalas naming puntahan.

Tahimik lang akong kumakain habang panay ang daldal ni Ern, kausap niya si Forseti at minsan naman ay sumisingit si Lav at Prima sa usapan. Si Eira ay tahimik lang din na kumakain.

"Why you so quiet?" Tanong ni Forseti sa'kin ng mapansin niyang hindi ako nakikisali sa kwentuhan nila.

"Wala, para kasing sumama yung pakiramdam ko." Pagsisinungaling ko sa kanya.

Sa ilang taon na magkarelasyon kami ni Forseti. Ito ang unang beses na naapektuhan ako masyado sa paghihinala ko. Ewan ko ba, pero mas lumakas kasi yung kutob ko nung narinig ko yung side ng mga pinsan ko.

Napaghinalaan ko noon si Forseti na may iba siyang babae, nung papalapit yung eighteenth birthday ko. Hindi siya nag-rereply agad sa mga messages ko, hindi tumatawag at iniwasan niya ako ng isang araw, yun pala may surprise siya sa'kin.

Ngayon, wala naman akong nararamdamang surpresang gagawin niya, tapos na ang birthday niya, birthday ko, anniversary namin, valentines at malapit na ang bakasyon. There's no special occassion that will happen, kaya itong paghihinalang nararamdaman ko. Unti-unting lumalaki.

Si Forseti ang naghatid sa amin ni Eira sa bahay. Alas singko na yata kami nakauwi.

"Take a rest." aniya, naguguluhan ako. Nakikita ko naman sa mukha niya na nag-aalala siya sa'kin, pero hindi mawala-wala ang paghihinala ko sa kanya.

Tumango ako sa kanya, hinalikan naman niya ang noo ko bago ako lumabas ng kotse niya.

Pagpasok namin sa bahay ay bumungad sa akin ang ingay ng mga pinsan ko na naglalaro ng xbox kasama si kuya Luke.

Si Timothy at Easton ang may hawak ng controller ngayon, pasalit-salit ko pa silang naririnig na nagmumura, nakita ko naman si kuya Luke na tinapik yung dalawa sa balikat at sinaway na wag magmura dahil kasama namin si Eira.

Tuwang-tuwa ang iba ko pang pinsan na nanonood kay Timothy at Easton. Sa lapag nakaupo yung dalawa at naka indian sit, habang ang iba ay nakaupo sa couch.

Halatang mga basa sila ng pawis, basa ang gilid ng kanilang mga buhok at ang ilan pa sa kanila ay nakahubad ng jersey shirt. Tulad ni Jethro at Tommy.

"Saan kayo galing?" Tanong ni kuya Luke.

"Shopping. I have new dress kuya." sagot ni Eira.

Napangiwi ang mukha ni kuya. "Dress na naman."

"That's a girls thing." Nakangiting sabi ni Westly na katabi ni kuya.

"Eira, akyat na sa taas. Bakit hindi mo isukat ulit yang mga pinamili natin."

Tumango at ngumiti siya sa akin at saka nagmamadaling umakyat.

"Careful." sabi ko pa sa kanya.

Habang dala ko ang mga paper bag laman ang mga pinamili ko, naglakad ako papunta sa kitchen, ng bigla ay marinig ko ang pangalan ko na tinawag ni kuya Luke.

Sa halip na lingunin ko siya ay nagdire-diretso lang ako sa paglalakad na tila ba hindi ko siya narinig.

Pagdating ko sa kitchen ay inilapag ko sa kitchen counter ang mga dala kong paper bag. Tinanggal ko ang pagkakapusod ng buhok ko kaya nalugay ang kulot kong buhok. Naupo ako sa isa sa mga kitchen stools at naisubsob ang ulo ko sa counter top, muli akong nag-angat ng ulo, itinukod ko ang siko ko at hinilamos ang mga kamay ko sa mukha ko.

Why am I so affected on Forseti's reaction? Bakit masyado kong pinaghihinalaan yon?

"Holy sh*t!"

Napalingon ako bigla at tinignan ko ng masama ang dumating na si Jethro.

Nginitian naman niya ako. "Ikaw lang pala yan, EA. Akala ko multo." Nakahawak pa siya sa dibdib niya na akala mo nagulat talaga, pero ang totoo ay nang-aasar lang yan.

He's not wearing his jersey shirt at kitang-kita ko na naman ang sulat alien na tattoo sa rib cage niya. Until now, hindi ko parin malaman kung anong klaseng tattoo ba 'yon, ayoko namang itanong sa kanya dahil baka gatungan na naman niya ng pang-aasar.

Feel at home talaga siya dito sa bahay at kasalukuyan niyang pinakikialaman ang laman ng double door fridge namin.

Tahimik ko lang siyang pinanonood habang nakatalikod siya. He has a mascular and wide back. Siguro kung ibang babae ang nakakakita sa kanya ngayon, baka nahimatay na'yon.

A lot of girls in our campus, wants to see Jethro Elizconde without his shirt. That's a dream come true for them.

Kinukuha na ni Jethro ngayon yung chocolate syrup at mayonnaise, pati lettuce. Binuksan niya yung cabinet sa itaas ng sink at kumuha siya ng potato chips, tapos yung bread sa ibabaw ng kitchen table kinuha niya rin at kumuha pa siya ng plato, inilagay niyang lahat dito sa counter top, sa mismong tapat ko.

Napakunot ang noo ko ng humarap siya sa akin. Bakit ba kailangang nakahubad pa kasi siya?

Napapabuntung hininga ako sa tuwing gagalaw siya. Hindi lang kasi ang paglalagay niya ng mayonnaise ang napapansin ko, kung di ang mga muscles sa tyan niyang mas nade-define sa bawat galaw niya.

"What are you doing?" Tanong ko ng binubduran niya ng dinurog niyang potato chips ang tinapay na pinalamanan niya. Napangiwi pa nga ako sa ginawa niya.

"Isn't obvious? I'm making sandwich, do you want?"

"Eww. No way. I'm full."

Nakita kong umangat ang gilid ng labi niya.

"Busog ka naman pala, pero bakit ganyan ang itsura mo? Para kang gutom?"

Nangalumbaba ako. "As if I care." Madiin kong sabi, ginaya ko lang yung supladong linya niya kanina.

"Hulaan ko nalang kung bakit ganyan ka. Uhm...Is that a boyfriend problem?"

Napataas na naman ang kilay ko sa kanya habang siya ay nakakalokong nakangisi sa akin.

"What do you know about it?"

"Oh! So I'm right?" Tuwang-tuwa pa siya. "Okay, let me guess it why." He bend his right arms padikit sa kanyang dibdib at itinukod niya yung kaliwa niyang siko roon 'tsaka hinaplos-haplos niya ng kanyang thumb at pointed finger sa kanyang baba. Tumataas pa ang kilay niya habang kunwaring nag-iisip. "Siguro...nahuli mong nambababae no?"

"Hindi!" Pasigaw kong sagot sa kanya. Napatayo pa ako sa kinauupuan ko.

Hindi pa. Bakit ang galing niyang manghula?

Tumawa naman siya. "Relax. I'm just guessing, so kung hindi siya nambababae. Mind to share the problem then?"

"At bakit ko naman sasabihin sayo?"

"Maybe... I can help you."

Tinawanan ko siya. "Ikaw? Tutulungan ako? Kalokohan. You never help me with my boyfriend, because I know how much you hate him. Bakit ba kasi galit na galit ka kay Forseti? Bakit ba hindi niyo siya matanggap para sa'kin?"

Sumeryoso ang mukha niya. "Because you doesn't deserve someone like him."

"Bakit nga? Ginawa naman lahat ni Forseti para pakisamahan kayo ng maayos, huh? Pero anong ginagawa niyo? Lagi niyo siyang tinataboy, binabalewala."

"Kapag sinabi ko ba sayo ang dahilan maniniwala ka?"

"Anong dahilan? Dahil babaero siya at sasaktan niya lang ako? Oh come on, anong klaseng dahilan yan?... five years ng kami at ni minsan, hindi pa 'ko niloko ni Forseti so stop judging him! Oo babaero siya noon, noong hindi pa kami. Ang tagal na nun. Hindi ba pwedeng magbago ang isang tao?" Itinirik ko ang mga mata ko at tumawa. "Hindi mo nga pala alam, kasi hanggang ngayon wala ka paring pinagbago. Puro ka kalokohan, puro ka pasikat, puro pambababae ang inaatupag mo. Sa totoo lang, ikaw nga yung babaero eh." Namaywang ako at tinaasan siya ng kilay. "Kung sa bagay, sabi nga nila. Galit ang magnanakaw sa kapwa niya magnanakaw."

Nakita kong naningkit ang mga mata ni Jethro at nag-igting ang kanyang mga panga.

"Oo, siguro nga puro ako kalokohon kasi yun lang yung alam kong dahilan para mapansin ako ng taong gusto ko. Pasikat?" Umiling-iling siya. "Kung pasikat ako, bakit hanggang ngayon hindi ko parin makuha yung paghanga ng taong yon?" Kinagat niya ang ibaba niyang labi at napatingala siya at saka siya muling tumingin sa akin at pinakatitigan ako ng seryoso. "And for your information, Emilia Azalea. I may have many girls in my life, but she's the only girl in my heart."

Pagkatapos sabihin ni Jethro yon ay galit siyang umalis ng kusina. Naiwan naman ako dito na walang imik.

Who is she? Who's that girl he's talking about?

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

50.5K 2.2K 32
Aisleen has lived her life to the fullest. She has always been the life of the party until an accident turns her supposed bright life dark. Strugglin...
6.5K 377 33
Misfits Series #3: Your Eyes Tell (Published under Grenierielly Publishing) Living with misery and indifference, Keres had a difficulty in blending i...
346K 23.5K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
2.3K 61 5
Chasing Series #4 Estrella Mailein Diaz is a boyish girl because, since they separated her second boyfriend? she has never had a boyfriend but, she...