DRC 2: Aven Grajeda (Destiny'...

By greciareine

22.7K 254 54

I learned how to love a man who can't love me back. Aven Grajeda was an epitome of a good son, the reason why... More

CHAPTER ONE
CHAPTER THREE
ANNOUNCEMENT!!!

CHAPTER TWO

3.1K 35 0
By greciareine


CHAPTER TWO

DISMAYADONG napatingin si Skyler sa silid na inihanda para sa kanya. She imagined that her room was somehow the same in Chicago, luxurious and comfortable. Pero bakit kabaliktaran yata ng imahinasyon ang nakikita niya?

"Sigurado po ba kayo na ito ang magiging kuwarto ko? I think this is a big mistake!" Hindi makapaniwalang bulalas ng dalaga. "Wala na bang ibang kuwarto?"

Bakit nga naman hindi siya madidismaya, una sa lahat ay walang aircon ang silid. Pangalawa, walang kama! Did they really expect her to sleep in that wooden bed? Siguradong mananakit ang likod niya! Magsusumbong siya sa daddy niya na hindi maganda ang trato sa kanya ng mga tao dito sa Pilipinas. Pero paano niya gagawin iyon? Galit na galit din ito sa kanya.

"Wala na. Kung ayaw mong matulog dito puwede ka naman maghanap ng hotel kung talagang hindi ka komportable." Narinig niyang sabi ng adelantadong lalaki. Prente itong nakatayo at nakasandal sa hamba ng pinto. Napasin niyang malinis na ang suot nito bagama't isang simpleng jersey shorts at plain white shirt lang iyon.

"I'll definitely do that." Taas noong anas niya. Subalit bigla siyang natigilan. Hindi kaila sa kanya na baka pinutol na ng daddy niya ang lahat ng access niya sa pera nito. Kaunti lang ang dala niyang cash on hand dahil biglaan ang pag-uwi niya rito.

"Go ahead, maghanap ka na ng hotel habang maaga pa. Gusto mo ng magpahinga 'di ba?" anang lalaki na halata namang inaasar siya.

Napaangat ang isa niyang kilay, "Hindi ko alam kung ano ang ganap mo sa bahay na ito. But I'll make sure that when daddy knows about this, you're gonna regret how you treated me."

Lalong lumawak ang ngiti sa mukha ng lalaki, "Talaga? Sobrang natakot naman ako sa sinabi mo." anito na puno ng sarkasmo.

"You better be! Sisiguruhin kong pupulutin ka sa kangkungan. Bakit nga ba walang aircon sa kuwarto ko? And the bed, gosh. Do you think I can sleep in this place?" ani Skyler na sinabayan ng pagbuga ng hangin at pag-ikot ng mata.

"Kung ako sa'yo hindi na ako mag-iinarte dahil wala ka namang pagpipilian. Walang aircon sa kuwarto mo dahil hindi naman mainit dito at saka may electric fan naman. At kung nagrereklamo ka na ganyan ang higaan mo, eh di huwag kang matulog!" napapailing na wika ni Aven sabay alis. Lalong nangalaiti sa inis ang dalaga. Sumosobra na talaga ang lalaking iyon!

"Maiwan na kita dito, tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka." Sabi ng nananahimik na si Manang Yolly.

"Ano ba ang ganap ng lalaking iyon dito sa bahay, Manang? Katiwala lang naman siya dito 'di ba?" she clenched her fists.

"Gaya ng naunang sinabi ko, pagpasensyahan mo na lang. Sige na, magpahinga ka na..."

Tingin pa lang niya sa kuwarto ay talagang hindi siya makakapagpahinga. Mabilis niyang inayos ang dalawang maleta at dinala iyon sa labas. Sa hotel siya tutuloy! Siguradong hindi naman siya matitiis ng kanyang ama kapag nalaman nitong nahihirapan siya. Baka nga pabalikin siya nito kaagad sa Chicago kapag nakarating sa kaalaman nito ang kalagayan niya dito sa Pilipinas.

"At saan ka naman pupunta?" prenteng tanong ni Aven. Nakaupo ito sa couch at abalang nagbabasa ng isang dirt bike magazine.

"I'll stay at the hotel. I can't stay here, ihatid mo ako. Inuutusan kita!" maawtoridad na saad ni Skyler. Poise na poise pa siya habang dala ang kanyang mga maleta.

Saglit siyang tinapunan ng tingin ni Aven. Nagkibit ito ng mga balikat at inilapag sa mesa ang binabasa, "Sige, walang problema." Tumayo ito at lumabas na. Tiningnan niya ito ng masama kung may alam lang siya sa witchcraft baka binigyan na niya ito ng pinakamalupit na spell habang nakatalikod ito. Hindi man lang ito nag-abalang tulungan siya sa mga gamit na dala.

"W-wait... where is the car?" naguguluhang tanong ng dalaga. Napansin kasi niyang naglalakad sila patungo sa main gate samantalang may dalawang sasakyang nakaparada sa garahe.

"Hindi ako marunong mag-drive, maghintay tayo ng tricycle." Supladong saad ni Aven. Napanganga si Skyler. Hindi pa niya naranasan sumakay sa tricycle! Alam ba ng lalaking ito na isang convertible na BMW ang dina-drive niya sa Chicago tapos ngayon ay pasasakayin siya sa tricycle?

"What?! Are you crazy? No way! We'll ride a cab." Namumulang wika ni Skyler. Dahil sa labis na pagkaasar hindi niya nakita ang patagong ngiting gumuhit sa labi ni Aven.

"Tricycle lang ang dumadaan dito madam. Kung gusto mo gamitin natin 'yung dirt bike ko kaya lang ikaw paano mo dadalhin ang mga gamit mo?" kunwaring nag-aalala ito bagama't halata namang nang-iinis lang. Lalong umusok ang ilong ni Skyler sa galit.

"Fine! We'll ride a tricycle pero kapag bumaliktad tayo at namatay ako kasalanan mo. Isusumbong talaga kita sa daddy ko!" nagtangis ang mga bagang ng dalaga. Tatawagan agad niya ang ama oras ng makarating siya sa hotel.

Ilang sandali silang naghintay bago may dumaang tricycle. Nag-aatubiling sumakay si Skyler dahil ang dalawang maletang dala niya halos okupado na ang loob niyon.

"Where will I sit?" problemadong wika ng dalaga.

"Pagkasyahin mo ang sarili mo sa loob," ani Aven na sumakay sa likuran ng driver.

"B-but how?" reklamo pa ni Skyler.

"Sa likod na lang po ma'am ilagay ang isang maleta," suhestiyon ng driver.

Hindi na siya nagreklamo dahil gusto na niyang makarating ng hotel. Masyado na siyang kunsumido sa lalaking kasama.

Habang nasa biyahe ay hindi niya maiwasan ang ilang ulit na mapatili dahil pakiramdam niya ay tataob ang tricycle na sinasakyan.

"Oh my God! Oh my!" halos nakapikit na ang dalaga at mahigpit ang magkakahawak nito sa tagiliran ng kinauupuan nito.

"Tumigil ka nga! Ang ingay mo nakakahiya ka." Aven gave her a warning look. Nakangiti lang ang driver na parang aliw na aliw pa sa nangyayari.

Nakarating sila sa isang hotel malapit sa Immaculate Concepcion Cathedral. Ilang metro lang ang layo nito sa dagat. Hindi pinansin ni Skyler si Aven dahil dali-dali siyang bumaba dala ang gamit. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob ng hotel.

NAPABUGA ng hangin si Aven. Ilang oras pa lang niyang nakakasama si Skyler pero parang sagad na ang pasensya niya. Sa totoo lang nakakatuwa itong tingnan dahil abot hanggang langit yata ang kaartehan nito pero hindi niya makuhang mainis. Sadya nga talagang malawak ang kanyang pag-unawa at pag-intindi. Marahil ay sa seminaryo niya natutunan ang mga katangiang iyon. Pero kahit pa sabihin na isa siyang seminarista, tao pa rin siya at hindi siya perpekto. Lihim na lang siyang humihingi ng tawad dahil hindi naman kaila sa kanya na medyo hindi maganda ang pakikitungo niya kay Skyler. Gusto lang niya itong disiplinahin. Kung luluwagan niya ang pakikitungo rito ay baka lalong lumaki ang ulo nito. Kailangang matutunan ng dalaga kung paano rumespeto at kung paano makisama ng maayos sa mga taong nakapaligid rito. Minsan iniisip niya kung anong klaseng pagpapalaki ang ginawa dito ng ama nito dahil hindi ito nadisiplina ng maayos.

Sinundan niya ito sa hotel at kinausap niya ang receptionist. Matapos ay nagdesisyon siyang bumalik sa bahay at naabutan niya ang nag-aalalang si Manang Yolly na naghihintay sa kanya sa terrace.

"Nasaan na si Skyler?" salubong nito.

"Hayaan na natin siya tutal naman matanda na 'yon. She can handle herself. You see how brat Skyler is. Kung hindi siya nadisiplina ng maayos ng daddy niya, then I'll do it myself." Napailing si Aven. Alam niyang hindi magiging madali ang gagawin niya. May ilang mabuting kaugalian din siyang isasakripisyo para sa ikakabuti ni Skyler. Gaya ng kailangan niya itong sungitan at supladuhan para ipakita rito na hindi lahat ng tao ay kaya nitong paikutin. Kailangan niya itong istriktuhan dahil masyadong matigas ang ulo nito.

"Pero baka mapano ang batang 'yon, wala pa namang alam iyon dito sa Palawan."

"I don't think so, masyadong mataas ang tingin niya sa sarili. I assure you, she'll be back here anytime soon. Trust me," ngumiti ang binata at nagtuloy-tuloy na sa loob ng malaking bahay. Hindi na niya itinuloy ang planong paglilibot sa buong rancho gamit ang kanyang dirt bike. Para kasing biglang naubos ang lakas niya sa katigasan ng ulo ni Skyler.

Agad niyang tinwagan ang ama para sabihin rito na nakarating na si Skyler. Minsan na niyang iminungkahi rito kung bakit hindi na lang sa mga kamag-anak nito sa Pilipinas ito hayaang tumira. Kaya lang nabanggit ng daddy niya na ayaw ng kanyang Tito Fred na ipagkatiwala si Skyler sa mga ito. Gusto tuloy niyang maghimutok dahil may pakiramdam siyang hindi niya magagawa ng maayos ang trabaho niya rito sa Palawan hanggang naririto si Skyler. Ang masaklap pa ay baka ito pa ang makasira sa regency niya dahil imbes na makapag-isip siya ng maayos ay aatupagin pa niya ang pag-aalaga sa maarteng babaeng iyon.

"For sure mauunawaan mo naman kung bakit nagkakaganoon ang batang 'yon. I know that you're going to take good care of Skyler..." ito ang sinabi ng kanyang ama nang magreklamo siya. Naidalangin na lang niya na sana hindi si Skyler ang susubok sa haba ng kanyang pasensya.

NAKARAMDAM ng kaginhawahan si Skyler nang ilatag niya ang pagod na katawan sa malambot na higaan. Ayaw na muna niyang isipin ang mga problema. Sinubukan niyang tawagan ang daddy niya gamit ang telepono pero bigo siyang makausap ito. Tumawag din siya sa opisina pero walang daw ang daddy niya. Hindi naman kaila sa kanya na ayaw lang talaga siyang kausapin ng ama. Hindi na bale dahil nakakatiyak naman siya na sa mga susunod na araw siguradong ito ang tatawag sa kanya dahil hindi naman siya nito matitiis. Pero paano kung hindi siya nito kausapin? Kulang ang perang dala niya at ngayong narito siya sa isang mamahaling hotel ay baka maubusan na siya ng pambayad sa mga susunod na araw.

Naligo siya at nag-ayos ng sarili. Nagulat na lang siya nang halughugin ang kanyang mga gamit na laman ng dalawang maleta. Lahat ng naroon ay mga damit na pinaglumaan na niya!

"Oh no! Where are my signature clothes?" tarantang wika ng dalaga. Nanghihinang naupo siya sa kama. Ang daddy niya nga pala ang nag-ayos ng mga gamit na dadalhin niya kaya malamang sinadya nitong huwag ilagay ang napakaraming branded na damit na hindi niya pa nagagamit. Lalo lang siyang nakaramdam ng tampo sa ama. Bakit ba kailangan nitong gawin iyon sa kanya?

Gusto niyang maiyak sa sama ng loob. Pinili na lang niyang lumabas sa terrace ng kanyang silid at tiningnan ang nagkikislapang ilaw na nagmumula sa malaking barko na nasa dagat. It was the ship guarding the West Philippine Sea kasama ang ilang maliliit na bangka. Nararamdaman niya ang pagtama ng malamig na hangin sa kanyang balat. Hindi niya lubos maisip na biglang magbabago ang takbo ng buhay niya. Totoong wala siyang kinalaman sa nasabing iskandalo pero sigurado naman siyang walang maniniwala sa kanya. Kilala siya sa Chicago bilang isa sa mga kabataang walang magawa sa buhay kundi gastahin ang kayamanan ng magulang. She was just twenty-four but when she looked back, wala siyang maisip na makabuluhang bagay na ginawa. Halos lahat ng bagay ay puwede niyang paglaruan kahit pa damdamin ng ibang tao. Katulad na lang ang marami niyang manliligaw kapag ayaw na niya ay madali niyang iniiwan. Sabi nga ng mga kaibigan niya ay para lang daw siyang nagpapalit ng sapatos kung magpalit ng boyfriend.

Mariin siyang napailing. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip niya. Marahil ay kailangan lang talaga niya ng pahinga. Muli siyang bumalik sa loob ng silid at sinubukang makatulog ng maayos.

NAGMADALI si Aven na puntahan ang magiging opisina niya sa Palawan. Naroon ito sa siyudad ng Puerto Princesa malapit sa isang malaking mall. Nadatnan niyang naghihintay ang kanyang Assistant na si Bob. Isa itong Structural Engineer at ang siyang in-charge sa ilang mga projects na gagawin nila.

"Nandito na pala kayo, Sir Aven." Nakangiting salubong sa kanya ng lalaki. Halos magkasing-edad lang sila. Nagkamay silang dalawa.

"I think I can't supervise all our projects here. Medyo kasi may kailangan akong asikasuhin, ikaw na muna ang bahala Bob pati ang mga staff mo. I'll try to visit from time to time," naupo siya sa swivel chair at nagbuntong hininga. Minsan ay naiinis siya dahil kailangan pa niyang palihim na pumunta sa hotel na tinutuluyan ni Skyler upang magtanong sa receptionist kung maayos lang ba ang lagay nito.

"No problem, sir. I'll update you about the status of our projects." wika ni Bob na puno ng assurance.

"Thank you, mabuti na lang nandito ka. Baka bumisita din si daddy dito kapag fifty percent na siguro ang accomplishments."

"Walang problema. Maayos naman ang pagpapatakbo ng daddy mo sa mga projects natin. Sabihin mo lang kung may problema, and by the way welcome to Palawan." Muling ngumiti si Bob at tumango lang siya.

Sinimulan niyang tingnan ang ilang accomplishment reports on-going constructions. Wala naman siyang nakikitang problema. Siguro sa mga susunod na araw ay susubukan niya magkaroon ng site inspection para makita niya ng personal ang actual phase ng construction.

Matapos niyang tingnan ang mga papel ay parang hindi siya mapakali nang maisip si Skyler. Totoong nag-aalala naman siya sa kaligtasan nito dahil hindi kaila sa kanya na may ugali itong pabigla-bigla. Natitiyak din niyang ang tipo nito ang walang alam sa buhay kundi magsaya lang. Kaninang dumaan siya sa hotel na tinutuluyan nito ay nalaman niya sa receptionist na nitong nakaraang dalawang araw ay hindi naman daw lumalabas ng silid ang dalaga kaso nga lang nagdesisyon itong kumuha ng isang tour package dahil mukhang may plano itong maglibot sa buong Palawan. Mabuti na lang at kilala niya ang receptionist sa nasabing hotel na iyon kaya hindi siya nahihirapang makakuha ng impormasyon tungkol sa dalaga.

Ang lakas ng loob ng babaeng iyon. Napailing na lang si Aven. Kung sakaling matuloy ang sinasabing tour nito ay siguradong maabala siya. Tiyak na pasusundan na naman ito sa kanya ng ama dahil kung anong masamang mangyari sa dalaga ay sila ang sisisihin. Hindi talaga siya makapaniwala na nagmumukha siyang stalker ng babaeng iyon. Kahit naman anong reklamo ang gawin niya sa ama ay hindi rin naman niya makuhang tumanggi.

Minsan talaga mahirap kapag sobrang bait. Inayos na lang niya ang pagkakasalansan ng mga papel. Dadaanan niya si Skyler sa hotel at papauwiin niya ito sa rancho. Mas mabuti ng naroon ito para panatag siya. Nagbibiro lang naman talaga siya nang sabihin niyang sa hotel na ito matulog dahil sigurado naman siya na hindi nito iyon gagawin dahil limitado na lang ang perang dala nito. Kaya nagulat na lang siya nang bigla itong magdesisyon na sa hotel na lang tumuloy dahil hindi raw nito kayang manatili sa rancho. Gusto tuloy niyang pagsisihan ang ginawang kapilyuhan. Nais niya lang naman na matuto si Skyler sa buhay kaya naisip niyang disiplinahin ito ng maayos.

PARANG may mga pakpak ang paa ni Skyler habang naglalakad patungo sa isang ATM machine na nasa ground floor ng hotel. Hawak niya ang isang leaflet na naglalaman ng tour package na plano niyang kunin. Lilibangin niya ang sarili dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakakausap ang daddy niya. Siguro naman ay nilagyan na nito ng pera ang account niya para siguruhing mabubuhay siya ng maayos dito sa Pilipinas kahit galit ito sa kanya.

Kinakabahan siya pero kailangan niyang subukan dahil ubos na halos ang pera niya. Biglang nanghina ang tuhod niya nang iluwa iyon ng machine at sinabing insufficient balance daw. Muli niyang sinubukan dahil baka may problema lang ang machine pero ganoon pa rin. Ibig sabihin tinotoo ng daddy niya ang banta na puputulin nito ang lahat ng access niya sa pera nito.

Nanghihinang bumalik siya sa sariling silid. Gusto niyang umiyak dahil naninikip ang dibdib niya. Paano siya nagagawang tiisin ng daddy niya? Talaga bang wala na itong pakialam sa kanya? Ganoon na ba talaga siya kasama sa paningin nito kaya gusto nitong mahirapan siya?

Ilang ulit siyang kumurap para kumbinsihin ang sariling nananaginip lamang siya. Napahilamos siya sa sariling mukha. Ano na ngayon ang gagawin niya? Paano siya kakain sa mga susunod na araw?

Oh Lord, I want to wake up now. This is a nightmare! Inilinga niya ang paningin sa bintana kung saan tanaw niya ang malawak na dagat. Kailangan niyang makagawa ng paraan para mapatunayan sa daddy niya na kaya niyang tumayo sa sariling mga paa. Na kaya rin niyang mabuhay na hindi umaasa sa pera nito. Kaya lang paano? Halos wala na nga siyang pera.

Bigla niyang naisip ang mukha ng adelantadong si Aven. Tama, siguradong makakahingi siya ng tulong sa kung sino man ang may-ari ng rancho. Hindi ba doon siya ipinatapon ng ama? Tiyak na nakakausap ng daddy niya kung sino man ang taong iyon. Kailangan niyang makabalik sa rancho. Titiisin na lang niya ang ugali ang walang kuwentang Aven na iyon. Ipapakita niya rito na dapat siya nitong igalang dahil bisita siya sa bahay.

Dali-dali niyang inayos ang mga gamit. Lalabas na siya ng hotel dahil tutal naman ay wala na siyang ipambabayad sa mga susunod na araw. Mabuti na lang at may natira pa siyang kaunting pera pamasahe pabalik sa rancho. Naaawa siya sa sarili pero ayaw niyang isipin iyon dahil baka panghinaan lang siya ng loob.

I'll take a cab. Siya din naman ang natigilan dahil baka hindi na magkasya ang perang dala niya. Isa pa halos wala naman siyang taxi na nakikita. Madalas ay tricycle ang dumadaan sa gawi niya. Iniisip pa lang niyang sasakay ulit siya sa maliit at delikadong sasakyan na iyon ay parang malalagutan na siya ng hininga. Tandang-tanda pa rin kasi niya ang pakiramdam habang nakasakay ng tricycle. Pero wala naman siyang pagpipilian kung gusto na niyang makabalik agad ng rancho. Halos tanghaling tapat na kaya maalinsangan ang paligid.

You can do it Skyler, just think it's a part of your adventure. Huminga siya ng malalim at pikit matang pumara ng isang tricycle. Mabait naman ang driver at inalalayan siya sa mga gamit na dala.

"Saan po tayo ma'am?" magalang na tanong ng driver.

"Wait, it's a ranch. I forgot the exact place but it's just here in Puerto Princesa. Sa tingin ko alam ko naman ang direksyon, ituturo ko na lang." Kung bakit naman kasi na-misplace niya ang card kung saan nakalagay ang address ng rancho.

"Pasensya na ma'am pero ano po ba ang palatandaan?" Napakamot sa ulo ang driver.

"Rancho nga 'di ba? At may malaking ancestral house!" naiiritang wika ni Skyler. Parang biglang nagliwanag naman ang mukha ng driver.

"Ahh, sa rancho ng mga Grajeda. Alam ko na po 'yon ma'am," pinaandar ng driver ang makina.

Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kanyang maleta at nakapikit siya habang nasa biyahe. Pinigil niyang huwag mapatili kaya nakagat niya ang pang-ibabang labi. Anong buhay ba itong kinasadlakan niya ngayon dahil ni sa hinuha ay hindi niya naisip na mangyayari ito sa kanya. Sana lang ay hindi tumaob ang tricycle na sinasakyan niya.

Continue Reading

You'll Also Like

346M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
9.5M 287K 37
OLD SUMMER TRILOGY #1 Estella and Yori have always been rivals ever since high school because of debate competitions. They would always switch places...
78.3K 1.2K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
671K 24K 34
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...