Dispareo (PUBLISHED UNDER PSI...

By Serialsleeper

9.3M 392K 274K

"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa... More

Prologue
I : The Missing Ones
II: What's going on?
III : The biggest skunk
IV: Left Behind
V: Remnants
VI : No way out
VII: Three Days Ago
VIII: Dead Ringer
IX: Beneath the seams
X: Lucid
XI: A promise to keep
XII: Camouflage
XIII: What we had
XIV: What destroyed her
XV: The Last Supper
XVI: Home Invasion
XVII: To love and protect
XVIII: Dazed and Torn
XIX: Whatever happens, whatever it takes
XX: The worst kind of skunks
XXI: Nothing but a broken heart
XXII: Promises we can't and can keep
XXIII: Amelia
XXIV: Hitting all the birds with a deadly stone of revenge
XXV: Sacrificial Lamb
XXVI: Make a wish
XVII: For the greater good
XVIII: 778
Epilogue
Note
DISPAREO 2 : Prologue
I : Aftermath
II : Weakling
III : Paranoia
IV : Stakeout
V : Something's wrong
VI : Consumed
VIII : Dead Girl Walking
IX : Discrepancy
X : Cielo's Labyrinth
XI : If I were you, I'd run like hell
XII : Someone to fear
XIII : Unlawful
XIV: Yet another bloodshed
XV : Waldo
XVI : Houston, we have a problem
XVII : Not so lucky
XVIII : Hell and help
XIX : Believe me, he's evil
XX : Dazed and torn
XXI : Upper hand
XXII : Protagonist Problems
XXIII : Speechless
XXIV : To love and protect
XXV : Villainous
XXVI : Fear came true
XXVII : The Plot Twist
XXVIII : 778
Epilogue
Note
DISPAREO 3 : Prologue
I : No place for 778
II : In memories of her
III : Rise of the body snatchers
IV : The death of another
V : Pay Attention
VI : Snooze
VII : Never thought i'd ever
VIII : For the greater good
IX : A promise to keep
X : The things we do
XI : Prove me
XII : The thing about protection
XIII : Transparent and Apparent
XIV : In for a surprise
XV : The Return
XVI : The Closure
XVII : Here comes Dondy
XVIII : 778
EPILOGUE (Part 1 of 2)
EPILOGUE (PART 2 OF 2)
Commentary
Special Announcement:
Dispareo Trilogy

VII : What's real and what's not

92.2K 3.8K 1.8K
By Serialsleeper


CHAPTER VII:

What's real and what's not

THIRD PERSON'S POV



"Ito na ang huling kahon mula sa dating hospital room ni Cielo." Sabi ni Axel at agad na inilapag sa mesa ang kahong puno ng mga kagamitan.


"Paano kung hindi natin mahanap?" Hindi mapigilan ni Raze na mangamba habang nakatitig sa whiteboard na tadtad ng mga impormasyon patungkol kay Cielo at sa kanyang pamilya.


"Hindi pwede." Giit ni Axel at isa-isang inilabas mula sa kahon ang kung ano-anong sketchpad, CD at babasahin. Pinagmasdan niya ang isa sa mga CD at binasa ang pamagat na nakasulat rito; Day 267 interview


Agad na kinuha ni Axel ang laptop na nasa sofa at kapwa nila pinanood ni Raze ang laman ng CD.


"Anong pangalan mo hija?" Tanong ng doktor na nasa likod ng camera.


"Hindi ko na alam." Walang emosyong sambit ng dalagang si Cielo habang nakatingin sa kawalan at nakatagilid ang ulo. Dahil sa straitjacket na suot ay wala itong magawa kundi yakapin na lamang ang sarili.


"Bakit naman?" Tanong pa ng doktor.


"Kasi sabi niya ako daw si Amelia." Mahinang sambit ni Cielo kasabay ng pagtulo ng luha niya.


"Sino namang nagsabi sayo niyan?" Tanong ng doktor na animo'y ineengganyo ang kanyang pasyente na magpatuloy sa pagk-kuwento.


Matagal bago sumagot ang tila ba takot na takot na si Cielo. Paulit-ulit niyang nilibot ang tingin sa apat na sulok ng silid na nababalot ng kulay puti.


"L-lalo siyang lumalapit kapag binabanggit." Nauutal at pumipiyok pang sambit ni Cielo habang pilit na idinidilat ang kanyang mga mata.


"Hija, walang ibang makakalapit sa'yo dito." Kalmadong giit ng doktor dahilan para agad umiling-iling ang dalaga.


"Hindi!" Biglang napasigaw si Cielo habang panay parin ang pag-iling at pagnginig, "T-totoo siya! Totoo siya at kukunin niya ako! Nakatadhana akong makipagpalit sa kanya! Nakatadhana akong tumira sa lungga niya! Ako ang magiging daan para makaalis siya!" Pagwawala ni Cielo. Sa labis nitong pagwawala ay agad na nagsilapitan sa kanya ang mga nurse at kinailangan siyang turukan ng mga pampakalma.


Kapwa labis na nanlumo sina Axel at Raze sa napanood. Oo nga't madami-dami na silang napapanood na mga ganitong klase ng video magmula nang sinimulan nila ang paghahanap pero hindi parin nila mapigilang makaramdam ng awa para sa dalagang mahalaga sa kanila.


"Ganito nalang lagi ang mga interview sa kanya..." Iritadong sambit ni Raze.


"May mahahanap rin tayo." Giit ni Axel at pinalitan ang CD na pinapanood.


"Wala ka na ba talagang ibang naalala sa nakaraan niyo?" Muling pagtatanong ng balisang si Raze kaya napabuntong-hininga na lamang si Axel at napahawak sa kanyang batok.


"Kaluluwa ni Cielo kapalit ng isang hiling, 'yon ang unang sinabi sa akin ni Primo. Nasa sinapupunan pa lang raw si Cielo nang makipagkasundo si Primo sa isang demonyo. Sa pagpayag ni Cielo sa magiging kapalit ng hiling, tuluyang makakawala si Astaroth sa kanyang lungga at magkakaroon ng kakayahang pumasok sa isang katawan ng tao—Ako. Sa kagustuhan ni Primo, ako ang dapat na magiging sisidlan ni Astaroth pero hindi 'yon nangyari dahil bigla kaming dinukot at pinatay. Nang dahil sa ginawa ni Harper, naisakatuparan ang hindi dapat. Nagawa ni Cielo na humiling kaya tuluyang nakapasok si Astaroth kay Wacky. Matagal ko ng nakikita si Astaroth sa panaginip ko, nakikipagkaibigan siya sa akin. Gusto niyang mahanap ko si Cielo noon dahil akala niya ako parin ang inihandang sisidlan ni Primo para sa pagkakatawang tao niya pero biglang naging sina Wacky at Pip—Sa huli, nakita ko ang nangyari sa katedral, si Wacky ang pinili ni Astaroth. Hanggang doon lang ang nalalaman ko." Paliwanag pa ni Axel.


Sa isang iglap ay bigla na lamang tumunog ang cellphone ni Raze kaya naman umakyat muna siya mula sa basement upang sagutin ang tawag. Samantala, naiwan si Axel na patuloy na nanonood ng iba pang mga interview sa pag-asang makakahanap siya ng iba pang mga mahalagang impormasyon.


Ipinaandar ni Axel ang pinakahuling CD sa kahon. Kuha ito ilang taon matapos ang nakaraang CD na pinanood.


"3 years and 8 days."Mahinang sambit ni Axel bago ito pinanood.


"Anong pangalan mo hija?" Gaya ng lahat ng mga interview, ito ulit ang naging tanong ng doktor.


"You ask me that every single day you redundant idiot." Mahinang sambit ng walang emosyong si Cielo habang inilalagay ang asul na scarf sa kanyang leeg. Di gaya noon ay higit nang maayos ang hitsura ni Cielo, maayos na ang buhok at postura nito samantalang wala na itong suot na straitjacket.


"Have you prayed?" Tanong pa ng doktor pero tiningnan lamang siya ni Cielo.


"Cold and beautiful, just like Snow." Natatawang sambit ng doktor na nasa likod ng kamera.


"You're only complimenting me kasi madi-discharge na ako." Nakabusangot na sambit ni Cielo.


"Teka, ayaw mo bang ma-discharge dito?" Tanong ng doktor na halos naging kaibigan nadin ni Cielo sa tagal ng pamamalagi niya rito.


"I hate my Dad at wala narin naman akong mababalikan sa Drayton. I have nothing left and I'd rather stay here with some crazy people. You know, birds of the same feather shit. Also, crazy people are surprisingly entertaining." Muli, walang emosyong sambit ni Cielo. Makaraan ang ilang sandali ay hindi na si Cielo ang napapanood sa video kundi ang kanya nang doktor na nagbibigay ng pribadong komento patungkol sa dalaga.


"Patient #50932, Cielo Adelaide Snow was a very troubled young girl who suffered with hallucinations and delusions after witnessing the homicide of her own family three years ago. For 200 days, she was unable to talk and only drew vivid manifestations of her own troubled state of mind. When she was finally able to speak as her throat had already healed, all she ever talked about was Astaroth who she claimed to be a demon coming after her. With this, Astaroth and her other horrifying account of visions are delusions manifested from her own traumatizing experience. Upon her 500th day onwards, we began introducing her mediums for Catharsis and exposed her to pristine areas. In a few months she was finally able to sketch again but this time of nature and pristine areas. Her delusions slowly subsided until she buried it back to her subconscious. Her catharsis consisted of sketching and reading a comic book of her own choice. At this day, after successful medications and therapy for three years, I deduce Patient #50932, Cielo Adelaide Snow, worthy of discharge in the condition that she continues years of medication and monthly therapy." Paliwanag ng doktor na nasa video habang binabasa ang kanyang analisasyon.


Sa isang iglap ay bigla na lamang nanlaki ang mga mata ni Axel at inulit ang isang parte ng video na animo'y nagbigay sa kanya ng isang mahalagang impormasyon. Biglang nataranta si Axel at agad na ibinaling ang atensyon sa kahon ngunit dahil sa ginawa ay bigla niyang natabig ang basong nasa tabi dahilan para agad itong malaglag.


"Shit." Mahina niyang sambit at agad itong pinulot ngunit dahil sa ginawa ay agad siyang nasugatan sa kamay gawa ng matalim na bubog.


*****

"Anong nangyari kay Dana?!" Bulalas ng gulat na si Raze.


"I don't know exactly, I just got a text from Mira whose Sister works here and she told me that Dana was rushed to the emergency room. I'm here at the hospital now, I'll just keep you posted." Giit ng binatang si Churchill habang nakatayo sa labas ng pribadong silid ni Dana. Mula sa salamin ng pinto ay nakita niyang walang malay itong nakaratay sa kama habang may benda sa kanyang ulo at kaliwang kamay.


Napaupo na lamang si Churchill sa isang tabi. Hindi niya maiwasang maalala ang kakatwang kinilos ni Wacky—Ang salitang binilugan nito at ang pahina sa yearbook na tungkol kay Dana.


Kinuha na lamang ni Churchill ang kanyang cellphone at nagsimulang gumawa ng mensahe.


"Sinugod si Dana sa ospital—"


Natigil si Church sa pagpopormula ng mensahe. Tila ba nagisip-isip siya hanggang sa tuluyan niyang kinansela ang mensaheng ipapasa sana kay Wacky.


Sa isang iglap ay bigla na lamang bumukas ang pinto kaya naman agad na napatayo si Churchill at binati ang mga magulang ni Dana na hindi narin estranghero para sa kanya dahil sa tagal nilang magkakilala.


"Hijo, salamat sa pagdalaw." Sambit ng ina nito na namumugto ang mga mata.


Kamusta na po si Dana?" Tanong pa ni Churchill.


"Nagkamalay na siya pero hindi namin siya makausap ng maayos. Gusto niyang mapag-isa." Nanlulumong sambit ng kanyang ama.


"Pwede ko po ba siyang kausapin? Susubukan ko lang po." Giit ni Church kaya naman saglit na nagkatinginan ang mga magulang ni Dana na walang magawa kundi payagan na lamang ito.


****


Dahil hindi sumasagot, pumasok na lamang si Churchill sa silid matapos kumatok. Agad niyang nakita si Dana na nakaupo lamang sa kama at nakatitig sa kawalan, bakas ang matinding panghihina nito at labis na tamlay.


"Oh shit, mas nagmukha ka nang adik kesa sakin." Mahinang sambit ni Churchill pero sa kabila nito ay nanatiling nakatitig si Dana sa kawalan at animo'y hindi narinig ang sinabi nito.


"Umalis saglit ang mga magulang mo, bibilhan daw tayo ng Chinese food. Hay, buti naman at may mabuti akong mapapala sa pagpunta ko dito ng madaling araw." Biro pa ni Churchill at agad na tinabihan si Dana pero muli, hindi siya nito pinansin.


Napabuntong-hininga na lamang si Church at napakamot sa kanyang ulo dahil sa dismaya na dulot ng hindi pagpansin sa kanya ni Dana.



"Churchill..." Mahina at walang emosyong sambit ni Dana na animo'y lutang at kapos ng lakas.


"ay pogi." Pagbibiro ni Churchill pero blanko parin ang naging reaksyon ni Dana dahilan para agad siyang mapangiwi.


"Churchill, please get me some salt, natatakot ako sa kaya niyang gawin." Unti-unting napalingon si Dana kay Churchill. Kasabay ng matamlay nitong pagsasalita ang muling pagtulo ng luha mula sa mga mata niya.


"Ha? Huy 'wag kang umiyak! Anong ibig mong sabihin? Anong salt? Call sign ba yan sa drugs?" Agad na bulalas ng naguguluhang si Churchill.


"Mom got rid of the salt that's why she got in... Churchill I need salt." Umiiyak na pakiusap ni Dana kaya nalilito man, agad na nilabas ni Churchill ang kanyang cellphone at iniabot ito kay Dana.


"Hindi ako magaling sa motivational speaking kaya tawagan mo nalang si Mira. Bibili na ako ng asin, tahan na." Sabi pa ni Churchill, naguguluhan man, dali-dali siyang lumabas ng silid upang maghanap ng asin.


Umiiyak na napatitig si Dana sa cellphone ni Churchill. Dahil litong-lito at desperado na, gamit ang nangangatog na mga daliri ay hinanap niya ang numero ni Raze at ito agad ang tinawagan.


"Churchill kamusta si Dana?" Agad na bulalas ni Raze matapos mag-ring ang cellphone ng dalawang beses.


Napaiyak lalo si Dana at napahikbi, "Raze..."


"Dana? Dana kamusta ka na? Dana anong nangyari?" Bakas ang labis na pag-aalala sa boses ni Raze.


"Raze... Raze the symbol with a flame figure and R38 written inside... I saw it." Sambit pa ni Dana sa pagitan ng bawat paghikbi, "I remember it now, it means help... Cielo is asking for help, for my help."


"Dana imposible yang sinasabi mo." Bakas ang panlulumo sa boses ni Raze. Dahil sa sinabi ng binata ay agad na nasapo ni Dana ang kanyang noo at pilit na pinigilan ang sariling maiyak upang makapagpatuloy sa pagsasalita.


"Raze nagpapakita siya sa akin... She's been haunting me these past few days... I can't sleep... I keep hearing her whisper on my ears... Galit na galit siya sa akin." Sambit ni Dana sa pagitan ng kanyang paghikbi.


"Dana hindi mo naiintindihan!" Muling giit ni Raze na hindi na napigilan pang mapagtaasan ng boses ang kaibigan.


"Ikaw ang hindi makaintindi! You didn't see how mad she was! She threw me around the room like a piece of trash! Natatakot ako sa mga kaya niyang gawin, Raze kayang-kaya niya akong patayin kung gugustuhin niya!" Muling giit ng humahagulgol na si Dana na hindi parin tanggap ang mga nangyari.


"Dana imposible yang sinasabi mo dahil nasa impyerno si Cielo!"


Tila ba huminto ang mundo ni Dana dahil sa isiniwalat ni Raze. Nanlaki ang mga mata ni Dana at lalo pang bumuhos ang luha mula sa mga mata niya. Sa isang iglap ay tila ba napagtagpi-tagpi niya ang dahilan kung bakit nagtatanong si Raze kung anong meron sa impyerno at naghahanap ng paraan para maibalik si Cielo.


Napabuntong-hininga si Raze na animo'y nagsisisi sa ibinulalas, "Dana makinig ka, sinakripisyo ni Cielo ang sarili niya para mailigtas tayo kaya imposibleng gagawa siya ng kahit na anong makakasakit satin lalo na sayo! Dana alam nating lahat kung gaano ka ka—"


"C-cielo's in hell?" Nangangatog ang labi at panay ang pagbuhos ng luha, tila ba nadurog ang puso ni Dana dahil sa narinig.


"Dana, hindi lahat ng nakikita mo ay totoo! Maging matatag ka, 'wag kang magtitiwala sa kahit na sino lalo na sa nakikita mo. Hinding-hindi ka sasaktan ni Cielo at 'wag kang magpapalinlang—" Sa isang iglap ay bigla na lamang natigil si Raze sa pagsasalita nang bigla na lamang umalingawngaw ang napakalakas na ingay na animo'y dumadagundong ang lupa at kalangitan.


"Axel!" Rinig na rinig ni Dana ang naging sigaw ni Raze at maging ang pagkalaglag ng cellphone.


"Raze?! Raze anong nangyayari diyan?! Raze?!" Labis na nataranta ang luhaang si Dana. Hirap mang kumilos, pinilit niya ang sariling tumayo ngunit dahil sa ginawa ay natumba siya sa sahig at nabitawan ang cellphone ni Church.


Tinangka ni Dana na hanapin at pulutin ang cellphone na nalaglag ngunit bago pa man niya ito nagawa ay muli niyang narinig ang isang pamilyar na boses.


"Kinalimutan mo na ba talaga ako?" Muli, narinig ni Dana ang boses ni Cielo na umiiyak. Nag-angat siya ng tingin at nakita ang duguang kaibigan na nakatayo sa tapat ng pinto. Tila ba nagmamakaawa si Cielo bagay na lubos nagbigay ng sakit sa damdamin ni Dana.


Umiling-iling si Dana. Lumuluha man, unti-unting kumurba ang ngisi sa mukha niya, "My Cielo has an annoying hero complex. That bitch is a martyr and she would even insist that I'd forget about her. You're just a stupid trashy carbon copy and I'm stupid for believing you were once real!" Sigaw ni Dana.


"You're not real." Napapikit si Dana ng may ngisi sa kanyang labi. Paulit-ulit niya itong sinambit habang paulit-ulit ring naririnig ang bawat bulong ng galit na galit na si Cielo sa kanya.


"Dahil sayo nandito ako sa impyerno! Ikaw ang may kasalanan nito!" Rinig na rinig man ni Dana ang bawat sigaw ni Cielo, pilit niya itong nilulunod sa mga masasayang alaala kasama si Cielo.


Naramdaman ni Dana ang isang malamig na kamay na pumulupot sa kanyang leeg. Unti-unti siyang nasakal pero sa kabila nito ay nanatili siyang nakapikit habang may ngiti sa kanyang labi.


"Not today bitch. You're not real." Muli, paulit-ulit na sambit ni Dana.


Makaraan ang ilang sandali ay biglang natahimik ang buong paligid. Inilibot niya ang paningin at muli, natagpuan niya ang sariling nag-iisa sa silid. Labis paring nanlalamig si Dana kaya naman kinuha niya ang kumot at binalot ito sa sarili niya.


"Raze?" Sambit ni Dana nang muling pinulot ang cellphone ngunit wala na siyang narinig pa mula sa kabilang linya.


END OF CHAPTER 7!

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3


Continue Reading

You'll Also Like

KAHIMANAWARI By talesofdemi

Mystery / Thriller

1.7M 67.5K 44
When Saru finds out about her twin sister's mysterious suicide, she assumes her sister's identity to uncover the truth. ***** Saru Sumiyaya...
2.4M 88K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016
Pagsamo By Señorita M

Historical Fiction

73.2K 523 4
In the Filipino town of Santa Crusiana, a young man named Leonor marries a woman whose head has been torn off from an old photo. Within the Seguismun...
21.6M 751K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...