Dispareo (PUBLISHED UNDER PSI...

Por Serialsleeper

9.3M 392K 274K

"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa... Más

Prologue
I : The Missing Ones
II: What's going on?
III : The biggest skunk
IV: Left Behind
V: Remnants
VI : No way out
VII: Three Days Ago
VIII: Dead Ringer
IX: Beneath the seams
X: Lucid
XI: A promise to keep
XII: Camouflage
XIII: What we had
XIV: What destroyed her
XV: The Last Supper
XVI: Home Invasion
XVII: To love and protect
XVIII: Dazed and Torn
XIX: Whatever happens, whatever it takes
XX: The worst kind of skunks
XXI: Nothing but a broken heart
XXII: Promises we can't and can keep
XXIII: Amelia
XXIV: Hitting all the birds with a deadly stone of revenge
XXV: Sacrificial Lamb
XXVI: Make a wish
XVII: For the greater good
XVIII: 778
Epilogue
Note
DISPAREO 2 : Prologue
I : Aftermath
II : Weakling
III : Paranoia
IV : Stakeout
V : Something's wrong
VII : What's real and what's not
VIII : Dead Girl Walking
IX : Discrepancy
X : Cielo's Labyrinth
XI : If I were you, I'd run like hell
XII : Someone to fear
XIII : Unlawful
XIV: Yet another bloodshed
XV : Waldo
XVI : Houston, we have a problem
XVII : Not so lucky
XVIII : Hell and help
XIX : Believe me, he's evil
XX : Dazed and torn
XXI : Upper hand
XXII : Protagonist Problems
XXIII : Speechless
XXIV : To love and protect
XXV : Villainous
XXVI : Fear came true
XXVII : The Plot Twist
XXVIII : 778
Epilogue
Note
DISPAREO 3 : Prologue
I : No place for 778
II : In memories of her
III : Rise of the body snatchers
IV : The death of another
V : Pay Attention
VI : Snooze
VII : Never thought i'd ever
VIII : For the greater good
IX : A promise to keep
X : The things we do
XI : Prove me
XII : The thing about protection
XIII : Transparent and Apparent
XIV : In for a surprise
XV : The Return
XVI : The Closure
XVII : Here comes Dondy
XVIII : 778
EPILOGUE (Part 1 of 2)
EPILOGUE (PART 2 OF 2)
Commentary
Special Announcement:
Dispareo Trilogy

VI : Consumed

95.3K 3.9K 2.9K
Por Serialsleeper



CHAPTER VI: 

CONSUMED

DANA'S POV


Matapos inumin ang dalawang piraso ng gamot ay agad kong pinagmasdan ang sarili kong repleksyon sa salamin. Totoo nga ang sinabi nila Mommy, nangangayayat na nga ako pero hindi ko ito maramdaman dahil sa sobrang bigat ng kalooban ko.


Lumabas ako ng banyo at nahiga ulit sa kama pero laking gulat ko nang bigla na lamang pumasok si Mommy na para bang galit.


"What?" Tanong ko na lamang sabay tanggal ng earphones ko.


"Kanina pa kita tinatawag! Hindi ba't sinabi ko na sayo na isang tenga lang dapat kapag nakikinig ka ng music?!" Aniya kaya para matapos na ay humingi na lamang ako ng tawad at muling nahiga sa kama ko.


"Dana ang gulo na ng kwarto mo! Ilang araw kang laging nagkukulong dito pero ni hindi mo man lang naisipang mag-linis! Lagi kang walang ganang kumain! Anak ano ba talagang nangyayari sa'yo?" Tanong ni Mommy habang isa-isang pinupulot ang tray na iniiiwan niya sa kwarto ko. Ayokong makipagtalo sa kanya kaya hinayaan ko na lamang siyang maglabas ng sama ng loob.


"Tumawag sa akin ang sekretarya ng mayor, darating daw siya after two hours kaya Dana naman, pakiusap mag-ayos ka at kumain man lang." Pakiusap niya at ibinigay sa akin ang isang panibagong tray na may lamang pagkain at paborito kong smoothie.


"Ang mayor? Ano namang kailangan niya sakin?" Tanong ko na lamang.


"Gusto raw mamasyal ng anak niya sa park, hindi niya masamahan dahil busy pero sabi ng bata, gusto niya ikaw nalang daw ang kasama. Nga pala, paano kayo nagkakilala ng anak ng mayor? Batang-bata pa 'yon, diba ayaw mo sa mga bata?" Dahil sa sinabi ni Mama ay agad na bumaha ang lahat ng alaala sa isipan ko nang gabing nahanap namin si Pip at ang papa niyang nag-aagaw buhay.


"F-facebook." Sabi ko na lamang sabay ngiti, "But can I not go? I'd rather stay here in my room all day." Giit ko.


"You need the fresh air. Ba't ba ayaw mong umalis ng bahay? May kinakatakutan ka ba?" Sabi ni Mommy kaya umiling na lamang ako. Akala ko'y lalabas na siya ng kuwarto pero bigla niyang napansin ang maraming asin na inilagay at ipinalibot ko sa bawat sulok ng kwarto ko.


"Ano yang nasa—"


"Decoration. Aesthetic ideas from tumblr. You can't relate and appreciate so don't ask. Love you Mom." Sabi ko na lamang at agad na binuksan ang pinto ng kwarto ko.


****


"Ate Dana!" Agad akong sinalubong ni Pip ng yakap sa paglabas ko pa lamang ng bahay, "Ate Dana, you remember me diba—"


"Shhhh..." Dali-dali akong lumuhod sa harapan niya upang maging magka-lebel kami, "Pip, secret lang natin ang mga nangyari ha?" Sabi ko sa kanya dahilan para maguluhan siya.


"But why?" Puno ng panghihinayang niyang sambit, "Daddy thinks I'm lying."


"Because remembering it is painful and scary. You don't want your family to get scared at hurt right?" Pangungumbinsi ko dahilan para tumango-tango siya. I zipped my lips as a sign of our secrecy and he zipped his lips too, agreeing with me.


"Your date is so cute! Bagay na bagay ang suot niyo!" Narinig kong panunukso ni Mama at as usual, kinunan niya kami ni Pip ng litrato. She even forced me to wear this black dress, buti nalang at pinayagan niya akong magsuot ng sneakers at jacket. These days, lagi akong nilalamig kaya hindi ako pwedeng hindi magsuot ng jacket. Hindi ko maintindihan, kahit minsan tirik na tirik ang araw, labis parin akong nilalamig.


Gaya ng plano, nagpunta kami ni Pip sa park. Mabuti nalang at wala siyang bodyguard na kasama at hindi rin kami sinusundan ng personal driver at nanny ni Pip. Grabe 'tong si Pip, kulang nalang butler.


Mom said I should enjoy this day and have fun with this kid but I just can't lalo pa't natatakot akong sa isang iglap ay magpakita na naman si Cielo. I thought I was just hallucinating but what happened in the speech laboratory? It was a haunting. I keep convincing myself that it's Cielo, that she's not going to hurt me and that I shouldn't be afraid but something feels wrong...


"Ate I'm thirsty." Giit ni Pip matapos kaming maglibot-libot sa bagong tayong mini nature park.


"I think may water ako dito." Agad kong binuksan ang shoulder bag ko ngunit napangiwi na lamag ako nang mapagtanto kong kinuha ko nga pala ang water bottle ko upang may espasyo akong mapaglalagyan ng boteng may lamang asin. This is the internet's fault, it gave me the idea that salt repels haunting spirits. It's Cielo, I know I shouldn't do this but something in me tells me that this is what I should do. I miss her so bad but I just can't handle her hauntings anymore. I want her back, alive.


"Dana? Pip?"


Narinig ko ang isang pamilyar na boses kaya naman agad kaming napalingon ni Pip sa likuran namin. Si Wacky pala, nakasuot siya ng itim na polo at itim na t-shirt panloob. Gaya ng dati, kinikilabutan parin ako sa kakaiba niyang ngisi. Kapansin-pansing lalong paglalim at pangingitim ng gilid ng mga mata niya. Hindi na siya nangangayayat pero may kakaiba na talaga sa hitsura niya at sa paraan ng bawat pagkurba ng labi niya.


Bigla kong napansin ang paghigpit ng hawak ni Pip sa kamay ko at nagulat ako nang mapansing bigla siyang nagtago sa likuran ko.


"Pip, that's kuya Wacky. Remember him?" Tanong ko pero laking gulat ko nang napahawak si Pip ng mahigpit sa likuran ng jacket ko. He was tugging it habang umiiling-iling. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya kaya naman hinawakan ko nalang pabalik ang kamay niya at nginitian si Wacky.


"Sige, mauna na kami." Paalam ko pero bigla na lamang humarang sa amin si Wacky.


"Teka! Sali ako sa date niyo!" Sabi niya habang ngumunguso pa. Pansin kong hindi komportable si Pip kaya pasimple akong umiling para 'wag rin namang mapahiya si Wacky.


"Nah, no room for third wheel wacky boy. See you at school." Biro ko na lamang sabay karga kay Pip patungo sa direksyong malayo kay Wacky.


Para akong nanghihina at hindi na ako makapaglakad pa kaya nang makaabot kami sa isang park bench ay agad kong pinaupo rito si Pip. Tagaktak na ang pawis ko at para na akong mahihimatay sa pagod at hingal pero sa kabila nito ay labis parin akong giniginaw.


"Gusto mo ng cotton candy?" Tanong ko kay Pip nang matanaw ko ang isang stall. Tumango-tango naman si Pip kaya matapos akong makapagpahinga ng ilang saglit ay iniwan ko muna siya sa upuan at nagtungo sa stall.


Nang masigurong hindi ako makikita ni Pip ay agad kong kinuha ang maliit na bote mula sa bag ko na naglalaman ng gamot. Agad akong uminom ng dalawang piraso ng gamot, ewan ko ba pero hindi ako kuntento kaya ginawa ko na lamang na tatlo.


"Miss!"


Narinig kong biglang may sumigaw at sa isang iglap ay naramdaman ko ang pagbagsak ko sa sahig at ang pagtilapon ng bag ko.


"What the fuck?!" Hindi ko mapigilang mapasigaw lalo pa't naramdaman kong sadya akong itinulak ng isa sa mga skateboarder na bumangga sa akin.


"S-sorry! Pasensya na!" Narinig kong sambit ng isa sa kanila habang pinupulot ang laman ng bag kong naglabasan matapos tumilapon.


"Shit!" Lalo pa akong napamura nang makita kong natapon ang kalahati ng mga gamot ko.


****


THIRD PERSON'S POV


Habang hinihintay na makabalik si Dana ay pinagmasdan na lamang ng batang si Pip ang bawat mukhang dumadaan sa kanyang harapan. Dahil sa bilin ni Dana ay hindi ito umaalis mula sa kinauupuan kahit pa gustong-gusto na nitong makipaglaro sa mga ibang mga batang nakikita.


"Bubwit, natatakot ka ba sakin? Lakas pala ng pandama mo, nakakabilib!"


Laking gulat ng bata nang pasimple siyang tinabihan ni Wacky sa kinauupuan. Nakatingin man ang binata sa kawalan, bakas parin ang malademonyong ngisi sa pagmumukha nito na animo'y puno ng pagmamalaki at paninindak.


Sa takot ng bata ay hindi ito nakapagsalita o nakagalaw. Nanatili itong nakatitig kay Wacky nang may labis na takot sa inosente nitong mga mata.


"Dapat ka lang matakot sakin kasi kayang-kaya kong pumasok sa kwarto mo. Magtatago ako sa ilalim ng kama mo. Maghihintay ako ng maghihintay hanggang sa makatulog ka. At oras na tulog na ang lahat sa bahay niyo, hihilahin kita patungo sa ilalim ng kama at pupunitin ko ang leeg mo gamit ang sarili kong mga ngipin. Bata ka pa at malambot pa ang balat mo kaya mabilis ko yung magagawa. Kapag naghihingalo ka na, ang mga kapatid mo naman ang isusunod ko at babalatan ko sila ng buhay sa mismong harapan mo. Sa mga magulang mo? Teka, ano bang magandang gawin sa mga magulang mo?" Natatawang sambit ni Wacky habang hinahaplos ang kanyang labing nakangisi. Napalingon si Wacky sa direksyon ni Pip at labis pa itong natawa nang makitang sa sobrang takot ay umiiyak na ito, nanginginig at tuluyan nang naihi sa kanyang salawal.


"Kahit kailan, inutil talaga sina Primo. Gusto pa nilang ikaw ang maging sisidlan ko, buti nalang at mas okay 'tong napili ko." Pagmamayabang ni Wacky sabay haplos ng baba niya at kindat sa mga babaeng dumadaan at napapatingin sa kanya.


"Sa tingin mo? Natutuwa kaya siya sa lungga ko?" Muling tanong ni Wacky sabay lingon sa direksyon ni Pip. Iyak parin ng iyak ang kawawang bata kaya lalo pang humagalpak si Wacky kakatawa.


"'Wag kang panira sa plano ha? Kailangan ko pang magpalakas at kumain eh." Sabi pa ni Wacky sabay gulo ng buhok ng batang walang muwang bago tuluyang umalis.


Habang nakasilid ang dalawang kamay sa bulsa, pasipol-sipol pa si Wacky habang naglalakad. Tumigil lamang siya nang mamataan ang tatlong kabataang tumatambay sa isang upuan habang dala ang kani-kanilang mga skateboard.


"Nagawa niyo ba?" Agad na tanong ng nakangising si Wacky.


"Nakuha namin pero hindi naman 'to crack eh! Asin 'to! Bwisit, ni hindi namin kinuha ang cellphone ng babae kasi sabi mo crack 'to!" Sabi ng isa sa mga lalakeng may hawak ng boteng nakabukas matapos itong tikman.


"Tapon niyo yan sa malayo! Paalam mga mortal!" Sabi nito sabay wagayway ng kanyang kamay.


"Eh hindi ka lang naman pala mukhang adik eh! Siraulo ka talagang gago ka! Ano ganun-ganun nalang yon?! Asan ang bayad namin?!" Paninindak ng mga ito sabay harang kay Wacky. Ibinabalandra pa ng isa kanila ang kanyang kanang kamay na may brass knuckles pero imbes na matinag ay lalo lamang natawa si Wacky.


"Anong nakakatawa?!" Lalapitan sana ng isa sa kanila si Wacky at kikwelyohan pero sa isang iglap ay biglang naging purong kulay itim ang dalawang mga mata nito. Tila ba nagbago ang sitwasyon, ang kaninang mga sigang kabataan ay agad na nagpulasan, takot na takot habang kumakaripas ng takbo kaya naiwan si Wacky sa kinatatayuan habang tawa ng tawa.


****


Dala ang cotton candy at iba pang pinamiling pagkain, agad na napawi ang mukha sa ngiti ni Dana nang makitang umiiyak at labis ang takot ng batang si Pip. Sinubukan niya itong aluin pero walang pagsidlan ang nararamdaman nitong takot, lalo pang nag-alala si Dana nang makitang naihi ang bata.


Dahil hindi na niya ito mapatahan, napagdesisyunan ni Dana na tawagan na lamang ang driver nito upang magpasundo.


"Ano bang nangyari sayo?" Mahinang sambit ni Dana habang pinagmamasdan ang natutulog na si Pip sa kanyang hita. Nag-aalala man, wala siyang magawa kundi bumaba ng sasakyan nang tuluyan silang makarating sa kanyang tahanan.


Papasok n asana si Dana sa gate nang kanilang bahay ngunit bigla niyang napansin si Wacky na nakatayo sa dulo ng kalsada kung saan nakasentro ang posteng nakasindi. Kumakaway ito sa kanya kaya napabuntong-hininga na lamang siya't nilapitan ito.


"Hey.." Naiilang na sambit ni Dana nang malapitan ito.


"Natatakot ka ba sakin?" Tanong ni Wacky pero sa pagkakataong ito'y wala na ang ngisi sa kanyang labi.


"Natatakot isn't the exact word but you somehow give me the creeps." Taas-noong pag-amin ni Dana.


"P-pasensya ka na kung ganoon." Mahinang sambit ni Wacky habang nakangiti sabay haplos sa batok niyang animo'y nahihiya, "Pagkatapos ng mga nangyari, hirap parin ako kaya idinadaan ko nalang sa pagngisi at pagpapaka-angas—"


"You don't have to explain. It took a toll on us all. We all have our own different coping mechanism." Sabi ni Dana at ngumiti na bilang paalam. Tumalikod si Dana at humakbang na palayo pero bigla niyang narinig si Wacky na nagsalita.


"Layuan mo siya."


Nanlaki ang mga mata ni Dana lalo pa't bakas ang matinding takot at pagkabalisa sa boses ni Wacky. Dali-dali siyang napalingon habang nakakunot ang noo, "Anong sabi mo Wacky?"


"Ha?" Pagmamaang-maangan ni Wacky at bigla na lamang natawa. Napansin naman agad ni Dana ang nakakuyom niyang mga kamao.


"Go home Wacky." Sabi na lamang ni Dana at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa bahay niya.


Napangisi si Wacky at umiling-iling. Nagsimula siyang maglakad sa ibang direksyon hanggang sa mapadaan siya sa isang lusak. Tumigil siya sa harapan nito't pinagmasdan ang kanyang malabong repleksyon sa tubig.


"Hindi ka pala kasing inutil ng inaakala ko mortal. Pasensya ka na, mas tuso ako." Mahinang sambit nito.


Unti-unting itinaas ni Wacky ang kanyang kamay at pinagmasdan ang kanyang palad. Napalingon siya sa direksyon ng silid ni Dana na animo'y may hinihintay.


****


Sa pagpasok pa lamang ni Dana sa loob ng kanilang gate ay agad nang naagaw ang kanyang pansin ng isang babaeng nakatayo sa kanilang hardin. May punit ang simpleng damit nito at duguan dahil sa dami ng sugat sa katawan. Si Cielo. Nakaharap ito sa kanya habang luhaan ang pagmumukha kaya naman agad siyang tinamaan at labis na kilabot.


Agad na kumaripas ng takbo si Dana papasok ng bahay at patungo sa kanyang silid. Sa sobrang takot ay agad siyang dumapa sa kanyang kama at nagtalukbong ng kumot.


Makaraan ang ilang sandali ay narinig niyang pumihit ang siradura ng pinto at unti-unti itong bumukas. Nakarinig siya ng mga yapak hanggang sa maramdaman niyang may naupo sa hulihang bahagi ng kama niya.


"Mom, I want to be alone." Sambit ni Dana sa pagitan ng kanyang bawat paghikbi.


Tinangka ni Dana na pigilan ang kanyang pag-iyak sa pamamagitan ng pagtakip ng kanyang bibig ngunit sadyang pinapangunahan siya ng kanyang emosyon at wala siyang ibang magawa kundi maiyak. Makaraan ang ilang sandali ay biglang may naulinigan si Dana.... Tila ba may naririnig siyang umiiyak... tila ba sumasabay ito sa kanya.


"Mom?" Sa sobrang kalituhan ay agad na napaupo si Dana sa kanyang kama at dali-daling tinanggal ang kumot sa kanyang mukha. Agad tumambad sa kanya ang kanyang lampshade kung saan nakadikit ang isang kulay dilaw na post-it note. Nakasulat dito ang isang mensahe:


"Emergency at the office.

Will be home by 10 with Dad.

Your dinner is on the fridge.

Cleaned out your room so keep it clean, love you.

-Mom."


Nanlaki ang mga mata ni Dana at lalo siyang tinamaan ng matinding takot sa napagtanto. Lalo pang lumakas ang iyak na kanyang naririnig kaya naman dahan-dahan niyang ibinaling ang kanyang paningin sa dulo ng kanyang kama.


"Cielo..." Napasinghap si Dana nang makita ang kaibigan. Duguan ito at tadtad ng malalim na sugat sa katawan. Napansin ni Dana ang mga bagay na tila ba nalalaglag mula sa sugat ni Cielo at nang mapatingin siya sa parte ng kamang kinauupuan nito, lalo pa siyang natakot nang makita ang mga ahas at bahid ng dugong humahalo na sa kanyang kulay puting bed sheet.


"Ba't mo ako kinalimutan Dana?" Umiiyak na sambit ni Cielo habang nakatingin sa kawalan at kasabay nito ang muling paglabas ng mga uod at ahas mula sa kanyang mga sugat.


Sa sobrang takot ni Dana ay dali-dali siyang napatalukbong ng kumot at pumikit ng mariin habang pilit na ibinabaon ang mukha sa kanyang unan. Umiiyak man, pilit niyang kinukumbinsi ang kanyang sarili na hindi totoo ang kanyang nakikita.


"Bakit mo ako kinalimutan?!" Umalingawngaw ang napakalakas na sigaw ni Cielo ngunit ngayo'y punong-puno na ito ng galit.


Sa isang iglap ay naramdaman ni Dana ang isang napakalamig na kamay na humawak sa kanyang paa. Bigla siya nitong hinila ng buong lakas dahilan para makaladkad siya paalis ng kanyang kama at mababat sa dingding. Tumama siya sa isang picture frame at kasabay niyang nalaglag ang mga bubog at piraso nito.


Sa lakas ng pagbagsak si Dana sa sahig ay agad siyang nahilo at hindi na nakakilos pa. Napatingin siya sa dulo ng kanyang silid at napagtanto niyang wala na ang mga asin na inilagay niya rito matapos itong linisin ng kanyang ina.


"Cielo..." Umiiyak na sambit ni Dana kasabay ng pag-agos ng dugo mula sa likod ng ulo at likod na may bubog pa.


"Kasalanan mo to..." Umiiyak namang tugon ni Cielo, "Kasalanan mo 'to!" Sa isang iglap ay bigla itong sumigaw, muli punong-puno ng galit at paulit-ulit.


"Cielo... Cielo ako 'to..." Humahagulgol na sambit ni Dana na tila ba nagmamakaawang bumalik sa dati ang samahan nilang magkaibigan. Hindi nagtagal ay muling nakarinig si Dana ng mga bulong sa mismong tapat ng tenga niya. Paulit-ulit ito at papalakas ng papalakas, boses ito ni Cielo, punong-puno ng galit habang sinisisi niya sa lahat ng mga nangyari.


Kasabay ng lalong paglakas ng mga boses na naririnig ni Dana ay ang pag-agos ng dugo pababa ng mga tenga at ilong niya. Palakas ng palakas ang kanyang mga naririnig hanggang sa unti-unting nanlabo ang kanyang paningin. Pabigat ng pabigat ang nararamdaman niya hanggang sa tuluyan siyang nawalan ng malay.


****


Hindi mapawi ang ngisi sa mukha ni Wacky habang pinapakinggan ang nangyayaring kaguluhan sa silid ni Dana. Malayo man siya sa tahanan ng dalaga ay nadarama niya ang bawat paghihirap nito. Tuwang-tuwa siya habang naririnig ang palahaw ng dalaga at napapakagat pa siya sa labi niya.


Muling ibinaling ni Wacky ang pansin sa kanyang palad na nakataas parin. Makaraan ang ilang sandali ay bigla na lamang lumabas ang apoy mula sa kanyang kamay, naglalagablab na animo'y sumisimbolo sa kanyang pinanggalingan.


"Salamat ulit Dana." Hindi mapigilan ni Wacky na mapahalakhak dahil sa labis na tuwa, "Bukas na naman ha?" Dagdag pa nito.


END OF CHAPTER 6.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3


Seguir leyendo

También te gustarán

21.6M 751K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...
Pagsamo Por Señorita M

Ficción histórica

73.2K 523 4
In the Filipino town of Santa Crusiana, a young man named Leonor marries a woman whose head has been torn off from an old photo. Within the Seguismun...
KAHIMANAWARI Por talesofdemi

Misterio / Suspenso

1.7M 67.5K 44
When Saru finds out about her twin sister's mysterious suicide, she assumes her sister's identity to uncover the truth. ***** Saru Sumiyaya...
6.1M 204K 110
AlphaBakaTa Trilogy [Book2]: The Return of ABaKaDa (Reviving the Dead) Sulitin ang mga oras na nalalabi sa 'yo. Malay mo, ngayon na pala ang oras mo...