Crush Kita Konti Lang

By asherinakenza

2.6M 50.8K 3K

High school life More

Prologue
1
2
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
Finale
Epilogue

3

64.3K 1.2K 145
By asherinakenza

Chapter 3

 

 

Dahan dahan kong itinaas ang ulo ni Mr.Snowman dahil parang nakatulog yata siya sa balikat ko, grabe hindi ba siya nahihirapan jan sa suot niya? Mainit yan baka hindi siya makahinga.. Lumuhod ako para sana alisin yung ulo ng snowman para naman makahinga siya, pero hinawakan nanaman niya ang kamay ko.

“Don’t..” – bulong niya, ang husky ng boses niya at parang nahihirapan na siyang huminga!

“Hala! Eh baka hindi ka makahinga niyan!!” – sigaw ko, umiling iling naman siya.. Napansin kong nagtype siya sa cellphone niya.

Pinabasa niya saakin yon.

 

[Umalis ka na.]

“Ha? Pero hindi kita pwedeng iwanan dito hangga’t hindi mo  hinuhubad yan!” – sigaw ko, nagtype ulit siya.

[Sanay na ako. Kailangan ko lang mag isa.]

 

 

Tinignan ko si Mr.Snowman, kahit hindi ko nakikita kung sino yung nasa loob ni Mr.Snowman parang sobrang lungkot niya..Samahan ko nalang kaya siya?

“Ganito nalang sasamahan nalang kita dito..”

Umiling ulit siya..Tinignan ko ulit siya, nakatungo na si Mr.Snowman..Ayaw niya yatang ipakita  ang mukha niya, pangit ba siya kaya nahihiya siya saakin?Ano ba naman ‘tong pinagsasasabi ko..

“Pano ba ‘to..ano, ah..ganito aalis na ako basta i-promise mo na aalisin mo  na yang costume na yan pagkaalis na pagkaalis ko! Promise hindi kita sisilipin kung ayaw mong ipakita saakin yung mukha mo.” – sabi ko.. Tumango siya, tumayo naman ako!

“Paano aalis na ako? Nga pala Mr.Snowman ako si Abhie! Bagong estudyante ako dito!” – sabi ko saka inilahad ko ang kamay ko, tinanggap naman niya yon at napangiti ako ng pisilin niya ito..

Nagmadali na akong lumabas ng library para naman mahubad na ni Mr.Snowman yung costume niya..

Sobrang dami kong naencounter  sa first day ko sa Oecil Uiversity.. Una yung Student Terror na nakatawag ng pansin ko dahil sa picture nila sa bulletin board, pangalawa dito pala nag aaral si Monster ng kagwapuhan, hindi lang yon kapangalan pa siya ng Papa ko ko.. Pangatlo yung pag aaway ni Shane at Elle dahil break na sila, at pang apat nakilala ko si Mr.Snowman..

_________________________

Kinabukasan kahit nahihirapan akong gumising ng maaga pinilit ko pa ring tumayo para makapasok ako, kung sa dating school ko pang hapon ako dahil hinahati ang pasok ng mga estudyante para magkasya sa classroom, sa bagong school ka naman ngayon maghapon ang pasok! Nakakaantok nga eh tapos ang lamig lamig pa gawa ng aircon! Nandito na ako ngayon sa classroom nagsasagot ako ng work book ko, may meeting kasi yung mga Professors namin.

Parehong hindi pumasok si Shane at  Elle, sila palang naman yung kakilala ko dito sa Oecil University.. Nagulat ako ng biglang may tumabi saakin na lalaki, siya yung kumindat saakin kahapon nung inintroduce ko ang sarili ko..

“Hi! Abhie!” – masiglang bati niya.

“Hi.” – nakangiting bati ko, mejo gulo yung buhok niya pero bagay naman sakanya.. Kung titignan siyang mabuti sa pagkakaupo niya mas matangkad siya saakin, gwapo rin naman siya pero mas gwapo parin si Shane! Hihi..

“Busy ah, kumusta first day mo dito kahapon?” – tanong niya.

“Okay naman, hindi boring.” – bulong ko ng hindi inaalis ang tingin sa work book ko.

“Nga pala, I’m Stan..nakalimutan kong magpakilala sayo kinakausap na kaagad kita!” – natatawang sabi niya, Stan Shane Stan  Shane.. Puro S?

Tumango lang ako, ewan ko ba, pakiramdam ko kasi wala akong gana ngayon eh.. Bigla kong naalala si Mr.Snowman! Okay na kaya siya?! Nasa library kaya siya ngayon!?

“Hmm, Stan maiwan muna kita jan ha? Pupunta lang ako sa library..”

“Sabay na tayo! Mag CCR kasi ako dun din yung daan.” – sabi niya, ngumiti ako saka tumango.

Lumabas na kami ng classroom, mas matangkad pala siya kay Shane kapag nakatayo siya.. Pinagtitinginan kami nung mga estudyante dahil kaming dalawa lang yung magkasama, nakakailang tuloy.

“Sige Stan dito nalang ako!” – paalam ko ng makita ko na yung library, tumango siya saka naglakad na papunta sa CR..

Pagpasok ko sa library, iniwan ko sa librarian yung ID ko.. May mangilan ngilan na estudyante na nakatambay dito para gumawa ng assignment..

Sumilip ako dun sa may Station 1 kung saan nakalagay yung mga libro ng History, dun ko kasi nakita kahapon si Mr.Snowman, pero wala siya..

Naglakad pa ulit ako sa ibang Station.

“Wala yata siya.” – sabi ko sa  sarili ko, pero napatigil ako ng mahagip ko sa Station 10 yung puting paa ni Mr.Snowman, malaki kasi ‘tong library at hanggang Station 15 ito..

Naglakad ako, tumingala pa ako para makita kung anong mga libro yung nandito..Nanlaki ang mata ko dahil may mga Manga pala dito sa library na ‘to! Yung dating school ko wala eh! WOW! Yung dalawang linya ng lagayan ng libro puro Manga!

Napangiti ako ng kawayan ako ni Mr.Snowman! Bakit ba tuwing nakikita ko siya parang natutuwa ako. Lumapit ako sakanya at umupo sa tabi niya.

“Hi.” – bulong ko dahil baka marinig ako nung librarian namin, itinaas niya lang yung kamay  niya..

“Grabe hindi ko alam na may ganito pala sa library natin, puro Manga.” – pagkamangha ko.. Nakita kong nagtype siya sa cellphone niya.

[Student Terror ang gumawa niyan.]

Napakunot ang noo ko, mas lalo akong naiintriga sa Student Terror na yan. (May story po sila, ang title Student Terror, mehehe~~ makapagpromote lang?)

“Nga pala, okay ka na ba? Kasi kahapon napansin ko parang nahihirapan ka na jan sa suot mo, pwede mo namang hubarin yan.” – pangingialam ko, nagtype ulit siya sa cellphone niya.

 

[Okay lang ako. Hindi ko pwedeng hubarin ‘to dahil natatakot ako sa sarili ko.]

“Huh?! Natatakot ka sa sarili mo? Pangit ka ba?!” – natatawang sabi ko! Tumango tango naman siya.

“Weh?”

[Haha. Joke lang.] type niya, pipi ba siya? Pero kahapon nagsalita siya eh, yung Don’t..

“Ayaw mong ipakita yang mukha mo, ayaw mo ring magsalita..Hmm, alam mo bang ikaw ang pangatlong tao na nakilala ko dito sa Oecil University?! Una kong nakilala dito  si Shane, Shane Briones.. Seatmate ko siya, crush ko nga siya eh kahit na ang sungit niya!” – natatawang sabi ko..

“Kilala mo ba si Shane??” – tanong ko sakanya, tumango naman siya! Nanlaki ang mata ko!

Napatakip ang bibig ko!

“Mr.Snowman! Ipromise mo secret lang natin ha!!” – pasigaw na bulong ko, tumango naman siya.. Huminga ako ng malalim ano ba yan! Ang daldal ko! Kakikilala ko lang sakanya kahapon pero dinadaldal ko na kaagad yung crush ko..

“Good, tapos si Elle..ang ganda niya, nakakatibo nga eh..kahapon ko lang siya nakilala pero nakita ko na siyang umiyak.. Nakakaawa nga eh, nag away kasi sila ni Shane. Absent nga silang dalawa ngayon eh..Hoy Mr.Snowman! Sinasabi ko sayo ‘to dahil may tiwala na ako sayo! Wala kasing kumakausap saakin sa classroom, nginingitian lang nila ako.. Meron palang isa kanina, si Stan. Kaya lang mukhang ang yabang niya kaya hindi ko siya trip kausapin.” – sabi ko, napansin kong nagtatype nanaman siya sa cellphone niya.

 

[Ang daldal mo Abhie.]

Natawa ako, tanda niya pa rin yung pangalan ko! Sabagay kahapon ko lang naman sinabi sakanya yon!

“Hehe, sorry na! Ayaw mo ba nun may kumakausap na rin sayo ngayon..” – nakangiting sabi ko.

Tinignan ko si Mr.Snowman.

“Sabi mo natatakot ka sa sarili mo kaya ka nagtatago sa likod ng costume na yan, tingin ko naman hindi ka pangit.. Pero matanong ko lang ano bang sikreto mo? Hoy h’wag kang madaya ha! Ako nga nasabi ko na sayong crush ko si Shane!” – sabi ko, hindi ko alam pero pakiramdam ko kasi komportable akong magkwento kay Mr.Snowman kahit na hindi ko pa nakikita yung totoong itsura niya, siguro nga kapag hindi mo pa nakikita yung isang tao parang mas komportable kang magsabi ng ibang sikreto.

[Hindi ko pwedeng sabihin.] type niya sa phone niya.

“Ang daya..dapat magsabi ka rin ng secret saakin para masigurado kong hindi mo ipagkakalat yung  secret ko!” – nakapout na sabi ko..Narinig kong huminga muna siya ng malalim bago nagtype ulit siya at hindi ko alam kung anong irereact ko sa pinabasa niya saakin.

[I’m inlove with my sister..and it’s killing me.]

 

*****

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 75.2K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
1.6M 9.2K 12
It was all fun and games until someone falls in love. Ellaine Hidalgo is your typical woman who enjoys the adventure of life and have all the time to...
3.4M 47.5K 61
Audriana Celine have this perfect, at the same time, not-so-perfect boyfriend named, Xavier Chase. They have this perfect, at the same time, not-so-p...
9.9M 122K 117
Magaling humalik. Magaling sa kama. Hindi torpe. Gwapo. Lahat ng iyan, wala kay Kendrick. Lahat ng iyan, naging dahilan para iwan...