Crush Kita Konti Lang

By asherinakenza

2.6M 50.8K 3K

High school life More

Prologue
1
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
Finale
Epilogue

2

78.4K 1.3K 70
By asherinakenza

Chapter 2

 

 

 

Umuwi ako ng luhaan at sugatan. K die.. Hindi ko kasi natapos yung Monster University! Pano ba naman kasi pinapasinga ako ni Monster ng kagwapuhan, edi umalis na lang ako! Aish, nakakabadtrip talaga.. Sayang! Crush ko pa naman siya, masungit lang psh..

“Nandito na po ako!” – sigaw ko saka ibinagsak ang katawan ko sa couch..

Nakita ko namang nagmamadali si Tita Marie pababa ng hagdan!

“Abhie iha! Tinaransfer kita ng school!!” – masayang sabi ni Tita..

“Ah ganun po ba..” – pero ano daw? Itatransfer?! Napatayo ako ng ma-absorb ng slow kong utak yung sinabi ni Tita!

“PO?!! Bakit Tita?!” – sigaw ko! hala! Ayokong lumipat ng school! Ang dami ko na kayang kaibigan sa school ko kahit na 2nd year high school pa lang ako!

“Halika maupo ka muna ulit..” – sabi ni Tita saka hinila ang kamay ko para maupo kaming dalawa.

Sinabi saakin ni Tita kung bakit niya ako nilipat ng school.. Dahil daw yun ang gusto ni Papa..

“Pero Tita kahit naman public school yun madami naman akong natututunan saka isa pa ang dami ko ng kaibigan dun Tita..” – sabi ko.. Hinawakan ni Tita ang kamay, matagal na talaga gusto ni Papa na lumipat ako ng Oecil University isang Private School.. Pero ako yung may gusto sa public, kasi andun si Syril..

“Iha, inenroll na kita kanina, nandun kasi ang Tita A mo..” – si Tita A kapatid din siya ni Papa, teacher siya dun sa Oecil University..

Hindi naman kami ganun kahirap..may kaya naman kami kasi may meat shop si  Papa at  saakin nakapangalan.. Kaya naman madali  lang na maenroll ako sa Private School, pero si Syril ayoko siyang iwan  sa school namin..

“Makinig ka nalang iha, ito ang huling bilin saakin ng Papa mo.. Sa Lunes ka na papasok, tamang tama 2 weeks palang ang namimiss mo sa klase doon makakahabol ka naman siguro..” – sabi ni Tita.

Aish, ano pa nga bang magagawa ko? Nakitext ako kay Tita, wala kasi akong load eh kaya ayan makikitext para sabihin kay Syril na lilipat na ako ng school, ang loka tumawag kaagad!

Bakit daw biglaan, pano na daw siya.. Sabi ko naman sakanya bibisitahin ko nalang siya pag may time ako o kaya siya ang pumunta sa Oecil University.. Pumayag naman siya, sayang hindi ko na siya classmate, Papa naman eh! Buti sana kung may mga makikipag kaibigan saakin sa school na yun..

________________________

Monday na! At nandito na ako ngayon sa bagong school ko! Maganda naman, kaya lang ang daming nakatingin saakin kasi nga bagong mukha ako sakanila.. Hindi kagaya sa school ko dati 20 sections per year ang meron, dito naman sa Oecil University 5 sections lang bawat year level.. Kaunti lang ang mga studyante, talagang bilang na bilang lang.. Bawat section 30 lang daw ang estudyante..

“Abhie!” – tawag saakin ni Tita A, ang ganda talaga ni Tita kahit may anak na siya mukha pa rin siyang dalaga..

“Hi Ma’am!” – bati ko.

“Ma’am?? Kahit nasa school tayo tawagin mo akong Tita, okay lang yan..” – sabi ni Tita A, nakakahiya naman kung ganun.. Guidance Councelor na ngayon si Tita A dito, nakakahiya baka isipin nung mga estudyante may kapit ako kaya nakapasok ako kahit super duper late na ako..

“Halika na ihahatid na kita sa section mo, kaya lang iha Section 2-B ka puno na kasi sa section 2-A..” – sabi ni Tita..

“Okay lang po yun Tita, kung pwede nga lang kahit section 2-E eh!” – sabi ko, wala naman kasi akong pakialam sa mga section section na yan ang mahalaga nag aaral ako.. Narinig ko namang tumawa si Tita..

Naglakad na kami, sa 2nd floor ang mga 2nd year.. Napatigil ako ng may mapansin ako sa bulletin board dito sa may hagdan na paakyat sa 2nd floor.. 12 na estudyante sila, ang gaganda at gwapo nila..  Pitong lalaki at limang babae, ang aastig nila at bagay sakanila ang uniform ng Oecil Univesity..

“Sila ang Student Terror Abhie..” – masayang sabi ni Tita!

“Student Terror?!” – anong klaseng pangalan ng grupo yun bakit parang nakakatakot?!

“Hahaha! Hindi ka dapat matakot sakanila, mababait naman sila.. Saka isa pa anim na taon na ang nakalipas, graduate na sila dito.. Magkakaibigan sila at kilalang kilala sila dito nung nag aaral palang sila.. Nakakamiss yung batch nila, pero sa darating na foundation day babalik sila dito para tumulong sa preparation..” – sabi ni Tita, tumango tango ako, gusto ko silang makita! Ano na kayang itsura nila pagkatapos ng anim na taon.. Naglakad na ulit kami ni Tita..

Kumatok si Tita A sa section 2-B.. Sosyal talaga ‘tong school na ‘to de aircon bawat classroom!

May  isang lalaki na teacher ang nagbukas ng pinto.

“Sir.K! eto na ang pamangkin ko! Ikaw na ang bahala sakanya..” – Sir.K? Mrs.A? Ayos pala mga pangalan ng mga teacher dito ah!

“Hello po! Good Morning po Sir.” – bati ko.

“Good Morning Ms.Bregnas?” – tumango ako.. Pinapasok na niya ako sa loob ng classroom, grabe lang ang lamig, todo yata yung aircon nila eh.. Nagsisigawan yung mga estudyante.

“Woohoo! New classmate!” – sigaw ng isang lalaki sa likuran, kinindatan niya pa ako.. May ganito rin pala sa private school?

“Introduce yourself iha..” – nakangiting sabi ni Sir.K..

“Ah..Hi! I’m Abhie Bregnas..” – yun lang ang sinabi ko.

“Hello!” – sabay  sabay na sigaw nila, hindi ko inexpect na ganito sila kababait.. Yeah mabait na sila para saakin dahil binate nila ako! Haha!

“Okay, Ms.Bregnas..hmm..” – may tinignan si Sir sa papel na hawak niya!

“Si Shane ang katabi mo.” – nanlaki ang mata ko, pangalan ni Papa yun ah!

“Shane Briones..” – sabi ni Sir saka itinuro saakin yung arm chair sa pangalawang row! Nanlaki ang mata ko!

MONSTER?!

Nakatingin lang siya saakin.. Lumunok ako, shet makakapag aral ba ako ng maayos sa eskwelahan na ‘to?!

“Take a sit Ms.Bregnas.” – nakangiting sabi ni Sir.K, tumango ako saka naglakad papunta sa upuan ko.. Pag upong pag upo ko palang nalanghap ko na kaagad yung mabangong pabango niya!

“Ha-hi?” – batin ko kay Shane, hindi ako makapaniwala! Kapangalan siya ni Papa.

“Hi.” – bulong niya.

Napatingin ako sakanya!

Binati niya ako! Binati niya ako! Huwaaa!

“Shane pala ang pangalan mo!” – sabi ko..

“Yeah.” – maikling sagot niya..kaya lang seryoso pa rin ang itsura niya, napalingon ako ng may kumuhit saakin.

“Hello Abhie..I’m Elle!” – masayang sabi nung isang babae na maikli ang buhok, ang ganda niya.. Nakakatibo yung ganda niya!

“Hi!” – bati  ko..

Nagsimula na yung klase, mejo hindi pa ako makarelate kasi nga 2 weeks din yung namiss ko.. Pero bago matapos yung klase namin, sinabihan ni Sir.K si Shane na turuan nalang ako kapag may hindi ako maintindihan! Kikiligin na sana ako eh, kaya lang parang napilitan lang siya! Tapos alam niyo ba?! Partner kaming dalawa sa lahat ng projects kay Sir.K! Ang swerte ko nga naman oh! Ang gwapo ng kapartner ko! Ang bango bango pa! Nawala na rin yung pagkapahiya ko kay Shane nung araw na pinapasinga niya ako sa sinehan, sana nakalimutan na niya yon!

Break time nanamin! Grabe ang laki lang ng canteen ng school na ‘to, kakaunti lang naman yung mga estudyante..

“So wala bang bully sa school mo noon?” – tanong ni Elle, nakaupo na kami ngayon at kumakainn..

“Meron, pero meron din namang mababait sa school namin!” – sabi ko..

Napatigil kaming dalawa ni Elle ng lumapit sa pwesto namin si Shane! Grabe bakit ba ang gwapo niya kahit na nakasimangot siya palagi? Bagay na bagay sakanya yung uniform niya!

“Let’s talk.” – biglang sabi ni Shane! Ano daw?! Kami?!! Mag uusap?!

“Ha?? Bakit??” – nalilitong tanong ko..

“Please..Elle.” – natigilan ako, Elle? Tinignan ko si Elle, nakatungo lang siya at parang nagbago yung aura niya, naging malungkot?

“Shan—“ – pero hindi pa man din natatapos ni Elle ang sasabihin niya hinila na siya ni Shane sa kamay!

“Shane! Bitawan mo ako!” – sigaw ni Elle!

Kinabahan naman ako dahil ang bilis maglakad ni Shane, nakalabas na kaagad sila ng canteen! Tumayo ako at hinabol ko sila! Nakikipaghilahan si Elle sa kamay niya! Pero sobrang higpit ng kapit sakanya ni Shane!

Pasimple ko lang silang sinundan! At nagtago ako ng tumigil sila sa may tapat ng CR.. pero nakasilip pa din ako sakanila..Hinila ni Elle ang kamay niya at napatakip ako ng bibig ng bigla niyang sampalin si Shane! Sobrang lakas ng sampal niya na parang nag echo sa paligid!

Para namang wala lang kay Shane yung pagkakasampal sakanya ni Elle.

“Ayoko na Shane. Naiintindihan mo ba yon?!” – madiin na sabi ni Elle, nanlaki ang mata ko! Huwat?! Na-naging sila?!

“Alam ko naman yon Elle! Pero ang hindi ko maintindihan kung bakit ka nakipag hiwalay?!” – ngayon ko lang narinig na sumigaw si Shane, at ramdam kong parang ang sakit sakit ng dinadala niya.

“Simple lang naman diba? Ayoko na..yun lang yon Shane!” – sigaw ni Elle..kumunot ang noo ni Shane..

“Nakakainis..kasi, kahit na alam kong tayo nga..hindi ko pa rin siya mapalitan ng buong buo sayo!” – sigaw ni Elle saka akmang aalis pero hinila siya ni Shane at biglang niyakap!

“I’m sorry..kailangan kita Elle..” – bulong ni Shane!

“No Shane..hindi ako ang kailangan mo.. tama ka naman eh, hindi mo alam kung paano mo maaalis yung nararamdaman mo para sakanya.. Kahit pa ginawa mo lang akong panakip butas sa loob ng dalawang buwan naging masaya naman ako.” – sabi ni Elle saka itinulak si Shane, at naglakad na, nagulat pa ako ng tumigil siya sa harapan ko, ngumiti siya saakin.. Sobrang sakit nung ngiti ni Elle..

_________________________

Tahimik lang si Shane at Elle hanggang matapos yung klase namin, grabe 1st day ko palang dito may nakita na agad akong dramarama :3 , ang malala pa nun Crush ko pa yung nagdrama! Haha.. Pero naaawa ako kay Elle kasi parang nasasaktan talaga siya eh..

Dumiretso muna ako sa library, gusto ko kasing makita kung anong itsura nito, lalo na at isa sa pinakagusto kong tambayan ang library dahil tahimik makakatulog ka!

Pagpasok ko wala na yung librarian, hindi nilalock?? Papunta na sana ako dun sa isang table pero natigilan ako ng may makita akong mascot ng snowman na nakaupo sa sahig.. Lumapit ako doon at tinitigan yon..

“Hala ang cute..” – bulong ko.

Tinignan kong mabuti yung mascot, may hawak siyang cellphone, oo nakakahawak ng cellphone yung suot niya kasi hapit sa mga daliri niya yung costume tapos yung ulo lang ang malaki tapos nakaburda sa mukha nung snowman yung ngiting ngiting itim na labi nito at yung masayang mata nito.. tatanggalin ko sana yung hat sa ulo niya ko pero nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at hinila ako paupo sa tabi niya!

Napatingin ako  sa kamay ng snowman na sobrang higpit ng kapit sa kamay  ko.. Kakabahan na sana ako pero tahimik lang siya..

“Mr.Snowman??” – bulong ko.. Lumingon saakin ang ngiting ngiting ulo nito..

Laking gulat ko ng bigla siyang tumungo sa balikat ko! Mejo mabigat yung ulo ni Mr.Snowman! Pero bakit ang sarap sa pakiramdam na tumungo siya sa balikat ko at ang higpit pa rin ng hawak niya sa kamay ko.

 

***

Continue Reading

You'll Also Like

63.4K 4.1K 12
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
20.4K 1K 17
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
7.6M 438K 63
In the fairy tale, only an act of true love's kiss can melt a frozen heart, a kiss from a prince with his everlasting love. But what happened to my p...
3.5M 49.9K 15
It all started with one stupid mistake and since then Hope's life has never been the same again. Pahamak kasi ang love letter ng kanyang nakababatang...