Chapter 8: My First Heart ache
JB's POV
"Good Morning Classmates its nice to be back hahaha oh anong balita? Pinabigay ba ni Kris yung letter ko sa mga prof natin? Si Kris yung freshmen din kaso Engineering student siya."
"Ah yung malanding babae na may kumakalat na pictures sa kama kasama si Nathan Abellana." Sabi ng isa kong kaklase
"Ay oo nga kala mo kung sinong babaeng pinagtatanggol ang mga nasasaktan ng honey ko tapos yun pala isa pa pala siyang malandi" sinabi yun ng classmate ko na babae.
"Tol GF mo ba siya kung ganun pinipindeho ka niya, mahina ka tol may nakauna na sayo" sa sobrang galit ko kwinelyuhan ko yung kaklase ko na waring susuntukin ko siya buti na lang napigilan ko at umalis na lang ako sa classroom at hinanap ko na lang si Kris.
Ewan ko kung bakit gali na galit ako eh wala naman kaming relasyon basta ang alam ko mahal ko pa rin siya kahit na pinipilit ko siyang kalimutan. Isa lang masasabi ko mahirap kalimutan ang feelings ko para sa kanya.
Sa sobrang paghahanap ko sa wakas nahanap ko na siya.
"Kris pwede ba tayong magusap?" bigla ko na lang siya hinila. Nang makarating kami dun sa lugar na walang tao kinausap ko siya at ewan ko kung bakit ang panget ng una kong tanong at halatang nasaktan siya.
"Balita ko may relasyon kayo nung kapatid ko? So ano nagalaw ka na niya? Edi sana di mo na siya inaway eh bumigay ka din pala sa kanya at sana kung gusto mo talaga siya sana nagpalakad ka na sa akin. So anong feeling masarap ba? Magaling ba siya? Humiyaw k aba sa sobrang expert ng utol ko?" Nagulat ako ng sampalin niya ako ng malakas at dun lang ako nahimasmasan
"sa lahat ikaw pa ang naniwala....JB kilala mo ko simua nung una pa lang..... kagaya ka din nila makikitid ang utak hindi ba pwedeng na frame-up lang ako? JB sa tagal natin magkakilala hindi ko akalain na ganyan kang mag-isip" umiiyak siya at bigla na lang siya tumakbo palayo sa akin.
Ewan ko parang nung sinabi niya sa akin yun narealize ko na mali ang ginawa ko at dapat hinayaan ko siyang magpaliwanag.
Habang hinahabol ko siya nakita ko si Nathan at bigla na lang siya nagsalita
"ang drama ng shota mo tol bat nagustuhan mo yan?" Sa sobrang asar ko sinapak ko siya at sinabing
"Anong ginawa mo sa kanya bat may kumakalat kayong......" hindi pa ako tapos magsalita at nagsalita siya
"Alam mo bro hindi mo talaga siya mahal.... alam mo bakit? Kasi kung mahal mo siya tatanggapin mo ang lahat pati ang pagkakamali niya." Hindi ko siya pinatapos at sinuntok ko siya ulit.
"Tol hindi mo alam kung gaano siya kaimportante sa akin sana wag mo siyang saktan! Kung mahal mo siya seryosohin mo siya lalayuan ko na siya para wala ng gulo. Tol alagaan mo siya siya nga pala wala talaga kaming relasyon kaya wala akong karapatan magselos sige alis na ko."
bigla na lang ako tumalikod at naglakad nang magsalita siya
"kahit hindi kita tanggap bilang kapatid alam ko ang limitasyon ko at kahit gaano kasama ang ang tingin niyo sa akin may kosensya din naman ako, hidi ako marunong mangagaw ng hindi sa akin."
"Anong ibig sabihin mo?"
" Engot ka ba o sadyang bobo ka lang? Ang ibig sabihin nun hindi lahat ng nakikita ng mata totoo.... parang magic akala mo totoo pero isa pala itong illusion at minsan di rin lahat ng naririnig mo ay totoo minsan kuro-kuro lang ito. Ikaw ng bahala kung anong pagkakaintindi mo sa sinabi ko sige alis na ko salamat sa suntok mo nagising ako" Tapos bigla niya ako sinuntok at sinabi niyang
"sana sa suntok ko na yan nagising ka alis na ko."
Ewan ko nung mga oras na yun kung anong mararamdaman ko.Basta alam ko na na hindi totoo lahat ng nakita ko kahit na hindi niya diniretso
Mahal ko sana mapatawad mo pa ako sa mga sinabi ko sayo.
Kelangan ko siyang makausap
Nathan's POV
Ano ba'tong ginawa ko parang nakunsensiya ako nung nakita ko siyang umiiyak at narinig ko kung paano siya pinagsalitaan ni JB ng masakit. Alam ko masama ako pero di ko naman siguro kayang may makitang may nasasaktan ng dahil sa akin. Kahit .1% may kabutihan dito sa puso ko pero wala akong gusto dun ha baka kasi anong isipin niyo. Mabuti ng nagkakalinawan tayo kesa nagkakalabuan ang corny ko noh. Hay naku ewan ko ba kung anong kabutihan ang pumasok sa puso ko at parang sinasabi nito na ayusin ko lahat bukas.
Wait lilinawin ko langulit aayusin ko yung nagawa kung pagkakamali pero di ko siya uurungan sa deal ok. Siguro kaya ko aayusin yung problemang pinasok ko kasi likas lang akong gentleman
Kris' POV
Sa sobrang sakit na naramdaman ko parang unti-unting sinasaksak ang puso ko. Bakit ganun sa lahat ng tao siya pa ang hundi nakakaintindi sa akin? Tumakbo ako agad sa malayo pagkassampal ko sa kanya. Sa sobrang sakit ng naramdaman ko halos di ko na Makita ang dinadaanan ko. Ngayon lang ako nasaktan ng ganito siguro kasi mahal ko siya kahit alam kong kapatid lang ang turing niya sa akin.
Habang tumatakbo ako di ko alam na may sumusunod sa akin at sa pag-upo ko sa bench may nag-abot sa akin ng panyo at sinabi niya "Miss wala ka bang panyo ito oh hiramin mo muna mukha ka kasing halimaw pag-umiiyak ka eh. Haist bat kayong mga babae napaka drama niyo sa buhay pero di ko expected na iiyak ka ng ganyan kasi nga ang tapang mo at feeling lalaki ka talaga hehehehe joke lang yun ha pinapatawa lang kita. Ay alam ko na ang itatawag ko sayo Lambot na lang hehehe nanonood kasi ako ng to the beautiful you (wow plugging hehehe :)) at nakikita ko yung character ni JC sayo hindi yung ugali mo pero yung asta mo para ka kasing lalaki kumilos tapos nakita kitang umiiyak ka ngayon di ba kabadingan yun hehehe."
Hala siya nag abot lang ng panyo ano-ano na ang sinasabi niya. Bigla na lang ako tumawa sa kanya kasi di ko ma-imagine na isang gwapong katulad niya nanonood nun ay di kaya ano siya?
Nagulat ako ng binatukan niya ako "Hoy di ako bakla ah tawa-tawa ka dyan yung little sister ko kasi ang hilig sa koreanovela at yun di siya nag-aaral kapag di niya ako kasama sa panonood ng mga ganun. Hoy secret lang natin yun ha kasi aasarin ako ng mga barkada ko hehehe."
"Sa prisinto ka magpaliwanag" tapos bigla akong humalakhak.
"Wait wala naman akong sinasabi na bakla bat masyado kang defensive"
tapos tumawa ulit ako ng malakas as in halakhak.
"Buti naman tumatawa ka na."
"Salamat ha kahit kaunti nabawasan yung sakit na naramdaman ko. Sige alis na ako bye. Wait lang anong pangalan mo? bat kilala mo ako? Bakit parang nagkita na tayo?"
"Andami mong tanong ikaw na bahala kung anong gusto mong ipangalan sa akin sige bye Lambot" tapos humarap siya sa akin at ngumiti ay grabe lumalandi na naman ako ang bait niya kasi eh.
Bigla siyang umimik "makikilala mo rin ako at wait wala naman akong sinabi na kilala kita, di ko nga sinabi pangalan mo hehehehe wag masyadong feeler Joke lang baka umiyak ka na naman lambot sige alis na ako friends na tayo ha :) "
Wow may friend na naman akong bago wait oo nga no feeler nga ako wala naman siyang sinabing pangalan ko, ang sinabi niya ako si lambot nakakahiya talag.... kaya mga bata wag masyadong feeler lesson no. 1 yan kung ayaw niyong mapahiya ng konti hehehe.
Sinichi's POV
Hay naku naman may nakakaalam na ng secret ko baka ipagkalat pa niya hay naku. Pero ok lang naman at least napangiti ko siya. Mga readers may secret ako wag niyo sanang sabihin ha crush ko si Lambot nung una ko pa lang siya nakita, nung kinalaban niya ang bestfriend ko. Oo tama ang narinig niyo ay mali pala tama pala ang nabasa niyo. Kung natatandaan niyo isa ako sa member ng SIN COS TAN at siyempre ako ang pinakamabait sa kanila hehehehe ang yabang ko no.
Ewan ko ba bat ako naatract sa kanya siguro kasi di siya maarte katulad ng iba dyan pero siyempre kung sila magkatuluyan ng BFF ko magpaparaya ako kasi hindi ako ang bida sa story na to ang martyr ko no:)
JB's POV
Pls answer my call Kris. Ah alam ko na pupunta na na lang ako sa bahay nila. After mga ilang minutes nandito na ako sa bahay nila at sumigaw ako ng Darna! eh joke lang corny ko no ito na talaga ang sinabi ko "Kris mag-uasp tayo pls sorry na dapat di ko yun sinabi. dapat naniwala ako sayo. Please mag-usap tayo alam ko nandiyan ka." Naghintay ako ng ilang oras para lang makausap ko siya pero wala pa rin
Siguro masama tlaga ang loob niya sa akin pero kailangan ko talaga siya makausap Bigla na lang kumulog tapos kumidlat na tila uulan, pero di pa rin siya sumisilip. Tapos yun umulan na ng malakas pero siyempre naniniwala ako sa kasabihan na kung may tiyaga may nilaga kaya naghintay lang ako dun kahitsobrang basa na ako.
Sa wakas tumingin siya sa bintana niya
"umalis ka na ok wala akong time makipag-usap sa mga taong walang kwenta na katulad mo....napaka kitid ng utak mo...Umalis ka na pwede ba at baka magkasakit ka rin kaya umalis ka na ok."
"Pag di mo ako pinansin mambubulabog ako!"
" Ah ayaw mo ha ok oh ito na Mga kapitbahay bahay gumising kayong lahat"
oo sinabi ko yun ng paulit-ulit hanggang sa bumaba siya at nagsimula na akong kumanta ng Sorry pwede ba by Brownman Revival o kaya naman ni sir Chief haha
Sumigaw siya "tumigil kana ha at nambubulabog ka lang ng mga kapitbahay ....wala akong oras makipag-usap sayo alam mo ang sakit kasi sa lahat ng tao ikaw pa talaga ang humusga sa akin. Akala ko pa naman iba ka pero pare-parehas lang kayo kala mo ba sa isang sorry mo ok na ang lahat. Di mo alam kung gaano ako nasaktan sige umalis ka na baka magkasakit ka lang ang lakas ng ulan."
Nung patalikod siyapara pumasok niyakap ko siya at sinabi ko sa kanya "Mahal Kita kaya nagkakaganito ako. Nagseselos ako kasi yung taong ang tagal kong inalagaan mapuunta lang sa iba" Parang nagulat siya sa mga sinabi ko at bumitaw siya pagkakayakap ko at sinabi niya na
"ah eh ano ah eh gabi na umuwi ka na."
Fuck ayaw ba niya shit busted na ako...kaya binawi ko na lang ang sinabi ko ayoko siyang lumayo sa akin
"Mahal Kita kaya ako nagkakaganito.....ah ano...siyempre parang magkapatid na tayo kaya bilang kuya mo magagalit ako sa mga nakita ko ok.... kahit kuya mo ang nakakita nun sigurado magagalit sila kaya sana naintindihan mo ako pls sorry na." Ano batong sinabi ko dinaga na naman ako.... bat ganun di ko kayang sabihin ang nararamdaman ko sa kanya .... Oo na kasi natatakot ako na baka layuan niya ako.
Ang Engot mo talaga JB! Ang torpe mo talaga hay naku !!!
#BadtripNaAngTorpePa
Kris' PoV
Na-shock ako ng sabihin niya na mahal niya ako kaya naman napabitaw ako sa yakap niya. Kaya siguro niya nasabi yun kasi nagseselos siya ibig sabihin ba nun mahal niya talaga ako hindi bilang bestfriend pero bilang.....
di pa ako natapos mag-isip at sinabi niya ulit mahal niya ako kaso bilang kapatid
Fuck double kill
Aray parang mas masakit pa ang sinabi niya ngayon kesa sa kanina
naiiyak na naman ako kelangan ko makaisip ng dahilan para di siya magduda na nalulungkot ako
isip-isip kris
"Ahhh ok naiintindihan kita kasi parang kuya na kita eh sige pinapatawad na kita." Naku lalabas na luha ko ahh alam ko na.....napatapilok talaga ako para makaiyak ako
"Aray!"
" Kris ok ka lang ba" Sinabi niya yun na nag aalala
" ang sakit!"
tapos umiyak na ako ajujuju
ang panget ko umiyak parang ewan noh. nagulat ako ng buhatin niya
Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko
" ay naku hanggang ngayon lampa ka pa rin sige pagkabuhat ko sayo uuwi na ako basta ha bati na tayo tapos"ngumiti siya sa akin pero ewan ko kasi parang iba ang sinasabi niya sa pinapakita niya parang malugkot yung mga mata niya.
Sinabi niya kay mama na "tita sorry kung napaiyak ko ang anak mo pasensya na po talaga sige alis na po ako."
"baka gusto mo dito ka na matulog kasi madaling araw na basang-basa ka pa." sabi ni mama
"hindi na po anlaking abala na nga po ang ginawa ko ngayon kasi nagising ko ata ang mga kapitbahay niyo sige po alis na ako, sige Kris alis na ako at sorry ulit sa nagawa ko sana walng magbago"
" Ahh oo naman siyempre sa relasyon natin parang magkapatid na tayo at sa relasyo ng magkapatid normal lang ang nagkakatampuhan kaya ok na yun sige bye."
Pag-alis niya pumunta agad ako sa kwarto at umiyak ako dun ajujuju ajajaja ang panget kung umiyak no nakakabuwisit. back to reality mas masakit pa ang sinabi niya ngayon kesa sa kanina bat ba ganun masakit talaga ang katotohan. siguro nga JB jr (note: staff toy yun na regalo niya sa akin) Hindi talaga natuturuan ang puso at ang love ay 2 sided talaga at kung titingnan mo relasyon namin ako lang ang nagmamahal sa kanya kaya ihihinto ko na to hindi talaga siguro kami para sa isa't-isa pero kailangan kung tanggapin yun at dapat maging masaya ako para sa kanya. #BrokenheartedAkoPeroINeedToMove on.
AN: Kamusta nman ang story ko.................. Sorry talaga sa typo parang super junior lang ako na mag so-sorry sorry sorry heheheehehe :). Comment naman kayo plssssssssssss :)