That Night

By BlueJansport

43.7K 401 20

LIFE IS A GAME. NASASAYO KUNG PAANO MO LALARUIN. Created: 1/28/13. COMPLETED: 9/25/13. :) More

Description
Prologue
Chapter 1: Their Meeting
Chapter 2: The Drama
Chapter 3: Music In My Heart
Chapter 4: The Guy
Chapter 5: Everywhere I Go
Chapter 6: I Looked Away
Chapter 7: Burning Up
Chapter 8: Lovelife?
Chapter 9: We Meet Again
Chapter 10: My Bestfriend
Chapter 11: Valentines
Chapter 12: A Smile I Want To Protect
Chapter 13: Textmate
Chapter 14: Headache
Chapter 15: Dead?
Chapter 16: My Fear
Chapter 17: Crazy For You
Chapter 18: I Saw The Sign
Chapter 19: My Answer Is...
Chapter 20: Worth A Try
Chapter 21: The Reason Why
Chapter 22: Bohol-Cebu
Chapter 23: The Walk
Chapter 24: Not A Date
Chapter 25: I Love You TOO
Chapter 26: It Will Rain
Chapter 27: Trust
Chapter 28: Welcome Home
Chapter 29: It's Gonna Be Fun?
Chapter 30: Wow
Chapter 31: Who's That Guy?
Chapter 32: What Was That
Chapter 33: Mine Again
Chapter 34: Efforts
Chapter 35: Busted
Chapter 36: Rival?
Chapter 37: Hanggang Kailan?
Chapter 38: Round 2?
Chapter 39: Outreach
Chapter 40: Destiny
Chapter 41: Bitch In Me
Chapter 43: Downfall
Chapter 44: Restart?
Chapter 45: Conversations
Chapter 46: Parents
Chapter 47: Going Back
Chapter 48: Secrets Revealed
Chapter 49: Last Semester
Chapter 50: Goodbye
Epilogue
PLEASE READ: Final Author's Note

Chapter 42: Grades

415 4 0
By BlueJansport

---

Jessica’s POV

“Pa, Baka po… baka po babagsak ako this sem.” Sabi ko sa Papa ko.

Kanina pa sila tawag ng tawag sa akin pero ngayon ko lang sinagot. Hindi ko kasi alam kung paano sabihin na baka bagsak ako this sem at uulit ako next year.

Hindi ko kasi kinayang habulin. Malapit na ang pre-finals at maliit pa din ang mga kuha ko. Hindi lang naman ako, pati mga kaklase ko. Sobrang hirap talaga, promise. Matagal na hindi nagsalita si Papa.

“Pa?” Tanong ko.

(Paano ba yan?) Tanong niya.

“Ano…” Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko

(Akala ko ba kaya mo pang bawiin?) Tanong niya.

“Akala ko din po kasi eh…”

(Baka naman hindi ka na nagaaral ng maayos jan? Baka puro study out ka nalang pero hindi ka nagstu-study. Baka lakwatcha lang ginagawa mo? Gastos ka ng gastos jan.) Sabi niya.

Nasaktan ako sa sinabi ni Papa pero pakiramdam ko wala akong karapatang magreklamo kasi tama naman siya, lage akong gumagastos sa pagkain to cope up with stress at para hindi antukin everytime I study.

“Hindi naman po…”

(O baka nag boboyfriend kana jan?)

Boyfriend. Nakalimutan ko na nga si Jake eh, pinaalala pa. tsk. 4 months have passed at hindi ko naman na siya pinapansin. Wala na akong pakialam sa kanya kahit magpakalunod pa siya sa buhangin.

“Wala po.” Sagot ko.

(Basta ayusin mo yang pagaaral mo. Gawin mo yung best mo jan. Cge na, mahal na ‘tong tawag. Wag kang study out ng study out. Gastos lang yan.)

“Opo.”

Binaba ko na yung phone at sobrang nakakadown ang conversation na yun. Aaminin ko naman sa sarili ko na for the first half of this semester, I really did not do my BEST. Alam ko yun kasi I was lazy.

Yung pag inaantok ako, matutulog talaga ako. Hindi katulad nung iba na kahit inaantok na, aral pa din ng aral. Nahilig ako sa “Mamaya nalang”. Nawalan ako ng interes. It’s not because of Jake. Well, maybe, partially because of him but not entirely.

It was also because, from the very beginning, I conditioned myself that I am not for this course. Hindi kasi ito ang gusto ko, hindi ako pumili nito. Kaya naman parang psychological effect na din ‘to.

Yung hindi ko ginawa ang best ko kasi hindi ko naman ‘to gusto, so why bother? I was thinking na baka payagan nila akong mag shift kung babagsak ako but that was a very stupid thought. Ngayon, kinakabahan na ako.

I don’t wanna lose this. I don’t wanna fail. I don’t wanna disappoint them, I don’t wanna disappoint my parents and my relatives na nageexpect ng excellence from me. Sobrang taas ng expectations ng mga tao sa akin. I forced myself to love this course pero habang pinipilit ko, lalong umaayaw.

Kailangan pala talaga, just go with the flow. Do what you love. Do what will make you happy. Paulit-ulit ko yang sinasabi sa sarili ko pero hindi ko magawa-gawa. May mga bagay talagang ang daling sabihin, pero ang hirap gawin.

Naglakad nalang ako papuntang school. Late na din ako. See? Ganito ako. Nalelate ako. Kung interesado ako, hinding hindi ako malelate. Nung makarating ako sa classroom, nagsimula na ang class. Tabi kami ni Kent, my guy bestfriend, remember?

“Late ka na naman.” Sabi niya.

Ngumiti lang ako. Natapos ang class namin at lilipat pa kami ng room for the next one. Nahihiya na akong makipagusap kay kent kasi hindi niya na ako masyadong pinapansin these days. At nasasaktan ako sa ginagawa niya, promise.

“Ah, kent, patingin ng midterm grades mo.” Sabi ko.

“Bakit?” Tanong niya.

“Cge na. Pakita lang.” Sabi ko.

“Yoko nga.” Sabi niya. Sumimangot ako.

“Yung sayo?” Tanong niya.

“Wala eh. Ang baba.” Sabi ko.

“Yan kasi. Love love ang inaatupag. Aral aral din pag may time.” Sabi niya. Inirapan ko lang siya. Walang kwentang kausap. Palibhasa ang tataas ng grades niya.

Nakasalubong ko pa yung isang baklang teacher namin at may naalala na naman ako. Isa pa pala sa nakakawala ng gana eh yung teachers dito. Para silang walang pakialam sa students. Sila pa mismo ang nagbibigay ng discouragement sa mga students.

Simula palang, pinapasok na nila sa utak namin that we will fail. Nasa tao naman yun kung magpapadala ka. And unfortunately, nagpadala nga ako. That was a big mistake.

Para kaming walking zombie. Karamihan sa amin, halos walang tulog para lang makapagaral. Araw-araw may exam. Ang hahaba pa ng coverage. Ang ingay pa sa condo. Nawawalan ako ng gana lalo pag naiirita ako. Sobrang naiirita ako.

Ang daming gumugulo sa isip ko. Parang ang daming nagbago. Bakit ganito? Parang ang layo ko na sa mga kaklase ko. May mga bago kaming kaklase at ewan ko. Hindi ko maintindihan. Feeling ko dahil lang ‘to sa stress.

Wala kaming social life. Yung routine namin, papasok, matutulog tapos aral hanggang madaling araw tapos matutulog saglit tapos papasok nanaman. Nakakapagod.

Ang dami-dami ng nag break down sa amin. Dahil sa pagod, dahil sa stress. Dahil sa lahat lahat ng nangyayari. May emotional stress pa.

Idagdag mo pa na nakikita ko si Jake. Nadadagdagan ang stress ko dahil lagi silang magkasama ni Sandy. Pero these past few weeks parang wala nalang sa akin. Pag nakikita ko silang magkasama, wala na akong maramdaman. Para wala lang.

“Jessica, study out tayo bukas.” Aya sa akin ni Lara.

“Ha? Eh…saan naman?” Tanong ko.

Nagdadalawang isip ako kasi nauubos na ang pera ko at napagalitan na ako. Baka mapagalitan na naman ako.

“Sa coffee shop sa may malapit sa amin.” Sabi niya.

Nakapunta na ako sa kanila at maraming mga coffee shop at iba pang mga stores na bukas hanggang madaling araw malapit doon. Malapit kasi sila sa isang call center.

“Tignan ko lang ha?” Sabi ko.

“Sige na.” Sabi niya.

“Text nalang kita mamaya.” Sabi ko.

“Ay, pag ganyan ang sasabihin mo hindi ka na pupunta.” Sabi niya.

“Count ko muna pera ko. Baka ma short ako next week.” Sabi ko sa kanya.

“Sige, text mo ‘ko mamaya.” Sabi niya.

Kumain muna kami nung natapos ang class. Naguusap kami tungkol sa pre-finals next week.

“Next week nalang tayo mag study out.” Sabi ko.

“Sige, gawa ka ng sched.” Sabi ni Therese.

Gumawa ako ng schedule namin kung anong oras kami magkikita, magaaral, kung kelan kami natutulog saglit.

“Eto, tapos na” Sabi ko.

Ipinakita ko sa kanila yun, nilagyan lang namin ng konting revisions dun sa time.

“Ok na ‘to.” Sabi ni Lara.

“So, tuloy na ha?” Tanong ni Anne.

“Sure.” Sabay naming sabi.

Umuwi na ako pagkatapos naming kumain. Nasa labas na ako ng building namin nung Makita ko si Reynier na palabas ng coffee shop sa ground floor.

“Oi.” Sabi niya.

“Oh.” Sabi ko.

“Ampanget mo.”

-.-

“Gwapo mo eh.” Sabi ko.

“Thanks” Nakangiti niyang sabi.

Lokong ‘to. Kalbuhin ko ‘to eh. Sabay na kaming umakyat. Nag stairs kami kasi inaayos ang elevator. Wala kaming imik. Syempre, pagod ako eh.

“Seriously, pahinga ka naman.” Sabi niya.

“Nagpapahinga naman ako eh.” Sabi ko.

“Talaga?” Tanong niya. Tumango ako.

“Hindi halata.” Sabi niya. Inirapan ko lang.

“Kayo ba, hindi ba nakakapagod?” Tanong ko.

“Sobra.” Sabi niya.

“Talaga?” Tanong ko.

“Naman.” Sagot niya.

“Hindi halata.” Sabi ko tapos ngumiti ako.

“Gwapo ko eh.” Sabi niya.

Batukan ko na kaya ‘to? Pero napangiti naman ako sa JOKES niya. Cge, gwapo siya, pero hindi ko yun sasabihin sa kanya noh. Pag liver spread pa ‘to.

“Ge, dito na ako. Bye.” Sabi ko.

“Ge.” Sabi niya.

Pumasok na ako sa unit. Napansin ko lang, hindi na masyadong tahimik at masungit si Reynier ngayon. Pero minsan, umaatake ang kaartehhan niya. Hmp. Di bale na nga. At least ngayon, mas maganda yung pakikitungo niya sa akin.

Humiga muna ako sa kama ko pagkatapos kong mag bihis. Haaaay. Sana lang talaga makayanan ko pang bawiin yung grades ko. Ayokong madisappoint yung parents ko sa akin. Gusto ko pang lumaban. Sana kayanin ng mga utak at katawan namin.

---

A/N: Mga 8 chapters nalang po siguro more or less. Malapit na din kasing matapos yung isa kong story. Halos sabay lang silang matatapos. Mauuna lang yung isa syempre kasi siya din yung una kong gawa. :)

8/11/13 9:45PM

--Jem <3

Continue Reading

You'll Also Like

447 5 84
The story that started with 4 pairs experiencing random scenes in their college life. *Slice of life Started 2016 Continued 2nd Quarter 2021 Finishe...
220K 9.5K 41
Santillan Series
When He Left By MNP

General Fiction

64.8K 829 33
"Live your life to the fullest." Note: Currently under revisions (year 2022), please bear with the grammatical and typographical errors for now. I'm...
988K 11.6K 65
All rights reserved™
Wattpad App - Unlock exclusive features