Campus Queen Compilation (COM...

By KiraLicht

186K 2.2K 437

More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14 [Finale 1]
Chapter 15 [Finale 2]

Chapter 4

10.8K 146 9
By KiraLicht

Chapter 4

Turo turo ni Ysa ang babae sa likod ni Lexin. Kunot noong tiningnan naman ni Lexin ang nasa likod pero wala naman makita ang binata.

"Ano yon?!" tanong niya kay Ysa.

"May babae, may multo.." takot na takot na sabi ni Ysa.

Kumunot ang noo ni Lexin at umiling. "Buti pa, hatid na kita pauwi" nagaalalang wika nito.

"Maniwala ka sa akin, meron talaga, maniwala ka sa akin" takot na takot na pilit ni Ysa.

"Okey, naniniwala ako sayo, mabuti pa ihatid na kita."concern na sabi ni Lexin.

Nginig na nginig naman sa takot si Ysa sa narinig kaya sumama na lang ito sa binata.

Dinala ni Lexin si Ysa sa kanyang kotse. Nang tumatakbo na ang sasakyan ay nakita nyang takit pa din si Ysa.

"sigurado ka bang uuwi ka ng ganyan ka?"tanong ni Lexin.

Napaisip naman si Ysa sa sinabi ni Lexin, siguradong mag-aalala ang Mama at Papa pati na rin ang mga kapatid nya.

"Ibaba mo na ako rito Lexin, ako na lang mag-isa ang uuwi." wika ni Ysa.

"Sira ka ba? Na ganyan ang lagay mo? Hindi.. Ihahatid kita sa ayaw mo o sa gusto"seryosong sabi ni Lexin at saka nagpatuloy sa pagmamaneho.

Napatingin si Ysa sa binata, hindi nya inaasahan na of all people, si Lexin pa anng aalalay sa kanya. Hindi maiwasang napagmasdan na naman nito ang mga mata nya, malungkot at parang puno na hinanakit.

Napansin ni Lexin na nakatingin sa kanya si Ysa. "Enjoying the view?" nangaasar na tanong nya.

Irap lang ang sinagot ni Ysa at saka tumingin na sa daan. "Bakit ang seryoso mo lagi ha Lexin?" tanong nito.

"Ako? Seryoso.. asus, lagi nga kitang naaasar tapos seryoso" nakangiting sabi ni Lexin.

"Pero iba ang sinasabi ng mga mata mo.." sabi ni Ysa at saka humarap sa binata. "Ni hindi man lang kita nakikitang nakikihalubilo sa kapwa mo estudyante, lagi kang mag-isa"

"So.. inoobserbahan mo pala ako.." nakangiting sabi ni Lexin.

"Hay naku! Ewan ko sayo.." asar na sabi ni Ysa.

Bigla namang sumeryoso si Lexin.

"Wala naman kasi ako dapat ikasaya." sabi nito.

"Wala? Hindi mo ba dapat ikasaya na buhay ka at humihinga?" tanong ni Ysa.

"Magiging masaya lang ako kapag hindi na ako humihinga" seryosong sabi nito.

Napakunot naman ang ulo ni Ysa sa narinig, sa isip isip nya,masyado sigurong malungkot ang buhay nitong si Lexin.

"Mayaman ka naman, gwapo, nakakakaen ng tatlong beses sa isang araw, madaming admirers at may..."

"Hindi nasusukat ang happiness ng isang tao dahil masarap ang inuulam mo,minsan nalulungkot tayo kasi hindi tayo masaya kung ano meron tayo" sabi ni Lexin na nakatingin pa din sa dinadrive.

"Madami tayong dapat ikasaya, dapat ikakuntento, dapat pahalagahan.." sagot naman ni Ysa at saka pumikit.

Natingin naman dito si Lexin, ibang iba talaga si Ysa sa mga babaeng nakilala nya. Nangiti ang binata.

Ilang sandali pa ay nakarating na sila Ysa sa kanilang bahay, naghihintay at doon ay parang mga nakakita ng artista ang mga kapatid ng nakitang kasama nya si Lexin.

"SINO YAN?"

"BOYFRIEND MO?"

"SAAN MO NAKILALA YAN?"

"MAYAMAN BA YAN?"

"ARTISTA BA YAN?"

Sunod sunod na tanong ng mga kapatid ni Ysa pati ang Mama at Papa nya.

"Mga loko loko talaga kayo, kaklase ko lang to, at yang mukha na yan, artista.. Duh?" umiirap pa na sabi ni Ysa.

"Ysabella.. Ysabella, sabihin mo sa akin, anong gayuma ang ginamit mo sa kanya!?" sabi ng ate Flor ni Ysa sabay sipat at amoy kay Lexin.

"Ate!! Ano ka ba.. Para kang aso!" asar na sabi ni Ysa at saka hinila ang kapatid.

"Anak.. Boyfirend mo ba yan? Yung totoo lang?"bulong na tanong ng Mama ni Ysa.

"Anak.. Magkano ba pera nyan sa bangko?" dagdag na bulong naman ng ama nito na si Javier.

"Pa?! Ano ba kayo! Classmate ko lang yun.. Hinatid nya lang ako kasi on the way sya."palusot ni Ysa.

"Kumaen ka na ba ha pogi?"malanding sabi ng ate ni Ysa.

"Kumaen na yan! Di ba kumaen ka na Lexin?" sabi ni Ysa sa binata at saka pinalakihan ng mata.

"Actually po, hindi pa nga po eh, gutom na gutom na po ako." nakangiting sabi ni Lexin.

"Ay naku Ma, Pa, nagbibiro lang yan, uuwi na yan as in ngayon na, diba Lexin" titig ng masama na sabi ni Ysa.

"Ay opo, kailangan ko na po palang umuwi, next time na lang po" magalang na paalam ni Lexin at saka tinungo na ang kotse

"Balik ka pogi ah!"pahabol na sabi ng ate ni Ysa.

Bago sumakay ng kotse si Lexin ay napatingin ito kay Ysa, ganon din ang dalaga, isang kindat ang binigay nito kay Ysa, inirapan naman ito ng dalaga at saka tumalikod.

+

***

"Huwag! Huwag! Parang awa mo na! maawa ka! Maawa ka!"

Sigaw ng babae habang tumatkbo ng bigla itong madapa.

Naabutan ito ng humahabol sa kanya at isang kutsilyo ang sinaksak sa likod nito at napaharap ang babae at ang babae ay wlang iba kundi si Ysa.

***

Biglang balikwas ng bangon si Ysa at pagbangon nya ay may naradaman syang kamay sa kanyang paa na syang ikinasigaw nya.

"Mama! Papa! " malakas na sigaw nito at nagpupumiglas dahil sa nakahawa sa paa.

Bumukas naman ang pinto sa kwarto nya at pumapasok ang mga magulang ni Ysa na alalang alala.

"Anong nangyari? Bakit ka sumisigaw?"alalang tanong ng ina ni Ysa.

Hindi na nagawang magsalita ni Ysa, tinuro na lang nito ang paa.

"Yung paa mo? Ano?" tanong ng ina nito. At saka tinanggal nito ang kumot.

"Punyeta ka talaga Lewis, napakalaki talaga ng tira mo" sugaw ng ina ni Ysa ng makitang ang bunso pa lang kapatid ang nandon.

Galit na galit naman si Ysa na hinabol ang kapatid dahil sa sobrang inis dito.

+

"Hi Lexin" bati ni Corine sa lalaki. "aga mo ata ngayon" puna nito, kadalasan kasi ay tanghali na ito kung pumasok, minsan nga ay halos mag-uwian na.

Pero hindi man lang pinansin ni Lexin ang dalaga, bagkus ay tumanaw ito sa may pintuan na para bang may hinihintay.

"May hinihintay ka ba?"usisa ni Corine.

Pero dedma pa rin sya sa binata, para ngang wala itong nakikita at naririnig, nakasimagot naman na tumalikod si Corine.

"Ano? Dinedma ka na naman ni Lexin no?"bulong na bati sa kanya ni Bea.

Isang matalim na tingin naman ang pinukol ni Corine kay Bea.

"Sabi ko nga tatahimik na ako" wika nito at saka tumalikod na.

Si Lexin naman noon ay nakaabang pa rin sa pinto, hinihintay nito si Ysa. Pamaya maya ay narinig na nya ang maingay na kwentuhan ng mga kaibigan nito.

"Ay oo nga sis! 6k plus na ang GSMPMD, napuyat nga ako kakatambay doon eh!"narinig ni Lexin na kwento ni Marj.

"Adek ka talaga Marj.. Pero deserve naman nila yung ganong kadaming likes kasi magaganda yung kwento at saka mababait ang mga admins"

dinig naman nyang sabi ni Aileen.

Kaya hindi pa man din nakakapasok ang mga ito ay tumayo na to sa pag-aakalang kasama nila si Ysa pero ng makapasok ang dalawa ay si Aileen at Marj lang.

Biglang bagsak na balikat nya ng hindi makita ang dalaga pero nabawi kaagad yun ng maya maya pa ay pumasok na rin ang dalagang hinihintay. Isang matamis na ngiti ang pinukol nya dito ng magtama ang kanilang mata. Irap naman ang tinugon ni Ysa.

Nasaksihan ni Corine ang mga yon kaya masamang masama ang loob nito. "Humanda ka sa akin Ysa, inumpisahan mo ang laro ni Corine Rivera" malakas na sigaw nya sa isip.

+

Abalang abala sa pag-didiscuss ang guro nila Ysa, sya naman ay nakikinig mabuti at titig na titig sa guro.

Mahaba ang guro nG guro ni Ysa. Nakalugay ito, nakatitit mabuti si Ysa ng napansin nito na mula sa buhok ay may lumalabas na kamay dito, at unti unti itong yumayakap sa leeg ng guro, gimbal na gimbal si Ysa, tiningnan nya ang mga kaklase pero abala pa rin ito sa pakikinig at tila hindi nakikita ang nakikita nya. Maging ang guro ay parang walang nararamdaman. Mas nasindak sya ng makitang ulo naman ng babae ang lumabas sa mahabang buhok ng guro. Nanlaki ang mata ni Ysa, nabitawan nito ang hawak na ballpen. Nilingon nya ang pinaghuhulugan ng ballpen para kunin pero dun ay nakita nya ang babaeng nasa likod ng guro na nasa tabi na nya ngayon, bigla nitong hinawakan ang braso nYa at kapagdakay tiningnan sya, nanlilisik ang mga mata nito.

"Aaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh"

malakas na sigaw nito at saka biglang tumayo sa inuupuan.

Tinginan sa kanya ang mga kaklase

"Miss Fajardo, What's wrong?!"

Gulat na tanong ng guro kay Ysa.

Pero imbes na sumagot ay nanlalaki ang mata nito at tinuturo ang pinagkakitaan sa babae. Nginig na nginig sya sa takot at biglang hinimatay.

"Miss Fajardo? Are you okey?! Are you okey" nagaalalang wika ng guro. Bumaling ito sa ibang estudyante na nagpapanic na din, sasabihin na sana nya na dalin si Ysa sa Clinic pero hindi na nya nagawa dahil lumapit si Lexin at ito ang nagbuhat dito. Punong puno ng pag-aalala ang mata nito. Naiwang mga nakanganga ang mga kaklase at ang iba naman ay nagtaas ng kilay, lalong lalo na ang grupo ni Corine.

"Okey, class dismiss!" nagpapanic na sabi ng guro at saka sumunod kay Lexin.

Nang makaalis ang guro ay namewang si Bea at saka pinaikot ang mata. "Im sure, kadramahan lang yun ng aswang na yon para mapansin sya! She is so desperate!" maarte at naiinis na wika ni Bea.

"Hindi naman kailangan ni Ysa na gumawa ng eksena para mapansin, hindi naman sya tulad ng iba dyan!"

makahulugang sabi ni Marj na hindi nakatiis sa paninira ni Bea kay Ysa.

"HOY PROMDI! Tumigil ka nga jan! Hinihingi ko bang opinyon mo!" nanlalaking mata ni Bea kay Marj.

"HOY PALAKA, DI BALE NA PROMDI WAG LANG MUKHANG ZOMBIE!" galit namang sabi ni Bea, inaawat na to ni Aileen.

"Aba, matapang ka ah! Sino pinagmamalaki mo! Yung kaibigan mong aswang! feeling nyo naman sikat na kayo?!" pangungutya ni Bea.

"OO, PROMDI KAMI.. OO DI KAMI SIKAT , DI KAMI MAYAMANAN.. PERO MAGANDA KAMI! Ikaw maganda ka ba?i" mataray na sabi ni Marj at saka tinalikuran si Bea at sumunod kila Lexin.

Akmang susugurin ni Bea si Marj paro pinigilan ito ni Corine.

"Bea, tama na.. Hayaan mo na.. " pigil nya sa braso nito.

"Pero sumosobra na yung babae na yon, akala mo kung sino sya porket.."

"I SAID ITS ENOUGH!!"sigaw ni Corine at galit na galit, nanlilisik ang mga mata nito. Humanda ka sa akin Ysa! I'll make your life miserable! Sigaw ng isip nito.

+

"TULUNGAN MO AKO.. TULUNGAN MO AKO.. TULUNGAN MO AKOOOOOOO"

paulit ulit na sabi ng tinig.

Naalimpungatan si Ysa ng marinig iyon, nakita niyang nasa Clinic pala sya, tahimik na tahimik sa loob, napansin nya na may natutulog na pasyente sa kabilang kurtina ng clinic. Humawak sya sa ulo at inalala kung ano nangyayari sa kanya. Kinilabutan sya ng maalala ang nangyari.

Pinagmasdan nya ang paligid, tahimik na tahimik sa clinic. Maya maya ay nagpatay sindi ang ilaw.

"May Tao ba diyan? Wag naman kayo magbiro ng ganyan oh." pakiusap ni Ysa. "Please naman oh, natatakot na talaga ako.. Promise!"

"Hay nako, tinamad na naman yung maintanance palitan ang bombilya, tsk tsk.."sabi ng isang pamilyar na boses at nagulat sya ng bigla bumukas ang kurtina na divider.

"Tristan!" gulat na gulat na sabi ni Ysa ng makita ang binatang walang ibang ginawa kung hindi ang ngumiti.

"O bakit parang nakakita ka ng multo?" as usual nakangiti pa rin ito habang sinasabi iyon.

Sa loob loob ni Ysa, kung ganito lang sanang kagwapo at kacharming ang multong makikita nya, kahit araw arawin pa sya.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit nandito ka?" tanong ni Ysa.

"Well, sa pagkakatanda ko, pumupunta ang mga estudyante sa clinic dahil may sakit sila" sabi ni Tristan at saka tumawa ng tumawa.

Naiiling na natawa naman si Ysa sa tinuring ng binata. Hindi nya alm kung bakit pero ang gaan gaan ng loob nya pag kasama nya si Tristan, pakiramdam nya wala syang problema, lalo na pag ngumungiti ito.

"O ayan ka na naman, pinagmamasdan mo na naman ang kakyutan ko.."pangaasar ni Tristan.

"Tse!" pabirong irap ni Ysa.

"May sakit ka ba?" biglang seryosong tanong ni Tristan.

"Wala, hinimatay ako kaya siguro ako nandito" sagot ni Ysa.

"Buntis ka?" wala sa loob na tanong ni Tristan.

"Hahahahahahahahah! Buntis ka diyan! Adik ka ba! Hahahahaha" tawa ng tawang sabi ni Ysa.

"O bakit? Hindi ba?" seryoso pa ring tanong ni Tristan.

"Hindi noh!" irap na sagot ni Ysa.

Tila naman nakahinga ng malalim si Tirstan at saka ngumiti muli.

"Hay salamat! Mabuti naman"

"Hmmm, bakit mabuti naman?" usisa ni Ysa.

"Mabuti naman kasi bata ka pa, hindi ka pwedeng mabuntis" palusot ni Tristan.

"Hmmmm," nasagot na lang ni Ysa.

"O paano, alis na ako, maiwan na kita diyan.." paalam ni Tristan.

Naalarma naman si Ysa dahil sa idea na mag-iisa sya sa clinic.

"Wag mo muna ako iwan Tristan" pigil nito sa binata sabay hawak sa braso nito.

Napangiti naman si Tristan sa tinuran ni Ysa. Tiningnan nya ito ng maigi at saka ngumiti. "Crush mo ako noh?" biro nya.

"Huwaaaattttt!! Lakas ng fighting spirit mo!" sagot na biro ni Ysa.

Tumawa si Tristan at pakiramdam ni Ysa ay musika sa pandinig nya ang halakhak ni Tristan.

"Mauna na ako, maya maya nandyan na mga kaibigan mo kaya wag ka na matakot, teka,, natatakot ka nga ba o gusto mo lang ako makasama ng matagal?" biro na naman nito.

"Asa! " nakangiting asar ni Ysa.

Natatawang umalis si Tristan, bago pa man ito ay kinindatan nito si Ysa.

Isang matalim na irap naman ang sagot ng dalaga.

Wala pang ilang segundo nakakaalis si Tristan ay pumasok na si Aileen at Marj, may kasama din itong babae, mukhang estudyante din sa school nila. Natatakpan ito ni Aileen kaya di nya masyado napansin ang suot.

"Girl! Ano nangyari sayo at umeeksena ka ng ganon? Gosh! Pinakaba mo kami." bungad sa kanya ni Marj.

"Oo nga sis, alam mo bang muntik na magpang-abot yang si Marj at Bea.." kwento ni Aileen.

"Mahabang kwento, tiyak hindi kayo maniniwala.." sabi ni Ysa at saka tiningnan mabuti ang kasamang babae nila Marj at Aileen.

"Sino tinitingnan mo diyan " sita ni Marj.

"Eh di yang kasama nyo, hindi man lang nagsasalita baka panis na laway"natatawanf sabi ni Ysa.

Nagkatinginan si Marj at Aileen. "sis, wala naman kami kasama ng pumasok eh, ano sinasabi mo?"kunot noong sabi ni Aileen.

"eh di yang.. " hindi na natapos ni Ysa ang sasabihin dahil ang babae na kanina lang ay nasa likod ni Aileen ay bigla na lang tumagos sa katawan ni Aileen at dire diretso hanggang sa mismong harapan niya at tinitigan sya sa mata.

Continue Reading

You'll Also Like

2.4M 88K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016
2.2M 74.6K 22
"If you think you are safe... think again." Mysterious things happened after Cristina had an accident. She often saw a scary woman who was defiled a...
4.1K 312 12
MHST Volume 3: ANG BALON - Sa mahabang panahon ng pangangasera ng isang pamilya sa siyudad, malaking surpresa ang pagdatal ng isang biyaya mula sa ka...