Campus Queen Compilation (COM...

By KiraLicht

186K 2.2K 437

More

Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14 [Finale 1]
Chapter 15 [Finale 2]

Chapter 1

37.7K 432 101
By KiraLicht

Chapter 1

 

Unang araw ni Ysa sa school na yon, medyo kinakabahan sya dahil bukod sa late na sya nagenroll at tiyak mahihirapan sya magadjust, kinakabahan din sya dahil ibang iba ito sa lugar na kinalakihan nya.

"LOZADA-AQUINO COLLEGE"basa ni Ysa sa entrance ng school.

Kabadong kabado sya, pakiramdam nya ay pinagtitinginan sya ng mga estudyante doon, hindi nya malaman kung paanong lakad ang gagawin. Yukong yuko ang dalaga, anhin na lang siguro nya ay magtago sa ilalim ng lupa.

At dahil nakayuko sya, hindi na nya napansin na may makakasalubong syang grupo ng mga kababaihan, huli ng ang pag-angat nya ng mukha dahil nakabunggo na nya ito.

"What a...!"gulat na asar ng babae na si Bea, at saka tiningnan ng masama si Ysa. 

"So-sorry, hi-hindi ko sinasadya," nagkandautal na dispensa ni Ysa.

"Sorry! tatanga tanga ka kasi, hindi mo tinitingnan ang dinadaanan mo!"sigaw nito.

Nagpanting ang tenga ni Ysa sa narinig, hindi sya palaaway na tao pero hindi rin sya ang tipong magpapaapi kung kani-kanino lang.

"Nagsorry na nga ako diba?! Sabi ko nga Sorry, at hindi ko sinasadya, ano pang kinakagalit ba diyan? Napilay ba kita?"matapang na sabi nito.

"Ahhhhhhhh! patay tayo diyan! Mukhang nakakuha ka ng katapat mo Bea!" kantyaw ng mga lalaking nasa di kalayuan at nakikinig.

"Abat!.." galit na sabi ni Bea at susugurin na sana si Ysa.

"Thats enough Beatrice!" pigil ng pinakaleader ng grupo nila, si Corine. 

"But Corine..." reklamo ni Bea.

" I said, its enough!" mataray na sabi nito at saka tumingin kay Ysa.

"are you a new student?" tanong nito at saka tinitigan si Ysa mula ulo hanggang paa.

"Oo.."maikling sagot ni Ysa na hindi na komprtable na pinagtitinginan sya.

"Kaya.." sarcastic na sabi ni Corine, at saka binalingan naman si Bea.

"first offense.." makahugang sabi nito sa kaibigan at saka kinindatan.

Nangiti naman si Bea, nakuha nito ang ibig sabihin ng kaibigan at saka tumingin kay Ysa.

"Next time.. " maarteng sabi nito kay Ysa at sabay irap.

"Lets go girls.." aya ni Corine sa dalawang kasama.

Hindi naman sila pinansin si Ysa, nagkibit balikat na pinagpatuloy nito ang paghahanap. 

Sa gilid ng kanyang mata ay pansin nya na may lalaking nakangiti sa kanya na tila ba aliw na aliw sa ginawa nya. Inirapan nya lang iyon at saka sya nagpatuloy sa paglalakad.

+

Sa restroom naman kung saan nagtuloy ang grupo ni Corine after ng engkwentro kay Ysa.

"Im warning you Corine, the next na makita ko yung girl na yon and sinagot nya ako ulit ng ganon.. " gigil pa rin na sabi ni Bea.

"Will you shut up Bea! She's a new comer, she doesnt even know who you are, so stop making it an issue!" naasar naman na sabat ni Mildred, ang isa pa nilang kasama.

"You shut up! Palibahasa hindi ikaw ang nabastos ng ganon kaya nasasabi mo yan! If I know, kung ikaw ang ginanon baka sinabunutan mo na sya!" nanggagalaiti nitong sabi kay Mildred.

"well Im sorry, but Im not like you!" mabilis na sagot ng isa at saka pumasok sa isa sa mga cubicle.

"and what are you trying to say?!" galit ni Bea.

"Nothing.. Im Just expressing myself.."parang nangaasar pang sabi ni Mildred.

Habang nasa loob naman ng cubicle si Mildred ay sinamantala ni Corine ang pagkakataon para pagtripan si Mildred, sinenyasan nito si Bea na wag maingay at saka tinuro ang pintuan, nakuha naman ni Bea ang ibig sabihin ni Corine at saka dahan dahang lumabas ng Restroom at saka sinara ang pinto.

Sa loob naman ay kinabahan na si Mildred ng biglang tumahimik, alam kasi nya na napagtripan na naman sya ng dalawa.

"Ayan na naman kayo guys! Lagi nyo na lang ako pinagtritripan, ngayon pa kayo sumabay, alam nyo naman na masama ang tiyan ko!" natatakot na daing ni Mildred.

Sa labas naman ay tuwang tuwa ang dalawa sa kalokohan nila, lalo na at pinagsisigawan ni Mildred na nage-LBM siya.

"Anong ginagawa nyo diyan Ms. Rivera, Ms. Joson?!" sita sa kanila ng kadadaan lang na Dean ng kanilang college.

"NagC.R lang po Dean Aruello.." sagot naman ni Corine na pigil pa rin ang tawa.

"Sa c.r na yan?"sabay turo sa pintuan ng restroom."Diba mahigpit na pinagbabawal ang pag-gamit ng cr na yan!" galit na sabi nito.

At saka pa lang naalala na ang cr pala na pinuntahan ay ang kilalang haunted restroom sa campus.

"Naku ma'am, hindi po namin pansin" palusot ni Bea.

"wala ba kayo klase, diba Miss Rivera,dapat nasa klase ka ni Mrs. Del Mundo as of this moment?" usisa nito.

"Yes, Ma'am, papasok na nga po kami ni Bea" palusot ni Corine.

"Hinhintay lang po namin si..." hindi na natuloy ni Bea ang sasabihin dahil siniko ito ni Corine.

"Papasok na po kami Ma'am" paalam ni Corine at saka hinila na paalis si Bea.

Tinanaw lang ito ng Dean at saka lumakad na rin.

Sa loob naman ng cr ay abot abot ang dasal ni Mildred, gustong gusto na nyang umalis doon pero sadyang sira lang ang tiyan. Maya maya pa ay may narinig syang mga yabag. "Sino yan?!" takot na tanong nito, pero wala syang narinig na sagot, bagkus ay patuloy ang mga yabag, palapit ng palapit. "Corine? Bea? Girls.. Wag naman kayo manakot.. Natatakot na talaga ako.." nginig na pagmamakaawa ni Mildred. 

+

"Why did you do that?!" galit na sita ni Mildred sa dalawang kaibigan na tumatawa ng makita sya.

"Come on sis, we're just having fun" nakangising sagot ni Corine.

"Fun? Muntik na akong atakihin sa puso!" sagot nito.

"But you didnt.. So ano pang pinuputok ng butsi mo diyan! Umayos ka nga! Mukha kang may LBM.." natatawang sabi ni Corine.

Tawa naman ng tawa si Bea, tinitigan ito ng masama ni Mildred, kaya tumahimik ito.

"Good Morning Class!" bati ng guro nilang si Mrs. Del Mundo na kararating lang. "Im sorry, Im 5 minutes late.." wika nito.

"excuse me po ma'am" agaw pansin ni Ysa sa guro na kakaupo lang.

"Yes?" sagot naman ng guro, pumasok sa classroom si Ysa at lumapit sa guro sabay abot ng isang papel..

Kinuha iyon ni Ms. Del Mundo at saka binasa. "So you are Maria Ysabella Fajardo" basa nito sa papel.

"OH MY GOD! Look who's here.." bulong ni Bea ng makita si Ysa.

"THAT BITCH!"asar ni Mildred.

"Classmate na natin sya, this is really excting." masayang sabi ni Corine.

"You are from Siquior.. " nadinig nilang sabi ni Mrs. Del Mundo.

"Yes ma'am.."maikling tugon ni Ysa.

"Woooohhhh, scary.. may kaklase yata tayong aswang.." biro ng isa nilang kaklase, si Yuan.

At tigas na tawanan ang buong klase lalo na ang grupo nila Corine.

"Class! Quite.. Is that the proper way of welcoming a new classmate." saway ni Mrs. Del Mundo. "Miss Fajardo, you may sit down, humanap ka na lang ng bakanteng upuan diyan" sabi sa kanya ng guro.

Hiyang hiya naman si Ysang naglakad, nakakita sya ng bakanteng upuan sa likuran kaya pinuntahan nya ito. Nang madaan sya sa pwesto nila Corine ay kitang kita nito na masama ang titig sa kanya ni Mildred, si Corine naman ay nakangiti lang ng parang nakakaloko.

"Monster.. !" parinig naman ni Bea.

Hindi nya pinansin iyon, nagpatuloy sya sa paglalakad at saka naupo sa bakanteng upuan sa may bintana.

Nagumpisa na ang klase at buong oras ng klase ay panay ang lingon sa kanya ng mga kabarkada ni Corine.

Ilang saglit pa ay may isang lalaki ang pumasok, matangkad, gwapo, at maporma, pero ang mata nito ay tila kakaiba, parang malungkot.

"O Mr. Apostol, you're so early for the next class!"sarkastikong sabi ng guro. Pero parang walang narinig ang lalaki, dire diretso ito.

Nagtama ang mata nila ng lalaking ito, palapit ng palapit sa kanya, amoy na amoy nya ang pabango nito, lalaking lalaki, hindi nya napansin na titig na titig na pala sa sya sa lalaki.

"Miss, Miss, Miss!" tawag sa kanya nito at saka sya biglang nagising.

"Ah, eh bakit?" nakangiting sabi nya.

"Ang sabi ko, thats my seat, kung hindi mo naiintindihan, iyan kako ang upuan ko!" naiiritang sabi nG lalaki at nagtawanan ang mga kaklaseng nakakarinig.

Parang binuhusan ng tubig na malamig si Ysa sa narinig, kaya tumayo ito at saka sinipat ang upuan at saka humarap sa lalaki.

"Mr. So early in class.. Wala namang pangalan mo yung upuan ah!?" mataray na sabi nito.

"Whoa!! " narinig nyang sabi ng mga kaklase.

Kitang kita nya na parang napahiya ang babae at nagulat ito ng nilapit nito ang mukha sa mukha nya, napapakit tuloy sya sa pagkabigla.

"Asa ka pa!"narinig nyang bulong nito sa kanya.

Nang marinig iyon ay tinunggo nya ito at saka kinuha ang gamit at lumipat sa ibang upuan. Tawanan naman nag mga nasa paligid.

"Lexin, baka mapikon mo yan, bigla ka na lang nyang sakmalin.." gatong naman ni Bea.

Tumingin naman si Lexin kay Bea at saka nagwika. "Close tayo? Bakit kinakausap mo ako?"

Mas malakas na tawanan ang pinakawalan sa klase dahil sa tinuran ni Lexin.

Si Ysa naman ay asar na asar sa bagong dating, kaya ng matapos ang klase nya ay dire diretso itong sa labas. 

Umakyat sya sa pinakamataas na floor ng school gang makarating sya sa rooftop, pagpasok nya pa lang ay ramdam na ramdam nya ang kakaibang ihip ng hangin, pamaya maya ay bigla na lang syang nakadinig ng yabag sa likuran nya, napalunok na lang sya sa kaba at tumindig ang balahibo nya ng may kumalabit sa likod nya..

"aaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhh!"

+ to be continue.. +

Continue Reading

You'll Also Like

256K 14K 11
This is pure fiction. Please don't make me repeat myself.
496 81 13
To all people who's suffering in a failed relationship, to those who want to exert revenge, and to those who's having a hard time forgiving the one y...
3.5K 240 22
❝ Na-seen ka na nga, itinuloy mo pa. ❞ • Buong buhay ni Andrei, nakontento siya sa pagtanaw sa crush niyang si Noah mula sa malayo. Mula first grade...
2.4M 88K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016