She's the Gangster's Bitch...

By niknicx

1.9M 29K 2K

So, you're THE GANGSTER???! Well I'm THE BITCH! I DARE YOU, to fall in love with me.... Ang storyang ito ay R... More

Important Matters
Prologue
Prologue - FULL VERSION
Chapter 1 - "The Flashback Starts"
Chapter 2 - "Meet THEM"
Chapter 3 - "First Day - Part One"
Chapter 4 - "First Day - Part Two"
Chapter 5 - "Practice? Oh ow..."
Chapter 6 - "Contest Jitters"
Chapter 8 - "Who is he?"
Chapter 9 - "Suspicions"
Chapter 10 - "She's Broken"
Chapter 11 - "Victory Party"
Chapter 12 - "Challenge Accepted"
Chapter 13 - "Bitch's Plans"
Chapter 14 - "Hello Singapore!"
Chapter 15 - "Falling"
Chapter 16 - "He likes me? He likes me not."
Chapter 17 - "Boy Next Door"
Chapter 18 - "His or His Moves?"
Chapter 19 - "Let me Court You"
Chapter 20 - "Back to School.......with HIM?"
Chapter 21 - "Tanoli 101"
Chapter 22 - "Twisted Mind"
Chapter 23 - "He's Mr. Gangster"
Chapter 24 - "Without Him"
Chapter 25 - "Revelation"
Chapter 26 - "Everything has Changed"
Chapter 27 - "Everything About HIM"
Chapter 28 - "He's Definitely my Boyfriend"
Chapter 29 - "Torn Between Two Lovers"
Chapter 30 - "Dark Agenda"
Chapter 31 - "The Hunter's Burden"
Chapter 32 - "Is it Over?"
Chapter 33 - "The Traitor"
Chapter 34 - "The Wedding"
Chapter 35 - "Her Greatest Downfall"
Chapter 36 - "Commander's Revenge"
Chapter 37 - "Jasmine on Duty"
Chapter 38 - "Her Lost"
Chapter 39 - "The Bitch is Back"
Chapter 40 - "Parting Time"
Chapter 41 - "Mr. Adriano"
Chapter 42 - "Grand Ball - Part 1"
Chapter 43 - "Grand Ball - Part 2"
Epilogue

Chapter 7 - "The Contest"

42.4K 852 151
By niknicx

Dedicated to casanovagurl dahil super natuwa ako sa comments niya dito :D Ms.casanovagurl, binasa mo yata ng dere-deretso tong story ko within a day! To the point na inumaga ka na kakabasa! Kaya alabyu naaa! :D Salamats ng sobra :D

Maki's POV

Lunes na! At anong meron ngayong Lunes? Edi ang most awaited contest ni Chester. Hahaha! Kamusta na kaya yun? Alam niyo bang pinuyat ako ng lokong yun? Madaling araw tumatawag, tapos hindi naman nagsasalita. At hindi lang isang beses niya ginawa. Tssss. Muntanga lang.

2pm ang contest, 10am palang ngayon pero nagdesisyon akong puntahan siya sa bahay nila. Syempre naman kahit ganito ako kaloko, suportado ko pa din yun. Nagdrive na ako papunta sa kanila. Tatlong araw kaming walang pasok dahil nga sa dami ng events, annually to. Sa basketball ako sumali, bukas pa naman yung game. Di na kasi ako pwede sa scrabble, ehem, well, di naman sa nagyayabang, disqualified ako dun kung sakali kasi nagchampion na ko sa international competition 3 months ago.

Nang makarating na ko sa kanila, dating gawi, derederetso akong pumasok sa loob ng bahay nila tutal kilala naman ako ng lahat ng tao dito dahil nga magkababata kami. Pumunta ako sa dining room dahil sabi nung isang maid nila Chester na nandun daw siya. At ayun nga, nakita ko siyang nakaupo sa dulo ng isang mahabang dining table, nakayuko.

"Huy par! Nandito ako, ready ka na ba sa contes--------", napatigil nalang ako at napanganga.

"G-good morning po Mrs. Adriano.", HALIMAW! May halimaw na dumating. Opo, ang halimaw na nanay ni Chester.

"What's so good about the morning?", napaseryoso talaga ako bigla. Ano ba naman to, bakit ngayon pa siya dumating. Ang alam ko nasa Manhattan siya at inaasikaso ang negosyo nila.

Siya si Mrs. Cynthia Adriano, Chester's mom. Lahat kami takot sa kanya, dahil lahat ng gustuhin at sabihin niya, kailangan masunod. Pati mga magulang namin nila Enzo at Dale, sunod-sunuran sa kanya.

"Join us, Mateo.", aya niya sa akin na kumain. Agad naman akong umupo malapit kay Chester. Ayaaaan, busog na busog pa naman ako dahil ang dami ko kinain bago pumunta dito, tapos kailangan ko pang kumain ngayon. Oh no! My abs!

"So, I'm waiting for your answer son. Is that true?", patay, ano nanaman ang nalaman nito?

"Alright, yea mom. It's true.", nakayuko pa ding sagot ni Chester. Ano ba silbi ko dito? Nafi-feel niyo ba yung tensyon na nararamdaman ko?

"My God Chester! How could you? Anong pumasok sa kokote mo at pumayag kang sumali sa pipitsuging contest na yun? At isang PROSTITUTE pa ang kasama mo! Pwede ka namang sumali sa baseball.", sermon ni tita habang hinihilot ang sintido niya. Pano nanaman kaya nalaman nito ang lahat.

"What's wrong with that mom? I just want to explore and try things I've never tried before. And she's not a prosti------"

"Cut it off. Stop lying son. Madeline told me everything.", shete. Kahit kelan talaga yung babaeng yun! Tssss.

Si Madeline Middleton a.k.a Demi po ang pamangkin ng may ari ng Fairmont University. At siya ang gusto ni tita para kay Chester. Pero eto namang si Chester, kulang nalang, isuka si Demi. Maganda naman yun eh, ang panget lang talaga ng ugali. Ow, I almost forgot, ex po siya ni Chester dahil inutos ng mama niya na ligawan to, nung highschool pa naman yun. Kaso ayun, hindi niya nasikmura, nakipagbreak din agad si Chester kahit habol ng habol sa kanya si Demi.

"You need to win, mabawasan manlang ang kahihiyan na pinasok mo. I'll be leaving later. May meeting ako sa Singapore, dumaan lang ako dito dahil nga sa nabalitaan ko. Please lang Chester, wag ka na gumaya sa kuya mong walang silbi. Ikaw nalang ang inaasahan ko."

"Okay mom. Excuse us.", tumayo na si Chester tapos ay sinenyasan akong sumunod sa kanya. Nag-bow na muna ako kay tita bago umalis, manners manlang di ba?

"I knew this would happen! Arrrrgh!", sigaw ni Chester nang makapasok kami sa kwarto niya.

Yuri's POV

Monday, Southern University Auditorium....

"If we lose, you will regret doing this Ms. Yuki.", dinuro duro pa ako ni Chad. Kadarating ko lang dito sa auditorium kung saan gaganapin yung contest. Tumakbo pa ko papunta dito dahil na-late ako dahil sa traffic. Monday kasi eh.

"Chad naman eh, promise ko gagalingan ko :))", energetic kong sagot. Di ko kasi mapigilan ang sarili kong matuwa, kinakausap nanaman niya ko! Hahahaha!

"Do it. Wag kang puro salita.", seryoso pa ding sagot niya.

"Sure Chad my loves! Tsaka nga pala, Yuri ang pangalan ko, hindi Yuki :)))", sa totoo lang wala naman talaga akong pake kahit ano pang itawag niya saken. Basta kausapin lang niya ko, to the highest level na ang kilig ko!

"M-marunong ka pa saken. Tssss.", ano daw? Hahahaha! Hayaan ko na nga kahit mukhang napilitan lang siya sa sagot niya! Yuki, kung Yuki, masaya pa din ako.

Teka, kanina lang ninenerbyos pa ko eh, pero dahil nakausap ko na si Chad my loves, kumerengkeng na ang sexy body ko! Lumakad na si Chad palayo, magbibihis na siguro. Pero kahit naman hindi na siya magpalit ng damit, grabe, ANG GWAPO pa rin niya sa suot niyang red shirt, maong pants and take note, sobrang bagay sa kanya nung beanie na suot niya! Ang hot, swear!

Pumunta na rin ako sa dressing room for girls para makapagready na rin. Magstart na kasi ang contest an hour from now. Nagbihis na rin ako at naglagay ng KONTING make up. Opo, konti lang talaga. Sinunod ko yung sinabi ni Chad na dapat simple lang ang istura ko ngayon. Minsan lang ako sumunod sa utos ng ibang tao ha! Syempre naman, Chad ko nag-utos eh :)) Simpleng white dress lang ang gold sandals ang suot ko ngayon.

[a/n:see picture sa side :))]

Sabi din ni Chad, siya na ang bahala sa props kaya hindi ko na pinroblema yun. Actually, lahat ng yan, pinasabi lang niya kay Maki. Ayaw niya talaga akong kausap, pero okay lang :) Di naman niya naiwasan na kausapin ako kanina. Hahaha! Dapat pala lagi kong inaasar yun para kausapin ako. Hahaha!

Maki's POV

Nakaupo ako dito samalapit sa stage, katabi ko si Enzo at katabi naman niya si Dale. Hinihintay nalang namin magsimula ang contest. Nakakabading man pero excited kaming mapanood si Chester. Haha! First time kaya to. May kanya kanya kaming dalang camera, hindi kami kuntento sa isa. Dapat lahat ng anggulo meron, kahit lagot kami kay Chester pagkatapos nito.

"Hellooooooo! Patabi ako ha!", tssss. Eto nanaman po si FC na walang iba kundi si Jasmine, bestfriend yata to ni Yuri, lagi niyang kasama eh.

"Sure! Dito ka oh, vacant seat.", as usual, ang babaerong si Dale ang sumagot at pinatabi pa sa kanya. Infairness ha, hindi nagpapahuli ng ganda tong si Jasmine kay Chua. Yun nga lang, iba pa rin talaga ang dating ni Chua.

"YEY! Thank you! Ang baet mo naman!", magkaibigan nga sila ni Chua. Parehong loud eh. Tssss.

Ilang sandali pa ay nagsalita na ang emcee ng event. Number 7 sila Chad kaya matagal-tagal pa rin kaming maghihintay. Nagsimula na ang contest. Karamihan puro duet, may dalawa lang na naglakas ng loob na kumanta ng solo. Nung number 5 na yung kumakanta, nagulat ako nang biglang lumapit si Chua sa tabi ko na. Anong ginagawa nito dito? Dapat nasa backstage na to eh, tsk.

"Huy Maki! Ano ulit gagawin ko? *sabay harap kay Jasmine* Hi bestfrieeeeend!", kumaway pa siya ng kumaway.

"Ano ka ba Yuri! Dun ka na sa backstage! Sundin mo nalang yung sinabi ko kanina. Basta sa umpisa daw, wag ka muna lalabas ng stage. Hayaan mo muna si Chester kumanta. Pag turn mo na, tsaka ka daw lumabas ng dahan-dahan. Gets mo ba?"

"Yun lang? Di ko kasi naintindihan kanina eh, ang gwapo kasi ni Chad nung kaharap ko kanina. hahaha! O sige, salamat Maki!", tapos nag-flying kiss pa siya sa akin tsaka bumalik sa backstage. Tsss, grabe talaga yung babaeng yun.

Nang matapos kumanta yung pair number six, biglang namatay yung ilaw sa stage. Planado to ni Chester, grabe din talaga yung utak nung lokong yun, ang daming ideas. Agaw pansin din to sa judges, pero kahit ganun pa man, kinakabahan ako, kami, dahil walang practice kahit konti yung dalawa.

"Huy Maki! Wag ka kabahan! Kahit walang practice yang dalawa, mananalo yan! Lalo na pag umatake yang bitchy power ni bestfriend! Hahahaha!"

O_______________________O

Paano niya nalaman ang iniisip ko??? Nakakatakot tong kaibigan ni Yuri! May mind reading powers? Tinignan ko lang siya kahit gulat na gulat ako. Nakangiti lang si FC na abot tenga.

Mabalik tayo, so ayun na nga, namatay na yung ilaw sa stage, tapos dahan dahan na nagkaron ng spotlight na nakatutok sa isang bench. Yung typical na bench sa isang park. Tapos sa likod, may malaking itim na kurtina na kumikinang, yung parang may mga stars ang effect. In short, ang setting nung stage, parang isang romantic na gabi sa isang magandang park.

Dahan dahang lumabas si Chester, suot ang all white na tuxedo at naglakad papunta sa bench sa gitna ng stage tsaka umupo. Hanga na talaga ko sa ideas ng lokong to.

"Hoy, mas gwapo pa rin ako kay Chester ha! Mas gwapo ako!", sabe na nga ba magrereact tong si Dale eh. Hahaha!

"Oo nalang bro!", pang aasar naman ni Enzo.

Habang nakaupo si Chester sa bench, umarte siya na parang may hinihintay. Parang naging isang stage play tuloy tong performance nila. Then with that, nagsimula nang tumugtog ang piece nila ni Yuri....

[a/n: Kung gusto niyo KILIGIN, play the song sa gilid. Yan yung piece nila. Isipin niyo nalang na boses nila yan.]

I, I have been waitin' all my life

For someone like you

Nagsimula nang kumanta si Chester at sa boses niya, talagang maraming babae ang maiinlove sa kanya. Grabe lang, alam kong marunong siyang kumanta, pero hindi ko inexpect na ganito na siya kagaling. Yung emotion na makikita sa mukha niya, parang feel na feel talaga yung kanta.

You, you make me feel like I knew

All because of you

Nung sumunod na line nung song, turn na pala ni Yuri. Nung una, boses palang niya ang maririnig dahil mejo madilim sa stage. Pero sa boses na yun, kitang kita ko ang reaction ni Chester. Gulat na gulat at napalingon sa likod kung saan dahan-dahang lumalakad papunta sa gitna ng stage si Yuri. Totoo ba tong nakikita ko sa mga mata ni Chester? Titig na titig talaga siya kay Yuri...

Gotta make this right now, baby

I come and get into your life now, baby

Kung nagulat ako sa galing ni Chester, mas nagulat ako nang marinig kong kumanta si Yuri. Grabe lang, bagay na bagay sa mukha niyang mala-anghel yung boses niya. WOW! Just WOW! Yan lang ang masasabi ko. Walang ibang tao ang maniniwala na wala silang practice kahit konti.

Nakatayo lang si Yuri sa gitna ng stage habang si Chester naman ay napatayo na rin mula sa pagkakaupo niya sa bench, nasa likod siya ni Yuri habang nakaharap ito sa audience. Si Chester naman ay nakatitig lang sa likod ni Yuri.

I can be all you want me to be

When everything's fallin', I'll still be here

If your feelin' is fadin', I'll still be waitin' for you

Only for you

Tahimik lang lahat ng tao, malamang, kung ganito ba naman kasi ang nagpeperform, talagang lahat madadala. Nang chorus na, lumapit na si Chester kay Yuri tapos kinuha nito yung kamay ni Yuri. Magkaharap na sila ngayon at titig na titig sa mata ng isa't isa. Kung titignan niyo yung dalawa, maniniwala kayong parang nagmamahalan talaga sila.

Now, now is the right time to say

The things left unsaid

We, we can make this work for love

All because of love

Ibang klase makatitig si Chester kay Yuri mula pa nung nagsimulang kumanta ito. Kahit ako na bestfriend niya simula pagkabata at kilalang kilala na siya, hindi ko malaman kung ginagawa lang ba niya to para manalo sila, o talagang napatulala siya kay Yuri. Sobrang magkalapit ang mga mukha nilang dalawa habang kumakanta, at yung mga mata nila, parang naka-glue dahil hindi maalis ang titig sa isa't isa.

I gotta make this right now, baby

I come and get into your life now, baby

I can be all you want me to be

When everything's fallin', I'll still be here

If your feelin' is fadin', I'll still be waitin' for you

Only for you

Nang malapit na matapos ang kanta, bahagyang tumalikod si Yuri kay Chester, tapos sinundan naman siya ni Chester na parang nagsusuyuan silang dalawa tsaka muling nagharap. Grabe tong dalawang to, kalalaki kong tao pero dalang dala ako sa ginagawa nila. Nang matapos ang kanta, akala ko wala nang susunod na mangyayari, pero sobrang mali ang akala ko...........

3 seconds..........

5 seconds...........

10 seconds.............

Chester kissed Yuri............

Yea, a ten second kiss just happened...

[a/n: WHEEEEEW! Tapos na ang performance nila, pero hindi ko sinabing tapos na ang contest :))) Anong mase-say niyo? Hahahahahaha! Grabe, nakakainlove si Chester! My ghaaaallly wow! Pero payo ko lang talaga, pakinggan niyo yung song nila para mas ma-feel niyo yung scene... So, till the next UD :)))]

Continue Reading

You'll Also Like

412K 2.3K 5
Every action has good or bad consequence and choosing to live or to die is not easy especially if the one you loved is involved. Zamora Series 1: Ar...
3M 98.7K 93
Si girl ay isang simpleng babae lamang. Masiyahin, matalino, mabait, palakaibigan at higit sa lahat may pagka-isip bata ito. Almost perfect na sana e...
2.6M 11.8K 5
Si Shirley Evangelista a.k.a agent Crow ay isang agent mula sa BSA. Nagpapangap itong ordinaryong studyante ng Adams University hanggang sa isang rol...
97.7K 5.5K 19
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.