THE ATTIC (completed)

By LYEOH_NORAH

7.8K 228 37

in my extraordinary eyes BOOK 1 The story of this book is all about a woman who has given a gift from a stra... More

Prologue
New home, new life, but not alone
I Can see them; I can her them; but who are they?
The dream but not a dream
Is it end here?
My new life
AUTHOR'S NOTE

Stranger: The friend of mine

801 29 2
By LYEOH_NORAH

Kinabukasan.........araw ng Linggo.

Maaga akong nagising.

Si Dianne pala sinamahan akong matulog kagabi kahit na sinabi ko naman na hindi ako natatakot pero nagpumilit syang samahan muna ako. Pinayagan ko na rin para walang makulit.

Napag-usapan namin kagabi na sasamahan niya akong mamili ngayon ng mga gagamitin ko at mga pagkain.

Ginising ko na din siya para makapaghanda at maaga kaming makapamili.

Nagpa-service na kami ng tricycle kung maghihintay pa kasi ng kasabay e matatagalan pa. Sayang naman ang oras ng pag-eenjoy.

At dahil na rin sa taga rito siya, iginala niya ako at kung saan-saan iniikot para naman daw makapamasyal  na din ako.

Grabe ang energy ng babaeng ito, parang hindi nauubusan; parang kiti-kiti na nga sa likot; parang batang ngayon lang ata nakapamasyal.

At dahil nga sa napagod na ako sa kakaikot, inaya ko na siyang kumain muna para na rin makapagpahinga ako.

''Ate, ba't hindi ka natatakot sa multo?'' Gulat ko naman sa dami ng pwedeng itanong e yun pa talagang  tungkol sa multopa.

''Hindi pa kasi ako nakakakita.''

''e kung makakita ka?... maniniwala ka na?''

Parang hinhamon ata ako nito ah?

''ewan ko malalaman ko yan pag nakakita na ako''

Bigla ko tuloy naisip yung nangyari kagabi.

''sino nga pala yung sinasabi mong Tata Rado kagabi?'' bigla kong naitanong kay Dianne.

''Kilalang albularyo sa amin yun. Mahusay talaga sya, ispiritista din yun'' sagot niya sken.

''Pa'no mo nasabibg mahusay?''

Para tuloy gusto kong makilala at makita ang taong yun. Parang gusto ko kasing makakita ng mga sapi-sapi... yung nasasapian ba?.... Feeling ko kasi arte lang yun ng iba...at sinasamantala ng mga albularyo o ispiritista.

''Bakit magpapatingin ka o magtatanong tungkol dun sa nangyari sa'yo kagabi?..... oo, sige, itanong mo ate kung totoo yung pag gutom e kinukuha ng multo yung ispiritu.'' nakakatawa talaga siya.

'' nagpapapaniwala ka sa mga yun.... hindi totoo yun... naghihintay lang ng bayad ayaw kasing magtrabaho ang mga ganong tao''

'' Hindi!... talagang magaling sya at totoo sya...promise.'' pagtatanggol pa niya. Parang pinupromote lang!

''Bakit ba parang sigurado ka?''

''kamg-anak ko kasi yun e, actually lolo ko sya.'' ah........ kaya pala ganun. Lalo tuloy akong natawa.

'' pag nakita mo sya maniniwala ka rin, nakakausap nya ang mga namatay na, nakakapaglakbay din sya sa kabilang mundo'' dugtong pa nya.

'' alam mo, kwento lang nila yun para paniwalaan sila, malay mo arte lang yun.'' biglang nalungkot tuloy ang mukha niya. ''sorrry, its just my opinion'' dugtong ko na lang para di sumama yung loob niya.

''alam ko naman yun.... pero yung kagabi kasi e....''

'' wala lang yun noh.... panaginip lang yun wag mo na isipin yun at paminsan-minsan maglalayo ka sa lolo mo masyado ka kasing naiimpluwensyahan''

''sige, sa'yo na ako lagi lalapit'' Ngek!.... nagkaroon pa ako ng alagain.... immature pa ata to e.

Pagkatapos naming kumain namili pa kami ng ilang appliances. Namili din sya ng ilang gamit nya... napansin ko lang mahilig syang mamili... hindi sya pwedeng tumira sa malapit sa mall... hehe

Habanag namimili siya, hindi ko na sya sinamahan. Inantayko na lang sya sa labas.

Namili na lang ako ng maiinom ko habang naghihintay sa kanya.

At nabangga ko ang isang matandang lalaki na halos nasa 60 anyos na. ''ay, sorry po'' Masama ang tingin nito sa akin... kahit nagsorry ako.

''alam mo lapitin ka ng hindi magagandang bagay.'' sabi nung matandasa akin. Sa dami ng sasabihin yun pa.

Ang weird ng matanda.... inisip ko tuloy kung albularyo din siya, ganun kasi di ba, ang mga albularyo weird magsalita.... pero parang hindi eh. Ang japorms niya kasi  kung pumorma.

''wag kang makikipagkaibigan sa hindi mo nakikita.'' dugtong pa ng matanda na parang may kung anong nakikita sa akin.

Tapos umalis itong pasayaw-sayaw pa. Nakatitig ako dun sa matanda habang bumibili ako ng maiinom hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.

At nagulat akong ng biglang kalabitin ako ni Dianne. ''ate, ano tara uwi na tayo.''

''mabuti pa nga.'' Nawalan na rin ako ng ganang maglibot.

Nagpaservice ulit kami pauwi madami kasi kaming dala.

''ate,gusto bang dumaan sa bahay namin?'' alok ni Dianne.

''tsaka na lang, biglang sumama ang pakiramdam ko, may nakita kasi akong weird na tao.''

Nagulat ata si Dianne sa nasbi ko. Sa totoo lang parang mas weird pa nga siya dun e,

''anong klaseng weird yung taong yun?'' sabi ko na nga ba't itatanong nya.

''wala, wag mo na pansinin''

''hmm, sige, baka gusto lang manligaw?... madami talagang weird dito.'' ngek!.... yung taong yun?... bigla tuloy akong natawa.

''bakit di mo type?''

Hindi ko na sinagot ang tanong nya, natatawa kasi ako.

Pagdating sa bahay tinulungan ako ni Dianne na iayos ang mga gamit na pinamili ko. Tuwang-tuwa talaga sya sa akin. Hindi niya magawang lumayo parang gusto na ata niyang samahan ako dito sa attic ah!  ''ba't ka ba ganyan sa akn?'' natanong ko tuloy.

''Wala kasi akong kapatid,e. gustong-gusto kong magkaron ng kapatid.'' Kaya pala.... hahayan ko na ngang ganyan sya.

Napagod kami ng husto kaya maaga kaming nakatulog. Dito na rin siya natulog sa attic. At muli narinig ko ang kagabi'y babaeng  humihimig.... yun uli ang kinakanta nya yung narinig ko kagabi. Naupo ako sa kama at dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.

''Okey, nananaginip ba uli ako?''  tanong ko sa sarili ko.

Nakita ko si Dianne na sarap na sarap sa pagtulog.

''so gising ako.....''  sabi ko uli sa sarili ko.

Pero naririnig ko uli ang awit na yun. Hinanap ko uli. Dumungaw uli ako sa bintana baka makita ko ulit siya sa labas. Pero wala siya. Pagtingin ko sa kama para sulyapan si Dianne ay nakita ko siyang nakaupo at hinahaplos ang buhok ni Dianne na wari'y pinapatulog.

''Layuan mo sya!.....'' utos ko sa kanya.

Tiningnan niya lang ako, 

''shssssssssssssss............'' yun lang ang tugon nya sa akin parang pinapahinto niya ako sa pagsasalita.

Hindi naman siya nakakatakot, sa totoo nga, maganda siya. Hindi ako natakot na kausapin siya.

''Anong kailangan mo?.... anong klaseng tao ka? at bakit sa gabi ka lang nagpapakita sa akin? ''

''gusto mong malaman?''ang lamig ng boses nya; ang sarap pakinggan. ''halika sumama ka..... may ipapakita ako sa'yo'' dugtong pa niya.

Nagdadalawang isip ako na sumama.... pero bakit parang hindi ako makatanggi, Yung katawan ko, parang kusang sumusunod sa kanya.... hindi ko makontrol.... parang hindi ko na pag-aari ang katawan ko. 

Bigla kong naisip yung sinabi ni Dianne, pag gutom kinukuha ng multo ang kaluluwa at isinasama kung saan

Gusto kong gisingin ang sarili ko kung talaga ngang tulog pa ako; pero hindi ko maikilos ang katawan ko, ni hindi ko man lang ito makurot.

Gusto ko nang sumigaw para magising si Dianne at tulungan ako pero, wala akong boses.....

Yung paa ko, kusang lumalakad ; sumusunod lang sa kanya.

Nakita kong yung paa niya nakaangat sa lupa, Nakalutang sya?!

Hindi siya humahakbang pero nakakaalis siya sa pwesto niya na parang naglalakad. Naka dress siya na puting-puti. At yung buhok nya, tuwid, makintab, madulas, parang pang-commercial,  na lagpas beywang pa. Malayo na ang nararating namin.

''Saan mo ako dadalhin?'' Tanong ko sa kanya, pero hindi niya ako nadidinig.

Bigla siyang huminto sa paglakad. Yung katawan ko,bigla ding huminto. Nakakagulat. May narinig akong mga tinig sa di kalayuan. Yun kaya ang dahilan kaya huminto siya? Lalo akong kinabahan. At nagsimulang manginig ang buo kong katawan. Gusto ko nang umalis.....

"Ayoko na!........... "Sigaw ko. Tinakpan ko ang mga mata ko. Nakakakilos na ako!

Tapos nang tiningnan ko ang paligid, wala na siya doon sa kinatatayuan niya. Iniwan niya ako sa gitna ng gubat?

Madilim.

Mapuno.

Malamig.

Nakakapangilabot.

Tatakbo na sana ako pabalik ng marinig kong ang isang sigaw.

SAKLOLO!........... 

Nagdalawang isip ako kung pupuntahan ko siya.

Boses yun ng isang babae.

Nanaig ang aking awa at konsensya sa paulit-ulit nitong paghingi ng tulong. Lumapit pa ako, at hinanap ko kung saan yun galing. Nang makita ko sa di kalayuan ang mga grupo ng mga taong nakaputing damit,  nagtago ako sa isang puno para di ako makita.

Mahigit sila sa sampu. Nakapalibot sila sa isang taong nakatalukbong ng puting tela at nakaluhod.

Bigla nilang tinanggal ang tela, at nakita ko yung babaeng sinusundan ko kanina yun yung babaeng humihingi ng tulong ngayon. Paano nangyari yun? Kanina lang ay kasama ko siya.

Matapang ang babaeng yun....hindi siya umiiyak man lang o huminmgi ng awa sa mga ito. Naisip ko, kasama ko lang sya kanina.... nahuli ba sya?.... ano ba sya? Gulong-gulo na ang isip ko. At nagpatuloy lang ako sa pagmamasid para malaman ko ang dahilan kung bakit sila andito. Kung ano ang kanilang ginagawa dito.

Gumuhit sila ng patatsulok sa lupa at sama-samang nagdasal ng ibang lengwahe nang paulit-ulit.

HINDI KAYO MAGTATAGUMPAY!..... SINISIGURO KO MAPATAY MAN NINYO AKO MAY BABALIK UPANG MAGTULOY NG MGA NAIWAN KO!........

Sigaw ng babaeng yun, matapang talaga sya, pero hindi ko maintindihan ang nangyayari. Bigla siyang inihiga sa loob ng tatsulok at tsaka pinagsasaksak ng mga nakapalibot sa kanya.

Sa sobrang takot ko tumakbo na ako palayo sa kanila.

Nanginging ang buong katawan ko na halos di na ako makatakbo.

Umiiyak na ako , madapa-dapa. Halos di na ako makahinga.

Hanggang sa may humawak sa kamay ko.

''ate gising......'' Si Dianne, niyuyugyog ang katawan ko para magising ako.

Umiiyak pa rin ako. Pagdilat ko nasa labas kami ng bahay.

''ate, nag-i-sleep-walk ka pala.'' Sabi nya.

Agad ko siyang niyakap at umiyak ako sa balikat niya.

''ano bang nagyari sa'yo?'' tanong niya.

Hindi ako makapagsalita. Inaya niya ako sa taas at pinainom ng tubig. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari. Gulong-gulo parin ako.... 

Tinanong ko si Dianne, ''nasaan ba ako?.... reality na ba ito?.... gising na ba ako?''

Hindi pa rin ako maka-get over, nanginging pa rin ang katawan ko. Parang totoo ang lahat.

''Ate, may gumagambala sa'yo..... kailangan mo ng tulong.'' Naisip ko, tama ba sya? Maniniwala na ba ako? 

2am pa lang.

Ayoko nang matulog ulit. Naupo na lang ako sa kama at Naghintay na lang akong sumikat ang araw. Pero siya, sarap pa rin ng tulog niya.

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 33.7K 32
HIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a dream that she was lost into a strange place...
1.1K 78 71
Sa mundong kinabibilangan ni Enney, hindi lamang ang mga tao ang may limitasyon sa buhay kung 'di maging ang mga namayapa na. Natuklasan ni Enney na...
234K 8.9K 33
#Wattys2020 Winner (Paranormal) Bright Kleinford Montez finds himself in a rather unusual situation--living in a world where he's completely invisibl...
63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!