burger | jimin

By heyhoshi

118K 7.1K 8.1K

Kung saan mag-aaway si Kyuri at Jimin dahil mas malaman pa daw ang abs ni Jimin kaysa sa burger na yan." (Thi... More

burger
i
ii
iii
iv
v
vi
vii
viii
ix
x
xi
xii
xiii
xiv
xv
xvi
adbays ni otor / iponing tips
xvii
xviii
δΈ€
xx
xxi
xxii
xxiii
xxiv
xxv
xxvi
xxvii
xxviii
xxix
xxx
xxxi
xxxii
xxxiii
xxxiv
xxxv
xxxvi
xxxvii
xxxviii
xxxix
epilogue
author's note
special chapter i
special chapter ii
Q&A
special chapter iii

xix

2.1K 135 199
By heyhoshi

Kyuri's POV

"Asan si Jin?!"

"Ahm..pinadala po siya sa nearest hospital dahil hindi po sapat na dalhin lamang siya sa school clinic. Malala na po ang kondisyon ni Mr. Kim. Alam niyo po ba ang kalagayan niya?" Sabi ng school nurse namin.

"O-opo..alam k-ko ho." Napahawak ako sa dibdib ko.

"Saang hospital ho?"

"Sa St. Mark."

"Sige p-po." Mabagal akong naglakad palabas ng clinic, sumunod sa akin si Jimin at tinadtad naman ako ng mga tanong ni Hoseok.

"Anong meron kay Jin? Bat siya naospital? Bakit malala daw? May sakit siya?"

"Tumahimik ka nga, pwede?"

Bakit hindi niya sinabi na bumalik yung sakit niya? Bwiset!

Paano kung may mangyari sa kanyang masama? Ang boba din ng baklang yun eh! Lihim lihim pa, parang hindi ko naman malalaman!

Kailangan ko siyang puntahan.

"Jimin.."

"Po? Okay ka lang?"

"Cutting tayo."

( masama si otor, wag tularan si otor )

****

"Walang nakakita ha?"

"Oo nga, tara."

Tumakbo kami ni Jimin papuntang sakayan, malayo-layo na kami ng may sumigaw.

"MGA PAKYU KAYO! DI AKO INIMBITA!"

Lumingon kami at nakita si Ella na hingal na hingal. Nagcutting din ang gaga.

"Papahuli ba ako? Swaeg." Sumunod naman sa likod niya si Yoongi.

"Sumunod ka?!" Binatukan ni Ella si Yoongi.

"Eh sa gusto ko magcutting eh! Matutulog lang naman ako sa klase. Hehe, sorry na."

"Ona ona! Oh, tara na, anong tinutunganga niyo diyan?"

Tumakbo na kaming apat sa sakayan, habang si Yoongi at Jimin, naglalandian because YoonMin is real.

Dejoke lang, ayun, tinadtad din kami ng tanong.

"Bakit inatake si hyung?"

"Bakit hindi kaya ng clinic? Malala ba?"

"Bakit tayo nagcutting?"

"Bakit ang gwapo ko?"

Sinagot namin ang tanong nila habang papunta sa sakayan.

"Kailangan ko ng tubig, nauuhaw na ako." Pinaypayan ni Ella yung sarili niya.

"Bakit, kailangan ka ba niya? Huwag mong hingin ang isang bagay na ayaw naman sa'yo, masasaktan ka lang."

Sinipa ni Ella si Yoongi sa ano niya..

Sa tuhod.

Dahil nauuhaw na rin sila kasi tirik na tirik ang araw, bumili sila ng mineral water. Ako, okay lang ako. Ang inaalala ko lang naman ngayon si Jin eh.

"Bilisan niyo nga." Utos ko habang nakapamewang sa sidewalk.

Habang nasa loob sila ng 7-11, napatingin ako sa kabilang side ng kalsada saka nanlaki ang mga mata ko.

Tumigil ako sa paghinga at napanganga ng bahadya. Nakalimutan kong huminga kaya natumba ako tapos namatay. Tanga ko eh. The End.

Dejoke, medyo nagulat lang ako sa nakita ko.

Si mama? Kasama si papa? Imposible.

Napa-iling na lang ako bago magkamot ng mata. Kung ano ano na namang nakikita mo, Kyuri.

Pagdilat ko, nandun pa din sila. Natakot na ako. Napagdesisyunan kong dahan dahang pumunta papalapit sa kanila. Nagdadahandahan din ako kasi baka makita nila ako.

"Oh tara--KYURI!"

*screech* (sound effects yan wag kayo)

Napaupo ako sa kalsada ng hilahin niya ako para maiwasan yung kotse.

"KUNG MAGPAPAKAMATAY KA, DUN KA SA TULAY!"

"SIGE KUYA GAGAWIN KO, IDEMONSTRATE MO MUNA! HMP!" Nagpagpag ako ng likod at nagulat ng wala na sila mama at papa sa kabilang kalsada.

Sabi na Kyuri eh.

"Jimin salam--Yoongi?"

Tinignan ko lang si Yoongi na nakahawak sa braso ko. Siya pala yung humila sa akin..akala ko si..

Napatingin ako kay Jimin na nakatitig lang sa kamay ni Yoongi na hawak yung braso ko.

His eyes were flaming with jealousy.

Binitiwan lang ako ni Yoongi nung nagsalita na ako.

"Anyare?" Lumabas si Ella galing convenience store na may hawak na malaking Doritos.

"W-wala." Napa-iwas ng tingin si Yoongi at lumapit si Jimin sa akin.

"Okay ka lang? May masakit ba sa'yo?" Umiling lang ako bago ngumiti. Niyakap na lang ako ni Jimin at nag-sorry siya dahil hindi niya daw ako nahila.

Nakita ko..

Kung anong nakita ko sa mata ni Jimin kanina nung hawak ni Yoongi yung braso ko..ganun yung mga mata ni Yoongi ngayon.

Nakatitig lang siya sa amin, bago siya pukpukin ni Ella ng mineral water sa ulo.

"ISIS ka ba? Sabog ka na naman eh." Umirap si Ella bago kumain ng chichirya niya.

Tumuloy na kami para pumunta ng St. Mark.

Sana hindi tama ang kutob ko..

****

"Mr. Kim is assigned at Room 12 po."

"Sige miss, salamat."

Hinanap agad namin yung room 12. Pagpasok namin, nakita namin si Jin na nag-ttwerk.

Dejoke.

Nakahiga sa kama, napatigil na lang ako ng nakita ko kung gaano siya naghihirap sa sitwasyon niya ngayon. Hindi ko na napigilang umiyak.

Umupo ako sa tabi niya. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito pero ayokong mawalan ng bestfriend ulit.

Suddenly, pumasok yung doctor ni Jin. Doctora pala.

"Ka-ano ano niyo po ang pasyente?"

"Kaibigan po." Sagot ni Jimin.

"I just want to say na malala na ang asthma niya. Dumagdag pa ang panibagong komplikasyon niya sa puso. In short, bawal sa kanya ang malalalang emotions. Kahit sobrang saya, hindi pwede."

"Doc, magigising naman po siya diba?"

Tinanggal ni Doctora yung salamin niya.

"I'm sorry to say but we are not sure about that."

Biglang pumasok si Justin Bieber at kumanta ng What Do You Mean?

"His heart is very fragile. For now, only the machines around him are keeping him alive. May I know po kung kilala niyo ang mga magulang ni Mr. Kim?"

Tinawagan nila Ella sila Tito at Tita habang ako, hindi pa rin makapaniwala.

Kung kaya ko lang ibigay yung buhay ko, gagawin ko.

Lumabas si Doctora. Nagpaalam naman si Ella na bumili ng makakain namin. Inutusan ko si Yoongi na samahan si Ella, delikado na.

Napasandal ako sa pader bago takpan ang mukha ko.

Hinila ako ni Jimin papalapit sa kanya bago ako yakapin.

"I don't mean to spoil everything for you but in the end, everything's gonna be alright."

****

Ginawa ko naman lahat.

Ginawa ko lahat lahat ng makakaya ko. Nagdasal ako. Hindi na ako pumasok ng tatlong araw para lang bantayan si Jin.

Pero sadyang ayaw sa akin ng daigdig na to.

"Okay lang ako, promise."

[ kung gusto mong pumunta ako diyan, sabihin mo lang ha? bye i love you ]

"I love you too."

Binaba ko na yung tawag kay Jimin.

Nandito pa din ako sa ospital. Araw araw akong bumibisita. Still, hindi pa din siya nagigising.

Wala dito ang magulang niya. Ako pa lang ang nagbabantay.

Umupo ulit ako sa tabi niya. Nakatitig sa mukha niya.

"Hoy, bading. Tamad tamad mo talagang bwiset ka, ayaw pa bumangon."

Naintindihan ko naman eh. Hindi na kaya ng puso niya. Pero alam kong lumalaban siya. Alam ko.

"Oy, gising na. Pabebe pa eh."

Huminga na lang ako ng malalim bago pakielaman yung mesa na nasa gilid. Magbabasa sana ako ng magazine, kaya lang nakita ko yung bag ni Jin.

Sadyang wala ba akong respeto para pakielaman yung bag niya?

Mga notebooks, libro, saka ballpen lang ang laman. Maliban sa isang bond paper na nakatupi sa likod.

Binuksan ko at nagulat ng makita ko ang pangalan ko.

February 13, 2016

Dear Kyuri,

Yuck may lovelife na si gaga. Hoy, naging kayo na ni Jimin kahapon. Bwiset, sa akin lang siya, alam mo yun? Joke lang Namjoon, labyu. HAHAHA. Bakit ba ako nagsusulat? Kasi..ang ganda ng sulat ko today hihi. Ibibigay ko ba to sa'yo? Wag na. HAHAHA.

Sa 16 taon ng buhay mo, sa wakas may boyfriend ka na. Happy for you. Seryoso. HAHAHA! Walang kalimutan ha. Tuwang tuwa ako nung nalaman kong kayo na eh. Biruin mo may nagtiyaga sa mukha mong yan? Siguro wala na siyang choice. Joke lang. HOY PAKYU ANG SAYA KO PROMISE. Mas masaya pa nga ata ako kaysa sayo. Alam mo kung bakit? Kasi may nagmamahal na sa'yo kagaya ng pagmamahal ko sa'yo. Oh diba? Kilig naman pepe mo.

Mahal na mahal kita, gaga! Lagi akong nandito para sa'yo. Malapit na birthday mo oh! Syempre lilibre mo ko, diba? Haha! Thank you sa lahat :--) Hinding hindi kita iiwan kagaya ng iba diyan.

Nagmamahal,

Dyosang Jin

Tinupi ko yung letter bago punasan yung luha ko. Lumapit ako at niyakap siya. Syempre hindi mahigpit.

"Mahal din kita, gago. Gising na."

Umupo ako.

Pero..

"J-jin?"

Napatayo ako at nagtatatakbo sa labas para humanap ng doctor.

Agad silang pumasok sa loob, papasok din ako kaya lang pinigilan ako ng nurse.

"Miss, hindi po kayo pwede dito sa loob, paki-antay na lang po."

Hindi pwede!

Napaupo ako bago napaiyak.

Jin, hindi mo ako iiwan diba?

****

Natandaan niyo pa yung clue ko dati kung ano yung paparating? Hehe :--)

*flashback*

Clue: Lights off :--)

*flashback end*

Labyu all, kayo na humusga.

Continue Reading

You'll Also Like

16.6K 655 33
Jion is a long time fansite noona or known as "97DegreeJK" to her co-fansites. Wala siyang hinangad kundi ipamahagi ang mga litratong magpapasaya sa...
258K 9.9K 62
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.
518K 11.8K 32
WARNING: THIS IS A TAGALOG FF WGM Directors will choose their new WGM couples And they choose one of the BTS members Which is JUNGKOOK Masaya ka dahi...
9.1K 771 39
TAGALOG TO! Para 'to sa PH ARMYs out there! KABALIWAN HAHAHA This book consists of Bangtan's Scenarios and craziness. Scenarios are mine guys! Magp...