Dispareo (PUBLISHED UNDER PSI...

By Serialsleeper

9.3M 392K 274K

"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa... More

Prologue
I : The Missing Ones
II: What's going on?
III : The biggest skunk
IV: Left Behind
V: Remnants
VI : No way out
VII: Three Days Ago
VIII: Dead Ringer
IX: Beneath the seams
X: Lucid
XI: A promise to keep
XII: Camouflage
XIII: What we had
XIV: What destroyed her
XV: The Last Supper
XVI: Home Invasion
XVII: To love and protect
XVIII: Dazed and Torn
XIX: Whatever happens, whatever it takes
XX: The worst kind of skunks
XXI: Nothing but a broken heart
XXII: Promises we can't and can keep
XXIII: Amelia
XXIV: Hitting all the birds with a deadly stone of revenge
XXV: Sacrificial Lamb
XXVI: Make a wish
XVII: For the greater good
XVIII: 778
Epilogue
Note
DISPAREO 2 : Prologue
I : Aftermath
II : Weakling
III : Paranoia
V : Something's wrong
VI : Consumed
VII : What's real and what's not
VIII : Dead Girl Walking
IX : Discrepancy
X : Cielo's Labyrinth
XI : If I were you, I'd run like hell
XII : Someone to fear
XIII : Unlawful
XIV: Yet another bloodshed
XV : Waldo
XVI : Houston, we have a problem
XVII : Not so lucky
XVIII : Hell and help
XIX : Believe me, he's evil
XX : Dazed and torn
XXI : Upper hand
XXII : Protagonist Problems
XXIII : Speechless
XXIV : To love and protect
XXV : Villainous
XXVI : Fear came true
XXVII : The Plot Twist
XXVIII : 778
Epilogue
Note
DISPAREO 3 : Prologue
I : No place for 778
II : In memories of her
III : Rise of the body snatchers
IV : The death of another
V : Pay Attention
VI : Snooze
VII : Never thought i'd ever
VIII : For the greater good
IX : A promise to keep
X : The things we do
XI : Prove me
XII : The thing about protection
XIII : Transparent and Apparent
XIV : In for a surprise
XV : The Return
XVI : The Closure
XVII : Here comes Dondy
XVIII : 778
EPILOGUE (Part 1 of 2)
EPILOGUE (PART 2 OF 2)
Commentary
Special Announcement:
Dispareo Trilogy

IV : Stakeout

89K 4.2K 1.7K
By Serialsleeper

CHAPTER IV: STAKEOUT

DANA'S POV


"Oy ikaw, asan ID mo?"


Natigil ako sa paglalakad at para akong nagising sa reyalidad. Sa tagal kong nag-aaral dito sa Drayton, ito ang unang pagkakataon na hinarang ako ng guard bago makapasok sa campus.


Nanatili man akong nakatitig sa sahig, napahawak naman ako sa dibdib ko at napagtanto kong ako nga ang sinisita campus security guard. Asan ang ID ko? Malay ko ba, di ko nga suot diba?—Hay, ang sarap mamilosopo kaso asan ang saysay ng pinag-aralan ko kung magiging bastos ako sa guwardyang gumagawa lang ng tungkulin niya?


Imbes na magtaray o mamilosopo, napabuntong-hininga na lamang ako at ngumiti ng tipid.


"Pasensya na po, hindi ko lang siguro—" Napasinghap ako sa gulat at napaatras.


"No! No! Mang Boris 'wag!"

Lumingon siya sa direksyon namin habang may ngisi sa kanyang naaagnas na labi. Tila ba nanunuya pa ito habang unti-unting iniaangat ang lupaypay na katawan ni Shem sa pamamagitan lamang ng paghawak ng ulo nito.

"Shem! Shem!!"

Gamit ang dalawang malalaking kamay, hinigpitan niya nang hinigpitan ang pagkakahawak sa ulo ni Shem hanggang sa umabot sa puntong pinipiga na niya ito.


"Hija okay ka lang?"


Napakalaki ng pangangatawan, kayumanggi ang balat, may kahabaan ang buhok at may pag-aalala sa kanyang pagmumukha. Ito ang Mang Boris na kilala namin mula noong highschool pa pero matapos ang mga nangyari, hindi ko na rin mapigilang matakot sa kanya.


Nakalimutan kong dito nga pala nagtat-trabaho si Boris paminsan-minsan, ito rin siguro ang dahilan kung bakit ayaw nang pumasok ni Shem.


"Hija namumutla ka? Okay ka lang?" Muli niyang tanong nang hindi ko masagot ang tanong niya.


Tumango-tango na lamang ako at napasulyap sa mga kamay kong nanginginig, "Uuwi nalang po ako."


"Naku 'wag na nga lang, pumasok ka na. Sayang naman ang pamasahe mo. 'Wag mo lang sasabihin na pinapasok kita." Nakangiti niyang sambit sabay kamot sa ulo niya kaya matapos magpasalamat ay dali-dali na akong pumasok at hindi na lumingon pa dahil alam kong maalala ko lang sa kanya ang labis na takot at kapahamakang dinanas namin sa kamay niya.


***


Pagbukas ko pa lamang sa pinto ay agad na akong sinalubong ng tingin ng lahat ng mga kaklase kong nasa kani-kanila nang mga booth at suot-suot ang mga headphones.


"Glad you could join us young lady." Sarkastikong bati sakin ng teacher kong matandang babae sa pagpasok ko pa lamang sa speech laboratory.


"Sorry ma'am." Binalewala ko na lamang ang mga tingin nila at agad inakyat ang maliit na hagdan patungo sa booth kong nasa pinakadulong bahagi ng silid.


"Bwisit." Idinaan ko na lamang sa pabulong na mura ang inis nang makapuwesto na ako sa booth at maisuot ang sarili kong headphones. Kinuha ko ang libro ko at binuklat ang pahina kung saan nakaipit ang bookmark ko kaso hindi ko na alam saang paragraph ang kasalukuyang binabasa ng guro namin. Napatingin ako sa katabi kong mga booth, gusto kong magtanong kaso wala palang katao-tao rito at nag-iisa lang ako dito sa dulo ng silid. Mas mabuti narin siguro 'tong mag-isa lang ako para wala nang rason para mainis ako lalo.


Hirap akong makausap ang mga nasa harapan ko dahil narin sa distanya ng mga booth namin kaya pinakinggan ko nalang ng mabuti ang binabasa ni ma'am nang sa gayon ay mahanap ko ang paragraph at makasabay ako sa kanila sa pagbabasa.


Pinapakinggan ko nang mabuti ang mga lumalabas na salita mula sa headphones ko nang bigla kong marinig ang isang kakaibang tunog kasabay ng boses ng teacher ko—Bakit ganun? Bakit parang may naririnig akong umiiyak?


Binuksan ko ang maliit na panel na nakalagay sa mesa ko at gamit ito ay nilakasan ko ng maigi headphones ko. Nilakasan ko ito ng nilakasan ngunit habang tumatagal ay unti-unting nawawala ang boses ng teacher ko at mas lalo pang lumalakas ang iyak na naririnig ko.


Hinawakan ko ng maigi ang headphones at mas lalo itong idinikit sa mga tenga ko. Oo nga't kinikilabutan na ako dahil sa naririnig kong iyak pero may kakaiba lang talaga rito... para kasing may naririnig rin akong boses, parang may bumubulong na ewan pero hindi ko ito lubos maintindihan.


"Kinalimutan mo na ba ako? Ba't mo ako pinabayaan?"


Otomatiko kong natanggal at naihagis ang headphones kasabay ng pagbalikwas ko. Umiiyak man siya ng labis, dinig at labis kong naiintindihan ang bawat salitang sinabi niya. Ang boses na iyon, kilalang-kilala ko ang boses na iyon.


"Dana bakit? Naging mabuting kaibigan naman ako sa'yo diba?" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses niyang bumubulong sakin... bumubulong sa mismong tenga ko.


"Cielo?" I clutched my chest with my trembling hand as tears began to fall from my eyes.


"Pinabayaan mo ako! Wala kang kwentang kaibigan!" Sa isang iglap ay binaha ng sigaw at palahaw ang pandinig ko. Para akong nalulunod sa sarili kong pag-iisip, para akong masisiraan ng bait sa dami ng bulong at sigaw na rumerehistro sa pandinig ko at iisa lang ang nagmamay-ari nito.


Napasulyap ako sa salaming nasa harapan ko at nakita ko si Cielo. Umiiyak siya habang nasa tabi ko, paulit-ulit siyang sumisigaw sa mismong tenga ko, nakatigilid man ay kitang-kita ko ang matinding galit sa mukha niya.


"Tama na! Cielo tama na!" Napahagulgol ako't napatakip sa tenga ko. Paulit-ulit akong umiiling-iling at nagpupumiglas kasabay ng lalo pang paglakas ng boses ni Cielo. Labis akong nataranta, paulit-ulit akong napapahampas sa ulo ko. Gusto kong mawala ang boses na naririnig ko ngunit hindi ko alam paano.


Pinagtitinginan na ako ng lahat ng mga kaklase ko, ang ilan sa kanila ay labis na naguguluhan samantalang ang ilan naman ay para bang labis ang pag-aalala sa akin. Gumagalaw ang mga labi nila, para silang may pilit na sinasabi sa akin ngunit hindi ko ito naririnig dahil sa boses ni Cielo na patuloy paring bumabaha sa pandinig ko.


Sinubukan kong tumayo ngunit dahil sa labis na pagkataranta ay natisod ako sa upuan at bumagsak sa sahig.


"Cielo tama na!" Rinig na rinig ko parin ang boses ni Cielo kaya naman napatili na lamang ako ng paulit-ulit. Pinilit ko ang sarili kong tumayo ngunit bago ko pa man ito magawa ay bigla na lamang may napakalamig na kamay na humawak sa akin.


Lalo pa akong napatili nang makita ko ang isang batang babaeng nakaupo sa mismong ilalim ng mesa ko. Duguan siya, may mga latay sa balat, at napakarungis. Napakahigpit ng hawak niya sa kamay ko at parang wala siyang balak na bitawan ito. Para siyang galit, galit na galit sa akin.


Namalayan ko na lamang na inaalalayan na akong makatayo ng mga kaklase ko at pati narin ng guro ko. Pare-pareho silang nag-aalala at napakaraming tanong ngunit imbes na mapasagot ay muli akong napasulyap sa batang babaeng nasa ilalim ng booth ko. Andoon parin siya na para bang nagtatago, ilang sandali pa ay itinaas niya ang daliri niya at idinampi ito sa labi niya. Galit siya at para bang inuutusan akong 'wag magsasalita.


Tuluyan akong kumaripas ng takbo nang tuluyan kong mapagtanto ang katauhan ng bata... ang batang kasabay kong lumaki at halos itinuring ko nang kapatid.


***


THIRD PERSON'S POINT OF VIEW


"Wena, pangako uuwi ako bago ang birthday mo." Puno man ng paniniguro ang boses ng binatang si Axel, bakas naman ang pagkabalisa sa maamo nitong pagmumukha.


"Yung babaeng 'yon na naman diba kuya? For God's sake you don't even know that—" Hindi na pinakinggan pa ni Axel ang mga sumunod na sinabi ng kapatid at agad na itong binabaan ng telepono.


Napabuntong-hininga na lamang si Axel at itinago ang cellphone sa loob ng kanyang bulsa. Dahil mag-isa lamang siya sa loob ng isang sasakyan, dahan-dahan na lamang niyang isinandal ang pagmumukha sa manibelang nasa kanyang harapan.


Nasa kalagitnaan na siya ng kamalayan at tulog nang bigla na lamang may kumalampag sa salamin ng sasakyan dahilan para agad siyang mapaupo ng maayos saka mapasulyap sa kanyang tabi.


Tila ba tuluyang nawala ang antok ni Axel nang mapagtanto kung sino ang nakatayo sa labas ng sasakyan at nakatingin sa direksyon niya habang may ngisi sa pagmumukha.


"Wacky?" Pagmamaang-maangan ni Axel habang nakangiti at agad niyang inirolyo pababa ang bintana.


"Sinasabi ko na nga bang ikaw yan eh! Pre musta na? Anong ginagawa mo dito sa University? Diba hindi ka naman estudyante dito?" Nakangising sambit ni Wacky sabay sandal sa pinto ng sasakyan. Masigla man ang boses, bakas naman ang pagiging sarkastiko nito.


"Gusto ko lang sanang makausap si Dana." Tipid na sagot ni Axel.


"Gusto mong makausap? Eh hindi ba't kagagaling mo lang sa bahay nila nung isang araw? Araw-araw ka ring andito sa parking lot at nagtatago lang sa sasakyan." Muli, sarkastikong sambit ni Wacky ng may ngisi sa kanyang labi. Sa tono pa lamang ng pananalita at tingin, animo'y may halo na itong pagbabanta sa binatang si Axel.


"Dami mo talagang alam, inuman tayo minsan, isama mo si Church." Tugon na lamang ni Axel na gumaganti rin ng ngisi at hindi nagpapatinag sa kahit na anong kilos ng binata. Ngunit kahit mistula mang kapante, pasimple paring nakahawak si Axel sa baril na nasa kanyang bulsa.


"'Wag na, kayo nalang ni Raze tutal kayo naman ang laging magkasama dito at nagmamanman. Paki kamusta ako sa kanya. Nga pala, ingat-ingat ng konti sa ginagawa, baka kasi mamaya kung ano pang mangyari sa inyo." Sabi pa ni Wacky at agad na kumaway bilang pamamaalam.


Nang tuluyang maglakad si Wacky papalayo mula sa sasakyan ay agad na nawala ang ngiti sa mukha ni Axel at tuluyan nang bumakas sa pagmumukha niya ang matinding pagkamuhi. Si Wacky naman ay nanatiling nakangisi kasabay ng muling pagiging purong kulay itim ng kanyang mga mata.


****


"Si Dana?" Tanong ni Axel nang makabalik si Raze at tuluyang makabalik sa sasakyan.


"Nasa clinic, wala paring malay. Nag-hysterical daw habang nasa speech laboratory sila, paulit-ulit na sinisigaw ang pangalan ni Cielo at parang takot na takot." Problemadong sambit ni Raze na labis ang pag-aalala sa kababata.


"Kailangan na nating umalis at baguhin ang plano. Alam na niyang minamatyagan natin siya." Tahasang sambit ni Axel at agad na pinaandar ang sasakyan.


"Sino? Si Wacky?" Nagulat at naguluhan si Raze.


"Si Astaroth." Giit ni Axel.


END OF CHAPTER 4!

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Continue Reading

You'll Also Like

21.6M 751K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...
Pagsamo By Señorita M

Historical Fiction

73.2K 523 4
In the Filipino town of Santa Crusiana, a young man named Leonor marries a woman whose head has been torn off from an old photo. Within the Seguismun...
KAHIMANAWARI By talesofdemi

Mystery / Thriller

1.7M 67.5K 44
When Saru finds out about her twin sister's mysterious suicide, she assumes her sister's identity to uncover the truth. ***** Saru Sumiyaya...
6.1M 204K 110
AlphaBakaTa Trilogy [Book2]: The Return of ABaKaDa (Reviving the Dead) Sulitin ang mga oras na nalalabi sa 'yo. Malay mo, ngayon na pala ang oras mo...